Published on Internasyunal na Komunistang Tunguhin (https://fil.internationalism.org)

Bahay > Internasyonalismo - 2020s > Internasyonalismo - 2021

Internasyonalismo - 2021

  • 62 beses nabasa

Rubric: 

Ang nakatagong pamana ng kaliwa ng kapital (V): Debate - isang brutal na tunggalian para sa burgesya, isang napakahalagang sandata para sa proletaryado

  • 141 beses nabasa

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng Ang nakatagong pamana ng kaliwa ng kapital na mungkahi namin sa maraming grupo at militante ng Kaliwang Komunista paano unawain ang isang mahirap na bagay : hindi lang ito usapin paano kumawala sa lahat ng mga pampulitikang posisyon ng mga partido ng kapital (populista, pasista, kanan, kaliwa, dulong-kaliwa) kundi ito rin ay pangangailangan na kumawala sa kanilang organisasyunal na paraan, sa kanilang moralidad at paraan ng pag-iisip. Absolutong kailangan ang pagtakwil pero mahirap dahil araw-araw namuhay tayo sa gitna ng mga ideolohikal na kaaway para sa kalayaan ng sangkatauhan: burgesya, peti-burgesya at lumpen-proletaryado. Sa panlimang serye ng artikulo titingnan natin ang napakahalagang usapin ng debate.

Ang proletaryado, ang uri ng debate

Ang debate ay ang pinagkukunan ng buhay ng proletaryado, ang uri na hindi isang hindi-mulat na pwersa na bulag na nakibaka at naudyok ng determinismo sa obhetibong kondisyon. Kabaliktaran, ito ay isang mulat na uri kung saan ang kanyang pakikibaka ay ginagabayan ng pag-unawa sa mga pangangailangan at posibilidad patungong komunismo. Ang pang-unawang ito ay hindi lumitaw mula sa absolutong katotohanan ng Manipesto ng Partido Komunista o sa pribilehiyadong diwa ng mga matatalinog lider kundi ito ay produkto “ng intelektwal na pag-unlad ng uring manggagawa (na kailangang magmula sa nagkakaisang pagkilos at diskusyon). Ang mga kaganapan at ang pagtaas at pagbaba ng pakikibaka laban sa kapital, mga kabiguan na mas mahalaga kaysa kanyang mga tagumpay, ay maramdaman lamang ng mga mandirigma sa mga kakulangan ng kanilang mga solusyon at gagabay sa kanila na pundamental na unawain ang kanilang tunay na kalagayan para sa paglaya ng mga manggagawa".

Ang mga rebolusyonaryong proletaryado ay nanindigan sa malawak na mga debate ng masa. Ang independyente at pag-oorganisa-sa-sarili na pagkilos ng uring manggagawa ay nakabase sa debate kung saan ang libu-libong mga manggagawa, kabataan, kababaihan, retirado, ay aktibong lumalahok. Ang rebolusyong Ruso ng 1917 ay nakabase sa permanenteng debate ng libu-libong mga diskusyon sa mga lokalidad, lansangan at terminal... Ang mga araw ng 1917 ay nag-iwan sa atin ng dalawang imahe na nagpakita ng kahalagahan ng debate para sa uring manggagawa: ang binarikadahang terminal dahil ang mga nagbarikada, kabilang na ang drayber, ay nagpasyang huminto at magtalakay ng paksa; o sa bintana sa lansangan kung saan ang nagsasalita ay nagtalumpati na nakapag-ipon ng daan-daang tao na nakikinig at nagsasalita.

Ang Mayo 68 ay isa ring permanenteng debate ng masa. Napakalaki ang kaibahan sa pagitan ng mga diskusyon ng mga manggagawa sa mga welga ng Mayo kung saan may talakayan paano ibagsak ang estado, paano itayo ang bagong lipunan, sa pananabotahe ng unyon, atbp, at sa “asembliya” ng mga estudyante sa Alemanya sa 1967, na kontrolado ng mga “radikal” na maoista kung saan umabot sa tatlong oras ang pagdesisyon paano mag-organisa ng demonstrasyon. “Nag-uusap kami sa isat-isa at nakikinig kami sa isat-isa” ang isa sa pinaka popular na mga islogan sa Mayo 68.

Ang kilusan ng 2006 at 2011 (pakikibaka laban sa CPE sa Pransya at ng kilusang Indignados sa Espanya) ay binuo sa buhay na debate ng libu-libong mga manggagawa, kabataan, atbp, at walang restriksyon na diskusyon. Sa mga okupadong lugar itinayo ang mga "flying libraries", parang panahon ng rebolusyong Ruso ng 1917, tulad ng binigyang-diin ni John Reed sa Ten Days Which Shook the World: “Lahat sa Rusya ay natutong magbasa, at nagbasa sila (pampulitikang ekonomiya, kasaysayan) dahil gusto ng mga tao ang kaalaman. Sa lahat ng mga lungsod, malaki o maliit, sa larangan, bawat pampulitikang paksyon ay may pahayagan (minsan marami). Pinamudmod ang daan libong mga polyeto ng libu-libong mga organisasyon at pinakalat sa hukbo, sa mga komunidad, mga paktorya at lansangan. Ang pagiging uhaw sa kaalaman na sinupil ng matagal ay tunay na kamangha-mangha sa panahon ng rebolusyon. Mula sa unang anim na buwan sa Smolny Institute lang, tren at trak ng mga babasahin ay pumuno sa buong bansa. Binasa ng gutom na Rusya ang lahat ng babasahin tulad ng pagsipsip ng mainit na buhangin mula sa dagat. At ito ay hindi galing sa mga kwentong engkanto, palsipikadong kasaysayan, mabantong relihiyon at masama at walang halagang mga nobela kundi panlipunan, ekonomiko at pilosopikal na mga teorya, ang sinulat nila Tolstoy, Gogol at Gorky".

Kung ang debate ay napakahalaga sa uring manggagawa, mas mahalaga ito sa kanyang mga rebolusyonaryong organisasyon: “Salungat sa paninindigan ng Bordigista, hindi maaring ‘monolitiko’ ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo. Ang pag-iral ng pagtatalo sa loob nito ay ekspresyon na ito ay buhay na organo na walang kompletong mga sagot na kagyat na ilapat sa mga suliranin na lumitaw sa uri. Hindi dogma ni katekismo ang Marxismo. Ito ay teoretikal na instrumento ng uri na sa pamamagitan ng kanyang karanasan at pananaw sa kanyang istorikal na hinaharap, ay dahan-dahan na sumusulong, ng pataas at pababa, tungo sa pagiging mulat-sa-sarili na napakahalagang kondisyon para mapalaya ang sarili. Tulad ng lahat ng kaisipan ng tao, ang proseso ng pag-unlad ng proletaryong kamalayan ay hindi diretso o mekanikal na proseso kundi nagsasalungatan at kritikal: kailangan ang diskusyon at komprontasyon ng mga argumento. Katunayan, ang bantog na 'monolitismo' o 'hindi nagbabago' ng mga Bordigista ay isang panlalansi (na makikita sa posisyon ng mga Bordigistang organisasyon at kanilang mga mga seksyon); maaring ang organisasyon ay ganap ng manhid at hindi na apektado sa buhay ng uri, o ito ay hindi monolitiko at ang kanyang mga posisyon ay nagbabago.".

Bakit nagsasalita sila ng "debate" pero sa realidad ito ay isang digmaan?

Subalit, ang mga militante na nanggaling sa mga burges na pampulitikang partido ay nakaranas mismo na ang “debate” nila ay isang komedya at pinagmulan ng paghihirap. Sa lahat ng mga burges na partido, ano man ang kulay, ang debate ay isang “digmaan na may latigo”, ang bantog na pinta ni Goya sa Prado Museum sa Madrid. Ang elektoral na mga debate ay basura, puno ng insulto, akusasyon, maruming lenggwahe, bitag at sekretong kudeta. Ito ay pagtatanghal ng paninira at paghiganti katulad ng isang boksing kung saan ang realidad at katotohanan ay walang saysay. Ang tanging nakataya ay kung sino ang mananalo at matatalo, sino ang pinakamagaling mandaya at magsinungaling, sino ang pinakamagaling sa pangungutya para magmanipula ng damdamin.

Sa mga burges na partido, ang "malayang pamamahayag" ay ganap na panloloko. Pwedeng sabihin ang lahat basta hindi lang tuligsain ang dominasyon ng “liderato”. Kung aapakan ang limitasyong ito, isang kampanya ng kasinungalingan ang oorganisahin laban sa mga nag-iisip kung hindi sila susunod sa partido. Ginagawa ang praktikang ito pareho sa nagpapahirap at biktima. Si Rosa Diez, isang lider ng Basque PSOE, ay target ng isang mapaminsalang kampanya ng mga akusasyon ng mga impormante mula sa kanyang mga “kasama” sa partido. Hindi siya sumunod sa oryentasyon, at pinilit sa panahong yaon, para sa kolaborasyon sa nasyunalismong Basque at pinahirapan siya hanggang umalis siya sa partido. Itinayo niya ang UYPD (na nagtangkang manatili sa sentristang posisyon, pagkatapos ay nakontrol ng Ciudadanos) at, ng lumitaw ang mga karibal at katunggali sa kanya mismong teritoryo, ganoon din ang ginawa sa kanila, hanggang sa punto na mas matindi pa ang lalim ng sadismo at pangungutya na maging si Stalin ay mangangatog.

Sa pangkalahatan iniiwasan ang debate sa mga burges na partido, anuman ang kanilang komplikasyon. Pinagbawal ni Stalin ang debate, na sinamantala ang seryosong pagkakamali ng Partidong Bolshevik sa 1921: ang pagbabawal sa mga praksyon, isang hakbangin ni Lenin bilang maling tugon sa Kronstadt. Pinipigilan din ng Trotskyismo ang debate sa loob nito at ginagawa ang parehong ekslusyon at panunupil. Ang tangkang pagtiwalag sa Kaliwang Oposisyon ay nangyari sa loob ng Stalinistang bilangguan(!) na nasaksihan sa libro ni Anton Ciliga, na sinipi sa naunang mga artikulo sa serye: "Sa ideolohikal na pakikibaka ng Trotskyistang ‘Kolektibo’, ay naidagdag ang organisasyunal na tunggalian sa loob ng ilang buwan, ang organisayunal na usapin ay umatras sa ikalawang antas. Ang mga bangayang ito ay nakitaan ng kaisipan at aktitud ng Oposisyon sa Rusya. Parehong ang kanan at gitna ay nagbigay ng ultimatum sa mga ‘militanteng Bolshevik’: lusawin nila ang mga sarili at itigil ang publikasyon ng kanilang pahayagan o patalsikin sila sa Trotskyistang organisasyon.

"Ibig sabihin iniisip ng mayoriya na hindi kailangan na magkaroon ng isang sub-grupo sa loob ng Trotskyistang praksyon. Ang prinsipyo ng ‘monolitikong praksyon’ ay sa batayan pareho sa pumukaw kay Stalin para sa buong partido".

Sa mga kongreso ng naturang organisasyon, walang nakinig sa mga nakakayamot na presentasyon kung saan parehong pinagtibay ang magkatunggaling mga punto. Ang mga organisadong sektoral na mga kumperensya, seminar at maraming pagdiriwang ay walang iba kundi  isang pampublikong propaganda.

Lumitaw ang ‘debate’ sa mga organisasyong ito kung ang usapin ay ang pagpalit ng bagong pangkat sa kapangyarihan. Ito ay dahil sa maraming kadahilanan: interes ng mga paksyon, hindi kapani-paniwalang resulta sa eleksyon... Mula dito ay nagsimula ang “debate” na naging tunggalian para sa kapangyarihan. Sa ilang mga okasyon ang laman ng “debate” ay kung ang isang paksyon ay nag-imbento ng isang pinagsama-sama at magkatunggaling “tesis” at marahas na salungat sa mga karibal, na nagbunga ng mabangis na kritisismo sa salita, nag-aapoy na pang-uri ("opotunista", "pagtalikod sa Marxismo", atbp.) at iba pang sopistikadong mga pagkukunwari. Ang "debate" ay naging mga insulto, pagbabanta, masamang salita sa publiko, akusasyon...  na sinamahan ngayon ng diplomatikong mga aksyon ng pagsang-ayon sa kaayusan para “ipakita” ang pagnanais ng pagkakaisa at pagtangkilik na ang karibal ay “kasama” rin naman. Sa huli nabuo ang balanse sa pagitan ng nagtunggaliang mga pwersa kung saan ang “debate” ay naging suma-total ng mga “opinyon” na pinagtanggol ng bawat isa na kanilang pag-aari, na nagbunga ng kawalan ng klaripikasyon kundi magulong suma-total ng mga ideya o “pampalubag-loob” na mga teksto kung saan ang magkatunggaling mga ideya ay magkatabing nakaupo.

Kaya masasabi namin na ang "debate" sa mga burges na organisasyon (anuman ang kanilang posisyon sa board ng chess mula sa dulong-kanan hanggang sa dulong-kaliwa) ay isang komedya at paraan para ilunsad ang nag-aapoy na personal na mga atake, na may seryosong sikolohikal na epekto sa mga biktima at nagpakita ng kapansin-kapansin na kabangisan at ganap ng kawalan ng moral na pag-aalinlangan ng mga taga-usig. Sa huli, ito ay isang laro kung saan minsan ang taga-usig ay nagiging biktima at vice-versa. Ang kakila-kilabot na pagtratong naranasan nila ay maaring ilapat sa maraming iba pa kung sila na ang nasa kapangyarihan.

Ang mga prinsipyo at paraan ng proletaryong debate

Pundamental na kaiba ang proletaryong debate. Radikal na iba ang mga prinsipyo ng debate sa loob ng mga proletaryong organisasyon kaysa nakikita natin sa mga burges na partido.

Tanging ang makauring kamulatan ng proletaryado (i.e., ang pinaunlad-sa-sarili na kaalaman sa layunin at paraan ng kanyang istorikal na pakikibaka) ang magluluwal ng walang hanggan at walang sagabal na debate: "Hindi uunlad ang kamulatan kung walang praternal, publiko at internasyunal na debate" na pinagtibay namin sa aming teksto: Ang kultura ng debate, sandata ng makauring pakikibaka. Ang mga komunistang organisasyon na nagpahayag ng pinaka-abante at permanenteng pagpupunyagi para sa pagpapaunlad ng kamulatan ng uri, ay nangangailangan ng debate bilang isang mahalagang sandata: "... ilan sa unang mga kahilingan na mga ito na pinapahayag ng mga minorya ay ang pangangailangan ng debate, hindi bilang luho kundi isang mahalagang pangangailangan, ang pangangailangan na seryosohin at pakinggan ang iba ano ang sinasabi nila; kailangan din na ang proseso ay hindi brutal kundi sandata ng diskusyon, na ito ay magiging pakiusap sa moralidad o sa awtoridad ng mga teoretisyan", pagpapatuloy ng teksto.

Sa proletaryong organisasyon, kailangang ang debate ay salungat sa nakakasuklam na paraan na binatikos natin sa itaas. Ito ay usapin ng komon na pagkakaisa sa katotohanan kung saan walang panalo o talo at ang tanging panalo ay ang komon na kalinawan. Ang diskusyon ay nakabatay sa mga argumento, palagay, pagsusuri, duda... Ang mga pagkakamali ay bahagi ng proseso tungo sa mga kongklusyon. Kailangang kategorikal na ipinagbabawal ang mga akusasyon, insulto, personalisasyon sa mga kasama o organisasyunal na istruktura dahil ito ay hindi usapin kung sino ang nagsabi, kundi kung ano ang sinabi.

Ang mga hindi pagkakasundo ay kailangang yugto tungo sa pagkakaroon ng posisyon. Hindi dahil mayroong “demokratikong karapatan” kundi tungkulin na ipahayag ang saloobin kung hindi kumbinsido sa posisyon o kung naramdaman na ito ay kulang o nakakalito. Sa proseso ng debate may tunggalian sa mga posisyon at minsan may minoriyang posisyon na, sa kalaunan, nagiging mayoriya. Ito ang nangyari kay Lenin sa kanyang April Theses na, ng ilahad niya pagdating sa Rusya sa 1917, ay isang minoriyang posisyon sa loob ng Partidong Bolshevik na dominado ng oportunistang paglihis na ipinataw ng Komite Sentral. Sa pamamagitan ng mainit na diskusyon, na malawak na nilahukan ng lahat ng mga militante, nakumbinsi ang partido sa katumpakan ng mga posisyon ni Lenin at pinagtibay sila.

Ang ibat-ibang mga posisyon sa loob ng rebolusyonaryong organisasyon ay hindi nakapirming tindig na pag-aari ng mga nagtatanggol sa kanila. Sa rebolusyonaryong organisasyon, "ang mga pagkakaiba ay hindi ekspresyon ng pagtatanggol sa personal na materyal na interes o partikular na grupo, kundi sila ay salin ng buhay at dinamikong proseso ng klaripikasyon sa mga problema na iniharap sa uri at sa gayon nakaukol para palalimin sa mga diskusyon batay sa karanasan" ("Report on the Structure and Functioning of the Revolutionary Organisation", ang sipi sa ibabaw).

