Published on Internasyunal na Komunistang Tunguhin (https://fil.internationalism.org)

Bahay > Internasyonalismo - 2020s > Internasyonalismo - 2025

Internasyonalismo - 2025

  • 7 beses nabasa

Rubric: 

Ang Bagong Kaguluhan sa Mundo at ang papel ng mga rebolusyonaryong organisasyon

  • 10 beses nabasa

Ang eleksyon kay Trump sa USA ay malinaw na nagmarka ng isang panibagong hakbang sa pagdausdos ng kapitalismo tungo sa pagkabulok at kaguluhan. Ang makasaysayang diborsyo sa pagitan ng USA at Europa at ang 'Digmaan saTaripa' na isinasagawa ngayon ay parehong mga produkto ng, at aktibong mga salik sa, tendensya ng 'bawat tao-para sa kanyang sarili' sa internasyonal na relasyon. Pareho itong magpapalala sa pandaigdigang krisis sa ekonomiya at magpapaigting ng pagsulong tungo sa militarismo at digmaan.

Ang mga rebolusyonaryong organisasyon ay nahaharap sa lumalaking responsibilidad pareho para suriin ang direksyon ng mga pandaigdigang pangyayari at ipagtanggol ang mga pangangailangan ng makauring pakikibaka na nahaharap sa mga pag-atake sa ekonomya at lumalalang barbarismo. Ngunit ang parehong mga pagsusuring ito at ang paraan ng pagbuo ng isang proletaryong tugon ay kailangang pag-usapan at mas tumpak na kilalanin, at ito ang layunin ng ating pagpupulong. Partikular naming hinihikayat ang lahat ng mga komunistang grupo at mga naghahanap ng isang internasyunalistang pananaw na dumalo sa pulong na ito, para ipagpatuloy ang mga talakayan na inilunsad na namin sa serye ng mga internasyonal na online na pagpupulong.

 

Source URL: https://en.internationalism.org/content/17656/new-world-disorder-and-role-revolutionary-organisations [1]

Rubric: 

Pampublikong Pulong ng IKT, London

Ang istorikal na kahalagahan ng hiwalayan sa pagitan ng US at Uropa

  • 52 beses nabasa

Internasyunal na Online na Pampublikong Pulong

Sabado 5 April 2025, 2pm hanggang 5pm, oras sa UK

Ang istorikal na kahalagahan ng hiwalayan sa pagitan ng US at Uropa

Mabilis na nagpatuloy ang mga kaganapan mula noong pagdating ng Trump 2.0 sa US.

  • Nasasaksihan natin ang huling yugto ng pagkawasak ng 'kaayusan ng daigdig' na sinimulan ng imperyalistang digmaan ng 1939-45. Nang bumagsak ang imperyalistang bloke ng Rusya sa simula ng dekada 90, hinulaan ng IKT na ganun din ang mangyari sa kanlurang bloke. Ang prosesong ito ay agad na nakita sa mga alitan sa pagitan ng US at ng mga dating kaalyado nito sa digmaan sa dating Yugoslavia at kinumpirma ng malalim na pagkahati-hati sa pagsalakay sa Iraq noong 2003. Ngunit ngayon ang hiwalayan sa pagitan ng US at ang mga kapangyarihan ng Uropa ay naging depinitibo.
  • Hindi ito naging landas sa atin tungo sa isang mundong mapayapa at nagkakasundo. Malayo sa mga ito. Lalong tumitindi ang pagtulak ng kapitalismo sa digmaan, ngunit nagkaroon ito ng magulong porma na lalong mapanganib dahil sa kawalan ng anumang disiplina ng bloke. Ang mismong kinabukasan ng sangkatauhan ay nanganganib dahil sa isang ipo-ipo ng imperyalistang digmaan, pagkasira ng ekolohiya at pagkasira ng lipunan.
  • Ang paglaki ng militarismo ay maaari lamang mangahulugan ng karagdagang pag-atake sa antas ng pamumuhay ng uring manggagawa, na nagdurusa na sa ilang dekada ng krisis sa ekonomiya. Ang mga pulitiko, lalo na sa kanlurang Uropa, ay medyo bukas tungkol dito at nagpasya na ipatupad ang mga programa ng malakihang pag-aarmas: ito ay "baril o mantikilya" tulad ng dati.

