Published on Internasyunal na Komunistang Tunguhin (https://fil.internationalism.org)

Bahay > Internasyonalismo - 2020s > Internasyonalismo - 2026

Internasyonalismo - 2026

  • 2 beses nabasa

Rubric: 

Ang nabubulok na kapitalismo ang dapat sisihin

  • 2 beses nabasa

Noong Enero 8, 2026, gumuho ang isang bundok ng basura sa Barangay Binaliw, Cebu City, sa Pilipinas, na kumitil ng buhay sa ilalim ng tone-toneladang basura ng kapitalista. Hindi bababa sa apat na katao ang namatay*. Dose-dosenang nawawala pa rin. Ngunit ang tunay na salarin ay hindi gravity, o kalikasan; ito ay isang sistemang panlipunan na nag-iimbak ng basura sa mga mahihirap at tinatawag itong 'pag-unlad'.

Hindi ito isang trahedya. Ito ay krimen. At lahat ng mga fingerprint nasa makinarya ng kapitalismo.

Tubo bago ang buhay: ang kinakalkula na kapabayaan sa Binaliw

Ang landfill ng Binaliw ay hindi kailanman ligtas. Ito ay isang nagnanaknak na bantayog sa kawalang-malasakit kapitalismo, sa pamamahala ng Prime Integrated Waste Solutions sa ilalim ng pagkukunwari ng isang "public-private partnership." Sa katunayan, ito ay isang ticking time bomb - isang bukas na dumpsite na nagkukunwaring isang landfill, inukit sa isang bundok at nakasalansan ang basura, sa pagsuway sa batayang engineering at makataong dangal.

Naglabas na ng mga babala. Nagprotesta ang mga residente. Mismong si Konsehal Joel Garganera ay kinondena ang site bilang isang kalamidad na naghihintay na mangyari. Ngunit nagpatuloy ang pamahalaang lungsod at ang mga kasosyo nito sa korporasyon. Bakit? Dahil sa kapitalismo, ang basura ay hindi isang problema na dapat lutasin - ito ay isang negosyo na dapat pagsamantalahan. At ang buhay ng mga manggagawa at maralita sa lungsod ay maaaring isakripisyo para sa tubo.

Kasinungalingan ng Green at ang teatro ng reporma

Ngayon, habang ang mga patay ay hinila mula sa mga guho, ang estado ay nagsasagawa ng pamilyar na ritwal nito: luha ng buwaya, mga pangako ng 'pagsisiyasat', at malabong salita tungkol sa 'pagpapabuti'. Ngunit tulad ng nilinaw ng ICC sa kanyang "Manifesto on ecology [1]", ang mga kilos na ito ay walang iba kundi teatro. Ang reporma ay isang kasinungalingan. Ang regulasyon ay isang smokescreen. Ang sistema ay hindi maaaring ayusin dahil ito ay gumagana nang eksakto tulad ng dinisenyo nito.

Ang greenwashing ng kapitalismo - ang mga summit ng klima, ang mga pangako na 'net zero', ang teknokratikong pag-aayos nito - ay nagpapalalim lamang ng krisis. Hindi ito gumagana. Ito ay nabubulok. At sa pagkabulok nito, nilason nito ang hangin, ang tubig, ang lupa - at ang posibilidad ng isang hinaharap.

Ang disposable na uring manggagawa: isinakripisyo para sa diyos ng basura

Sino ang namatay sa Binaliw? Hindi ang mga ehekutibo. Hindi ang mga pulitiko. Yung mga manggagawa. Ang mga scavenger. Mga pamilyang nakatira sa lilim ng bundok ng basura. Isinakripisyo sila sa altar ng kapitalistang 'kahusayan', inilibing hindi lamang ng basura, kundi ng paghamak ng isang sistema na itinuturing silang basura.

Hindi lang sa Cebu 'yan. Mula sa Payatas hanggang Delhi, mula sa Lagos hanggang Jakarta, ang mga mahihirap ay napipilitang mabuhay at mamatay sa mga gilid ng basura. Ang kapitalismo ay lumilikha ng mga sona ng sakripisyo - heograpikal at tao - at tinatawag itong pag-unlad.

Rebolusyon o pagkalipol: ang matatag na hatol ng IKT

Diretsahang salita ng IKT: ang kapitalismo ay ecocidal. Hindi ito maaaring baguhin. Dapat itong ibagsak. Ang uring manggagawa ang tanging puwersa na may kapangyarihan at interes na muling ayusin ang lipunan batay sa makatuwiran, ekolohikal, at makataong batayan.

Nangangahulugan ito ng pagtanggi sa bawat ilusyon: pulitika ng eleksyon, nasyonalistang 'solusyon', band-aid ng NGO, at burges na aktibismo sa klima. Nangangahulugan ito ng pagtatayo ng isang internasyonal at rebolusyonaryong kilusan na nakaugat sa makauring pakikibaka at makasaysayang memorya - lalo na ang mga aral ng mga konseho ng mga manggagawa noong 1917-1919.