Sa mga proletaryong organisasyon walang “henyo” na kailangang bulag na susundin. Malinaw na may mga kasama na may mas malaking kapasidad o mas dalubhasa sa partikular na mga aspeto. May mga militante na ang debosyon, konbiksyon at enerhiya ay may moral na awtoridad. Subalit, wala silang pribilihiyo para maging “magaling na lider” ang sinumang militante, isang ekspertong espesyalista sa anumang usapin o "magaling na teoretisyan". "Walang manunubos, walang diyos, walang Caesar, walang tagapagtanggol, manggagawa iligtas ang sarili at magkaisa para sa kalayaan", ang mga salita mula sa mapanlabang awit ng Ikalawang Internasyunal.

Mas tumpak, tulad ng nabanggit sa teksto ng Istruktura at Pag-andar, “Sa loob ng organisasyon walang ‘marangal’ na tungkulin at walang ‘segundaryo’ at ‘hindi masyadong marangal’ na tungkulin. Parehong ang gawain ng teoretikal na elaborasyon at realisasyon ng praktikal na tungkulin, parehong ang gawain sa sentral na organo at ispisipikong gawain ng lokal na seksyon, ay pantay ang kahalagahan sa organisasyon at hindi dapat ilagay sa hirarkikal na pagkaayos (ang kapitalismo ang may hirarkiya)”. 

Sa komunistang organisasyon kailangang labanan ang anumang tendensya ng bulag na pagsunod, isang pagkakamali na ihanay ang sarili, na hindi nag-iisip, sa posisyon ng isang “malinaw na militante" o sa sentral na organo. Sa komunistang organisasyon, bawat militante ay may kritikal na diwa, hindi tinatanggap ang lahat ng nabasa kundi sinusuri ano ang paksa kabilang na ang mula sa “liderato”, sa sentral na organo o sa “pinakaabanteng militante". Salungat ito sa kalakaran sa mga burges na partido at partikular sa kanilang mga kinatawan sa kaliwa. Sa mga organisasyong ito pamantayan ang bulag na pagsunod at pinakamatinding respeto sa mga lider; at katunayan ang mga tendensyang ito ay umiral sa Trotskyistang Oposisyon: "Ang mga sulat nila Trotsky at Rakovsky tungkol sa agenda, ay ipinuslit sa bilangguan at nagdulot ng maraming komento. Ang hirarkikal at masunuring diwa sa harap ng mga lider ng Oposisyon sa Rusya ay kahanga-hanga. Isang parirala o talumpati mula kay Trotsky ay isang palatandaan. Dagdag pa, habang nagsisikap ang mga Trotskyista ng kanan at kaliwa na bigyan ang mga ito ng tamang kahulugan, ang mga ito ay binigyang kahulugan nila ayon sa kani-kanilang pagkaunawa. Ang bulag na pagsunod kay Lenin at Stalin na nangibabaw sa partido ay umiral din sa Oposisyon pero hinggil kay Lenin at Trotsky: ang iba ay sa Dimonyo na" (Anton Ciliga, Op. Cit., Page 273).

Napaka peligrosong ideya na kailangang itakwil: may mga militanteng "eksperto" na, kung magsalita na sila ay “nasabi na nila ang lahat", "mas magaling ang pagkasabi" at ang iba ay nagkasya na lang sa pagkuha ng mga tala at nanahimik.

Ang pananaw na ito ay itinanggi ang proletaryong debate na isang dinamikong proseso kung saan maraming pagsisikap na ginawa, kabilang na ang ilang pagkakamali para harapin ang mga problema. Ang mababaw na bisyon, na nakaugat sa lohikang merkantilista na ang nakikita lang ay ang "produkto" o ang huling resulta na hindi ito pinag-iba mula sa proseso tungo sa kanyang elaborasyon, na nakapokus lang sa abstrakto at walang kataposang halaga ng palitan, ay nagbunga ng kaisipan na lahat ay galing sa “magaling” na mga lider. Hindi sinang-ayonan ni Marx ang ganitong pananaw. Sa sulat para kay Wilhem Blos sa 1877, sinulat niya: "Wala sa amin (Marx at Engels) ang naghahanap ng popularidad. Banggitin ko ang isa sa patunay nito: tulad ng aking pagkamuhi sa kulto ng personalidad na sa panahon ng Internasyunal, sa panahon na binubwisit ng maraming hakbangin — na nagmula sa maraming bansa — na bigyan ako ng pampublikong parangal, Isa man sa kanila ay hindi ko pinayagan na malaman ng publiko, ni tumugon ako sa kanila, hindi ko pinansin. Nang unang umanib si Engels at ako sa sekretong komunistang grupo, ito ay sa kondisyon na tanggalin mula sa mga Alituntunin ang anumang paniniwala sa awtoridad".

Sa proseso ng isang debate, nabuo ang mga palagay at magkatunggaling posisyon. Ilang pagtataya ang ginawa, may mga pagkakamali at may mas malinaw na interbensyon; pero ang pandaigdigang resulta ay hindi nagmula sa "pinakamagaling na militante", kundi sa dinamiko at buhay na sintesis sa lahat ng mga posisyon sa panahon ng diskusyon. Ang pinal na pinagtibay na posisyon ay hindi mula sa mga "tama", at hindi nagkahulugan ng anumang antagonismo sa mga "mali"; ito ay bago at superyor na posisyon na kolektibong nakatulong sa paglilinaw ng mga bagay.

Ang mga hadlang sa pag-unlad ng proletaryong debate

Malinaw, hindi madali sa loob ng isang proletaryong organisasyon ang debate. Hindi ito sumusulong na may ibang mundo kundi kailangan nitong pasanin ang bigat ng dominanteng ideolohiya at dala-dala nitong konsepto ng debate. Hindi maiwasan na ang mga “porma ng debate” na pag-aari ng burges na lipunan at araw-araw nilulusob tayo sa pamamagitan ng palabas ng kanyang mga partido, ng kanyang telebisyon at basurang mga programa, social networks, kampanyang elektoral, atbp., ay nakalusot sa buhay ng mga proletaryong organisasyon. Isang permanenteng pakikibaka ang dapat ilunsad laban sa mapanirang impiltrasyon. Tulad ng naunang binanggit ng aming teksto sa kultura ng debate:

“Dahil ang ispontanyong tendensya sa loob ng kapitalismo ay hindi klaripikasyon ng mga ideya kundi karahasan, manipulasyon at panalo ng mayoriya (pinakamabisang pinakita sa elektoral na karnabal ng burges na demokrasya), ang pagpasok ng impluwensyang ito sa loob ng mga proletaryong organisasyon ay laging nagdadala ng mikrobyo ng krisis at pagkabulok. Tumpak na pinakita ito sa kasaysayan ng Partidong Bolshevik. Hanggat nasa unahan ang partido sa rebolusyon, ang pinakamasigla, kadalasan kontrobersyal na debate ay isa sa kanyang pangunahing katangian. Salungat dito, ay ang pagbabawal sa tunay na mga praksyon (matapos ang masaker sa Kronstadt sa 1921) higit sa lahat ay tanda at aktibong salik ng kanyang pagkabulok”. 

Itinuro ng teksto ang nakakalasong pamana ng Stalinismo sa hanay ng mga manggagawa at may impluwensya sa mga komunista, marami sa kanila ay nagsimula sa kanilang pampulitikang buhay sa Stalinista, Maoista o Trotskyistang mga organisasyon at iniisip na "Lumaki sa pulitika ang mga elementong ito na naniwalang ang palitan ng mga argumento ay kahalintulad sa ‘burges liberalismo’, na ang ‘mabuting komunista’ ay hindi nagrereklamo at hindi nag-iisip at walang emosyon. Ang mga kasama ngayon na determinadong iwaksi ang mga epekto ng bulok na produkto ng kontra-rebolusyon ay mas lumalaki ang unawa sa nangangailangan ito hindi lang sa pagtakwil sa kanyang mga posisyon kundi sa kanyang pag-iisip rin.”  

Katunayan, kailangang labanan natin ang kaisipan na pinapalsipika ang debate at nagnanaknak sa burges na mundo at sa partikular ang bulgar na Stalinismo at lahat ng kanyang mga galamay, ang mapagpanggap na mas “bukas” tulad ng mga Trotskyista. Kailangan na maging malinaw at mapagpasya sa pagtatanggol ng posisyon pero hindi ito nagkahulugan ng arogansya at brutalidad. Maaring ang isang diskusyon ay mapanlaban pero hindi mapang-away at agresibo. Dapat tayong maging prangka pero hindi mapang-insulto at mapangkutya. Hindi kailangang maghanap ng konsilyasyon at kompromiso pero hindi dapat unawain na ito ay sektaryanismo at pagtanggi na makinig sa mga argumento ng iba. Higit sa lahat, kailangang maghanap tayo ng paraan na makaalis sa pagkalito at pambaluktot ng Stalinismo at kanyang mga katulad.

Indibidwalismo: ang kaaway ng debate

Bagamat ang burukratikong kolektibismo ng mga burges na partido, kasama ang kanilang monolitismo at brutal na panunupil, ay hadlang sa debate, kailangan proteksyunan ang sarili laban sa tila oposisyon pero sa realidad ay komplemento. Ang tinukoy namin dito ay ang indibidwalistang bisyon sa debate.

Ito ay ang bawat isa ay “may sariling opinyon” at ang “opinyon” na ito ay pribadong pag-aari. Kaya, ang pagpuna sa posisyon ng kasama ay naging atake: niyurakan ang kanilang “pribadong pag-aari” dahil pag-aari nila ito. Ang pagpuna sa ganito o ganoong posisyon ng ganito o ganoong kasama ay kapantay ng pagnanakaw mula sa kanila o pagkuha sa kanilang pagkain.

Seryosong mali ang bisyon na ito. Ang kaalaman ay hindi dahilan ng paglitaw ng “personal na pagiging magaling” o “tapat na konbiksyon” ng bawat individwal. Ang iniisip natin ay bahagi ng isang istorikal at sosyal na pagsisikap na nakaugnay sa paggawa at pag-unlad ng mga produktibong pwersa. Nagiging “orihinal” lang ang sinasabi ng bawat tao kung ito ay may kaakibat na kritikal at kolektibong kaisipan. Ang kaisipan ng proletaryado ay produkto ng kanyang istorikal na pakikibaka sa pandaigdigang saklaw, isang pakikibaka na hindi limitado sa kanyang ekonomikong pakikibaka kundi, tulad ng sabi ni Engels, naglalaman ng tatlong magkakaugnay na mga elemento: ekonomiko, pulitikal at ideolohikal na pakikibaka.

Bawat proletaryong pampulitikang organisasyon ay nakaugnay sa kritikal na istorikal na pagpapatuloy sa mahabang kadena mula sa Liga Komunista (1848) hanggang sa maliit na umiiral na mga organisasyon ng Kaliwang Komunista. Itong istorikal na linya, kasama ang mga posisyon, ideya,  pagpapahalaga at kontribusyon ng bawat militante. Habang ang bawat militante ay naglalayong mas palawakin ang kanyang kaalaman, hindi nila iniisip ito na indibidwal na pagsisikap kundi may layunin na maabot ang klaripikasyon ng mga posisyon at oryentasyon para sa buong organisasyon ng proletaryado.

Ang ideya na “bawat isa may opinyon” ay seryosong hadlang sa debate at komplementaryo sa burukratikong monolitismo ng mga burges na partido. Sa debate, kung saan bawat isa ay may opinyon, ang resulta ay kundiman bangayan sa pagitan ng nanalo at natalo o suma-total ng iba-iba, walang kwenta, at magkasalungat na mga opinyon. Hadlang ang indibidwalismo sa kalinawan, at tulad ng isang monolitikong partido, ang usapin ng “narito ang aking opinyon, tanggapin ito o itakwil”, ay nagkahulugan ng walang debate kung ang bawat tao ay maghapag ng kanilang “sariling opinyon”.

Para sa pagpapaunlad ng isang internasyunal na proletaryong debate

Ang proletaryong debate ay may istorikal na katangian; malugod nitong tinanggap ang pinaka magaling na syentipiko at kultural na diskusyon na umiral sa kasaysayan ng sangkatauhan: “Sa batayan, ang kultura ng debate ay isang ekspresyon ng katangiang sosyal ng sangkatauhan. Sa partikular, ito ay produkto ng ispisipikong paggamit ng tao ng lenggwahe. Ang paggamit ng lenggwahe bilang komunikasyon ng palitan ng impormasyon ay bagay na parehong ginagamit ng tao at maraming hayop. Ang kaibahan ng tao ay ang kapasidad nito na pagyamanin at makipagpalitan ng argumento (nakaugnay sa pag-unlad ng lohika at syensya), at para makilala ang bawat isa (ang paglinang ng pakikiramay, na nakaugnay sa pagpapaunlad ng arte”.

Nakaugat ang kultura ng debate sa primitibong komunismo subalit may mahalagang pag-unlad sa panahon ng Sinaunang Gresya: "Si Engels halimbawa ay tinukoy ang papel ng mga pangkalahatang asembliya ng mga Griyego sa panahon ng Homeric, sa unang mga tribo sa Alemanya o sa mga Iroquois sa Hilagang Amerika, na ispisipikong pinuri ang huli”.

“Lumitaw ang debate bilang tugon sa praktikal na pangangailangan. Sa Gresya, umunlad ito sa pamamagitan ng pagkumpara sa ibat-ibang pinanggalingan ng kaalaman. Pinagkumpara sa isat-isa ang ibat-ibang paraan ng pag-iisip, moda ng imbestigasyon at kanilang resulta, paraan ng produksyon, kustombre at tradisyon. Pinagsalungat sila, kinumpirma o pinagbangga sa isat-isa. Nagbangayan sila  sa isa-isa o sinusuportahan ang isat-isa, o pareho. Sa pagkumpara naging relatibo ang mga absolutong katotohanan”.

Sinusuma ng aming tekstong Istruktura at Pag-andar ng Organisasyon ang mga pundamental na prinsipyo ng proletaryong debate:

  • “Pagtakwil sa anumang aksyong disiplina o administratibo sa panig ng organisasyon hinggil sa mga myembro na nagpahayag ng hindi pagsang-ayon: kung ang minoriya ay kailangang mulat paano maging minoriya sa loob ng organisasyon, ang mayoriya ay kailangang mulat paano maging mayoriya, at sa partikular kailangang hindi nito abusuhin ang katotohanan na ang kanyang posisyon ay naging posisyon ng organisasyon at lipulin ang debate, halimbawa, sa pamamagitan sa pagpilit sa mga myembro ng minoriya na maging tagapagsalita sa mga posisyon na hindi sila sang-ayon; 

  • Interesado ang buong organisasyon sa pinakamalawak at pinakamalinaw na posibleng diskusyon (kahit tungkol sa pagkakaiba ng prinsipyo na maaring tutungo sa organisasyunal na paghihiwalay): parehong nasa minoriya at mayoriya na gawin ang makakaya (syempre hindi nakakaparalisa o napahina ang mga tungkulin ng organisasyon) na kumbinsihin ang isat-isa sa katumpakan ng kani-kanilang pagsusuri, o sa minimum makamit ang posibleng pinakamalinaw na kaibahan mula sa hindi pagkakasundo. 

  • Hanggang sa punto na ang mga debate sa loob ng organisasyon na sa pangkalahatan ay may kaugnayan sa buong proletaryado” 

Ang proletaryado ay isang internasyunal na uri at dahil dito ang debate ay kailangang internasyunal at sentralisado ang katangian. Kung ang debate ay hindi pagdagdag ng mga indibidwal na opinyon, lalo ng hindi ito suma-total ng mga lokal na opinyon. Ang lakas ng proletaryado ay ang kanyang pagkakaisa at kamulatan na naglalayong ipahayag ang sarili sa pandaigdigang saklaw.

Internasyunal na debate, pagsama-sama ng mga kontribusyon at karanasan ng proletaryado sa lahat ng mga bansa ang nagbibigay ng klaripikasyon at pandaigdigang bisyon na mas nagpapalakas sa pakikibaka ng proletaryado. 

