Pandaigdigang krisis ng ekonomiya: hindi nakalutang ang BRICs

Printer-friendly version

Natapos ang "post war boom" sa kataposan ng 1967; ang maikling yugto ng relatibong pang-ekonomiyang kasaganaan ay sumibol matapos ang malagim na Unang Digmaang Pandaigdig, Bantog na Depresyon at Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Ang multo ng pang-ekonomiyang krisis ay muling lumitaw sa taong yun. Sa panahon ng unang kalahati ng taon, nahulog ang Uropa sa resesyon, sa ikalawang hati nagkaroon ng krisis sa intenasyunal na sistemang pinansyal. Mula noon, kawalan ng trabaho, kawalan ng seguridad, paglala ng kabuhayan at kondisyon sa pagawaan ang araw-araw ng naranasan ng mga pinagsamantalahan. Bilang madaliang pagbalik-tanaw sa mga mayor na pangyayari sa 20 siglo, isa sa mapanira at barbarikong kasaysayan ng sangkatauhan, sapat na para maunawaan na ang kapitalismo ay, tulad ng alipin o pyudalismo, lipas na at dekadente ng sistema.

Pero itong istorikong krisis ng kapitalismo ay sa isang banda pinalabo, inilibing sa ilalim ng propaganda at kasinungalingan. Sa bawat dekada, pareho pa rin ang lumang tono: isang bansa, isang bahagi ng mundo o isang pang-ekonomiyang sektor na may konting pag-unlad kaysa sa iba, ay pinalaki para makalikha ng maling impresyon na hindi nakakamatay ang krisis, na sapat na ang pagpatupad ng epektibong mga “repormang istruktural” sa kapitalismo para manumbalik at lumago at maging sagana. Sa 1980-1990, tinagurian ang Argentina at ang "Asian Tigers" bilang modelo ng tagumpay, pero simula 2000 ang Ireland at Spain ... Syempre kabaliktaran, ang mga “milagro” ay ilusyon lang pala: sa 1997 ang "Asian Tigers" ay napatunayang tigreng papel, sa huling bahagi ng 1990s, dineklarang bangkarota ang Argentina at ngayon Ireland at Spain ay nasa bingit ng pagkabangkarota ... Sa bawat okasyon, ang "nakakagimbal na paglago" ay pinondohan ng utang at ang maling pag-asa ay nauwi sa pagkalubog sa utang. Pero, dahil sa mababaw na memorya ng karamihan sa atin, ang parehong mga manlilinlang ay bumalik na naman. Para paniwalaan sila, ang sakit ng Uropa ay dahil sa ispisipikong mga dahilan na kagagawan mismo nito: kahirapan sa pagpapatupad ng mga reporma at ibahagi ang bigat ng utang sa pagitan ng kanyang mga membro; kakulangan ng pagkakaisa at pakikiisa sa pagitan ng mga bansa; isang bangko sentral na hindi maisulong ang ekonomiya dahil wala itong determinasyon na mag-imprinta ng pera. Pero hindi sinuring mabuti ang mga argumentong ito. May krisis sa Uropa dahil sa kakulangan ng reporma at kompetisyon at dapat matuto tayo sa Asya? Kalokohan, ang mga bansang ito ay nagkaproblema din. Hindi sapat ang rekoberi sa ilalim ng Bangko Sentral ng Uropa at ang sagot dahil hindi sapat ang na-imprintang pera? Kalokohan: ang Estados Unidos at ang kanyang bangko sentral ay nangunguna sa paglikha ng pera mula 2007, pero nasa hirap na kalagayan pa rin sila.

Bantog na Tuklas: hindi nakalutang ang BRICs

Ang "BRICs" ay ang apat na bansa na may pinakamatagumpay na ekonomiya sa nagdaang mga taon: Brazil, Russia, India at China. Subalit tulad ng Eldorado, ang magandang kalusugan ay mas mistipikasyon kaysa realidad.  Lahat ng “paglago” ay pinondohan sa kalakhan ng utang at magtatapos, tulad ng kanilang mga nasundan, ng pagkalubog sa malagim na resesyon. Dagdag pa, ang maitim na hangin ay nasa atin na ngayon.

Sa Brazil, sumabog ang utang ng mga konsumador sa nagdaang dekada. Pero tulad sa Estados Unidos noong 2000s, maraming mga pamilya ang nahirapan ng bayaran ang kanilang utang. Ang lawak ng mga konsumador na hindi makabayad ng utang ay walang katumbas sa nakaraan. Malala pa, ang bola ng pabahay ay kahalintulad ng naranasan ng Spain bago ito sumabog: karamihan sa mga naitayong bahay ay bakante.

Sa Rusya, hindi na makontrol ang inplasyon: ayon sa gobyerno ito ay nasa 6%, pero ayon naman sa mga independyenteng tagasuri ito ay nasa 7.5%. At ang presyo ng prutas at gulay ay sumirit sa Hunyo at Hulyo ng halos 40%!

Sa India, nasa delikadong antas na ang pagtaas ng depisit sa badyet (tinatayang 5.8% ito ng GDP para sa 2012); nasa resesyon ang sektor ng industriya (- 0.3% sa unang kwarto ng taong kasalukuyan), mabilis ang pagbagal ng pagkonsumo, malakas ang inplasyon (7.2% sa Abril, noong Oktubre tumaas ang presyo ng pagkain ng halos 10%). Ang mundo ng pinansya ay kinikilala ngayon ang India na bansang peligroso sa pamumuhunan: ito ay nasa kategoriyang tripleng B (ang pinakamababang kategoriya sa "below average quality" na kategoriya). Nagbabanta na sa hinaharap mapabilang ito sa mga bansang kinikilalang masama sa pamumuhunan.