Wala nang libingan sa ilalim ng basura!

Ang pagbagsak ng Binaliw ay hindi isang nakahiwalay na kaganapan. Ito ay isang sintomas ng isang namamatay na sistema na hihilahin tayong lahat pababa maliban kung kikilos tayo. Ang pagpipilian ay hindi sa pagitan ng mas mahusay na pamamahala ng basura at mas masahol pa - ito ay sa pagitan ng isang mundo na inorganisa para sa pangangailangan ng tao, o isang mundo na nakabaon sa sarili nitong dumi.

May pananagutan tayo sa mga yumao higit pa sa pagdadalamhati. Pananagutan natin sa kanila ang hustisya. At ang hustisya ay hindi magmumula sa estado, sa merkado, o sa kahon ng balota. Magmumula ito sa mga lansangan, sa mga pabrika, sa mga pagtitipon ng mga manggagawa na ayaw ilibing nang buhay.

Hayaang ang amoy ng Binaliw ang amoy ng nabubulok na bangkay ng kapitalismo. Ilibing natin ang sistema bago tayo ilibing nito.

Internasyonalismo (Pilipinas) 22 Enero 2026


 

* Ayon sa ulat noong Enero 13, umabot na sa 13 ang patay at 23 ang nawawala. (https://www.abs-cbn.com/news/regions/2026/1/13/binaliw-landfill-landslid... [2])

 

Pinagmulan ng URL: https://en.internationalism.org/content/17768/rotting-capitalism-blame [3]

Rubric: 

Pagguho ng landfill sa Cebu (Pilipinas)

Nahaharap sa lumalalang kaguluhan ng digmaan - Venezuela, Ukraine, Gitnang Silangan - ano ang tanging posibleng tugon?

  • 11 beses nabasa

Pampublikong pulong ng ICC

Sabado 7 Pebrero, 2-5pm oras ng UK.

Noong 1991, bilang tugon sa pagbagsak ng silangang bloke at sa digmaan sa Golpo, isinulat ng ICC: "Sa harap ng tendensya tungo sa pangkalahatang kaguluhan na partikular sa pagkabulok at lubhang pinabilis ng pagbagsak ng bloke ng Silangan, walang ibang paraan ang kapitalismo sa pagtatangka nitong panatilihin ang iba't ibang bahagi nito kundi ang magpataw ng bakal na dyaket ng puwersang militar. Sa ganitong kahulugan, ang mga pamamaraan na ginagamit nito upang subukang maglaman ng lalong madugong estado ng kaguluhan ay isang kadahilanan sa paglala ng barbarismo ng militar kung saan ang kapitalismo ay lumulubog".­ ("Orientation Text: Militarism and Decomposition", International Review 64).

 Ang pag-atake ng US sa Venezuela, ang tumataas na banta na i-annex ang Greenland at muling maglunsad ng mga air strike laban sa rehimen sa Tehran ay nagpapatunay lalo na na ito ang pinakamalakas na kapangyarihan sa mundo na naging pangunahing kadahilanan sa pagpapabilis ng kaguluhan at pagkakawatak-watak, isang proseso na nagdadala ng banta ng pagkawasak ng sangkatauhan.

Nagpatawag ng public meeting ang ICC para talakayin ang mga implikasyon ng mga pangyayaring ito. Nilalayon naming malalim na unawain ang ebolusyon ng mga imperyalistang tunggalian, ngunit nilalayon din naming maghapag ng mga katanungan tungkol sa epekto ng mga pangyayaring ito sa makauring pakikibaka, at kung ano ang dapat na tugon ng internasyunalistang minorya na nahaharap sa "paglala ng barbarismo ng militar kung saan ang kapitalismo ay lumulubog".

 Sa okasyong ito, magkakaroon ng tatlong pulong sa parehong araw, sa Ingles, Pranses at Espanyol. Upang makilahok sa pagpupulong sa Ingles online, sumulat sa [email protected] [4]. Tinitingnan namin ang posibilidad na gaganapin ito bilang isang "hybrid" na pagpupulong, ibig sabihin, pisikal pati na rin sa online. Mangyaring bisitahin ang aming website para sa karagdagang impormasyon.

 

Rubric: 

Pampublikong Pulong ng ICC

Source URL:https://fil.internationalism.org/content/8711/internasyonalismo-2026

Links
[1] https://en.internationalism.org/files/en/climate_supplement-pdf_preset_0.pdf [2] https://www.abs-cbn.com/news/regions/2026/1/13/binaliw-landfill-landslide-death-toll-now-at-11-1035 [3] https://en.internationalism.org/content/17768/rotting-capitalism-blame [4] mailto:[email protected]