Bakit napakahirap makibaka, at paano natin mapangibabawan ang kahirapang ito?

Printer-friendly version

Sa unang tingin, tila lahat paborable para sa pagsabog ng galit ng uring manggagawa. Malinaw na may krisis at walang makaligtas dito. Maliit na bahagi lamang ng populasyon ang naniwalang matatapos ito sa kabila ng araw-araw na panggigiit sa kabaliktaran. Ang buong planeta ay tila nasa napakahirap na sitwasyon: mga digmaan, barbarismo, gutom, epidemiya, pagkasira ng kalikasan at kalusugan sa ngalan ng tubo.

Sa lahat ng ito na nasa ating harapan, mahirap isipin na hindi natin maramdaman ang galit ang pag-alsa. Mahirap isipin na maniwala pa rin sa magandang bukas sa ilalim ng kapitalismo. Pero hindi pa rin ganap na tinahak ng masa ang landas ng pakikibaka. Masasabi ba natin na tapos na ang laban, na napakalakas ng krisis, na hindi na talaga mapangibabawan ang demoralisasyon na dulot nito?

Mga mayor na kahirapan

Hindi maipagkaila na ang uring manggagawa ngayon ay nakaranas ng mga mayor na kahirapan. Mayroong apat na dahilan nito.

Ang una, at pinaka-krusyal, ay ang proletaryado ay hindi mulat sa kanyang sarili, na nawala ang kanyang ‘makauring identidad’. Matapos bumagsak ang Berlin Wall, nakitaan ang 1990s ng malawakang kampanyang propaganda na kumbinsihin tayo na nasaksihan natin ang istorikong kabiguan ng komunismo. Ang pinakamaingay – at pinaka-istupidong –mga komentarista ay nag-anunsyo pa na ‘ang kataposan ng kasaysayan’, at ang ganap na tagumpay ng kapayapaan at demokrasya. Sa pamamagitan ng paghalo ng komunismo at ang nabulok na Stalinistang barbarismo, inunahan na ng naghaharing uri na siraan ang anumang perspektiba na naglalayong ibagsak ang kapitalistang sistema. Hindi pa nakontento na burahin ang anumang posibilidad ng rebolusyonaryong pagbabago, inilarawan nito ang anumang klase ng pakikibaka ng uring manggagawa na isang ‘memoryang kultural’, tulad ng dinosaur fossils o cave-paintings sa Lascaux.

Higit sa lahat, paulit-ulit na giniit ng burgesya na ang uring manggagawa sa kanyang klasikal na porma ay naglaho na mula sa panlipunan at pampulitikang entablado[1]. Ang mga sosyolohista, manunulat, politiko at mayayabang na pilosopo ay naghasik ng ideya na naglaho na ang mga uri sa lipunan, naglaho sa walang anyong magma ng ‘panggitnang pwersa’. Laging nangarap ang burgesya ng isang lipunan kung saan ang proletaryado ay titingnan ang sarili bilang ‘mamamayan’, nahati sa mga serye ng mga sosyo-propesyunal na kategoriya – white collar, blue collar, may trabaho, kontraktwal, walang trabaho, etc – lahat ay pinaghiwalay sa iba’t-ibang interes na mailabas lamang ang pampulitikang kahilingan sa pamamagitan ng pagboto sa halalan. At totoo na ang ingay hinggil sa paglaho ng uring manggagawa, na walang humpay na itinambol mula sa mga libro, pahayagan, TV at internet, ay nagsilbi upang pigilan ang maraming manggagawa na makita ang sarili na kabilang sa uring manggagawa, laluna bilang isang independyenteng panlipunang pwersa.  

