Solusyon sa Krisis ng Kapitalismo: Ibagsak Ito

Bersyon na maaaring i-printSend by email

Ang panibagong pampinansyang krisis ng
pandaigdigang dekadenteng kapitalismo na nagsimula sa nakaraang taon ay
muling sumabog na mas malakas sa nakaraan – noong unang bahagi ng 2008.

Ang pinakahuling pagsabog nito ay nagbabadyang
lalupang yayanig at hahatak pababa sa naghihingalo ng pandaigdigang
sistema. Kahit ang ilan sa burges na ekonomista ay nagsasabing mas
malala pa ito sa Depresyon sa 1929 na nagtulak sa pinakabangis na
digmaan sa buong mundo.

Sa krisis pampinansya ay lalupang nahubaran ang
katotohanan na nasa yugto na tayo ngayon ng kapitalismo ng estado – ang
huling depensa ng bumubulusok-pababa na sistema. Nalalantad na ang
‘neo-liberalismo’ na bukambibig kapwa ng mga pwersang maka at
kontra-globalisasyon ay sa realidad ng galaw ng ekonomiya ay isang
mistipikasyon.

Ang ‘pagligtas’ o bail-out ng estado sa
nabangkarotang malalaking mga bangko at pampinansyang institusyon gaya
ng Northern Rock sa Britain, Bear Stearns, AIG, Merrill Lynch, Lehman
Brothers, Fannie Mae at Freddie Mac sa USA, sa China, Japan, Germany,
France na nagkahalaga ng daan-daang bilyong dolyares mula sa buhis ng
mamamayan ay patunay lamang kung walang interbensyon at kontrol ng
kapitalistang estado tiyak na babagsak ang ekonomiya ng sistema.

Ang katotohanang ito ay hindi na maitago kahit ng
mga burges na komentarista at ekonomista na dati-rati ang bukambibig ay
‘liberalisasyon’ at ‘malayang kalakalan’:

We’ve come a full circle. We now realize that
you need actually good governance and good regulations and not just let
the market run the show
” (Kishore Mahbubani, dean of the Lee Kuan
Yew School of Public Policy in Singapore, quoted by Reuters, PDI, Sept.
19, 2008)

Krisis sa Pinansya: Epekto ng Krisis ng
Sistema

Ang krisis sa pinansya (sa partikular, ang
ispekulasyon) ay hindi ang puno’t-dulo ng krisis ng sistema kundi ito ay
produkto lamang ng huli.

Ang krisis sa pinansya kung saan mga bangko ang
unang bumagsak ay nagmula sa hindi na mabayarang utang na pinauutang
nito. Kaya ang mitsa ng pinakahuling pampinansyang krisis ay ang housing
crisis sa USA at maging sa ibang abanteng kapitalistang bansa gaya ng
Great Britain kung saan bilyun-bilyong dolyares ang hindi na mabayaran
ng mga mamamayang nangungutang ng pabahay sa mga bangko.

Sa madaling sabi, ang krisis sa pinansya ay
nagmula sa pagpapautang at pangungutang.

Magmula noong krisis sa 1960s, sa pangkalahatan ay
pinagagalaw na lamang ang ekonomiya ng mundo sa pagpapautang at
pangungutang dahil hindi na kaya ng sistema na paunlarin pa ang
produktibong pwersa ayon sa kapasidad ng huli. Mismong ang kapitalistang
mga relasyon sa produksyon ang humahadlang sa ibayo pang pag-unlad ng
huli. ‘Lumalago’ ang pandaigdigang ekonomiya sa nagdaang mga taon dahil
sa pagpapautang at pangungutang: 

The basis for the rates of growth in global
GNP in recent years, which have provoked the euphoria of the bourgeoisie
and their intellectual lackeys, are not fundamentally new. They are the
same as the ones that have made it possible to ensure that the
saturation of markets, which was at the root of the open crisis at the
end of the 60s, didn’t completely stifle the world economy. They can be
summed up as growing debt
.” (International Review no. 30, 3rd
Quarter 2007)

Ang mekanismo ng pinansya – sistema ng bangko,
ispekulasyon at mekanismo ng pagpapautang – ay bahagi na ng pag-unlad (o
ebolusyon) ng kapitalismo magmula pa noong 18 siglo. Kailangan ang mga
ito para magkamal at isentralisa ang perang kapital para magkaroon ng
kinakailangang puhunan para sa industriyal na pagpapalawak na labas na
sa saklaw ng sinumang pinakamayamang indibidwal na mga kapitalista.
Kaya, may mahalagang papel ang pagpapautang para pabilisin ang paglaki
ng produktibong pwersa sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo.

