Published on Internasyunal na Komunistang Tunguhin (https://fil.internationalism.org)

Bahay > Pampleto > Komunistang mga Organisasyon at Makauring Kamulatan

Komunistang mga Organisasyon at Makauring Kamulatan

  • 11708 beses nabasa

Introduksyon

"Ang tanong na kailangang mapagpasya nating sagutin ay:paano natin maibagsak ang kapitalismo, paano tayo kikilos sa layuning ito sa paraan na, sa buong proseso,manatiling kontrolado ng proletaryado?" (Interbensyon ng KAPD sa Ikatlong Kongreso ng Komunistang Internasyunal, 1921)

Ang usapin ng organisasyon ng kilusang manggagawa sa kanyang buong kasaysayan ay nagtulak ng mga teksto, diskusyon at pagkakaiba. Magunita natin, halimbawa, ang mga debate sa loob ng International Working Men's Association, ang mga debate sa pagitan ni Lenin, Luxembourg at Trotsky at ang mga teksto sa usaping ito ng kaliwang kilusang komunistang Italyan at Aleman. Natural na tangkaing linawin ng mga rebolusyonaryo ang kanilang paraan sa organisasyon, ang kanilang mga tungkulin sa loob ng uring manggagawa at ang katangian ng kanilang interbensyon. Naharap ang uring manggagawa sa pundamental na usapin: Paano mapaunlad ang kanyang pag-unawa sa kapitalistang sistema? Paano maghanda para sa huling pakikihamok sa kapitalismo?

Kaya sa umpisa ng kilusang manggagawa nakita ng proletaryado ang pangangailangan, paralel sa pagbuo ng mga unyon, ang pagbuo ng sandata ng rebolusyonaryong kamulatan. Batay dito, hindi sapat ang pangmasang mga organisasyon lamang. Ang kalayaan ng uring manggagawa ay nakasalalay din sa organisasyon ng mga rebolusyonaryo; ang pampulitikang partido.

Para mapalalim ang pag-unawa sa ultimong layunin ng kilusang manggagawa, para maibagsak ang kapitalismo, hindi simpleng mag-organisa lamang ang proletaryado para ipagtanggol ang kanyang kagyat na mga interes. Kailangang sa praktika ay maresolba ang sumusunod na mga usapin:

  • Paano mapaunlad ang pampulitikang opensiba mula sa pang-araw-araw na pakikibaka ng uri?
  • Paano mapaunlad ang pang-unawa sa loob ng uring manggagawa sa pangangailangang lagpasan ang pang-ekonomiyang mga kahilingan, at ibagsak ang lipunan?
  • Paano malabanan ng uring manggagawa ang dominasyon ng burges na ideolohiya?

Ngayon, nang ang mga permanenteng reporma ay hindi na posible, sa "panahon ng panlipunang mga rebolusyon" mas mahalaga kaysa dati na masagot ang mga katanungang ito. Kahit bago pa pumutok ang Unang Digmaang Pandaigdig, na patunay sa hindi mapigilang pagkabulok ng kapitalismo, pinaunlad na ang solusyon sa problemang ito sa loob ng kilusang manggagawa. Ang mga konseho ng manggagawa ay ang porma ng organisasyong binuo ng uring manggagawa para sa pag-agaw ng kapangyarihan; binigyan ng tungkulin ang rebolusyonaryong minorya na pabilisin ang rebolusyonaryong proseso. Kahit matapos ang kabiguan sa rebolusyonaryong alon sa 1920s, nakaligtas ang mga pinakamatatag na rebolusyonaryong elemento sa atake ng kontra-rebolusyon. Nagawang ingatan ng mga praksyong ito ang pampulitikang mga aral sa nagdaang mga pakikibaka. Matapos ang 50 taong kontra-rebolusyon, bagong mga organisasyon, rebolusyonaryong grupo at sirkulo ng diskusyon ang lumitaw bilang tugon sa makauring pakikibaka sa 1960s. Ilan sa kanila, kasama na ang Internasyunal na Komunistang Tunguhin, na organisado mula sa simula sa internasyunal na antas sa ilalim ng isang malinaw na depinidong programa. Pero hindi lang ang IKT ang ekspresyon ng ganitong mga pagsisikap ng proletaryado na tanglawan ang daan tungo sa rebolusyon. Ang mga grupo na lumitaw mula sa dating kilusan ng Kaliwang Komunista, mga sirkulo sa diskusyon, mga organisasyon na nagtatanggol sa mga posisyon na humigit-kumulang katulad ng sa IKT, lahat ng ito ay ekspresyon ng muling pagsilang ng rebolusyonaryong kamulatan sa loob ng uring manggagawa. Karamihan sa mga grupong ito sa kasalukuyan ay nasa proseso ng mga diskusyon na naglalayong linawin ang kanilang mga pagkakaiba at pagkakaisa. Ang Internasyunal na mga Kumperensya kung saan lumahok ang mga organisasyong ito ay ekspresyon ng pag-unawa sa loob ng proletaryong kilusan sa pangangailangan ng gawain tungo sa pagbuo ng isang internasyunal na partido.[1]

Marami sa mga diskusyong ito ay nakasentro sa papel ng partido at sa mga tungkulin ng mga rebolusyonaryo. Ganun pa man, ang mga debateng ito ay natali sa paglilinaw sa pangkalahatang balangkas kung saan naunawaan natin ang ating pagkakaiba sa interpretasyon. Kaya mahalaga para sa IKT na ilatag ang pampulitikang balangkas ng kanyang sariling pag-unawa sa papel ng mga rebolusyonaryo. Ang darating na mga pampleto na nagpahayag ng mas kongkreto at praktikal na mga isyu ay susuporta sa pagsusuring ito. Pero bilang unang hakbang kinakailangang:

  • maintindihan ano ang komunismo at ang komunistang rebolusyon;
  • maintindihan ano ang kaibahan ng kamulaatan ng uring manggagawa mula sa nagdaang mga ideya;
  • maintindihan ang papel ng mga rebolusyonaryo bilang tungkulin sa katangian ng makauring kamulatan.

Para mailatag ang pangkalahatang balangkas ng ating posisyon tinitingnan natin ang problema sa ganitong paraan: bago harapin ang usapin ng rebolusyonaryong interbensyon, subukan nating ipakita bakit ang mga paraan, mga porma ng pagkilos, at ang mga porma ng organisasyon ng uring manggagawa ay tutugma sa obhetibong mga rekisito sa rebolusyonaryong proseso, at sa pag-unlad ng kamulatan ng uring manggagawa, kung saan napakahalaga ang interbensyon ng mga rebolusyonaryo, sa halip na ekstra-ordinaryong kalidad ng marunong sa lahat na partido!

Sa pag-unawa lamang sa kaibahan ng komunistang rebolusyon mula sa nakaraang mga rebolusyon, at bakit ang kamulatan ng uring manggagawa ay hindi ideolohiya, maintindihan ang pangangailangan ng rebolusyonaryong organisasyon at ng papel ng mga rebolusyonaryo.

Sa kasalukuyan ang pag-unawa sa mga tungkulin ng partido ay nanatili sa napaka-teoretikal na antas. Ang buong usapin ay natabonan pa rin ng mga maling pag-unawa sa nakaraan, na pinalakas ng 50 taon na halos pangingibabaw ng burges na ideolohiya. Dapat muli tayong umugnay sa komunistang tradisyon, iwasan ang mga bitag sa nakaraan. Dagdag pa, ang muling pagbangon ng uring manggagawa ay kasisimula pa lamang.

Subalit ang muling paglitaw ng pakikibaka ng uring manggagawa ay umobliga sa atin na harapin ang usapin sa praktika ng ating interbensyon. Naharap tayo bawat araw sa bago, kongkretong mga problema, na dapat maresolba sa lalong madaling panahon. Ang ating mga posisyon ay pinayayaman at pinapipino ng realidad ng karanasan ng uring manggagawa. Dapat halawin natin ang pampulitikang mga aral ng realidad na ito. Habang ang ating interbensyon ay lalupang nakatuon sa makauring pakikibaka mismo, ang ating pagsusuri ay kailangang maging mas kongkreto, para mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng makauring pakikibaka.


[1] Sinulat ito noong Agosto 1979. Ang sumunod na pagbagsak ng Internasyunal na mga Kumperensya ay inilatag sa International Review, no. 22

Site information: 

  • Organisasyon [1]

1. Ano ang Komunismo?

  • 18746 beses nabasa

Imposibleng masagot ang tanong na ito ng tumpak. Unang-unang na, ang panggigipit ng burges na ideolohiya ang nagpahirap na obhetibong isalarawan ang lipunan sa hinaharap. Ang layunin ng burges na ideolohiya ay ipakita na walang hanggan ang kapitalismo. Tinagpas-tagpas at sinira ng presyur ng burges na ideolohiya ang lahat ng pagsisikap na isalarawan ang komunismo at proletaryong rebolusyon.

Kaya para sa maraming manggagawa ang komunismo ay ang ‘paraiso' ng kapitalismo ng estado at militarisasyon sa paggawa na nakikita sa Rusya, Tsina, Cuba, at iba pang diumano ‘sosyalistang' mga bansa. Subalit dagdag pa, ang katangian mismo ng komunismo ang dahilan kung bakit imposible ang ditalyado o tumpak na deskripsyon.

"Katunayan, para sa amin ang komunismo ay hindi isang KALAGAYAN NG MGA BAGAY na itatayo, isang IDEYAL kung saan aangkop ang realidad mismo. Tinatawag namin ang komunismo na isang TUNAY na kilusan na wawasak sa kasalukuyang kalagayan ng mga bagay." (Marx; German Ideology)

Ano ang ibig sabihin nito? Simple itong nagkahulugan na ang komunistang lipunan ay hindi abstraktong layunin na iniluwal mula sa imahinasyon ng iilang ‘mulat' na tao. Hindi ito abstraktong ‘perpektong' ideyal. Kabaliktaran sa pananaw ni Hegel (pilosopong Aleman sa maagang bahagi ng 19 siglo na pinagbatayan ng diyalektikal na pamamaraan ni Marx), ang kasaysayan ay hindi progresibong realisasyon ng Ideya (ang Ideya ng tao, o ang Ideya ng komunismo.) Ang komunismo ay hindi kagagawan ng ispiritu, isang pantasya na naging layunin ng sangkatauhan. Ang komunistang lipunan ay isang makasaysayang panahon: totoo, makatao at obhetibo. Lumitaw ito mula sa mga kontradiksyong nasa loob ng lipunan at bilang kinakailangang resulta sa pag-unlad ng naturang lipunan.

Subalit, maaring mapigilan ang komunismo. Bagama't produkto ito ng tunay at obhetibong mga kondisyon, sa pag-unlad ng ekonomiko at panlipunang mga kontradiksyon sa loob ng kapitalismo, ang komunistang lipunan higit sa lahat ay ang praktikal, likha ng kolektibong mulat na sangkatauhan. Sa unang pagkakataon ng kasaysayan ang panlipunang uri ang siyang kokontrol ng kanyang kapalaran. Pero magagawa lamang niya ito sa organisado at mulat na paraan. Kaya ang komunismo ay hindi isang intelektwal na ‘proyekto', ni bulag at mekanikal na hindi mapigilan. Ang komunismo ay bunga ng mulat at progresibong transpormasyon sa lumang mundo ng komunidad ng tao, matapos ang marahas na pagwasak sa dating mga relasyong panlipunan.

Kaya, ang suhetibo at obhetibong mga kondisyon na nangasiwa sa tunay na kilusang ito tungo sa komunismo ay produkto ng mga kondisyong umiiral ngayon. Kung posible na ang komunismo sa istorikal na sitwasyon, ang realisasyon ng posibilidad na ito ay nakasasalay sa suhetibong pag-unlad, sa pag-unlad ng kamulatan ng kasalukuyang panahon. Ito ay dahil, tulad ng komunismo, ang rebolusyon mismo ay kailangang isang mulat na pampulitikang pagkilos, kung saan ang tagumpay ay nakasalalay sa antas ng organisasyon at kamulatang nakamit ng proletaryado. Sa batayang ito ang komunidad ng tao ay maging realidad, at hindi lang simpleng isang obhetibong posibilidad.

Kaya, kahit alam natin na imposibleng ipinta ang ditalyadong larawan ng komunistang lipunan, tingin namin mahalaga na ilatag ang pangunahing mga aspeto ng komunistang rebolusyon, at ang ultimong layunin ng rebolusyong ito.

Dahil ang komunistang rebolusyon ay isang kilusan na mulat sa sarili, ang mga katangian ng bagong mga panlipunang relasyon na inilatag ng komunismo ang mismong nagdetermina ng pag-unlad ng makauring kamulatan at organisasyon ng proletaryado. Babalikan natin ang dalawang pundamental na usaping ito sa susunod na mga tsapter.

Ang kalikasan ng komunismo

  • 8649 beses nabasa

Dahil ang komunismo ay hindi utopya, o isang abstraktong ideyal, ang ugat niya ay mula sa sinundang lipunan. Ang posibilidad ng at obhetibong mga kondisyon para sa komunismo ay nagmula kapwa sa internal na mga kontradiksyon ng kapitalismo, at sa pampulitikang kapasidad ng rebolusyonaryong uri na ibagsak ang kapitalistang lipunan. Kapwa nasa antas ng pag-unlad ng produktibong pwersa at sa kalikasan ng panlipunang relasyon na nasa proletaryado ang mga sustansya para lumago ang lipunan sa hinaharap. Kung hahantong lamang ang produktibong pwersa sa isang depinidong pag-unlad, kung saan wala ng posibilidad pa na uunlad ang naunang lipunan, dahil sa pag-unlad ng mga kontradiksyon sa pagitan ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon at sa ibayong pag-unlad ng produktibong pwersa, ang komunismo at proletaryong rebolusyon ay isa ng obhetibong pangangailangan.

Sa pagkontrol ng lipunan sa lahat ng kagamitan sa produksyon ng lipunan "nagiging posible, nagiging isang istorikong pangangailangan, kung umiiral na ang materyal na kondisyon para mangyari ito. Tulad ng ibang panlipunang pagsulong, nagiging praktikal hindi sa pag-unawa na ang pag-iral ng mga uri ay salungat sa mga ideyal ng hustsisya at pagkapantay-pantay, atbp, ni sa pamamagitan ng simpleng determinasyon na wasakin ang mga uri, kundi sa pamamagitan ng depinidong bagong pang-ekonomiyang mga kondisyon." (Engels, Anti-Duhring, 1894)

Malinaw na pinakita ng bagong mga obhetinong kondisyon na ito na ang tanging panlipunang relasyon na magbigay-daan sa progresibong pag-unlad ng mga produktibong pwersa, na tutugon sa kasalukuyang pangangailangan ng sangkatauhan, ay yaong wawasak sa kaibahan ng kapital at paggawa; na wawasak sa kapital at sistemang sahuran, produksyon ng kalakal, at lahat ng pambansa at makauring pagkahati-hati.

Maari nating ipahayag ang sumusnod:

  • Ang komunismo ay lipunan na walang mga uri, walang pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, at walang anumang indibidwal o kolektibong pag-aari. Ang tanging posibleng dulo ng sosyalisasyon ng produksyon ng kapitalismo ay panlipunang pag-aari, ng buong lipunan, sa mga kagamitan ng produksyon. Tanging sa pagwasak ng makauring mga prebilihiyo at indibidwal na pag-aari ang makaresolba sa umiiral na mga kontradiksyon sa pagitan ng panlipunang katangian ng produksyon at sa kapitalistang kalikasan ng panlipunang mga relasyon.
  • Ang panlipunang pag-aari na ito ng lahat ng produktibong pwersa at sa mga kagamitan ng produksyon ay tanging ang proletaryado lamang ang makagagawa: isang pinagsamantalahang uri, na walang pang-ekonomiyang pag-aari, at kumikilos bilang isang produktibong kolektibidad.
  • Kaya ang komunistang lipunan ay nakabatay sa pagpawi ng kasalatan at sa produksyon ng pangangailangan ng sangkatauhan. Ang komunismo ay lipunan ng kasaganaan, na magbibigay satispaksyon sa lahat ng iba't-ibang pangangailangan ng sangkatauhan. Ang antas ng pag-unlad ng produktibong pwersa, ng syensya ng tao, teknolohiya at kaalaman, ang magbigay-daan sa emansipasyon ng tao mula sa dominasyon ng bulag na ekonomikong mga pwersa.

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang sangkatauhan, sa pamamagitan ng mulat na pagkontrol sa mga kondisyon na nagdetermina ng kanilang sariling buhay at reproduksyon, ay dadaan "mula sa paghari ng pangangailangan tungo sa paghari ng kalayaan."

Ang produksyong ito para sa pangangailangan ng tao, ang kalayaan ng sangkatauhan, ay ma-realisa lamang sa pandaigdigang saklaw, at sa pamamagitan ng rebolusyon sa lahat ng aspeto ng pang-ekonomiya at buhay panlipunan. Kaya, wawasakin ng komunismo ang batas ng halaga. Ang komunistang produksyon, sosyalisado at planado sa lahat ng antas ng lahat ng tao, ay eksklusibong nakabatay sa produksyon ng halaga-sa-gamit, kung saan ang kanyang sosyalisado at direktang distribusyon ay walang palitan, pamilihan, at pera.