Ito ang dahilan bakit ang IKT ay magsagawa ng ikatlong internasyunal na online na pampublikong pulong na nakatuon sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo. Mahalaga na ang lahat ng taong naunawaan ang pangangailangang alisin sa mundo ang nabubulok na kapitalistang sistema ay lubos na maintindihan kung ano ang kinalaban ng uring manggagawa. Sa gayon ay hinihikayat namin ang lahat ng mga nakibahagi sa paghahanap para sa "katotohanan ng mundong ito" at ang paraan upang maibagsak ang kapitalismo na dumalo sa pulong na ito at makibahagi sa debate.

Kung nais ninyong dumalo, pakisulat sa amin sa [email protected] [2]

 


Source URL: https://en.internationalism.org/content/17627/historic-significance-break-between-us-and-europe [3]

Rubric: 

Internasyunal na Online na Pampublikong Pulong

Digmaan sa pagitan ng Iran, Israel, Estados Unidos... Lahat ng estado ay naghahanda para sa digmaan! Ang tanging solusyon para sa sangkatauhan ay ang internasyonalismo!

AttachmentSize
PDF icon internasyunal_polyeto_hunyo_2025.pdf [4]107.18 KB
  • 9 beses nabasa

"Ang pinakamalaking pambobomba ng B-2 sa kasaysayan ". Ang mga salitang pinili ni Heneral Dan Caine, Chief of Staff ng US Armed Forces, para ilarawan ang pambobomba sa ilang Iranian nuclear sites noong gabi ng Hunyo 21-22, ay pinakita ang istorikal na kahalagahan ng pangyayari. Isang daan at dalawampu't limang sasakyang panghimpapawid ang nasa kalangitan, isang submarino at ilang barko ang pinakilos, at 75 precision missiles at 14 GBU-57 "bunker-buster" na bomba ang ibinagsak sa loob ng ilang oras. Sa kanilang Operation Midnight Hammer, ang Estados Unidos ay dramatikong bumalik sa digmaan.

Hindi pa maaaring masuri ang lawak ng pinsala at ang bilang ng mga nasawi sa Iran at Israel mula nang magsimula ang labanan noong Hunyo 13, ngunit ang napakarami ang palitan ng putok at mapanira. Habang inilathala ang polyetong ito, nalaman namin na pagkatapos ng pag-atake ng Iran sa mga base militar ng US, nag-anunsyo ang mga nag-aaway ng "tigil-putukan" habang umuulan pa rin ang mga missile sa magkabilang panig.

Ang Gitnang Silangan ay bumulusok sa barbarismo at kaguluhan

Ayon sa propaganda ng digmaan, ang pambobomba sa Iran ay isang malaking tagumpay: ang rehimen ng mga mullah ay tuluyan nang humina at maaari pang mawala, tinapos na ng Israel at Amerika ang banta ng nukleyar, at magpapataw sila ng kapayapaan at seguridad sa Gitnang Silangan.

Ang lahat ng ito ay pawang kasinungalingan! Ang Gitnang Silangan ay patuloy na bubulusok sa kaguluhan, kaguluhan na makakaapekto sa buong planeta. Hindi makatugon nang direkta, ang Islamic Republic, na nasandal na sa pader, ay hindi magdadalawang-isip na maghasik ng barbarismo saanman nito makakaya, para buhayin ang lahat ng mga armadong grupo sa ilalim ng kontrol nito, at maging ang malawakang paggamit ng terorismo. Ang mga banta lang ng Iran laban sa estratehikong Strait of Hormuz ay sumisimbolo sa katotohanang lalala ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya at, kasama nito, ang inplasyon.

At kung ang rehimen ng terorismo ng mga mullah ay hindi makaligtas, ang kahihinatnan ay magiging kasingkilabot ng kanilang paghari: ang bansa ay mahahati sa pagitan ng mga warlord, magkakaroon ng serye ng paghihiganti sa pagitan ng iba't ibang paksyon, ang mga teroristang grupo na mas armado at mapanganib kaysa sa Daesh ay lilitaw, at magkakaroon ng malawakang paglikas ng populasyon.