Ikalawa, ang pagkawala ng makauring identidad ay lalong nagpapahirap sa proletaryado na pagtibayin ang kanyang sariling pakikibaka at ang kanyang istorikal na perspektiba. Sa konteksto na ang burgesya mismo ay walang perspektiba na maibigay maliban sa paghihigpit-sinturon, bawat tao para sa kanyang sarili at pag-aagawan na makaligtas, sinamantala ng naghaharing uri ang kakulangan ng makauring kamulatan sa pamamagitan ng manipulasyon na magbangayan ang pinagsamantalahan sa isa’t-isa, hatiin sila at hadlangan ang anumang nagkakaisang tugon, sa pamamagitan ng pagtulak sa kanila sa kawalang pag-asa.

Ikatlong salik, bilang resulta ng naunang dalawang salik, ang brutalidad ng krisis ay pumaparalisa ng maraming manggagawa, na takot mahulog sa absolutong kahirapan, takot na hindi nila mapakain ang kanilang pamilya at manirahan na lang sa lansangan, nag-iisa at lantad sa panunupil. Kahit ang ilan sa kanila, na nasandal na sa pader, ay natulak na hayagang ipakita ang kanilang galit, tulad ng mga ‘Indignados’ sa Espanya, hindi pa rin nila nakita ang mga sarili bilang isang uri na nakibaka. Sa kabila ng relatibong malawak at malaki na katangian ng mga kilusang ito, nilimitahan nito ang kanilang kapasidad na labanan ang mga mistipikasyon at bitag na nilikha ng naghaharing uri, para matutunan ang mga karanasan ng kasaysayan, para umatras at malalim na halawin ang mga aral.

May pang-apat pa na importanteng rason na nagpaliwanag sa kasalukuyang kahirapan ng uring manggagawa para isulong ang kanyang pakikibaka laban sa sistema: ang buong arsenal ng pagkontrol ng burgesya, ito man ang hayagang panunupil, tulad ng pulisya, o ang mas mapanlinlang at mas epektibo tulad ng mga unyon.  Sa huling punto sa partikular, hindi pa rin napangibabawan ang takot na makibaka labas sa kontrol ng mga unyon, sa kabila na bumaba na ang bilang ng mga manggagawa na may malalim na ilusyon sa kapasidad ng mga unyon na ipagtanggol ang kanilang interes. At itong pisikal na kontrol ay pinalakas ng ideolohikal na kontrol kung saan bihasa ang mga unyon, media, intelektwal, maka-kaliwang partido, atbp.

Ang susi ng ‘pagkontrol sa kaisipan’ ay walang duda ang ideolohiya ng demokrasya. Bawat signipikanteng kaganapan ay sinamantala para ipagyabang ang mga benepisyo. Pinakita ang demokrasya bilang balangkas kung saan yayabong ang kalayaan, lahat ng opinyon ay maipahayag, at ang kapangyarihan ay pinalakas ng sambayanan; kung saan bawat isa may inisyatiba, may karapatan sa kaalaman at kultura. Sa realidad, tanging maibigay lamang ng demokrasya ay pambansang balangkas para palaguin ang kapangyarihan ng mga elitista, ang kapangyarihan ng burgesya. Lahat ng iba pa ay ilusyon, ang ilusyon na sa pamamagitan ng pagboto ay may kapangyarihan ka, na ang boses ng populasyon ay maipahayag sa pamamagitan ng pagboto ng kanilang mga ‘kinatawan’ sa parliyamento. Huwag nating maliitin ang bigat ng ideolohiyang ito, tulad ng pagkagimbal na bunga ng pagbagsak ng mga Stalinistang rehimen sa huling bahagi ng 80s, na nagpalakas sa impluwensya ng demokrasya.