C. Mir, 11 Hulyo 2018

 

Rubric: 

Kaliwa ng Burgesya

Ang pangangailangan ng transisyon …patungong komunismo

  • 29 beses nabasa

20 taon na ang nakalipas, sa 2001, binigyang diin ng ulat ng Intergovernmental Panel on Climate Change ang dokumento mula sa Global Scenario Group, na pinulong ng Stockholm Environmental Institute, na bumalangkas sa tatlong posibleng senaryo sa kinabukasan ng sangkatauhan bunga ng krisis sa klima:

“Kabilang sa balangkas ng GSG ang tatlong malawak na kategoriya ng mga senaryo ng hinaharap: ‘Conventional Worlds’, ‘Barbarisation’ at ‘Great Transition’ – na may pagkakaiba sa bawat kategoriya. Lahat ay tugma sa kasalukuyang mga pattern at tunguhin, pero may ibat-ibang implikasyon sa lipunan at kapaligiran sa 21 siglo … Sa senaryo ng ‘Conventional Worlds’, dahan-dahang uunlad ang pandaigdigang lipunan mula sa kasalukuyang mga pattern at dominanteng tendensya, kung saan ang pag-unlad ay pangunahing itutulak ng mabilis na paglaki ng pamilihan habang nagsasalubong ang mga umuunlad na mga bansa patungo sa modelo ng pag-unlad ng abanteng (‘maunlad’) industriyalisadong mga bansa. Sa senaryo ng ‘Barbarisation’, ang mga tensyon sa kapaligiran at lipunan bunga ng konbensyunal na pag-unlad ay hindi naresolba, humina ang mga makataong pamantayan, at ang mundo ay naging mas awtoritaryan o mas anarkiya. Ang ‘Great Transitions’ ay naghahanap ng mga bisyonaryong solusyon para manatili ang mga hamon, na naglalarawan ng pag-angat ng bagong mga kaugalian, istilo ng pamumuhay at institusyon”. mula sa p. 140 ng 2001 IPCC, Working Group 3 report on mitigation

Sa 2021, kasunod o kasabay ng walang katulad na heatwaves mula sa Canada hanggang sa Siberia, mga baha sa hilagang Uropa at China, tagtuyo at wildfires sa California, mga bagong tanda ng pagkatunaw ng yelo sa Arctic, ang unang bahagi ng ulat ng IPCC, ang ulat na nakatuon sa syentipikong pagsusuri sa mga tunguhin ng klima, ay pinakita na ang “konbensyunal” na pagpapatuloy sa kapitalistang akumulasyon ang nagtulak sa atin patungong “barbarisation”. Nakatanaw sa Oktubre-Nobyembre COP26 na kumperensya sa klima sa Glasgow, mariing pinaliwanag ng ulat na kung walang  mahigpit at nagkakaisang pandaigdigang pagkilos para bawasan ang emisyon sa susunod na ilang dekada, hindi posible na malimitahan ang pag-akyat ng temperatura sa 1.5 degrees mataas sa antas pre-industrial, hakbang na kailangan para mapigilan ang pinakamalalang epekto sa pagbabago ng klima. Hindi lang ‘yan: tinukoy ng ulat ang serye ng mga “planetary boundaries” o tipping points na posibleng maging dahilan ng hindi makontrol na pagbilis ng pag-init ng planeta, na posibleng ang malaking bahagi ng mundo ay hindi na mabuhay ang tao. Ayon sa maraming mga eksperto na binanggit sa ulat, apat sa mga hangganang ito ay natawid na, kapansin-pansin sa antas ng pagbabago ng klima, biodiversity loss at hindi masustine na mga paraan ng agrikultura, at marami pa, tulad ng acidification ng mga karagatan, plastic pollution at ozone depletion, na nagbabanta na magbunga ng paglala ng ibang mga salik[1].

Napakalinaw rin na sinabi ng ulat na ang mga peligrong ito ay higit sa lahat dulot ng “pakikialam ng tao” (na sa esensya, nagkahulugan ng produksyon at ekstensyon ng kapital) at hindi mula sa natural na proseso tulad ng solar activity o pagsabog ng mga bulkan, mga paliwanag na kadalasan huling paraan ng mga tutol na nagbabago na ang klima kung saan mas dumarami ang ayaw ng maniwala sa kanila.

Hindi pa inilabas ang bahagi ng ulat na tumutukoy sa posibleng mga paraan para masolusyunan ang krisis, pero sa nakaraang mga ulat alam natin na, gaano man kalaki ang usapin ng “transisyon” para sa bagong ekonomikong modelo na pipigil sa paglabas ng greenhouse gases na nasa hindi masustining antas na, walang ibang solusyon ang “Intergovernmental Panel” kundi makiusap lang sa mga gobyerno, i.e. kapitalistang mga estado, na matauhan, magkaisa, at sumang-ayon para sa radikal na pagbabago sa operasyon ng kanilang mga ekonomiya. Ibig sabihin, ang kapitalistang moda ng produksyon, na walang awang naghahanap ng tubo ang puso mismo ng krisis, ay kailangang mapalitan ng bago: isang nagkakaisang komunidad kung saan ang produktubidad ay kontrolado hindi ng pangangailangan ng merkado kundi ng mga tao na kailangang mabuhay.

Hindi ibig sabihin na ganap ng nakalimutan ng mga kapitalistang institusyon ang mga peligro na idudulot ng pagbabago ng klima. Ang paglaganap ng mga internasyunal na kumperensya sa klima at ang pag-iral mismo ng IPCC ay patunay nito. Habang mas naging madalas ang bunga nito na mga sakuna, malinaw na napakalaki ang kabayaran nito: syempre sa ekonomiya, dahil sa pagkasira ng mga kabahayan, agrikultura, at inprastruktura, kundi pati sosyal: laganap na kahirapan, pagdami ng mga bakwit mula sa nasirang mga rehiyon, at marami pa. At lahat maliban sa pinaka-madayang mga pulitiko at burukrata ay naunawaan na ito ay malaking pasanin sa kaban ng estado, tulad ng malinaw na pinakita sa pandemiya sa Covid (na nakaugnay rin sa krisis sa kapaligiran). At tumutugon rin ang mga indibidwal na kapitalistang empresa: tila bawat negosyo ngayon ay nagpapakita ng kanilang berdeng kredensyal at komitment sa bago, sustenableng mga modelo. Partikular ito sa industriya ng sasakyan: mulat na ang internal combustion engine (at sa industriya ng langis) ay mayor na pinagmulan ng greenhouse emissions, halos lahat ng mga mayor na nagmanupaktura ng sasakyan ay lumilipat na sa electric cars sa susunod na dekada. Pero ang hindi nila magawa ay itigil ang kompetisyon sa isat-isa sa pagbebenta ng pinakamaraming “green cars”, sa kabila na ang produksyon ng electrical cars ay may sariling signipikanteng ekolohikal na mga epekto – pinaka-kapansin-pansin ang pagkuha ng hilaw na materyales, tulad ng lithium, na kailangan para sa produksyon ng baterya ng sasakyan, na nakabatay sa napakalaking proyekto ng pagmimina at lalupang pag-unlad ng network sa pandaigdigang transportasyon. Ganun din sa antas ng mga pambansang ekonomiya. Inaasahan na ng kumperensya ng COP ang konsiderableng kahirapan na kumbinsihin ang mga “umuunlad” na ekonomiya tulad ng Russia, China at India na bawasan ang kanilang pagkandili sa fossil fuels para mabawasan ang mga emisyon. At tinutulan nila ang naturang presyur dahil sa perpektong lohikal na kapitalistang kadahilanan: dahil mas lalupang mabawasan ang kanilang kapasidad sa kompetisyon sa mundo na binaha na ng mga kalakal.

Hindi na malaki ang mundo para sa kapitalismo

Magmula sa panahon ng Manipesto ng Komunista, giniit ng mga marxista na ang kapitalismo ay tinutulak ng kanyang krisis ng sobrang produksyon at paghahanap ng bagong pamilihan para “sakupin ang mundo”, para maging pandaigdigang sistema, at itong “unibersal na tendensya” ay lumikha ng posibilidad para sa isang bagong lipunan kung saan ang pangangailangan ng tao, ang ganap na pag-unlad ng indibidwal, ang nagiging layunin ng lahat ng panlipunang aktibidad. Subalit kasabay nito, ito mismong tendensya ay naglalaman din ng mga binhi ng pagkabulok, ang pagkawasak-sa-sarili ng kapital, at kaya ang napakatinding pangangailangan para sa transisyon sa bagong komunidad ng sangkatauhan, sa komunismo[2]. At kasabay ng Unang Pandaigdigang Digmaan, mas kongkretong pinakita ng mga marxista tulad nila Bukharin at Luxemburg paanong itong banta ng pagkawasak-sa-sarili ay uunlad: sa pagiging mas pandaigdigan ng kapitalismo, ito ay mas lalamunin ng nakakamatay na kompetisyong militar sa pagitan ng mga imperyalistang bansa na desperadong makakuha ng bagong mapagkukunan ng hilawng materyales, mas murang lakas-paggawa, at bagong pamilihan ng kanilang produkto.

Pero sa kabila na si Marx, Engels at iba pa ay maagang nakita na nilalason ng kapitalistang sistema ang hangin at sinira ang kalupaan, hindi nila nakita ang lahat ng ekolohikal na epekto sa mundo kung saan halos bawat rehiyon ay pinasok na ng kapital sa apat na direksyon, isinailalim ang mundo sa laganap na urbanisasyon at sa kanyang mapanlasong paraan ng produksyon at distribusyon. Ang kapitalistang ekspansyon, inudyukan ng mga ekonomikong kontradiksyon na nasa loob ng relasyon sa pagitan ng kapital at sahurang paggawa, ay itinulak sa sukdulang pagkabukod ng sangkatauhan mula sa kalikasan. Dahil may limitasyon sa abilidad ng kapitalismo sa realisasyon ng sobrang halaga na kinuha mula sa mga manggagawa, ang nakabatay sa tubo na pagkuha sa likas na yaman ng mundo ay lumikha ng panibagong balakid sa kapasidad ng kapitalismo na pakainin ang kanyang mga alipin at panatilihin ang kanyang paghari. Hindi na sapat ang laki ng mundo para sa kapitalismo. At sa halip na makita ng mga kapitalistang estado ang dahilan at magkaisa para sa kabutihan ng planeta, ang pagkaubos ng yaman at mga resulta ng pagbabago ng klima ay mas lalupang magpalala ng kompetisyong militar sa mundo kung saan ang bawat estado ay nagsisikap iligtas ang sarili sa harap ng sakuna. Ang kapitalistang estado, hayag man na despotiko o nakatago sa pakitang-tao na demokrasya, ay maipapatupad lang ang mga batas ng kapital na pinagmulan mismo ng malalim na mga banta sa kinabukasan ng sangkatauhan.

Ang kapitalismo, kung papayagan na magpatuloy, ay sasagasa lang sa mundo tungo sa mabilis na “barbarismo”. Ang tanging “transisyon” na pipigil dito ay ang transisyon sa komunismo, na hindi magiging produkto sa mga pakiusap sa mga gobyerno, pagboto sa mga “berdeng” partido o protesta bilang “nagmalasakit na mga mamamayan”. Ang transisyong ito ay makakamit lang sa pamamagitan ng komon, internasyunal na pakikibaka ng pinagsamantalahang uri, ang proletaryado, na kadalasan unang biktima ng krisis sa klima katulad ng sa ekonomikong krisis. Nakapaloob sa pakikibaka ng manggagawa sa harap ng mga atake sa kanyang kabuhayan ang mga binhi ng pangkalahatang rebolusyonaryong kilusan para panagutin ang kapitalismo sa lahat ng kahirapan na binigay nito sa sangkatauhan at sa planeta.

Amos

 

Source URL: https://en.internationalism.org/content/17075/necessity-transitionto-com... [1]

 

[1] Planetary boundaries - Wikipedia

[2] Tingan ang sipi mula sa Grundrisse ni Marx sa aming  kamakailan lang na artikulong Growth as decay | International Communist Current (internationalism.org)

Rubric: 

Ulat ng IPCC sa krisis sa klima

Bakit napakahirap makibaka, at paano natin mapangibabawan ang mga kahirapang ito?

  • 106 beses nabasa

Sa unang tingin, tila lahat ay paborable sa pagsabog ng galit ng uring manggagawa. Maliwanag na may krisis at walang makaligtas dito. Kakaunti ang naniwala na matatapos ito sa kabila na kabaliktaran ang nakikita araw-araw. Parang ang buong planeta ay nasa sitwasyon ng pagkawasak: mga digmaan, barbarismo, taggutom, epidemya, ang mapanirang manipulasyon sa kalikasan at ating kalusugan sa ngalan ng tubo.

Lahat ng ito ay nasa ating harapan, kaya mahirap isipin na hindi tayo makadama ng galit at pag-alsa. Mahirap isipin na naniwala pa rin ang mga manggagawa na may kinabukasan sa kapitalismo. Ngunit hindi pa rin ganap na nakibaka ang masa. Masabi ba natin na tapos na ang laban, na ang pagsaga ng krisis ay lubhang napakalakas, na hindi na malampasan ang epekto nitong demoralisasyon?

Mga mayor na problema

Hindi maipagkaila na nakaranas ngayon ang uring manggagawa ng mga mayor na suliranin. May apat na dahilan dito.

Ang una, at pinaka-mahalaga, ay hindi mulat ang proletaryado sa kanyang sarili, nawala ang kanyang ‘makauring identidad’. Matapos bumagsak ang Berlin Wall, nakitaan ang 1990s ng malawakang kampanyang propaganda para kumbinsihin tayo na nasaksihan natin ang istorikal na kabiguan ng komunismo. Ang pinaka-agresibo – at pinaka-istupido – na mga komentarista ay nagpahayag ng ‘kataposan ng kasaysayan’, at ang ganap na tagumpay ng kapayapaan at demokrasya. Sa pamamagitan ng pag-iisa sa komunismo at sa nabubulok na bangkay ng Stalinistang kahayupan, inunahan na ng paninira ng naghaharing uri ang anumang perspektiba na naglalayong ibagsak ang kapitalistang sistema. Hindi nakontento sa pagtangkang burahin ang anumang pag-asa para sa rebolusyonaryong pagbabago, inilarawan nito ang anumang pakikibaka ng uring manggagawa na isang ‘memorya ng kultura’, tulad ng mga dinosaur fossil o pinta-sa-yungib ni Lascaux.

Higit sa lahat, paulit-ulit na giniit ng burgesya na ang uring manggagawa sa kanyang klasikal na anyo ay naglaho na sa eksenang panlipunan at pulitikal[1]. Mga sosyolohista, mamahayag, pulitiko at mga pilosopo ng tabloid ay inilako ang ideya na nawala na ang mga panlipunang uri, nawala sa walang anyong magma ng ‘panggitnang pwersa’. Laging nangangarap ang burgesya ng lipunan kung saan ang mga manggagawa ay nakikita ang sarili na mga ‘mamamayan’, nahati sa isang buong serye ng sosyo-propesyunal na mga kategorya – white collar, blue collar, may trabaho, kaswal, walang trabaho, atbp – na nahiwalay sa magkaibang mga interes at indibidwal na magpahayag sa pulitika sa pamamagitan ng pagpila sa mga presinto ng botohan. At totoo na ang ingay ng paglaho ng uring manggagawa, na walang puknat na binomba ng mga libro, pahayagan, TV at internet, ay nagsilbi para pigilan ang maraming manggagawa na makita ang sarili bilang integral na bahagi ng uring manggagawa, laluna bilang independyenteng panlipunang pwersa.  

Pangalawa, sa pagkawala ng makauring identidad lubhang mahirap para sa proletaryado na pagtibayin ang kanyang sariling pakikibaka at sariling istorikal na perspektiba. Sa konteksto na ang burgesya mismo ay walang maibigay na perspektiba maliban sa paghigpit ng sinturon, bawat tao para sa kanyang sarili, sinamantala ng naghaharing uri ang kakulangan ng makauring kamulatan para maglaban-laban ang pinagsamantalahan, hati-hatiin sila at harangan ang anumang nagkakaisang pagtugon, sa pamamagitan sa pagtulak sa kanila sa kawalan ng pag-asa.

Ang pangatlong salik, bunga ng unang dalawa, ay dahil sa brutalidad ng krisis, pinaparalisa ang maraming manggagawa, na takot mahulog sa absolutong kahirapan, takot na hindi mapakain ang kanilang mga pamilya at mawalan ng matirhan, hiwalay at lantad sa panunupil. Bagamat ilan sa kanila, na nakasandal na sa pader, ay natulak na ipahayag ang kanilang galit, tulad ng mga ‘Indignado’ sa Espanya, hindi pa rin nila nakikita ang mga sarili bilang isang uri sa pakikibaka. Sa kabila ng relatibong malawak na katangian ng kilusang ito, nilimitahan nito ang kanilang kapasidad na labanan ang mga mistipikasyon at patibong na nilikha ng naghaharing uri, para bawiin ang mga karanasan ng kasaysayan, para umatras at halawin ang mga aral na kailangan sa pagpapalalim.

Mayroon ikaapat na mahalagang dahilan sa kasalukuyang kahirapan ng uring manggagawa na paunlarin ang kanyang pakikibaka laban sa sistema: ang buong arsenal ng pagkontrol ng burgesya, ito man ay ang hayag na mga mapanupil na bahagi, tulad ng pulisya, o ang mas lihim na mapanira at mas epektibo tulad ng mga unyon. Partikular sa huling punto, hindi pa rin napangibabawan ng uring manggagawa ang takot na makibaka labas sa dominasyon ng mga unyon, sa kabila na lumiliit ang mga manggagawa na may malalim na ilusyon sa kapasidad ng mga unyon na ipagtanggol ang kanilang interes. At itong pisikal na kontrol ay pinalakas ng ideolohikal na kontrol kung saan bihasa ang mga unyon, midya, intelektwal, kaliwang mga partido, atbp.

Ang susi sa ‘pagkontrol ng kaisipan’ ay walang duda ang ideolohiya ng demokrasya. Bawat signipikanteng mga kaganapan ay sinamantala para ipagyabang ang kanyang mga benepisyo. Pinakilala ang demokrasya bilang balangkas para mamukadkad ang kalayaan, lahat ng opinyon ay maipahayag, at ang kapangyarihan ay ginawang ligal ng mamamayan; kung saan ang bawat isa ay may inisyatiba, magkaroon ng kaalaman at kultura. Sa realidad, ang tanging inialok ng demokrasya ay pambansang balangkas para linangin ang kapangyarihan ng elitista, ang kapangyarihan ng burgesya. Lahat ng natira ay ilusyon, ang ilusyon na sa pamamagitan ng ang pagboto ay pagpapatupad ng kapangyarihan, ang ang boses ng populasyon ay maipahayag sa pagboto ng kanilang mga ‘kinatawan’ sa parliyamento. Huwag nating maliitin ang bigat ng ideolohiyang ito, tulad ng matinding dagok ng pagbagsak ng mga Stalinistang rehimen sa kataposan ng 80s, na labis na nagpalakas sa demokrasya.

Idagdag namin ang impluwensya ng relihiyon sa ideolohiyang arsenal na ito. Hindi ito bago, magmula ng kasama ito ng sangkatauhan mula sa kanyang unang mga pagtatangka na unawain ang mundo na nakapaligid sa kanya, at ginamit ito para bigyang ligalidad ang lahat ng klase ng hirarkikal na kapangyarihan. Subalit ang kaibahan ngayon ay ang kanyang papel para ilihis ang kaisipan ng isang bahagi ng uring manggagawa na naharap sa pangangailangan na unawain ang kapitalistang sistema na nasa sitwasyon ng pagiging bangkarota, partikular sa pamamagitan ng paliwanag sa ‘dekadenteng’ kalagayan ng kasalukuyang kaayusan na nagpakita gaano na kalayo sa mga prinsipyong pinaliwanag ng relihiyon libong taon na ang lumipas, laluna ang relihiyong naniwala sa isang diyos. Ang kalakasan ng ideolohiya ng relihiyon ay ginawa niyang simple ang napaka-komplikadong sitwasyon. Nag-aalok ito ng mga simpleng kasagutan, madaling sundin na mga solusyon. Sa kanyang mga pundamentalistang porma, nakumbinsi lang nito ang minoriya ng proletaryado, subalit sa pangkalahatan ay kinakain nito tulad ng isang parasitiko ang repleksyon na nangyayari sa uri.         

At napakalaking potensyal

Ang aming isinalarawan ay tila nagpakita ng desperasyon: naharap sa burgesya na magaling paano gamitin ang kanyang ideolohikal na sandata, sa sistema na binabantaan ang pinaka-marami sa populasyon ng kahirapan, kung saan hindi pa ito malalim na nakalikha ng matinding galit sa loob nito, may puwang pa ba para mag-isip ng positibo, may pag-asa pa ba? Mayroon ba talagang panlipunang pwersa na makagawa ng radikal na transpormasyon sa lipunan? Ang sagot namin sa tanong na ito na walang pag-aalinlangan: OO! Daang beses na OO!

Hindi ito usapin ng bulag na tiwala sa uring manggagawa, isang semi-relihiyosong pananampalataya sa mga sulatin ni Karl Marx, o desperadong pagsugal sa isang rebolusyon. Ito ay usapin ng pagtingin sa malayo, kalmadong sinusuri ang sitwasyon at lagpasan ang pagmamadali, sikaping unawain ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang pakikibaka ng uri at aralin ng malalim ang istorikal na papel ng proletaryado.

Sa aming mga pahayagan ay pinaliwanag na namin na magmula 2003 ay nasa positibong pagkilos ang uring manggagawa kumpara sa kanyang pag-atras matapos bumagsak ang bloke sa Silangan. Ang analisis na ito ay hinalaw mula sa ilang mga signipikanteng pakikibaka, pero lahat sila ay nagpakita ng katangian na ang uring manggagawa ay nasa proseso ng pagdiskubre ng kanyang istorikong reaksyon, tulad ng pakikiisa, kolektibong diskusyon, o mas simple, masiglang tugon sa kahirapan.

Nakita namin ang mga elementong ito sa mga pakikibaka tulad ng laban sa ‘reporma’ sa pensyon sa Pransya sa 2003 at 2010, sa pakikibaka laban sa CPE, muli, sa Pransya, sa 2006, subalit sa Britanya (ang mga welgang wildcat sa Heathrow, sa Lindsey refineries) rin pero hindi masyadong malawak, sa USA (New York subway), Spain (steelworkers of Vigo), sa Egypt, Dubai, China, atbp. Ang Indignados at Occupy movements sa partikular ay sumalamin sa mas pangkalahatan at ambisyoso kaysa mga pakikibaka sa pabrika. Ano ang nakikita natin sa kilusang Indignados? Mga manggagawa mula sa lahat ng sektor, walang trabaho, part-time, full-time, ay nagsama-sama para lumahok sa isang kolektibong karanasan at para mas maunawaan ano ang nakataya sa panahong ito. Nakita namin ang mga tao na muling sumigla dahil malaya silang nakipagtalakayan sa iba. Nakita namin ang mga tao na nag-uusap hinggil sa alternatibang karanasan at kinikilala ang kanilang mga natamo at limitasyon. Nakita namin ang mga tao na tumangging maging biktima lang ng krisis na hindi sila ang dahilan at ayaw nilang sila ang magbayad. Nakita namin ang mga tao na nagtipun-tipon sa ispontanyong mga asembliya, nagpatibay ng mga porma na nagpahayag para sa repleksyon at komprontasyon ng mga ideya, at nilimitahan ang mga taong nais guluhin at isabotahe ang debate. Panghuli at higit sa lahat, pinakita ng kilusang Indignados ang internasyunalistang sentimyento, isang kaalaman na kahit saan sa mundo lahat tayo ay nagdurusa sa parehong krisis at ang ating pakikibaka ay walang pambansang hangganan.

Syempre hindi namin narinig ang karamihan na hayagang nag-uusap hinggil sa komunismo, proletaryong rebolusyon, uring manggagawa at burgesya, digmaang-sibil, atbp. Subalit ang pinakita ng kilusang ito ay ang pambihirang pagkamalikhain ng uring manggagawa, ang kanyang kapasidad na organisahin ang sarili, na nagmula sa kanyang hindi maipagkakait na katangian bilang independyenteng pwersa ng lipunan. Ang mulat na muling pagbawi sa mga katangiang ito ay malayo pa at mahirap ang daan, pero hindi maipagkaila na ito ay kumikilos na. Hindi maiwasan na ito ay dadaan sa proseso ng pag-atras, paghina, parsyal na  panghihina ng loob. Pero makapagliliyab ito sa kaisipan ng mga minoriya na nasa unahan ng pakikibaka sa uring manggagawa sa pandaigdigang saklaw, at ang pag-unlad ay nakikita at nabibilang sa nagdaang ilang taon.       

Panghuli, kahit pa napakalaki ang kahirapan ng uring manggagawa, hindi pa nakikita sa sitwasyon na tapos na ang labanan, na wala ng lakas ang uring manggagawa na maglunsad ng malawakan at rebolusyonaryong mga pakikibaka. Kabaliktaran, ang buhay na mga ekspresyon ay dumarami, at sa pag-aaral kung ano talaga sila, hindi sa panlabas kung saan ang kanilang pagiging mabuway lang ang halata, kundi sa kailaliman, saka ang potensyal, ang laman nilang pag-asa sa hinaharap ang dapat magagap. Sa kabila ng kanilang iregular, buhaghag, minoriya na katangian, hindi natin dapat kalimutan na ang pangunahing kalidad ng isang rebolusyonaryo ay pasensya at tiwala sa uring manggagawa [2]. Itong pasensya at tiwala ay batay sa pagkaunawa ano ang uring manggagawa, sa istorikal na pananalita: ang unang uri na parehong pinagsamantalahan at rebolusyonaryo, at may istorikal na misyon na palayain ang sangkatauhan mula sa pagsasamantala. Ito ay materyalista, istorikal, pangmatagalang pananaw. Ang bisyong ito ang dahilan na nagawa naming sumulat, sa 2003 ng hinalaw namin ang pagsusuma ng aming ika-15 internasyunal na kongreso:

“Tulad ng sinabi nila Marx at Engels, ‘ito ay hindi usapin ng pagkonsidera kung ano ang kalagayan ng isang manggagawa, o maging ng buong uring manggagawa sa pangkalahatan, na nangyayari ngayon, kundi ang pagkilala ano ang proletaryado at ano ang istorikal na gagawin nito, batay kung ano siya’. Pinakita ng naturang paraan sa atin na, naharap sa mga hambalos ng krisis sa ekonomiya, na magluluwal ng mas mabangis na mga atake sa uring manggagawa, ang huli ay mapilitang tumugon at paunlarin ang kanyang pakikibaka”. https://en.internationalism.org/wr/264_15cong.htm [2]

GD, 25.10.12  

 


1. Hindi ibig sabihin na walang importanteng materyal na pagbabago sa hugis ng uring manggagawa sa nagdaang ilang dekada, laluna sa de-industriyalisasyon at relokasyon ng tradisyunal na mga industriya patungo sa mga ‘gilid’ ng sistema, o na ang mga pagbabagong ito ay hindi nakadagdag sa kahirapan ng uring manggagawa para panatilihin ang kanyang makauring identidad. Balikan namin ito sa ibang artikulo.
2. Dapat nagdagdag si Lenin ng pagpapatawa! 

 

Source URL: https://en.internationalism.org/worldrevolution/201211/5284/why-it-so-di... [3]

Rubric: 

Uring Manggagawa

Demokrasya o hunta-militar, parehong diktadura ng kapitalista

  • 65 beses nabasa

Sa kamakailan lang na kudeta ng militar sa Myanmar, opisyal na muling inagaw ng militar ang kapangyarihan. Pero umalis ba talaga ito? Ang hukbo ng Myanmar, isang sentral na institusyon ng estado at, sa kasaysayan, ang punong gangster, ay nagpapataw ng kanyang diktadura at nakinabang sa kanyang posisyon ng ilang dekada. Katunayan, ito lang ang tanging pwersa na nagmintina ng kaayusan, istabilidad at pagkakaisa sa isang bansa na mayroong mahigit 130 etnikong mga grupo, kung saan napakaraming etnikong dibisyon at tunggalian. Dahil dito ang imperyalistang pagkagutom ng mga makapangyarihan tulad ng China, Russia, US at India ay nakatuon sa hukbo, na lalupang nagpainit sa tensyon sa napaka-estratehikong rehiyon sa Asya. Kadalasan iginiit ng hukbo ng Myanmar ang kanyang interes sa pamamagitan ng pwersa, na may hayagang suporta mula sa imperyalismong Tsina at Rusya.

Sa kabila ng eleksyon sa 2015 at paggawad ng isang mapagkunwaring demokratikong gobyerno, ang una mula 1961, ang kudeta sa Pebrero 1 ay bahagi ng lohika ng permanenteng dominasyong militar ng makapangyarihang hukbo na hindi tumigil bilang estado sa loob ng isang estado magmula ng kalayaan sa 1948. Ang Burma (nakilala ang bansa hanggang 1989) ay walang patid na pinamunuan ng mga heneral tulad ng ama mismo ni Aung San Suu Kyi na pinatay ng kanyang mga karibal sa 1947. Ang imahe ng demokrasya, na  diumano mukha ng kapayapaan, ngayon ay pinatalsik ng mga sundalo na dati umaresto sa kanya, pagkatapos ikinulong siya sa loob ng maraming taon, sa huli ay inilluklok siya sa kapangyarihan sa 2015. Walang alinlangang tinulungan si Aung San Suu Kyi ng parehong mga sundalo, dahil sa walang prinsipyong pagsuporta nito sa madugong panunupil sa mga Rohingya sa 2017. Katunayan, hindi binitawan ng armadong pwersa ng Burma ang kapangyarihan, binigyan ang mga sarili ng posisyon sa mga susing departamento at substansyal na porsyento sa parliyamento. 

Ekspresyon ng paglubog sa pagkabulok...

Sa 22 Disyembre 2020, ang pinuno ng Tatmadaw (ang opisyal na pangalan ng armadong pwersa ng Myanmar) ay muling pinagtibay na ang armadong pwersa ay kailangang may nangungunang papel sa pagtatanggol sa "mga pambansang patakaran, sa sasana [relihiyong Buddhist], tradisyon, kustombre at kultura". Maari niyang idagdag na ang hukbo ng Burma ay may kapangyarihan hindi lang sa militar at “kultural” (sic), kundi sa ekonomiya rin. Kontrolado ng militar ang ekonomiya ng bansa mula ng kudeta sa 1962. Ngayon, opisyal na hawak nito ang 14% ng pambansang badyet, sa kabila ng realidad na mas malaki pa dito, kung isama ang katiwalian at malabong malaking pananalapi.

Dagdag sa kanyang partisipasyon sa jade mining, ang teak wood industry, mamahaling bato at (ang pinakamalaking pinagkikitaan), ang napakalaking kita sa negosyo sa droga, nakinabang rin ang militar sa Myanmar mula sa tubo na nakulimbat ng pag-aari nitong isang conglomerate, ang Myanmar Economic Holding Public Company Ltd (MEHL), isa sa pinaka-makapangyarihan at tiwaling mga organisasyon. Lumawak ang impluwensya ng MEHL sa halos bawat sektor ng ekonomiya, mula sa inumin hanggang sa tabako, minahan at manupaktura ng damit. Sa kasaysayan, para sa kapitalistang estado, kadalasan ang hukbo, bilang huling paraan, ang nagtitiyak ng pambansang pagkakaisa at pagtatanggol sa burges na interes sa sitwasyon ng panloob na pagkahati-hati at komprontasyon. Hindi natatangi ang Myanmar, pero ito ay isang karikatural na halimbawa. Kung tiniyak ng hukbo ang pagkakaisa ng bansa sa harap ng etnikong pagkahati-hati, ang kanyang interes ay nanatili sa “hatiin at pamunuan”, para tiyakin ang kanyang tubo, dapat manatili ang bangayan ng ibat-ibang burges na paksyon para manatili sa kapangyarihan.

Ang kudeta sa pamumuno ni Heneral Ming Aung Hliang ang pinakahuling personapikasyon ng proseso ng lumalaking kaguluhan at dekomposisyon kung saan minsan mahirap magkaroon ng tikas sa gitna ng ligalig ng mga komprontasyon, karahasan,  etnikong paglilinis at barbarismo... At lahat ng mga demonstrasyon ng populasyon sa lansangan para ipagtanggol ang burges na paksyon ni Aung San Suu Kyi, itong pananampalataya sa mga demokratikong ilusyon, lahat ng ito ay magbunga lang ng mas kaguluhan at panunupil. Bawat krisis sa Burma, tulad sa 1988 o 2007, ay sa praktika, nauwi sa madugong panunupil na may libu-libong patay. Ito ay posibilidad pa rin ngayon dahil sa paggamit ng tunay na bala ng mga pwersa ng panunupil na nagkaroon na ng unang mga biktima. Kaya, bakit may kudeta ngayon?

Marami sa mga burges na komentarista ay kinilala ang kudeta na hindi inaasahan, hindi maunawaan, sa harap ng dominasyong militar na hindi naaalog, kabilang na ang huling nagdaang mga taon sa pagbukas ng demokrasya sa ilalim ng kontrol ng militar, at ang pag-upo sa kapangyarihan ni Aung San Suu Kyi sa Abril 2016. Mga haka-haka ay inilabas sa midya: ang hepe ng hukbo, si Min Aung Hlaing, na malapit ng magretiro, ay posibleng makasuhan sa International Court of Human Rights sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Iba pang paliwanag: ang huling tagumpay ng partido ni Aung San Suu Kyi sa eleksyon sa parliyamento ay masaklap na dagok sa hunta-militar, na ayaw itong tanggapin... Lahat ng mga elementong ito, gaano man ka totoo sila, ay higit sa lahat ekspresyon ng paglala ng tunggalian sa pagitan ng ibat-ibang paksyon ng burgesya sa loob ng makinarya ng estado, lahat ng ito ay nakasira sa istabilidad at rasyunal na pamamahala ng estado mismo.

Sa madaling salita, ang interes ng bawat paksyon, naka-uniporme man o nakabalabal ng demokrasya, ay naging pangunahin kaysa pangkalahatang interes ng pambansang kapital, naging dagdag gasolina sa katiwalian sa tuktok ng estado labilang na sa lahat ng antas ng pag-andar ng lipunan. Ang delikadong ekonomikong sitwasyon sa Myanmar ay pinalala ng husto ng pandemiya. Dagdag sa tumataas na kawalang trabaho, sa kasaysayan ay laging mataas, at ang kahirapan ng populasyon, at habang bumubulusok ng todo ang GDP sa nagdaang mga taon bilang isa sa pinakamahirap na mga bansa sa mundo, ayon sa IMF, ay mayroong lumalaking krisis sa pangangailangan ng tulong at sa kalusugan, na naging dahilan ng pagbakwit ng daan libong mamamayan sa Bangladesh at Thailand. Sa huli, ang mga kaganapan sa Myanmar ay ekspresyon ng parehong pagkabulok na tumagos sa bawat butas ng burges na lipunan, mula sa paglusob sa Capitol hanggang sa pandaigdigang krisis sa kalusugan...