Ito ay hindi isang apokaliptikong propesiya, ngunit isang aral na natutunan mula sa lahat ng mga digmaan sa huling dalawampung taon. Noong 2003, ang pagsalakay ng US sa Iraq, na dapat magbigay ng nakamamatay na bigwas sa "Axis of Evil" at magpataw ng isang Pax Americana sa rehiyon, ay ginawang mga guho ang bansa kung saan ang mga armadong grupo at mga pangkat ng mafia ay walang tigil na nakikipaglaban sa isa't isa. Noong 2011, ang kalapit na Syria ay bumagsak sa digmaang sibil, na kinasasangkutan ng mga armadong grupo ng terorista tulad ng Daesh, mga kapangyarihang pangrehiyon tulad ng Turkey, Iran at Israel, at mga pandaigdigang kapangyarihan tulad ng Estados Unidos at Russia. Noong 2014, sumali ang Yemen sa malagim na sayaw. Ang resulta: daan-daang libo ang namatay at durog na bansa. Noong 2021, bumagsak muli ang Afghanistan sa mga kamay ng Taliban pagkatapos ng dalawampung taon ng digmaang isinagawa ng Estados Unidos para... ibagsak ang Taliban.

Sa pagtatapos ng 2023, naglunsad ang Hamas ng hindi pangkaraniwang barbarikong teroristang pag-atake laban sa mga sibilyang Israeli. Ang hukbo ng Israel ay tumugon ng walang pigil na kalupitan, naglunsad ng kampanya ng malawakang pagkawasak sa Gaza Strip na mabilis na naging lantarang genocide. Sa mga sumunod na buwan, kumalat ang kaguluhan sa hindi maisip na bilis: kalaban ang mga kaalyado ng Hamas, naglunsad ng nakamamatay na opensiba si Netanyahu sa lahat ng larangan sa Lebanon, Syria at ngayon sa Iran. Sa pangkalahatan, ang parehong dinamika ay nangyayari sa Ukraine, Sudan, Mali at sa Democratic Republic of Congo. Ang kapitalistang daigdig ay lumulubog sa kaguluhan ng digmaan: tulad ng sa Gaza at Lebanon nitong mga nakaraang buwan, ang anumang 'pagtigil sa putukan' sa Iran ay pansamantala at walang katiyakan, na napagkasunduan upang mas mapaghandaan ang mga susunod na patayan. Ang 'labindalawang araw na digmaan' (ang opisyal na pangalan na ibinigay sa pinakabagong yugto ng digmaan sa Iran) ay nagtuloy-tuloy sa halos limampung taon at mas lalo pang lalala sa mga darating na dekada...

Isang digmaan na may mapangwasak na epekto sa buong mundo

Ang digmaan sa Iran ay magpapahina sa mga pangunahing kalaban ng Estados Unidos: Russia, na nangangailangan ng Iranian drones sa Ukraine, ngunit kabilang din ang China, na nangangailangan ng langis mula sa Iran at daanan sa Gitnang Silangan para sa kanyang 'New Silk Road'. Tungkol naman sa Operation Midnight Hammer, muli nitong ipinakita ang hindi mapasubaliang superyoridad ng hukbo ng US, na may kakayahang makialam nang husto sa kabilang panig ng planeta at durugin ang lahat ng mga kaaway nito. Ang mga pambobomba na ito ay isang tahasang mensahe sa China, kung paanong ang mga bomba atomika sa Japan noong 1945 ay pangunahing babala sa Russia.

Ngunit ang pagpapakita ng puwersa na ito ay pansamantalang tagumpay lamang at hindi malutas ang anumang tunggalian o magpapakalma alinman sa iba pang mga imperyalistang pating. Kabaligtaran, tataas ang mga tensyon sa lahat ng dako, at bawat estado, malaki man o maliit, bawat pangkating burges, ay susubukang samantalahin ang kaguluhan upang ipagtanggol ang mga karumal-dumal na interes nito, na lalong magpapalaki sa pandaigdigang kaguluhan. Ang China, higit sa lahat, ay hindi mananahimik at kalaunan ay iuunat din ang mga kalamnan nito, sa Taiwan o sa ibang lugar.