- Mula sa lipunan ng pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, sa ekonomiyang kompetisyon at ekonomikong anarkiya, at sa mga tunggalian at kompetisyon sa pagitan ng mga indibidwal at uri, sa ilalim ng komunismo ang sangkatauhan ay nasa isang lipunan na dominado ng komunidad ng tao.

Sa komunidad na ito lahat ng mga porma ng pampulitikang kapangyarihan (mga gobyerno, estado, polis...), na nagmimintina ng dominasyon ng isang uri sa iba, ay maglalaho kasabay ng pagsasamantala at pagkakahati sa mga uri. Ang pag-iral ng mga gobyerno, sa lahat ng paraan na sumusupil sa sangkatauhan at sa pagkamalikhain ng tao, ay magbigay-daan sa simpleng pangangasiwa ng mga bagay, tungo sa "asosasyon ng mga malayang prodyuser".

Ang mga katangiang ito ng komunismo ay minimum na punto na maaring ibalangkas. Lagpas dito (tandaan ang sinasabi natin sa itaas) anumang dagdag na deskripsyon ay limitado sa pangkalahatang pagsalarawan. Dagdag pa, sa maiksing deskrispyon na ito hindi pinaksa ang bunga ng bagong mga relasyon ng tao. Ni ang mga implikasyon sa pagpawi sa pagkahati-hati at pagbukod-bukod sa loob ng lipunan, sa pagitan ng tao ...

Ganun pa man, pinakita ng pangkalahatang balangkas na ito ang napakalaking pagkakaiba na naghiwalay sa mundo sa hinaharap mula sa kapitalistang lipunan at sa nagdaang mga lipunan.

Isang lipunan na walang pagsasamantala! Kung saan nabubuhay tayo batay sa ating pangangailangan at kagustuhan! Kung saan walang pagkakaiba sa pagitan ng intelektwal at manwal na paggawa! Kung saan ang kalayaan ay higit pa sa kalayaan na ibenta ang lakas-paggawa!... Imposible!

Kahit hindi pa natin maunawaan ang anumang ditalye sa napakalaking pag-igpaw na gagawin ng sangkatauhan, isang bagay ang malinaw: wala pa sa kasaysayan ng tao na mayroong ganitong kinakailangang kalitatibong pag-igpaw.

Dalawa ang mahalagang talas ng pahayag na ito. Dahil malinaw na ang ganitong igpaw ay magagawa lamang ng isang uri na ganap na mulat sa kanyang istorikal na misyon. Pero ang uri na may kapasidad na maabot ang ganitong antas ng kamulatan, ang uring manggagawa, ay ang uri mismo na nakaranas ng pinakamsahol na pagkakait, ng pinakamarahas na pagsasamantala, at sa walang humpay na panggihipit ng burges na ideolohiya.

Kaya ang lahat ng kalidad ng komunismo, na siyang dahilan na mas mataas ang antas nito kaysa lahat na nagdaang mga lipunan, ay nakasalalay mismo sa kahinaan, sa pagkakait, at sa di-makataong pag-iral ng proletaryado. Dahil "ang buong di-makataong sosyal na pag-iral ay nasa kondisyon ng pag-iral ng proletaryado sa konsentradong porma", ang uring manggagawa ay "hindi mapalaya ang sarili na hindi sinusupil ang lahat ng di-makataong aspeto ng kasalukuyang lipunan na konsentrado sa kanyang sariling kalagayan." (Marx, Engels The Holy Family 1844). Ang posisyon ng proletaryado bilang pinagsamantalahang uri ang pipilit sa kanya na palayain ang buong lipunan, na itayo ang isang lipunan na walang mga uri o pagsasamantala.

  • Ang proletaryado, na pinagkaitan ng lahat ng pang-ekonomiyang kapangyarihan sa loob ng lipunan, pinagsamantalahan sa produksyon, ay aasa lamang sa sarili para sa kanyang sariling emansipasyon. Malabanan lamang niya ang kapitalismo sa kanyang sariling pagkakaisa at sa kanyang sariling kamulatan: dalawang sandata na siya mismong katangian ng lipunan sa hinaharap.
  • Subalit ang katotohanang ito ay nagkahulugan din na ang proletaryong oposisyon sa burges na lipunan ay napakahina at mabuway. Dahil walang pang-ekonomiyang prebilihiyo na maging batayan sa kanyang pakikipaglaban sa burges na lipunan, napakabulnerable ng proletaryado sa palagiang panggigipit ng burges na ideolohiya, na ang layunin ay ilayo ang proletaryado sa daan ng kanyang huling pakikibaka para sa emansipasyon.

ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT ANG DAAN TUNGO SA KOMUNISMO AY MAARING MAPIGILAN. ANG KOMUNISMO AY BUNGA NG MATAAS AT MASAKLAP NA PAKIKIBAKA. ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT, sa kabila ng ekstra-ordinaryong rebolusyonaryong potensyal ng proletaryado, na walang mawawala kundi ang kanyang kadena, at may mundo na dapat ipagwagi, WALANG ABSOLUTONG GARANTIYA SA TAGUMPAY NG REBOLUSYON, NI MAYROONG DETERMINISTIKONG BISYON PARA SA KANYANG PAG-UNLAD. PERO KUNG HINDI MAKAMIT ANG BAGONG ISTORIKAL NA PANAHONG ITO, ANG SANGAKATAUHAN AY MAHUHULOG SA WALANG KATULAD NA BARBARISMO, MALAMANG SA KANYANG TULUYANG PAGKAWASAK.

Kaya ang daan tungong komunismo, ang makauring pakikibaka, ay serye ng mga tagumpay at kabiguan; ng mga pag-atras na sinundan ng panibagong mga pagsulong. Nagkakahugis ito sa porma ng tensyon sa pagitan ng determinasyon at kamulatan, sa patuloy na pagtatasa at pagpuna sa sarili.

Ang komunistang rebolusyon

  • 3827 beses nabasa

 "Ang burges na mga rebolusyon, tulad ng sa 18 siglo, ay madaling nagtagumpay. Matindi ang dramatikong epekto ng bawat isa; ang tao at mga bagay ay tila kumikinang na mga diamante at ang bawat araw ay napakasigla. Pero panandalian lamang sila; hindi nagtagal ay umabot sila sa dulo, at ang lipunan ay dumaan sa mataas na yugto ng paghihinagpis hanggang malungkot nitong hinalaw ang mga nalasap na bagyo at pagkapagod. Ang proletaryong rebolusyon sa kabilang banda, tulad ng sa 19 siglo, ay patuloy na dumadaan sa pagpuna sa sarili, at sa pabalik-balik na kaguluhan sa kanilang sariling daan. Bumalik sila sa nagawa na nila dati para simulan muli ang tungkulin; sa pagbibigay atensyon sa ditalye, itinakwil nila ang pagkukulang, kahinaan at sirang mga aspeto ng kanilang unang mga pagtatangka; tila naigupo nila ang kanilang mga kaaway subalit nakikita lamang nila na bumabangon sila na may panibagong lakas, mas malaki kaysa dati; balik-balik silang lumiit sa harap ng napakalaki nilang mga layunin, hanggang nalikha ang sitwasyon kung saan imposible na ang anumang pag-atras, at ang kondisyon mismo ay sumisigaw: Hic Rhodus, hic salta! Narito ang rosas, sumayaw ka dito!" (Marx, The 18th Brumaire of Louis Bonaparte, 1852).

Sa batayan ng walang kataposang pagkilos na ito at palagiang pagpuna sa sarili, ang proletaryong rebolusyon ay tumahak sa liku-likong daan tungo sa komunismo. Katunayan,

- Ang komunistang rebolusyon ay hindi dulo ng ekonomikong proseso, kundi simpleng kondisyon sa antas pulitika para sa pang-ekonomiya at panlipunang transpormasyon. Ito ang unang hakbang para sa buong proseso ng transpormasyon sa lumang lipunan. Sa nakaraan, ang pang-ekonomiyang kapangyarihan ng isang uri at ang kanyang kapasidad na magpataw ng bagong sistema sa panlipunang relasyon ay magkatulad. Ang bagong panlipunang istruktura, na nagdadala ng panlipunang progreso at pinataw sa lipunan sa pamamagitan ng pwersa o pangungumbinsi, ay nabigyan ng katwiran sa partikular na pang-ekonomiyang interes ng rebolusyonaryong uri. Para mailarawan ito, sapat ng balikan paanong winasak ng burgesya ang pyudal na lipunan.

Mula sa 15 at 16 siglo, ang bantog na mga burges na pamilya, partikular sa Timog Uropa, ay mga panginoon sa negosyo at komersyo. Sa mga rota ng komersyo sa lupa at dagat, walang tigil na umagos ang mga bakal, tela at pampalasa... Dagat ng ginto ang umapaw sa mga lungsod, sa kabila ng mga bagong rota na nag-ugnay sa mga bagong sentro ng komersyo. Namulaklak ang mga arte, syensya, panitikan, at mga ideya. Dumami ang mga syentipiko at teknikal na diskubre, tulad ng mga industriyal na syudad. Hindi nagtagal napaunlad ni Copernicus ang kanyang teorya sa paggalaw ng kalawakan. Naganap ang ekstra-ordinaryong pagsulong sa antas ng pag-unawa ng tao: kahit saan lumitaw ang pangangailangan ng bilis at katiyakan, ganun din sa pinansya at komersyo tulad ng industriyal na produksyon. Isang panlipunang uri ang nasa proseso na ibagsak ang lipunan at sakupin ang mundo. Hawak nito ang isang esensyal na pwersa: ang kapangyarihan ng pinansya at kwarta. Hindi direktang hinahamon ang pampulitikang kapangyarihan, na nanatiling nasa kamay pa ng pyudal na aristokrasya, pinataw ng burgesya ang kanyang sariling mga batas sa lipunan.

"Ang pakikibaka ng burgesya laban sa pyudal na nobilidad ay pakikibaka ng lungsod laban sa kanayunan, industriya laban sa pag-aari ng lupa ,ekonomiya ng kwarta laban sa natural na ekonomiya;at ang mapagpasyang sandata ng burgesya sa ganitong pakikibaka ay ang kanyang pang-ekonomiyang kapangyarihan, na patuloy na lumalaki dahil sa pag-unlad ng industriya, una kasanayang yari sa kamay, at pagkatapos, sa huling bahagi, umuunlad tungo sa manupaktura, sa pamamagitan ng paglawak ng komersyo. Sa buong panahon ng pakikibakang ito, ang pampulitikang pwersa ay nasa nobilidad ..." (amin ang pagdidiin) (Engels, Anti-Duhring)

Para sa transisyon mula sa kapitalismo tungo sa komunismo, sa abolisyon ng lahat ng porma ng pagsasamantala, walang ganitong ekonomiyang kapangyarihan ang proletaryado. Wala itong pera, pag-aari o industriyal na kapangyarihan na tutulong sa kanyang pakikibaka. Walang ekonomiyang kapangyarihan na maaring wawasak sa kapangyarihan ng kapitalismo, at sa gradwal na transisyon tungo sa komunismo. Anong materyal na kapangyarihan ang makukuha ng proletaryado sa pamamagitan ng pag-aari ng mga kagamitan ng paggawa, makina, o kahit ang buong paktorya, sa loob ng pangkalahatang balangkas ng dominasyon ng kapitalistang panlipunang relasyon? Ang ideya ng pag-aari ng proletaryado o kahit parsyal na pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon o bunga ng produksyon sa loob ng kapitalistang balangkas ay isang obhetibong imposibilidad, isang bitag, isang mistipikasyon. Tanging ang marahas, pandaigdigang rebolusyon ang makapagbigay ng batayan para sa kolektibong pag-aari sa mga kagamitan at bunga ng produksyon.

Dahil ang proletaryado ay hindi nakabatay sa anumang partikular na pang-ekonomiyang interes, o anumang porma ng pag-aari, hindi ito magtatayo ng panibagong mapagsamantalang lipunan. Ito ang huling pinagsamantalahang uri sa kasaysayan, na "walang mawawala kundi ang kanyang kadena", na ang proletaryado ay obhetibong kumikilos tungo sa konstruksyon ng isang lipunan na walang mga uri, isang lipunan na walang pagsasamantala. Manatiling pinagsamantalahang uri ang proletaryado pagkatapos ng rebolusyon, pagkatapos maagaw ang kapangyarihan. Sa pagitan ng pag-agaw ng kapangyarihan - ang instalasyon ng diktadura ng proletaryado - at komunismo, isang yugto ng transisyon ang kinakailangan. Sa panahong ito maobliga ang proletaryado na gawing pangkalahatan ang kanyang sariling kondisyon sa buong lipunan, sa pamamagitan ng integrasyon ng ibang panlipunang mga uri at istrata sa produktibong paggawa. Kung wala ang panlipunang transpormasyon na ito, kung wala ang progresibong pagpawi sa mga uri, mananatiling pinagsamantalahang uri ang proletaryado (gumawa ng labis na halaga para sa parasitikal na konsumsyon ng ibang panlipunang istrata) kahit pagkatapos ng pandaigdigang pampulitikang rebolusyon.

Kadalasan lumitaw ang mga tanong kaugnay ng komunistang rebolusyon: "walang pruweba na sa sandaling maagaw na ang kapangyarihan hindi (para gumanti) nito pagsamantalahan ang ibang uri: tingnan ano ang nangyari sa Rusya!" ... o "nakakasama ang kapangyarihan kahit sa mga taong may pinakamabuting intensyon" atbp. Ang mga tanong mismo ay nagtraydor sa kanilang maling pangangatwiran.

Nakabatay sila sa kawalan ng kapasidad na intindihin ang kalikasan ng proletaryado kapwa bilang pinagsamantalahan at rebolusyonaryong uri. Nakaligtaan nila na:

  • ang kawalan ng anumang materyal na batayan ng ekonomiyang kapangyarihan ng uring manggagawa, na siyang tanging posibleng batayan ng makauring pang-aapi.
  • ang pangangailangan at obhetibong posibilidad ng lipunang walang mga uri bilang tanging posibleng batayan para sa patuloy na pag-unlad ng mga produktibong pwersa.

Dahil nakaligtaan ang mga ito napakadaling maniwala sa ganitong mga sabi-sabi, kung saan ang katotohanan ay ang mga ito ay mahinang pamalit, isang pangangatwiran para panatilihin ang kapitalistang panlipunang relasyon. Ang isang kakitiran, isang katangian ng burges na ideolohiya, ay hindi makakita na matapos ang rebolusyon, isang seksyon ng uring manggagawa na magsimulang pagsamantalahan ang iba (malinaw na kahibangan na iisipin na ang buong uring manggagawa ang magsamantala sa sarili), ito ay tanda ng pag-atras ng rebolusyon, i.e., ang muling paglitaw ng kapitalismo. Ang "mapagsamantalang mga manggagawa" ay magiging, sa tunay at obhetibo na punto, mga representatnte ng burgesya (hindi ng isang bagong uri). Napagpaliban lamang ang rebolusyon at ang pagwasak ng kapitalismo.

Ang tagumpay ng pandaigdigang komunistang rebolusyon mismo, kung gayon ay hindi mapagpasya, ni isang absolutong garantiya sa tagumpay ng komunismo. Sa panahon ng yugto ng transisyon, ang pag-atras pabalik tungo sa kapitalistang lipunan ay posible pa rin. Napakalaking pagsisikap ang kailanganin ng proletaryado, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanyang sariling kamulatan at pagkakaisa, para labanan ang posibilidad ng naturang pag-atras.

Kaya limitado lamang ang mga sandatang maaring gamitin ng proletaryado sa kanyang pakikibaka. Una sa lahat, malinaw na ang proletaryong rebolusyon at ang diktadura ng proletaryado ay hindi mapahintulutan ang anumang labi ng dating burges na kapangyarihan. Kabaliktaran, ang naturang mga labi ay dapat progresibong mabuwag at mawasak sa panahon ng transisyon. Sa nakaraan hindi kailangan ang ganitong mabilisang pagwasak sa lumang mga institusyon.

Naglalaman ang burges na rebolusyon ng pagwasak sa maraming hindi-kapitalistang panlipunang mga istruktura, kabilang na ang moda ng kaisipan at kaugalian ... pero hindi ang pundamental na batayan ng hindi-kapitalistang lipunan, ang pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, at ang makinarya para mapalakas ang ganitong pagsasamantala. Ang palakol ng inkwisisyon ay pinalitan ng ‘demokratikong' talim ng pugutan-ng-ulo. Ang ating mga bagong panginoon, habang ‘pinalaya' ang pinagsamantalahang uri sa hinaharap mula sa pyudal na pang-aalipin, ay madaling nakibagay sa ‘hindi opensibang' mga aspeto ng lumang rehimen, gaya ng mapanupil na makinarya ng pyudal na estado. Kinupkop lamang nila ang makinaryang ito para umangkop sa modernong pangangailangan. Ang polis, burukrata, inkwisistor ay nagpalit ng uniporme. Mga nag-iisip, titser, pilosopo ay nagpalit ng doktrina. Sa ilang mga kaso, gaya ng Alemanya at Rusya sa simula ng 20 siglo, ang kapangyarihang pang-ekonomiya ng burges ay magkatabing umiral sa magsasakang mga aristokrata, panginoong may-lupa, imperyal na mga opisyales at burukrata, nobilidad, prinsesa, at mga emperador, atbp.