… at ang pag-igting ng imperyalistang tensyon

Pero itong mga tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ay hindi sapat para lubos na maipaliwanag ang sitwasyon. Higit sa lahat nasa imperyalistang tunggalian at tensyon makikita kung ano ang nakataya. Ang pangunahing mga kapangyarihan sa Kanluran, sa pangunguna ng US, ay nagkaisang kinondena ang operasyong militar. Kaagad pagkatapos ng kudeta, hiniling ng US sa UN ang isang resolusyon para dito at humihingi ng parusa laban sa Myanmar. Hindi pinagtibay ang resolusyong ito dahil sa pagtutol ng Russia at China. Sa konteksto ng lumalaking komprontasyon sa pagitan ng China at United States, nanatiling estratehikong erya ang Burma. Nakataya ang kontrol sa South China Sea, Taiwan at Bay of Bengal. Absolutong walang interes ang imperyalismong Tsina na pahintulutan ang anumang "istabilisasyon", partikular ng anumang demokratikong palamuti, na higit sa lahat ay maaring makinabang ang US. Ang panatilihin ang burak sa Myanmar ay estratehiya ng Tsina sa Asya, ang makapasok sa Bay of Bengal ay mayor na layunin ng China, maging ng India. Kaya para sa interes ng Tsina na panatilihin ang instabilidad sa pamamagitan ng, halimbawa, pagsuporta sa mga gerilya sa hilaga, sa Estado ng Rakhine (Arakan), habang binibigyan ng suporta ang militar, sa pagsasabing ang kudeta ay isang “reorganisasyon ng gobyerno”! Isa sa mga layunin ng Beijing ay kompletuhin ang China-Myanmar Economic Corridor (CMEC), para makapasok sa Indian Ocean, na iniiwasan ang Straits of Malacca, na laging kontrolado ng US Navy. Komitido ito na panatilihin ang istabilidad ng relasyon sa kalakalan at pulitika sa Myanmar. Higit sa lahat, ito ay mayor na estratehikong bantay sa kanyang proyektong "Silk Road", kaagapay nito ang pangangailangan ng Beijing ng suporta pangseguridad, laluna ang base militar sa hinaharap at diplomatikong pakikipag-alyansa. Matapos ang pagpahayag ng suporta ng Beijing sa Pakistan, ang malakas na suporta sa rehiyon para sa rehimeng militar sa Myanmar ay isang oportunidad para depensahan ang kanyang interes habang hinaharangan ang panukalang embargo at parusa na hinihingi ng Estados Unidos.

Nagpahiwatig ng suporta ang imperyalismong Ruso sa kudeta. "Isang linggo matapos ang kudeta, ang Ministro ng Depensa sa Rusya na si Sergey Shoygu ay bumiyahe sa Myanmar para kumpirmahin ang kasunduan ng suplay ng ground-to-air missile systems, surveillance drones at radar equipment, ayon sa Nikkei Asia Magazine. Pumirma rin ng kasunduan ang Rusya kay General Ming para sa flight safety, na nabanggit na binisita ang Rusya ng anim na beses sa nagdaang dekada". Nasa komplikadong sitwasyon naman ang India: habang matatag nitong tinutulan ang kudetang militar sa Burma 30 taon na ang nagdaan, hindi ito huminto sa pakikipagrelasyon sa rehimen ng Burma, pareho sa paksyon ng hunta at ni Aung San Suu Kyi. Ngayon, ang rehimeng Modi ay natuksong ipagpatuloy ang dayalogo sa kanyang katabing-bansa. Pero nais nito sa ano mang paraan na iwasan na magbigay kahit isang pulgada na bentahe sa Tsina.

Sa patibong ng pagtatanggol sa demokrasya

Naharap sa pangatlong kudeta, at sa konteksto ng krisis kung saan 60% ng mamamayan ay namuhay sa matinding kahirapan, umalma ang buong populasyon, partikular ang henerasyon ng kabataan. Maraming mga demonstrasyon sa lansangan at maging mga welga ang nangyari. Itong kilusan ng "civil disobedience" na may sabotahe sa transportasyon, telekomunikasyon at teknolohiya sa impormasyon, na naglalayong “ibalik ang demokrasya”, ay hindi magbigay wakas sa kaguluhan at karahasan. Kahit pa malinaw na minaliit ng hukbo ang pagtutol ng populasyon sa pamamagitan ng walang katulad na kilusang pagtakwil, laluna sa hanay ng kabataan, ang panlipunang kilusan na nakabatay sa purong burges na tereyn ng mga demokratikong kahilingan ay hindi naglalaman ng binhi para sa mas mabuting kinabukasan.

Nitong nagdaang mga taon maraming kabataan ang nabighani sa ilusyon ng burges na demokrasya. Subalit ang pagtatanggol sa demokratikong estado, ang pagtatanggol sa partido ni Aung San Suu Kyi, ang kasabwat sa mga krimen na ginawa ng hukbo sa mamamayan ng Rohingya, ay isang patibong na magdudulot lang sa kanila ng seryosong kabiguan. Sa kabila ng napakahinang rekord sa ekonomiya sa apat na taon sa kapangyarihan ni "State Counsellor" Aung San Suu Kyi, nanatili siyang popular sa populasyon na nagdusa sa mga taon ng diktadura (1962-2011). Subalit, ang demokratikong partido at hunta-militar ay magkabilaang panig ng iisang barya, ang burges na estado. Ang huli ay isang institusyon na ang papel ay panatilihin ang panlipunang kaayusan at status quo para mapreserba ang interes ng naghaharing uri at hindi para mapabuti ang kalagayan ng mga pinagsamantalahan at inaapi. Bilang resulta, ang daang libong kabataan at manggagawa na lumahok sa mga demonstrasyong ito ay mga bilanggo sa isang kilusan na nagtataguyod lang sa kapitalistang kaayusan. Ang pagtatanggol sa demokrasya ay isang patibong at tunay na walang patutunguhan. Mas malala pa: ang lumaban sa tereyn na ito ay tutungo lang sa kainutilan at madugong sakripisyo ng uring manggagawa at ng buong populasyon.

Stopio, 27 Pebrero 2021


Source URL: https://en.internationalism.org/content/16986/democracy-or-military-junt... [4]

Rubric: 

Myanmar

Pagkapangulo ni Biden: Ang US at pandaigdigang kapitalismo patungo sa kawalan

  • 63 beses nabasa

 

[5]

Ang administrasyon ni Trump ay nagdulot na ng nakakahiya pero nakamamatay na kapahamakan para sa burgesya ng US – hindi bababa sa pamamagitan ng aktibong pagpapalala sa pandemiya ng Covid sa 2020 – subalit laging may pag-asa sa hanay ng mas matinong mga paksyon ng naghaharing uri sa Amerika na ang pagkaroon ng isang walang kakayahan na narsisista ay isa lang padaan na bangungot, na maya-maya lang ay magigising na sila. Pero ang elektoral na tagumpay ng Democratic Party ay hindi landslide tulad ng inaasahan – ito man ay sa bagong administrasyon ni Joe Biden o ng bagong Kongreso.

Mas malala pa, isang naka-telebisyon na riot ang nangyari sa Kapitolyo, ang sagradong lugar ng demokrasya sa US, na sinulsulan ng papalitan na pangulo ng estado na itinakwil ang opisyal, pinagtibay, na resulta ng eleksyong presidensyal! Isang grupo ng manggugulo ang nagtangkang marahas na pigilan ang demokratikong paghalili, na hinimok mismo ng nakaupong pangulo – tulad ng sa banana republic na kinilala ni George W Bush. Tunay na ito ay pantukoy na yugto ng dekomposisyon ng pandaigdigang kapitalismo. Ang mapaminsala-sa-sarili na populismo sa UK sa pamamagitan ng Brexit ay parang kakatuwa para sa ibang mga bansa, dahil ang Britanya ay isang segundaryong kapangyarihan, subalit ang banta ng instabilidad na kinatawan ng insureksyon sa Capitol Hill ng US ay nagdulot ng pagkabigla at takot sa buong internasyunal na burgesya.

Ang kasunod na pagtangkang ipalitis si Trump sa ikalawang pagkakataon ay malamang muling mabigo, at posibleng magpasigla sa kanyang milyun-milyon na tagasuporta sa populasyon, kabilang na ang malaking bahagi ng Republican party.

Ang inagurasyon ng bagong Presidente sa Enero 20, na kadalasan ay okasyon ng pagpapakita ng pambansang pagkakaisa at rekonsilyasyon, ay hindi mangyari: si Trump ay hindi dadalo, na kabaliktaran sa tradisyon ng papalitan na mga presidente, at ang Washington DC ay isailalim sa lockdown ng militar para pigilan ang anumang armadong pagtutol ng mga tagasuporta ni Trump. Ang perspektiba kung gayon ay hindi ang maayos, pangmatagalang muling pagtatag ng tradisyunal na demokratikong kaayusan at ideolohiya ng administrasyong Biden, kundi ang pagbibigay-diin - sa lumalaking marahas na kalikasan – ng dibisyon sa pagitan ng klasikal na burges-demokrasya at populismo, ang huli ay hindi maglalaho sa pagtatapos ng rehimeng Trump.

Ang US – mula sa pinakamalakas na makapangyarihan sa mundo patungong sentro ng pagkabulok

Mula 1945 ang demokrasya sa US ay naging puno ng pandaigdigang kapitalismo. Dahil sa mapagpasyang papel sa tagumpay ng Allied sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at may malaking kontribusyon upang mapigilang bumagsak ang Uropa at Japan, nagawa nitong hatakin ang mundo mula sa pagkasira at muling binuo ayon sa kanyang sariling imahe sa panahon ng Cold War. Sa 1989, sa pagkatalo at pagkawasak ng karibal na totalitaryan na bloke ng Rusya, tila naabot na ng US ang rurok ng kanyang dominasyon at katanyagan. Nagpahayag si George Bush Snr na darating ang Bagong Pandaigdigang Kaayusan matapos bumagsak ang bloke ng Rusya sa 1989. Iniisip ng Washington na mapanatili niya ang kanyang dominasyon sa pamamagitan ng pagpigil sa anumang lilitaw na bagong kapangyarihan bilang seryosong kalaban sa kanyang pamumuno sa mundo. Pero sa halip, ang paggigiit ng kanyang superyoridad-militar ay nagpabilis sa pandaigdigang kaguluhan sa walang saysay na mga tagumpay (Kuwait, ang Balkans sa 1990s) at magastos na bigong patakarang-panlabas sa Iraq, Afghanistan at Syria. Mas pinahihina ng US ang mga alyansa kung saan nakasalalay ang kanyang dating pamumuno sa mundo at dahil dito nahimok ang ibang mga kapangyarihan na kumilos ayon sa kagustuhan nila.

Dagdag pa, hindi napahina ng kapangyarihan at yaman ng US ang dumaraming mga kombulsyon sa pandaigdigang ekonomiya: ang tilamsik ng apoy ng krisis sa 2008 na nanggaling sa Wall Street at nilamon ang US at ang mundo sa pinaka-seryosong pagbulusok mula ng muling lumitaw ang hayag na krisis sa 1967.

Ang mga panlipunan at pulitikal na bunga ng mga pag-atras ng US, at kawalan ng mga alternatiba, ay mas pinalaki ang dibisyon at kaguluhan sa burges na estado, at sa populasyon sa pangkalahatan, na humantong sa dumaraming pagkasira sa establisadong pampulitikang pamantayan ng demokratikong pampulitikang sistema ng US.

Ang nagdaang pangulohan nila Bush at Obama ay bigong buuin ang pangmatagalang konsensus sa tradisyunal na demokratikong kaayusan sa hanay ng populasyon sa kabuuan. Ang ‘solusyon’ ni Trump sa problemang ito ay hindi para resolbahin ang pagkawatak-watak kundi mas lalo pa itong patingkarin sa pamamagitan ng bastos at magulong polisiya ng bandalismo na mas lalo pang gumutay-gutay sa lokal na pampulitikang konsensus at pinunit ang mga kasunduang militar at ekonomiya sa kanyang dating mga alyado sa pandaigidgang arena. Lahat ng ito ay ginawa sa ilalim ng banderang ‘Una ang Amerika’ – pero sa realidad nagsilbi ito para palakihin ang pagkawala ng istatus ng USA.

Ibig sabihin, ang nagpapatuloy na pampulitikang krisis ng demokrasya sa US, na sinimbolo ng pagsalakay sa Kapitolyo, ay nakadagdag sa magulo at makasira-sa-sarili na mga resulta ng imperyalistang polisiya ng US at mas naging malinaw na ang nanatiling pinaka-malakas na kapangyarihan sa mundo ay nasa sentro ng, at may mayor na papel sa, pagkabulok ng pandaigdigang kapitalismo sa lahat ng antas.

Hindi kaya ng Tsina na punan ang puwang

Ang Tsina, sa kabila ng kanyang lumalaking kapangyarihan sa ekonomiya at militar, ay hindi kayang punan ang puwang ng pamumuno sa daigdig na nilikha ng dis-oryentasyon ng US. Ito ay dahil ang huli ay nanatiling may kapasidad at determinadong pigilan ang paglaki ng impluwensya ng Tsina bilang mayor na layunin mayroon o walang Trump. Halimbawa, isa sa mga plano ng Administrasyong Biden ay palakasin ang polisiyang anti-Tsina sa pagbuo ng D10, isang alyansa ng mga demokratikong kapangyarihan (ang G7 kasama ang Timog Korea, India, at Australia). Hindi na kailangang ipaliwanag ang magiging papel nito sa pagpapalala ng imperyalistang tensyon.

Subalit ang mga tensyon na ito ay hindi maaring maging daan sa pagbuo ng panibagong mga bloke dahil sa maliwanag na mga kadahilanan. Dahil sa paglala ng dekomposisyon ng kapitalismo lumalaki ang posibilidad na hindi mangyari ang pangkalahatang pandaigdigang digmaan.

Mga peligro para sa uring manggagawa

Sa 1989 tinataya namin na ang bagong yugto ng dekomposisyon ng kapitalismo ay magdadala ng dumaraming kahirapan sa proletaryado.

Ang kamakalilan lang na mga kaganapan sa US ay muling pinatunayan ang prediksyong ito.

Ang pinakamahalaga sa mga ito sa relasyon ng kasalukuyang sitwasyon sa US ay ang peligro na mga seksyon ng uring manggagawa na ma-mobilisa sa likod ng lumalaking marahas na paligsahan ng magkasalungat na mga paksyon ng burgesya, ie, hindi lang sa elektoral na larangan kundi maging sa mga lansangan. Ang mga bahagi ng uring manggagawa ay maaring maligaw sa populismo at pagtatanggol sa demokrasya, ang dalawang maling alternatiba na inaalok ng kapitalistang pagsasamantala.

Konektado dito ay ang katotohanan na sa kasalukuyang sitwasyon ang ibang saray ng hindi-nagsasamantalang populasyon ay mas lalupang itinutulak para sa pampulitikang aksyon ng buong serye ng mga salik: ang mga epekto ng krisis sa ekonomiya, ang paglala ng pagkasira ng ekolohiya, ang paglakas ng panunupil ng estado at ng kanyang rasistang kalikasan, na humantong upang sila ay kumilos bilang daluyan ng mga burges na kampanya tulad ng kilusang Black Lives Matter, o bilang daluyan ng mga pakikibaka ng halu-halong mga uri.

Gayunpaman, sa internasyunal na antas ang uring manggagawa sa yugto ng dekomposisyon ay hindi pa natalo katulad ng sa 1930s. Ang kanyang mapanlabang mga reserba ay nanatiling buo at ang darating na karagdagang mga pang-ekonomiyang atake sa istandrad ng kanyang pamumuhay – kasama na ang paniningil sa pang-ekonomiyang pinsala ng pandemiya ng Covid – ay mapwersa ang proletaryado ng makibaka sa kanyang makauring larangan.

Ang hamon para sa mga rebolusyonaryong organisasyon

Ang rebolusyonaryong organisasyon ay may limitado pero napaka-importanteng papel sa kasalukuyang sitwasyon dahil, habang maliit pa ang impluwensya nito, at maging sa mahabang panahon na darating, ang sitwasyon ng uring manggagawa sa kabuuan ay magdadala ng maliit na minoriya sa rebolusyonaryong mga posisyon, na kapansin-pansin sa US mismo.

Ang matagumpay na transmisyon sa maliit na minoriyang ito ay nakasalalay sa maraming pangangailangan. Signipikante sa kasalukuyang konteksto ay ang kombinasyon, sa isang banda, ng isang mahigpit na pangmatagalang programa at kalinawan, na nakaugnay sa kabilang banda sa kapasidad ng organisasyon para sa isang rasyunal, umuunlad na pagsusuri sa buong sitwasyon ng daigdig: ang kanyang istorikal na pundasyon at perspektiba.