Sa kabilang banda, ang pagpapautang ay
nagpapabilis din ng krisis sa sobrang produksyon, ng paglikha ng mga
produktong lagpas na sa kapasidad ng pamilihan.

Ang ispekulasyon ay hindi dahilan ng krisis kundi
bunga lamang nito. Kung ganap mang nangibabaw ang ispekulasyon sa buong
ekonomiya ito ay dahil sa nagdaang mahigit 70 taon ng krisis sa sobrang
produksyon ang industriya ng paglikha ng produkto ay lumiliit ang tubo.
Kaya hindi maiwasang ang perang-kapital ay ilalagak sa ispekulasyon o
popular sa bansag na “casino economy”.

Imposible sa kapitalismo na walang krisis sa
pinansya dahil ang dahilan nito ay ang natural na katangian ng
kapitalismo na lumikha ng produkto na para bang walang limitasyon ang
pamilihan;  ang paglikha lagpas sa kapasidad ng pamilihan; ang sobrang
produksyon:

In these crises there breaks out an epidemic that, in
all earlier epochs, would have seemed an absurdity - the epidemic of
over production. …there is too much civilisation, too much means of
subsistence, too much industry, too much commerce.
” (Communist
Manifesto)

Isang ilusyon ang sinasabi ng mga pwersang anti-globalisasyon na
maaring mabuhay ang kapitalismo ngayon na walang ispekulasyon o ‘casino
economy’. Hindi nila naunawaan ang galaw ng kapitalistang sistema.
Kahit sa panahon ng 19 siglo ay pinakita na ni Marx na ang ispekulasyon
ay bunga ng kakulangan ng malalagakan ng kapital para sa produktibong
pamumuhunan. Dahil dito, naghahanap ang mga kapitalista ng mabilisang
tubo sa isang malaking pasugalan. Sa kasalukuyan, ang mundo ay naging
isa ng casino. Ang pagnanais ng kilusang anti-globalisasyon na itakwil
ng kapitalismo ang ispekulasyon sa kasalukuyang panahon ay humihiling na
maging vegetarian ang mga tigre o kaya ay huminto sa pagbuga ng apoy
ang mga dragon.

Sa 19 siglo, sa pangkalahatan ay ‘hinahayaan’ lamang ng estado
ang pamilihan ang magdidikta sa negosyo at komersyo dahil sa
pangkalahatan ay malawak pa ang sasakuping hindi-pa-kapitalistang bahagi
ng mundo. Kaya ang krisis ng sistema noon ay nalulutas sa pagsakop ng
bagong pamilihan. Ngunit ganap ng nagbago ang lahat ng ito ng masakop ng
kapitalismo ang buong mundo at iginapos sa kapitalistang relasyon ang
pandaigdigang ekonomiya. Samakatuwid ay nabuo na ang isang integradong
pandaigdigang pamilihan at wala ng bagong pamilihan na masasakop pa.

Ang 20 siglo ay simula ng pagkasaid ng pamilihan at ang
pagkakahati ng mundo ng mga kapitalistang kapangyarihan – ang panahon ng
imperyalismo:

For the first time, the world is completely
divided up, so that in the future only re-division is
possible, ie territories can only pass from one ‘owner’ to another,
instead of passing as ownerless territories to an ‘owner’
” (Lenin —
Imperialism, The Highest Stage of Capitalism)

Ang sinasabi ng Communist Manifesto na
the conditions of bourgeois
society are too narrow to comprise the wealth created by them

na nareresolba sa 19 siglo sa pamamagitan ng pagpapalawak pa ng
pamilihan ay naging permanente na sa panahon ng imperyalismo kung saan
nasakop na ng sistema ng sahurang pang-aalipin ang mundo.

