Ang uring manggagawa ay walang pagpipilian sa pagitan nila Trump at Harris, Republican o Democrat. Kahit sino man ang manalo, ang uring manggagawa ay sasailalim sa malupit na pag-atake sa antas ng pamumuhay nito na hinihingi ng krisis sa ekonomiya at pagbubuo ng ekonomiya ng digmaan. Kung sino man ang manalo, haharapin ng mga manggagawa ang pangangailangang ipagtanggol ang kanilang sarili bilang isang uri laban sa mga pag-atake na ito
Ngunit hindi ito nangangahulugan na maaari nating balewalain ang kampanya sa eleksyon at ang mga epekto nito. Inihayag ng mga ito ang mga pagkahati-hati ng burgesya sa US, ang naghaharing uri sa kasalukuyang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo, ay mas tumatalas at mas marahas. US ang nagiging sentro ng kabulukan ng pandaigdigang sistemang kapitalista, at kung sino man ang magiging Pangulo pagkatapos ng Nobyembre 5, mas patitindihin ng eleksyon ang paglala ng pagkahati-hati, na may malubhang epekto pareho sa loob mismo ng US at sa pandaigdigang entablado.
Kaya may tungkulin ang mga rebolusyonaryo hindi lamang ang pagkondena kasinungalingan ng burges na demokrasya, kundi ang pagsusuri sa pandaigdigang implikasyon ng halalan sa US, ang paglalagay nito sa sistematikong balangkas na magbibigay-daan sa atin upang maunawaan kung paanong ang pagkahati-hati ng naghaharing uri ng US ay isang aktibong salik sa tanging perspektiba na maiaalok ng burgesya sa sangkatauhan: pinabilis na pagbulusok tungo sa pagkawasak at kaguluhan. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga nais na ipaglaban ang ibang kinabukasan na pumunta sa pulong na ito at makipagtalakayan sa amin.
Ang pangunahing lenggwahe ng pulong ay English, pero may mga paraan din kami na maisalin kaagad sa ibang leggwahe. Kung nais ninyong lumahok, sumulat sa amin sa [email protected] [1], na magsabi kung masaya kayo na sundan at magbahagi sa English o i-partikularisa anong ibang lenggwahe ang hiyang sa inyo na gamitin.
Petsa at oras: 16 Nobyembre 2024, 2pm-5pm oras sa UK
Source: The global implications of the US elections | International Communist Current (internationalism.org) [2]
Si Trump ay bumalik sa White House matapos ang landslide na panalo sa halalan ng pagkapangulo. Sa mata ng kanyang mga tagasuporta, siya ay isang hindi matatalo na bayani ng Amerika, nangibabaw sa bawat balakid: ang 'madayang eleksyon', ang 'panggigipit ng hudikatura', ang pagkapoot ng 'establisyemento' at kahit... mga bala! Ang imahe ng isang mahimalang Trump, ang kanyang tainga na dumudugo at ang kanyang kamao itinaas pagkatapos siyang barilin, ay nakatala na sa kasaysayan. Ngunit sa likod ng paghanga na pinukaw ng kanyang reaksyon, ang pag-atake na ito ay higit sa lahat ang pinaka kagila-gilalas na pagpapahayag ng isang kampanya sa eleksyon na umabot sa mga bagong rurok ng karahasan, poot at kawalang katwiran. Ang pambihirang kampanyang ito, nagbubuga ng pera at napuno ng mga kalaswaan, tulad ng konklusyon nito, ang tagumpay ng isang megalomaniac at istupidong bilyonaryo, ay sumasalamin sa kailaliman kung saan lumulubog ang burges na lipunan.
Lahat ng kasamaan ng tao ay nasa kay Trump: siya ay isang absolutong bastardo, sinungaling at pesimista, bilang racist at misogynist siya ay homophobic. Sa buong kampanya, pinakintab ng internasyonal na midya ang mga panganib ng kanyang pagbabalik sa pwesto laban sa 'demokratikong' institusyon, mga minorya, klima at internasyonal na relasyon: "Pinigil ng mundo ang kanyang paghinga" (Die Zeit), "Isang Amerikanong bangungot" (L'Humanité), "Paano maligtas ang mundo kay Trump?" (Público), "Isang moral na kalamidad" (El País)...
Kaya dapat ba nating pinili si Harris, pinili ang panig ng tinatawag na 'lesser evil' upang harangan ang daan patungo sa populismo? Iyan ang gusto ng burgesya na paniwalaan natin. Sa loob ng ilang buwan, ang bagong Pangulo ng Estados Unidos ay nasa sentro ng pandaigdigang kampanyang propaganda laban sa populismo[1] [3]. Ang "nakangiti" na si Kamala Harris ay patuloy na nanawagan para sa pagtatanggol ng "demokrasya ng Amerika", na naglalarawan sa kanyang kalaban bilang isang 'pasista'. Kahit na ang dating chief of staff ni Trump ay mabilis na inilarawan siya bilang isang "magiging diktador". Ang tagumpay ng bilyonaryo ay ginatungan lamang ang nakakalitong kampanyang ito pabor sa burges na 'demokrasya'.
Maraming mga botante ang nagpunta sa istasyon ng botohan na nag-iisip: 'Ang mga Demokrata ay nagbigay sa amin ng kahirapan sa loob ng apat na taon, ngunit hindi pa rin ito magiging kasing sama tulad ni Trump sa White House'. Ito ang ideya na laging pinipilit ng burgesya na ilagay sa ulo ng mga manggagawa upang itulak sila na bomoto. Ngunit sa dekadenteng kapitalismo, ang eleksyon ay isang balatkayo, isang maling pagpili na walang ibang papel kundi ang hadlangan ang pagmuni-muni ng uring manggagawa sa mga makasaysayang layunin nito at sa paraan ng pagkamit nito.
Ang halalan sa Estados Unidos ay hindi abswelto sa katotohanang ito. Kung si Trump ay nanalo nang napakalaki, ito ay pangunahin dahil kinamumuhian ang mga Demokrata. Taliwas sa imahe ng isang 'Republican wave', hindi umakit si Trump ng napakalaking suporta. Nanatiling medyo matatag ang bilang ng kanyang mga botante kumpara sa nakaraang halalan noong 2020. Higit sa lahat si Bise- Presidente Harris na, bilang tanda ng pagkasira ng reputasyon ng mga Demokrata, ang nagdusa ng pagkatalo, na nawalan ng kulang-kulang 10 milyong botante sa loob ng apat na taon. At may magandang dahilan! Ang administrasyong Biden ay nagsagawa ng mabangis na pag-atake sa kalagayan ng pamumuhay at pagtatrabaho ng uring manggagawa, na nagsimula sa implasyon, na naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng pagkain, gasolina at pabahay. Pagkatapos ay nagkaroon ng isang malaking alon ng mga redundancies at kawalan ng seguridad sa trabaho, na nauwi sa itulak ang mga manggagawa upang lumaban sa malawak na saklaw[2] [4]. Sa imigrasyon, sila Biden at Harris, na inihalal sa pangako ng isang 'mas makataong' patakaran, ay patuloy na hinigpitan ang mga kondisyon para sa pagpasok sa Estados Unidos, na napunta pa sa pagsara sa hangganan ng Mexico at tahasang ipinagbawal ang mga migrante kahit sa paghingi ng asylum. Sa internasyonal na entablado, ang walang pigil na militarismo ni Biden, magarbong pagpondo ng mga masaker sa Ukraine at halos hindi kritikal na suporta sa mga pang-aabuso ng hukbong Israeli na ikinagalit din ng mga botante.