Ang pandaigdigang sitwasyon sa nagdaang taon ay dumarami ang binasag na bagong rekord sa pagkabulok ng pandaigdigang kapitalismo – ang pandemiya ng covid, ang krisis sa ekonomiya, ang krisis sa pulitika sa US, ang pagkasira ng ekolohiya, ang kalagayan ng mga bakwit, ang paghihikahos ng lumalaking bilang ng populasyon sa mundo. Ang dinamiko ng kaguluhan ay bumibilis at nagiging mas mahirap matantya, na nag-aalok ng bago, mas madalas na mga hamon sa ating pagsusuri at nangangailangan ng kakayahan na magbago o umangkop ayon sa bilis nito na hindi kinakalimutan ang ating mga simulain.

 IKT, 16.01.2021

Source: Biden presidency: The US and world capitalism on the road to nowhere | International Communist Current (internationalism.org) [6]

Rubric: 

Pampulitikang kaguluhan sa USA

Paglusob sa Kapitolyo ng Washington: Amerika ang sentro ng kabulukan ng pandaigdigang kapitalismo

  • 26 beses nabasa

“Ganito pinagtatalunan ang resulta ng halalan sa isang banana republic”. Ang deklarasyong ito ay nangyari matapos ang pagsalakay noong Enero 6 sa Kapitolyo ng daan-daang mga taga-suporta ni Donald Trump, para pigilan ang sertipikasyon ng pagkapanalo ni Joe Biden. Malamang iniisip ninyo na ang naturang mabagsik na hatol sa pampulitikang sitwasyon sa US ay galing sa isang tao na may galit-sa-loob sa Amerika, o mula sa isang maka-“kaliwang” Amerikano. Hindi: ito ay galing sa dating pangulo na si George W. Bush, kapartido ni Trump. Sinabi nito sa atin gaano kabigat ang nangyari sa Washington sa araw na iyon. Ilang oras bago ang pagsalakay, sa harap ng White House, ang natalong presidente, tulad ng isang mang-uudyok sa ikatlong daigdig, ay pinaiinit ang kanyang mga tagasuporta “Hindi tayo susuko. Hindi tayo tatanggap ng pagkatalo …hindi ninyo muling mabawi ang ating bansa sa pamamagitan ng kahinaan ...Alam ko na ang bawat isa dito ay malapit ng magmartsa patungong Kapitolyo para mapayapa at makabayan na iparinig ang inyong mga boses”. 

Bilang pagtalima sa may manipis na tabing na panawagan ng riot, ang mapaghiganting pangkat, sa pamumuno ng mga Trumpistang gang tulad ng Proud Boys, ay naglakad lang mula sa National Mall patungong Kapitolyo at inatake ang gusali, habang pinanood ng lubusang natulalang pwersang pangseguridad. Paanong nawalan ng kontrol ang mga kordon ng kapulisan na ang trabaho ay bantayan ang daan patungong Kapitolyo at pinayagan ang mga sumalakay na makapasok sila habang matinding pwersa sa harap ng parehong gusali ang ginamit sa panahon ng mga demonstrasyon ng Black Lives Matter? Ang naturang mga imahe ay nakadagdag sa teorya na ang pagsalakay sa simbolo ng demokrasya sa Amerika ay isang “pampulitikang Setyembre 11”.

Kahit na naharap sa ganitong kaguluhan, mabilis na nakapagpadala ang mga awtoridad: kumilos ang mga tropang anti-riot at National Guard, isang demonstrador ang binaril at tatlong iba pa ay namatay, ipinataw ang curfew habang nagpatrolya ang mga sundalo sa Washington. Itong nakamamanghang mga imahe ay tunay ngang kahawig sa mga gabi matapos ang eleksyon sa mga “banana republic” sa ikatlong daigdig, na pinunit ng madugong labanan sa pagitan ng mga pangkat ng mafia. Pero ang mga kaganapang ito, na naging ulo ng mga balita sa buong mundo, ay hindi dahil sa isang megalomaniac na heneral ng militar. Nangyari ito sa lugar ng pinaka-makapangyarihang bansa ng planeta, sa “pinakabantog na demokrasya ng mundo”.

Ang nangungunang kapangyarihan ng mundo ay naging sentro ng lumalaking kaguluhan

Ang “paglapastangan sa templo ng demokrasya sa Amerika” ng isang grupo na binuo ng mga white supremacist na armado ng selfie sticks, ng mga panatikong armadong milisya, isang conspiracy theorist na nagsuot ng horned fur helmet, ay garapal na ekspresyon ng lumalaking karahasan at irasyunalidad na nakahawa sa lipunang Amerikano. Ang mga bali sa kanyang pampulitikang makinarya, ang pagsabog ng populismo mula ng maupo si Trump, ay maliwanag na ilustrasyon ng katotohanan na ang kapitalistang lipunan ay nabubulok na sa kanyang kaibuturan. Katunayan, tulad ng pinatunayan namin mula huling bahagi ng 1980s[1], ang kapitalistang sistema, na pumasok na sa kanyang yugto ng pagbulusok sa panahon ng Unang Pandaigdigang Digmaan, ay sa nagdaang mga dekada ay lumulubog sa kanyang huling yugto ng pagbulusok, ang yugto ng dekomposisyon. Ang pinaka-nakagigilalas na ekspresyon ng ganitong sitwasyon ay ang pagbagsak ng bloke sa Silangan tatlong dekada na ang nakaraan. Itong mayor na kaganapan ay hindi simpleng indikasyon ng karupukan ng mga rehimen na namuno sa mga bansa ng blokeng ito. Ito ay ekspresyon ng istorikal na proseso na nakakaapekto sa buong pandaigdigang kapitalistang sistema at mas lumala mula noon. Hanggang ngayon ang pinakamalinaw na mga senyales ng dekomposisyon ay nakikita sa napakahinang mga bansa na nasa “gilid”: galit na mga tao na naging pambala ng kanyon para sa interes ng ganito o ganoong burges na paksyon, pinakamalalang karahasan araw-araw, ang pinakamadilim na kahirapan na nakikita sa bawat kanto, ang de-istabilisasyon ng mga estado at buong rehiyon …lahat ng ito ay tila nangyari lang sa mga “banana republic”.

Subalit sa loob ng maraming taon, itong pangkalahatang tendensya ay mas lalupang tahasang tumatama sa “sentral” na mga bansa. Oo naman, hindi lahat ng mga bansa ay pareho ang antas ng pagiging apektado, pero malinaw na tumatama ang dekomposisyon sa pinakamakapangyarihang mga bansa: ang pagdami ng mga teroristang atake sa Uropa, sorpresang panalo ng mga iresponsableng indibidwal tulad nila Trump o Boris Johnson, ang pagsambulat ng irasyunal na mga ideolohiya at, higit sa lahat, ang mapaminsalang tugon sa pandemiya ng Coronavirus na ekspresyon mismo ng walang katulad na pagpapabilis ng dekomposisyon. Ang buong kapitalistang mundo, kabilang na ang pinaka-“sibilisadong” mga bahagi, ay hindi mapigilang nag-eebolusyon patungong barbarismo at lumalaking malubhang mga kombulsyon.

Kung ngayon, sa hanay ng pinaka-maunlad na mga bansa, ang US ang pinaka-apektado sa ganitong pagkasira, kumakatawan rin ito sa isa sa mga mayor na salik ng instabilidad. Ang kawalan ng kapasidad ng Amerikanong burgesya na pigilan ang isang bilyonaryong payaso na kinalinga ng Reality TV sa pagkuha ng posisyon bilang pangulo ay nagpakita na ng lumalaking kaguluhan sa pampulitikang makinarya ng US. Sa panahon ng kanyang mandato, hindi huminto si Trump na palalain ang pagkahati-hati ng lipunang Amerikano, na mas kapuna-puna sa pagkakahati-hati sa lahi, at ginagatungan ang kaguluhan sa buong planeta, sa pamamagitan ng lahat ng klase ng matatapang na mga deklarasyon at malabong mga kasunduan na pinagyabang na banayad na mga maniobra ng isang dalubhasang negosyante. Magunita natin ang kanyang banggaan sa komand ng militar sa Amerika na pinigilan siya, sa huling sandali, mula sa planong bombahin ang Iran, o ang kanyang “istorikal na pulong” kay Kim Jong-un na ilang linggo bago ang pulong ay tinawag niya na “Rocket Man”.

Matapos sumiklab ang pandemiya ng Covid-19, matapos ang ilang dekadang pagkasaid ng sistema sa kalusugan, lahat ng mga estado ay nagpakita ng kriminal na kapabayaan. Subalit dito, muling nasa unahan ng sakuna, pareho sa pambansang antas, na may pinakamaraming patay [2], at internasyunal na antas, sa pamamagitan ng paninira sa institusyon ng pandaigdigang kooperasyon tulad ng World Health Organisation.

Ang pagsalakay sa Kapitolyo ng mga panatikong Trumpistang pangkat ay ganap na bahagi ng pagsambulat ng kaguluhan sa lahat ng antas ng lipunan. Ito ay ekspresyon ng paglaki ng lubusang irasyunal at marahas na tunggalian sa pagitan ng bahagi ng populasyon (puti laban sa itim, mamamayan laban sa mga elitista, kalalakihan laban sa kababaihan, mga bakla laban sa mga hindi bakla, atbp) – ang karikatura ay kinatawan ng mga armadong rasistang milisya at hibang na mga teoretista ng pagsasabwatan.

Pero ang mga “baling” ito ay higit sa lahat repleksyon ng hayag na kumprontasyon ng mga paksyon ng burgesyang Amerikano: ang mga populista sa palibot ni Trump sa isang banda, yaong may mas malaking malakasakit sa pangmatagalang mga interes ng pambansang kapital sa kabilang banda. Sa loob ng Democratic Party kasama ang mga elemento ng Republican Party, sa mga mekanismo ng estado at hukbo, sa malaking mga pahayagan o sa tungtungan ng mga seremonya sa Hollywood, ang mga kampanya ng oposisyon laban sa mga kumpas ng populistang Presidente ay tuloy-tuloy at  minsan ay napaka-makamandag.

Itong mga sagupaan sa pagitan ng ibat-ibang sektor ng burgesya ay hindi na bago. Subalit sa isang “demokrasya” tulad ng US, at kabaliktaran sa nangyayari sa mga bansa sa ikatlong daigdig, sa normal na proseso, sila ay nagaganap sa balangkas ng mga institusyon, na may tiyak na “respeto sa kaayusan”. Ang katunayan na ginagawa nila ito sa marahas na porma sa isang “modelo ng demokrasya” ay patunay sa nakahihindik na paglala ng kaguluhan sa loob ng pampulitikang makinarya ng naghaharing uri, at ito ay tanda ng signipikanteng hakbang ng pagdausdos ng kapitalismo sa pagkabulok.

Sa paglatigo sa kanyang baseng taga-suporta, tumawid si Trump sa kanyang panibagong linya ng polisiya ng marahas na pag-agaw matapos siyang matalo sa eleksyong Presidensyal, na ayaw niyang kilalanin. Ang kanyang pag-atake sa Kapitolyo, ang lehislatibong simbolo ng demokrasya sa Amerika, ay nagbukas ng malaking bitak sa loob ng Republican Party, kung saan walang mapagpilian ang kanyang “moderatong” kampo kundi kondenahin ang “kudetang” ito laban sa demokrasya, at lumayo kay Trump para iligtas ang partido ni Abraham Lincoln. Para sa mga Demokrata, itinaas nila ang pusta sa pamamagitan ng pagpapalaki nito at sumigaw ng kriminal na aktitud ni Trump.

Para subukang ibalik ang imahe ng Amerika sa harap ng nagulantang na pandaigdigang burgesya, upang makontrol ang pagsabog ng kaguluhan sa “Lupa ng Kalayaan, si Joe Biden at ang kanyang paksyon ay kaagad nagdeklara ng buhay at kamatayang pakikipaglaban kay Trump, kinondena ang iresponsableng mga aksyon ni Trump, nanawagan na tanggalin siya sa kapangyarihan kahit maiksi na lang ang nalalabing oras bago pa ang inagurasyon ng bagong Presidente.

Ang sunod-sunod na pagbitiw ng mga ministro ng Republican, ang panawagan ng pagbitiw o impeachment kay Trump, kabilang na ang panawagan sa Pentagon na matyagang mabuti ang Presidente at tiyakin na hindi niya pindutin ang pindutang nukleyar, ay mga patunay ng determinasyon na tanggalin siya mula sa pampulitikang paligsahan. Isang araw matapos ang atake sa Kapitolyo, nagkahugis ang pampulitikang krisis sa pagkondena sa kanya ng kalahati ng baseng elektoral, habang ang isa pang kalahati ay patuloy ang pagsuporta sa kanya at binigyang katuwiran ang pagsalakay. Tila seryosong nakompromiso ang pampulitikang propesyon ni Trump. Sa partikular, ginagawa na ang mga hakbangin upang tiyakin na hindi na isya makatakbo sa eleksyon sa 2024. Ngayon, iisa na lang ang layunin ng natalong Presidente: iligtas ang sarili mula sa banta ng prosekusyon dahil sa pang-uugyok ng insureksyon. Sa gabi ng araw ng pag-atake sa Kapitolyo, si Trump, bagaman tumangging kondenahin ang kanilang pagkilos, ay nanawagan sa kanyang tagasuporta na “umuwi na”. Makalipas ang dalawang araw kinain niya ang kanyang mga sinabi ng inilarawan niya ang paglusob na “karumaldumal” at sinabi niya na “nagalit siya sa karahasan,  rebelyon at  labanan”. At, nagpakumbaba, tahimik niya na kinilala ang kanyang pagkatalo sa eleksyon at nagdeklarang bababa siya sa kanyang trono para kay Biden, habang iginiit na hindi siya dadalo sa inagurasyon sa 20 Enero.

Posible na ganap ng matanggal si Trump sa pampulitikang paligsahan, pero hindi ang populismo! Itong reaksyonaryo at oskurantista na ideolohiya ay nagmula sa ilalim na patuloy na lilitaw sa paglala ng kabulukan ng lipunan, kung saan naging sentro ang USA ngayon. Higit pa sa nakaraan lalupang nagkahati-hati at nagkagutay-gutay ang lipunang Amerikano. Patuloy na lalaki ang karahasan na may permanenteng peligro ng mga komprontasyon (kabilang na ang armadong labanan) sa loob ng populasyon. Ang retorika ni Biden ng “rekonsilyasyon” sa mamamayang Amerikano ay nagpakita gaano ka grabe ang sitwasyon, pero anuman ang parsyal o temporaryong tagumpay na makamit nito, hindi nito mapigilan ang malalim na tendensya patungong panlipunang dislokasyon ng nanungunang kapangyarihan ng mundo.

Ang pinakamalaking peligro sa proletaryado sa USA ay mahila ito sa bangayan ng ibat-ibang mga paksyon ng burgesya. Malaking bahagi ng baseng elektoral ni Trump ay mga manggagawa na itinakwil ang mga “elitista” at naghahanap ng “tagapagligtas”. Nagawang makuha ni Trump ang suporta ng maraming walang trabahong manggagawa mula sa “rust belt” dahil sa kanyang mga pangako na muling palakasin ang industriya. Peligro na magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga manggagawang maka-Trump at maka-Biden. Dagdag pa, ang pagbulusok patungong dekomposisyon ay banta rin upang tumindi ang pagkahati-hati sa kulay na laganap sa USA, na pinapakain sa mga ideolohiyang identidad at pinag-away ang itim at puti.

Ang napakalaking demokratikong kampanya ay patibong sa uring manggagawa!

Ang tendensya patungong kawalan ng kontrol ng burgesya sa kanyang pampulitikang paligsahan, na nakita natin sa pag-upo ni Trump bilang Presidente, ay hindi nagkahulugan na maaring samantalahin ng uring manggagawa ang dekomposisyon ng kapitalismo. Kabaliktaran, hindi tumigil ang naghaharing uri na gamitin ang mga epekto ng dekomposisyon laban sa uring manggagawa. Sa 1989 pa, ng ang pagbagsak ng bloke sa Silangan ay maliwanag na ekspresyon ng pagkabulok ng kapitalismo, ginamit ng burgesya sa pangunahing mga bansa ang nangyari upang pakawalan ang napakalaking demokratikong kampanya na naglalayong ilarawan na pareho ang barbarismo ng mga Stalinistang rehimen at ang tunay na komunistang lipunan. Ang sinungaling na salita ng “kamatayan ng rebolusyonaryong perspektiba” at “naglaho na ang uring manggagawa” ay nakakalito sa proletaryado, na nagbunga ng napakalalim na pagbaba sa kamulatan at diwang mapanlaban. Ngayon ginagamit ng burgesya ang mga kaganapan sa Kapitolyo upang simulan ang bagong kampanya ng kabantugan ng burges demokrasya.