Muli, ito ang mga aral na natutunan natin sa kasaysayan. Mula noong bumagsak ang USSR noong 1991, ang Estados Unidos ang nag-iisang superpower. Wala nang anumang mga bloke kung saan iginagalang ng mga kaalyadong bansa ang isang tiyak na anyo ng disiplina at kaayusan. Kabaligtaran, ang bawat bansa ay naglalaro ng kanilang sariling baraha, ang bawat alyansa ay lalong marupok at pansamantala, dahilan na naging mas magulo at hindi makontrol ang sitwasyon. Agad na naunawaan ng Estados Unidos ang bagong makasaysayang dinamikong ito. Iyon ang dahilan kung bakit inilunsad nito ang Gulf War noong 1991, isang tunay na pagpapakita ng puwersa upang magpadala ng mensahe sa lahat: 'Kami ang pinakamalakas, dapat kayong sumunod sa amin.' Walang kabuluhan ang pag-anunsyo ni Bush Sr. tungkol sa isang 'New World Order'. Gayunpaman, pagkaraan ng dalawang taon, noong 1993, sinuportahan ng France ang Serbia, sinuportahan ng Germany ang Croatia, at sinuportahan ng Estados Unidos ang Bosnia sa isang digmaan na sa huli ay nagkawatak-watak ang Yugoslavia.

Ang aral ay malinaw at nanatiling hindi nagbabago sa loob ng tatlumpu't limang taon: habang lumalaki ang oposisyon sa paghari ng Amerika, mas nahirapan ang Estados Unidos na sumuntok... at kung gaano kalakas ang suntok nito, mas palalakasin nito ang oposisyon at ang bawat tao para sa kanyang sarili sa buong mundo. Sa panrehiyong antas, ganon din ito sa Israel. Sa madaling salita, sa digmaan sa Iran, ang paglala ng kaguluhan at kawalan ng kaayusan dahil sa digmaan ay lalong mapapabilis. Ang Asya ay magiging hotspot ng pandaigdigang imperyalistang tensyon, na naipit sa pagitan ng lumalaking ambisyon ng China at ng lalong lumalawak na presensyang militar ng Estados Unidos. Alam ng burgesya ng Amerika na dapat dito ikonsentra ngayon ang karamihan sa mga armadong pwersa nito.

"Walang Hari", "Palayain ang Palestine", "Itigil ang Genocide": ang tanging kinabukasan ng kapitalismo ay digmaan!

Naharap sa walang katulad na lagim, naharap sa malawakang masaker, maraming tao ang gustong umaksyon, isigaw ang kanilang galit, magsama-sama, magsabi ng "tigil". At ito ay talagang kailangan dahil kung hahayaan natin itong mangyari, kung hindi tayo tutugon, hihilahin ng kapitalismo ang buong sangkatauhan sa isang malaking libingan ng mga tao, isang serye ng mga nakakalat, hindi makontrol at lalong nakamamatay na mga tunggalian. Marami sa mga handang tumugon ay lumabas na ngayon sa mga lansangan sa iba't ibang kilusang 'anti-digmaan': Walang mga Hari , Malayang Palestine , Itigil ang Genocide , na lahat ay sinusuportahan ng pwersa ng kapitalistang kaliwa.

Ngunit ang mga islogan na inilako ng kaliwa, kabilang ang mga tila pinaka-radikal, ay mga bitag na palaging ang kongklusyon ay ang mga sanhi ng digmaan ay dahil sa ganito o ganoong lider, kay Netanyahu, Hamas, Trump, Putin o Khamenei, at sa huli ay sa pagpili ng isang panig laban sa isa pa. Sa kanilang mapagkunwari na retorika na 'para sa kapayapaan', 'para sa pagtatanggol ng demokrasya', 'para sa karapatan ng mga tao sa pagpapasya sa sarili', hinahangad ng mga pwersang kumokontrol sa kapital na linlangin tayo sa paniniwalang ang kapitalismo ay maaaring hindi gaanong mahilig makipagdigma, mas makatao, na ang kailangan lang nating gawin ay piliin ang mga 'tamang kinatawan' at 'pilitin ang mga pinuno' upang maitatag ang pandaigdigang kapayapaan at 'patas’ na relasyon ng mga bansa. Ang lahat ng ito sa bandang huli ay katumbas ng pagpapawalang-sala sa mala-digmaang dinamika kung saan ang buong sistemang kapitalista, lahat ng bansa, lahat ng pangkating burges ay hindi maiiwasang lumulubog.