Ang kandidatura ni Harris ay hindi maaaring magbigay ng anumang ilusyon, tulad ng nakita natin sa nakaraan kay Obama at, sa mas mababang antas, kay Biden. Walang aasahan ang proletaryado sa eleksyon o sa mga burges na kapangyarihan na: hindi ito o yaong pangkatin na nasa kapangyarihan ang nagkaroon ng ‘maling pangangasiwa’, kundi ang kapitalistang sistema na nalulubog sa krisis at istorikal na pagkabangkarote. Demokrata man o Republikano, lahat sila ay patuloy na walang habas na magsasamantala sa uring manggagawa at magpalaganap ng kahirapan habang lumalalim ang krisis; Lahat sila ay patuloy na magpataw ng mabangis na diktadura ng burges na estado at mambomba sa mga inosenteng tao sa buong mundo!
Ang pinaka responsableng mga paksyon ng aparato ng estado ng Amerika (karamihan sa media at senior civil servants, ang komand ng militar, ang pinaka moderatong paksyon ng partidong Republikano, atbp) ay ginawa ang lahat upang pigilan ang pagbabalik ni Trump at ng kanyang pangkat sa White House. Hindi sapat ang pagbaha ng mga kaso, ang mga babala ng halos bawat eksperto sa bawat larangan at maging ang walang humpay na pagsisikap ng media na laitin ang kandidato upang matigil ang kanyang karera para sa kapangyarihan. Ang panalo ni Trump ay isang tunay na sampal sa mukha, isang palatandaan na ang burgesya ay lalong nawawalan ng kontrol sa kanyang elektoral na laro at hindi na kayang pigilan ang isang iresponsableng manggugulo mula sa pag-akyat sa pinakamataas na tanggapan ng estado.
Hindi na bago ang realidad ng paglakas ng populismo: ang boto para sa Brexit sa 2016, na sinundan ng parehong taon ng sorpresang tagumpay ni Trump, ay ang una at pinaka kagila-gilalas na mga palatandaan nito. Ngunit ang lumalalim na krisis ng kapitalismo at ang lumalaking kawalan ng kapangyarihan ng mga estado na kontrolin ang sitwasyon, maging geo-estratehiko, pang-ekonomiya, kapaligiran o panlipunan, ay nagsilbi lamang upang palakasin ang instabilidad ng pulitika sa buong mundo: nakabitin na mga parlyamento, populismo, tensyon sa pagitan ng mga pangkating burges, instabilidad ng pamamahala... Ang mga penomena na ito ay nagpatotoo sa isang proseso ng pagkawasak na ngayon ay nagpatakbo sa sentro ng pinakamalakas na mga estado ng mundo. Ang kalakaran na ito ay nagbigay daan sa isang baliw na tulad ni Milei na naging pinuno ng estado sa Argentina, at ang mga populista na umupo sa kapangyarihan sa maraming mga bansa sa Europa, kung saan ang burgesya ay ang pinaka may karanasan sa mundo.
Ang tagumpay ni Trump ay bahagi ng prosesong ito, ngunit nagmamarka rin ng isang makabuluhang karagdagang hakbang. Kung si Trump ay itinakwil ng malaking bahagi ng makinarya ng estado, ito ay higit sa lahat dahil ang kanyang programa at mga pamamaraan ay mapaganganib na hindi lamang makapinsala sa interes ng imperyalismong US sa mundo, kundi pati mas dagdag rin na kahirapan ng estado na tiyakin ang balatkayo na panlipunang pagkakaisa na kinakailangan para sa paggana ng pambansang kapital. Sa panahon ng kampanya, gumawa si Trump ng isang serye ng mga nagpapaalab na talumpati, na muling nagsindi higit kailanman sa mapaghiganti na diwa ng kanyang mga tagasuporta, maging pagbabanta sa mga 'demokratikong' institusyon na lubhang kailangan ng burgesya para ideolohikal na kontrolin ang uring manggagawa. Patuloy niyang pinalakas ang pinakaatrasado at puno-ng-galit na retorika, na nagbanta ng multo ng mga riot kung hindi siya mahalal. At hindi niya kailanman pinag-isipan ang mga epekto ng kanyang mga salita sa pundasyon ng lipunan. Ang matinding karahasan ng kampanyang ito, kung saan ang mga Demokrata ay responsable rin sa maraming aspeto, ay walang alinlangang magpapalalim sa mga dibisyon sa populasyon ng Amerika at makadagdag lamang sa dati ng mataas na karahasan sa isang lipunang malaki na ang pagkawatak-watak. Ngunit si Trump, sa mapangwasak na lohika nito na siyang lumalakas na katangian ng kapitalistang sistema, ay handang gawin ang lahat upang manalo.
Noong 2016, relatibong hindi inaasahan ang tagumpay ni Trump, kahit siya mismo, nagawa ng burgesyang Amerikano na makapaghanda sa pamamagitan ng paglagay sa gobyerno at sa administrasyon ng mga personalidad na may kakayahang magbigay ng preno sa mga pinaka baliw na desisyon ng bilyonaryo. Ang mga taong kalaunan ay inilarawan ni Trump bilang "mga traydor" ay, halimbawa, ay nagawang pigilan ang pagpawalang-bisa ng sistema ng proteksyon sa lipunan (Obamacare) o ang pambobomba sa Iran. Nang sumiklab ang Covid pandemic, nagawa rin ng kanyang bise presidente na si Mike Pence na pamahalaan ang krisis sa kabila ng paniniwala ni Trump na ang pag-injection ng disinfectant sa baga ay sapat na upang gamutin ang sakit... Ito rin ang Pence na tumutol kay Trump sa harap ng publiko sa pamamagitan ng pagtiyak ng paglipat ng kapangyarihan kay Biden habang nagmartsa ang mga rioters sa Capitol. Mula ngayon, kahit na ang General Staff ng hukbo ay nanatiling sobrang tutol kay Trump at gagawin pa rin ang lahat ng makakaya nito upang maantala ang kanyang pinakamasamang desisyon, inihanda ng pangkat ng bagong Pangulo ang sarili sa pamamagitan ng pag-alis ng mga "traydor" at naghahanda na mamahala ng mag-isa laban sa lahat, na nagbigay sa atin ng mas magulong hinaharap kaysa sa nauna.
Sa panahon ng kampanya, ipinakita ni Trump ang kanyang sarili bilang isang tao ng 'kapayapaan', na nagsasabing tataposin niya ang digmaan sa Ukraine "sa loob ng 24 na oras". Ang kanyang gana para sa kapayapaan ay malinaw na tumitigil sa mga hangganan ng Ukraine, dahil kasabay nito ay nagbigay siya ng walang kundisyong suporta sa mga masaker na ginawa ng estado ng Israel at naging napaka mapamuksa sa Iran. Sa totoo lang, wala talagang nakakaalam kung ano ang gagawin (o kayang gawin) ni Trump sa Ukraine, sa Gitnang Silangan, Asya, Europa o sa NATO, kaya palagi siyang pleksible at pabagu-bago.
Sa kabilang banda, ang kanyang pagbabalik ay magmarka ng isang walang kapares na pagbilis ng instabilidad at kaguluhan sa mundo. Sa Gitnang Silangan, iniisip na ni Netanyahu na, sa tagumpay ni Trump, kumpara sa nakaraan ay mas malaya na siya magmula ng pumutok ang ang labanan sa Gaza. Ang Israel ay maaaring maghangad na makamit ang mga estratehikong layunin nito (pagdurog sa Hezbollah, Hamas, digmaan sa Iran, atbp) sa isang mas mas direktang komprontasyon na paraan, sa pagpalaganap ng mas maraming barbarismo sa buong rehiyon.