Idagdag din natin ang impluwensya ng relihiyon sa ideolohikal na arsenal. Hindi ito bago, dahil kasama ito ng sangkatauhan mula sa kanyang unang pagtatangka na magkaroon ng halaga ang kanyang paligid sa kanya, at matagal ito ginamit para bigyang katuwiran ang lahat ng tipo ng hirarkikal na kapangyarihan. Pero ang kaibahan ngayon ay ang papel nito para ilihis ang kaisipan ng isang bahagi ng uring manggagawa na naharap sa pangangailangan na maunawaan ang kapitalistang sistema na nasa yugto ng pagbagsak, sa partikular sa pagpaliwanag ng ‘pagbulusok-pababa’ ng kasalukuyang sistema sa pamamagitan ng pagpapakita ano na ang inilayo mula sa mga tradisyon na pinaliwanag ng relihiyon libong taon na ang nakaraan, laluna ang monotiyestikong mga relihiyon. Ang lakas ng relihiyosong ideolohiya ay pinawi nito ang labis na komplikasyon ng sitwasyon. Naghapag ito ng simpleng mga sagot, madaling sundin na mga solusyon. Sa kanyang pundamentalistang porma, kinumbinsi lamang nito ang minoriya ng proletaryado, pero sa pangkalahatan kumain ito tulad ng mga parasitiko sa repleksyon ng uri.         

At napakalaking potensyal

Ang larawan na aming ipininta ay tila puno ng desperasyon: katunggali ang burgesya na alam gamitin ang kanyang mga ideolohikal na sandata, kasama ang sistema na nagbabantang itulak ang populasyon sa labis na kahirapan, kung saan hindi pa ito malalim sa loob, may puwang pa ba ng positibong pag-iisip, ng pag-asa? May panlipunang pwersa ba talaga na may kakayahan na baguhin ang lipunan? Masagot namin ang tanong na ito na walang pag-aalinlangan: oo! Isang daang beses na oo!

Hindi usapin ng bulag na tiwala sa uring manggagawa, isang semi-relihiyosong paniniwala sa mga sulatin ni Karl Marx, o desperadong pagsugal sa rebolusyon. Ito ay usapin ng pagtanaw mula sa malayo, kalmadong suriin ang sitwasyon at lagpasan ang kagyat, subukang unawain ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang mga pakikibaka ng uri at aralin ng malalim ang istorikong papel ng proletaryado.

Sa aming pahayagan nanindigan na kami na mula 2003 ang uring manggagawa ay nasa positibong pagkilos kumpara sa pag-atras na naranasan matapos bumagsak ang bloke ng silangan. Ang pagsusuring ito ay nakabatay sa maraming signipikanteng mga pakikibaka, pero lahat ng ito ay nagpakita na ang uring manggagawa ay patungo sa pagdiskubre ng kanyang istorikal na kasiglahan, tulad ng pagkakaisa, kolektibong diskusyon, o sa simple masiglang pagtugon sa kahirapan.

Nakita natin na gumagalaw sa pakikibaka ang mga elementong ito tulad ng laban sa ‘reporma’ sa pensyon sa Pransya 2003 at 2010, sa pakikibaka laban sa CPE, muli sa Pransya, sa 2006, kundi maging sa Britanya (wildcats sa Heathrow, the Lindsey refineries) kahit di masyado malawak, sa Amerika (New York subway), Espanya (steelworkers of Vigo), sa Ehipto, Dubai, China, etc. ang Indignados at kilusang Occupy sa partikular ay sumasalamin sa mas pangkalahatan at ambisyoso kaysa mga pakikibaka sa pabrika. Ano ang nakita natin sa kilusang Indignados? Mga manggagawa mula sa iba’t-ibang lugar, walang trabaho, part-time, full-time, nagtipon para sa kolektibong karanasan at para mas maunawaan kung ano ang nakataya sa kasalukuyang yugto. Nakita natin ang mga tao na muling nanumbalik ang kasiglahan dahil sa malayang talakayan sa isa’t-isa. Nakita natin ang mga tao na nag-uusap ng alternatibong mga karanasan at kinikilala ang kanilang mga tagumpay at limitasyon. Nakita natin ang mga tao na tumangging maging biktima ng krisis na hindi sila ang dahilan at tumangging sila ang magdusa. Nakita natin ang mga tao na nagtipon sa ispontanyong mga asembliya, lumikha ng mga porma bilang ekspresyon pabor sa repleksyon at tagisan ng mga ideya, at nilimitahan ang mga nagnanais na guluhin o i-sabotahe ang debate. Sa huli at higit sa lahat, ang kilusang Indignados ay nagluwal ng internasyunalistang sentimyento, isang pag-unawa na kahit saan sa mundo naharap tayo sa parehong krisis at ang ating pakikibaka ay walang pambansang hangganan.

