Nitong Disyembre 18, 2011 muling kumitil ng
mahigit 2,000 buhay at sumira ng daang milyong pisong ari-arian ang isang
bagyo, ang bagyong Sendong. Matinding tinamaan ang mga syudad ng Cagayan de Oro
at Iligan sa isla ng Mindanao. Hindi masukat ang paghihinagpis ng mga namatayan
at nawalan ng bahay at ari-arian lalupa’t malapit na ang Pasko at Bagong Taon.
Para sa mga biktima at kaanak ng trahedya, napakalungkot ang Pasko at Bagong
Taon nila.
Nakikita at naramdaman din ang pagdalamhati
at suporta ng mga mamamayan na hindi direktang naapektuhan ng bagyo sa sinapit
ng mga biktima. Bumuhos ang mga materyal, pinansyal at moral na suporta mula
mismo sa mga kapwa manggagawa at mahihirap.