Dahil ito ay simpleng kaso ng pagpapalit ng mapanupil na lipunan ng isa pa, nagagamit ng burgesya ang dating mapanupil na mga istruktura ng pyudal na kapangyarihan, na mahalaga din sa pagpanatili ng burges na pang-ekonomiyang kapangyarihan.

Hindi ito posible sa proletaryado, kung saan ang posisyon bilang dominanteng uri ay possible lamang sa batayan ng pagdurog sa bawat aspeto ng burges na estado. Pinakita ng karanasan ng Komuna ng Paris na hindi simpleng agawin ng proletaryado ang umiiral na estado, kundi kailangang wasakin ito mula sa taas hanggang sa ibaba.

Kaya kailangang gumawa ng mga sandata ang proletaryado at panlipunang pagbabago na angkop mismo sa kalikasan ng komunistang lipunan. Ang moda ng organisasyon ng proletaryado, organisado bilang rebolusyonaryong uri, ay kailangang umangkop sa panlipunang rebolusyon at sa bagong porma ng lipunan na pangunahan ng proletaryado.

"Ang pag-aangkop na ito ay dagdag na pinakita sa katangian para ito maisagawa. Maisagawa lamang ito sa pamamagitan ng pagkakaisa, kung saan sa kalikasan mismo ng proletaraydo ay dapat pandaigdigan, at sa pamamagitan ng rebolusyon kung saan, sa isang banda ang kapangyarihan ng naunang moda ng produksyon at panlipunang organisasyon ay naibagsak at, sa kabilang banda, ang umuunlad na unibersal na katangian at enerhiya ng proletaryado kung wala ito hindi maisakatuparan ang rebolusyon at dagdag pa, itinakwil ng proletaryado ang mga bagay mula sa kanyang nakaraang posisyon sa lipunan na nakadikit pa rin sa kanya." Marx, German Ideology, amin ang pagdidiin).

Ang kolektibong organisasyon ng uring manggagawa, makauring pagkakaisa, ang paglago ng rebolusyonaryong kamulatan, malinaw na pananaw at walang pagod na pagkilos, ang mapanlikhang partisipasyon ng buong uring manggagawa sa napakalaking mga tungkulin sa hinaharap, lahat ng ito ay matabang lupa ng rebolusyon, ng pag-agaw ng kapangyarihan at ng komunismo.

Ang rebolusyon ng pandaigdigang proletaryado, liban sa pagiging kolektibo at marahas na proseso, ay higit sa lahat nakasalalay sa pag-unlad ng makauring kamulatan.

Sa nakaraan mas malaki ang papel ng obhetibong kondisyon sa panlipunang pagbabago kaysa determinasyon at kamulatan ng tao. Ang pagpalit-palit ng mga moda ng produksyon ay nangyayari sa isang antas sa "ibabaw ng ulo" ng tao, at panlipunang mga uri. Pinangingibawan ng pagiging atrasado ng produktibong pwersa, ang rebolusyonaryong uri ay napilitang sumuko sa realidad na parang awtonomus, misteryoso at hindi nagbabago. Ang istorikal na mga pwersa ay parang isang natural na pwersa: bulag, marahas, arbitraryo, at hindi makontrol.

"Ang komunismo ay kaiba sa lahat ng nagdaang mga kilusan nito sa punto na winawasak nito ang batayan ng lahat ng naunang mga relasyon ng produksyon at pakikipag-ugnayan, at sa unang pagkakataon ay mulat na tinitingnan ang lahat ng natural na batayan bilang kagagawan ng tao, hinubaran sila ng kanilang natural na katangian at pinailalim sila sa kapangyarihan ng nagkakaisang mga indibidwal." (Marx, German Ideology, amin ang pagdidiin).

Kaya pinahayag natin sa itaas, ang komunismo at pag-unlad tungo sa komunismo, i.e., rebolusyon, ay bahagi ng magkatulad na proseso, at nagpahayag ng magkatulad na mga problema. Ang bawat partikular na yugto ng kilusang ito (mga yugto na hindi makonsiderang hiwalay sa bawat isa) ay naglalaman na ng mga katangian ng ultimong layunin. Sa puntong ito, kung ang komunismo ay nagkahulugan ng mulat na organisasyon ng produksyon para sa pangangailangan ng tao, ang panlipunang transpormasyon at rebolusyon bago ang komunismo ay mulat na pagkilos mismo. Kailangang maunawaan ng proletaryado ang realidad na walang pagdududa, dahil ito ang unang uri na totoong may kapasidad na magawa ito.

Ang rebolusyonaryong mga uri sa nakaraan ay nakibaka para sa panlipunang kaayusan na progresibo kumpara sa naunang panlipunang sistema, pero nakabatay pa rin sa panibagong porma ng pagsasamantala. Ang kamulatan na nakuha ng mga uring ito ay isa lamang mistipikadong kamulatan, dahil tinatago nito o binigyang katwiran ang pagsasamantala. Subalit ang proletaryong pakikibaka ay hindi tutungo sa panibagong porma ng pagsasamantala, kundi sa emansipasyon ng lipunan mula sa lahat ng porma ng pagsasamantala. Sa puntong ito, ang makauring kamulatan ng proletaryado ay ang unang makaintindi sa panlipunang realidad sa tunay na syentipikong paraan.

Tiyak, ang pag-unlad ng makauring kamulatan ng manggagawa ay hindi kompletong proseso; lalunang hindi ‘ispontanyong' produkto ng unang mga pakikibaka ng uring manggagawa. Dahan-dahan itong umuunlad sa ilalim ng presyur ng materyal na sirkumstansya at ng istorikal na karanasan ng uri, isang tuloy-tuloy na proseso ng paglago at pagpapayaman. Ganun pa man:

  • Kung tama na ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay hindi aabot sa antas ng ‘perpeksyon', hindi ito nagkahulugan na mangyayari ang rebolusyon na walang rebolusyonaryong makauring kamulatan. Ni ang ispontanyonismo o boluntarismo ang batayan ng rebolusyon.
  • Ang pag-agaw ng proletaryado sa kapangyarihan ay nangangailangan na ang uri ay ganap na maging mulat sa kanyang ‘istorikal na misyon'. Imposibleng makuha ang kantidad ng kinakailangang kamulatan. Ganun pa man, kailangang tutugma ito sa mga pangangailangan ng rebolusyon at komunismo. Dagdag pa, ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay isang kolektibong proseso lamang. Ang pag-unlad na ito ay produkto ng pagsasalubong ng iba't-ibang salik, na lumitaw mula sa obhetibong kondisyon at suhetibong kapasidad ng uri. Ang usaping ito ang talakayin natin ngayon.

2. Makauring Kamulatan

  • 3405 beses nabasa

Isa sa pundamental na katangian ng proletaryong rebolusyon at komunismo ay kolektibo at mulat na pagkilos sila ng uring manggagawa. Kaya dapat nating sagutin ang tanong: ‘Ano ang makauring kamulatan?' Daanan ba natin ang katulad na ideolohikal na proseso ng nagdaang mga rebolusyon? Ano ang pagkahalintunlad ng proletaryong kamulatan sa katangian ng intelektwal na proseso ng nagdaang mga lipunan?

Para mapag-iba ang makauring kamulatan mula sa lahat ng umiiral na ideolohiya ay higit sa lahat pag-ibahin ito mula sa ideolohiya sa pangkalahatan. Pero kailangan ding ikonsidera natin ang kamangha-manghang pag-unlad ng produktibong pwersa, at ganun din sa panlipunang kaisipan, kung saan nakaangkla ang komunistang rebolusyon. naunawaan natin na habang ang komunismo ay naging posible dahil sa pag-unlad ng produktibong pwersa at paglala ng internal na mga kontradiksyon ng kapitalismo, pinagmulan din ng makauring kamulatan ang buong proseso ng mga ideyang umunlad sa nakaraang mga lipunan. Ganun pa man, kumakatawan ito sa pagpapaunlad ng mga ideyang ito, sa ilalim ng presyur ng pang-ekonomiya at panlipunang krisis ng kapitalistang lipunan.

Ang pag-unlad ng proletaryong kamulatan ay nakabatay sa buong panahon ng intelektwal na pag-unlad sa nakaraan.

Katunayan, walang katotohanan ang pagkonsidera sa kasaysayan ng tao bilang hindi magkakaugnay at ‘natural' na pagpalit-palit ng mga datos, o bilang mekanikal na kadena ng mga pangyayari. Ang ganitong pananaw sa kasaysayan ng tao batay sa bulag at hindi maiwasang pwersa ng ‘kapalaran' ay kailangang itakwil. Ang kaibahan ng tao sa hayop ay ang huli ay nakilala lamang sa kanyang sariling aktibidad, ang tao ay ginawa nilang paksa ng determinasyon at kamulatan ang aktibidad ng buhay.

"Sa paglikha ng isang mundo ng mga bagay sa pamamagitan ng kanyang praktikal na aktibidad, sa kanyang gawa sa di-organikong kalikasan, pinatunayan ng tao na siya ay may kamulatan ... Gumagawa din ang hayop. Gumagawa sila ng pugad, tahanan, tulad ng mga pukyutan, beavers, langgan, atbp. Pero gumagawa lamang ang hayop kung ano ang kanyang kagyat na pangangailangan o ng kanyang mga supling. Maka-isang panig itong gumagawa, habang ang tao ay unibersal na gumagawa. Gumagawa lamang ito sa ilalim ng kontrol ng kagyat na pisikal na pangangailangan, habang ang tao ay gumagawa kahit malaya na siya sa pisikal na pangangailangan at tunay na gumagawa lamang sa malayang paraan ... Ang tao kung gayon ay lumilikha din ng mga bagay ayon sa mga batas ng kagandahan." (Marx, Economic and Philosophical Manuscripts of 1844)

Subalit, ang pagsasabing boluntaryo at masinop na binabago ng tao ang daigdig ay isa ding kasinungalingan. Dagdag pa, hindi gumagawa ng kasaysayan ang tao sa abstrakto o ispirituwal na paraan.

"Ginagawa ng mga tao ang kanilang sariling kasaysayan, pero hindi ayon sa kanilang kagustuhan; hindi sa mga sirkumstansyang pinili nila kundi sa ilalim ng nakatakda at namanang mga sikumstansya na direkta nilang kinakaharap." (Marx. Eighteenth Brumaire...)

Ang mga pagkilos ay nakabatay sa mga sikumstansya. "Ang kamulatan ay nakabatay sa buhay". Ang sunod-sunod na mga yugtong naabot ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay nasalamin sa pag-unlad ng panlipunang kaisipan. Ang relatibong antas ng kamulatang naabot ng mga tao, o mas eksakto ng panlipunang mga uri, sa proseso ng produksyon ng mga kagamitan sa pangangailangan at sa paghulma sa natural at panlipunang kapaligiran, ay istriktong nakasalalay sa materyal na mga sirkumstansya.

Ang buong kasaysayan ng sangkatauhan ay nagpakita ng lumalaking matabang paglago ng produktibong pwersa ayon sa lumalagong kapasidad ng mga tao na maging mulat sa kanilang sarili, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa iba at sa mundong nakapaligid sa kanila. Ang pag-unlad ng makauring kamulatan at ng materyal na rebolusyon kung saan ito ay nakabatay, ay nagpapatuloy, nagpapayaman at nalalagpasan ang pamanang ito.

Ang paglitaw ng ideolohikal na mga super-istruktura

  • 5901 beses nabasa

Ang tangkaing isalarawan ang buong kasaysayan ng sangkatauhan ay malinaw na imposible! Limitahan natin dito ang sinusumang pagsusuri sa pinaka-importanteng mga yugto sa ideolohikal na pag-unlad ng kasaysayan.

Sa unang yugto ng pag-unlad ng tao, i.e. ang primitibong komunidad na walang alam ni ang produksyon para sa pagbebenta o palitan, hindi pa pinag-iba ng mga tao ang kanilang sariling ebolusyon at sa natural na mga pwersa na nakapaligid sa kanila. Umiikot sa isang komunidad na nagbibigay ng satispaksyon sa kanilang pangangailangan sa direktang paraan, kung saan walang dibisyon ng paggawa, kung saan ang mga kagamitan, tulad ng pagkain at pabahay, ay komon, tinitingnan ng mga tao ang kanilang sarili bilang integral na bahagi ng sangkatauhan at natural na kapaligiran. Itong direktang pagsandal na umugnay sa bawat tao sa komunidad at natural na kapaligiran ay nagdala sa sangkatauhan na tingnan at ipahayag ang sarili sa termino ng mahiwagang pagkakaisa. Ang mga senyales ng ganitong mahiwagang pagkakaisa ay makikita kahit saan pero ang pagkakaisa mismo ay higit pa sa mga senyales nito.

Kaya ang lenggwahe, na lumitaw ng maaga sa kasaysayan, ay naging mahiwagang kawing sa pagitan ng mga tao, sa kanilang komunidad at mga pwersa ng kalikasan. Ang ganitong instrumento ng komunikasyon ay hindi lang nagsisilbi sa unilitaryan na mga layunin: nagdadala ito ng tunay na kapangyarihan sa ibabaw ng kalikasan kung saan ito ang kongkreto at kagyat na ekspresyon, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga ipinagbabawal. Ilang mga lugar ng pangangaso ay hindi mapangalanan dahil mapalaya ang hindi makontrol na mga pwersa. Ginagawa ang mahiwagang mga orasyon para makontrol ang kalikasan.

Kaya nagkaroon ng mahigpit na relasyon ang mga tao sa pagitan nila at ang nakapaligid na natural na mundo.

Pero kung totoo na ang ganitong mapayapang relasyon sa pagitan ng materyal na kondisyon ng pag-iral at sa komunidad ay nagpahayag ng pundamental na pagkakaisa sa pagitan ng buhay panlipunan at natural na ritmo, sa pagitan ng tao at kaisipan, sa pagitan ng kongkretong aktibidad at lenggwahe, huwag nating kalimutan na pinag-uusapan pa natin ang isang lipunan kung saan ang produktibong pwersa ay hindi pa umuunlad, kung saan ang kasalatan ay nagpataw ng kanyang marahas na dominasyon sa buong lipunan. Ang komunidad ay kontrolado ng natural na mga pwersa, mga sakuna (tagtuyo, bagyo, gutom...), ang napakamakapangyarihang kalikasan na naghari at nagmando. Ang pagkatakot ng tao sa mahiwagang natural na mundo kung saan nakasandal siya ay mabilis na nagdala sa kanya sa primitibong anting-anting. Ang mga manipestasyon ng kalikasan (ulan, init, hangin, bituin, atbp), na hindi talaga banal na kalikasan, ay inunawa bilang independyenteng pwersa: aktibo at nakakatakot na mga pwersa na dapat respetuhin, katakutan at amuin.

Nang iniwan ng mga tao ang lagalag na pag-iral at nagsimulang magbungkal ng lupa, nagsimula ang transisyon mula sa simpleng mahika tungo sa relihiyosong mga ritwal.

"Ang mangangaso, kung nais niyang swertehin sa pangangaso, ay dumulog sa pangungulam at mahika. Ang magsasaka,na naunawaan ang batas ng panahon, iniobserbahan ang normal na pagkasunod-sunod mula sa pagsibol hanggang sa pagkahinog at pagkatapos pagkamatay, ay bumaling sa ibang porma ng kaisipan para ipaliwanag ang natural na mga pwersa. Kaya mayroon tayong pagsilang ng alamat at paglabas ng mga ispiritu. (...) Para sa mga magsasaka ang mahalagang pwersa ay nasa natural na mga elemento, na kapwa naglalaman ng pagsilang at kamatayan. Marami ang ganung mga elemento na walang lohikal na kawing na mag-uugnay sa kanila: tinitingnan sila bilang iba-ibang mga aspeto sa iisang pwersa. Ito ay ang buwan, araw, babae, tubig, ahas, atbp (...) sa lahat ng ito ang mahalagang pwersa ay lumitaw na tila hiwalay, bilang hiwalay sa sarili at tunay." (Herbert Kuhn).

Ang ganitong primitibong anting-anting ng natural na pwersa ay nagpahayag ng unang pagtatangka ng mga tao na ipaliwanag ang mundo at natural na penomena. Pero sa punto na tinitingnan nila ang sarili na ganap na kontrolado ng kalikasan, iniisip ng mga tao na umiwas mula o sa kontrol ng kalikasan sa pamamagitan ng relihiyon. Malamang ang realidad ay mailagay sa isang banal na konsepto? Ang agrikultura (ang unang porma ng impluwensya ng mga tao sa kanilang natural na paligid) ay nagbunga ng konsolidasyon ng panlipunang kaisipan ng mga ilusyon sa pag-iral ng nasa itaas, sa esensya relihiyosong kapangyarihan. Gaya ng paliwanag ni Marx:

"Ang relihiyon ay kamulatan at pagpapahalaga ng tao sa kanyang sarili na hindi pa niya nakukuha o nawala na naman sa kanya." (Marx, Introduction to the Critique of Hegel's Doctrine of Right).

Kalaunan ang pag-unlad ng panlipunang dibisyon ng paggawa, ang produksyon ng pangangailangan na labis sa kagyat na pangangailangan ng komunidad, ang paglitaw ng labis na produkto ... lahat ng ito ay nagbunga ng pagkawasak ng makalumang panlipunang mga relasyon, sa pagkalusaw ng primitibong mga komunidad sa pamamagitan ng aktibidad ng palitan. Nagsimulang makipagpalitan ang mga komunidad sa bawat isa sa labis na produkto mula sa kanilang produksyon.

Sa yugtong ito ng pag-unlad ng mga produktibong pwersa ay nagbunga ng sistematikong paggamit ng lakas paggawa at sa kanyang pagsasamantala sa pamamagitan ng pang-aalipin. Kaya ang agrikultura, ang pagsasaka sa lupa at pag-alaga sa mga hayop ay lumikha ng napakalaking bukal ng kayamanan. Ang pag-unlad na ito ay nagbunga ng panlipunang mga relasyon sa ganap na panibagong batayan. Hindi na komon ang mga produkto at kagamitan ng paggawa; nagiging pribadong pag-aari na sila. Sa dibisyon ng paggawa nagiging kailangan na sa tao na bumili ng pagkain at mga kagamitan ng paggawa, ay natural na magkaporma sa pag-aari. Ganun din ang mga tao na nagmamay-ari ng panibagong bukal ng pagkain - baka; at kalaunan sa panibagong kagamitan ng produksyon - mga alipin. Sa kanyang bahagi, ang babae, na ganap ng nawalan ng kanyang lumang matriyarkal na mga karapatan, ay nanatili na lang nagmamay-ari sa mga kagamitan sa bahay. At parallel sa pag-unlad ng ganitong bantog na panlipunang dibisyon ng paggawa lumitaw ang unang bantog na dibisyon ng lipunan sa mga uri: panginoon at alipin, nagsasamantala at pinagsamantalahan.

Ang paglago ng pribadong pag-aari sa porma ng paghahayupan, alipin, maluhong produkto, kagamitan sa produksyon, at iba pa, ang pagkahiwalay ng mga gumagawa sa kanilang mga produkto, ang simula ng pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, na malinaw na nagbunga ng lalupang pagkahiwalay ng mga tao mula sa kalikasan at sa kanilang sarili. Ang komunidad ay hindi na direktang ekspresyon ng natural na kapaligiran; hindi na ito serye ng egalitaryan at mapayapang mga relasyon kundi kabaliktaran, nakabatay na ngayon sa partikular na relasyon ng pribadong pag-aari. Dahan-dahang nawala sa indibidwal ang kanyang obhetibo at nakaraang kaugnayan sa komunidad at kanyang direktang pang-ekonomiyang kaugnayan sa kanyang mga kagamitan para mabuhay. Nagiging karibal siya ng kanyang kapwa tao.

Sa yugtong ito ng kanyang istorikal na pag-unlad, ang panlipunang organisasyon ng komunidad ng tao ay hindi na magabayan ng kagustuhan ng komunidad sa kabuuan. Napunit sa internal na mga kontradiksyon at hindi maayos na panlipunang mga antagonismo naobliga ang lipunan ng kalakal na gumawa ng serye ng mga batas at alituntunin na nasa ibabaw ng lipunan at ang layunin ay panatilihin ang panlipunang kaayusan.

"At ang kapangyarihang ito, lumitaw mula sa lipunan pero inilagay ang sarili sa ibabaw nito at patuloy na hiniwalay ang sarili, ay ang estado." (Engels, The Origins of the Family, Private Property and the State)

Ganun din, kaugnay sa paglitaw ng ganitong pampulitika at huridikal na istruktura, ang dominanteng moda ng panlipunang kaisipan ay nagiging representante at nagbibigay katuwiran sa mga interes ng dominante at nagsasamantalang uri. Ang kaisipang ito ay hindi na direktang repleksyon ng praktikal na aktibidad, hindi na tulad ng dati na mahigpit ang ugnayan sa kolektibong kagustuhan; kabaliktaran, kinatatangian ito ng lumalaking puwang sa pagitan ng kanyang sarili at realidad. Ang mga ideya sa primitibong komunidad na ekspresyon ng lenggwahe ng tunay na buhay ay nagiging mga ideya ng naghaharing uri sa kalakal na lipunan.

Kaya lumitaw din gaya ng pampulitikang super-istruktura ang ideolohikal na super-istruktura.

Ang ganitong panibangong pagkahati ng lipunan sa mga uri ay binigyang katuwiran at deniklarang eternal ng dominanteng uri. Itinago ang realidad ng pagsasamantala; ang partikular na mga interes ng prebilihiyadong minorya ay pinakita bilang interes ng lipunan sa kabuuan at bilang kondisyon sa pag-unlad. Ang dibisyon sa pagitan ng manwal at intelektwal na paggawa ay nagbunga ng espesyalisadong istrata na ang papel ay ipagtanggol at paunlarin ang mga ideyang ito.

Sa sumunod na mga taon ang ganitong pangatwiran sa pagsasamantala ng isang uri sa ibang uri ay patuloy na pinatitibay at pinalalakas. Pero ang pangangatwiran ay hindi laging pareho. Sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa nakamit ng sangkatauhan ang mas malaking kapasidad na maunawaan ang realidad. Bawat hakbang ay kasabay ng martsa ng progreso, bawat tagumpay ng sangkatauhan sa dominasyon ng kalikasan ay kapit-bisig sa pagpapayaman ng mga ideya at sa panlipunang pang-unawa.

"Umunlad ang lipunan, at sa panahon ng nagdaang mga siglo, ay naging mas mabilis. Ang mga porma ng paggawa ay binago. Ang relasyon ng mga tao sa bawat isa, ang kanilang aktitud sa paggawa, sa kalikasan, sa mas mataas na mga pwersang nagdomina sa kanila, lahat ng ito ay umunlad din. At ito ang pinagmulan ng ating pananaw sa buhay at sa mundo." (Pannekoek, The Workers Councils)

Hindi tulad sa ibang lipunan ng hayop, kahit na ang pinaka-organisado, hindi kontento ang sangkatauhan sa simpleng hindi mulat na reproduksyon ng buhay -- aktibidad.

Ang panlipunang pangangailangan ng tao ay lumaki ayon sa materyal na kapasidad ng kanilang satispaksyon. Hindi tulad sa mga hayop ang mga tao ay hindi tumutugon sa kanilang pangangailangan batay lamang sa kagyat na satispaksyon o sa batayan ng walang hanggang reproduksyon sa iisang proseso. Kailangan nila ng mamagitan. Ang mga tao ay kailangang gumawa ng mga gamit para sa kanilang pangangailangan pero ginagamit din ang mga instrumento ng paggawa sa mulat na paraan. Dagdag pa, para magampanan ito, kailangang paunlarin ng mga tao ang kanilang relasyon sa bawat isa at humigit-kumulang mulat na nilagpasan ang mga porma ng organisasyon na hadlang sa pag-unlad.

Ang materyal na paglagpas sa lumang mga istruktura, sa lumang mga relasyon sa produksyon, ay kailangang sabayan ng paglagpas sa lumang mga porma ng panlipunang kaisipan at sa dominanteng mga ideya sa nakaraan. Hindi lang ito dahil ang pag-unlad ng produktibong pwersa ay nagdadala ng pag-unlad ng panlipunang kaisipan kundi dahil din ang rebolusyonaryong uri ay epektibong maisakatuparan ang kanyang istorikal na mga tungkulin kung mapatunayan lamang nito sa buong lipunan - salungat sa uring nasa kapangyarihan - ang panlipunang epektibidad ng mga interes na kinakatawan nito. Kaya ang bawat pag-unlad ng materyal na inpra-istruktura ng lipunan ay tumutugon sa magkatulad na pag-unlad at pagpapayaman sa panlipunang kaisipan.

Sa sandaling hinog na ang lipunan sa punto-de-bista ng materyal, i.e. produktibong pag-unlad, lahat ng mga ideya, syensya, arte at literatura ay namulaklak. Bawat pagsulong na dala ng pag-unlad ng panlipunang mga relasyon, lahat ng teknikal na progreso at panlipunang pagbabago, ay tinugunan ng rebolusyon sa daigdig ng mga ideya. Kaya maaring sabihin na ang kapitalismo ay kumakatawan sa kamangha-manghang ideolohikal at materyal na pagsulong kaysa lahat ng nagdaang Asyatiko, pyudal at sinaunang mga lipunan. Ang ekstra-ordinaryong tulak ng kapitalismo sa teknikal at syentipikong progreso ay nangangailangan ng sistematisasyon ng isang rasyunal at materyalistang pagsusuri sa realidad para makonsolida at mapanatili ang progresong ito.

Ang tagumpay ng ganitong pananaw ay tumugma sa rurok ng burges na pang-ekonomiyang pag-unlad.

Naiinip na palayain ang lipunan, na nasakop na niya sa larangan ng ekonomiya, mula sa kanyang pagiging primitibo at lumang mga paniniwala, sinimulan ng burges na lipunan ang rasyunal na kritik sa lumang pyudal na mga dogma. Sa panahon pa lang ng Renaissance habang kinokontrol ng burgesya ang mga syudad sa Italya, ang ideolohikal na mga kinatawan ng burgesya ay hinamon ang sagradong paniniwala ng pyudalismo tulad ng imortalidad ng kaluluwa at pag-iral ng Diyos. Pero kahit ang burges na kaisipan ay may relihiyosong katangian, tinangka nitong ipataw ang isang relihiyon, Protestantismo, na mas maluwag sa mga ideya ng usura at interes.

Kahit saan pinataw ng burgesya ang bagong mga relasyon ng produksyon na nakabatay, hindi sa direktang pagkatali ng magsasaka sa panginoong pyudal kundi sa pananaw ng huridikal na pagkapantay-pantay, sa pag-iral ng mga indibidwal na ‘malaya' na ipagbili ang kanilang lakas-paggawa sa pamilihan. Ito ang batayan ng kapitalistang panlipunang mga relasyon na sumasakop ngayon sa lumang mga pamahiin ... at sasakupin ang mundo.

"Halos isang gabi lang ang mundo ay lumaki ng halos sampung beses; sa halip na isang kwarto ng sanlibutan, ang buong mundo ay nakatiwangwang sa harapan ng mga Uropeong taga kanluran na nagpaligsahang makuha ang lahat na natitirang bahagi. Habang bumabagsak ang makipot na mga hangganan ng pinagmulang bansa ganun din ang isang libong taon na lumang mga harang ng makalumang kaisipan. Isang walang hanggang mas malawak na abot-tanaw ay nabuksan sa pisikal at mental na panunuri ng tao." (Engels, Origin of the Family)

Ang muling pagkagising ng kaisipan, itong lumalaking kapasidad na unawain ang realidad, pisikal, natural at penomena ng tao... ang lahat ng ito ay nagmula sa pang-ekonomiyang kapangyarihan ng burgesya; sa tulak na binibigay ng burges na lipunan sa mga kagamitan ng produksyon at produktibong teknik. Ang syentipikong materyalismo ay ang ideolohikal na ekspresyon ng lumalaking kapasidad na ‘kontrolin' ang kalikasan at maintindihan ang mga batas nito.

"Ang kalikasan ay nanatiling isang ‘kaharian ng pangangailangan' kung saan umaasa ang tao. Pero may kapasidad siyang kontrolin ang pagiging palaasa hangga't umuunlad ang kanyang kaalaman sa mga batas nito. At nakuha niya ang kaalamang ito mula sa sosyalisasyon ng kalikasan, i.e. mula sa kanyang sariling praktikal na transpormasyon ng kalikasan sa produksyon." (F. Jakubowski, Ideology and Superstructure in Historical Materialism)

Subalit ang pang-unawang ito ay limitado dahil:

  • ang pag-unlad ng produktibong pwersa ay nanatiling hindi sapat para sa kanilang panlipunang pangangailangan. Sa ilalim ng kapitalismo ang ugnayan sa pagitan ng tao at kalikasan ay nasira, namantsahan at nadumihan. Ginawang sosyalisado ng kapiatlismo ang produksyon pero hindi ang moda ng pag-aari sa produksyon.
  • ang burgesya, bilang nagsamantalang uri, ay napilitang itago ang realidad ng pagsasamantala. Higit sa lahat hindi nito kayang kilalanin ang istorikal at temporaryong katangian ng bawat moda ng produksyon. Laganap ang mga ilusyong ito sa burges na ideolohiya.

"Ang burgesya ang unang kumilala na ang ekonomiya ay isang buong proseso, gumagalaw sa ilalim ng unipikadong mga batas. Ang kapitalismo ang nagdala ng ganitong pagkakaisa at lumikha ng isang rasyunal na lipunan na kabaliktaran sa partikularidad ng lahat ng naunang mga panlipunang kaayusan. Subalit ang mga batas na ito para sa burgesya ay natural na mga batas, na nakaasa sa kakulangan ng kamulatan ng kanilang mga partisipante. Kung kilalanin ng burgesya ang mga batas na ito bilang panlipunan at istorikal ay nagkahulugan din ito na kilalanin nila ang kanilang dominasyon na istorikal na limitado. Ang makauring interes at makauring kamulatan ay nagsasalungatan sa isa't-isa...

"Pero ang katotohanan lang na ito ay hind maging batayan sa ideolohikal na katangian ng kamulatan na nagmula sa panlipunang posisyon ng burgesya. Mayroon pang mas mapagpasyang kontradiksyon na walang iba kundi sa pagitan ng panlipunang produksyon at pribadong pag-aari. Ang mga kagamitan ng produksyon ay ginagawa ng kolektibo at para sa lipunan pero nasa mga kamay ng indibidwal na mga kapitalista. ‘Ang kapital ay hindi personal kundi panlipunang kapangyarihan', pero ang paggalaw ng ganitong kapangyarihan ay pinangasiwaan ng indibidwal na mga interes ng mga may-ari ng kapital na walang pangkalahatang pananaw sa panlipunang papel ng kanilang aktibidad. Gumagalaw ang mga batas at panlipunang aktibidad ng kapital subalit ‘ sa kanilang kaisipan lamang, labas sa kanilang kagustuhan, na hindi sila mulat' (Lukacs). Ang pribadong pag-aari ng mga kagamitan ng produksyon ay nagkahulugan na ang tanging posibleng pananaw mula sa posisyon ng burgesya ay sa indibidwal na kapitalista; at sa indibidwal na kapitalista ang mga batas na bunga ng pagkahiwalay ng paggawa ay kailangang lumitaw na independyente sa tao." (F. Jakubowski, Ideology and Superstructure)

Kaya ang obhetibong mga limitasyon ng kapitalistang produksyon, ng produksyon ng kalakal sa pangkalahatan ay nasalamin sa mga limitasyon ng burges na kaisipan. Ang rekognasyon ng mga limitasyong ito ang nagdala sa atin na pag-ibahin ang burges na ideolohiya sa makauring kamulatan ng proletaryado. Ang burges na ideolohiya ay manipestasyon ng pagtangkang maging mulat sa daigdig. Pero ang kamulatang ito ay limitado, at nagbigay ng mabigat na mga ilusyon. Ito ay dahil sa dalawang kadahilanan na nasa itaas: ang kalikasan ng kapitalistang produksyon at ang kawalang kapasidad ng burgesya na tanggapin ang temporaryong katangian ng kapitalistang produksyon.

"Ang esenya ng kalakal - istruktura na pinakita na. Ang kanyang batayan ay ang relasyon sa pagitan ng mga tao na nagkahugis sa katangian ng isang bagay at naging isang ‘obhetibong guni-guni', isang awtonomiya na tila napaka-istriktong rasyunal at lahatang-panig para itago ang lahat ng bakas sa kanyang pundamental na kalikasan: ang relasyon sa pagitan ng mga tao" (Lukacs, History and Class Consciousness)

Ganun din, ang panlipunang mga relasyon sa pagitan ng mga uri ay lumilitaw bilang natural na mga relasyon sa pagitan ng mga bagay. Dagdag pa, nahiwalay mula sa bunga ng kanilang paggawa, nakita ng mga gumagawa ang kanilang panlipunang aktibidad na independyente sa kanila at labas sa kanilang kontrol.