Sina Trump, Netanyahu at Khamenei ay walang alinlangan na mga pinunong uhaw sa dugo. Ngunit ang problemang kinakaharap natin ay hindi ito o ang pinunong iyon: ito ay kapitalismo. Hindi alintana kung aling paksyon ng burges ang nasa kapangyarihan, kaliwa o kanan, awtoritaryan o demokratiko, lahat ng mga bansa ay mahilig makipagdigma. Ito ay dahil ang kapitalismo ay lumulubog sa isang makasaysayang krisis na hindi nito kayang lutasin: ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa ay lalong tumitindi, nagiging mas brutal at nawawalan ng kontrol. Ito ang sinusubukang itago ng kaliwa. At ito ang bitag kung saan nahuhulog ang mga nakikilahok sa mga rali na ito, na iniisip na nakikipaglaban sila sa digmaan.

Ang pagtuligsa sa lahat ng mga kilusang ito bilang mga bitag ay maaaring ikagulat o ikagalit pa nga ng mga taos-pusong gustong kumilos sa harap ng gayong laganap na mga patayan: 'Kaya, sa tingin mo wala na tayong magagawa?' 'Pumupuna ka, ngunit may kailangang gawin!'

Oo, may dapat gawin, ngunit ano ?

Upang wakasan ang mga digmaan, kailangang ibagsak ang kapitalismo

Ang mga manggagawa sa lahat ng bansa ay kailangang tumanggi na madala ng nasyonalistang retorika. Kailangan silang tumanggi na pumanig sa isang burges na kampo o iba pa, sa Gitnang Silangan o saanman. Kailangan silang tumanggi na linlangin ng retorika na humihiling sa kanila na magpakita ng 'pakiisa' sa isang tao o iba pa upang makumbinsi sila laban sa ibang 'tao'. Ang mga ekspresyong tulad ng 'Mga Martir na Palestinians', 'binomba ang mga Iranian', 'takot na takot na mga Israeli' ay nagsisilbing bilangguan ng mga tao sa pagpili ng isang bansa kaysa sa isa pa. Sa lahat ng digmaan, sa magkabilang panig ng hangganan, ang mga estado ay palaging nangrerekrut ng mga tao sa pamamagitan ng paghimok sa kanila sa isang pakikibaka sa pagitan ng mabuti at masama, sa pagitan ng barbarismo at sibilisasyon. Kasinungalingan! Ang mga digmaan ay palaging sagupaan sa pagitan ng mga bansang nakikipagkumpitensya, sa pagitan ng mga karibal na burgesya. Palagi silang mga tunggalian kung saan ang mga pinagsamantalahan ay namamatay para sa kapakanan ng mga nagsasamantala sa kanila.

'Iranians', 'Israelis' o 'Palestinians', sa lahat ng nasyonalidad na ito ay may mga mapagsamantala at pinagsamantalahan. Ang pagkakaisa ng proletaryado samakatuwid ay hindi sa 'mga tao', ito ay kailangan sa pinagsamantalahan ng Iran, Israel o Palestine, katulad sa mga manggagawa ng lahat ng iba pang mga bansa sa mundo. Hindi natin magawa ang tunay na pagkakaisa sa mga biktima ng digmaan sa pamamagitan ng pagkilos para sa isang ilusyonaryong mapayapang kapitalismo, sa pamamagitan ng pagpili na suportahan ang isang kampo na sinasabing inaatake o mas mahina laban sa iba na sinasabing mananakop o mas malakas. Ang tanging pagkakaisa ay tuligsain ang lahat ng kapitalistang estado, ang lahat ng partido na nanawagan sa mga tao na magrali sa likod nito o ng pambansang watawat, o ng isang militaristikong layunin!