Ang imperyalismo ay ang dis-integrasyon ng
kapitalismo, ang pangangailangang ibagsak ito at palitan ng isang
lipunan na walang pagsasamantala sa pamamagitan ng rebolusyon ng
manggagawa:

The contradictions of the capitalist
system, which lay concealed within its womb, broke out with colossal
force in a gigantic explosion, in the great
imperialist world war.

…… A new epoch is born! The
epoch of the dissolution of capitalism, of its inner disintegration. The
epoch of the communist revolution of the proletariat

(Platform of the Communist International, 1919).

Panghihimasok ng estado: Solusyon ba sa krisis?

Sa pangkalahatan, naniniwala ang Kaliwa ng burgesya sa
propaganda ng mga estado na ang globalisasyon ay ‘pag-abandona’ o kaya
‘pagluluwag’ ng estado sa galaw ng ekonomiya at pagsuko nito sa ‘batas
ng pamilihan’. Kaya naman mariing tinuligsa ng kilusang
anti-globalisasyon ang ‘pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon’
na ‘patakaran’ ng mga estado. Sa halip, nanawagan ang kilusang ito ng
pagkontrol ng estado sa ekonomiya, ng pagtatanggol ng mga pambansang
estado sa kani-kanilang pambansang ekonomiya laban sa ‘imperyalismo’. At
ang ‘radikal’ na saring ng Kaliwa ay nanawagan ng nasyunalisasyon sa
batayang bahagi ng ekonomiya sa ilalim ng ‘estado ng manggagawa’ o
‘estado ng bayan’:

The basis of anti-globalisation
ideology is the denunciation of the ‘neo-liberal’ policies adopted by
the major powers since the 1980s, which have allegedly placed the entire
world in the hands of the great multinational companies, subordinating
all human activities - agriculture, natural resources, education,
culture, etc - to the pursuit of profit. This is sometimes described as a
process of commodification and standardisation of products - everything
is up for sale, in short.

The world is run by the dictatorship
of the market. This dictatorship has at the same time stolen political
power from democratically controlled states, and thus from the citizens
of the world.

Thus the anti-globalisation lobby
raises the battle-cry: ‘our world is not for sale’. They demand that the
law of the market must not guide political policies. Political
decision-making must be restored to the citizens, and democracy must be
defended and extended against all financial diktats
.” (ICC,
‘Anti-Globalisation: Ideological Posion to the Proletariat’)

Anuman ang lenggwahe ng Kaliwa ang linya nila ay walang
kaibahan sa Keynesianismo at Stalinismo.

Sa panahon pa ng Communist Manifesto ay napakalinaw na
inilarawan ng mga marxista ang katangian ng kapitalismo at kung bakit
kailangan itong ibagsak. Pero ninanais ng kilusang anti-globalisasyon na
mag-imbento ng ‘bagong teorya’ laban sa kapitalismo at ‘bagong
solusyon’ para sa kapakanan ng sangkatauhan:

In sum, the anti-globalisers have
reinvented the wheel. It’s some revelation that capitalist enterprises
only exist to make profit! That, under capitalism, all goods are turned
into commodities! That the development of capitalism means the
globalisation of exchange!

The workers’ movement did not wait
until the 1990s and the new wave of clever academics and radical
thinkers who have come up with all this. All these ideas can be found in
the Communist Manifesto, first published in 1848:

“The bourgeoisie has resolved
personal worth into exchange value, and in place of the numberless
indefeasible chartered freedoms, has set up that single unconscionable
freedom - Free Trade. The bourgeoisie has stripped of its halo every
occupation hitherto honoured and looked up to with reverent awe. It has
converted the physician, the lawyer, the priest, the poet, the man of
science, into its paid wage-labourers.

The need of a constantly expanding
market for its products chases the bourgeoisie over the whole surface of
the globe. It must nestle everywhere, settle everywhere, establish
connections everywhere. The bourgeoisie has through its exploitation of
the world market given a cosmopolitan character to production and
consumption in every country. To the great chagrin of reactionaries, it
has drawn from under the feet of industry the national ground on which
it stood.”