Habang sinasakop pa ng mga “insureksyunista” ang Kapitolyo, Agad nagdeklara si Biden, “Tulad ng napakaraming Amerikano, ako ay tunay na nagulat at nalungkot na ang ating bansa, na matagal ng naging tanglaw ng liwanag at pag-asa para sa demokrasya ay nakaranas ngayon ng isang madilim na panahon …Ang gawain ngayon at gawain sa susunod na apat na taon ay kailangang panumbalikin ang demokrasya”. Ito ay sinundan ng talon ng mga deklarasyon na patungo sa parehong direksyon, kabilang na mula sa loob ng Republican Party. Pareho sa ibang mga bansa, partikular mula sa mga lider ng pangunahing mga bansa sa Kanluran. “Nagalit at nalungkot ako sa mga imaheng ito. Subalit sigurado ako na papatunayan mismo ng demokrasya sa Amerika na maging mas malakas kaysa mga manunulong at manggugulo”, deklara ni Angel Merkel. “Hindi tayo susuko sa karahasan ng mga tao na gustong sirain ang demokrasya” alok ni Emmanuel Macron. At dagdag ni Boris Johnson: “Sa buong buhay ko ang Amerika ay nanindigan para sa napakahalagang mga bagay. Ang ideya ng kalayaan, ang ideya ng demokrasya”.

Matapos ang mobilisasyon para sa eleksyong Presidensyal, na nakitaan ng mas maraming bomoto, at ang kilusan ng Black Lives na humihiling ng mas “makatuwiran” at “malinis” na kapulisan, malaking mga sektor ng pandaigdigang burgesya ang nagtangkang pakilusin ang proletaryado para ipagtanggol ang demokratikong estado laban sa populismo. Nanawagan sa proletaryado na suportahan ang “Demokratikong” paksyon laban sa “Diktador” na si Trump. Itong maling mapagpilian ay purong mistipikasyon, isang patibong para sa uring manggagawa!

Sa kalagayan ng internasyunal na kaguluhang ginawa ni Trump, Kaya ba ng Demokratang si Biden na buuin ang isang mas makatuwirang pandaigdigang kaayusan? Tiyak na hindi! Ang nanalo ng Nobel Peace Prize na si Barack Obama, at ang kanyang Bise-Presidente na si Joe Biden, ay nagsagawa ng walang patid na 8 taong digmaan. Hindi milagrosong maglaho ang tensyon sa pagitan ng Tsina, Rusya, Iran at iba pang imperyalistang manggagantso.

Kaya ba ni Biden ialok ang mas makataong kinabukasan sa mga migrante? Dapat tingnan lang natin kung gaano kabangis ang kanyang mga pinalitan, tulad ng lahat ng mga “bantog na demokrasya”, sa pagtrato sa mga “hindi kanais-nais”. Dapat lang natin balikan na sa walong taon ng presidenteng si Obama, si Biden bilang Bise-Presidente, mas marami ang deportasyon sa mga migrante kaysa sa walong taon ni George W. Bush. Ang mga hakbanging anti-imigrasyon ng administrasyong Obama ay nagbukas lang ng pintuan sa  pagdami ng anti-imigrasyon sa ilalim ni Trump.

Matatapos na ba ang mga atake laban sa uring manggagawa sa “pagbalik ng demokrasya”? Siguradong hindi! Ang pagbulusok ng pandaigdigang ekonomiya patungong krisis ay walang anumang solusyon, na pinalala ng pandemiya ng Covid-19, ay magdulot ng pagsambulat ng kawalang trabaho, ng kahirapan, ng mga atake sa kabuhayan at kondisyon sa pagtrabaho ng pinagsamantalahan sa lahat ng mga sentral na bansa na pinamunuan ng mga “demokratikong” gobyerno. At kung magawa ni Joe Biden na “linisin” ang kapulisan, ang mapanupil na pwersa ng demokratikong estado, sa US at sa lahat ng mga bansa, ay pakawalan pa rin laban sa anumang kilusan ng uring manggagawa, laban sa lahat ng pagtatangka nito para ipagtanggol ang kanyang kabuhayan at batayang pangangailangan.

Walang maaasahan sa “pagbalik ng demokrasya” sa Amerika . Hindi dapat mapakalma at mahulog sa patibong sa mga kanta ng sirena ng mga demokratikong paksyon ng burges na estado. Kailangan hindi nito makalimutan na sa ngalan ng pagtatanggol sa demokrasya laban sa pasismo nagtagumpay ang naghaharing uri na mobilisahin ang milyun-milyong manggagawa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdi, na sa malaking bahagi sa ilalim ng pamumuno ng Kaliwa at mga prente popular. Ang burges demokrasya ay isa lang nakatago, ipokritong mukha ng diktadura ng kapital!

Ang atake sa Kapitolyo ay bagong sintoma ng naghihingalong sistema na dahan-dahang hinihila ang sangkatauhan sa impyerno. Naharap sa nabubulok na burges na lipunan, tanging ang uring manggagawa, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pakikibaka sa kanyang sariling larangan laban sa mga epekto ng krisis sa ekonomiya, ang may kapasidad na ibagsak ang kapitalismo at wakasan ang banta ng pagkawasak ng planeta at sangkatauhan.

IKT 10.1.21

 


[1] Tingnan ang aming “Theses on decomposition” sa International Review 107 at “Report on decomposition today” sa International Review 164.

[2] Sa panahon na sinusulat ito, sa opisyal na datos may 363,581 namatay na sa Covid-19 sa US, at 22 milyon ka tao ang nahawa (Source : “Coronavirus : el mapa que muestra el número de infectados y muertos en el mundo por covid-19 [7]”, BBC News Mundo)

Source URL: https://en.internationalism.org/content/16955/assault-capitol-washington... [8]

Rubric: 

Pampulitikang kaguluhan sa USA

Parangal sa aming kasamang Kishan

  • 22 beses nabasa

Sa panahon na ang mundo ay naharap sa pagsubok ng pandemiya ng Covid-19, kami sa IKT ay nasa masakit na pagluluksa sa pagpanaw ng aming kasamang si Kishan noong 26 ng Marso, 2020. Ito ay malaking kawalan sa IKT at sa kanyang seksyon sa India, at matindi ang aming pangungulila sa kanya. Malaki ang ambag ni Kishan sa buhay ng IKT at isang kasama na matibay ang mapanlabang diwa hanggang sa kanyang huling hininga.

Si Kishan ay ipinanganak sa1939 sa liblib na pook ng West Bengal sa India. Pumasok siya sa unibersidad sa 1960s, sa panahon bago muling lumitaw ang uring manggagawa sa entablado sa welga ng 9 milyon manggagawa sa Pransya sa 1968, na sinundan ng Hot Autumn sa Italya sa 1969, sa pakikibaka ng mga manggagawang Polish sa 1970, na nagkahulugan ng pagtatapos ng yugto ng kontra-rebolusyon. Ang 1960s ay panahon ng mga protesta sa mga unibersidad sa buong mundo, partikular laban sa digmaan sa Vietnam at rasismo. Ang mga kabataan na lumahok sa mga kilusang ito ay sinsiro sa kanilang adhikain para sa ‘rebolusyonaryong’ pagbabago, pero kumilos pangunahin sa tereyn ng peti-burgesya na may ilusyon ng “kagyat na pagbabago sa buhay’. Subalit, pareho bago at pagkatapos ng 1968 may mga organisasyon ng kaliwa, i.e. mga burges na organisasyon, na handang rekrutin ang kabataan at hadlangan ang kanilang interes sa posisyon ng uring manggagawa. Ito ang pandaigdigang sitwasyon kung saan nahigop si Kishan sa kilusang Naxalite. Sa panahon ng 1963-65 siya ay nag-aaral ng MSc sa physics sa North Bengal University. Natapos niya ang kanyang Masters na may first-class degree. Habang siya ay nagtapos na estudyante, naging bahagi siya ng kabataang henerasyon na nabighani sa kilusang Naxalite. Unti-unti ang terminong Naxalismo ay naging kasing kahulugan ng Maoismo. Bilang kabataan-estudyante, inilublob niya ang sarili sa uliuli ng kilusan, iniwang hindi tapos ang kanyang pananaliksik at nabilanggo dahil sa kanyang pagkilos. Matapos ang walong taong pagkabilanggo, pinalaya siya noong 1978. Ang hindi mailarawan na tortyur sa bilibid ay nakasira sa kanyang katawan hanggang sa kanyang kamatayan. Sa makipot na selda at hindi sapat, minsan bulok na pagkain, nagkaroon ng tuberculosis si Kishan at itong impeksyon sa baga ay dala-dala niya hanggang sa kanyang huling hininga. Sa kanyang panahon sa loob ng bilibid, partikular na inaral niya si Marx at nakatulong ito sa kanya na maging bukas sa diskusyon sa mga marxistang ideya ng kaliwang komunista ng matagpuan niya ang mga ito.

Si Kishan ay isa sa napakaliit na iilan na nahigop sa Maoismo, isang partikular na masamang porma ng burges na ideolohiya ng kaliwa, na nagawang ganap na kumalas mula dito at inilaan ang kanyang buhay sa proletaryado sa pamamagitan ng pagsanib sa sarili sa tradisyon ng kaliwang komunista. Ang naturang pagkalas ay hindi maiwasang nangangailangan ng klaripikasyon sa pamamagitan ng mahaba at pasensyosong diskusyon sa IKT sa panahon ng 1980s at 1990s. Sa taong 1989, ang pormasyon ng nukleyus ng IKT sa India ay naging pampasigla sa dinamiko ng klaripikasyon. Sa pakikipag-ugnayan ni Kishan sa IKT, naunawaan niya ang tunay na kasaysayan ng kaliwang komunista. Nagulat siya ng kanyang naintindihan sa pamamagitan ng teoretikal na elaborasyon ng IKT na ang Maoismo ay walang iba kundi isang porma ng burges na ideolohiya, isang kontra-rebolusyonaryong pampulitikang tendensya. “Walang kinalaman ang Maoismo sa pakikibaka ng uring manggagawa, ni sa kanyang kamulatan, ni sa kanyang mga rebolusyonaryong organisasyon. Wala itong kinalaman sa marxismo: ito ay hindi tendensya sa loob ni pag-unlad ng rebolusyonaryong teorya ng proletaryado. Kabaliktaran, ang Maoismo ay walang iba kundi isang garapal na palsipikasyon sa marxismo; ang kanyang tanging papel ay ilibing ang bawat rebolusyonaryong prinsipyo, lituhin ang proletaryong kamalayan at palitan ito ng pinaka-istupido at makitid na nasyunalistang ideolohiya. Bilang ‘teorya’, ang Maoismo ay isa lang sa mga porma na inampon ng burgesya sa kanyang dekadenteng yugto ng kontra-rebolusyon at imperyalistang digmaan”[1]. Ang paliwanag ng IKT sa Maoismo ay nakagkaroon ng napakahalagang epekto kay kasamang Kishan. Ang pulitikal aktitud na magsagawa ng lubos na pagpuna sa kanyang nakaraan ay mahalaga para kay Kishan upang maging militante ng isang tunay na rebolusyonaryong organisasyon.

Ang Partido Komunista sa India ay itinatag sa 1925, sa panahon na ang Komunistang Internasyunal ay nabubulok na at ang pinaka-importanteng mga pakikibaka ng rebolusyonaryong alon ay natalo na, partikular ang mga rebolusyon sa Rusya at Alemanya. Ang oryentasyon ng PK sa India ay maging kilusang anti-kolonyal, anti-Britanya, na nakaugnay sa maraming iba pang makabayang kilusan. May malaking epekto ang nasyunalismo at patriyotismo sa PK sa India. Dumaranas ang uring manggagawa sa India ng kakulangan sa tradisyon at pagpapatuloy ng kaliwang komunista. Ito ay nagbigay-diin sa mahalagang responsibilidad ng IKT sa India upang mas makilala ang istorikal na pamana ng kaliwang komunista.

Sa pamamagitan ng malalimang pag-aaral at tuloy-tuloy na mga diskusyon, dahan-dahan na naging militante ng IKT si Kishan sa India. Ang kanyang katapatan sa IKT at sa pakikibaka ng internasyunal na proletaryado ay kongkretisasyon na siya ay isang tunay na proletaryong internasyunalista. Lagi niyang pinagtanggol ang mga posisyon ng IKT ng may matinding dedikasyon. Determinado siya na lumahok sa mga internasyunal na debate ng IKT at sa loob ng aming seksyon sa India sa pamamagitan ng kanyang madalas na mga kontribusyon. Iniambag ni kasamang Kishan ang kanyang pasyon sa buhay ng IKT sa maraming antas. Naglakbay siya sa buong bansa sa paghahanap ng panibagong mga bookshops na posibleng pagbentahan ng mga literatura ng IKT. Lumahok siya sa mga sirkulo ng diskusyon at pampublikong pulong hanggat maari. Malaki ang papel niya sa pagdami ng mga subscriber sa literatura ng IKT. Lumahok siya at malaki ang aktibong papel sa ibat-ibang Internasyunal na Kongreso ng IKT kabilang na ang mga kumperensyang teritoryal ng seksyon sa India. Ang kanyang mahalaga at talagang pinag-iisipan na mga kontribusyon ay nakadagdag ng talim sa proseso ng pampulitikang klaripikasyon. Ang kanyang pinaka-dakilang kalakasan ay ang pagtatanggol sa aming organisasyon laban sa lahat ng mga atake at paninira.

May kakayahan si kasamang Kishan na pangibabawan ang maraming hamon ng buhay. Ang kanyang matibay na konbiksyon sa pulitika ng IKT at kanyang optimistikong aktitud ay nakatulong sa kanya upang maging matatag sa pinaka-mahirap na mga pampulitikang sitwasyon. Mahirap ang angkop na pagtasa sa kontribusyon ni Kishan sa pulitikal na pakikibaka para sa emansipasyon ng uring manggagawa sa pamamagitan ng isang maikling teksto ng parangal. Dagdag din namin na si Kishan ay napaka-magiliw at simple. Maraming kasama ng IKT, galing man sa ibang bansa o mula sa ibang bahagi ng India, ay nakaranas sa magiliw na kabaitan niya. Ipahayag namin ang aming rebolusyonaryong pagsaludo at pakikisa sa kanyang pamilya. Lubos ang pakikidalamhati at pakikiisa ng IKT sa kanyang anak na babae at asawa.

IKT, Oktubre 2020

[1] Tingnan ang artikulo ‘Maoism, a monstrous offspring of decadent capitalism’ on our website. https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html#_ftnref4 [9]

Source URL: https://en.internationalism.org/content/16926/homage-our-comrade-kishan [10]

Sa likod ng paghina ng imperyalismong US, ang paghina ng pandaigdigang kapitalismo

  • 23 beses nabasa

Ang mabilis na pag-atras ng US at ibang pwersa ng kanluran sa Afghanistan ay matinding manipestasyon ng kawalang kapasidad ng kapitalismo ng anumang maialok maliban sa paglaki ng barbarismo. Ang tag-init ng 2021 ay nakitaan na ng pagbilis ng magkaugnay na mga pangyayari at pinakita na ang planeta ay nag-aapoy na: ang pagsiklab ng heatwaves at hindi makontrol na sunog mula sa west coast ng USA hanggang sa Siberia, baha, ang patuloy na paninira ng pandemiyang Covid-19 at ang epekto ng ekonomikong dislokasyon. Lahat ng ito ay “rebelasyon ng antas na naabot ng pagkabulok sa loob ng nagdaang 30 taon”[1]. Bilang mga marxista, responsibilidad natin hindi lang komentohan ang lumalaking kaguluhan kundi suriin ang ugat nito, na nakabatay sa istorikal na krisis ng kapitalismo, at ipakita ang perspektiba para sa uring manggagawa at buong sangkatauhan.

Ang istorikal na dahilan na nasa likod ng mga pangyayari sa Afghanistan

Nakilala ang Taliban na kaaway ng sibilisasyon, isang panganib sa karapatang pantao at karapatan ng kababaihan sa partikular. Tunay ngang mabangis sila at nahimok sa pananaw mula sa pinakamasamang aspeto ng nakaraang Middle Ages. Subalit, hindi sila bihirang eksepsyon sa ating kasalukuyang panahon. Sila ay produkto ng reaksyonaryong panlipunang sistema: dekadenteng kapitalismo. Sa partikular ang kanilang pagsikat ay manipestasyon ng pagkabulok, ang kataposang yugto ng dekadenteng kapitalismo.

Ang ikalawang hati ng 70s ay nakitaan ng pagtindi ng Cold War sa pagitan ng imperyalistang bloke ng US at Rusya, kasabay ng paglagay ng US ng cruise missiles sa Kanlurang Uropa at pilitin ang USSR na lumahok sa arms race na hindi nito kakayanin. Subalit, sa 1979 ang isa sa mga haligi ng bloke ng kanluran sa Gitnang Silangan, ang Iran, ay bumagsak sa kaguluhan. Nabigo ang lahat ng pagtatangka ng intelihenteng paksyon ng burgesya na ipataw ang kaayusan at sinamantala ng pinakaatrasadong paksyon ng klero ang kaguluhan at umakyat sa kapangyarihan. Ang bagong rehimen ay hindi lang kumalas mula sa bloke ng kanluran kundi tumangging pumaloob sa bloke ng Rusya. Malawak ang hangganan ng Iran sa Rusya at umaktong pangunahing manlalaro sa estratehiya ng kanluran na palibotan ang USSR. Ngayon ito ay naging pakawalang kanyon sa rehiyon. Itong panibagong kaguluhan ang nag-udyok sa USSR na sakupin ang Afghanistan ng nagtangka ang Kanluran na ibagsak ang rehimeng maka-Rusya na inilagay nito sa Kabul sa 1978. Sa pagsakop sa Afghanistan, umasa ang Rusya na sa bandang huli ito ay makakuha ng access sa Indian ocean.

