Britanya

Welga sa mga planta ng langis at istasyon ng elektrisidad: simula ng pagtutol ng mga manggagawa sa nasyunalismo

Ang serye ng mga di-opisyal na mga welgang sinindihan ng pakikibaka ng mga manggagawa sa konstruksyon at pagkukumpuni sa planta ng Lindsey ang isa sa pinaka-importanteng pakikibaka ng manggagawa sa Britanya sa nagdaang 20 taon.

Libu-libong mga manggagawa sa konstruksyon sa ibang planta ng langis at istasyon ng elektrisidad ang lumabas sa kani-kanilang trabaho bilang pakikiisa. Regular na iniorganisa at idinaos ang mga pulong-masa. Sumama sa mga piket sa iba't-ibang mga istasyon at planta ang mga manggagawa sa konstruksyon, bakal, daungan na nawalan ng trabaho pati ang iba pang manggagawa. Hindi nabahala ang mga manggagawa sa ilegal na katangian ng kanilang pagkilos bilang ekspresyon ng kanilang pakikiisa sa nagwelgang mga kasamahan, ng kanilang galit sa tumataas na bilang ng walang trabaho at sa kawalan ng solusyon ng gobyerno dito. Nang sumama sa pakikibaka ang 200 Polish na manggagawa sa konstruksyon, umabot ito sa kanyang rurok ng direktang kwestyunin ang nasyunalismo na bumabalot sa kilusan sa umpisa.

Subscribe to RSS - Britanya