SONA NI GLORIA: PAMBOBOLA AT PAGSISINUNGALING PARA SUBUKANG ISALBA ANG BUMULUSOK-PABABA NA PAMBANSANG KAPITALISMO

Bersyon na maaaring i-printSend by email

Punong-puno
ng pambobola at kasinungalingan ang SONA ni Gloria noong Hulyo 28. Ang
malawak na manggagawa at maralita na lubhang nakaranas ng kahirapan ay
hindi na naniniwala sa mga ‘achievements’ ng rehimeng Arroyo.

Hindi
na natin pagdebatehan ang mga datos na sinasabi ni Arroyo dahil alam
naman ng lahat na malaking bahagi nito ay kasinungalingan at para lamang
bigyang katuwiran ang kanyang panunungkulan bilang chief executive
officer ng pambansang kapitalismo.

Ang
pagtuunan natin ng pansin dito ay ang sumusunod na argumento ng
naghaharing paksyon sa likod ng kanyang SONA:

1.
“Hindi kasalanan ni Gloria ang krisis ngayon kundi ng pandaigdigang
krisis ng sistema”.

2.
“E-VAT epektibong solusyon para maibsan kahit papano ang epekto ng
krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa bansa”

Kaakibat
nito, suriin din natin ang inihaing solusyon ng Kaliwa at ilang
personaldiad ng burges na oposisyon na para makaraos sa krisis ang bansa
kailangang tanggalin ang E-VAT at muling kontrolin ng estado ang
batayang mga industriya gaya ng langis at kuryente.

Pambansang
kapitalismo nakatali sa pandaigdigang sistema


Sa
panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo lahat ng mga
pambansang kapital sa mundo ay nakagapos sa pandaigdigang kapital.
Kasinungalingan ang sinasabing maaring maging malaya ang isang bansa sa
kadena ng pandaigdigang kapitalismo.  


Ang
ganitong katotohanan ba ay nagtatanggol sa argumento ng nagharing
paksyong Arroyo na “hindi dapat sisihin ang gobyerno ng Pilipinas dahil
pandaigdigan ang krisis”?  HINDI.


Tama
din ba ang Kaliwa na may magagawa ang estado na ipagtanggol ang
pambansang kapitalismo sa kabila ng pandaigdigang krisis? HINDI.


Dahil
nakagapos ang lahat ng pambansang kapitalismo sa pandaigdigang
kapitalismo, ang mga polisiya  ng mga estado ay nagsisilbi sa mga
pangangailangan ng huli. Sa panahon ng pandaigdigang krisis, MALAKI ang
kasalanan ng mga estadong ito. Pero ang mga kasalanan nila ay hindi
simpleng bunga ng ‘kagustuhan’ o ‘di-kagustuhan’ ng partikular na mga
estado kundi ito ay tulak ng obhetibong pangangailangan ng pandaigdigang
sistema. Ang paglikha ng labis-labis na produkto, pagpapaigting ng
kompetisyon at pagpiga sa paggawa ng mga manggagawa ang mga obhetibong
salik na nagtulak sa lahat ng mga estado.


MALI
din kung ang ‘sisihin’ lamang ay ang nagharing paksyon na siyang may
hawak ng estado. Ang tama at kailangang sisihin ay ang estado mismo na
nagtatanggol sa bulok na sistema at hindi lang ang isang partikular na
paksyon ng burgesya. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo lahat ng mga
paksyon ng naghaharing uri ay reaksyonaryo, kontra-rebolusyonaryo at
anti-manggagawa.


Ang
pagsisi sa isang paksyon lamang sa krisis ay pagtatago sa tunay na
dahilan ng krisis at pagligaw sa direksyon ng pakikibaka ng manggagawa
para makalaya sa kahirapan – ang durugin ang kapitalistang estado mismo
kahit anong paksyon pa ng burgesya ang hahawak nito. Pangalawa,
pagpapalakas ito sa mistipikasyon na maari pang isalba ang pambansang
kapitalismo sa gitna ng krisis ng pandaigdigang sistema. At ang
pinakamasahol na kasinungalingan ay: ang pagsalba sa pambansang
kapitalismo ay daan para lalaya ang malawak na masang anakpawis mula sa
kahirapan.


Buhis
ng mamamayan: Batayang sandalan ng estadong nasa krisis


Sa
panahon ng permanenteng krisis ng sistema (kahit pa sa nakaraang mga
makauring lipunan bago pa ang kapitalismo) patakaran ng estado na
pangunahing nagtatanggol sa bulok na sistema na pigain ang mamamayan
para buhayin ang mga parasitikong institusyon sa naaagnas na lipunan. At
isa sa batayang pinagkukunan ng estado ng pondo ay ang buhis na
kinikikil mula sa naghihirap na masang anakpawis.