Thus, the anti-globalisers claim to
be offering a new analysis and a new alternative while at the same time
suppressing all reference to two centuries of struggles and of
theoretical endeavours by the working class, aimed precisely at
understanding the bases for a truly human future. And little wonder: the
better world proposed by the anti-globalisers does not look forward, as
the workers’ movement has always done, but backwards, to a mythical
rural past of happy little enterprises and local exchanges - or, more
prosaically, to the period between the 1930s and the 1970s, which for
them represents a lesser evil compared to the liberalisation which got
underway in the ‘80s. After all, that was the period of ‘Keynesianism’
in which the state was a more obvious actor on the economic stage
.”
(Ibid)

Isa pang mistipikasyon na sinisigaw ng
Kaliwa laluna ng mga stalinista, maoista at troyskyista ay ang modelo ng
‘sosyalistang estado’ o ‘estado ng manggagawa’ o ‘estado ng bayan’ na
siyang kokontrol sa ekonomiya sa ngalan ng ‘uring manggagawa’ at
‘sosyalistang konstruksyon’. Ayon sa kanila, ito ang ‘epektibong paraan’
para ‘hindi maapektohan’ ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo – ang
‘sosyalistang planadong ekonomiya’. Subalit, mabilis na naglaho ang bisa
ng mistipikasyong ito ng bumagsak ang imperyalistang USSR at ang
Eastern Bloc. Ganun pa man, hindi pa rin sumuko ang mga trotskyista
(kabilang din ang mga maoista) sa ganitong modelo dahil para sa kanila:
“ang krisis ng mundo ngayon ay krisis ng rebolusyonaryong liderato” o sa
bulgar na pagkasabi, ang Trotskyistang (o maoista) partido lamang ang
makapagligtas sa sangkatauhan.  

Sa mahigit 70 taon, ang iba’t-ibang paraan ng burgesya
para resolbahin ang krisis ng sistemang pinagtatanggol nito –
Keynesianismo, ‘planadong ekonomiya’ o ‘neo-liberalismo’ – ay
napatunayan na nagpalala lamang sa krisis ng sistema dahil ang ugat
mismo ng krisis ay ang mismong mga kapitalistang relasyon, ang sistemang
sahuran mismo.

Ganito ang pangunahing linya ng makapangyarihang
imperyalistang mga bansa noong 1980s kung bakit ‘tinalikuran’ nito ang
Keynesianismo at pinalitan ng ‘neo-liberalismo’: ang panghihimasok ng
estado sa ekonomiya ay nagdulot ng krisis sa 60s, 70s at 80s.

Ang katotohanan ay hindi bumitiw ang estado sa pagkontrol
sa ekonomiya magmula ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng
yugto ng pumutok ang unang imperyalistang digmaang pandaigdig noong
1914. Bakit?

In all periods of decadence,
confronted with the exacerbation of the system’s contradictions, the state
has to take responsibility for the cohesion of the social organism, for
the preservation of the dominant relations of production. It thus tends
to strengthen itself to the point of incorporating
within its own structures the whole of social life. The bloated growth
of the imperial administration and the absolute monarchy were the
manifestations of this phenomenon in the decadence of Roman slave
society and of feudalism respectively.

In the decadence of capitalism the general tendency
towards state capitalism is one of the dominant characteristics of
social life. In this period, each national capital, because it cannot
expand in an unfettered way and is confronted with acute imperialist
rivalries, is forced to organise itself as effectively as possible, so
that externally it can compete economically and militarily with its
rivals, and internally deal with the increasing aggravation of social
contradictions. The only power in society which is capable of fulfilling
these tasks is the state
.” (ICC Platform on State Capitalism)

Sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang permanenteng krisis,
wala ng masasandalan ang burgesya kundi ang estado para sikaping
bigyang ‘lunas’ ang krisis nito. Ang tendensya ng kapitalismo ng estado
ay nakikita noon sa New Deal ni Roosevelt, ng Nazismo sa Germany at
Pasismo sa Italy. Nakikita ito sa ‘planadong ekonomiya’ ng mga
Stalinistang estado sa Rusya, Eastern bloc, China, Vietnam, Cuba, North
Korea. At maging sa nasyunalisasyon ng diktadurang Marcos sa 1970s.

At sa panahon ng ‘neo-liberalismo’, nakikita ito sa
bail-out ng estado sa naluluging malalaking kompanya at patuloy na
panghihimasok nito, sa iba’t-ibang mekanismo (institusyon) sa buhay
ekonomiya ng lipunan – IMF-WB, APEC, NAFTA, etc.

Ang pinakahuling stock market ‘crash’ sa buwan ng
Setyembre ng taong ito at ang bail-out ng gobyerno ng USA sa mga
nabangkarotang bangko at pampinansyang institusyon gaya ng Lehman
Brothers at marami pang iba ay naging mitsa upang yugyugin ng mga
pwersang anti-globalisasyon ang kanilang sarili sa ideolohiyang
dala-dala nila. “Nagsasabi kaya ng totoo ang mga kapitalistang estado sa
polisiya nilang globalisasyon?”, “Totoo kayang pinatutupad ng mga
estado ang neo-liberalismo?”

Ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya at kapitalismo ng
estado ay manipestasyon na nasa permanenteng krisis na ang panlipunang
sistema. Ganito ang nagdaang mga makauring lipunan, ganito din ang
kasalukuyang mapagsamantalang sistema. Sa panahon ng permanenteng
krisis, lalupang pinalalakas ng burgesya ang kontrol ng estado sa buong
buhay panlipunan.

Narito ang kahungkagan at kontra-rebolusyonaryong
katangian ng kilusang anti-globalisasyon kung saan nanindigan ito na ang
kontrol at panghihimasok ng estado sa ekonomiya ang tanging solusyon sa
krisis ng kapitalismo. Ngunit, para panatilihin ang kanilang ‘radikal’
na postura at panatilihin ang kanilang mistipikasyon sa hanay ng
manggagawa at maralita, igigiit nito na magagawa lamang ito ng isang
estado na ‘maka-manggagawa’ at ‘maka-bayan’:

One of the clearest examples of
this false alternative is the argument that the state has withdrawn from
the economy, leaving a free hand to the giant companies which are
undermining democracy and the general interest. This is a total fraud.
The state has never been more present in the economy than it is today.
It’s the state which regulates world trade and fixes the interest rates,
customs tariffs, etc. The state is still the leading economic actor,
with a public expenditure which makes up an increasing portion of GNP
and of the ever-swelling budget deficit. This is the so-called
‘powerless’, ‘absent’ state in the model country of liberalism, the USA.
It is virtually impossible to mention any economic, political or social
sector in which the state doesn’t have an important, if not
preponderant role.

And the state is not the guarantor
of a better world, where riches are more equally distributed: it’s the
state which ruins this world, through war, through attacks on workers’
wages, pensions and social benefits. It’s the state which bleeds the
working class dry to stand up to the crisis of the system.

What the anti-globalisers are saying
to all those who ask questions about the state of the world is this:
the choice is between liberalism and state capitalism, when the real
choice is between socialism or barbarism
.” (Ibid)

Sa ilalim ng kapitalistang sistema, may estado bang
maka-manggagawa? Sa ilalim ng ‘sosyalismo ng isang bansa’ ang estado ba
nito ay estado ng manggagawa? Ang makauring interes ba ng proletaryado
ay interes din ng bansa o pambansang interes? Sinagot na ito ng
kasaysayan at karanasan ng HINDI.   

Solusyon sa Krisis: Ibagsak ang Kapitalismo

May dalawang natatanging solusyon sa krisis ng
kapitalismo:

1. Pandaigdigan o pangkalahatang digmaan para muling
hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa.

2. Wakasan ang sistemang sahuran, sistema ng kalakal at
sistema ng pamilihan. Wakasan ang pagsasamantala.

Ang una ay pansamantala lamang (dahil lalakas ang
ekonomiya para sa digmaan) at magdudulot lamang ng ibayong kahirapan at
pagkasira ng sangkatauhan. Sapat na ang karanasan ng sangkatauhan sa
dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan at sa malaganap ngayon na
mga lokalisadong digmaan sa ngalan ng ‘digmaan para sa pambansang
kalayaan’ para maunawaan ang kahihinatnan ng solusyon ng burgesya sa
krisis. Ang pangalawa ay permanente at magdulot ng ibayong pag-unlad ng
produktong mga pwersa.