"Lahat ng mga bungang ito ay nagmula sa katotohanan na ang manggagawa kaugnay sa produkto ng kanyang paggawa bilang isang banyagang bagay. Sa ganitong konteksto malinaw na ang ibayong pagtrabaho ng manggagawa ay lalong nagiging makapangyarihan ang banyagang mundo ng mga bagay na nilikha niya ibabaw at laban sa kanyang sarili, mas lalo siyang naghihirap - ang kanyang internal na mundo. Ganun din sa relihiyon. Ang lalong pagsandal ng tao sa diyos ay lalong nabawasan ang pagkilala niya sa sarili. Nilagay ng manggagawa ang kanyang buhay sa bagay pero ngayon ang kanyang buhay ay hindi na niya hawak kundi ng bagay na. Kaya mas malaki ang aktibidad mas lalong nawala sa manggagawa ang mga bagay. Anuman ang produkto ng kanyang paggawa, ay hindi kanya. Samakatuwid mas malaki ang kanyang produkto ay mas lalong nawala sa kanya. Ang pagkahiwalay ng manggagawa sa kanyang produkto ay nagkahulugan hindi lang na ang kanyang paggawa ay nagiging bagay na eksternal na umiiral, kundi umiiral ito labas sa kanya, independyente sa kanya, bagay na nahiwalay sa kanya at nagiging isang kapangyarihan mismo laban sa kanya. Ibig sabihin ang buhay na binigay niya sa bagay ay hinarap siya na kaaway at nakahiwalay... Tinatago ng pampulitikang ekonomiya ang kontradiksyon na nasa kalikasan ng paggawa sa pamamagitan ng hindi pagkonsidera sa direktang relasyon sa pagitan ng manggagawa (paggawa) at produksyon." (Marx, Economic and Philosophical Manuscripts)

Ang pagkahiwalay na ito ay hindi maiwasang masalamin sa antas ng panlipunang kaisipan. Katunayan "ang pag-unlad ng kaisipan ay repleksyon lamang sa tunay na pag-unlad na dinadala at inilipat sa utak ng tao." (Marx, Capital Vol. 1.) Ito ang dahilan kung bakit ang materyal na mga limitasyon ng produksyon ng kalakal, na bumabago sa panlipunang kondisyon ng produksyon (ibig sabihin, lumitaw sila bilang mga bagay), ay nasalamin sa limitasyon ng panlipunang kaisipan. Ang kapitalistang pagkahiwalay ay nasalamin sa panlipunang antas kaya:

  • ang kaisipan at syensya ay sa esensya naging mga aktibidad sa pagmuni-muni. Ang kaisipan ay tulad ng isang ‘guwantes' na ginawa para ‘magkasya' sa realidad o minomolde pero hindi bumabago sa realidad.
  • pinag-aralan ang panlipunang mga relasyon bilang penomena na sumusunod sa supra-istorikal na mga batas. Walang puwang ang burges na ideolohiya sa aktibidad ng tao na matransporma ang mga batas na ito, o makapagbago mismo sa sangkatauhan.
  • ang natural na syensya ay ang modelo ng ‘eksaktong syensa' na, nahiwalay mula sa kanyang bagay, ay limitado sa pagmuni-muni ng realidad na kumuha ng mga kongklusyon sa batayan ng empirikal na pagtasa sa mga ‘datos'.
  • hiwa-hiwalay ang kaisipan sa maraming ‘espesyalisadong pag-aaral', bawat isa mayroong sariling sistema ng mga batas, independyente sa iba. Ang totalidad ay tinitingnan lang na suma-total ng mga indibidwal na datos.

Lahat ng ito ay nagpakita na ang ideolohiya ay walang kapasidad na unawain ang realidad o ang pag-unlad ng realidad sa rasyunal na paraan. Ang iba't-ibang aspeto ng buhay panlipunan ay lumitaw bilang partikular na mga datos, walang relasyon sa bawat isa. Lumilitaw sila bilang permanenteng mga entidad, independyente sa pag-unlad ng tao. Tinitingnan ang realidad bilang bagay at hindi produkto ng aktibidad ng tao, nadarama at kongkreto. Ito ang dahilan, tulad ng sinabi ni Engels:

"Ang ideolohiya ay isang proseso na walang duda mulat na nakamit ng diumano mga nag-iisip, subalit hindi totoong kamulatan." (Engels, Letter to Mehring in Philosophical Studies)

Ang Kamulatan ng Proletaryado

  • 3518 beses nabasa

Ang kailangang itanong ngayon: ‘Anong interes mayroon sa pagsasabi hinggil sa paglitaw sa ideolohikal na super-istruktura? Paanong sa depinisyon ng ideolohiya maintindihan natin ang paglitaw ng proletaryong kamulatan?'

Malinaw na kung natagalan tayo sa usapin ng ideolohikal na super-istruktura, ginawa natin ito para maintindihang mabuti ang penomenon kung saan nagiging mulat ang proletaryado. Ano na ang inabot ng ating imbestigasyon?

Sa ngayon, alam natin na ang tendensya para ang proletaryado ay maging mulat sa kanyang papel bilang rebolusyonaryong uri ay hindi talaga bagong penomena. Ang ibang rebolusyonaryong mga uri sa nakaraan ay nakibaka din para ipataw ang kanilang sariling pandaigdigang pananaw para magtagumpay laban sa lumang mga dogma at baluktot na mga ideya. Ang pakikibaka para itayo ang bagong lipunan, para buuin ang bagong moda ng produksyon, ay sinabayan sa nakaraan ng labanan sa pagitan ng mga ideya, sa labanan sa pagitan ng iba't-ibang mga pananaw sa daigdig. Kaya, sa buong proseso ng pag-unlad ng lipunan ng tao, ang makauring pakikibaka na nagtayo ng bagong panlipunang mga relasyon ay laging may kasabay na pakikibaka para sa pananaig ng bagong pangkalahatang mga ideya. Sa panahon na ang lipunan ay naging namamaga na sa antas ng ekonomiya, sa sandaling ang mga relasyon ng produksyon ay natransporma na bilang balat na nagbabawal sa buhay at pag-unlad ng lipunan, mula noon lahat ng ideolohikal na mga porma na nakabatay sa nakaraang ebolusyon ng lipunan ay nabunot at nawalan ng bisa ang laman, hayagang sumalungat sa panlipunang realidad. Ang optimismo at kasiglahang nakita sa mga ideolohiya, pilosopiya, at arte ay napalitan ng pilosopikal na pesimismo, kadiliman at pagbulusok-pababa ng artistikong ekspresyon at panlipunang kaisipan, sa sandaling ang lipunan ay pumasok na sa yugto ng katandaan at pagbulusok-pababa sa pang-ekonomiyang antas. Lumalaki ang agwat sa pagitan ng umiiral na mga relasyon na kumukontrol sa lipunan at sa bagong istorikal na pangangailangang kinaharap nito, kabilang na ang mga ideya ng mga tao hinggil sa lipunan.

Sa naturang mga panahon, ang tanging mga ideya na tunay na progresibo ay yaong nagpahayag ng bagong lipunan. Mga ideya na nakakita ng bagong mga tipo ng panlipunang relasyon, umuusbong at sa simula ay nagkahugis na kritikal, utopyan at nakikipagkompitensya bago naging rebolusyonaryo.

Sa ganung konteksto din ang makauring kamulatan. Para sa uring manggagawa, ang pagkabulok ng pang-ekonomiyang mga kontradiksyon ng dekadenteng kapitalismo at ang proseso ng pagbulusok-pababa ng burges na ideolohiya ang mag-establisa ng matabang tereyn na kailangan para sa pag-unlad ng kanyang sariling istorikal na kamulatan. Isa pang punto ng paghahambing na umiiral sa pagitan ng pag-unlad ng proletaryong kamulatan at ng ideolohikal na prosesong kinatangian ng pakikibaka ng rebolusyonaryong mga uri sa nakaraan. Ang proletaryong kamulatan, gaya ng ideolohiya sa pangkalahatan, ay nakabatay sa kabuuan ng materyal na kondisyon ng ekonomiya at lipunan. Ang pag-iral ng naturang konkgkretong batayan ang nagdetermina sa mulat na pagsulong ng proletaryado. Ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay nagpahayag ng tunay na pang-ekonomiya at istorikal na mga antagonismo ng dalawang panlipunang mga uri. Sa ganitong proseso ng esensyal na praktikal na kilusan, maestablisa ng kamulatan ang kanyang sarili at magtagumpay.

"Ang malakihang transpormasyon ng mga tao ay mapatunayan sa pangmasang paglikha ng komunistang kamulatan, dahil ang naturang transpormasyon ay maisagawa lamang sa isang praktikal na kilusan, sa isang rebolusyon. ang rebolusyong ito ay hindi lamang kailangan dahil ito lamang ang paraan para ibagsak ang naghaharing uri, pero dahil ang rebolusyon din ang nagbigay-daan sa uri na babagsak sa ibang uri para pawiin ang kabulukan ng lumang sistema." (Marx, The German Ideology)

Ang proletaryong kamulatan, tulad ng rebolusyonaryong mga ideya sa nakaraan, ay magtagumpay lamang sa kataposan ng pampulitika at panlipunang tagumpay ng uring manggagawa.

"Ang relehiyosong mga repleksyon ng tunay na mundo, sa anumang kaso, ay maglalaho lamang kung ang araw-araw na praktikal na mga relasyon ng buhay sa pagitan ng mga tao, at tao at kalikasan, ay sa pangkalahatan maipakita na mismo sa malinaw at rasyunal na porma. Ang talukbong ay hindi makukuha mula sa proseso ng buhay panlipunan, i.e. ang proseso ng materyal na produksyon, hangga't hindi ito naging produksyon ng malayang asosasyon ng mga tao, at sa ilalim ng kanilang mulat at planadong kontrol. Ito sa kabilang banda, ay nangangailangan na ang lipunan ay magkaroon ng isang materyal na pundasyon, o serye ng materyal na mga kondisyon ng pag-iral, kung saan sila ay natural at ispontanyong produkto ng isang mataas at liku-likong istorikal na pag-unlad." (Marx, Capital, Vol. 1)

Ang pagdaig sa lumang mga ideya sa nakaraan ay nagkahulugan (at iyon ang laging nangyari) ng materyal na pagdaig sa lumang pang-ekonomiyang mga kontradiksyon.

"Ang relihiyon, pamilya, estado, batas, moralidad, syensya, arte, atbp ay partikular lamang na mga moda ng produksyon at kung gayon ay napailalim sa kanyang pangkalahatang batas. Ang positibong pagpalit sa pribadong pag-aari, na itinakda ng buhay ng tao, ay ang positibong pagpalit sa lahat ng pagkahati-hati, at sa pagbalik ng tao mula sa relihiyon, pamilya, estado, atbp sa kanyang  pagiging tao, i.e. panlipunang pag-iral. Ang relihiyosong pagkahati-hati ay naganap sa larangan lamang ng kamulatan, sa internal na buhay ng tao, pero ang pang-ekonomiyang dibisyon ay ang tunay na buhay - kaya ang pagpalit sa kanya ay sumasaklaw sa kapwa sa dalawang mga aspeto." (Marx, The Economic and Philosophical Manuscripts of 1844)

Subalit, sa kabila ng ilang pagkahalintulad, patuloy tayong nagsasalita ng mga ideolohiya kung pag-usapan ang nakaraan at makauring kamulatan kung pag-usapan ang proletaryado. Ito ba ay simpleng pagkakaiba lamang sa terminolohiya?

Sa realidad, ginamit natin itong dalawang magkaibang mga termino dahil ang punto natin ay maipakita ang dalawang pundamental na magkaibang proseso. Ang kaibahan ng ideolohikal na proseso ng rebolusyonaryong mga uri sa nakaraan at sa pag-unlad ng kamulatan ng proletaryado ay napakahalaga kaysa iilang mga elemento na magkapareho sila. Dagdag pa, ang katangian mismo at pinagmulan ng proletaryong kamulatan ang pumigil sa kanya na makilala na simpleng ideolohiya.

Ano ang mga kaibahan sa pagitan ng ideolohiya at makauring kamulatan?

Inihayag ng ideolohikal na mga super-istruktura sa antas ng panlipunang kaisipan ang pag-iral ng pang-ekonomiyang inpra-istruktura na nakabatay sa pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa. Ang panlipunang uri na dominante sa loob ng inpra-istrukturang ito at may hawak ng pang-ekonomiyang kapangyarihan, ang mga kagamitan sa produksyon at materyal na pwersa ay mayroon ding ideolohikal na kagamitan na kailangan para bigyang katuwiran ang kanyang paghari. Sa ganitong punto maaring sabihin ang isang ideolohikal na "repleksyon". Bagama't ang mga ideya ng naghaharing uri ay naglalaman ng realidad at hindi lang malabong mga kaisipan na walang laman, kailangan pa rin nilang pasibong sumunod sa mas dominanteng realidad, ang ekonomiya at ang kanyang mga batas. Kaya kahit sa proseso ng rebolusyonaryong pakikibaka ng burgesya laban sa pyudalismo, ang kritikal na pagkilos ng burges na mga ideya sa huling pagsusuri ay ang nakikitang dulo lamang ng iceberg. Ang tunay na rebolusyonaryong aksyon ay nangyari sa ibaba, sa pundasyon ng lipunan.

Bagama't totoo na ang mga akda ng mga pilosopo sa panahon ng Renaissance - ang akda ng mga French Encyclopaedists, mga libro ni Voltaire, Diderot, Montesquieu, Kant, Locke, atbp - ay nakatulong sa seryosong pagpahina sa ideolohikal na super-istruktura ng pyudalismo, habang binigyan ng kredibilidad ang rebolusyonaryong pakikibaka ng burgesya at sa pagpataw ng kanyang pampulitikang paghari, totoo din na ang kanilang mga kontribusyon ay laging nakasunod sa proseso ng pang-ekonomiyang transpormasyon na nagaganap na sa lipunan. Lahat ng mga henyo na ninuno ng burgesya (Roger Bacon, Pomponazzi, Leonardo da Vinci, Erasmus, Thomas More, atbp) ay nagpahayag sa lalong lumalalang mga kontradiksyon na umiiral sa pagitan ng pag-unlad ng produktibong pwersa at sa panlipunang relasyon ng pyudalismo, at sa nag-alinlangan pang pagsulong ng burgesya sa antas ng ekonomiya. Sa kabila ng kanyang rebolusyonaryong papel, lumitaw lamang ang burges na ideolohiya bilang pagbigay katuwiran matapos dahan-dahang makuha ng burgesya ang pang-ekonomiyang kapangyarihan.

"Nagtagumpay lamang ang kongkretong pagdetermina ng kapitalismo sa kanyang istorikal na programa sa kanyang pakikibaka sa 19 siglo, ibig sabihin sa kataposan ng kanyang istorikal na pagsulong. Sa bisperas ng kanyang tagumpay, ang istorikal na kaalaman ng kapitalismo ay dahan-dahang na-realisa sa puntong ang kanyang pang-ekonomiyang posisyon ay umunlad at naghawan ng daan para sa kanyang ibayong pag-unlad sa loob ng lumang lipunan." (Bilan, no. 5, March l934, amin ang pagdidiin).

Sa kabilang banda, ang kamulatan ng proletaryado ay hindi nakasandal sa anumang pang-ekonomiyang inpra-istruktura. Absolutong walang pang-ekonomiyang kapangyarihan ang proletaryado; hindi niya layunin ang pagbuo ng bagong porma ng pagsasamantala. Bagama't maging naghaharing uri siya sa lipunan, hindi maging mapagsamantalang uri ang proletaryado. Walang pang-ekonomiyang konsiderasyon na pumilit sa proletaryado na magbuo ng ideolohiya para bigyang katuwiran ang pagpapatuloy ng pagsasamantala. At kahit gustuhin man niya, hindi makagawa ng ideolohikal na super-istruktura ang proletaryado. Sa panahon na ang pampulitikang tagumpay ng makauring kamulatan ay nagiging yelo ng absolutong mga ideya, mawalan sila ng rebolusyonaryong katangian at masanib sa masikip na gusali ng burges na kasamaan.

Ang mga bunga ng ganitong sitwasyon ay ang sumusunod:

1. Kabaliktaran sa nakaraang progreso ng panlipunang kaisipan, ang kamulatan ng proletaryado ay hindi natali, at hindi pasibong susunod sa pang-ekonomiyang transpormasyon ng lumang lipunan. Dahil wala itong anumang pang-ekonomiyang prebilihiyo, obligado ang proletaryado na mula sa simula igiit nito ang sarili sa mulat, pulitikal na kilusan bago materyal na ibagsak ang umiiral na kaayusan. Ang makauring kamulatan, ang rebolusyonaryong programa ng proletaryado, ay kailangang maganap at maging kondisyon sa pagdurog sa umiiral na lipunan.

"Tulad ng kapitalismo, ang proletaryado din ay kailangang i-establisa ang mga batayang prinsipyo ng pagiging isang uri, na babawas sa mga oposisyon, komosyon at kaguluhan sa kapitalistang lipunan at gabayan sila tungo sa pagtatatag ng diktadura ng proletaryado (...) Subalit, kung naipahayag ng kapitalismo ang kanyang istorikong programa sa di-sistematiko, di-maayos, nagsasalungatang paraan, kabaliktaran sa proletaryado, na napwersang kailangang ilatag muna ang pampulitikang batayan para lumago ang kanyang rebolusyonaryong mga pakikibaka." (Bilan, no. 5 March 1934)

Ang komunistang kamulatan ay hindi kontento na ipahayag lamang ang katotohanan, kundi kailangang ipahayag ang sarili bilang aktibong elemento sa rebolusyonaryong proseso.

2. Pinanatili ng ideolohiya ang naghari, panlipunang kaayusan sa pamamagitan ng pagmintina nito at pagdeklarang ito ay di-nagbabago. Nang nasa kapangyarihan na, interesado ang mapagsamantalang uri na patindihin ang mistisismo at dogmatismo. Kaya natutuwa ang burgesya sa pagkahiwalay dahil dito nakikilala ang kanyang kapangyarihan. Natabonan ang realidad; may salimbong sa istorikal na katangian ng panlipunang mga relasyon. Pero ang panlipunang sitwasyon ng proletaryado ay ganap na kaiba sa burgesya. Ang kanyang sitwasyon ay nagbibigay kaibahan sa ibang posibilidad sa ‘pag-unawa' kaysa burgesya. Bilang resulta, naobliga itong mag-alsa laban sa kanyang kalagayan at punitin ang ideoloholikal na maskara ng kapitalismo, kung saan lahat naniniwala sa eternal na katangian ng kapitalistang lipunan. Isa sa unang mga kondisyon na kailangan para baguhin ang kalagayan ng proletaryado at tapusin ang pagsasamantala sa kanya ay ang rekognisyon na ang kapitalismo ay temporaryo, istorikal, mababago ang katangian nito.

Hindi lalaban ang manggagawa sa pagsasamantala kung hindi ito parsyal na kumbinsido na ang pang-ekonomiya at panlipunang mga batas na kumukontrol sa pagsasamantala sa kanya ay hindi natural na mga batas na independyente mula sa aktibidad ng tao, kundi mga batas na sumasalamin sa isang kongkreto, temporaryong realidad.

"Ang naturang pang-unawa lamang ang magbibigay posisbilidad sa transpormasyon ng realidad, na nagbibigay sa tao sa pamamagitan ng pagsupil sa umiiral na paghiwalay ng gumagawa at ng kagamitan sa produksyon, ng pagiging bihasa sa kanyang sariling lakas, kung saan sa ekonomiya ay sumasalungat sa kanya tulad ng isang bagay. Ang paglalaho ng ‘mapanlinlang' na hitsura ng realidad at ang pagsupil sa kanyang materyal na batayan ay mahalaga para sa proletaryado." (F. Jakubowski, Ideological Superstructures in the Materialist Conception of History)

Sa likod ng ganitong tila abstraktong lenggwahe ay ang sumusunod na ideya: dahil wala itong pang-ekonomiyang interes na tutulong sa kanyang pakikibaka laban sa burgesya, kailangang paunlarin ng proletaryado ang walang mistipikasyon na pag-unawa sa kanyang sariling sitwasyon para ito ay kanyang mabago. Ang makauring kamulatan ang nagdadala sa proletaryado para maunawaan na ang relasyon sa pagitan ng kapital at paggawa kung saan namumuhay ito ay hindi relasyon sa pagitan ng abstraktong mga bagay, na establisado na, kundi isang buhay na relasyon na maari at kailangang baguhin. Lahat ng ideolohiya, anuman ang hibo nito, ay absolutong walang kapasidad na makamit ang ganitong pandaigdigang pang-unawa.

3. Ano ang pinagmulan ng ideolohiya? Ang mga kagamitan sa produksyon bilang pribadong pag-aari ng burgesya ang naghiwalay sa mga indibidwal. Bawat kapitalista, bansa, naglalabanang mga indibidwal, mga indibidwal na may-ari ng kalakal, ito ang pinagmulan ng burges na ideolohiya. Ang ideolohiya, bagama't ekspresyon ng dominasyon ng isang panlipunang uri, ay hindi talaga produkto ng kolektibo. Tulad ng isang salamin na nabasag sa isang libong piraso na sumasalamin sa iisang imahe, pinataw ng ideolohiya ang kanyang sarili sa lahat ng indibidwal. Ang lipunan ay pumailalim sa nagharing ideolohiya gaya ng pumailalim ito sa isang pang-ekonomiyang kalagayan na hindi nito makontrol at tila isang eksternal na pwersa. Ang mga nagkompetinsyang mga indibidwal sa kapitalistang lipunan ay pumailalim lahat ng magkatulad na ideolohiya, sa magkatulad na mga ilusyon, sa magkatulad na mga kakitiran at dogma. Sa kabila nito, bawat isa ay kumikilala sa iba na banyaga, bilang kakompetinsya, at bawat isa ay nag-iisip na siya mismo ay may orihinal na personalidad at mga ideya. Ang tunay na pagkakaisa at pagkilos ay imposible mula sa punto-de-bista ng kapitalistang lipunan at kapitalistang ideolohiya. At ito ay dahil ang kolektibisasyon ng mga kagamitan sa produksyon at sosyalisasyon ng mga relasyon ng tao ay imposible mula sa kapitalistang punto-de-bista. Ang indibidwal sa kapitalistang lipunan ay nag-iisa; ang kanyang mga ideya at ang kanyang pamumuhay - ay kapwa produkto ng paghari ng burgesya - ay hindi makapasok sa tunay na kolektibong kilusan.

Ang mga proletaryado, ay kabaliktaran, sila ay nagsama-sama sa proseso ng produksyon. Itinulak sila na magsama-sama at magkaisa sa kanilang kalagayan sa buhay. Tanging ang kanilang pagsama-sama sa pakikibaka, na bunga ng kanilang pagsama-sama sa proseso ng paggawa, ang nagbibigay presyur sa kanilang komon na kaaway - kapital. Kaya, sa buong kasaysayan ng kanilang pakikibaka, itinutulak ng mga manggagawa ang pagkakaisa ng kanilang mga pwersa.

"Sa simula ang pakikipaglaban ay inilunsad ng indibidwal na mga manggagawa, pagkatapos ng mga manggagawa sa isang pabrika, pagkatapos sa mga manggagawa sa isang industriya, sa isang lokalidad, laban sa indibidwal na burgesya na direktang nagsasamantala sa kanila (...) Pero sa pag-unlad ng industriya hindi lamang lumaki sa bilang ang proletaryado; nagiging konsentrado sila sa mas malaking bilang (...) Ang labanan sa pagitan ng indibidwal na manggagawa at indibidwal na burges ay nagiging labanan sa pagitan ng dalawang uri." (The Communist Manifesto)

Ang proletaryado lamang ang may kapasidad na organisahin ang sariling uri sa internasyunal na pagkakaisa. Ang pagsama-samang ito ang simula kung ano ang panlipunang relasyon sa komunistang lipunan, at ispontanyo itong lilitaw sa pakikibaka. Hindi ito kapani-paniwalang penomenon. Mga manggagawa, na halos hindi nag-uusap kahapon dahil sa mala-impyernong presyur sa trabaho, na minsan ay naramdaman na kakompetinsya ang kapwa manggagawa, ay bigla na lang nag-uusap sa panahon ng pakikibaka, nagbigkis at nagtutulungan sa isa't-isa, nagsama-sama kung saan kailangan ng gamitin ng burgesya ang lahat ng kanyang kapangyarihan kasama ang mga unyon at polis para wasakin ang mala-bakal na pagkakaisa nila. Ito ang simula ng makauring kamulatan!

Ang simula ng politikal na repleksyon ng proletaryado ay wala sa indibidwal bilang indibidwal, kundi sa indibidwal bilang bahagi ng kabuuan, bilang bahagi ng isang uri. Sa ganitong esensya, hindi mahalaga kung ano ang iniisip ng bawat manggagawa. Ang mahalaga ay ano ang kailangang gawin na maoobliga ang proletaryado bilang uri at ano ang kailangang mulat na gagawin. Ang makauring kamulatan ay nagsimula sa kabuuan at isang mataas na kolektibong proseso.

4. Subalit ang kabuuan, ang uri kung saan lumilitaw ang proletaryong kamulatan, ay hindi abstrakto, isang ordinaryong bahagi ng lahat na bumubuo sa burges na lipunan. Mayroon ding mga sekta, kumbento at relihiyosong grupo na nagsasabing nakamit nila ang ganap na pagkakaisa sa kanilang buhay at pag-iisip. Ang burgesya mismo ay naobligang ‘magkaisa' kung naharap sa atake ng proletaryado; maari ding magkaisa ang mga magsasaka, atbp. Sa realidad, wala sa ibang mga uri, istrata o sekta ang antas ng pagkakaisa na naabot ng proletaryado sa simpleng rason na ang proletaryado ang bumubuo ng istorikal na uri, ang nagdadala ng bagong tipo ng panlipunang relasyon. Ang proletaryado ang istorikong uri na antagonistiko sa burgesya; ito ang buhay na kabaliktaran sa kapitalistang lipunan. May ganitong istorikal din na katangian ang makauring kamultan. Hindi ito simpleng ideolohikal na repleksyon ng isang takdang sitwasyon.

Sapat na ba sa proletaryado na iisipin lamang ang pagkawasak ng kapitalismo? Ang makauring pakikibaka ba ay bunga ng garapalang imahinasyon? Kabaliktaran! Ang makauring kamulatan, na nakuha ng mga manggagawa at laging nagtutulak sa kanila sa ibayong pakikibaka, ay isang ganap na kongkreto at praktikal na proseso. Ito ay aktibong pwersa na na-materyalisa sa napakatumpak na paraan; nangangailangan ito ng buhay na karanasan ng pakikibaka na manatili at uunlad. Sa kanyang praktika, nasalubong ng proletaryado ang mga problema na hindi pa naresolba sa antas ng teorya, nagpalitaw ng iba pa, habang itinakwil ang mga luma, nagamit na mga ideya at binigyang-lakas ang iba pa. At para muling malagpasan ang kalitatibong yugto, kailangang halawin ng proletaryado ang pulitikal at teoretikal na mga aral sa kanyang karanasan sa nakaraan.

Kinumpirma ng rebolusyonaryong alon sa 1920's ang buhay, praktikal na katangian ng makauring kamulatanan. Nakitaan ng pagyabong, intensipikasyon ng pagbulwak ng mga ideya sa loob ng uri ang mga rebolusyong Ruso, Aleman at Hungary. Habang umuunlad ang pakikibaka, kahit saan lumitaw ang mga konseho at pangkalahatang asembliya ng mga manggagawa; kahit saan lumitaw ang ispontanyong mga pulong, seryosong mga diskusyon at di-mabilang na palitan ng mga ideya at suhestyon ay naganap. Ang mga manggagawa, na kahapon ay natutulog sa pagiging ignorante na pinataw ng kapitalismo, ay nagiging magaling na orador na pinakita ang kanilang praktikal na kagalingan at di kapani-paniwalang katapangan. Milyun-milyong manggagawa, na dati tahimik na sumuko sa pang-aalipin ng kapital, ay nagsalita at naging buhay na pruweba sa kanilang inisyatiba at pagkamalikhain sa palitan ng libong mga ideya at libong kaisipan, kumukuha ng impormasyon at pampulitikang mga diskusyon kahit saan... Lumitaw ang pampulitikang kilusan, isang libong daanan at repleksyon ang nalikha... Nagsimula ng kolektibo at praktikal na nabuhay ang makauring kamulatan.

Subalit hindi kailangang hintayin ang insureksyunal at rebolusyonaryong mga yugto para makita ang pag-unlad ng prosesong ito. Kung ito ay bunga ng tunay na pakikibaka, ang araw-araw na pakikibaka ng manggagawa laban sa pagsasamantala ay katumbas ng matabang lupa para mapalawak ang makauring pagkakaisa at kamulatan. Nakita ninyo ang kahalintulad na penomenong nangyari, pero sa maliit na lawak, tulad ng pinakita sa rebolusyonaryong yugto ng 1920's - isang biglaang pagsabog-ng mga ideya, diskusyon, lahat ay matindi at buhay.

Dapat maintindihang mabuti na ang prosesong ito ay hindi mekanikal o parehas. Ang pangkalahatang kamulatan ng mga asembliya ng manggagawa, sa pang-araw-araw na pakikibaka laban sa kapitalismo, sa pangkalahatan ay hindi tutungo sa pag-kwestyon sa kapitalistang lipunan. Ang makauring pakikibaka, tulad ng proseso sa pag-abot ng kamulatan sa loob ng proletaryado, ay pataas-pababa na kilusan, isang alon na aakyat pero maari ding bumaba.

Ganun pa man, isa bagay ang tiyak: ang istorikal na lakas at praktika ng proletaryado ay manatiling tulog hangga't ang mga manggagawa ay napailalim sa burges na mga ideya. Ang makauring kamulatan ang babago sa kanilang potensyal na lakas tungo sa epektibong lakas. Sa pamamagitan ng kanilang praktika, madiskubrehan ng mga manggagawa na sila ay isang partikular na uri, pinagsamantalahan ng kapital, at kailangan nilang labanan ito para lumaya sila sa pagsasamantala. Inobliga sila ng kanilang pakikibaka upang maunawaan ang pang-ekonomiyang sistema, para maintindihan kung saan ang kanilang mga kaaway at alyado.

"Ang tunay na edukasyon ng masa ay hindi nakahiwalay mula sa independyente, pulitikal, at partikular sa rebolusyonaryong pakikibaka ng masa mismo. Ang pakikibaka lamang ang nag-eeduka sa pinagsamantalahang uri. Ang pakikibaka lamang ang nagbukas ng lawak ng kanyang sariling kapangyarihan, nagpalawak sa kanyang pang-unawa, nagpaunlad sa kanyang kapasidad, naglilinaw sa kanyang kaisipan, nagpapatibay sa kanyang determinasyon." (Lenin, ‘Lecture on the 1905 Revolution' delivered 22 January 1917, reprinted in The Revolution of 1905)

5. Ang makauring kamulatan ay nagsimula sa pakikibaka mismo ng proletaryado. Kabaliktaran sa ideolohiya na pinagpalagay na may dibisyong umiiral sa pagitan ng ‘ekonomiya', ng ‘panlipunan' at ng ‘pulitikal', ang makauring kamulatan ay nakabatay sa iisa at parehong pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka, dahil hindi sila maaring paghiwalayin.

"Pampulitika at pang-ekonomiyang welga, pangmasang welga at parsyal na welga, demonstrasyon na welga at armadong welga, pangkalahatang welga ng indibidwal na mga sangay ng industriya at pangkalahatang welga sa indibidwal na mga syudad, mapayapang pakikibaka sa sahod at masaker sa lansangan, barikada - lahat ng ito ay nagsasalitan, magkatabi, nagpalit-palit sa isa't-isa - ito ay walang katapusang gumagalaw, nagbabagong dagat ng penomena." (Rosa Luxemburg, The Mass Strike, the Political Party and the Trade Unions)

Sa pamamagitan lamang ng mahigpit na ugnayan ng pang-ekonomiyang welga at pampulitikang welga, ito man ay parsyal o pangkalahatang pakikibaka - nagbigay-daan sa pag-unlad kalaunan ng pakikibaka, sa kanyang internasyunal na paglawak at pagpapayaman sa makauring kamulatan.

"Ang pinakatanyag na katangian ay ang porma ng ugnayan ng pang-ekonomiyang welga at pampulitikang welga sa panahon ng rebolusyon. Napakalinaw na sa pamamagitan lamang ng mahigpit na ugnayan ng dalawang porma ng mga welga makamit nito ang pinakamalaking kapangyarihan. Ang malawak na pinagsamantalahang masa ay hindi papasok sa rebolusyonaryong kilusan kung hindi nila nakita ang mga ehemplo paanong inobliga ng sahurang mga manggagawa sa iba't-ibang sangay ng industriya ang mga kapitalista na mapabuti ang kanilang kalagayan. Nagbigay ito ng inspirasyon sa masang Ruso." (Lenin, ibid.)

Sa pamamagitan ng pagtutol sa mahirap nilang kalagayan, nakamit ng mga manggagawa ang kamulatan ng kanilang sariling pwersa. Ang kanyang pakikibaka at kamulatan ay lalawak nang makita ng proletaryado na ang kanyang panlipunang tagumpay ay muling kinuha sa kanya ng burgesya. Progresibo itong naobligang suriin na ang krisis ng kapital ay isang mortal na krisis, na ang nabubulok na sistema ay hindi na makapagbigay ng anuman sa uring manggagawa, na ang kapitalismo ay huminto na bilang progresibong sistema. Pero hindi talaga maging mulat ang proletaryado maliban sa pakikibaka sa mas radikal na paraan, sa pamamagitan ng pagtutol sa kahigpitan at sa pagtutulak ng kapitalismo ng digmaan, sa pananaw ng parsyal na ‘kabiguan' sa kanyang pakikibaka hangga't manatili sila sa pang-ekonomiyang antas. Itong serye ng mga ‘kabiguan' sa antas ng mga kahilingan ng pakikibaka (i.e. ang binigay ng burgesya ngayon ay babawiin niya kinabukasan) ay dahan-dahang natransporma sa mga tagumpay sa antas ng makauring kamulatan at pampulitikang pagkakaisa ng proletaryado. Ang galaw ng pakikibaka ay tutungo mismo sa dahan-dahang pampulitika at rebolusyonaryong pagkwestyon sa buong sistema.