Ang pagkakaisa na ito ay nangangailangan, higit sa lahat, na paunlarin ang ating mga pakikibaka laban sa kapitalistang sistema na responsable sa lahat ng mga digmaan, isang pakikibaka laban sa mga pambansang burgesya at kanilang mga estado.

Ipinakita ng kasaysayan na ang tanging puwersa na makakapigil sa digmaang kapitalista ay ang pinagsamantalahang uri, ang proletaryado, ang direktang kaaway ng uring burges. Ganito ang nangyari nang ibagsak ng mga manggagawa ng Russia ang burges na estado noong Oktubre 1917 at nang mag-alsa ang mga manggagawa at sundalo ng Germany noong Nobyembre 1918: ang mga dakilang kilusang ito ng pakikibaka ng proletaryado ang pumilit sa mga gobyerno na lumagda sa isang tigil-putukan.

Ang lakas ng rebolusyonaryong proletaryado ang nagtapos sa Unang Digmaang Pandaigdig! Ang tunay at pangmatagalang kapayapaan sa lahat ng dako ay makakamit lamang ng uring manggagawa matapos ibagsak ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw.

Ang mahabang daan na ito ay nasa ating harapan, at ngayon ay dumaraan ito sa pag-unlad ng mga pakikibaka laban sa mas malupit na pang-ekonomiyang pag-atake na inihambalos sa atin ng isang sistemang nakaranas ng isang hindi malulutas na krisis. Sa pagtutol ng pagdausdos ng ating kalagayan sa pamumuhay at paggawa, sa pamamagitan ng pagtutol sa mga walang hanggang sakripisyo sa ngalan ng pakikipagkumpitensya ng pambansang ekonomiya o pagpapalakas para sa paghahanda sa digmaan, nagsisimula tayong manindigan laban sa puso ng kapitalismo: ang pagsasamantala ng tao sa tao. Sa mga pakikibakang ito, tayo ay naninindigan, nabubuo ang ating pagkakaisa, nagdedebate at namumulat tayo sa ating lakas kapag tayo ay nagkakaisa at organisado.

Ang proletaryado ay nagsimulang lumakad sa mahabang kalsadang ito noong "Galit sa Tag-init" sa United Kingdom noong 2022, sa panahon ng kilusang panlipunan laban sa reporma sa pensiyon sa Pransya noong unang bahagi ng 2023, sa panahon ng mga welga sa sektor ng kalusugan at sasakyan sa Estados Unidos noong 2024, at sa mga welga at demonstrasyon na ilang buwan sa Belgium at nagpapatuloy hanggang ngayon. Ang pandaigdigang dinamikong ito ay markado ng makasaysayang pagbabalik ng militansya ng mga manggagawa, ang lumalagong pagtanggi na tanggapin ang permanenteng paglala ng kalagayan ng pamumuhay at paggawa, at ang tendensyang magkaisa ang mga sektor at henerasyon bilang mga manggagawa sa pakikibaka, anuman ang nasyonalidad, etnikong pinagmulan o relihiyon.

Pinupuna ng iilan ang mga rebolusyonaryo sa pagsasabing: 'Sa harap ng digmaan, iminumungkahi ninyo na walang gagawin, na ipagpaliban nang walang taning ang paglaban sa mga masaker na nagaganap sa harap ng ating mga mata!' Sa ngayon, wala pang lakas ang mga pakikibaka ng proletaryado na direktang manindigan laban sa digmaan; ito ay isang katotohanan. Ngunit may dalawang posibleng landas: maaaring lumahok tayo sa mga kilusan na nanawagan ng 'kapayapaan ngayon' at hayaan ang ating sarili na madis-armahan sa pakikibaka para sa isang 'mas patas', 'mas demokratikong' kapitalismo, at sa gayon ay sinusuportahan ang mga ideolohiyang nag-aambag sa pangkalahatang pag-unlad ng imperyalismo sa pamamagitan ng pagtulak sa atin na suportahan ang bansa, ang kampo, ang pangkating inilarawan bilang 'hindi gaanong masama' o 'mas progresibo'. O maaari tayong matiyagang lumahok, sa pamamagitan ng mga pakikibaka sa ating sariling makauring tereyn, sa muling pagtatayo ng ating pagkakaisa at ating pagkakakilanlan, kumikilos tungo sa isang makasaysayang kilusan na siyang tanging may kakayahang bumunot sa mga ugat ng digmaan at kahirapan, mga bansa at pagsasamantala: kapitalismo. Oo, mahaba ang laban na ito! Oo, mangangailangan ito ng malaking tiwala sa hinaharap, isang kakayahang labanan ang takot at kawalan ng pag-asa na gustong itanim sa atin ng burgesya. Ngunit ito ang tanging paraan pasulong!