Patuloy na bumabagal ang ekonomiya ng Tsina at mayroong lumalaking delikadong mga senyales. Kumipot ang manupaktura nitong Hunyo sa loob ng sunod-sunod na walong buwan. Bumagsak ang presyo ng paupahang bahay at humina ang mga sektor na may kaugnayan sa konstruksyon. Isang malinaw na halimbawa: sa syudad ng Beijing lamang, mayroong 50% bakanteng kabahayan – mas malaki pa sa buong U.S. (3.8 million bahay ay bakante sa Beijing kumpara sa 2.5 milyon sa buong Amerika). Pero ang pinaka-nakakahala na walang anumang duda ay ang badyet ng estado sa mga probinsya. Kung hindi man opisyal na bumagsak ang estado dahil sa utang, ito ay sa dahilang ang bigat ng utang ay nasa lokal na antas. Marami sa mga probinsya ay nasa bingit ng pagka-bangkarota. Alam ito ng mga mamumuhunan na mahina ang ekonomiya ng BRICs, kaya iniiwasan nila ang apat na mga bansang ito – ang real, ang ruble, ang rupee at ang yuan – tulad ng isang epidemiya; patuloy silang lumalala sa nagdaang mga buwan.

Sa U.S., ang bomba ng utang

Ang syudad ng Stockton, California ay nagdeklara ng pagkalugi Martes, Hunyo 26 tulad ng naunang Jefferson County, Alabama at Harrisburg sa Pennsylvania. Sa kabila na sa loob ng tatlong taon, ang 300,000 populasyon ng syudad ay ininda ang bawat “sakripisyong kailangan para sa rekoberi": pagtagpas sa badyet ng $90 milyon, 30% ng mga bombero ay tinaggal kasama ang 40% na iba pang mga empleyado ng munisipyo, pagbawas ng $11.2 milyon sa sahod ng mga empleyado ng munisipyo, malaking bawas sa pondo ng pensyon ng mga reterado.

Itong kongkretong ehemplo ay nagpakita sa tunay na kalagayan ng nabubulok na ekonomiya ng U.S. Mga pamilya, negosyo, bangko, syudad, estado at ang pederal na gobyerno, bawat sektor ay literal na nalibing sa utang na hindi na mabayaran. Sa kontekstong ito, ang hinaharap ng negosasyon sa pagitan ng Republicans at Democrats sa panahon na pag-usapan na ang debt ceiling ngayong taglagas ay malamang maging psychodrama na naman tulad sa nangyari noong tag-init. Masasabi namin na naharap ang burgesyang Amerikano sa walang solusyon na problema: kailangan niya ng mas malaking utang para manumbalik ang ekonomiya habang kailangan niyang bawasan ang utang para maiwasan ang pagka-bangkarota.

Ang bawat bahagi ng ekonomiya na may utang ay potensyal na bomba: dito isang bangko ang nagsara dahil lugi, doon isang syudad o kompanya ang halos bangkarota na ... at kung sasabog ang bomba, antabayanan ang maging epekto. Ngayon ang "bolang utang ng mga estudyante" ay problema ng mundo ng pinansya. Ang gastos sa pag-aaral ay lalupang tumaas at ang mga kabataan ay mas nahirapang maghanap ng trabaho matapos makapag-aral. Sa ibang salita, lumalaki ang posibilidad na ang utang ng mga estudyante ay hindi mabayaran. Para mas ispisipiko:

- pagka-gradweyt sa unibersidad, ang mga estudyanteng Amerikano ay may utang na 25,000 dolyares;

- ang kanilang utang ay lumagpas sa kabuuang utang ng mga konsumador sa bansa at ito ay $904 bilyon (halos nadoble sa nagdaang limang taon) at katumbas ng 6% ng GDP;

- ang tantos ng kawalang trabaho sa mga mababa sa 25 taon ang edad ay mahigit 9%;

- 14% sa mga nakapagtapos na estudyante na may utang ay hindi na makabayad tatlong taon matapos naka-gradweyt sa unibersidad.

Napakahalaga ng ehemplong ito para makita kung ano ang nangyari sa kapitalismo: isang sakiting sistema na walang kinabukasan. Ang kabataan ngayon ay kailangang mabuhay sa utang at “gastusin” ang kanilang sahod sa hinaharap … na hindi nila makikita. Hindi aksidente na sa Balkans, sa Ingglatera at sa Quebec, ang bagong henerasyon ay naglunsad ng mga malakihang demonstrasyon sa nagdaang dalawang taon laban sa pagataas ng gastusin sa pag-aaral sa unibersidad: nalunod sa utang sa loob ng 20 taon at naharap sa posibilidad ng kawalang trabaho at mababang sahod sa susunod na mga taon, ito ang perpektong simbolo ng “walang kinabukasan” na maibigay ang kapitalismo.

Ang Estados Unidos, tulad sa Uropa, tulad ng bawat bansa ng mundo, ay may sakit; at walang tunay at matagalang kaginhawaan sa ilalim ng kapitalismo dahil ang sistemang ito ng pagsasamantala ang siya mismong pinagmulan ng inpeksyon. Matapos mabasa ang artikulong ito, may magpapatuloy pa ba na umasa at maniwala na posible ang “milagro sa ekonomiya”? Kung isa ka sa mga taong ito ... paalala lang na ang badyet ng Vatican ay nasa peligro na.

Pawel, 6/7/12

Rubric: 

BRICs