Ang katotohanan na ang makauring kamulatan ay bunga ng karanasan, sa praktikal na pakikibaka ng uri, nakikita na ang pagkilos ng buong uri ay hindi matatawaran. Ang rebolusyonaryong kamulatan, tulad ng pampulitikang emansipasyon ng proletaryado, ay gagawin mismo ng mga manggagawa. Hindi ito koleksyon ng matigas na mga ideya, ng nakahandang putahe na pinaunlad labas sa uri. Ganun din, ang kamulatan ng proletaraydo hinggil sa kanyang kalagayan ay hindi kamulatan hinggil sa bagay na eksternal sa kanyang sarili, kundi kamulatan kung ano siya mismo. Ang proletaryong kamulatan ay kamulatan ng proletaryado sa kanyang sarili bilang uri. Ito ay simpleng nagkahulugan na sa pagiging mulat sa kanyang sariling sitwasyon sa proseso ng produksyon, nagiging mulat ang proletaryado sa masalimuot at barbarikong kalikasan ng kapitalistang sistema. At ang pag-unlad ng kamulatan ay laging kahalintulad ng makauring pakikibaka. Ang makauring kamulatan kung gayon ay apirmasyon ng proletaryado sa kanyang kalikasan bilang rebolusyonaryong uri, bilang mulat na tao.

Organisasyon at makauring kamulatan

  • 1995 beses nabasa

Nakita natin ano ang kaibahan ng ideolohiya mula sa pag-unlad ng kamulatan ng proletaryado. Sa simula, sinubukan nating intindihin bakit ang mga katangian ng komunismo ang batayan sa kahalagahan ng kamulatan. Ngayon kailangang ihapag natin ang sumusunod na mga tanong: ‘Paano posible maging mulat ang uri? Paano makita ang makauring kamulatan?'

Ang unang elemento na maging posible ang makauring kamulatan ay ang rebolusyonaryong kalikasan ng proletaryado. Ang proletaryado, tulad ng ibang rebolusyonaryong mga uri sa nakaraan, ay obligadong mulat na organisahin ang sarili kung gusto nitong ibagsak ang lumang pang-ekonomiya at pampulitikang kaayusan.

"Tulad ng aktibidad ng tao, at sa partikular dahil ito ay panlipunang kilusan, ang pagkilos ng uri ay kailangang organisadong pagkilos. Katunayan, bawat uri, at higit sa lahat ang rebolusyonaryong uri, ay maipakita lamang ang kanyang buhay na realidad kung magbunga ito sa loob nito ng tendensya tungo sa pag-organisa sa sarili. Ang tendensyang ito ay kapwa pumapatungkol sa kagyat, praktikal, materyal na mga pangangailangan at sa mas pangkalahatang pangangailangan para sa repleksyon, pag-unawa at kamulatan hinggil sa kanyang sarili, sa kanyang pag-iral at kanyang hinaharap." (‘Class consciousness and Organisation', a document presented by the ICC to the IInd International Conference organised at the initiative of Battaglia Comunista, October 1978; see the pamphlet Second Conference of Groups of the Communist Left)

Para sa proletaryado, ang kanyang organisasyon at kamulatan ang tanging mga sandata na hawak niya.

"Hindi katulad ng nagdaang mga uri, tanging ang proletaryado lamang ang tinawag para mangibabaw sa buong lipunan na walang anumang pang-ekonomiyang batayan ng kapangyarihan sa loob ng lipunan, bilang paghahanda sa kanyang dominasyon sa hinaharap. Ang tanging materyal na lakas mayroon ang proletaryado ay ang kanyang organisasyon. Ito ang dahilan kaya napakahalaga ng organisasyon para sa proletaryado kaysa ibang mga uri, isang mapagpasya at pundamental na kondisyon para sa kanyang pakikibaka. Ang kanyang kapasidad sa pag-organisa sa sarili ay sukatan niya mula sa isang simpleng uri tungo sa uri-para-sa-sarili, mula sa simpleng pang-ekonomiyang kategorya sa loob ng kapitalistang produksyon tungo sa isang istorikal na uri. Sa katulad na dahilan, ang kamulatan ay mas pundamental na elemento para sa proletaryong pakikibaka kaysa pakikibaka ng nagdaang mga rebolusyonaryong uri." (‘Class Consciousness and Organisation', ibid., p.52)

Tulad ng sinabi ni Marx, "ang tanging panlipunang kapangyarihan na hawak ng mga manggagawa ay ang kanyang bilang, pero ang kapangyarihang ito ay binasag ng pagkawatak-watak. Ang pagkawatak-watak ng mga manggagawa ay pinalakas at pinanatili ng kanilang hindi maiwasang kompetisyon". Para mapangibabawan ang pagkawatak-watak at kompetisyon upang ganap na magtagumpay sa kapitalismo, iisa lamang ang pagpilian ng mga manggagawa: mag-organisa at magkaisa sa pakikibaka para sa kanilang komon na mga interes. Ang lugar nila sa proseso ng produksyon ang dahilan na posible silang mag-organisa sa batayan ng pagkakaisa at pagsama-sama. Katunayan ang naturang organisasyon ay napakalakas na pwersa.

"Ang diwa ng komunidad ay laging prinsipal, kailangang pwersa para umunlad ang rebolusyon. Ang progresong ito ay nasa pag-unlad ng pagkakaisa, sa mutwal na relasyon sa pagitan ng mga manggagawa, ng pagkakaisa. Ang kanilang organisasyon at ang paglaki ng kanilang kapangyarihan ay mga bagong katangian na pinatibay ng pakikibaka (...) Ang kahalagahan ng pagsama-sama at kasigasigan, ang udyok na kumilos bilang solidong nagkakaisa na pinalakas ng panlipunang pakikibaka, ay ang batayan mismo ng bagong panlipunang sistema na nakabatay sa komon na paggawa." (Pannekoek, The Workers' Councils, 1941)

Subalit ang organisasyon at pagbuklod-buklod sa kanilang sarili ay hindi maibagsak ang kapitalistang sistema. Kailangan pa rin nila itong panatilihin at bigkisin sa pamamagitan ng mapanlabang determinasyon at kolektibong kamulatan.

"Nasa mga kamay ng mga manggagawa ang isang elemento para sa tagumpay: kanilang dami. Pero hindi mabago ng bilang ang timbangan liban sa pamamagitan ng asosasyon at gabay ng kamulatan. Pinakita sa atin ng karanasan sa nakaraan na ang praternal na ugnayan ay kailangang iiral sa pagitan ng mga manggagawa sa iba't-ibang mga bansa at kailangang mag-udyok sa kanila na magbigkis, kapit-bisig, sa kanilang pakikibaka para sa emansipasyon. Ang pagbalewala sa ugnayang ito ay maparusahan ng komon na kabiguan sa lahat ng kanilang kalat-kalat na pagtatangka." (Marx, The Address of the International Workingmen's Association to all Workers in the World, 1864)

Nagkakaisang organisasyon, kolektibong pagkilos, ang buhay, aktibong partisipasyon ng mga manggagawa, pampulitikang kamulatan, pagsama-sama ay mga maraming elemento na dapat bigkisin para mabuo ng proletaryado ang kanyang sarili bilang rebolusyonaryong uri. Ang organisasyon at makauring kamulatan ay hindi lamang magkaugnay, kundi hindi maaring maghiwalay. Ito ay ang pag-unlad ng pampulitikang komprehensyon na pinalakas ng organisasyon ng proletaryado tungo sa isang rebolusyonaryong uri. Ang progreso na magawa ng proletaryado sa pag-organisa sa sarili ang magpayaman sa kanyang kamulatan. Ito ang dahilan kung bakit ang isang proletaryong organisasyon na nawala na ang huling kislap ng rebolusyonaryong buhay dahil tinindigan na ang mga pananaw ng burgesya, ay nagiging organisasyon na hindi na maipagtanggol ang ultimong mga layunin ng kilusan at hindi na nasalinan ng panibagong dugo mula sa partisipasyon ng mga manggagawa - ito ang dahilan kung bakit ang naturang organisasyon ay walang iba kundi ataol para sa proletaryado, at kailangang itakwil at palitan sa panibagong alon ng rebolusyonaryong pakikibaka.

Ang organisasyon ng uri

  • 3874 beses nabasa

"Ang tipo ng organisasyon na nilikha ng uring manggagawa sa proseso ng kasaysayan ay kinakailangang nakaugnay sa iba't-ibang yugto na dinaanan mismo ng kapitalismo, at iba-iba batay sa mga layunin na iniluwal ng mga yugtong ito, at pinataw sa pakikibaka ng proletaryado." (‘Class Consciousness and Organisation', ibid.)

Sa simula ng 19 siglo, nang nasanay ang mga manggagawa sa pagkilala sa makinarya mula sa gamit nito ng kapitalismo (ang unang mga riot ng mga manggagawa ay sinira ang mga makina), at kaya hindi na nakadirekta ang kanilang mga atake laban sa materyal na kagamitan ng produksyon kundi laban sa panlipunang sistema mismo, ang kanilang unang mga pagtatangka para organisahin ang sarili ay lumitaw. Ang unang mga pakikibaka para sa karapatan ng asosasyon ay lumitaw sa panahong ito. Ang mga utopyan ang unang mga teoretisyan na produkto ng unang makauring mga labanang ito. Sinubukan nilang mamagitan sa mga kilusan, na inorganisa ng proletaryado para mapatingkad ang kanilang pampulitikang laman. Pero ang kanilang mga teorya ay sumadsad dahil utopyan ang katangian at sa kalagayan mismo ng makauring pakikibaka.

"Ang unang direktang mga pagtatangka ng proletaryado para maabot ang sariling mga layunin, ay nangyari sa panahon ng unibersal na kaguluhan, nang ang pyudal na lipunan ay binabagsak, ang mga pagtatangkang ito ay di-mapigilang nabigo, dahil hindi pa maunlad noon ang sitwasyon ng proletaryado, kabilang na ang kawalan ng pang-ekonomiyang mga kondisyon para sa kanyang emansipasyon (...) Ang opisyal na tinatawag na Sosyalista at Komunistang mga sistema, kina St. Simon, Fourier, Owen at iba pa, lumitaw sa maagang yugto ng di pa umuunlad na yugto, na inilarawan sa itaas, sa pakikibaka sa pagitan ng proletaryado at burgesya." (The Communist Manifesto)

Kalaunan, dahil sa pakipag-ugnayan sa kilusang Chartist at sa impluwensya ng progreso ng unyonismo, ang proletaryado at ang kanyang pinakamulat na mga elemento ay nagawang ilatag ang batayan ng materyalismong istoriko. Ang materyalismong istoriko ang batayan ng paraan ng pagkilos at pakikibaka at bilang instrumento sa pag-intindi sa realidad sa di-mistipikadong paraan. Ang paglakas ng naturang kamulatan ay nagpahintulot sa proletaryado sa 1847 na itransporma ang Society of the Just, isang sekreto, konspiratoryal na grupo, sa isang rebolusyonaryong organisasyon ng propaganda at pakikibaka.

Isang taon pagkatapos, inihapag ng Manipesto ng Komunista ang ideya ng pangangailangan ng isang awtonomos na organisasyon at pampulitikang kilusan ng proletaryado. Bilang bunga ng pinagkaisang pagsisikap ng unyonismo at pampulitikang mga organisasyon, ang uring manggagawa ay progresibong pinag-iba ang kanyang pakikibaka sa loob ng pampulitikang kilusan, kaiba sa demokratikong mga organisasyon ng burgesya at kanilang mga ideya.

Ganun pa man, ang proletaryado at kanyang rebolusyonaryong mga elemento ay kulang pa ng mahalagang elemento ng pang-unawa. Ang Unang Internasyunal, dahil iniisip nito na ang panahon ng kanyang sariling pagkatatag (1864) ay panahon din ng "panlipunang rebolusyon" na magdadala sa kanya sa nalalapit na pag-agaw ng kapangyarihan, ay hindi naintindihan ang pangangailangan sa pakikibaka para sa pang-ekonomiyang kahilingan habang laging pinanghawakan ang ultimong layunin. Ang gawin ito ay nangangailangan ng mga tungkulin ng unitaryong mga organo ng uri sa panahong iyon na kaiba mula sa rebolusyonaryong organisasyon. Ang kanyang limitasyon sa pag-unawa sa panahong iyon ang dahilan bakit ang International Working Men's Association ay nag-organisa sa pampulitikang mga tendensya at mga asosasyon at unyon ng manggagawa.

"Hinintay muna ang pag-unlad ng Ikalawang Internasyunal bago ang kamulatan ng ganitong realidad (na ang rebolusyon ay wala pa sa agenda) ay talagang nasanib sa praktika ng kilusang manggagawa, at dalawang porma ng organisasyon na angkop sa pangangailangan at posibilidad ng kilusan ay sa wakas mulat at sistematikong nabuo". (R. Victor. ‘The Proletariat and its Vanguard', in Revolution Internationale, no. 17, 1975)

Sa Ikalawang Internasyunal, ang pag-unawa sa yugto, at ang kaibahan sa pagitan ng unitaryo at pampulitikang mga organisasyon ng proletaryado, ay mas naging malinaw. Ang depinidong pagpabagsak sa burges na pagahari ay hindi ang kagyat na layunin. Ang tungkulin sa panahong iyon ay maghanda para sa ultimong pakikibaka sa pamamagitan ng pampulitika at pang-ekonomiyang mga reporma, nagtayo ang proletaryado, sa isang banda, ng isang unitaryo, ekonomikong organisasyon kung saan bawat manggagawa ay kabilang sa simpleng batayan bilang manggagawa, habang sa kabilang banda, lumikha ng isang pampulitikang organisasyon na ang kriterya sa pagiging kasapi ay hindi ang pinagmulang uri ng kanyang mga membro, kundi nakabatay sa kanilang pampulitikang pagsang-ayon. Ang organisasyong ito ay parliyamentaryong organisasyon din. Ito ay usapin ng paglikha ng mga unyon, kooperatiba, atbp, at pangmasang partido.

Walang alinlangan, ang pang-ekonomiya at pampulitikang katangian ng mga pakikibaka ng manggagawa ay natali pa rin sa isa at magkatulad na proseso. Ito ang dahilan kung bakit ang kaibahan sa pagitan ng ‘ekonomiko' at ‘pulitikal', at ang matigas na paghiwalay na itinayo sa pagitan ng ‘minimum' at sa ‘maksimum' na mga programa, ay naging tunay na harang sa pag-unlad ng makauring kamulatan matapos ang ilang teoretisyan ng Ikalawang Internasyunal ay ginawa ang dibisyong ito bilang mga prinsipyo (para kay Bernstein ang kilusan ang lahat-lahat, ang layunin ay hindi mahalaga). Ang pang-unawang ito ay ‘nagbigay-daan' sa pagtawid ng Sosyal Demokrasya sa kapitalistang latian sa panahon na ang materyal na kondisyong kailangan para sa komunistang rebolusyon ay na-realisa na. Mula noon, isang panibagong proseso ng matyuridad ng makauring kamulatan ay kinakailangan, ganun din ang bagong mga porma ng makauring organisasyon.

"Ang rebolusyonaryong mga kilusan na lumitaw sa kataposan ng Unang Digmaang Pandaigdig, laluna sa Rusya at Alemanya, ay agad nagpatunay sa posibilidad ng kagyat na realisasyon ng ‘maksimum na programa', sa pamamagitan ng paglikha ng bagong mga porma ng organisasyon na angkop sa bagong tungkulin na sa wakas ay istorikal ng dumating: angdepinidong pagwasak sa burges na paghari.

"Ang konseho ng mga manggagawa, na ispontanyong lumitaw sa unang pagkakataon sa makauring kilusan ng Rusya sa 1905, na pinakita mismo nito ang ispisipikong porma ng makauring organisasyon, isang porma ng organisasyon na sistematikong paulit-ulit na nililikha ng lahat ng pakikibaka ng manggagawa laban sa kapitalistang estado. Ang mga konseho ng manggagawa  - mga asembliyang inilunsad sa mga pabrika at komunidad ng uring manggagawa - ang bumubuo ng porma ng organisasyon na gumagabay mismo sa proletaryado sa kanyang sariling pakikibaka. Ang mga konseho ay pisikal na iniorganisa ang buong uring manggagawa, at sabay-sabay na dinala ang pang-ekonomiya at pampulitikang katangian ng pakikibaka, kaya imposible itong paghiwalayin, kahit pansamantala." (R. Victor, ‘The Proletariat and Its Vanguard', ibid.)

Pero sa lahat ng ito, ano ang papel ng mga rebolusyonaryo?

Ang ‘pangmasang' partido na porma ng organisasyon ay nawalan na ng esensyal na batayan sa dekadenteng kapitalismo. Ang batayang iyon ay ang posibilidad at nesisidad para sa proletaryado na lumahok sa mga burges na Parlyamento, para pilitin ang kapitalismo sa mga reporma na makabuluhan para sa mga manggagawa. Sa pagbulusok-pababa, kailangang durugin ang burges na estado sa lahat ng kanyang mga porma, at ang pagkilos na ito sa pagwasak ay hindi maaring gagawin ng minorya o praksyon ng uri, gaano man ito ka mulat; ito ay kailangang pagkilos ng BUONG uring manggagawa, ibig sabihin, ng mga KONSEHO NG MANGGAGAWA.

Kaya, sa naturang sitwasyon at yugto ano ang papel ng mga rebolusyonaryo? Bakit kailangan nilang umiral kung pinag-isa ng mga konseho ang pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka, makauring kamulatan at organisasyon? Posible ding sabihin na ang mga konseho ang nagbibigay sa uri na pangibabawan, kapwa sa teorya at praktika, ang kapitalistang pagsasamantala at kanyang ideolohiya.

