Published on Internasyunal na Komunistang Tunguhin (https://fil.internationalism.org)

Bahay > BAYAN O URI? > 1. Ang mga Komunista at ang pambansang usapin

1. Ang mga Komunista at ang pambansang usapin

  • 5020 beses nabasa
 

"Lipas na ang bansa-estado - bilang balangkas sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa, bilang batayan ng makauring pakikibaka, at laluna bilang estadong porma ng diktadura ng proletaryado." (Leon Trotsky, Nashe Slovo, 4 February, 1916)

Ang mga manggagawa ay walang amang bayan. Ito ang batayan ng komunistang pagsusuri sa pambansang usapin. Sa buong siglong ito milyun-milyong manggagawa ang nililito, pinakilos, at minasaker sa ilalim ng bandila ng patriyotismo, pambansang pagtatanggol, pambansang kalayaan. Sa mga pandaigdigan at lokal na digmaan, sa gerilyang labanan at komprontasyon ng malalaking hukbo ng estado, ang mga manggagawa sa lahat ng bansa ay tinatawag para ialay ang kanilang buhay sa pagsilbi sa mga nang-aapi sa kanila. Walang mas malinaw na pinakita ang siglong ito kundi ang maliwanag na pagkahati sa pagitan ng nasyunalismo at internasyunal na interes ng pandaigdigang uring manggagawa.

Subalit dahil ang proletaryado ay matuto lamang sa mga aral ng kasaysayan sa kanyang sariling karanasan sa istorikal na proseso, masuri lamang ng mga komunista ang pambansang usapin sa istorikal na punto, para ma-establisa bakit ang pagtutol sa lahat ng nasyunalismo at makabayang pakikibaka ay naging isa sa makauring linya na naghiwalay sa proletaryado mula sa burges na mga organisasyon.

Ang mga Komunista at ang pambansang usapin sa ika-19 siglo

  • 5277 beses nabasa

Kahit pa sa ilang mga kontradiksyon at limitasyon sa kanilang analisis - mga limitasyon na produkto mismo ng panahon - ang mga tagapagtatag ng syentipikong sosyalismo ay naintindihan ang isang pundamental na punto na pinakamahalaga pero nawala ngayon dahil sa makapal na halu-halong kalituhan mula sa limampung taong kontra-rebolusyon. Para kina Marx at Engels walang duda na ang bansa-estado at makabayang ideolohiya ay puro at simpleng produkto ng kapitalistang pag-unlad, na ang bansa-estado ay importanteng batayan para sa paglago ng kapitalistang mga relasyon sa produksyon sa labas at laban sa pyudal na lipunan. Anuman ang mga kontradiksyon sa kanilang mga sulatin hinggil sa posibilidad ng sosyalistang pag-unlad sa loob ng mga hangganan ng bansa-estado, ang pangkalahatang perspektiba nila Marx and Engels ay nakabatay sa pagsusuri sa pandaigdigang pamilihan at sa pag-unawa na ang sosyalista o komunistang lipunan sa hinaharap ay isang pandaigdigang  asosasyon ng mga prodyuser, isang pandaigdigang komunidad ng sangkatauhan; at ang Unang Internasyunal ay itinatag sa pagkilala na ang uring manggagawa ay isang internasyunal na uri na dapat i-ugnay ang kanyang pakikibaka sa internasyunal na antas.

Sa kabilang banda, bilang mga komunistata at proletaryong internasyunalista, sila Marx at Engels ay kadalasan ay nagbibigay ng kanilang suporta sa mga kilusan ng pambansang paglaya, at ang kanilang mga sulatin sa usaping ito ay kadalasan ginagamit ng mga umaangking ‘marxista' ngayon para bigyang katwiran ang pagsuporta sa ‘mga pakikibaka para sa pambansang paglaya' sa kasalukuyang itorikal na yugto.

Subalit isang katotohanan na nabubuhay tayo ngayon sa magkaibang istorikal na yugto kumpara kina Marx at Engels kung saan nagawa ng mga komunista ngayon na tutulan ang mga pakikibaka para sa ‘pambansang paglaya' na isang susing elemento sa anumang rebolusyonaryong pandaigdigang pananaw. Sila Marx at Engels ay sumulat sa panahon ng istorikal na pasulong na kapitalismo. Sa panahon iyon ang burgesya ay isa pang progresibo at rebolusyonaryong uri na nakibaka laban sa mga kadena ng pyudal na paghari. Hindi maiwasang ang burges na rebolusyon laban sa pyudalismo ay magkahugis sa pambansang porma. Para mawasak ang mga harang sa pamuhunan na ipinataw ng lokal na awtomiyang pyudal, mga buhis sa kustom, mga karapatan sa lupa, guilds, atbp., dapat magkaisa ang burgesya sa pambansang antas. Alam ni Lenin ito ng sinulat niya:

"Sa buong mundo, ang panahon ng ultimong tagumpay ng kapitalismo sa pyudalismo ay nakaugnay sa pambansang mga kilusan. Para sa lubusang tagumpay ng produksyon ng kalakal, kailangang makuha ng burgesya ang lokal na pamilihan, at kailangang may pulitikal na nagkakaisang mga teritoryo na ang populasyon ay nagsasalita ng iisang lenggwahe, na ang lahat ng mga hadlang sa pag-unlad ng lenggwaheng iyon at konsolidasyon ng kanyang literatura ay dapat mapawi. Narito ang pang-ekonomiyang pundasyon ng pambansang mga kilusan. Ang pagkakaisa at tuloy-tuloy na pag-unlad ng lenggwahe ay napakahalagang mga kondisyon para sa malaya at malawak na negosyo sa antas kapantay ng modernong kapitalismo. Kaya ang tendensya ng bawat pambansang kilusan ay ang pagbuo ng mga pambansang estado, kung saan pinakamahusay na makamit ang mga rekisito ng modernong kapitalismo." (Lenin, Ang Karapatan ng mga Bansa sa Sariling Pagpapasya, 1914)

Mula sa pagtatayo ng hukbo ng mamamayan sa Rebolusyong Pranses hanggang sa Italian Risorgimento, mula sa Digmaang Amerikano para sa Kalayaan hanggang sa Digmaang Sibil, ang burges na rebolusyon ay nagkahugis sa mga pakikibaka para sa pambansang paglaya laban sa reaksytunaryong mga kaharian at uri na natira mula sa pyudalismo (ang mga panginoong may-alipin ng US ay isang eksepsyonal na kaso pero isa pa ring reaksyunaryong hadlang sa kapitalistang pag-unlad sa Amerika). Ang mga pakikibakang ito ay may esensyal na layunin na durugin ang naaagnas na pampulitikang super-istruktura ng pyudalismo at winalis ang maliitang parokyalismo at sapat-sa-sarili, na humahadlang sa nagkakaisang pagsulong ng kapitalismo:

Bilang syentipikong mga sosyalista, na nakabatay ang paglaban sa kapitalismo sa materyal at hindi sa moral na pundasyon, naintindihan nila Marx at Engels na imposible ang sosyalismo bago mapaunlad ng kapitalismo ang isang tunay na pandaigdigang pamilihan at ang proletaryado ay naging totoong internasyunal na uri. Sa kanilang panahon, ang kapitalistang mga relasyon ng kalakal ay tanging batayan pa para sa progresibong pag-unlad ng produktibong mga pwersa. Mula lamang sa paninindigang ito na ang mga rebolusyonaryo ng panahong iyon ay nagbigay ng suporta sa mga kilusan para sa pambansang paglaya. Habang hindi pa ganap na umunlad ang pandaigdigang pamilihan, habang hindi pa nailatag ang inprastrukturang industriyal sa buong mundo, habang ang sistema ay nagpapalawak pa sa malaking hindi-pa-kapitalista na mga rehiyon sa mundo na umiiral pa noon, at habang ang burgesya ay may kapasidad pa na labanan ang pyudalismo at absolutismo, kailangan para sa kilusang manggagawa na aktibong suportahan ang mga pakikibaka para sa pambansang paglaya na naglalatag sa materyal na mga pundasyon para sa sosyalistang rebolusyon sa hinaharap. At sa panahong iyon meron talagang tunay na damdamin ng pakikiisa sa hanay ng uring manggagawa sa maraming mga digmaan para sa pambansang paglaya. Ang mga manggagawang English sa tela, kahit pa sa kahirapan at kawalan ng trabaho dahil sa Digmaang Sibil sa Amerika (resulta ng blokeyo sa pag-eksport ng bulak) ay buong pusong binigay ang suporta sa Hilaga at nangampanya laban sa patagong suporta ng nagharing uring British sa mga panginoong may-alipin sa Timog. Sa 1860, ang mga manggagawa sa daungan sa Liverpool ay nagtrabaho na walang bayad sa mga Sabado ng hapon para magkarga ng mga suplay para sa ekspedisyon ni Garibaldi sa Sicily. Ang mga aktitud na ito ay matalas na kabaliktaran sa pagiging malamig o pagkamuhi ng mga manggagawa ngayon sa kampanya ng Kaliwa na suportahan ang pambansang mga kilusan.

Pero dalawang bagay ang makikita sa proletaryo rebolusyonaryong aktitud sa makabayang mga digmaan sa panahong iyon. Una sa lahat, hindi kinikilala ng mga komunista ang anumang abstraktong ‘karapatan' ng pambansang sariling pagpapasya na mailapat sa lahat ng mga bansa sa lahat ng panahon.

Sinusuportahan lamang ang pambansang mga kilusan kung ito ay makaambag sa progresibong pag-unlad ng pandaigdigang kapitalismo. Para kina Marx at Engels ang isa sa pangunahing kriterya sa paghusga kung progresibo o hindi ang isang pambansang kilusan ay kung ito ay humahamon o hindi sa kapangyarihan ng absolutismong Ruso, na sa panahong iyon ay haligi ng reaksyon sa buong kontinente ng Uropa - reaksyon hindi lang laban sa komunismo kundi laban din sa burges na demokrasya,, liberalismo at pambansang pagkakaisa. Kaya sinusuportahan ang pambansang mga kilusang Aleman at Polish, habang tinutulan bilang reaksyunaryo ang iilan sa mga makabayang Slavic dahil sila ay dominado ng hindi-pa-kapitalistang mga uri at ginamit ng Tsarismo sa pagpalakas at pagpalawak ng absolutismong Ruso. Ganun din sa kapitalistang mga kolonya, habang kinundena ang kolonyal na pangulimbat at pagsasamantala, ang mga komunista ay hindi sumusuporta sa bawat pag-alsa ng mga lokal na panginoon at pinuno laban sa bagong imperyalistang mga panginoon. Sa pag-alsang pinamunuan ni Ahmed Arabi Pasha laban sa Britanya sa Ehipto, sumulat si Engels kay Bernstein sa 1882:

"Sa tingin ko maari tayong kumampi sa inaaping mamamayan na hindi sinusuportahan ang kanilang pang-ekonomiyang mga ilusyon (ang mamamayang pesante ay lilinlangin ng ilang siglo bago mamulat sa pamamagitan ng karanasan), at tutulan ang karahasang English na hindi sinusuportahan ang kanilang mga militar na kaaway sa kasalukuyan."

Ang naturang mga kilusan ng lokal na pyudal o Asyatikong diktador ay para panatilihin ang kontrol sa ‘kanilang' mga magsasaka sa halip na ekspresyon ng isang rebolusyonaryong pambansang burgesya. Sa kabilang banda ang iilang kolonyal na pag-alsa - tulad sa Tsina - ay sinuportahan hangga't nagbibigay ito ng batayan para sa independyenteng pambansang kapitalistang pag-unlad na malaya sa kolonyal na dominasyon, o bilang posibleng mitsa sa makauring pakikibaka ng nang-aaping bansa. Ang huling kriteryon na ito ay partikular na aplikable sa Ireland, kung saan kinukonsidera ni Marx na ang dominasyon ng England sa naturang bansa ay may epekto na mahadlangan ang makauring pakikibaka sa England at ilihis ang makauring kamulatan tungo sa pambansang sobinismo.

Hindi kami nagmungkahi na pasukin ang diskusyon kung tama o mali ba sila Marx at Engels na suportahan ang ganito o ganung makabayang kilusan. Sa ilang kaso, gaya ng Ireland, ang posibilidad para sa pambansang kalayaan ay nadurog na nang si Marx ay nanawagan nito; sa ibang mga kaso, ang suportang binigay sa makabayang mga kilusan ay napatunayang tama sa sumunod na karanasan. Ang mahalaga ay maintindihan ang balangkas kung saan ibinatay ng mga komunista ang kanilang paghusga kung ang makabayang mga kilusan ay progresibo o hindi. Hindi nila ibinatay ang kanilang desisyon sa ‘naramdaman' sa inaaping mga mamamayan, o sa walang hanggang ‘karapatan' ng pambansang sariling pagpapasya, o maging sa partikular na mga kondisyon na nasa anumang bansa. "Ang paghawak nila sa naturang mga posisyon, tama man o mali, ay palaging nakabatay kaugnay sa hindi mababagong linya: na sa pandaigdigang saklaw paborable para sa paghinog ng mga kondisyon para sa proletaryong rebolusyon ay progresibo at dapat suportahan ng mga manggagawa." (M. Berard, Rupture avec Lutte Ouvrière et le Trotskysme, Revolution Internationale, 1973)

Pangalawa, naunawaan ng mga komunista ang kapitalistang katangian ng mga pakikibaka para sa pambansang paglaya. Kaya naintindihan nila ang pangangailangan ng proletaryado na panatilihin ang istriktong pampulitikang independensya mula sa burgesya kahit pa ang mga manggagawa ay sumusuporta  sa mga pakikibaka ng burgesya laban sa absolutismo. Walang kalituhan hinggil sa makabayang mga pakikibaka na pinamunuan ng mga paksyon ng burgesya na may kakayahan na itayo ang ‘sosyalismo' o mga ‘estado ng manggagawa' gaano man ito ka depormado, na isa sa malaking mga mistipikasyon ng Stalinismo at Trotskyismo (ang naturang teoritikal na kabulastugan ay nakabatay sa ideya na ang mga Stalinistang rehimen sa Tsina, Cuba, Byetnam, atbp ay may katangian ng uring manggagawa). Sa panahon ng burges demokratikong rebolusyon, sa pasulong na kapitalismo, nagawang mamintina ng proletaryado ang sariling permanenteng mga organisasyon at kaya posible ang estratehiyang ‘kritikal na suporta' ng proletaryado sa progresibong mga paksyon ng burgesya. Kahit laging may peligro - katulad ng mga rebolusyon sa 1848 - na maaring atakehin ng burgesya ang mga manggagawa kung sa tingin nito ay siyang dapat gawin, umaasa pa rin burgesya na ang uring manggagawa ang maging taliba sa mga digmaan para sa pambansang pagpapalaya, at kaya sa panahon na yun nagawang pabayaan ng burgesya ang independyenteng pag-iral ng pangmasang mga organisasyon ng uring manggagawa sa loob ng kapitalismo. Ang pakikibaka ng uring manggagawa para sa ‘demokratikong kalayaan' - kalayaan sa pagtitipon, unyon, atbp - ay hindi panlilinlang noon. Nasa yugto ng pagbulusok-pababa kung saan ang burgesya ay wala ng kapasidad na magbigay ng tunay na mga reporma para sa proletaryado. Kaya mayroong posibilidad noon para sa uring manggagawa na ilunsad ang pambansang mga digmaan para sa kanyang saring mga layunin at hindi simpleng pambala-sa-kanyon ng burgesya.

Ang pambansang usapin sa simula ng yugto ng dekadenteng imperyalismo

  • 3208 beses nabasa

Sa pasulong na yugto, noon, ayon sa ilang mga prinsipyong gabay, nagkaroon ng debate sa loob ng kilusang manggagawa hinggil sa kung aling pambansang mga pakikibaka ang suportahan. Matapos ang 1914, nang ang kapitalismo ay mapagpasyang pumasok sa yugto ng pagbulusok-pababa, sa kanyang permanenteng istorikal na krisis, ang hindi maiwasang di-pagtugma ng obhetibong kondisyon at ng suhetibong kamulatan ng proletaryado sa mga kondisyong ito ang nagpatagal sa debate sa loob ng rebolusyonaryong kampo. Ilang mga pundamental na makauring linya - gaya ng pangangailangang durugin ang burges na estado - ay naunawaas na ng mga rebolusyonaryo sa huling bahagi ng ika-19 siglo (matapos ang karanasan sa Komuna ng Paris). Pero ang iba pang makauring linya ay nalatag lamang matapos ang masaklap na karanasan sa unang imperyalistang digmaan at sa sumunod na rebolusyonaryong alon. Ang kontra-rebolusyonaryong papel ng mga unyon, parlyamentarismo, at Sosyal Demokrasya ay matibay na na-establisa sa takbo ng mga pangyayari. Subalit kahit ganun, sa napakahirap na panahong iyon, posible para sa isang organisasyon na magkaroon ng pundamental na rebolusyonaryong katangian at nagkaroon pa rin ng mabigat na mga ilisyon hinggil sa katangian ng mga ito. Hangga't ang rebolusyonaryong momentum ng buong uri ay may kislap pa ng buhay, posible pa na ang mga pagkakamali at kalituhan ng mga nangunang elemento ng uri ay patuloy na maituwid ayon sa karanasan ng proletaryado; sa ganap na paglaho lamang ng rebolusyonaryong alon na ang makauring mga linya sa pagitan ng mga organisasyon ay matibay na na-establisa, at ang dating mga pagkakamali ay naging normal na mga patakaran ng kontra-rebolusyonaryong mga tendensya. Sa ganitong paraan nagawa ng mga Bolsheviks sa isang panahon na pamunuan ang pandaigdigang rebolusyonaryong kilusan kahit pa sa kanilang kakulangan ng kalinawan sa maraming mga usapin; pero ang kanilang kawalan ng kapasidad na matutunan ang lahat ng mga aral sa bagong panahon ay katumbas ng kanilang kontribusyon sa pagiging intrumento ng kontra-rebolusyon. Ito ang kaso hindi lamang sa usapin ng mga unyon, parlyamento, at Sosyal Demokrasya kung saan ang mga Bolsheviks sa ilalim ng presyur ng umaatakeng kontra-rebolusyon ay sinubukang ilapat ang mga pormula na angkop lamang sa nagdaang panahon, kundi pati rin sa pambansang usapin.

Bilang resulta, ang diskusyon ng pambansang usapin ay binuksan bago pa malinaw na lumitaw ang bagong yugto sa pamamagitan ng imperyalistang pandaigdigang digmaan. Matapos ang 1871 ang burgesya sa mayor na mga kapital ay hindi na naglunsad ng pambansang mga digmaan sa lumang tipo; ang imperyalistang tulak sa huling bahagi ng ika-19 siglo ay kumakatawan sa mabilis na pag-unlad ng kapitalismo tungo sa kanyang tugatog - pero habang mas lumalapit ito sa ganung direksyon, mas lumalapit din siya sa kanyang pagbulusok-pababa. Ang bumibilis na imperyalistang tunggalian sa mga dekada bago ang digmaan, ang intensipikasyon ng pang-ekonomiyang mga problema, ang pagtaas ng taob ng makauring pakikibaka, ay mahalagang mga palatandaan sa pagdating ng bagong panahon, mga palatandaan na pinansin at pinagdiskasan ng kilusang manggagawa sa 1890 at maagang bahagi ng l900.

Kaya halimbawa, ang oposisyon ni Rosa Luxemburg sa pambansang paglayang Polish sa panahong iyon ay nakabatay sa pag-unawa na ang katangian ng Rusya ay nagbago mula sa panahon ni Marx. Ang Rusya ngayon ay mabilis na umuunlad bilang isang mayor na kapitalistang bansa, habang ang burgesyang Polish ngayon ay may interes na nakaugnay sa kapitalismong Ruso. Ganun din, ang posibilidad ng makauring alyansa sa pagitan ng manggagawang Polish at Ruso ay nabuksan, at giniit ni Luxemburg na dapat gamitin ng Sosyal Demokrasya ang lahat ng kanyang kapangyarihan para patibayin ang alyansa, hindi kampanya para ihiwalay ang mga manggagawang Polish sa ilalim ng ‘independyenteng' pagsasamantala ng burgesyang Polish. Pero pinanindigan pa rin niya na ang kagyat na tungkulin ng manggagawang Polish at Ruso ay ang pagtayo ng nagkakaisa, demokratikong republika, hindi sosyalistang rebolusyon. Dagdag pa, buong puso niyang sinuportahan ang pambansang pag-alsa ng mga Greeks laban sa mga Turks sa 1896, at giniit sa Reporma o Rebolusyon (1898) na ang panahon ng istorikal na krisis ng kapitalismo ay hindi pa nabuksan. Ang kanyang pagkakaiba sa buong Sosyal Demokrasya ay nasa usapin pa ng estratehiya, isang diskusyon hinggil sa pinakamahusay na resulta ng mga pangyayari sa mundo para sa manggagawa sa loob ng kapitalistang lipunan. Ang perspektiba ng kagyat na unipikasyon ng pandaigdigang proletaryado ay hindi pa totoong nailatag.

Pero, ang mga debate sa loob ng Sosyal Demokrasya sa panahong iyon ay ekspresyon ng nagbabagong istorikal na kondisyon. Sa isang banda, pinakita ng mga ideya ni Luxemburg ang tunay na pag-unawa sa pangangailangang umangkop sa mga pagbabagong ito. Sa kabilang banda, ang sclerosis ng Sosyal Demokratikong organisasyon hindi lamang nagpahayag ng kawalan ng kapasidad na unawain ang bagong mga pag-unlad, pero nagpahayag din ng mga palatandaan ng pag-atras kaugnay sa lohika ng Unang Internasyunal. Ang pag-atras na ito ay hindi maiwasan dahil sa konteksto ng pagkilos ng Sosyal Demokrasya sa kilusang manggagawa. Ang pangunahing tungkulin ng Sosyal Demokrasya ay ipaglaban ang mga reporma sa panahon ng kapitalistang istabilidad sa abanteng mga bansa; at ang pakikibaka para sa mga reporma ay ispisipikong mangyayari sa pambansang tereyn. Dahil ang pambansang burgesya ay makabigay ng mga reporma naging madali sa mga repormista na makipagtalo na ang mga manggagawa ay napakaraming mutwal na interes sa kanilang sariling bansa. Sa 1896 ang Ikalawang Internasyunal ay nagsimulang nagpatupad ng nakamamatay na pormula ng karapatan ng mga bansa para sa sariling pagpapasya, aplikable sa lahat ng mga mamamayan. Ang mga epekto nito ay naging napakalinaw sa sumunod na mga dekada.

Ang posisyon ng mga Bolsheviks

  • 2560 beses nabasa

Kahit pa pinakita ng kanilang de facto na isplit mula sa mga Mensheviks sa 1903 na ang mga Bolsheviks ay matatag na nasa loob ng rebolusyonaryong kampo sa Ikalawang Internasyunal, ang kanilang posisyon sa pambansang usapin ay nasa Sosyal Demokratikong gitna: ang karapatan ng lahat ng mga bansa sa sariling pagpapasya, na nasa kanilang programa sa 1903. Ang pagiging matatag ng mga Bolsheviks sa paghawak sa posisyong ito, kahit pa sa oposisyon mula sa labas at mula sa loob, ay mahusay na maipaliwanag ng katotohanan na ang Tsaristang Ruso ang pinakabangis na tagapagpatupad ng pambansang pang-aapi ("bilangguan ng mga bansa") at bilang pangunahing partido ng ‘Dakilang Rusya'  sa hiyograpikal na usapin, kinukonsidera ng mga Bolshevik na ang pagbibigay sa mga bansang inaapi ng Rusya sa karapatang humiwalay bilang pinakamabuting paraan para makuha ang tiwala ng masa sa mga bansang ito. Ang posisyong ito, kahit pa mali, ay nakabatay sa perspektiba ng uring manggagawa. Sa panahong ang mga Sosyal Imperyalista sa Alemanya, Rusya, at saan man, ay nangatwiran laban sa karapatan ng mga mamamayang inaapi ng imperyalismong Alemanya o Rusya na makibaka para sa pambansang kalayaan, ang islogan ng pambansang sariling pagpapasya ay isinulong ng mga Bolsheviks bilang paraan para pahinain ang Rusya at iba pang imperyalismo at sa pagbuo ng mga kondisyon para sa unipikasyon sa hinaharap kapwa ng mga manggagawa sa nang-aapi at inaaping mga bansa.

Ang makita ang mga posisyong sa pinakamalinaw ekspresyon sa mga sulatin ni Lenin sa panahon patungo sa at sa panahon ng Unang Pandaigdigang Digmaan mismo (Ang Leninistang posisyon ay laging opisyal na patakarang Bolshevik sa usaping ito). Pero maykonsiderableng oposisyon dito na nagmula sa kaliwa ng partido bago at matapos ang 1917, mula sa prominenteng mga Bolshevik tulad ni Bukharin, Dzerzhinsky, at Piatakov. Si Bukharin sa partikular ay ibinatay ang kanyang pagsusuri sa konsepto ng pandaigdigang ekonomiya at imperyalismo, na ayon sa kanya ang pambansang sariling pagpapasya ay parehong utopyan at salungat sa proletaryong diktadurya. Kasama nila Marx at Engels, tamang nakita ni Lenin na ang pakikibaka sa pambansang paglaya ay may burges na katangian. Dagdag pa, kinilala niya ang pangangailangan ng isang istorikal na pagsusuri sa problema. Sa Karapatan ng mga Bansa para sa Sariling Pagpapasya sinabi niya na para sa rebolusyonaryong mga partido sa abanteng mga bansa sa kanluran ang kahilingan para sa pambansang pagpapasya ay patay na dahil nakamit na doon ng burgesya ang mga tungkulin sa pambansang unipikasyon at kalayaan. Pero pinagtanggol ni Lenin ang islogang Bolshevik mula sa mga kritisismo ni Luxemburg sa batayan na sa Rusya at sa kolonyal na mga bansa ang mga tungkulin ng burgesya sa pagpabagsak sa pyudalismo at pagkamit ng pambansang kalayaan ay hindi pa kompleto. Kaya, sa mga eryang ito, sinubukan ni Lenin na ilapat ang paraang nilapat ni Marx sa kapitalismo sa ika-19 siglo:

"Sa dahilang tiyak at tanging ang Rusya at katabing mga bansa ay dumadaaan sa yugtong ito na kailanagan nating ilagay sa ating programa ang karapatan ng mga bansa para sa sariling pagpapasya." (Lenin, Ang Karapatan ng mga Bansa para sa Sariling Pagpapasya)

Ayon kay Lenin, ang mga kilusan para sa pambansang kalayaan na dumarami sa kolonyal na mundo ng panahong iyon ay may progresibong laman na naglalatag ng batayan para sa independyenteng kapitalistang pag-unlad at sa pormasyon ng proletaryado. Sa mga bansang ito, ang pakibaka laban sa hindi-pa-kapitalistang panlipunang mga istruktura ay gumagawa ng mga kondisyon para sa ‘normal' na makauring tunggalian sa pagitan ng burgesya at uring manggagawa, kaya nanawagan si Lenin sa kritikal na partisipasyon ng proletaryado sa mga pakikibakang ito:

"Ang burges na nasyunalismo ng anumang inaaping bansa ay may demokratikong laman sa pangkalahatan  na tuwirang lumalaban sa pang-aapi at ang laman na ito ang ating sinusuportahan ng walang pag-alinlangan. Subalit istrikto nating pinag-iba ito mula sa tendensya tungo sa pambansang elitismo; nakibaka tayo laban sa tendensya ng burgesyang Polish na apihin ang mga Hudyo, atbp, atbp." (Ibid.)

Ang naturang pormulasyon ay nagpahiwatig na ang burgesya ay may kapasidad pa na makibaka para sa demokratikong mga kalayaan at kaya ang manggagawa ay maaring lumahok sa mga pakikibakang ito habang pinagtanggol ang sariling pampulitikang awtonomiya. Sa ibang salita, posible pa ang burges na rebolusyon sa mga rehiyong ito. Ang proletaryado sa atrasadong mga rehiyon ay dapat sumuporta sa naturang mga kilusan dahil magarantiyahan nito ang demokratikong mga kalayaan na mahalaga sa paglunsad ng makauring pakikibaka, at dahil makatulong sila sa materyal na paglaki ng proletaryado. Ang mga manggagawa sa abanteng mapang-aping mga bansa sa kanilang bahagi  ay dapat suportahan ang naturang mga pakikibaka dahil makatulong sila sa pagpapahina ng kanilang ‘sariling' imperyalismo at makuha ang tiwala ng masa sa inaaping mga bansa. (Isang magkatuwang na estrarehiya ang makikita dito, habang ang mga rebolusyonaryo sa nang-aaping mga bansa ay kinikilala ang karapatan sa paghiwalay ng inaaping bansa, ang mga rebolusyonaryo sa inaaping mga bansa ay hindi manawagan ng paghiwalay at idiniin ang pangangailangan na makiisa sa mga manggagawa sa nang-aaping mga bansa.)

Sa mga sulatin ni Lenin hinggil sa pambansang usapin mayroong  pekulyar na kakulangan sa kalinawan kung ang burges na rebolusyon ba sa atrasadong mga rehiyon ay pangunahing ilunsad laban sa lokal na ‘pyudalismo' o sa dayuhang imperyalismo. Sa maraming kaso, ang dalawang pwersa ay parehong pantay na kaaway ng independyenteng kapitalistang pag-unlad, at ang mga imperyalista kung minsan ay sadyang pinanatili ang hindi-pa-kapitalistang nga istruktura sa kapinsalaan ng lokal na kapitalismo (kung suriing mabuti mayorya sa hindi-pa-kapitalistang mga istruktura na ito ay hindi pyudal, kundi klase-klaseng tipo ng Asyatikong despotismo). Sa kabilang banda, ang interes ng hindi-pa-kapitalistang nagharing uri ay marahas na tumutol sa kapitalismo ng kanluran, na banta sa kanilang paglaho. Pero anupaman, ang teoritikal na pagsusuri ni Lenin sa imperyalismo, na sinuma sa Imperyalismo: Ang Pinakataas na Yugto ng Kapitalismo (1916) ay dinala siya sa kongklusyon na ang burges na mga rebolusyon ay posible pa sa kolonyal na mga rehiyon.

Ayon kay Lenin, ang imperyalismo sa esensya ay kilusan ng abanteng kapitalismo para mabawi ang pagbaba ng tantos ng tubo, na hindi na makayanang pinabigat ng mataas na organikong komposisyon ng kapital sa abanteng mga bansa. Sa Imperyalismo: Ang Pinakataas na Yugto ng Kapitalismo, ang pangunahing paraan na pagsalarawan ni Lenin sa penomena ng imperyalismo ay hindi dumako pusod ng usapin ng pang-ekonomiyang ugat ng imperyalistang ekspansyon. Subalit ang ideya na ang mataas na organikong komposisyon ng kapital sa abanteng kapitalismo ang nagtulak sa kanila na magpalawak sa kolonyal na mga rehiyon ay maintindihan sa kanyang konseptong "sobrang labis na kapital" sa abanteng kapitalismo at ang "super-tubo" na makuha sa pamamagitan ng pag-eksport ng kapital sa kolonyal na mga rehiyon. Ang pinakamahalagang katangian ng imperyalismo ay ang eksport ng kapital na naghahanap ng mas mataas na tantos ng tubo sa mga kolonya kung saan mura ang paggawa at maraming suplay ng hilaw na materyales. Kaya tumagal ang kanilang buhay sa pamamagitan ng ‘super-tubo' na nakuha mula sa kolonyal na pagsasamantala, ang abanteng kapital ay naging parasitiko sa mga kolonya at umaasa sa kanila para sila mabuhay - kaya nagkaroon ng pandaigdigang imperyalistang komprontasyon para makontrol ang mga kolonya.  Ang naturang pananaw ay humati sa mundo sa imperyalistang mapang-aping mga bansa, at sa imaaping mga bansa sa kolonyal na mga rehiyon. Kaya ang pandaigdigang pakikibaka laban sa imperyalismo ay nangangailangan hindi lang sa rebolusyonaryong paglaban ng proletaryado sa imperyalistang mga bansa kundi sa mga kilusan din para sa pambansang kalayaan ng mga kolonya, kung saan sa pamamagitan ng pambansang kalayaan at pagwasak sa sistemang kolonyal ay mabigyan ng nakamamatay na hambalos sa pandaigdigang imperyalismo. Dapat linawin na si Lenin ay hindi sumusuporta sa ‘Third Worldism' na kahangalang dala ng ilang umaangking disipulo niya, na ayon dito ang mga pakikibaka para sa pambansang kalayaan ang aktwal na pupukaw sa proletaryado sa abanteng kapitalismo na rebolusyonaryong susulong sa pamamagitan ng ‘pagkubkob' sa abanteng mga bansa (ang mga kilusan mismo para sa pambansang kalayaan ay may ‘sosyalistang' katangian ayon sa mga Maoista, Trotskyistang Mandelite, et al). Subalit naitanim na ang binhi ng kalituhan sa loob mismo ng sulatin ni Lenin: ang kanyang ideya na ang ‘aristokrasya ng paggawa' ay kumakatawan ng isang istratum sa proletaryado sa abanteng mga bansa ay ‘nasuhulan' mula sa kolonyal na ‘super-tubo' para magtraydor sa uring manggagawa ay madaling mabago tungo sa Third Worldist na pananaw na ang buong uring manggagawa sa kanluran ay nasanib na sa kapitalismo sa pamamagitan ng imperyalistang pagsasamantala sa Ikatlong Daigdig. (Ang dakilang teoryang ito ay nakalasap ng matinding hambalos sa malakihang bagong alon ng pakikibaka ng uri sa abanteng kapitalistang mga bansa simula 1968.) Dagdag pa, ang ideya na ang mga pakikibaka para sa pambansang paglaya ay ikamamatay ng imperyalismo ay ginamit para bigyang katwiran ang kanilang pagsuporta sa mga kilusang makabayan at Stalinista sa Ikatlong Daigdig. Mas mahalaga kaysa halimaw na anak sa teorya ni Lenin, sa kabilang banda, ay ang katotohanan na nagbigay ito ng balangkas para sa praktikal na mga patakaran na pinatupad ng mga Bolsheviks matapos silang maluklok sa kapangyarihan sa Rusya; mga patakaran na makikita natin na aktibong nakaambag para sa pandaigdigang pagkatalo ng proletaryado sa panahong iyon.

Kritik ni Luxemburg sa mga Bolshevik

  • 2503 beses nabasa

Ang kritik ni Luxemburg sa mga pakikibaka para sa pambansang paglaya sa pangkalahatan at sa patakaran ng mga Bolshevik sa mga nasyunalidad sa partikular ang pinaka-matalas sa panahong iyon dahil ito ay nakabatay sa pagsuri sa pandaigdigang imperyalismo na mas malalim kaysa kay Lenin. Sa mga tekstong tulad ng The Accumulation of Capital (1913) at The Junius Pamphlet (1915) pinakita niya na ang imperyalismo ay hindi lamang porma ng pangungulimbat na ginagawa ng abanteng mga kapital sa atrasadong mga bansa kundi ito ay ekspresyon ng isang totalidad ng pandaigdigang kapitalistang mga relasyon:

"Ang imperyalismo ay hindi kagagawan ng isa o anumang grupo ng mga estado. Ito ay produkto ng isang partikular na yugto ng pagkahinog ng pandaigdigang pag-unlad ng kapital, isang kalikasan ng internasyunal na kondisyon, isang hindi mahahati na kabuuan, na makilala lamang sa kanyang lahat na mga relasyon, at walang bansa na makakaiwas ayon sa kagustuhan nito." (Rosa Luxemburg, The Junius Pamphlet, 1915)

Para kay Luxemburg ang lokasyon ng istorikal na krisis ng kapitalismo ay hindi lang makikita sa pagbaba ng tantos ng tubo, na kung dito lang titingnan ay palaging mabalanse sa pamamagitan ng pagpalaki ng produksyon ng kalakal at maibenta. Nangatwiran siya na ang ispisipikong ugat ng istorikal na krisis ay nasa problema sa realisasyon ng labis na halaga. Sa The Accumulation of Capital at Anti-Critique pinakita niya na ang total na labis na halaga na nakuha mula sa uring manggagawa ay hindi ma-realisa sa loob lang ng kapitalistang panlipunang relasyon, dahil ang mga manggagawa, na hindi binayaran sa buong halaga na nagawa ng kanilang lakas-paggawa, ay hindi kayang bilhin muli ang lahat ng mga kalakal na ginawa nila. Ang uring kapitalista din bilang kabuuan (sa kasong ito kasama pati ang lahat ng istrata na binabayaran ng kapitalistang buhis) ay hindi makonsumo ang lahat ng labis na halaga dahil ang isang porsyon nito ay kailanagang magsilbi sa pagpalaki ng reproduksyon ng kapital at kaya kailangang ipalit. Bilang resulta, ang pandaigdigang kapital ay laging mapwersang maghanap ng mga konsyumer labas sa kapitalistang panlipunang relasyon. Sa inisyal na yugto ng kapitalistang ebolusyon mayroon pang malaking hindi-kapitalistang istrata sa loob ng eryang hiyograpikal ng kapitalistang pag-unlad (magsasaka, artisano, atbp) na magsilbing batayan para sa malusog na paglawak ng kapital - kahit pa sa simula ay nariyan na ang palagiang tendensya na maghanap ng pamilihan sa mga bansang nasa labas ng kanilang kontrol: ang rebolusyong industriyal sa Britanya ay pinasigla ng pangangailangan mula sa mga kolonya ng Britanya. Pero habang ang panlipunang mga relasyon ay naging pangkalahatan na sa buong orihinal na mga kontrolado ng kapitalismo, ang ‘tulak' ng kapitalistang produksyon tungo sa ibang bahagi ng mundo ay bumibilis. Sa halip na kompetisyon sa pagitan ng indibidwal na mga kapitalista para sa pamilihan sa loob ng pambansang balangkas, ang diin ay kompetisyon na sa pagitan ng mga pambansang kapital para sa natitirang hindi-pa-kapitalistang mga lugar sa mundo. Ito ang esensya ng imperyalismo, na simpleng ekspresyon ng ‘normal' na kapitalistang kompetisyon sa ‘internasyunal' na saklaw, syempre sa suporta ng armadong kapangyarihan ng estado na siyang kaibahan ssa katangian ng kompetisyon sa ganitong antas. Hangga't ang imperyalistang pag-unlad na ito ay limitado sa iilang abanteng mga kapital na lumalawak tungo sa konsiderableng hindi-pa-kapitalistang sektor sa mundo, ang kompetisyon ay nanatiling relatibong mapayapa, liban mula sa punto-de-bista ng hindi-pa-kapitalistang mga mamamayan na buong-buong kinulimbat ng imperyalistang mga kartel (i.e. Tsina at Aprika). Subalit sa sandaling nasakop na ng imperyalismo ang buong mundo sa kapitalistang mga relasyon, sa sandaling ganap ng nahati-hati ang pandaigdigang pamilihan, ang pandaigdigang kapitalistang kompetisyon ay naging marahas at hayagan na ang katangiang agresibo kung saan walang bansa, abante o atrasado, ang makaiwas, dahil ang bawat bansa ay hindi makatangging mahatak sa kompetisyong habulan-ng-daga sa tigmak na pandaigdigang pamilihan.

Inilarawan ni Luxemburg ang pandaigdigang istorikal na proseso, isang unipikadong proseso. Dahil naintindihan niya na ang nagdetermina ng lahat ng mga bagay ay ang pag-unlad ng pandaigdigang pamilihan, nakita niya na imposibleng hatiin ang mundo sa iba't-ibang istorikal na mga departamento: isang ulyaning kapitalismo sa isang banda at isang bata, masiglang kapitalismo sa kabilang banda. Ang kapitalismo ay isang unipikadong sistema na umunlad at bumulusok-pababa bilang isang nagtutulungan na entidad. Ang pundamental na kamalian ng mga Leninista ay ang paggiit na sa ilang lugar sa mundo ang kapitalismo maari pang maging ‘progresibo' at rebolusyonaryo, habang naaagnas itosa ibang lugar. Gaya ng kanilang pag-unawa na ‘iba-iba' ang pambansang mga tungkulin para sa proletaryado sa bawat hiyograpikal na rehiyon ay naglantad sa isang balangkas na nagsimula mula sa paninindigan ng bawat pambansang estado na nakabukod, ang kanilang konsepto sa imperyalismo ay nagpakita sa parehong maling balangkas.

Dahil nagsimula siya sa pag-unlad ng pandaigdigang pamilihan, nakita ni Luxemburg na ang mga pakikibaka para sa pambansang paglaya ay hindi na posible sa panahong nahati-hati na ang pandaigdigang pamilihan sa mga imperyalistang kapangyarihan. Ang unang imperyalistang pandaigdigang digmaan ay mapagpasyang ebidensya sa pagkasaid ng pandaigdigang pamilihan. Pagkatapos nito, wala ng tunay na paglawak ng pandaigdigang pamilihan, kundi marahas na redibisyon ng imperyalistang mga kapangyarihan na nagnanakawan sa bawat isa sa kanilang mga nakulimbat, isang proseso kung saan sa kawalan ng panlipunang rebolusyon ay hindi maiwasang tutungo sa pagkawasak ng sibilisasyon. Sa kontekstong ito imposible sa anumang bansa-estado na papasok sa pandaigdigang pamilihan sa batayang independyente, o dadaan sa proseso ng primitibong akumulasyon labas sa sa barbarikong pandaigdigang chessboard. Kaya, "Sa kasalukuyang imperyalistang sitwasyon walang mga digmaan para sa pambansang pagtatanggol" (Junius Pamphlet).

Ang pagsisikap mismo ng mga bansa malaki o maliit para ‘ipagtanggol' ang mga sarili mula sa imperyalistang atake ay nangangailangan ng mga alyansa sa ibang mga imperyalismo, imperyalistang ekspansyon laban sa mas maliit na mga bansa, at iba pa. Lahat ng mga ‘sosyalista' sa Unang Digmaang Pandaigdig na nanawagan para sa pambansang pagtatanggol sa anumang tipo, katunayan, ay nagsisilbi lamang bilang mga tagapagtanggol at mga sarhentong taga-rekrut para sa imperyalistang burgesya.

Kahit si Luxemburg ay parang may ilang kalituhan hinggil sa posibilidad ng pambansang sariling pagpapasya  pagkatapos ng sosyalistang rebolusyon, at kahit hindi siya nabigyan ng pagkakataon na paunlarin ang kanyang posisyon sa lahat ng kanyang aspeto, ang buong diin ng kanyang pagsusuri sa pagpapaliwanag na ang produktibong mga pwersa na pinauunlad ng kapitalismo ay pumasok sa marahas na tunggalian sa kapitalistang panlipunang mga relasyon, kasama na syempre ang pagkabilanggo ng produktibong mga pwersa sa loob ng bansa-estado. Ang imperyalistang mga digmaan ay siguradong palatandaan ng napakaraming mga kaguluhan at hindi mapigilang pagkaagnas ng kapitalistang moda ng produksyon. Sa kontekstong ito, ang mga pakikibaka para sa pambansang paglaya, na dati ekspresyon ng rebolusyonaryong burgesya, hindi lang nawalan ng progresibong laman, kundi aktibong natransporma sa pagiging imperyalista, mga pakikibaka para sa kanibalisasyon ng uri kung saan ang kanyang pag-iral ay hadlang na sa ibayong pag-unlad ng sangkatauhan.

Ang kakayahan ni Luxemburg na makitang ang burgesya sa anumang bansa ay makakilos lamang sa loob ng imperyalistang pandaigdigang sistema ang dahilan para matalas niyang punain ang pambansang patakaran ng mga Bolsheviks matapos ang 1917. Kinikilala na ang pagbigay ng mga Bolshevik ng pambansang kalayaan sa Finland, sa Ukraine, Lithuania, atbp ay pinatupad sa intensyon na makabig ang masa sa mga bansang iyon sa kapangyarihang Soviet, pinaliwanag niya na, sa katunayan, kabaliktaran ang nangyari:

"Isa-isa, ginamit ng mga ‘bansang' ito ang bagong kalayaan para makipag-alyado sa imperyalismong Aleman laban sa rebolusyong Ruso na kanyang mortal na kaaway, at sa ilalim ng proteksyong Aleman, dinala ang bandila ng kontra-rebolusyon sa Rusya mismo." (Luxemburg, Ang Rebolusyong Ruso, 1918)

Ang ideya na sa panahon ng proletaryong rebolusyon, sa mga hangganan mismo ng balwarte ng rebolusyon, na mayroong magkatulad na interes ang proletaryado at burgesya, ay isang ganap na utopya. Hindi na pwede na ang dalawang uri ay may mutwal na benepisyo mula sa ‘kalayaan' ng bansa. Ito ngayon labanan hanggang kamatayan. Ang malaking pinsala ng islogang pambansang sariling pagpapasya ay nagbigay ito sa burgesya ng ideolohikal na balatkayo para isulong ang kanyang makauring interes, kung saan sa naturang panahon ay ang pagdurog lamang sa rebolusyonaryong uring manggagawa. Sa ilalim ng islogan ng pambansang sariling pagpapasya ang burgesya sa mga bansang nasa hangganan ng Rusya ay minasaker ang mga komunista, binuwag ang mga sobyet, at pinagamit ang kanilang mga teritoryo sa mga hukbo ng imperyalismong Aleman at ng White reaction. Kahit sa terminong burges, ang pambansang sariling pagpapasya ng mga bansang ito ay isang panlalait, dahil ng humiwalay ito mula sa Imperyong Ruso, ang maliit na mga bansa sa Silangang Uropa ay napunta sa kontrol ng Alemanya o iba pang imperyalismo (at mula noon ay napasa sa iba't-ibang imperyalismo hanggang sa huli ay napunta sa imperyalismong ‘Sobyet'). Hindi lang ang pambansang patakaran ng mga Bolshevik ang nagbigay ng malayang paghari ng kontra-rebolusyon sa mga bansang nasa hangganan, kundi sa mas malawak na saklaw ay nakadagdag ng malaki sa ideolohikal na bigat sa ‘demokratikong' burgesya sa Liga ng mga Bansa, sa mga Wilsonian at iba pa, na ang sariling bersyon na pambansang sariling determinasyon sa panahong iyon ay mapagpasyang salungat sa mga demanda ng internasyunal na komunismo. At syempre sa panahon ng paggiit ng mga Bolshevik sa ‘karapatan' sa pambansang sariling pagpapasya ay ginamit ng maraming Stalinista, neo-pasista, Zionista, at iba pang mga impostor para bigyang katwiran ang pag-iral ng maliit na imperyalistang mga rehimen.

Nang ginawa ni Luxemburg ang kanyang kritika, sumulat siya bilang rebolusyonaryo na nagpahayag ng malalim na pakikiisa sa mga Bolsheviks at sa rebolusyong Ruso. Hanggat mayroong buhay sa naturang rebolusyon, hanggat ang mga Bolsheviks ay nagsisikap na kumilos para sa interes ng pandaigdigang rebolusyon, ang kanilang pambansang patakaran (kasama ang iba pa) ay maaring punain bilang mga pagkakamali ng isang rebolusyonaryong partido ng manggagawa. Sa 1918, nang sinulat ni Luxemburg ang kanyang kritik sa kanilang pamamaraan, ang mga Bolsheviks ay umaasa pa sa proletaryong rebolusyon na puputok sa Kanluran. Pero sa 1920, nang ang taob ng rebolusyon ay bumaba na kahit saan, pinakita ng mga Bolsheviks ang malinaw na senyales ng kawalan ng tiwala sa internasyunal na uring manggagawa. Pagkatapos nito, lumalaki ang pagbibigay diin sa pagkakaisa ng rebolusyong Ruso sa mga ‘kilusan para sa pambansang pagpapalaya' sa Silangan, mga kilusan na tinitingnan na may nakakasindak na banta sa imperyalistang pandaigdigang sistema. Mula sa Kongreso sa Baku sa 1920 hanggang sa Ika-apat na Kongreso ng Komunistang Internasyunal sa 1922 ang pagdidiin ay lalong lumalaki, habang ang lumalaking halaga ng tulong materyal ay binibigay sa makabayang mga kilusan na may ibat-ibang katangian. Ang mapaminsalang epekto ng mga polisiyang ito ay halos hindi pumasok sa isip ng burukrasyang Bolshevik, na lalong hindi na mapag-iba ang kagyat na pambansang bentahe sa Rusya mula sa interes ng pandaigdigang proletaryado. Tingnan ang kaso ni Kemal Ataturk. Kahit sa katotohanan na pinagpapatay niya ang mga lider ng Turkish Communist Party sa 1921, patuloy na nakikita ng mga Bolshevik ang ‘rebolusyonaryong' potensyal sa makabayang kilusan ni Ataturk. Nang hayagan ng nakipagsundo ang huli sa imperyalismo ng Entente sa 1923 saka pa lang nagsimulang i-rekonsidera ng mga Bolshevik ang kanilang patakaran sa kanya, at sa panahong ito walang anumang rebolusyonaryo sa patakarang panlabas ng estadong Ruso. At hindi aksidente si Kemal kundi simpleng ekspresyon sa bagong yugto, lubusang hindi na magkasundo ang nasyunalismo at proletaryong rebolusyon, sa ganap na kawalang kapasidad ng anumang paksyon ng burgesya na independyenteng tumindig sa imperyalismo. ang magkatulad na mga patakaran ng Bolshevik ay nauwi sa kabiguan sa Persia at Malayong Silangan. Ang ‘pambansang rebolusyon' laban sa imperyalismo ay delikadong alamat na binuhisan ng buhay ng hindi mabilang na mga manggagawa at komunista. Mula noon mas lalong naging malinaw na ang mga pambansang kilusan, sa halip na maging banta sa paghari ng imperyalismo, ay naging mga pawn lamang ng imperyalistang larong chess. Kung ang isang imperyalismo ay napahina dahil sa ganito o ganung pambansang kilusan, ibang imperyalismo ang tiyak na makabenepisyo.

Ang sumunod na hindi maiwasang hakbang ay hayagang pumasok na mismo Rusong ‘Sobyet' sa imperyalistang kompetisyon sa kilalang mga kapitalismo. Sa pagkakagulo ng pandaigdigang rebolusyon, sa paghina ng proletaryadong Ruso dahil sa digmaang sibil at gutom, ang kanyang huling dakilang pagsisikap na mabawi muli ang pampulitikang kapangyarihan ay nadurog sa Petrograd at Kronstadt, nauwi ang Partidong Bolshevik bilang tagapamahala at tagapangasiwa ng pambansang kapital sa Rusya. At dahil sa panahon ng dekadenteng kapitalismo walang pagpipilian ang mga pambansang kapital kundi imperyalistang magpalawak, ang patakarang panlabas ng estadong Ruso mula kalagitnaan ng 1920s, kabilang na ang pagsuporta sa mga ‘kilusan para sa pambansang kalayaan' ay hindi na nakitaan bilang repleksyon ng mga pagkakamali ng isang proletaryong partido, kundi bilang isang imperyalistang estratehiya ng isang malaking kapitalistang kapangyarihan. Kaya nang ang patakaran ng Comintern na makipag-alyansa sa ‘pambansa-demokratikong rebolusyon' sa Tsina ay direktang nauwi sa masaker sa mga manggagawang Tsino sa insureksyon sa Shanghai sa 1927, hindi tamang sabihin na ‘pagtraydor' o ‘pagkakamali' sa bahagi ni Stalin o ng Comintern. Sa pagsabotahe sa insureksyon ng manggagawang Tsino sila ay simpleng nagpatupad ng kanilang makauring tungkulin bilang isang paksyon ng pandaigdigang kapital.

Ang pambansang usapin mula 1920s hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

  • 11226 beses nabasa

Sa maagang bahagi ng 1920s ang proletaryong reaksyon laban sa paghina ng Ikatlong Internasyunal ay pampulitikang pinahayag ng mga grupong tinawag na  ‘ultra-kaliwa'. Kinundena ng Kaliwang Komunista ang Comintern sa paggamit ng mga taktika sa lumang panahon kung saan ang pangangailangan para sa kagyat na pag-agaw ng proletaryado sa kapangyarihan ang dahilan na lipas na at reaksyunaryo ang nasabing mga taktika. Nang ang rebolusyon ay nasa kagyat na agenda pa sa abanteng mga bansa sa Kanluran, ang pinakamahalagang pagtatalo sa pagitan ng Ikatlong Internasyunal at sa kanyang kaliwang kampo ay tungkol sa problema sa proletaryong diktadura sa mga bansang ito. Ang usapin sa unyonismo, sa relasyon ng partido at sa uri, sa parlyamentarismo at pakikipag-isang prente ay siyang naging mainit na mga isyu. Sa maraming usaping ito ipinatagtanggol ng mga Kaliwang Komunista ang isang matatag na kalinawan na mahirapang lagpasan ng kilusang komunista mula noon.

Kumpara sa mga isyung ito, ang pambansa at kolonyal na usapin ay hindi masyadong may kagyat na importansya, at sa pangkalahatan hindi malinaw sa mga Kaliwang Komunista ang problemang ito kagaya ng iba. Si Bordiga, sa partikular, ay patuloy na nagpahayag sa Leninistang tesis ng ‘progresibong' kolonyal na pag-aalsa na nakaugnay sa proletaryong rebolusyon sa abanteng mga bansa, ideya na mababaw na pinagtanggol ng karamihan sa ‘Bordisitang' mga disipulo ngayon. Ang Kaliwang Aleman ay mas malinaw kaysa kay Bordiga. Marami sa mga militante ng KAPD (Communist Workers' Party of Germany) ay patuloy na nagtatanggol sa Luxemburgistang posisyon sa kawalan ng posibilidad ng mga digmaan para sa pambansang kalayaan. Si Gorter, sa serye ng mga artikulong ‘Ang Pandaigdigang Rebolusyon', na inilathala sa English ng Kaliwang Komunistang pahayagan, The Workers' Dreadnought (February 9, 16, 23; March 1, 15, 29; May 10, 1924), ay inatake ang islogang Bolshevik sa pambansang sariling pagpapasya at inakusahan ang Ikatlong Internasyunal:

"Kayo ... Sinuportahan ang umuusbong na kapitalismo sa Asya: tinutulak ninyo na pagsamantalahan ang Asyatikong proletaryado sa kanilang lokal na kapitalismo."

Pero nagsasabi din si Gorter sa hindi maiwasan ang burges na mga rebolusyon sa atrasadong mga bansa at binigyang diin ang pag-agaw ng proletaryado sa kapangyarihan sa Alemanya, Britanya, at Hilagang Amerika. Hinggil sa maraming paninindigan ng KAPD sa pagtatanggol ng makauring posisyon, ang pagtakwil sa mga digmaan sa pambansang paglaya ay mas nakabatay sa buhay na makauring kalikasan kaysa malalim na teoritikal na pagsusuri sa pag-unlad ng kapital bilang isang panlipunang relasyon na pumasok sa panahon ng pagbulusok-pababa sa pandaigdigang saklaw. Ang katotohanan ay ang kalituhan sa rebolusyonaryong yugto ay humadlang sa mga rebolusyonaryo para magagap ang lahat ng mga implikasyon ng bagong yugto; kaso lang marami sa mga implikasyong ito ang hindi malinaw na naintindihan hanggang ang kontra-rebolusyon ay mahigpit ng humarang sa lahat ng mga bansa.

Sa kabiguan ng rebolusyonaryong alon sa 1917-23 at ang paggalaw ng kapital tungo sa bagong imperylistang redibisyon sa pandaigdigang pamilihan, napilitan ang mga rebolusyonaryo na malalim na magmuni-muni sa mga dahilan ng kabiguan at sa bagong pag-unlad ng kapitalismo. Ang tungkulin ng pagmuni-muni ay ginawa ng mga praksyon na nakaligtas sa pagkawatak-watak ng kilusang Kaliwang Komunista sa kalahati at huling bahagi ng dekada 20.

Ang mga natira sa pinatapon na Kaliwang Italyano na nasa rebyung  Bilan ay nakagawa ng pinakamahalagang kontribusyon sa pag-unawa sa pagbulusok-pababa ng kapitalistang sistema, inilapat ang pagsusuri ni Luxemburg sa pagkatigmak ng pandaigdigang pamilihan sa kongkretong realidad ng bagong yugto at kinilala ang hindi maiwasang bagong imperyalistang digmaan maliban kung mapahinto ng interbensyon ng proletaryong rebolusyon.

Ang kabiguan ng proletaryadong Tsino, na para sa Bilan pinakamatalas na pinakita ang pangangailangang rebisahin ang dating kolonyal na mga taktika. Sa Shanghai sa 1927 ang mga manggagawa ay naglunsad ng isang matagumpay na insureksyon kung saan nakontrol nila ang buong syudad sa gitna ng isang sitwasyon ng paghihimagsik sa buong Tsina. Pero ang Partido Komunistang Tsino, na taimtim na sumusunod sa linya ng Comintern na suportahan ang ‘pambansa-demokratikong rebolusyon' laban sa imperyalismo, ay nauwi sa pagsuko ng mga manggagawa sa syudad sa umaabanteng hukbo ni Chiang Kai-Chek, na noon ay pinarangalan ng Moscow bilang bayani ng pambansang mapagpalayang Tsino. Sa tulong ng lokal na mga kapitalista at mga bandidong kriminal (at mainit na pinapalakpakan ng lahat ng mga imperyalistang kapangyarihan), dinurog ni Chiang ang mga manggagawa sa Shanghai sa pamamagitan ng malakihang masaker. Para sa Bilan ang mga pangyayaring ito ay nagpapatunay na:

"Ang Tesis ni Lenin sa Ikalawang Kongreso (ng Ikatlong Internasyunal) ay kailangang kompletuhin sa pamamagitan ng radikal na pagbabago sa laman nito. Ang mga Tesis na ito ay naniniwala sa posibilidad na suportahan ng proletaryado ang mga kilusang anti-imperyalista, hangga't bumubuo ito ng mga kondisyon para sa independyenteng proletaryong kilusan. Mula ngayon dapat kilalanin, pagkatapos ng karanasang ito, na ang lokal na proletaryado ay hindi magbibigay ng suporta sa mga kilusang ito: mapamunuan nito ang anti-imperyalistang pakikibaka kung ito mismo ay makipag-ugnayan sa internasyunal na proletaryado para magawa sa mga kolonyal ang isang paglukso tulad ng ginawa ng mga Bolsheviks na nagawang pamunuan ang proletaryado mula sa pyudal na rehimen tungong diktadura ng proletaryado." (‘Resolution on the International Situation', Bilan, no.16, February/March, 1935)

Na-realisa ng Bilan na ang kapitalistang kontra-rebolusyon ay pandaigdigan at ang mga kolonya tulad sa saan mang dako, ay susulong lamang ang kapital sa pamamagitan ng "korupsyon, karahasan at digmaan para pigilan ang tagumpay ng kaaway na isinilang mismo nito: ang proletaryado sa kolonyal na mga bansa" (‘Problems of the Far East", Bilan, no.11, September 1934).

Subalit mas mahalaga nito ay ang pangkalahatang pag-unawa ng Bilan na, sa konteksto ng isang mundong dominado ng imperyalistang kompetisyon at hindi mapigilang gumagalaw tungo sa panibagong pandaigdigang digmaan, ang mga pakikibaka sa mga kolonya ay magsilbing pagsubok para sa panibagong pandaigdigang pagliliyab. Kaya konsistent na tumanggi ang Bilan na suportahan ang alinmang panig sa lokal na anti-imperyalistang mga pakikibaka sa 1930s: sa Tsina, Ethiopia, at Espanya. Sa harap ng paghahanda ng burgesya para sa panibagong pandaigdigang digmaan, iginiit ng Bilan na:

"ang posisyon ng proletaryado sa bawat bansa ay kailangang buuin ng isang walang awang pakikibaka laban sa lahat ng pampulitikang mga posisyon na nagsikap itali ito sa adhikain ng isa o ibang imperyalistang grupo, o sa adhikain ng ganito o ganung kolonyal na bansa, isang adhikaing may tungkuling itago sa proletaryado ang tunay na katangian ng panibagong pandaigdigang masaker"

(‘Resolution on the International Situation', Bilan, no.16).

Halos nag-iisa kasama ng Kaliwang Italyano sa pagtangging matali sa imperyalistang nakamamatay na bitag sa dekada 30 ay ang Council Communists ng Holland, America, at sa iab pang dako. Sa 1935-6, sinulat ni Paul Mattick ang isang mataas na artikulong ‘Luxemburg vs. Lenin' (ang unang bahagi nito ay lumabas sa The Modern Monthly September 1935, ang ikalawa ay sa International Council Correspondence, vol.11, no.8, July 1936). Dito sinuportahan ni Mattick pang-ekonomiyang teorya ni Lenin laban sa teorya ni Luxemburg, pero matibay na pinagtanggol ang pampulitikang posisyon ni Luxemburg sa pambansang usapin laban kay Lenin.

Ang kritisismo ni Luxemburg sa pambansang patakaran ng mga Bolshevik, ayon sa kanya, ay diumano napatunayang mali. Sa panahong nakipagtalo si Luxemburg laban sa pambansang polisiya ng mga Bolshevik, ang pangunahing banta sa kapangyarihang Sobyet ay diumano galing sa atake-militar ng imperyalistang mga kapangyarihan: ang argumento ni Luxemburg ay ang pambansang patakaran ng mga Bolshevik ay direktang nagbubukas para pisikal na durugin ng mga imperyalista ang rebolusyon. Katunayan, nilabanan ng mga Bolshevik ang imperyalistang panghimasok at ang nagpapatuloy na polisiya ng Partido Komunistang Ruso na suportahan ang pambansang mga kilusan ay nakatulong para lalong mapalakas ang estadong Ruso, pero, tulad ng sinabi ni Mattick napakataas ng katumbas nito kung saan ang kritisismo ni Luxemburg sa huli ay napatunayang tama:

"Tiyak na iiral pa rin ang Bolshevistang Ruso; pero hindi na ito tulad ng dati, hindi bilang simula ng pandaigdigang rebolusyon, kundi bilang balwarte laban dito" (Paul Mattick, The Modern Monthly).

Nagpatuloy ang estadong Ruso, pero sa batayan lamang ng kapitalismo ng estado; lumitaw ang kontra-rebolusyon mula sa loob hindi sa labas. Para sa internasyunal na rebolusyonaryong kilusan ang ‘taktika' ng pagsuporta sa mga digmaan para sa pambansang pagpapalaya na ginamit ng Ikatlong Internasyunal ay naging madugong armas laban sa uring manggagawa:

"Ang ‘napalayang' mga bansa ay bumuo ng pasistang grupo palibot sa Rusya. Ang ‘napalayang' Turkey ay pinagbabaril ang mga komunista sa mga armas na binigay sa kanya ng Rusya. Ang Tsina, ang kanyang pambansang pakikibaka  ay sinuportahan ng Rusya at ng Ikatlong Internasyunal para sa kalayaan, sinakal ang kanyang kilusang paggawa sa paraang magunita sa Komyun ng Paris. Libu-lbong bangkay ng mga manggagawa ang testimonya sa kawastuhan ng pananaw ni Rosa Luxemburg na ang katagang karapatan sa sariling pagpapasya ng mga bansa ay walang iba kundi peti-burges na panlilinlang". Ang antas ng "pakikibaka para sa pambasang kalayaan ay isang pakikibaka para sa demokrasya" (Lenin) ay tiyak na nahubaran sa makabayang adbenturismo ng Ikatlong Internasyunal sa Alemanya, adbenturismo na nag-ambag sa mga kondisyon  para sa tagumpay ng pasismo. Ang sampung taong kompetisyon kay Hitler para sa titulong tunay na nasyunalismo ang mismong dahilan na naging pasista ang mga manggagawa. At nagdiwang ang Litvinov sa Liga ng mga Bansa sa tagumpay ng Leninistang ideya sa sariling pagpapasya ng mga mamamayan sa okasyon ng plebisito sa Saar. Totoo, sa ganitong pangyayari, talagang nakapagtataka ang mga taong tulad ni Max Shachtman na hanggang ngayon ay nagawa pang magsalita na: ‘Kahit pa sa matalas na kritisismo na binato ni Rosa sa mga Bolshevik sa kanilang pambansang patakaran matapos ang rebolusyon, subalit kinumpirma ng mga resulta ang huli'." (Mattick, The Modern Monthly. The quote by Shachtman appeared in The New International, March 1935.)

Ang tanging bagay na ‘nakumpirma ng mga resulta' ay ang kawastuhan ng mga Luxemburgista at ng mga Kaliwang Komunista sa pagtutol sa lumang Leninistang posisyon. Tulad ng prediskyon kapwa ng Bilan at ni Mattick, ang pambansang mga pakikibaka sa dekada 30 ay talagang nagpatunay na ito mismo ay preparasyon para sa panibagong pandaigdigang imperyalistang digmaan; isang digmaan kung saan ang Rusya tulad ng kanilang prediksyon, sumali bilang ‘pantay na kakutsaba' sa masaker. Ang mga nanawagan sa proletaryado na kumampi sa iba't-ibang makabayang gera sa dekada 30 ay ngayon walang alinlangang sumali sa ikalawang digmaang pandaigdig. Ang mga Trotskyista, na nanawagan sa mga manggagawa na suportahan si Chiang laban sa Hapon, sa Republika laban kay Franco, atbp, ay nagpatuloy sa kanilang anti-pasista at maka-pambansang pagpapalayang pananalita sa buong takbo ng imperyalistang kaguluhan, at nagdagdag ng bagong porma ng pambansang pagtatanggol sa pamamagitan ng kahilingang suportahan ang ‘nanghihinang estado ng manggagawa'. Syempre lahat ng ‘pagtatanggol' na ito ay maipatupad lamang sa pamamagitan ng pagbibigay suporta, kahit pa ‘kritikal', sa ‘demoktratikong' imperyalismo.

Masaklap na pinakita ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang kalinawan gaano ka imposible para sa mga kilusan ng ‘pambansang pagpapalaya' laban sa isang imperyalismo ng hindi sila makipag-alyado sa iba. Ang ‘dakilang anti-pasistang paglaban' sa Italya at Pransya at sa iba pang dako, mga partisano ni Tito, mga ‘popular' na hukbo nila Ho Chi Minh at Mao Tse Tung - lahat ng ito at iba pa ay kumikilos bilang mahalagang sanga sa mayor na Allied imperialisms laban sa imperyalismong Alemanya, Italya, at Hapon. At lahat sila sa panahon ng digmaan at agad pagkatapos ay pinakita ang kanilang marahas na anti-manggagawang katangian ng manawagan sa mga manggagawa na patayin ang isa't-isa, ng tumulong na wasakin ang mga welga at pag-alsa ng manggagawa, ng tugisin ang mga militanteng komunista. Sa Byetnam, tinulungan ni Ho ang mga ‘dayuhang imperyalista' sa pagwasak sa komyun ng mga manggagawa sa Saigon sa 1945. Sa 1948, nagmartsa si Mao patungo sa mga syudad ng Tsina, nag-atas na ang trabaho ay normal na magpatuloy, at pinagbawal ang welga. Sa Pransya, kinundena ng Stalinistang Maquis bilang mga ‘pasistang kolaboreytor' ang iilang mga internasyunalistang komunista na aktibo sa buong okupasyon at sa ‘Kalayaan' na nanawagan sa uring manggagawa na labanan ang dalawang bloke. At pagkatapos agad ng digmaan, ang mga ‘rebolusyonaryong' Maquis pa rin ang sumama sa gobyernong De Gaulle at kinundena ang mga welga bilang "sandata ng mga kartel".

Ang sitwasyon pagkatapos ng IkalawangDigmaang Pandaigdig

  • 117144 beses nabasa

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga makabayang kilusan sa mga kolonya ay bumalangkas sa dalawang paraan, kapwa pagpapatuloy sa dating proseso ng nagdaang mga dekada. Unang-una, ang mga taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakitaan ng malawakang tunguhin tungo sa relatibong mapayapang de-kolonisasyon; kahit pa sa pag-iral ng malakas at minsan marahas na mga makabayang kilusan sa India, Aprika, at iba pang dako, ang mayorya sa lumang mga kapangyarihang kolonyal ay agad pumayag sa ‘pambansang' kalayaan sa halos lahat ng kanilang mga dating kolonya. Sa artikulong sinulat sa 1952, ang grupong Pranses na Internationalisme (tumiwalag mula sa Kaliwang Italyano sa 1944 sa usapin ng pagtayo ng partido sa gitna ng lumalalim na kontra-rebolusyon) ay sinuri ang sitwasyon na:

"Dati pinaniwalaan ng kilusang manggagawa na ang mga kolonya ay mapalaya lamang sa loob ng konteksto ng sosyalistang rebolusyon. Tiyak ang kanilang katangian bilang ‘pinakamahinang kawing sa kadena ng imperyalismo' dahil sa malalang kapitalistang pagsasamantala at panunupil sa mga lugar na iyon, ay partikular sila na bulnerable sa panlipunang mga kilusan. Ang kanilang kalayaan ay laging nakaangkla sa rebolusyon sa abanteng mga bansa.

Nitong huling mga taon ay nakitaan, sa kabilang banda, na halos lahat ng mga kolonya ay naging malaya na: pinalaya ng kolonyal na burgesya ang kanilang mga sarili, humigit-kumulang mula sa abanteng mga bansa. Ang penomenon na ito, gaano man ito ka limitado sa realidad, ay hindi maintindihan sa konteksto ng lumang teorya, na simpleng nakikita lamang ang kolonyal na kapitalismo bilang tuta ng imperyalismo, isang taga-pamagitan.

Ang katotohanan ay hindi na kumakatawan ang mga kolonya bilang isang ekstensyon ng kapitalistang pamilihan para sa abanteng mga bansa; naging bagong kapitalistang mga bansa na sila. Naglaho na ang kanilang katangian bilang pamilihan, na naging dahilan para humina ang pagtutol ng lumang mga imperyalista sa mga kahilingan ng kolonyal na burgesya. Kailangang idagdag na ang mismong mga problemang imperyalismo ay paborable - sa takbo ng dalawang pandaigdigang digmaan - sa ekspansyon ng ekonomiyang ng mga kolonya. Nasira mismo ang constant capital sa Uropa, habang ang produktibong kapasidad ng mga kolonya o semi-kolonya ay lumaki, na humantong sa pagputok ng lokal na nasyunalismo (Timog Aprika, Argentina, India, atbp). Mahalagang mapansin na itong mga bagong mga kapitalistang bansa, ng mabuo bilang malayang mga bansa, ay humantong sa kapitalismo ng estado, na may parehong mga aspeto ng ekonomiya na naghahanda para sa digmaan tulad ng nangyari sa ibang lugar.

Nadurog ang teorya nila Lenin at Trotsky. Isinanib ng mga kolonya ang kanilang mga sarili sa kapitalistang mundo, at sinusuportahan pa ito. Wala na ang sinasabing ‘pinakamahinang kawing': ang dominasyon ng kapital ay pantay na nahati-hati sa buong mundo." (‘Ang Ebolusyon ng Kapitalismo at ang Bagong Perspektiba', Internationalisme, no.45, 1952.)

Ang mga burgesya sa dating mga kolonyal na Imperyo, na napahina sa mga pandaigdigang digmaan, ay wala ng kapasodad na panatilihing kolonya ang mga kolonya nito. Ang ‘mapayapang' pagkawasak ng Imperyo ng Britanya ang pinakamahusay na halimbawa nito. Pero ang pangunahing dahilan ay ang mga kolonyang ito ay hindi na maaring magsilbi bilang batayan para sa pagpalaki ng reproduksyon ng pandaigdigang kapital, nang sila mismo ay naging kapitalista na, nawalan na sila ng kahalagahan para sa mayor na mga imperyalista (katunayan ang mas atrasadong kolonyal na kapangyarihan na lang gaya ng Portugal ang matigas na kumapit sa kanilang mga kolonya). Ang de-kolonisasyon ay pormalidad na lamang sa umiiral na kalakaran: wala ng maaring akumulasyon ng kapital sa pamamagitan ng pagpalawak sa hindi-pa-kapitalistang mga rehiyon, kundi sa dekadenteng batayan ng rotasyon ng krisis, digmaan, at rekonstruksyon, sa pamamagitan ng aksayang produksyon, at iba pa.

Pero ang pagkakaroon ng pampulitikang kalayaan ng mga dating kolonya ay hindi kumakatawan ng kanilang tunay na kalayaan vis a vis sa pangunahing imperyalistang kapangyarihan. Matapos ang kolonyalismo lumitaw ang penomenon ng ‘neo-kolonyalismo': nanatili ang epektibong dominasyon ng mayor na mga imperyalista sa atrasadong mga bansa sa pamamagitan ng pang-ekonomiyang kontrol sa kanila: ang pagpataw ng hindi pantay na tantos ng palitan, ang pag-eksport ng kapital ng mga korporasyong ‘multi-nasyunal' o ng estado, at ang kanilang pangkalahatang dominasyon sa pandaigdigang pamilihan na pumilit sa mga bansa sa Ikatlong Daigdig na pagsilbihin ang kanilang mga ekonomiya sa pangangailangan ng abanteng mga kapitalistang bansa (sa pamamagitan ng ‘isang-pananim', murang paggawa ng mga industriyang pang-eksport ng dayuhang kapital, atbp). At syempre, nasa likod ng lahat ng ito ay ang armadong kapangyarihan ng mayor na mga imperyalistang bansa, ang kanilang kapasyahang manghimasok sa pulitikal at militar na paraan para ipagtanggol ang kanilang pang-ekonomiyang interes. Byetnam, Guatemala, ang Dominican Republic, Hungary, Czechoslovakia - ang mga ito at iba pang mga bansa ay naging pook ng direktang panghimasok ng mayor na mga imperyalista para protektahan ang kanilang mga interes mula sa hindi matanggap na pagbabagong pampulitika o pang-ekonomiya .

Katunayan ang ‘mapayapang' de-kolonisasyon ay mas panlabas lamang kaysa realidad. Nangyari ito sa loob ng isang mundo na dominado ng mga blokeng imperyalista-militar, at ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga blokeng ito ang nag-determina sa posibilidad ng mapayapang de-kolonisasyon. Ang abanteng mga kapitalistang bansa ay handang sumang-ayon sa pambansang kalayaan hangga't ang kanilang dating mga kolonya ay manatiling napailalim sa dominasyon ng imperyalistang blokeng kinabibilangan nila. Dahil ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay redibisyon lamang sa said na pandaigdigang pamilihan, mauuwi lamang ito sa panibagong pandaigdigang komprontasyon sa pagitan ng mga kapangyarihan na nasa tuktok pagkatapos humupa ang masaker: sa kasong ito, pangunahin ng Amerika at Rusya. Bilang resulta, ang pangalawang mayor na tunguhin matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sa pangkalahatan ang panibagong pagdami ng makabayang mga digmaan kung saan sa pamamagitan nito pinagtanggol o pinalawak ng mayor na mga imperyalistang bansa ang kanila impluwensya na probisyunal na napagkasunduan matapos ang pandaigdigang gera.

Ang mga digmaan sa Tsina, Korea, Byetnam, Gitnang Silangan, at iba pang dako, ay lahat produkto ng balanse ng pwersa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kabilang na ang patuloy na kawalan ng kapasidad ng kapitalismo na mabigyan ang sangkatauhan ng batayang mga pangangailangan, at ang matinding panlipunang pagkabulok ng kolonyal na mga rehiyon. Sa mga digmaang ito ang pangunahing mga imperyalistang bansa ay halos walang direktang komprontasyon sa isa't-isa: ang mga lokal na digmaan ay nagsilbi bilang tagapamagitan para sa nangingibabaw na digmaan sa pagitan ng mga ‘Super Powers'. Halos katulad ng pandaigdigang digmaan mismo, pinakita ng mga digmaang ito ang patuloy na kawalang kapasidad ng lokal na burgesya na labanan ang dominasyon ng isang imperyalistang kapangyarihan na hindi umaasa sa ibang imperyalista. Kung ang isang makabayang burgesya ay makalaya mula sa mga galamay ng isang bloke, mahulog agad ito sa bunganga ng iba.

Ilang mga halimbawa:

   Sa Gitnang Silangan ang mga Zionista na ang armas ay mula sa mga Ruso at Czech ay nakipaglaban sa suportado ng Britanya na mga hukbong Arabo , pero ang plano ni Stalin na makuha ang Israel sa impluwensya ng Rusya ay nabigo, at pumasok ang Israel sa ligiran ng US. Mula noon, ang pakikipaglaban ng mga Palestino sa Zionismo, na dati ay umaasa sa imperyalismong Britanya at Alemanya, ay napilitanag mapunta sa mga kamay ng imperyalistang kapangyarihan na galit sa US o Israel: Ehipto, Syria, Saudi Arabia, Rusya, at Tsina;

  • Sa Byetnam, tumulong si Ho Chi Minh sa mga Pranses at British na talunin ang mga Hapon; mula noon sa ilalim ng proteksyon ng Rusya at Tsina tinalo niya ang mga Pranses, at nagbigay ng matinding sugat sa mga Amerikano;
  • Sa Cuba, si Castro ay tumiwalag sa ligiran ng US at hayagang napunta sa mga kamay ng imperyalismong Rusya.

Walang duda ang indibidwal na imperyalistang kapangyarihan ay mapahina doon at dito sa mga digmaan at muling pagkakahanay. Subalit sa bawat imperyalistang kapangyarihan na mapahina, ang iba ay mapalakas. Ang mga nagsasabi lamang na may ‘hindi-imperyalista' sa Stalinistang mga rehimen ang magsasabing may progresibo sa pagpunta ng isang bansa mula sa isang imperyalistang bloke tungo sa isa pa. Pero anumang teoritikal na rebisyon at mga pantasya ng Trotskyismo, Maoismo, et al, sa tunay na mundo ang kadena ng imperyalismo ay nanatiling hindi napuputol.

Hindi ibig sabihin na ang lokal na burgesya ay palaging simpleng tuta ng mga ‘Super Powers'. Ang lokal na burgesya ay may sariling mga interes at ang mga ito ay imperyalista din. Ang ekspansyon ng Israel sa mga teritoryong Arabo, pagsakop ng Hilagang Byetnam sa Timog at ang ekspansyon sa mga bahagi ng Cambodia, alitan ng India at Pakistan sa Kashmir at Bengal -  lahat ng ito ay kinakailangan sa bakal na batas ng kapitalistang kompetisyon sa panahon ng imperyalistang pagkaagnas. Dagdag sa pagiging ahente sa malalaking imperyalismo sa pamamagitan ng pagtanggap ng tulong, payo, at armas, ang mga paksyon ng lokal na burgesya ay naging imperyalista sa panahon na makontrol na nila ang estado. Dahil walang bansa na maging ganap na umaasa-sa-sarili kundi sa pamamagitan ng pagpalawak sa kapinsalaan ng mas atrasadong mga bansa, kaya nagpapatupad ng mga patakaran ng pagsanib, hindi patas nga palitan, atbp. sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, ang bawat bansa-estado ay isang imperyalistang kapangyarihan. Ganun pa man, nanatiling ang mga lokal na tunggaliang ito ay magaganap lamang sa loob ng pandaigdigang tunggalian ng mga pangunahing imperyalistang bloke. Ang mas maliit na mga bansa ay dapat sumunod sa mga kahilingan ng mayor na kapangyarihan para makuha ang kanilang tulong sa pagsusulong ng kanilang sariling lokal na mga interes. Sa ilang eksepsyunal na mga kaso, ang isang dati mahina na kapangyarihan ay maabot ang isang antas na konsiderableng mahalaga sa pandaigdigang imperyalistang . Ang Tsina, dahil sa kanyang laki at likas na yaman ay isang halimbawa, habang ang isang bansa gaya ng Saudia Arabia, para sa isang napakalimitadong panahon, ay isa ding halimbawa. Subalit hindi napahina ng paglitaw ng bagong mayor na imperyalista ang kontrol ng imperyalismo sa kabuuan. At maging ang huling mga halimbawa, ang pundamental na kompetisyon sa pagitan ng US at Rusya ay patuloy na nagdidikta sa pandaigdigang polisiya. Ang Tsina halimbawa, tumiwalag sa Rusya sa maagang bahagi ng dekada 60 at sa maiksing panahon nagtangkang isulong ang ‘umaasa-sa-sarili' na patakaran. Pero ang paglalim ng pandaigdigang krisis, na ang resulta ay napalakas ang dalawang pangunahing mga bloke, ang malakas na humatak sa Tsina na sumanib sa bloke ng US.

Lahat ng mga nangyayari sa matapos-ang-digmaan ay ganap na patunay na mali ang taktikang suportahan ang mga kilusan ng pambansang pagpapalaya para mapahina ang imperyalismo sa panahon ngayon. Sa halip na mapahina ang imperyalismo, ang mga kilusang ito ay nagsilbi lamang para mapahigpit ang kontrol nito sa daigdig, at para mobilisahin ang mga seksyon ng pandaigdigang proletaryado sa pagsisilbi sa iba't-ibang imperyalistang bloke.


Source URL:https://fil.internationalism.org/nation-or-class/chap1