Klaro na hindi natin narinig ang lantarang pag-uusap hinggil sa komunismo, proletaryong rebolusyon, uring manggagawa at burgesya, digmaang sibil, etc. Pero ang pinakita ng mga kilusang ito ay higit sa lahat ay ang nakakamanghang pagkamalikhain ng uring manggagawa, ang kanyang kapasidad na organisahin ang sarili, na nagmula sa kanyang kalikasan bilang independyentent panlipunang pwersa. Ang mulat na muling pag-angkin ng mga katangiang ito ay malayo pa at liku-liko ang daan, pero hindi maipagkaila na gumagalaw na ito. Hindi maiwasan na dadaan ito sa proseso ng decantation, paghina, parsyal na demoralisasyon. Pero sisindihan nito ang kaisipan ng mga minoriya na nasa unahan ng pakikibaka ng uring manggagawa sa pandaigdigang saklaw, at kung saan ang pag-unlad ay nakikita at nasusukat sa nagdaang ilang taon.       

Panghuli, sa kabila na napakarami ang mga kahirapang naranasan ng uring manggagawa, wala sa sitwasyon ang papayag sa kongklusyon na tapos na ang laban, na wala ng lakas ang uring manggagawa para sa malawakan at tungo sa rebolusyonaryong pakikibaka. Kabaliktaran, dumarami ang buhay na ekspresyon, at sa pag-aaral kung ano talaga sila, hindi sa panlabas na ang makikita lamang ay ang pagiging mabuway, kundi sa ilalim, kaya ang potensyalidad, ang kinabukasan na masisilip ay mapanghawakan. Sa kabila ng kanilang ispontanyo, kalat-kalat, minoriyang katangian, hindi natin kalimutan na ang pangunahing mga katangian ng isang rebolusyonaryo ay pasensya at tiwala sa uring manggagawa[2]. Ang pasensyang ito at tiwala ay nakabatay sa unawa kung ano ang uring manggagawa, sa istorikal: ang unang uri na pareho pinagsamantlahan at rebolusyonaryo, at may misyon na palayain ang buong sangkatauhan mula sa kadena ng pagsasamntala. Ito ay materyalista, istorikal, pangmatagalang bisyon. Dahil sa bisyong ito nagawa naming sumulat, sa 2003 kung saan sinuma namin para sa ika-15 na internasyunal na kongreso:

“Tulad ng sabi nila Marx at Engels, ‘hindi ito usapin kung ano ang isang proletaryado, o kahit ang proletaryado sa kabuuan sa kasalukuyan, kundi ang pagkilala kung ano ang proletaryado at kung ano ang kanyang istorikal na misyon, batay sa kanyang kakanyahan’. Ang ganitong pananaw ay nagpakita na, naharap sa mga hambalos ng kapitalistang krisis, na magluwal ng mas mabangis na mga atake sa uring manggagawa, ang huli ay maobligang tumugon at paunlarin ang kanyang pakikibaka”. https://en.internationalism.org/wr/264_15cong.htm

GD, 25.10.12 



[1] Hindi ibig sabihin na walang materyal na pagbabago sa hugis ng uring manggagawa sa nagdaang ilang dekada, higit sa lahat sa pamamagitan ng de-industriyalisasyon at sa relokasyon ng tradisyunal na mga industriya tungo sa ‘paligid’ ng abanteng kapitalistang sistema, o ang mga pagbabagong ito ay hindi idinagdag sa kahirapan ng uring manggagawa para panatilihin ang kanyang makauring identidad. Babalikan namin ito sa ibang artikulo.  

[2] Tila dinagdagan pa ni Lenin ng pagpapatawa!

 

Rubric: 

Pakikibaka