Submitted by Internasyonalismo on
Maraming nagsasabi na ang nasyonalismo angsolusyon sa paghihirap ng bansang Pilipinas. Ayon sa kanila, “si GloriaArroyo ay hindi makabayan kaya nagdurusa ang mga Pilipino.” “Si GloriaArroyo ay tuta ng imperyalistang Amerika kaya naghihirap ang masa.”
Ito ay linya hindi lamang ng mga Maoista kundi pati na rin ng mgamakabayang negosyante at propesyonal. Kaya naman marami sa panggitnanguri ang nakumbinsi ng Maoismo sa “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong Amerika”. Hindi kataka-taka kung bakit ang CPP-NPA ay labis-labis ang pagkahumaling sa“anti-imperyalismong Amerika” na simula noong panahon ni Marcos ay lagina lang nakakabit ang “US” sa bawat panawagan nila na ibagsak anggobyerno (diktadurang US-Marcos, rehiming US-Aquino, US-Ramos, rehiming US-Estrada at rehiming US-Arroyo).
Wala itong kaibahan sa sinabi ng isang tanyag na burges na politiko, si Manuel Quezon, noong panahon ng kolonyalismong Amerikano bago pumutokang Ikalawang Digmaan ng mga katagang kahalintulad nito, " I prefer a government run like hell by Filipinos to a government run like heaven by Americans." Subalit pagputok ng Ikalawang Digmaan lumitaw ang kulay ni Quezon. Sumama siyang lumikas patungong Amerika. Ganito din ang linya ni dating pangulong Carlos P. Garcia, ang kanyang “Filipino First Policy".
Ano ang nangyari sa bansa mula noon? Alam na nating lahat. Subalit kung ang CPP-NPA ang tatanungin, sila ay mga peke na makabayan dahil tuta sila ng imperyalismong Amerika. Possible pa ba ang “malayang Pilipinas” sa panahon ng lubusang kontrol ng mga imperyalistang bansa sa buong mundo? Kung makahulagpos ba ang Pilipinassa mga “kuko ng agila” ay hindi siya mapunta sa mga “pangil ng tigre”?
Sa panahon na nilamon na ang buong mundo ng nabubulok na kapitalistang sistema kung saan wala ng bansa ang makaligtas sa nakamamatay’ng lasong nalalanghap sa kabulukan nito, imposible na ang malayang bansa. Mahirap itong paniwalaan pero tingnan na lang natin ang katotohanang nangyarisa mga bansang nakibaka para sa “kasarinlan” pagkatapos ng Ikalawang Digmaan:
- Sa Gitnang Silangan, nakipaglaban ang Zionistang Israel sa sinusuportahan ng Britanya na mga hukbong Arabo. Ang armas ng Israel aygaling sa Rusya at Sekoslobakya. Subalit bigo ang imperyalismong USSR na makuha ang Israel. Pumasok ang Israel sa sapot ng imperyalismong USA. Mula noon, ang pakikibakang Palestino laban sa Zionismo, na dati ay nakasandal sa imperyalismong Briton at Aleman ay napilitang pumunta sa mga imperyalistang kalaban ng Amerika at Israel: Ehepto, Sirya,Sawdi Arabya, Rusya, Tsina.
- Sa Byetnam, tinulungan niHo Chi Min ang Pransya at Britanya na talunin ang Hapon; pagkatapos, sa ilalim ng suporta ng Rusya at Tsina tinalo niya ang Pransya at Amerika.
- Sa Kyuba, umalis si Castro sa sapot ng Amerika at napunta sa pangil ng imperyalismong Rusya.
- Sa Tsina, kumawala sa pangil ng Rusya nadagit naman ng kuko ng Amerika. Pero tapos na ang “Cold War”. Wala naang “Bipolar World”. Amerika na lang ang natatanging “pulis” sa mundo. Kaya kung makalaya ang Pilipinas sa imperyalismong Amerika ay totoong maging malaya na siya. Ganun ba?
Hindi lang ang Amerika ang imperyalista sa mundo. Nariyan ang mga lumang imperyalista – Pransya, Britanya, Alemanya, Hapon, Rusya – at iilang gustong maging kasing-imperyalista nila – Tsina, Kyuba, Beneswela, Israel, Sirya, Iran, Hilagang Korya at iba pa.
Bumahang dugo sa buong mundo. Dugo na mula sa milyun-milyong manggagawa at maralita dahil sa imperyalistang gera. Ang lahat ng ito ay sa ngalan ng nasyonalismo at “pagmamahal sa bayan”.
Sa Pilipinas, hindi ba ninyo napapansin na paparami ang mga negosyanteng Tsinoy at Pinoy ang bukambibig na modelo ang Tsina at Byetnam sapag-unlad ng bansa? Katunayan, labas-pasok na sila sa mga bansang ito, hindi lang nag-aaral kundi nag-nenegosyo na rin! Hindi ba ninyo alam nalumalandi si GMA sa Tsina kaya nagselos ang Amerika? Ang Tsina at Byetnam ba ang modelo ng mga makabayan nating kapatid? Hindi naman siguro.
Para sa manggagawa, uunlad ang bansa kung madudurog ang pandaigdigang sistema ng sahurangpang-aalipin. Aasenso tayo kung palakasin ang makauring laban hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil ang paglaya ng uring manggagawa ay makakamit lamang kung lubusang mawasak ang imperyalismoat kapitalismo sa internasyonal na saklaw.
Makauring kamulatan at pakikibaka hindi makabayang kilusan ang makaahon sa atinsa kahirapan. Ang pagkakaisa ng manggagawa at sundalo sa ganitong labanang makapangyarihang pwersa laban sa lahat ng mapagsamantala.