Sa
ganitong konteksto natin ilagay kung bakit may E-VAT at kung bakit ang
paksyong Arroyo ay mahigpit ang paninindigan na hindi ito dapat
tanggalin o bawasan. Alam ng naghaharing paksyon na sa panahon na
mabawasan ang kakailanganing pondo para buhayin ang mga parasitikong
institusyon – hukbong sandatahan, polis, mga burukrata, at iba pa – mas
mapabilis ang pagguho ng estado na siyang tanging nagtatanggol sa
naghihingalong sistema.


Ang
sinasabi ng Kaliwa na progressive taxation na “maka-mahihirap” na
solusyon sa usapin ng pagbubuhis ay nakaangkla pa rin sa pagtatanggol ng
pambansang ekonomiya. Ang ganitong iskema sa nakaraan (sa karanasan ng
mga maka-Kaliwang rehimen sa ibang mga bansa) ay napatunayan palpak
dahil oobligahin talaga ang estado ng pandaigdigang sistemang
kapitalismo na pigain ang lakas-paggawa ng masang anakpawis para
magkamal ng kapital ang bawat pambansang ekonomiya laban sa kanyang mga
karibal.


Hangga’t
patuloy na naghahari at nananalasa ang kapitalismo sa pandaigdigang
saklaw, itutulak nito ang lahat ng mga bansa upang lalupang
pagsamantalahan ang mga manggagawa at maralita o kaya, palalakasin ng
bawat bansa ang ekonomiya-para-sa-digmaan (war economy) para magakaroon
ng artipisyal at temporaryo na paglakas sa produktibidad ng lipunan gaya
ng nangyari mula noong WW I.


Sa
ngayon, dalawang malalakas na super-bagyo ang bumabayo sa mundo:
lumalalang krisis pinansyal at walang hinto na paglobo ng mga presyo ng
batayang mga bilihin. Ang unang epekto nito ay ang mabilis na pagbaba ng
purchasing power ng uring manggagawa na nagbunga ng mas malalang
kahirapan.


Ibagsak
ang estado, itayo ang diktadura ng proletaryado


Lahat
ng tipo ng oposisyon (Kanan o Kaliwa) sa Pilipinas ay humihiling sa
paksyong Arroyo na magkaroon ng ‘political will’ upang magkaroon ng
‘makabuluhang’ mga reporma sa bulok na sistema. Ang tawag dito ay
repormismo kahit pa gamitan ng anu-anong radikal na mga lenggwahe.


Nagtutulungan
ang administrasyon at oposisyon na itago ang katotohanan na ang TANGING
solusyon ay ibagsak ang estado at ang sistema dahil ang KATOTOHANAN ay
wala na itong kapasidad (kahit gugustuhin pa nito) na magbigay ng
anumang makabuluhang reporma para sa kapakanan ng masang anakpawis.


Ang
mistipikasyon ng Kaliwa na ang problema ay ang ‘kawalan o kakulangan ng
demokrasya’ at ‘kawalan ng determinasyon na ipagtanggol ang pambansang
ekonomiya’ laban sa pananakop ng dayuhang ekonomiya ay walang ibang ibig
sabihin kundi sa Pilipinas may ‘pag-asa pang uunlad ang pambansang
kapitalismo’ basta ang nasa kapangyarihan ay ‘tunay’ na demokratiko at
makabayan.


Kaya
naman ang linya ng Kaliwa ay: patalsikin si Gloria at itayo ang TRG
(Transitional Revolutionary Government) o DCG (Democratic Coalition
Government) na ang ibig sabihin ay koalisyon ng iba’t-ibang uri/sektor
na kaaway ng paksyong Arroyo para muling ibangon ang dignidad ng bansa
sa ilalim ng permanenteng krisis ng pandaigdigang sistema!


Nais
itago ng Kaliwa na ang TANGING uri na may kapasidad na baguhin ang
bulok na sistema ay ang uring manggagawa; ang layunin ng pakikibaka ng
uri ay ibagsak ang kapitalistang estado at itayo ang DIKTADURA ng
PROLETARYADO sa pamamagitan ng mga asembliya at konseho ng manggagawa at
HINDI ng isang gobyerno na koalisyon ng iba’t-ibang uri kasama ang
pambansang burgesya.


Ang
bukambibig ng Kaliwa na “para sa sosyalismo” at “para sa sosyalistang
rebolusyon” ay mga panlilinlang lamang dahil hindi daan tungong
sosyalismo ang pagtatanggol sa pambansang ekonomiya kundi ito ay daan
tungong kapitalismo ng estado na siyang tunguhin ngayon ng lahat ng mga
bansang nakagapos sa permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo.