Una sa lahat, nagpapasalamat kami kay JK sa kanyang 
prangka at praternal na komentaryo sa paninindigan ng grupong 
Internasyonalismo sa Pilipinas. Ang diskusyon at debate ay kailangan 
para sa teoritikal na klaripikasyon ng lahat ng mga elementong seryoso 
para mabago ang bulok na kasalukuyang kapitalistang sistema. At ang 
pinakamahalagang porma ng diskusyon at talakayan ay harapan sa isang 
praternal na pulong.
Sa aming pagkaunawa tatlong mahalagang magkaugnay na
usapin ang pinahayag ni JK sa kanyang komentaryo: