Submitted by ICConline on
a. Makauring kamulatan at organisasyon
Anumang uri na lumalaban sa umiiral na panlipunang kaayusan ay epektibong makagawa nito kung bibigyan nito ng organisado at mulat na porma ang kanyang pakikibaka. Anuman ang pagkakamali at pagkabukod ng mga porma ng organisasyon at ng kanilang kamulatan, ito nga ang nangyari sa mga uring tulad ng alipin o ng magsasaka na hindi nagdadala sa loob ng hanay nila ng bagong panlipunang kaayusan. Pero ang mga pangangailangang ito ay mas pumapatungkol sa istorikal na mga uri na nagdadala ng bagong mga relasyon na kailangan para sa ebolusyon ng lipunan. Ang proletayado ay, kabilang sa mga uring ito, ang tanging uri na walang pang-ekonomiyang kapangyarihan sa loob ng lumang lipunan. Dahil dito ang kanyang organisasyon at kamulatan ay mas lalupang mapagpasyang mga salik sa kanyang pakikibaka.
Ang porma ng organisasyon na binuo ng uri para sa kanyang rebolusyonaryong pakikibaka at para sa paghawak ng pampulitikang kapangyarihan ay ang mga konseho ng mangagawa. Subalit habang ang buong uri ang paksa ng rebolusyon at muling ini-organisa sa mga organisasyong ito sa naturang panahon, hindi ito nagkahulugan na ang proseso para maging mulat ang uri ay sabay-sabay o magkatulad. Umuunlad ang makauring kamulatan sa liku-likong daan sa pamamagitan ng pakikibaka ng uri, sa kanyang mga tagumpay at kabiguan. Dapat harapin niya ang pagkahati-hating seksyonal o pambansa na siyang ‘kalikasan' ng kapitalistang lipunan at kung saan nasa interes ng kapital ang pagpapanatili nito sa loob ng uri.
b. Ang papel ng mga rebolusyonaryo
Ang mga rebolusyonaryo ay mga elemento sa loob ng uri na dahil sa magkaiba-ibang proseso ay unang malinaw na nakaintindi sa "linya ng martsa, mga kondisyon at ultimong pangkalahatang mga resulta sa proletaryong kilusan" (Manipesto ng Komunista), at dahil sa kapitalistang lipunan "ang dominanteng mga ideya ay mga ideya ng naghaharing uri", kinakailangang minorya ang mga rebolusyonaryo sa uring manggagawa.
Nagmula sa uri, manipestasyon ng proseso kung saan nagiging mulat ito, iiral lamang ang mga rebolusyonaryo kung maging aktibong salik sila sa prosesong ito. Para magampanan ang tungkuling ito sa permanenteng paraan, ang rebolusyonaryong organisasyon ay:
- Lumahok sa lahat ng pakikibaka ng uri kung saan ang mga myembro nito ay maipakilala ang sarili bilang pinaka-determinado at mapanlabang mga mandirigma;
- Lumahok sa mga pakikibakang ito na bibigyang diin ang pangkalahatang mga interes ng uri at ang ultimong mga layunin ng kilusan;
- Bilang integral na bahagi ng paglahok na ito, palaging ilaan ang sarili sa gawaing teoritikal na klaripikasyon at repleksyon dahil ito lamang paraan para ang kanyang panglahatang aktibidad ay makabatay sa buong nakaraang karanasan ng uri at sa darating na perspektibang nagkahugis mula sa gawaing teoritikal.
c. Ang relasyon sa pagitan ng uri at organisasyon ng mga rebolusyonaryo
Kung ang pangkalahatang organisasyon ng uri at ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay bahagi ng parehong kilusan, sa kabilang banda ay magkaiba sila.
Ang una, ang mga konseho, nag-organisa sa buong uri. Ang tanging rekisito na maging myembro ay ang pagiging manggagawa. Ang ikalawa, sa kabilang banda, nag-oorganisa lamang sa rebolusyonaryong mga elemento ng uri. Ang kriterya para maging myembro ay hindi ang sosyolohikal, kundi pulitikal: pagsang-ayon sa programa at komitment para ipagtanggol ito. Dahil dito ang taliba ng uri ay pwedeng mga indibidwal na hindi sosyolohikal na kabilang sa uring manggagawa kundi, iniwam ang uring pinagmulan niya, nakiisa sila sa istorikong makauring mga interes ng proletaryado.
Ganun pa man, kahit ang uri at ang organisasyon ng kanyang taliba ay dalawang magkaibang bagay, hindi sila magkahiwalay, eksternal o magkatunggali sa isa't-isa gaya ng sinasabi ng ‘Leninistang' mga tendensya sa isang banda at ng workerist-councilist na mga tendensya sa kabilang banda. Itinanggi ng dalawang pananaw na ito ang katotohanan na, sa halip na magkatunggali sa bawat isa, ang dalawang elementong ito - ang uri at mga rebolusyonaryo - ay nagtutulungan sa isa't-isa bilang kabuuan at bahagi ng kabuuan. Sa pagitan ng dalawa, walang umiiral na relasyon ng pwersa dahil ang mga komunista ay "walang mga interes na hiwalay at bukod mula sa proletaryado bilang kabuuan" (Manipesto ng Komunista).
Bilang bahagi ng uri, ang mga rebolusyonaryo ay hindi maaring hahalili sa uri, ma sa kanyang mga pakikibaka sa loob ng kapitalismo o, laluna, sa pagpabagsak ng kapitalismo at paghawak ng pampulitikang kapangyarihan. Hindi tulad ng ibang istorikal na mga uri, ang kamulatan ng minorya, gaano man ito kamulat, ay hindi sapat para magampanan ang mga tungkulin ng proletaryado. Ito ay mga tungkuling kailangan ng palagiang partisipasyon at mapanlikhang aktibidad ng uri sa lahat ng panahon.
Malawakang kamulatan ang tanging garantiya sa tagumpay ng proletaryong rebolusyon at, dahil ito ay esensyal na bunga ng praktikal na karanasan, hindi mapapalitan ang aktibidad ng buong uri. Sa partikular, ang kinakailangang paggamit ng karahasan ng uri ay hindi mahiwalay sa pangkalahatang pagkilos ng uri. Ito ang dahilan kung bakit ang terorismo ng mga indibidwal o hiwalay na mga grupo ay absolutong dayuhan sa mga paraan ng uri at pinakamagaling na kumakatawan na manipestasyon ng desperasyong peti-burges kundiman mapang-uyam na paraan ng labanan sa pagitan ng burges na mga paksyon. Kung lilitaw ito sa loob ng pakikibaka ng proletaryado, ito ay palatandaan ng mga impluwensyang eksternal sa pakikibaka, at makapagpahina lamang sa batayang pag-unlad ng kamulatan.
Ang pag-oorganisa sa sarili sa pakikibaka ng manggagawa at ang paggamit ng kapangyarihan ng uri mismo ay hindi isa sa mga daan patungong komunismo na maaring pag-isipan kumpara sa iba pa: ito lamang ang tanging daan.
Ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo (na ang pinaka-abanteng porma ay ang partido) ay kinakailangang organo kung saan armasan ng uri ang sarili para maging mulat sa kanyang istorikal na kinabukasan at bigyan ng pampulitikang oryentasyon ng kanyang pakikibaka para sa hinaharap. Sa katwirang ito ang pag-iral at aktibidad ng partido ay esensyal na kondisyon para sa ultimong tagumpay ng proletaryado.
d. Ang awtonomiya ng uring manggagawa
Subalit, ang konsepto ng ‘awtonomiya ng uri' na ginamit ng workerist at anarkista na mga tendensya, at isinulong nila bilang pagtutol sa substitutionist conceptions, ay ganap na may kahulugang rekasyunaryo at peti-burges. Maliban sa katotohanan na ang ‘awtonomiyang' ito ay kadalasan ay nahuhulog sa kanilang sariling ‘awtonomiya' bilang maliit na sekta na diumano kumakatawan sa uring manggagawa katulad ng sinasabi ng substitutionist tendencies na mahigpit nilang tinuligsa, ang kanilang pananaw ay may dalawang pangunahing aspeto:
- Pagtakwil ng anumang pampulitikang mga partido at organisasyon ng mga manggagawa;
- Ang awtonomiya ng bawat praksyon ng uring manggagawa (mga pabrika, komunidad, rehiyon, bansa, at iba pa) kaugnay sa iba pa: pederalismo.
Ngayon ang naturang mga ideya ay sa pinakamainam na pananaw, simpleng reaksyon laban sa Stalinistang burukrasya at sa pag-unland ng totalitaryanismo ng estado, at sa pinakamalala, ay pampulitikang ekspresyon ng pagkabukod at pagkahati na tipikal sa peti-burgesya. Pero ang dalawa ay ganap na nagpahayag sa hindi paniniwala sa tatlong pundamental na aspeto ng rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado:
- Ang kahalagahan at prayoridad ng pampulitikang mga tungkulin ng uri (pagwasak sa kapitalistang estado, pandaigdigang diktadura ng proletayado);
- Ang kahalagahan at esensyal na katangian ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo sa loob ng uri;
- Ang nagkakaisa, sentralisado at pandaigdigang katangian ng rebolusyonaryong pakikibaka ng uri.
Para sa atin, bilang mga marxista, ang awtonomiya ng uri ay nagkahulugan ng independensya mula sa lahat ng uri sa lipunan. Ang awtonomiyang ito ang NAPAKAHALAGANG REKISITO para sa rebolusyonaryong aktibidad ng uri dahil ang proletaryado ngayon ang tanging rebolusyonaryong uri. Ang awtonomiyang ito ay makikita mismo sa kapwa organisasyunal na antas (ang organisasyon ng mga konseho), at sa pampulitikang antas at sa ganung katwiran, taliwas sa igigiit ng workerist tendencies, mahigpit na nakaugnay sa komunistang taliba ng proletaryado.
e. Ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo sa iba't-ibang yugto ng makauring pakikibaka
Bagama't ang pangkalhatang organisasyon ng uri at organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay dalawang magkaibang bagay kung tungkulin ang pag-uusapan, magkaiba din ang mga sirkumstansya ng kanilang paglitaw. Ang mga konseho ay lilitaw lamang sa mga yugto ng rebolusyonaryong komprontasyon kung saan ang lahat ng mga pakikibaka ng uri ay tutungo sa pag-agaw ng kapangyarihan. Subalit ang pagsisikap ng uring manggagawa na paunlarin ang kanyang kamulatan ay umiiral sa lahat ng panahon mula sa kanyang pagsilang at iiral hanggang sa kanyang paglaho sa komunistang lipunan. Kaya umiiral ang komunistang minorya sa bawat yugto bilang ekspresyon sa palagiang pagsisikap na ito. Pero ang lawak, ang impluwensya, ang tipo ng aktibidad, ang moda ng organisasyon ng minoryang ito ay mahigpit na nakaugnay sa kalagayan ng makauring tunggalian.
Sa mga panahon ng maigting na pakikibaka, ang minoryang ito ay may direktang impluwensya sa praktikal na direksyon ng mga pangyayari. Maaring sabihing partido ang diskripsyon ng organisasyon ng komunistang taliba. Sa kabilang banda, sa mga panahon ng kabiguan at pag-atras ng makauring pakikibaka, walang direktang impluwensya ang mga rebolusyonaryo sa kagyat na takbo ng mga pangyayari.
Lahat ng iiral sa mga panahong iyon ay mga maliliit na organisasyon na ang tungkulin ay hindi impluwensyahan ang kagyat na kilusan, kundi tutulan ito, nagkahulugan na makibaka laban sa agos habang ang uri ay dinis-armahan at pinakilos ng burgesya (sa pamamagitan ng makauring kolaborasyon, ‘Sacred Union', ‘the Resistance', ‘anti-pasismo', at iba pa). Ang esensyal na tungkulin nila ay halawin ang mga aral sa nakaraang karanasan at ihanda ang teoritikal at programatikong balangkas para sa itatayong proletaryong partido na kailangang lilitaw sa susunod na pagsulong ng uri. Ang mga grupo at praksyong ito na, sa panahong humihina ang makauring pakikibaka, na humiwalay mula sa humihinang partido o nakaligtas sa kanyang pagkawasak, ay may tungkuling bumuo ng pulitikal at organisasyunal na tulay hanggang muling mabuo ang partido.
f. Ang istruktura ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo
Ang kinakailangang pandaigdigan at sentralisadong katangian ng proletaryong rebolusyon nagkaloob ng parehong pandaigdigan at sentralisadong katangian ng partido ng uring manggagawa, at ang mga praksyon at grupong naglatag ng batayan sa partido na kinakailngang tutungo sa pandaigdigang sentralisasyon. Makongkreto ito sa pag-iral ng mga sentral na organo na may pulitikal na mga responsibilidad sa pagitan ng bawat kongreso ng organisasyon, kung saan sila ay may pananagutan.
Ang istruktura ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay kailangang hawakan ang pundamental na pangangailangan:
- Kailangang pahintulutan nitong lubusang mapaunlad ang rebolusyonaryong kamulatan sa loob mismo nito at mapayagan ang pinakaka-malawak at pinaka-mapanuring diskusyon sa lahat ng usapin at hindi pagkakasundo na lilitaw sa isang di-monolitiko na organisasyon;
- Siguraduhin din nito ang pagkakaisa ng pagkilos; sa partikular nagkahulugan ito na ang lahat ng bahagi ng organisasyon ay ipatupad ang mga desisyon ng mayorya.
Ganun din sa mga relasyon sa pagitan ng iba't-ibang bahagi ng organisasyon at ang ugnayan ng mga militante na kinakailangang nagdadala ng pilat ng kapitalistang lipunan at kaya hindi maaring magbuo ng isla ng komunistang mga relasyon sa loob ng kapitalismo. Sa kabilang banda, hindi maaring may hayagang kontradiksyon sa layuning nais makamit ng mga rebolusyonaryo, at kailangang nakabatay sila sa pagkakabuklod at mutwal na pagtitiwala na palatandaang kabilang sa isang organisasyon ng uri na nagdadala ng komunismo.