Sa Ukraine, pagkatapos ng patakaran ni Biden na humigit-kumulang kalkuladong suporta, nasa peligro na magkaroon ng dramatikong pagbabago sa digmaan. Hindi tulad sa Gitnang Silangan, ang patakaran ng US sa Ukraine ay bahagi ng isang maingat na planadong diskarte upang mapahina ang Rusya at ang alyansa nito sa Tsina, at upang palakasin ang mga ugnayan ng mga estado ng Europa sa paligid ng NATO. Maaaring kwestyunin ni Trump ang diskarteng ito at higit pang pahinain ang pamumuno ng Amerika. Magpasya man si Trump na talikuran ang Kiev o 'parusahan' si Putin, ang mga masaker ay hindi maiiwasan na lumaki at marahil ay kumalat lagpas sa Ukraine.
Ngunit ang Tsina ang pangunahing pinagtuunan ng pansin ng imperyalismong US. Ang hidwaan sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina ay nasa sentro ng pandaigdigang sitwasyon, at maaaring paramihin ng bagong Pangulo ang kanyang mga probokasyon, itulak ang Tsina na maging matatag ang reaksyon, halimbawa sa pamamagitan ng pagpilit sa mga kaalyado ng Amerika na Hapon at Korea, na nagpahayag na ng kanilang mga pagkabalisa. At ang lahat ng ito ay sa kabila ng umiiral na digmaang pangkalakalan at proteksyonismo kung saan ang mapanirang epekto sa pandaigdigang ekonomiya ay tinuligsa na ng mga nangungunang institusyong pinansyal sa mundo.
Samakatuwid ang pabago-bago na si Trump ay maaari lamang mas palakasin ang bawat tao para sa kanyang sarili, na magtulak sa lahat ng mga kapangyarihan, malaki at maliit, upang samantalahin ang 'pag-atras' ng Amerikanong pulis upang gamitin ang kanilang sariling baraha ilalim sa klima ng napakalaking kalituhan at lumalaking kaguluhan. Maging ang mga 'kaalyado' ng Amerika ay mas lantaran nang naghahangad na lumayo sa Washington sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabor sa mga pambansang solusyon, kapwa pang-ekonomiya at militar. Ang Pangulo ng Pransya, sa sandaling nakumpirma ang tagumpay ni Trump, ay nanawagan sa mga estado ng European Union na ipagtanggol ang kanilang interes sa harap ng Estados Unidos at Tsina...
Sa konteksto ng krisis pang-ekonomiya, sa panahong muling nakuha ng proletaryado ang mapanlabang diwa sa pandaigdigang saklaw at unti-unting muling natuklasan ang makauring identidad nito, malinaw na hindi ang pangkatin ni Trump, sa mata ng burgesyang Amerikano, ang pinakamainam na angkop para pamahalaan ang makauring pakikibaka at itulak ang mga atake na kailangan ng kapital. Sa pagitan ng kanyang lantarang pagbabanta ng panunupil laban sa mga welga at ang kanyang mala-bangungot na pakikipagtulungan sa isang tao na lantarang anti-manggagawa tulad ni Elon Musk, ang bilyonaryo na may pawalis na pahayag sa panahon ng kamakailan lang na welga sa Estados Unidos (Boeing, dockers, hotels, cars, atbp) ay banta ng paglala ng sitwasyon na ikinabahala ng burgesya. Ang pangako ni Trump na maghiganti sa mga empleyado ng estado, na itinuturing niyang kaaway, sa pamamagitan ng pagtanggal ng 400,000 sa kanila, ay banta din ng problema pagkatapos ng eleksyon.
Ngunit isang pagkakamali na isipin na ang pagbabalik ni Trump sa White House ay maghihikayat ng makauring pakikibaka. Kabaliktaran nito, ito ay tunay na pagkabigla. Ang patakaran ng dibisyon sa pagitan ng mga grupong etniko, sa pagitan ng mga naninirahan sa lungsod at kanayunan, sa pagitan ng mga nagtapos at hindi nagtapos ng kolehiyo, ang lahat ng karahasan at poot na nabuo ng kampanya sa halalan at kung saan si Trump ay patuloy na mag-surf, laban sa mga itim, laban sa mga imigrante, laban sa mga homosekswal o transgender na tao, ang lahat ng mga irasyunal na galit na pananalita ng mga ebanghelikal at iba pang mga conspiracy theorists, sa maikling salita ang buong gulo ng pagkabulok, ay mas mabigat ang epekto sa mga manggagawa, lilikha ng malalim na pagkahati-hati at maging marahas na mga pampulitikang komprontasyon sa mga grupong populista o anti-populista.
Walang dudang makakaasa ng tulong ang administrasyong Trump sa mga kaliwang paksyon ng burgesya, simula sa mga 'sosyalista', na mag-uudyok ng lason ng pagkahati-hati at tiyaking hadlangan ang pakikibaka ng mga manggagawa. Matapos mangampanya kapwa para kina Clinton, Obama, Biden at Harris, walang-kurap na inakusahan ni Bernie Sanders ang mga Demokratiko na "tinalikuran ang uring manggagawa", na para bang may kinalaman sa uring manggagawa ang partidong militarista, mamamatay-ng-proletaryado, na madalas na nasa kapangyarihan mula pa noong ika-19 siglo! Nang muling mahalal siya sa Kongreso, nangako ang kaliwang-Demokrata na si Ocasio-Cortez na gagawin niya ang lahat para hatiin ang uring manggagawa sa "mga komunidad": "Ang aming kampanya ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng mga boto, ito ay tungkol sa pagbibigay sa amin ng paraan upang bumuo ng mas malakas na mga komunidad".
Ngunit may lakas ang uring manggagawa na lumaban sa kabila ng mga bagong balakid na ito. Habang ang todo-bwelo ang kampanya, at sa kabila ng mga nakakasirang paratang na nilalaro ng mga populista, patuloy na lumaban ang mga manggagawa laban sa austerity at redundancy. Sa kabila ng pagbubukod na ipinataw ng mga unyon, sa kabila ng napakalaking propaganda ng Demokrata, sa kabila ng bigat ng mga pagkakahati, ipinakita nila na ang pakikibaka lamang ang sagot sa krisis ng kapitalismo.
Higit sa lahat, hindi nag-iisa ang mga manggagawa sa Estados Unidos! Ang mga welgang ito ay bahagi ng konteksto ng pandaigdigang paglaban at mas matinding repleksyon na nagaganap mula noong tag-init ng 2022, nang ang mga manggagawa sa Britanya, matapos ang ilang dekadang pagsuko, ay galit na sumisigaw, "Tama na!", na umalingawngaw at patuloy na umalingawngaw sa buong uring manggagawa!
EG, 9 Nobyembre 2024
[1] [5] The future of humanity lies not in the ballot box, but in the class struggle! [6], World Revolution 401
[2] [7] Strikes in the United States, Canada, Italy... For three years, the working class has been fighting against austerity [8], published on the ICC website (2024).
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17586/trumps-triumph-united-states-giant-step-forward-decomposition-capitalism [9]
International Communist Current para sa:
30 Agosto 2024
Mga kasama,
Kalakip dito ang panukalang apela ng Kaliwang Komunista laban sa napakalaking internasyonal na kampanya ngayon bilang pagtatanggol sa demokrasya laban sa populismo at dulong kanan. Lahat ng grupo ng Kaliwang Komunista ngayon, sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa isa't isa, ay nagmula sa isang natatanging pampulitikang tradisyon na nagtakwil sa maling mga pagpipiliang pamamahala na ginagamit ng burgesya upang itago ang permanenteng diktadura nito at upang idiskaril ang uring manggagawa mula sa sariling tereyn ng pakikibaka. Kaya mahalaga na ang mga grupong ito ay magbigay ng nagkakaisang pahayag ngayon bilang pinakamatibay na posibleng sanggunian para sa tunay na pampulitikang interes at pakikibaka ng proletaryado at malinaw na alternatibo sa ipokritong kasinungalingan ng kaaway sa uri.
Mangyaring tumugon nang mabilis sa sulat at panukala na ito. Pansinin na ang mga pormulasyon ng panukalang apela ay maaaring talakayin at baguhin sa loob ng balangkas ng pangunahing batayan nito.
Umaasa sa inyong tugon.
Komunistang pagbati
Ang ICC
Para sa walang habas na pakikibaka ng uring manggagawa laban sa despotismo ng uring kapitalista
Laban sa makamandag na pagpili sa pandaraya ng burges na demokrasya
Sa loob ng nagdaang ilang buwan ang pandaigdigang mass media – na pag-aari, kontrolado at dinidiktahan ng uring kapitalista - ay abala sa karnabal ng eleksyon na nagaganap sa France, pagkatapos Britain, sa ibang bahagi ng mundo tulad ng sa Venezuela, Iran at India, at ngayon mas higit pa sa Estados Unidos.
Ang nangingibabaw na tema ng propaganda tungkol sa mga karnabal sa halalan ay ang pagtatanggol sa mapagkunwaring demokratikong pamamahala ng kapitalistang paghari. Isang pagkukunwari na dinisenyo upang itago ang katotohanan ng imperyalistang digmaan, ang paghihirap ng uring manggagawa, ang pagkasira ng kapaligiran, ang pag-usig sa mga refugee. Ito ang demokratikong dahon ng igos na nagtatakip sa diktadura ng kapital alinman sa iba't ibang partido nito - kanan, kaliwa, o sentro - ang uupo sa kapangyarihang pampulitika sa burges na estado.
Ang uring manggagawa ay hinihiling na gumawa ng maling pagpili sa pagitan ng isa o iba pang kapitalistang pamahalaan, ito o yaong partido o pinuno, at, mas higit pa ngayon, na pumili sa pagitan ng mga nagpapanggap na sumusunod sa itinatag na demokratikong mga protocol ng burges na estado at ang mga taong, tulad ng populistang kanan, na itinuturing ang mga pamamaraang ito nang may bukas, sa halip na mga nakatago, na paghamak sa mga liberal na demokratikong partido.
Gayunman, sa halip na isang araw sa bawat ilang taon ay piliin kung sino ang 'kakatawan' at susupil sa kanila, kailangang magpasiya ang uring manggagawa sa pagtatanggol sa sariling makauring interes sa sahod at kalagayan at may perspektiba sa pagkamit ng sariling kapangyarihang pampulitika – mga layunin na ang kulay at pagsigaw sa demokrasya ay dinisenyo upang idiskaril at magmukhang imposible ang mga ito.
Anuman ang resulta ng halalan, sa mga ito at sa ibang bansa, mananatili at lalala ang parehong kapitalistang diktadura ng militarismo at kahirapan. Sa Britanya, isang halimbawa, kung saan ang sentro-kaliwa na Labour Party ay kamakailan pinalitan ang isang impluwensyado ng populismo na pamahalaan ng Tory, ang bagong punong ministro ay hindi nag-aksaya ng oras sa pagpapatibay ng paglahok ng burgesyang British sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine at pagpapanatili at pagpapatalim ng umiiral na pagbawas sa panlipunang sahod ng uring manggagawa upang makatulong sa pagbabayad para sa naturang mga imperyalistang pakikipagsapalaran.
Sino ang mga pwersang pampulitika na aktwal na nagtatanggol sa tunay na interes ng uring manggagawa laban sa dumaraming pag-atake na nagmumula sa uring kapitalista? Hindi ang mga tagapagmana ng mga partidong Sosyal Demokratiko na nagbenta ng kanilang kaluluwa sa burgesya noong Unang Digmaang Pandaigdig, at kasama ang mga unyon na nagpapakilos sa uring manggagawa para sa multi-milyong patayan sa mga trensera. Ni ang natitirang mga tagapagtanggol ng Stalinistang 'Komunistang' rehimen na nagsakripisyo ng sampu-sampung milyong manggagawa para sa imperyalistang interes ng bansang Rusya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ni Trotskyismo o ang opisyal na agos ng Anarkismo, na, sa kabila ng ilang eksepsiyon, ay nagbigay ng kritikal na suporta para sa isa o iba pang panig sa imperyalistang patayan na iyon. Ngayon ay nakapila ang mga supling ng mga pwersang pampulitika ng huli, sa 'kritikal' na paraan sa likod ng liberal at kaliwang burges na demokrasya laban sa populistang kanan upang makatulong sa pagdemobilisa sa uring manggagawa.
Tanging ang Kaliwang Komunista, na iilan lamang sa kasalukuyan, ang nanatiling tapat sa independyenteng pakikibaka ng uring manggagawa sa nakalipas na daang taon. Sa rebolusyonaryong alon ng mga manggagawa noong 1917-23 ang pampulitikang tendensya na pinamunuan ni Amadeo Bordiga, na nangibabaw sa Partido Komunistang Italyano noon, ay tumanggi sa maling pagpili sa pagitan ng mga pasista at anti-pasistang partido na magkasamang nagsikap upang marahas na durugin ang rebolusyonaryong pag-alsa ng uring manggagawa. Sa kanyang tekstong "Ang Demokratikong Prinsipyo" ng 1922 inilantad ni Bordiga ang kalikasan ng demokratikong mito sa paglilingkod sa kapitalistang pagsasamantala at pagpatay.
Noong dekada ng 1930 tinuligsa ng Kaliwang Komunista ang kaliwa't kanan, pasista at anti-pasistang paksyon ng burgesya habang inihahanda ng huli ang darating na madugong imperyalistang masaker. Nang dumating nga ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang tendensyang ito lamang ang nakahawak sa isang internasyunalistang posisyon, na nanawagan na gawing digmaang sibil ang imperyalistang digmaan laban sa buong uring kapitalista sa bawat bansa. Tinanggihan ng Kaliwang Komunista ang malupit na pagpili sa pagitan ng demokratiko o pasistang malawakang patayan, sa pagitan ng kalupitan ng Auschwitz o ng Hiroshima.
Kaya naman, ngayon, sa harap ng panibagong kampanya ng mga maling pagpili na ito ng mga kapitalistang rehimen na gawing linya ng uring manggagawa ang liberal na demokrasya o kanang populismo, sa pagitan ng pasismo at anti-pasismo, ang iba't ibang ekspresyon ng Kaliwang Komunista, anuman ang iba pa nilang pagkakaiba sa pulitika, ay nagpasyang gumawa ng nagkakaisang apela sa uring manggagawa:
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17572/appeal-communist-left-working-class-against-international-campaign-mobilise-bourgeois [10]
Nitong nakaraang mga buwan maraming mga bansa sa Uropa ang nagdaos ng kani-kanilang mga eleksyon. At sa darating na Nobyembre 2024 ay magaganap ang pambansang halalan sa Amerika, ang numero unong imperyalistang kapangyarihan sa mundo at balwarte ng burges na demokrasya.
Lahat ng paksyon ng burgesya – kanan, dulong-kanan, populista, kaliwa at dulong-kaliwa – ay nagtulong-tulong upang himukin ang pinakamaraming manggagawa at mamamayan na bomoto.
Sa Pilipinas, sa susunod na taon (2025) ay idadaos ang mid-term elections at sa 2028 ang pambansang halalan kung saan kabilang ang posisyon ng Presidente at Bise-Presidente. Pero ngayon pa lang ay naghahanda na ang lahat ng paksyon ng burgesya kasama na ang Kaliwa para dito.
Katulad ng ginagawa ng burgesya sa buong mundo, ginagawa ng burgesyang Pilipino ang lahat, kakutsaba ang Kaliwa at Kanan na mobilisahin ang uring manggagawa at mahirap na mamamayan na bomoto. Subalit, mas matindi ang kabulukan ng eleksyon sa Pilipinas dahil halos patay ang “party system”. Ang bulok na pulitika sa bansa ay dominado at kontrolado ng malalaking pampulitikang angkan sa pangunguna ng angkang Marcos at Duterte. Ang pampulitikang tunggalian ng dalawang malalaking paksyon na ito ang humuhugis sa halalang 2025 at 2028. Nais ng naghaharing uri na pag-away-awayin ang mga manggagawa sa isyung “maka-Duterte” at “maka-Marcos” para itago ang dilat na katotohanan na anumang paksyon ng naghaharing uri ay mortal na kaaway ng proletaryado. Dagdag pa, ang sentral na isyu kung saan pinalalakas ng naghaharing paksyon ay ang isyung “maka-Tsina” at “maka-Pilipinas”, “pasismo” at “demokrasya”. Ang mga makauring isyu ng masang manggagawa ay ginawa lang palamuti at pang-engganyo sa kanila para suportahan ang isang paksyon ng burgesya laban sa karibal nito.
Sa madaling sabi, nais ng kaaway sa uri na hati-hatiin at mas pahinain ang pagkakaisa ng proletaryado laban sa kapitalismo gamit ang ideolohiya ng burgesya: nasyunalismo at demokrasya. Nais ng uring kapitalista na ang tanging pagpipilian lang ng masang manggagawa ay kung alin sa magkaribal na malalaking paksyon ng mapagsamantalang uri ang “mas makabayan” at “mas demokratiko” o kaya “laban sa pagmamahal sa bansa” at “laban sa demokrasya”.
Ang artikulo sa ibaba ay ang marxistang pagsusuri sa tunay na esensya at kawalang kabuluhan ng eleksyon para sa tunay na pagbabago sa lumalalang hirap na kalagayan ng uring manggagawa at iba pang pinagsamantalahang uri ng kapitalistang sistema. Hindi eleksyon ang solusyon kundi internasyunal na rebolusyon ng uring manggagawa para ibagsak ang kapitalistang moda ng produksyon at palitan ng komunistang sistema.
Para sa mga nagsusuring elemento sa Pilipinas, kailangang suriin kung may kabuluhan pa ba ang burges na eleksyon para sa pakikibaka ng uring manggagawa.
INTERNASYONALISMO
seksyon ng IKT sa Pilipinas
Agosto 4, 2024
**********************************
Sa Britanya, tulad ng sa Pransya, EU at nalalapit na eleksyon sa USA, todo-bwelo na ang palabas ng halalan. Maglathala kami ng iba't ibang artikulo na sumusuri sa mga implikasyon ng mga ito at iba pang eleksyon bilang pagpapahayag ng lumalaking pagkawala ng kontrol ng burgesya sa makinarya nito sa pulitika. Ngunit una ay nais naming muling pagtibayin ang batayang makauring posisyon na binuo lalo na ng Kaliwang Komunista mula nang pumasok ang kapitalismo sa kanyang panahon ng pagbagsak sa mga unang taon ng ika-20 siglo: na taliwas sa propaganda ng naghaharing uri, hindi mapipigilan ng eleksyon o parliyamento ang pagbulusok ng sistemang ito tungo sa krisis pang-ekonomiya, digmaan at pagsira sa sarili.
*******************************************************
Nais ng burgesya na bomoto tayo
Ang mga argumento na iniharap ng mga partidong pampulitika o mga kandidato upang kumbinsihin ang mga botante na iboto sila ay sa pangkalahatan ay masusuma sa: ang elekyon ay panahon kung saan ang mga mamamayan ay nahaharap na pipili kung saan nakasalalay ang pag-unlad ng lipunan at, dahil dito, ang kanilang kalagayan sa pamumuhay sa hinaharap. "Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at pantay pantay sa karapatan", ipinapahayag ng Universal Declaration of Human Rights. Salamat sa demokrasya, sinabi sa atin, ang bawat mamamayan ay may parehong pagkakataon na lumahok sa mga pangunahing pagpipilian sa lipunan. Gayunpaman, sa totoo lang, hindi ito ang kaso, dahil ang lipunan ay nahahati sa mga uri ng lipunan na may mga antagonistikong interes. Isa sa kanila, ang burgesya, ay sa kabuuan nagsasagawa ng dominasyon sa lipunan sa pamamagitan ng pag-aari nito ng kayamanan at, salamat sa estado nito, sa buong demokratikong aparato, sa media, atbp. Sa gayon ay maaari nitong ipataw ang kaayusan, ideya at propaganda nito sa uring manggagawa at sa lahat ng inaapi. Sa kabilang banda, ang uring manggagawa ang tanging uri na, sa pamamagitan ng pakikibaka nito, ay may kakayahang hamunin ang hegemonya ng burgesya at ng sistema ng pagsasamantala nito.
Sa ganitong kalagayan, lubos na isang ilusyon na isipin na posibleng baguhin ang estado, kabilang na ang mga demokratikong institusyon, upang gamitin sila sa paglilingkod sa pinakamalaking mayoriya ng lipunan. Kaya naman lahat ng partido na naghahanap ng boto ng mga pinagsasamantalahan, na nagsasabing ipinagtatanggol ang kanilang interes, ay nagtutulungan upang mapanatili ang ilusyon na ito. Sa parehong paraan, ang alternatibong "kaliwa-kanan" ay tunay na isang maling pagpipilian dahil dinisenyo ito upang itago ang katotohanan na, sa likod ng elektoral at parliyamentaryong daldalan, tanging ang burgesya lamang ang talagang may kapangyarihan ng desisyon. Ang pagkakaiba ng mga partido ng kaliwa at kanan ay walang kwenta kumpara sa pagkakatulad nila: ang pagtatanggol sa pambansang kapital. Sa paglilingkod ng layuning ito, nagagawa nilang malapitang makipagtulungan, lalo na sa likod ng mga saradong pintuan ng mga komite ng parliyamento at sa pinakamataas na antas ng aparato ng estado. Sa katunayan, ang mga pampublikong debate sa parliyamento ay maliit lamang at kadalasang walang halaga na bahagi ng burges na debate.
Dahil nga sa imposible ang anumang pagbabago sa kalagayan ng pamumuhay ng uring pinagsamantalahan sa pamamagitan ng balota kaya masigasig ang burgesya na kumbinsihin tayo kung hindi man sa pamamagitan ng paghagupit ng mensahe: "oo, posible ang ibang patakaran... kung boboto ka ng maayos".
May impluwensya ba ang resulta ng eleksyon kung lumala o bumuti ba ang sitwasyon ng mga pinagsamantalahan?
Kahit hindi pwedeng gamitin ang balota para magtatag ng lipunan kung saan talagang matutugunan ang pangangailangan ng tao, hindi ba't may mga pagpapabuti sa kalagayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng eleksyon? Mas disente pa rin, hindi ba ang isang partikular na pagpipilian sa halalan ay gagawing posible na limitahan ang mga pag-atake sa hinaharap?
Kung, sa loob ng halos isang siglo, walang eleksyon na humantong sa tunay na pag-unlad ng lipunan, ito ay dahil ang mga pagpipilian sa lipunan ay hindi na nakabase sa resulta ng eleksyon. Ang paglala sa kalagayan ng pamumuhay ng uring manggagawa ay unang nakabase sa lalim ng krisis ng kapitalismo at sa kakayahan ng bawat pambansang burgesya na bayaran ito ng pinagsamantalahan, upang ipagtanggol ang kakayahang makigkompitensya ng pambansang kapital sa pandaigdigang arena. Ito ang dahilan kung bakit tanging ang pagputok ng makauring pakikibaka ang may kakayahang hadlangan ang mga pag-atake ng burgesya at igiit ang interes ng proletaryado.
Ito rin ang dahilan kung bakit laging burgesya ang nananalo sa eleksyon at ang mga proletaryo ay wala, absolutong wala, ng maaasahan mula sa palabas na ito. Walang parliyamentaryong pakikibaka, anuman ang anyo, ang may kakayahan, sa kasalukuyang yugto ng buhay ng kapitalismo, na mapabuti ang kalagayan ng uring manggagawa. Ang mga ilusyon ng paksang ito na inaaaliw ng lahat ng sektor ng burgesya ay batay sa isang realidad na ang kapitalismo ay lipas na:
"Sa pasulong na yugto ng kapitalismo, ang parliyamento ang pinakaangkop na anyo para sa organisasyon ng burgesya. Bilang isang partikular na burges na institusyon, hindi ito kailanman naging pangunahing arena para sa aktibidad ng uring manggagawa at ang paglahok ng proletaryado sa aktibidad ng parliyamentaryo at mga kampanyang elektoral ay naglalaman ng maraming tunay na panganib, na laging nagbabala ang mga rebolusyonaryo noong nakaraang siglo sa uri. Gayunman, sa panahong wala pa sa agenda ang rebolusyon at kaya pang makakuha ng proletaryado ng mga reporma mula sa loob ng sistema, dahil sa pakikilahok sa parliyamento, magagamit ito ng uri sa pagsusulong ng mga reporma, paggamit ng mga kampanyang elektoral bilang paraan ng propaganda at ahitasyon para sa proletaryong programa, at gamitin ang parliyamento bilang entablado para tuligsain ang kahihiyan ng burges na pulitika. Ito ang dahilan kung bakit ang pakikibaka para sa unibersal na pagboto ay sa buong ikalabingsiyam na siglo sa maraming bansa ang isa sa pinakamahalagang isyu kung saan inorganisa ng proletaryado.
Nang pumasok ang kapitalistang sistema sa dekadenteng yugto nito, hindi na instrumento ang parliyamento para sa mga reporma. Tulad ng sinabi ng Komunistang Internasyunal sa Ikalawang Kongreso nito: 'Ang sentro-de-grabidad ng pampulitikang buhay ay ganap at pinal na inalis na lampas sa mga hangganan ng parliyamento'. Ang tanging papel na maaaring gawin ng parliyamento mula noon, ang tanging bagay na nagpapanatili sa buhay nito, ay ang papel nito bilang isang instrumento ng mistipikasyon. Sa gayon natapos ang anumang posibilidad na gamitin ng proletaryado ang parliyamento sa anumang paraan. Ang uri ay hindi maaaring makakuha ng imposibleng mga reporma mula sa isang organo na kung saan ay nawala na ang anumang tunay na pampulitikang tungkulin. Sa panahong ang pangunahing tungkulin nito ay wasakin ang lahat ng institusyon ng burges na estado at sa gayon ay parliyamento; sa panahon na kapag kailangan nitong itayo ang sariling diktadura sa mga guho ng unibersal na pagboto at iba pang mga labi ng burges na lipunan, ang paglahok sa mga institusyong parliyamentaryo at elektoral ay maaaring magbigay lamang ng buhay sa bulok na mga institusyong ito, anuman ang intensyon ng mga nagtataguyod ng ganitong uri ng aktibidad". (Plataporma ng IKT)
Paano tayo dapat lumaban? Hiwa-hiwalay sa mga sentro ng botohan o sa pamamagitan ng isang nagkakaisa, kolektibo at napakalaking pakikibaka?
Alam na alam ng burgesya na wala itong dapat ikatakot sa kamulatan ng mga manggagawa kapag sila ay mga pasibong manonood sa mga elektoral na debate na nagtatampok ng mga tunay na propesyunal sa pulitika na walang kinalaman sa interes ng uring manggagawa. Wala rin itong dapat ikatakot sa kanilang pagkilos kapag sila ay nahahati sa napakaraming hiwa-hiwalay na mamamayan sa mga sentro ng botohan. Sa kabilang banda, alam nito na lubusan nitong ikatakot ang kolektibong lakas at nagkakaisang pagkilos ng manggagawa, na ipinahayag sa pamamagitan ng talakayan at organisasyon ng pakikibaka sa lugar ng trabaho, sa pangkalahatang mga pagtitipon at sa mga lansangan. Sa ganitong paraan lamang, at hindi sa pamamagitan ng pasibong pakikinig ng mga talumpati sa halalan at pagmamarka ng iyong balota, na hiwa-hiwalay sa mga sentro ng botohan, tunay na maipahayag lamang ang buhay ng uring manggagawa.
Sa mga pangkalahatang asembliya ng pakikibaka, ang entablado ay ibinabahagi, ang mga debate ay bukas at praternal at, higit sa lahat, ang mga nahalal na delegado ay mababawi. Ang pagpapawalang-bisa ng mga delegado ang paraan kung saan nananatili ang kontrol ng asembliya sa pakikibaka lalo na sa harap ng mga pagtatangka na alisin ito sa kanila ng mga "propesyonal ng pakikibaka", ang mga unyon. Ang eleksyon at pagbawi ng mga delegado ay magtitiyak na ang mga kakatawan sa mga asembliya ay permanenteng produkto ng kanilang pakikibaka. Ang mga karanasan ng napakalaking mobilisasyon ng uring manggagawa, tulad noong 1905 sa Rusya, noong mga taong 1917-23 sa maraming bansa sa kontinente ng Uropa at Amerika, at mas kamakailan lamang sa panahon ng pakikibaka sa Poland noong Agosto 1980, ay ang pinakamagagandang paglalarawan ng katotohanan na ang sandata ng uring manggagawa ay kolektibong pagkilos at hindi ang balota.
Kaya nasa kapasidad ng uring manggagawa na kumilos sa makauring tereyn nito ayon sa sariling paraan ng pakikibaka, para ipagtanggol ang interes nito, laban sa mga atake ng kapital, ang magtatakda ng kapasidad nitong labanan ang mga atake, at hindi ang malawakang pagboto para sa alinmang partido o kandidato sa panahon ng eleksyon.
Walang mapapala ang uring manggagawa sa paglahok sa eleksyon, maliban sa ilusyon!
Hindi lamang ang eleksyon ay hindi paraan ng pakikibaka ng uring manggagawa, kundi pinapayagan din nito ang burgesya na gawing mamamayang botante ang mga manggagawa, palabnawin sila sa masa ng populasyon sa pamamagitan ng paghihiwalay sa kanila sa isa't isa at, sa huli, upang mas maging mahina sila sa propaganda nito.
At dahil ang elektoral at demokratikong mistipikasyon ay isang pangunahing ideolohikal na sandata kaya ginagawa ng burgesya ang lahat ng makakaya nito upang mapanatili at muling maging epektibo sa pamamagitan ng iba't ibang pakana:
Ngayon sa Britanya, isang kamakailang survey ng Office for National Statistics[1] [11] ang nagpakita na maraming kabataan ang hindi boboto sa darating na halalan dahil lumalaki ang pagkadismaya sa mga umiiral na partidong pampulitika. Ipinapakita rin ng parehong survey na ang kawalang interes ay hindi lang ang pangunahing isyu dito: marami sa mga nainterbyu ang nagpahayag ng tunay na pag-alala para sa kanilang kinabukasan at sa hinaharap ng planeta ngunit nagkaroon ng matinding pag-alinlangan kung ang pagboto sa alinman sa mga partido ay magkaroon ng anumang pagbabago. Ito ay isang mahalagang "simula ng karunungan", bagaman patuloy nating nakikita ang pag-usbong ng mga "bagong" partido na nangangako ng tunay na radikal na mga panukala, na naghahangad na mabawi at baluktutin ang naturang mga paunang hakbang sa kamulatan. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng malinaw na pagkaunawa na ang problemang kinakaharap ng uring manggagawa ay hindi lamang ang paghihiganti ng mga pulitiko o ang pagkukunwari ng kanilang mga partido, kundi ang pag-iral ng buong sistema ng produksyon na naging hadlang sa pag-unlad ng sangkatauhan.
WR
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17525/you-cant-change-society-ballot-paper [12]
Ang media ngayon ay sobra-sobrang nagpakita ng mga imahe ng kakila-kilabot na rehimen ni Bashar al Assad (tulad ng nakakatakot na bilangguan ng Saydnaya), habang nagagalak sa mga pagdiriwang ng populasyon dahil 'natapos na ang bangungot'. Ngunit ang kaginhawaan ng pagtatapos ng kasindak-sindak na rehimen na ito ay walang iba kundi isang walang kabuluhang ilusyon. Ang totoo ay ang populasyon (kapwa sa Syria at sa iba pang bahagi ng mundo) ay biktima ng isang bago at kriminal na panlilinlang, isang bagong pagpapakita ng mapanlinlang na pagkukunwari ng naghaharing uri: upang papaniwalain ang mga tao na ang sindak, digmaan at kalungkutan ay tanging responsibilidad ni Assad, isang 'baliw' na kailangang pigilan upang maibalik ang kapayapaan at katatagan.
Sa totoo lang, lahat ng imperyalista, mula sa pinakamaliit na kapangyarihan sa rehiyon hanggang sa mga pangunahing kapangyarihan sa mundo, ay walang hiya na nakibahagi sa kalupitan ng rehimen: Huwag nating kalimutan kung paanong baliktad ang paningin ni Obama, ang 'Nobel Peace Prize winner', noong 2013 nang si Bashar Al Assad ay nagbomba o gumagamit ng poison gas laban sa kanyang populasyon o ilan sa mga 'demokratikong' kapangyarihan, na ngayon ay binabati ang kanilang sarili sa 'pagbagsak ng tirano', ay tumulong sa pamilyang Assad sa loob ng ilang dekada, o kahit na ang kanilang mga personal na kasabwat, upang ipagtanggol ang kanilang mga nakapandidiring interes sa rehiyon. Ang mga pangunahing 'demokrasya' na ito ay muling walang hiya na nagsisinungaling kapag hinahangad nilang pagtakpan ang mga bagong lider ng bansa, na inilarawan bilang 'mga terorista' ilang taon na ang nakalipas: ang mga 'moderates' na ito, na may kakayahang makahanap ng isang 'mapayapa' na paraan bilang solusyon, ay walang iba kundi isang koleksyon ng mga Islamista at mamamatay-tao mula sa hanay ng Al Qaeda o Daesh!
Isang taon na ang nakalipas, nang sumiklab ang digmaan sa Gaza, namahagi kami ng isang polyeto kung saan tinuligsa namin ang paglaganap ng barbaridad dulot ng mga masaker na ito:
“Ang pag-atake ng Hamas at ang reaksyon ng Israel ay may pagkapareho: ang patakaran ng pagwasak at pagdurog. Ang teroristang masaker kahapon at ang karpet na pambobomba ngayon ay maaaring humantong sa walang tunay at pangmatagalang tagumpay. Ang digmaang ito ay nagpalubog sa Gitnang Silangan sa panahon ng destabilisasyon at komprontasyon. Kung patuloy na latiguhin ng Israel ang Gaza at ilibing ang mga naninirahan dito sa ilalim ng mga guho, may panganib na masunog din ang West Bank, hahatakin ng Hezbollah ang Lebanon sa digmaan, at sa huli ay direktang masangkot ang Iran....Habang ang pang-ekonomiya at mala-digmaan na kumpetisyon sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos ay mas lalong maging brutal at mapang api, ang ibang mga bansa ay hindi yumuko sa mga utos ng kahit kaninong sa dalawang higanteng ito; naglalaro sila ng kanilang sariling laro, sa kaguluhan, instabilidad at kaligaligan. Sinalakay ng Russia ang Ukraine salungat sa payo ng mga Tsino. Dinudurog ng Israel ang Gaza salungat sa payo ng Amerika. Ang dalawang alitang ito ay nagpahiwatig ng panganib ng kamatayan na nagbabanta sa buong sangkatauhan: ang pagdami ng mga digmaan na ang tanging layunin ay destabilisasyon o durugin ang kaaway; walang katapusang kadena ng mga di-makatwiran at nihilistikong mga aksyon; bawat tao para sa kanyang sarili, kasingkahulugan ng hindi mapigilan na kaguluhan”[1] [15].
Ang parang kidlat na opensiba ng mga jihadists at sa likod nila ay ang iba't ibang mga pwersa tulad ng HTS at ang Syrian National Army (SNA) ay sinamantala ang lumalaking kaguluhan sa rehiyon: Si Assad at ang kanyang tiwaling rehimen ay nakabitin sa alanganin dahil ang hukbo ng Russia, na natali sa Ukraine, ay wala na sa kapasidad upang suportahan siya, at ang Hezbollah, na nasangkot sa pakikidigma nito sa Israel, ay iniwanan ang mga posisyon nito sa Syria. Sa kaguluhan ng patuloy na barbarismo sa Syria, ang koalisyon ng mga desperadong milisya ay nagawang sumugod sa Damascus nang walang gaanong pagtutol. Ang nasaksihan natin ngayon sa Syria, tulad kahapon sa Lebanon at Ukraine, ay ang paglaganap at paglakas ng mga mapangwasak at mapangdurog na digmaan kung saan wala ni isa sa mga magkatunggali ang nakakuha ng matibay na posisyon, pangmatagalang impluwensya o matatag na alyansa, sa halip ay nagpapalakas sa walang puknat na kaguluhan.
Sino ang makapag-angkin na nakakuha ng solidong tagumpay? Ang bagong rehimen ng Syria ay nahaharap na sa isang sitwasyon ng pagkapira-piraso at dislokasyon na kahalintulad ng post-Gaddafi Libya. Ang pagbagsak ng rehimeng Assad ay isa ring malaking dagok sa Iran, na nawalan ng isang mahalagang kaalyado sa panahong nauubos ang Hamas at Hezbollah. Samantala nakikinita na ng Russia na mawawala ang mga mahahalagang base militar nito sa Mediterranean at kasabay ng pagkawala ng kredibilidad nito sa pagtatanggol sa mga kaalyado nito... Kahit na ang mga tulad ng Israel o Estados Unidos, na maaaring natutuwa na makita ang pagdating ng mga bago, mas mapagkasundo na mga panginoon sa Damascus, ay walang relatibong tiwala sa kanila, tulad ng ipinapakitang mga pambobomba ng Israel upang wasakin ang mga arsenal at pigilan ang mga ito na mapunta sa mga kamay ng bagong rehimen. Ang Turkey, na lumilitaw na pangunahing benepisyaryo ng pagbagsak ni Assad, ay alam din na kailangan nitong harapin ang lumalaking suporta ng US sa mga Kurd at sa mas magulong sitwasyon sa mga hangganan nito. Ang 'pagbagsak ng tirano' ay walang ibang ipinangako kundi ang mas maraming digmaan at kaguluhan!
Kung ang mga kaguluhan, teror at masaker ay tunay ngang gawa ng mga naghahari sa mundong ito, ng burgesya, na parehong awtoritaryan at demokratiko, higit sa lahat ang mga ito ay bunga ng lohika ng dekadenteng kapitalismo. Ang kapitalismo ay pawang kumpetisyon, pandarambong at digmaan. Ang katotohanan na ang digmaang ito ay kumakalat ngayon sa mas maraming bahagi ng mundo, na nagdulot ng walang kwentang pagkawasak at maramihang pagpatay, ay ekspresyon ng makasaysayang pagtigil na siya mismong kinakaharap ng kapitalistang sistema. Sa okasyon ng digmaan sa Gaza ay sinulat namin: "Anoman ang gagawin, hindi na maiwasan ang dinamismo tungo sa destabilisasyon. Kaya, ito ay isang makabuluhang bagong yugto sa pagbilis ng pandaigdigang kaguluhan. Ang tunggaliang ito ay nagpakita ng lawak ng naabot kung saan ginagawa ng bawat estado ang "pagwasak at pagdurog" upang ipagtanggol ang mga interes nito, na naghahangad hindi upang makakuha ng impluwensya o makakuha ng benepisyo, kundi upang maghasik ng kaguluhan at pagwasak sa mga karibal nito. Ang tendensyang ito tungo sa estratehikong irasyonalidad, kakitiran ng pananaw, hindi matatag na alyansa at "bawat tao para sa kanyang sarili" ay hindi isang arbitraryong patakaran ng estadong ito o ng estadong iyon, ni produkto ng lubos na kahangalan ng paksyon ng burges na ito o ng paksyon na iyon sa kapangyarihan. Ito ay bunga ng mga kondisyong istorikal, yaong sa dekomposisyon ng kapitalismo, kung saan ang lahat ng estado ay nakipag-away sa isa't isa. Sa pagsiklab ng digmaan sa Ukraine, lubhang pinalala ang makasaysayang tendensiyang ito at ang bigat ng militarismo sa lipunan. Pinatunayan ng digmaan sa Gaza gaano kalawak ang imperyalistang digmaan ngayon bilang pangunahing salik ng destabilisasyon sa kapitalistang lipunan. Ang produkto ng mga kontradiksyon ng kapitalismo, ang lawak ng digmaan ay siya ring nagpaapoy sa mismong mga kontradiksyong ito, na dumarami, sa pamamagitan ng bigat ng militarismo, ng krisis pang-ekonomiya, ng mga sakuna sa kapaligiran at ng pagkawatak-watak ng lipunan"[2] [16]. Ang dinamikong ito ay posibleng magdulot ng kabulukan sa bawat bahagi ng lipunan, mapahina ang bawat bansa, na magsimula sa nangunguna sa kanila: ang Estados Unidos.
Bilang epekto ng dekomposisyon ng kapitalistang lipunan, nakita natin ang paglitaw ng mga penomena gaya ng mga napakalaking migrasyon ng mga refugee, tulad ng resulta ng digmaan sa Syria noong 2015, na may halos 15 milyong nawalan ng tahanan na tao (7 milyon sa Syria mismo, 3 milyon sa Turkey, at mga 1 milyon sa pagitan ng Alemanya at Sweden). Noong panahong iyon, tinuligsa namin ang mapagkunwaring 'refugees are welcome' ng burgesya[3] [17], na hindi nangangahulugang ang mga mapagsamantala ay tagapagtaguyod na ngayon ng pakikipagkaisa, bagkus ay isang pagtatangka na pigilan ang pagsabog ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagsasamantala sa murang paggawa. Ang mga benefactor na ito ay nagtutulak ngayon sa mga refugee na bumalik sa impyerno ng Syria, dahil 'wala na ang mapang-aping rehimen' at 'ang bansa ay kumikilos patungo sa pagpapanumbalik ng demokratikong normalidad'. Ito ang kasuklam-suklam na kabastusan ng mga 'demokrasyang' ito, na nagsagawa ng mga patakaran na itinataguyod ng mga populistang partido at ng dulong kanan na sinasabi nilang lumalayo sila. Ang alternatibo sa pagkawasak ng sangkatauhan ay internasyonal na pakikiisa ng uri, isang pakikiisa ng pakikibaka laban sa pandaigdigang kapitalismo.
Valerio, 13 Disyembre
(binagong bersyon 24.12.2024. Salamat sa Internationalist Voice sa ilang mungkahi na mas tamang pormulasyon).
Links
[1] mailto:[email protected]
[2] https://en.internationalism.org/content/17578/global-implications-us-elections
[3] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftn1
[4] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftn2
[5] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftnref1
[6] https://en.internationalism.org/content/17563/future-humanity-lies-not-ballot-box-class-struggle
[7] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftnref2
[8] https://en.internationalism.org/content/17581/strikes-united-states-canada-italy-three-years-working-class-has-been-fighting-against
[9] https://d.docs.live.net/content/17586/trumps-triumph-united-states-giant-step-forward-decomposition-capitalism
[10] https://d.docs.live.net/content/17572/appeal-communist-left-working-class-against-international-campaign-mobilise-bourgeois
[11] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_You%20can%E2%80%99t%20change%20society%20with%20a%20ballot%20paper.docx#_ftn1
[12] https://en.internationalism.org/content/17525/you-cant-change-society-ballot-paper
[13] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_You%20can%E2%80%99t%20change%20society%20with%20a%20ballot%20paper.docx#_ftnref1
[14] https://www.independent.co.uk/news/uk/polling-opinium-office-for-national-statistics-england-wales-b2529239.html
[15] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftn1
[16] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftn2
[17] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftn3
[18] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftnref1
[19] https://en.internationalism.org/content/17421/massacres-and-wars-israel-gaza-ukraine-azerbaijan-capitalism-sows-death-how-can-we
[20] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftnref2
[21] https://en.internationalism.org/content/17449/spiral-atrocities-middle-east-terrifying-reality-decomposing-capitalism
[22] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftnref3
[23] https://fr.internationalism.org/revolution-internationale/201511/9265/proliferation-des-murs-anti-migrants-capitalisme-c-guerre-et-b
[24] https://en.internationalism.org/content/17593/fall-assad-regime-syria-one-butcher-has-fallen-others-will-bring-more-wars-massacres