Ang una ay ang solusyon ng uring kapitalista. Ang ikalawa
ay solusyon ng uring manggagawa. Ang una ay hahantong sa barbarismo. Ang
ikalawa ay hahantong sa komunismo.

Ang una, para mangyari ay kailangang makumbinsi ang masang
anakpawis sa pagtatanggol sa pambansang interes at mahahatak sa
pambansang pagkakaisa. Kailangang makumbinsi ng burgesya ang mga
manggagawa na magsakripisyo para sa ‘pambansang interes’. Ang pangalawa,
para maganap, ay kailangang magkaisa ang mga manggagawa sa buong mundo
kung saan itakwil nila ang pambansang interes ng kani-kanilang burgesya
at yakapin ang makauring pagkakaisa. Ibig sabihin, kailangang agawin ng
uring manggagawa ang kapangyarihan at ibagsak ang burges na estado at
lahat ng mga institusyon nito.

Ang una ay isang malupit na digmaan sa ngalan ng
nasyunalismo at pagtatanggol sa ‘inang-bayan’ habang ang ikalawa ay
isang mapagpalayang rebolusyon, isang komunistang rebolusyon.

Sa madaling sabi, ang TANGING solusyon ay ang pagkakaisa
ng buong uring manggagawa at ekstensyon ng pakikibaka laban sa lahat ng
anyo ng kapitalismo – pribadong kapitalismo at kapitalismo ng estado;
laban sa lahat ng mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan.

Ang pagkakaisang ito ay hindi sa pamamagitan ng
pakipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya, hindi pagkakaisa para sa
pambansang interes, hindi pagkakaisa sa ilalim ng mga unyon na matagal
ng nasa kampo ng kontra-rebolusyon, at higit sa lahat hindi pagkakaisa
sa ilalim ng bandila ng anumang mga partido ng Kaliwa – stalinista,
maoista, trotskyista , anarkista at repormista.

Ang pagkakaisang ito ay isang makauring pagkakaisa na
makikita sa asembliya ng mga manggagawa kung saan sila mismo ang may
kontrol. Ang pagkakaisang ito ay sa ilalim ng gabay ng isang
internasyunal na rebolusyonaryong partido ng manggagawa sa batayan ng
internasyunalismo. Isang internasyunal na partido na mabubuo lamang sa
panahon na sumusulong na ang rebolusyonaryong kilusang manggagawa sa
buong mundo.

Hindi na maiwasan at mapigilan ng naghaharing uri ang
paglawak ng krisis sa pinansya tungo sa iba pang bahagi ng lipunan –
industriya, manupaktura, serbisyo, presyo ng bilihin, sahod at iba pa –
kung saan ang unang-unang biktima at magdusa ay ang uring manggagawa at
ang mga pamilya nito.

Dahil sa pandaigdigang krisis sa pinansya ay nagbabadyang
mawalan ng trabaho ang milyun-milyong manggagawa:

1. Sa Amerika, 2.6 milyon manggagawa ang natanggal sa
trabaho sa sektor sa manupaktura sa nagdaang dalawang taon.

2. Sa Britanya, nagbabantang mawalan ng trabaho ang 11,000
manggagawa sa sektor sa pinansya lamang dahil sa pumutok na krisis ng
taong ito.

3. Sa pagkabangkarota ng Bear Stearns, AIG, Merrill Lynch,
Lehman Brothers, Fannie Mae at Freddie Mac sa USA tiyak na daan-daang
libo na naman ang mawalan ng hanapbuhay.

4. Gayong optimismo pa rin ang linya ng propaganda ng
estado ng Pilipinas (“may kapasidad ang bansa na salagin ang epekto ng
pandaigdigang krisis”), ito ay isang ilusyon lamang. Habang totoong
‘salvador del mundo’ ang naghihirap na mga kapatid nating OFWs sa
ibayong dagat para ‘pasiglahin’ ang pambansang ekonomiya, nagbabanta
naman na mawalan ng trabaho ang karamihan sa kanila na nasa Europe at
Amerika sa panahong raragasa na ang bagyo ng krisis pinansyal sa ibang
bahagi ng ekonomiya. Kaya naman, pinalalakas na ngayon ng bawat estado
ang kampanya para sa patriyotismo para sa paghahanda sa mas matinding
dagok ng krisis.