"Ang organisasyon ng mga konseho ay nagpahintulot sa uring manggagawa na progresibong palayain ang sarili mula sa pang-aalipin ng kapitalismo, at partikular mula sa pang-aalipin ng burges na ideolohiya. Sa loob nila dahan-dahang na-materyalisa ang proletaryong kamulatan mismo at kanyang determinasyon para bigyan ang makauring kamulatan ng kongkreto at tunay na ekspresyon". (Theses presented to the IIIrd Conference of the General Workers Union of Germany (AAUD) in 1920)

Bakit ang proletaryado sa yugto ng pagbulusok-pababa ay patuloy na nagpaunlad ng minoryang organisasyon na kinabibilangan ng kanyang pinaka-militante at pinaka-mulat na mga elemento - ang komunistang taliba?

Ang sagot sa tanong ay nasa pangkalahatang proseso ng pag-organisa sa sarili at pag-unlad ng makauring kamulatan. Sa kagyat, ang terminong ‘proseso' ay nagkahulugan na ang makauring kamulatan ay hindi pa tapos o perpekto sa takdang araw. Hindi ito lumitaw mula sa kung saan at bumaba sa mga manggagawa tulad ng isang rebelasyon. Ang makauring kamulatan ay kailangang dahan-dahan na pinapanday, at ang prosesong ito ay mataas at masakit.

Makauring kamulatan bilang proseso

  • 2180 beses nabasa

Kahit totoo na ang buong proletaryado, organisado sa mga konseho, ang may tungkuling ipatupad ang komunistang rebolusyon hanggang sa tagumpay, hindi nagkahulugan na ang kamulatan ng pangangailangang ito ay laging umiiral at sa magkatulad na paraan sa hanay ng mga manggagawa. Dagdag pa, ang unitaryong organisasyon ng proletaryado sa mga konseho ay hindi rin palagiang penomenon.

Para maabot ang komunismo, sa kamulatan ng pangangailangang organisahin ang sarili sa mga konseho, kailangang dumaan ang proletaryado sa napakahirap na daanan. Kahit ang simpleng determinasyon sa pakikibaka, sa pagwewelga, sa pagtutol sa kapitalistang pagsasamantala, ay hindi laging umiiral sa loob ng uring manggagawa. Mga yugto ng paghupa o demoralisasyon o ilusyon na maaring puminsala sa alon ng mga pakikibaka at dahilan ng pag-atras. At dahil paborable sa burgesya ang naturang mga paghupa sa pamamagitan ng madugong paglunod sa kilusang manggagawa, ang perspektiba ng rebolusyon ay malagay sa mas malayong hinaharap.

Ang proseso ng makauring pakikibaka, ang proseso para ang proletaryado ay maging isang rebolusyonaryong uri, ay bubukas sa progresibo, di-patas, at gitgitang paraan. Kaya, minsan ka lang makakita ng mahalagang mga welga at pakikibaka na magkasabay na nagliyab sa buong mundo. Ang internasyunalisasyon ng mga pakikibaka ng manggagawa ay dahan-dahang lumaganap sa ilalim ng presyur ng internasyunalisasyon ng kapitalistang krisis. Hindi rin pantay ang kamulatan ng proletaryado hinggil sa paano makibaka at paano pamunuan ang kanyang mga welga tungo sa rebolusyon. May mga sektor, may mga manggagawa na mas determinado, mas militante; ang iba ay patuloy na mag-alinlangan, hindi handa ang sarili na tapusin ang laban.

Bakit ganito? Malinaw ang sagot. Sa loob ng kapitalistang lipunan, ang proletaryado ay isang uri na ang pagkahiwalay ay natulak na sa sukdulan. Isang uri na bininhian ng burgesya ng kanyang ideolohiya at hinati-hati sa pamamagitan ng kompetisyon. Ang layunin ng uri ng inoorganisa nito ang sarili bilang mulat at nagkakaisang uri ay salungat sa kapitalistang kondisyon kung saan lumitaw ito bilang uri. Sa pagitan ng rebolusyonaryong proletaryado, at sa proletaryado na na-atomisa sa mga yunit ng nagkompitensyang mga indibidwal, o nagsimula pa lang sa kanyang unang mga pakikibaka para sa pang-ekonomiyang mga kahilingan, mayroong diyalektikal na kontradiksyon, na kailangang hahantong sa uri na boluntaryong kikilos at mulat, at sa organisadong paraan.

"Ang pundamental na kahirapan sa sosyalistang rebolusyon ay dahil sa komplikado at salungatang sitwasyon. Sa isang banda, ang rebolusyon ay ma-realisa lamang sa pamamagitan ng mulat na pagkilos ng malaking mayorya ng uring manggagawa; sa kabilang banda, ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay lilitaw laban sa kalagayan ng uring manggagawa sa lipunan, kalagayan na pumipigil at walang humpay na winawasak ang kamulatan ng mga manggagawa hinggil sa kanyang istorikal, rebolusyonaryong tungkulin." (‘On the Nature and Function of the Party', Internatioalisme, no. 38, 1948, reprinted in the Bulletin d'etude et de discussion, no. 6, 1974)

Ang proletaryado, anuman ang pagkakaisang nakamit sa kanyang pakikibaka, hindi kumikilos katulad ng pagkilos ng mga indibidwal. Hindi ito kumikilos tulad ng isang tao na mekanikal na ginagabayan tungo sa layunin. Dahil hindi nito mapaunlad ang kanyang kamulatan ayon sa istable, di-gumagalaw na mga prinsipyo ng ideolohiya, o ayon sa serye ng mga tapos na resipe, magiging mulat lamang ang proletaryado sa kanyang kalagayan sa tunay at praktikal na prosesong nakaugnay sa materyal na kondisyon ng kanyang pag-iral. Mahalaga na sa proseso ng kanyang pakikibaka na pandayin niya ang kanyang praktikal at teoretikal na mga sandata. Pero ang mga pakikibaka mismo ay galing sa napakataas at komplikadong proseso.

"Ang biglaang pangkalahatang pag-alsa ng proletaryado sa Enero sa ilalim ng tulak ng mga pangyayari sa St. Petersburg ay isang pampulitikang pagkilos ng rebolusyonaryong deklarasyon laban sa absolutismo. Pero ang ganitong unang direktang aksyon ay tumugon sa panloob na mas makapangyarihan kung saan sa unang pagkakataon gumising sa damdaming makauri at makauring kamulatan ng milyung-milyon parang nakuryente. At ang ganitong paggising ng makauring damdamin ay pinahayag mismo ng mga sirkumstansya kung saan ang masang proletaryo, milyun-milyon ang bilang, bigla at matalas na namalayan na hindi na talaga matiis ang panlipunan at pang-ekonomiyang kalagayan na matiyagang pinasan ng ilang dekada sa kadena ng kapitalismo. Dahil doon nagsimula ang ispontanyong pangkalahatang pagyugyog at pagkalas sa mga kadenang ito (...)

"Tanging ganap na di pag-iisip ang aasa na mawasak ang absolutismo sa isang bigwas sa pamamagitan ng ‘matagalang' pangkalahatang welga ayon sa plano ng mga anarkista. Kailangang ibagsak ng proletaryado ang absolutismo sa Rusya. Subalit para maibagsak ito, kailangan ng proletaryado ang mataas na antas ng edukasyon, ng makauring kamulatan at organisasyon. Lahat ng kondisyong ito ay hindi magampanan ng mga pampleto at polyeto, kundi sa pamamagitan lamang ng buhay na pampulitikang paaralan, sa pamamagitan ng pakikipaglaban at sa laban, sa tuloy-tuloy na proseso ng rebolusyon. Dagdag pa, hindi maibagsak ang aboslutismo anumang oras gugustuhin kung saan sapat na ‘presyur' at ‘determinasyon' lamang ang kailangan. Ang pagbagsak ng aboslutismo ay panlabas lamang na ekspresyon sa panloob na panlipunan at makauring pag-unlad ng lipunang Ruso.

"Itong tila simple at purong mekanikal na problema ay maaring maipahayag na: ang pagwasak sa absolutism ay mataas at tuloy-tuloy na proseso, at ang kanyang solusyon ay kailangan ng ganap na pagbabago sa lipunan; ang nasa tuktok ay kailangang ilagay sa pinakailalim at ang nasa pinakailalim ay kailangang nasa pinakaitaas, ang tila ‘anarkistang' kaguluhan ay kailangang mabago tungo sa panibagong kaayusan." (Rosa Luxemburg, The Mass Strike)

Ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay nangangailangan ng pagkabulok ng materyal at pang-ekonomiyang kondisyon, ang pagkalantad ng mga kontradiksyon at lagim ng kapitalismo, ang paglala ng panlipunang mga tensyon.

Subalit ang ganitong mataba na proletaryong tereyn ay kailangang hindi pabayaang nakatiwangwang. Kailangang itanim ng proletaryado ang mga binhi ng kanyang pakikibaka sa pamamagitan ng paghalaw ng sapat na mga aral mula sa nakaraang mga pagkilos para magamit ang naturang paborableng sitwasyon sa pagpalawak ng kanyang pampulitikang pang-unawa. Kailangang mapalawak ang kanyang karanasan kahit sa panahon ng paghupa ng pakikibaka. Sa naturang mga panahon, maaring pagmuni-muni ang proletaryado sa kanyang nakaraang karanasan at tasahin ang mga tagumpay at kabiguan na naranasan nito, sa gayon ay mapaghandaan ang hinaharap. Sa ganitong punto, ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay hindi agad masalamin sa takdang sitwasyon.

Hindi kontento ang proletaryado na maghintay kung kailan ang susunod na alon ng pakikibaka bago simulan ang kanyang teoretikal na gawain. Ang pag-unlad ng kanyang kamulatan, bagama't hindi ito palagian at pantay sa loob ng mayorya ng uri, ay nangangailangan ng walang tigil na teoretikal na repleksyon, pagpuna sa nakaraang karanasan. Naglalaman ito ng palagiang pagpipino ng komunistang programa, sa istorikal na interes ng proletaryado.

Paano maipatupad ng proletaryado ang palagiang repleksyon, ng aktibong pagpapalawak sa kanyang pampulitikang tagumpay?

Isang bagay ang malinaw: dahil sa salungatang sitwasyon na kinalalagayan niya, hindi maaring ibigay ng proletaryado ang tungkuling ito sa lahat ng kanyang mga membro. Sa panahon ng panlipunang katahimikan, ang malaking mayorya ng manggagawa ay pumailalim sa presyur ng burges na ideolohiya. Ang tungkulin sa pagpalawak ng pampulitikang ganansya at pagpapantay ng makauring kamulatan ay nasa pinaka-desidido, pinaka-militanteng mga elemento ng uri. Salamat sa praksyong ito, ang bahaging ito ng kanyang sarili (binigyang kahulugan mula sa pampulitikang punto-de-bista), nakolektibisa ng proletaraydo ang kanyang mga tagumpay sa pagpapataas ng kamulatan sa pamamagitan ng pagtaas sa sarili ibabaw sa kagyat na anumang mangyari at parsyal na mga karanasan. Dahil mas maagang nakamit ng praksyong ito ang pang-unawa sa mga layunin ng kilusan, nagawa ng uring manggagawa na palakasin ang tendensya na gibain ang pagkabukod at dibisyon na humati-hati at nagpahina sa kanyang pakikibaka. Sa ganitong paraan, isang makapangyarihan at mulat na uri ay maaring sumalungat sa kapitalismo at magtagumpay.

Para magampanan ng mga elelementong ito ng maayos ang kanilang mga tungkulin, kailangang mag-organisa sila sa mga rebolusyonaryong komunistang organisasyon. At mayroong silang mahalagang papel sa loob ng pakikibaka ng kanilang uri.

"Ang mga rebolusyonaryo ay yaong mga elemento sa loob ng uri na dahil sa di-pantay na proseso ay unang nakaabot sa malinaw na pang-unawa sa ‘linya ng marsta, sa mga kondisyon at ultimong pangkalahatang resulta ng proletaryong kilusan' (Communist Manifesto), at dahil sa kapitalistang lipunan ‘ang dominanteng mga ideya ay mga ideya ng nagharing uri', kinakailangang minorya ang mga rebolusyonaryo sa uring manggagawa. Bilang nagmula sa uri, isang manipestasyon ng proseso na maging mulat, iiral ang mga rebolusyonaryo bilang aktibong salik sa prosesong ito." (The Platform of the ICC. Published in English as a separate pamphlet entitled Platform and Manifesto of the International Communist Current)

Kaya, nang ang rebolusyonaryong organisasyon ay lumitaw sa loob ng uring manggagawa, lumitaw sila sa parehong batayan, at sa parehong pangangailangan na nagtulak sa proletaryado na organisahin ang sarili sa mga konseho. Ang mga rebolusyonaryo ay ispontanyo at boluntaryong produkto ng kanilang uri. Ispontanyo dahil ang kanilang pag-iral ay produkto ng pakikibaka at pinayaman ng praktikal na karanasan ng kanilang uri. Boluntaryo dahil galing sila sa istorikal na pangangailangan ng makauring pakikibaka at hindi mula sa simple, limitado, mekanikal, ekonomiko na mga salik.

"Tanging sa internasyunal na pang-unawa ng uring manggagawa, ang garantiya ng kanyang tiyak na tagumpay. Ang pangangailangang ito ang nagluwal sa International Working Men's Association. Hindi ito batang sekta o isang teorya. Ito ay ispontanyong produkto ng proletaryong kilusan, na pinalakas ang sarili ng natural, hindi mapigilang mga tendensya ng modernong lipunan (...) Ang mga aspirasyon at pangkalahatang tendensya ng uring manggagawa ay galing sa tunay na mga kondisyon na kinalalagyan nito." (Marx, ‘Letter to Paul Lafargue', 1870, amin ang pagdidiin)

Ang ispontanyo at istorikal na kilusan ng proletaryado ang tunay na bumubo ng batayan, ang tanging batayan ng pag-iral ng mga rebolusyonaryo. Hindi lumitaw ang mga rebolusyonaryo para bigyang kasiyahan ang kanilang sariling kagustuhan sa pamamagitan ng paghahanap ng makyabilyan na mga layunin o pangarap na diktadura. Lumitaw sila dahil ang unitaryong organisasyon ay hindi makagampan, na sila lang, sa komplikadong pangangailangan ng mulat-sa-sarili na organisasyon ng mayorya ng mga manggagawa. Lumitaw din ang mga rebolusyonaryo dahil hanggang sa panahon na ma-realisa ng uring manggagawa ang kanyang ultimong rebolusyonaryong layunin, manatili pa rin ito sa kapitalisatng lipunan at patuloy na magdusa mula sa kanyang mga kontradiksyon at pang-aalipusta, sa kanyang masamang kapaligiran at mapanuksong mga kasinungalingan. Hindi mapalaya ng proletaryado ang sarili mula sa namanang ilang libong taon na pang-aalipin at kadiliman sa isang araw lang. Kung kaya, hangga't hindi pa iiral ang komunistang lipunan, ang proseso kung saan mapaunlad ng proletaryado ang kanyang kamulatan ay manatiling di-pantay na penomenon, bagamat may tunguhing mas mapalawak at mas uunlad pa.

Paano maintindihan ang pagpalawak ng makauring kamulatan kung ang buong uri ay kolektibong ‘di na matandaan' ang teoretikal at pampulitikang mga tagumpay ng kamulatang nakuha sa pakikibaka matapos ang bawat welga, matapos ang bawat parsyal na kabiguan o tagumpay sa kanyang pakikibaka? Paano magiging pantay ang makauring kamulatan kung ang proletaryado, matapos ang bawat laban, ay kailangang muling daanan ang istorikal na daan na gagabay mula sa mga pakikibaka ng mga manghahabi sa Lyon, tapos ang mga pakikibaka ng manggagawang Ruso sa 1917, hanggang sa mga pakikibaka ng mga manggagawa sa 1982? Saan nito kukunin ang mga pampulitikang aral ng kanyang mga pakikibaka? Ang mga aral bang ito ay makikita sa mga alapaap o sa kolektibong di-mulat?

Hindi! Kung umiiral ang mga aral na ito (at bumubuo sila sa isa sa mga garantiya para magtagumpay ang rebolusyon), kailangang iiral sila sa materyal na pormang tao. Ang komunistang kamulatan ay hindi mistikal na kilusan, kundi mataas na kongkreto at pantaong katotohanan. At ang komunisatng kamulatan at pagkilos ay hindi maunawaan kung walang komunistang programa at rebolusyonaryong organisasyon. Ang pangangailangang ito ay pinataw ng kalikasan mismo ng komunismo at proletaryong kamulatan. Kung ilunsad nito ang komunistang rebolusyon at baguhin ang lipunan, hindi ito magawa ng proletaryado na walang kalitatibong pag-unlad sa paraan ng kanyang pag-unawa sa kanyang istorikal na mga interes.


Source URL:https://fil.internationalism.org/icconline/200805/70/komunistang-mga-organisasyon-makauring-kamulatan

Links
[1] https://fil.internationalism.org/tag/3/6/organisasyon