Kaya nasaksihan natin sa Afghanistan ang kagimbal-gimbal na pagsabog ng barbarismong militar. Pinakawalan ng USSR ang lahat ng lakas ng kanyang arsenal laban sa mga mandirigmang Mujahedin (“freedom fighters”) at sa populasyon sa pangkalahatan. Sa kabilang banda ang bloke ng US ay inarmasan, pinondohan at sinanay ang Mujahedin at ang mga warlord na Afghan na lumalaban sa Rusya. Kabilang dito ang maraming Islamikong pundamentalista at ang pumapasok na lumalaking bilang ng mga jihadis mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Itong mga “freedom fighters” ay tinuruan ng lahat ng arte ng teror at pakikidigma ng US at mga alyado nito. Itong digmaan para sa “kalayaan” ay pumaslang ng 500,000 hanggang 2 milyon ka tao at iniwan ang bansa na wasak. Ito rin ang sinilangan ng mas pandaigdigang porma ng Islamikong terorismo, na kinatawan ng pagsikat ni Bin Laden at Al-Qaida.

Kasabay nito ay tinulak ng US ang Iraq sa 8-taong digmaan laban sa Iran, kung saan 1.4 milyon ang pinatay. Habang pagod na pagod ang Rusya sa Afghanistan. Malaki ang naging kontribusyon nito sa pagbagsak ng bloke ng Rusya sa 1989. At ang Iran at Iraq ay nahatak sa pilipit na digmaan, pinakita ng dinamiko sa rehiyon na ang pinagmulan, ang transpormasyon ng Iran bilang isang “tampalasan” na estado, ang isa sa mga unang indikasyon na ang paglalim ng mga kontradiksyon ng kapitalismo ay simula ng paghina ng kapasidad ng mayor na kapangyarihan na ipataw ang kanilang awtoridad sa ibat-ibang rehiyon ng planeta. Sa likod ng tendensyang ito ay nakalatag ang mas malalim na dahilan: ang kawalang abilidad ng naghaharing uri na igiit ang kanyang solusyon sa krisis ng sistema – isa pang pandaigdigang digmaan – sa uring manggagawa ng mundo na pinakita ang kanyang pagtutol na isakripisyo ang sarili para sa kapitalismo sa mga serye ng pakikibaka sa pagitan ng 1968 at huling bahagi ng 80s, subalit, hindi nakayang igiit ang rebolusyonaryong alternatiba sa sistema. Sa madaling sabi, pagkapatas sa pagitan ng dalawang mayor na uri na siyang pumilit na pumasok ang kapitalismo sa kanyang huling yugto, ang yugto ng pagkabulok, na nakikita, sa imperyalistang antas, sa pagwakas ng sistema ng dalawang bloke at pagbilis ng “bawat tao para sa kanyang sarili”.

Afghanistan ang pusod ng imperyalistang rambulan

Sa 1990s, matapos umalis ang mga Ruso sa Afghanistan, ang nagtagumpay ng mga warlords ay binalingan ang isa’t-isa, gamit ang lahat ng sandata at kaalaman sa digmaan na binigay sa kanila ng Kanluran para makontrol ang mga lugar na nasira. Maramihang pagpatay, pagwasak at malawakang panggagahasa na tuluyan ng sumira sa anumang natirang panlipunang kaayusan na iniwan ng digmaan.

Ang panlipunang epekto ng digmaang ito ay hindi lang limitado sa Afghanistan. Ang salot sa adiksyon sa heroin na sumabog mula 1980s pataas, na nagdala ng kahirapan at kamatayan sa buong mundo, ang isa sa mga direktang epekto ng digmaan. Hinimok ng Kanluran ang oposisyon sa Taliban na magsaka ng opium para pondohan ang digmaan.

Ang malupit na relihiyosong panatisismo ng Taliban ay produkto ng ilang dekadang barbarismo. Minamanipula rin sila ng Pakistan, para subukan at ipataw ang porma ng kaayusan sa kanyang pintuan.

Ang paglusob ng US sa 2001, inilunsad sa palusot na durugin ang Al-Qaida at Taliban, kasabay ng paglusob sa Iraq sa 2003, ay mga pagtatangka ng imperyalismong US na ipataw ang kanyang awtoridad sa harap ng kanyang paghina. Tinangka nitong kabigin ang ibang kapangyarihan, laluna ang Uropa, na kumilos bilang tugon sa pag-atake sa isa sa kanyang mga myembro. Maliban sa UK, lahat ng ibang kapangyarihan ay matamlay. Sa totoo lang, may “independyenteng” daan na ang Germany simula pa sa maagang bahagi ng 90s, sa pamamagitan ng pagsuporta sa sesesyon ng Croatia na lumikha ng kagimbal-gimbal na patayan sa Balkans. Sa sumunod na dalawang dekada, lalupang lumakas ang loob ng mga karibal ng Amerika habang pinagmasdan nila na nasangkot sa gulo ang US sa hindi magtatagumpay na mga digmaan sa Afghanistan, Iraq at Syria. Ang pagtatangka ng USA na igiit ang kanyang paghari bilang nag-iisang kapangyarihan ay lalupang naglantad sa tiyak na paghina ng imperyalistang ‘liderato’ ng Amerika; at malayo mula sa tagumpay na ipataw ang monolitikong kaayusan sa buong mundo, ang USA ngayon ang pangunahing salik ng kaguluhan at instabilidad tanda ng yugto ng kapitalistang dekomposisyon.

Ang realpolitik ni Biden ay pagpapatuloy ng kay Trump

Ang patakarang umalis sa Afghanistan ay malinaw na halimbawa ng realpolitik. Dapat palayain ng US ang sarili mula sa magastos at nakapanghihinang mga digmaan para konsentrahan ang pagpapalakas sa pagkontrol at pagpapahina sa China at Russia. Pinakita ng administrasyong Biden na kasing mapangutya ito kay Trump sa paghahabol sa ambisyon ng US.

Kasabay nito, ang mga kondisyon sa pag-atras ng US na nagkahulugan na ang mensahe ng administrasyong Biden, “Bumalik na ang Amerika” – na mapagkatiwalaang alyado ang Amerika – ay bigo. Sa pangmatagalan posibleng umasa ang administrasyon sa pagkatakot sa China kaya napilitan ang mga bansa tulad ng Japan, South Korea, at Australia na makipagkaisa sa US  sa kanyang “pivot to the east”, na naglalayong pigilan ang China sa South China Sea at iba pang lugar sa rehiyon.

Mali kung ipagpalagay mula dito na simpleng umalis lang ang US sa Gitnang Silangan at Sentral Asya. Nilinaw ni Biden na ipagpatuloy ng US ang polisiyang “Over the Horizon” kaugnay sa mga teroristang banta (ibig sabihin, sa pamamagitan ng air strikes). Ibig sabihin, gagamitin nito ang kanyang mga base-militar sa buong mundo, ang kanyang navy at air-force para pahirapan ang mga estado sa mga rehiyong ito na may banta sa US. Ang bantang ito ay may kaugnayan rin sa lumalaking kaguluhan sa Aprika, kung saan ang mga bigong estado tulad ng Somalia ay malamang samahan ng Ethiopia habang sinalanta ito ng digmaang-sibil, kung saan ang mga karatig-bansa nito ay sumusuporta alin man sa magkabilang panig. Mas hahaba pa ang listahang ito dahil ang mga Islamistang teroristang grupo sa Nigeria, Chad, at iba pang lugar ay lumakas ang loob dahil sa tagumpay ng Taliban para paigtingin ang kanilang kampanya.

Kung ang pag-atras mula sa Afghanistan ay udyok ng pangangailangan na magpokus sa banta ng paglakas ng China at muling pagbangon ng Russia bilang pandaigdigang kapangyarihan, tila maliwanag ang mga limitasyon nito, hanggang sa punto na magbigay-daan mismo para sa imperyalismong Tsino at Ruso sa Afghanistan. Napakalaki na ang ginugol ng China sa kanyang New Silk Road project sa Afghanistan at parehong ang dalawang estado ay sinimulan na ang diplomatikong pakipagrelasyon sa Taliban. Pero alinman sa mga estadong ito ay hindi makaligtas sa lumalaking kontradiksyon sa pandaigdigang kaguluhan. Ang alon ng instabilidad na kumalat sa Aprika, Gitnang Silangan (pinakahuli ang pagbagsak ng ekonomiya sa Lebanon), Sentral Asya at Malayong Silangan (partikular sa Myanmar) ay kasing delikado sa China at Russia para sa US. Mulat sila na walang tunay na gumaganang estado sa Afghanistan at walang kapasidad ang Taliban na itayo ito. Alam ng lahat na banta sa bagong gobyerno ang mga warlords. Ilang bahagi ng Northern Alliance ay nagpahayag na hindi nila tatanggapin ang bagong gobyerno, at ang ISIS, na kumikilos rin sa Afghanistan, ay kinilala ang Taliban na traydor dahil handa itong makipagnegosasyon sa walang pananampalataya na Kanluran. Ilang bahagi ng lumang naghaharing uri sa Afghanistan ay posibleng makipag-alyado sa Taliban, at maraming dayuhang mga gobyerno ay nagbukas ng komunikasyon, pero ito ay dahil takot sila na bumalik ang bansa sa warlordism at kaguluhan na posibleng kumalat sa buong rehiyon.

Ang tagumpay ng Taliban ay magbigay-sigla lang sa Islamistang teroristang Uyghur na aktibo sa China, kahit pa hindi sila suportado ng Taliban. Alam ng imperyalismong Rusya ang mapait na kabayaran sa kaguluhan sa Afghanistan at nakikita na ang tagumpay ng Taliban ay magdulot ng pampalakas sa mga pundamentalistang grupo sa Uzbekistan, Turkmenistan at Tajikistan, mga estado na nagsilbing buffer sa pagitan ng dalawang bansa. Ang banta ay samantalahin nito para palakasin ang kanyang impluwensyang militar sa mga estadong ito at kahit saan, subalit nakikita nito na kahit ang malakas na makinaryang pandigma ng US ay hindi madurog ang naturang insurhensya kung ang huli ay makakuha ng sapat na suporta mula sa ibang mga estado.

Hindi nagapi ng US ang Taliban at itayo ang nagkakaisang estado. Umalis ito na alam na daranas ito ng tunay na kahihiyan, pero iniwan nito ang isang timebomb ng instabilidad. Ang Russia at China ngayon ay naghahanap paano makontrol ang kaguluhan. Anumang ideya na ang kapitalismo ay may kapasidad na magdala ng istabilidad at kinabukasan sa rehiyon ay purong ilusyon.

Barbarismo na may makataong mukha

Ginamit ng US, Britain at iba pang kapangyarihan ang Taliban bogeyman upang itago ang teror at paninira na ginawa nila sa populasyon ng Afghanistan sa loob ng nagdaang 40 taon. Ang suportado ng US na mujahidin ay pumatay, nanggahasa, nagtortyur at nangulimbat  kasing dami ng mga Ruso. Ang mga Taliban naman ay naghasik ng teror sa mga syudad na kontrolado ng mga Ruso. Pero, tinatago ito ng Kanluran. Pareho ang nangyari sa nagdaang 20 taon. Ang teribleng brutalidad ng Taliban ay binigyang pansin ng midya sa Kanluran, habang ang balita ng pagpatay, panggahasa at tortyur na ginawa ng “demokratikong” gobyerno at mga tagasuporta nito ay mapang-uyam na winalis sa ilalim ng carpet. Kahit papano ang pira-pirasong pagsabog ng bata at matanda, babae at lalaki, mula sa kanyon, bomba at bala ng gobyernong suportado ng nagmamahal sa ‘demokrasya’, ‘karapatang-pantao’ na US at UK ay hindi na dapat sabihin pa. Katunayan, kahit ang buong katotohanan sa teror ng Taliban ay hindi iniulat. Ito ay ‘balitang walang halaga’ maliban na lang kung makatulong para bigyang katuwiran ang digmaan.

Inalingawngaw ng mga parliyamento sa Uropa ang sinabi ng mga pulitiko sa US at Britain na pagdadalamhati sa kalunos-lunos na sitwasyon ng kababaihan at iba pa sa Afghanistan sa ilalim ng Taliban. Ang parehong mga pulitikong ito ang nagpataw ng mga batas-imigrasyon na nagtulak sa libu-libong desperadong bakwit, kabilang na ang maraming Afghan, na ilagay sa panganib ang buhay para lang makatawid sa Mediterranean o sa Channel. Nasaan ang kanilang pagdadalamhati sa libu-libong nalunod sa Mediterranean sa nagdaang ilang taon? Ano ang pinakita nilang malasakit sa mga bakwit na napilitang hirap na mamuhay sa mga concentration camp sa Turkey o Jordan (tinustusan ng EU at Britain) o binenta sa mga slave market sa Libya? Itong mga burges na tagapagsalita na kinondena ang Taliban dahil hindi makatao ang nag-engganyo para itayo ang pader na bakal at kongkreto palibot sa Silangang Uropa para pigilan ang pagpasok ng mga bakwit. Napakalakas ng baho ng ipokrisiya.

Tanging ang proletaryado ang pwersa na tatapos sa impyernong ito

Talagang nakakatakot ang tanawin ng digmaan, pandemiya, ekonomikong krisis at pagbabago ng klima. Kaya pinupuno ng naghaharing uri ang midya sa mga ito. Nais nito na sumuko, matakot ang proletaryado sa madilim na realidad ng nabubulok na panlipunang sistema. Nais nila na tayo ay maging tulad ng bata na humahawak sa palda ng naghaharing uri at sa estado nito. Pinahintulutan ng matinding kahirapan para palakasin ang takot na makibaka ang proletaryado para ipagtanggol ang mga interes nito sa loob ng 30 taon. Ang ideya na tanging ang proletaryado ang pwersa na makapagbigay ng kinabukasan, isang ganap na bagong lipunan, ay tila walang katotohanan. Pero ang proletaryado ay isang rebolusyonaryong uri at hindi ito napuksa ng tatlong dekada ng pag-atras, kahit pa ang haba at lalim ng pag-atras nito ay mas lalupang nagpapahirap sa internasyunal na uring manggagawa na muling makuha ang kumpyansa sa kanyang kapasidad na labanan ang lumalaking mga atake sa kanyang pang-ekonomiyang kalagayan. Subalit tanging sa mga pakikibaka lang muling mapaunlad ng uring manggagawa ang kanyang lakas. Tulad ng sabi ni Rosa Luxemburg, ang proletaryado ang tanging uri na pinauunlad ang kanyang kamulatan sa pamamagitan ng karanasan ng mga kabiguan. Walang garantiya na magawa ng proletaryado ang kanyang istorikal na responsibilidad na bigyan ng kinabukasan ang sangkatauhan. Tiyak na hindi ito mangyayari kung ang proletaryado at ang kanyang rebolusyonaryong minoriya at sumuko sa nakakadurog na kondisyon ng desperasyon at kawalang pag-asa na isinusulong ng ating kaaway sa uri. Maisakatuparan lang ng proletaryado ang kanyang rebolusyonaryong papel sa pamamagitan ng pagtanaw sa madilim na realidad ng nabubulok na kapitalismo ng harapan at sa pagtanggi na tanggapin ang mga atake sa kanyang ekonomiko at panlipunang kalagayan, palitan ang pagkanya-kanya at kawalang magawa ng pagkakaisa, organisasyon at lumalaking makauring kamulatan.

IKT 22-08-2021


Source URL: https://en.internationalism.org/content/17056/behind-decline-us-imperial... [11]

 

[1] https://en.internationalism.org/content/17042/report-pandemic-and-develo... [12]

Rubric: 

Afghanistan

Source URL:https://fil.internationalism.org/content/8665/internasyonalismo-2021

Links
[1] https://en.internationalism.org/content/17075/necessity-transitionto-communism [2] https://en.internationalism.org/wr/264_15cong.htm [3] https://en.internationalism.org/worldrevolution/201211/5284/why-it-so-difficult-struggle-and-how-can-we-overcome-these-difficulties [4] https://en.internationalism.org/content/16986/democracy-or-military-junta-same-capitalist-dictatorship [5] https://en.internationalism.org/files/en/captiol-security-cm_dc_capitol_01_12_2021_1836.jpg [6] https://en.internationalism.org/content/16956/biden-presidency-us-and-world-capitalism-road-nowhere [7] https://www.bbc.com/mundo/noticias-51705060 [8] https://en.internationalism.org/content/16955/assault-capitol-washington-usa-heart-world-wide-decomposition-capitalism [9] https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html#_ftnref4 [10] https://en.internationalism.org/content/16926/homage-our-comrade-kishan [11] https://en.internationalism.org/content/17056/behind-decline-us-imperialism-decline-world-capitalism [12] https://en.internationalism.org/content/17042/report-pandemic-and-development-decomposition