5. Nagbabanta ding maapektohan ang export-oriented
industries dito sa Pilipinas sa lalupang pagbulusok-pababa ng bulok na
sistema.

Sa madaling sabi, pipigain ang lakas-paggawa ng
manggagawang Pilipino at pababain ang sahod nito para makasinghap man
lang ng konting hangin ang naghihingalong sistema. Ngunit hindi lang ito
sa Pilipinas  nangyayari at mangyayari kundi sa halos lahat ng mga
bansa.

Ito na lamang ang magagawa ng kapitalismo para patuloy
siyang mabubuhay.

Ang nalalabing paraan na lamang ng manggagawa ay labanan
ang mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan. At ang paglaban na ito
ay magtatagumpay lamang kung magkaroon ng malawak na pagkakaisa ang
manggagawa at kung sila mismo ang hahawak at magdedesisyon sa kanilang
pakikibaka. Magiging epektibo lamang ang malawak na paglaban kung hindi
na aasa ang manggagawa sa kongreso, senado, ehekutibo kundi sa lakas ng
kanilang pakikibaka sa lansangan. Lalakas lamang ang makauring
pagkakaisa kung hindi papayag ang mga manggagawa na hati-hatiin sila ng
iba’t-ibang mga unyon na walang ibang interes kundi palakasin lamang ang
kani-kanilang mga unyon at ang mga paksyon ng burgesya na
sinusuportahan nito. Ganito na ang ginagawa ng mga manggagawa sa
Bangladesh, Egypt, Vietnam, France, Britain, Germany, USA.

Wala ng epektibong solusyon sa loob ng sistema. Katunayan,
lahat na ng solusyon ay nagawa na nito maliban sa panibagong
pandaigdigang digmaan. Ang katotohanang ito ang nasa likod mismo ng
pahayag ng first deputy managing director ng IMF sa kabila ng kanyang
‘optimismo’:

Nearing the end of the year’s third quarter, most
advanced economies are either virtually stagnant or on the verge of
recession, while underlying inflation risks are becoming increasingly
well-contained
” (Speech to the Center for Strategic and
International Studies, Sept 18, 2008).

Katunayan, ang solusyon ng kapitalismo sa kanyang krisis
ay ganun pa rin, mula noon hanggang ngayon – pagpapautang at
pangungutang:

The American bourgeoisie likes to
present itself as the ideological champion of free market capitalism.
This is nothing but ideological posturing. An economy left to function
according to the laws of the market has no place in today’s capitalism,
dominated by omnipresent state intervention. This is the sense of the
“debate” within the bourgeoisie on how to manage the present economic
mess. In essence there is nothing new being put forward. The same old
monetary and fiscal policies are applied in hope to stimulate the
economy.

For the moment what is being done to
alleviate the current crisis is more of the same— the application of the
same old policies of easy money and cheap credit to prop up the
economy. The American bourgeoisie’s response to the credit crunch is yet
more credit! The Federal Reserve has cut its interest rate benchmark 5
times since September and seems posed to do so once more at its next
scheduled meeting in March. In a clear recognition that this medicine is
not working the Fed has steadily increased its intervention in the
financial markets offering cheap money – $200 billion in March, on top
of another multibillion package offered last December— to the financial
institutions that are short on cash
.” (IR 133, 2nd
Quarter 2008)

Ang krisis ng kapitalismo ngayon ay hindi
na tulad noong 19 siglo na cycle lamang ng boom and bust ngunit sa
pangkalahatan ay nasa ilalim ng pagsulong ng pandaigdigang sistema. Ang
‘recovery’ ng krisis ng sistema ngayon ay nagiging mas panandalian
habang ang kanyang krisis ay tumatagal ng tumatagal at palalim ng
palalim.

Kailangan ng ibagsak ang burges na estado at ang mga
burges na partido para makalaya ang uring manggagawa sa kahirapang dulot
ng internal na krisis ng pandaigdigang kapitalistang sistema. Hinog na
ang obhetibong kondisyon ngayon para sa komunistang rebolusyon.  

ANG MGA MANGGAGAWA AY WALANG BANSA, MANGGAGAWA SA
BUONG MUNDO, MAGKAISA!