Upang makilahok sa kilusang ito, kailangan tayong magsama-sama, magtalakayan, mag-organisa, magsulat at mamigay ng mga polyeto, ipagtanggol ang tunay na proletaryong internasyunalismo at ang rebolusyonaryong pakikibaka. Laban sa nasyonalismo, laban sa mga digmaang gustong hilahin tayo ng mga nagsasamantala sa atin, ang mga lumang islogan ng kilusang manggagawa, yaong sa Manipesto ng Komunista ng 1848, ay higit na makabuluhan ngayon kaysa nakaraan:

"Walang bansa ang mga manggagawa!

Mga manggagawa sa lahat ng bansa, magkaisa!”

Para sa pagpapaunlad ng makauring pakikibaka ng internasyonal na proletaryado!

 

Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 24 Hunyo 2025

 

Source URL: https://en.internationalism.org/content/17699/war-between-iran-israel-united-states-all-states-are-warmongers-only-solution-humanity [5]

Rubric: 

Internasyunal na Polyeto

Digmaan sa pagitan ng Israel, Iran at Estados Unidos: Isang karagdagang hakbang sa kaguluhang militar

  • 8 beses nabasa

Ang malawakang pambobomba ng Estados Unidos noong gabi ng Hunyo 21 hanggang 22 target ang mga lokasyong militar ng Iran ay isang panibagong yugto ng paglala ng tensyon at kaguluhan ng digmaan, ng kalagiman at walang humpay na barbarismo sa rehiyon.

Sa harap ng malawak na hanay ng iba't ibang anyo ng suporta para sa isang imperyalistang kampo laban sa isa pa, na siyang nangingibabaw sa midya at panlipunang eksena, dapat tanggihan ng mga proletaryo ng lahat ng bansa ang anumang tinatawag na 'solusyon' sa tunggalian na naglalayong ikadena sila upang suportahan ito o ang bansang iyon, ito o iyong burges na paksyon. Dapat ipaglaban ng mga rebolusyonaryo ang tanging prinsipyo na dapat ipagtanggol: proletaryong internasyunalismo. Ang tanging pakikibaka na makapagpalaya sa sangkatauhan mula sa barbarismo ng digmaan ay ang makauring pakikibaka, para sa pagbagsak ng sistemang ito na pinahina ng krisis at mga pangangailangan ng ekonomiya ng digmaan.

Dahil sa bigat ng mga kaganapang ito, magsasagawa kami ng karagdagang online na internasyonal na pampublikong pagpupulong sa Sabado, Hunyo 28, 2pm hanggang 5pm, oras ng UK. Gagawa kami ng mga pad na magagamit para sa iba’t-ibang lenggawahe, upang walang mga hadlang para sa partisipasyon sa anumang wika.

Kung gusto mong dumalo sa pulong, mangyaring mag-email sa amin: [email protected] [2]

Rubric: 

Panibagong Online na Pampublikong Meeting ng IKT

Source URL:https://fil.internationalism.org/content/8702/internasyonalismo-2025

Links
[1] https://d.docs.live.net/content/17656/new-world-disorder-and-role-revolutionary-organisations [2] mailto:[email protected] [3] https://en.internationalism.org/content/17627/historic-significance-break-between-us-and-europe [4] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_hunyo_2025.pdf [5] https://en.internationalism.org/content/17699/war-between-iran-israel-united-states-all-states-are-warmongers-only-solution-humanity