Published on Internasyunal na Komunistang Tunguhin (https://fil.internationalism.org)

Home > Internasyonalismo - 2010s > Internasyonalismo - 2013

Internasyonalismo - 2013

  • 1648 reads

test

Armadong pakikibaka ng maoismo: Pakikibaka para sa kapitalismo ng estado

  • 5146 reads

Marso 29, 2013: Ika-44 anibersaryo ng armadong pakikibaka ng maoistang kilusan sa Pilipinas. Ano ang maaasahan ng uring manggagawa sa pakikibaka ng maoismo sa Pilipinas? Lalaya ba sila mula sa pagsasamantala at pang-aapi ng kapitalismo kung sakaling ang mga maoista na ang may kontrol ng estado?

Ang pokus ng artikulong ito ay suriin batay sa Marxismo ang programa ng maoistang Partido Komunista ng Pilipinas – pambansa-demokratikong programa – at ano ang aktwal na karanasan ng masang manggagawa sa mga bansang naipanalo nila ang “pambansa-demokratikong rebolusyon”.[1]

Maikling pagbalik-tanaw sa maoismo

Ang maoismo bilang doktrina ay unang lumitaw sa Tsina noong 1930s matapos ang pagkabigo ng proletaryong pag-alsa sa Shanghai noong 1927 at ganap na malusaw ang ibang tendensya sa loob ng PKT.[2]

Ang maoismo sa Tsina ay bunga ng pagkatalo ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon at pangingibabaw ng Stalinismo sa internasyunal na kilusang komunista.

Lumitaw ang maoismo sa Pilipinas noong 1960s matapos ang antagonistikong debateng “ideolohikal” sa pagitan ng Tsina at Rusya at paglakas ng ideolohiyang nasyunalismo sa hanay ng kabataan-estudyante bunsod ng digmaan sa Vietnam. Ang debate ay tulak ng hayagang “kritisismo” ni Khrushchev kay Stalin.[3] Hindi usapin ng marxismo laban sa rebisyunismo ang “debate” sa pagitan ng Tsina at Rusya kundi sa pagitan ng dalawang bansa na nag-aagawan kung sino ang maging “godfather” sa “sosyalistang” kampo (imperyalistang bloke na karibal ng bloke ng imperyalistang USA). Sa huli, natalo ang Tsina at wala itong nagawa kundi pumailalim sa bloke ng Amerika noong maagang yugto ng 1970s (buhay pa si Mao) laban sa bloke ng Rusya.

Lumakas ang gerilyang pakikidigma ng maoistang kilusan sa Pilipinas noong panahon ng diktadurang Marcos. Lumawak ang simpatiya ng manggagawa at taumbayan sa PKP (1968) dahil na rin sa barbarikong panunupil ng rehimeng Marcos sa kanyang mga kaaway at sa kilusang masa. Subalit ang paglakas ng maoistang kilusan ay hindi dahil sa pagtaas ng makauring kamulatan ng masang manggagawa kundi dahil sa pagkabansot nito at pagkakulong sa kaisipang nasyunalismo, anti-pasismo[4] at demokrasya. Isa pa sa dahilan ay ang mistipikasyon ng armadong pakikibaka laluna sa kabataan, kung saan ang mga tagumpay militar ng “hukbong bayan” ay inakalang “tagumpay” ng proletaryong pakikibaka[5].

Ang pambabaluktot ng maoismo sa proletaryong katangian ng rebolusyon ay kongkretong makita sa praktika kung saan ang interes ng PKP ay siya na ring interes hindi lang ng uring manggagawa kundi ng buong sambayanang Pilipino. At ito ang mahigpit na pinaniniwalaan ng kanilang mga tapat na tagasunod at simpatisador.

Programa ng PKP-1968: Programa ng pambansang kapitalismo

Bagamat ang programa ng maoistang PKP ang popular, hindi ito ang una at tanging may ganitong programa sa buong hanay ng Kaliwa sa Pilipinas. Ang buong Kaliwa (hindi lang ang maoistang kilusan) ay naniwalang dapat dadaan muna sa burges-demokratikong yugto ang “proletaryong rebolusyon” sa Pilipinas.[6] Halos memoryado ng mga tapat na kasapi ng PKP ang Programa ng Demokratikong Rebolusyon ng Bayan.

Kaya maari nating sabihin na mahigpit man ang bangayan ng mga paksyon ng Kaliwa sa isa’t-isa, nagkakaisa sila na dahil atrasado ang panlipunang sistema ng Pilipinas ay “tama” lamang na paunlarin muna ang pambansang kapitalismo para makamit ang sosyalismo sa bansa.

Inamin mismo ng maoistang PKP na ang programang isisnusulong nila ay hindi sosyalistang programa kundi burges-demokratiko. Dinagdagan lamang nila ng “bagong tipo” para magmukhang “rebolusyonaryo”. At naging “bago” dahil daw nasa “pamumuno” na ng uring manggagawa sa pamamagitan ng “kanyang” partido.[7] Ibig sabihin, para sa maoismo ang interes ng maoistang PKP ay interes ng uring manggagawa. Ang tutol sa interes ng PKP ay tutol sa interes ng uring manggagawa. Ganito ang pambabastardo ng maoismo sa marxismo!

Ang “materyal” na batayan ng PKP ay dahil daw “mala-kolonyal at mala-pyudal” ang umiiral na panlipunang sistema ng bansa. Sa madaling sabi, atrasado ang moda ng produksyon.[8]

Masusuma sa dalawang usapin ang burges na programa ng maoismo: Pambansang industriyalisasyon at Agraryong rebolusyon (ie, “libreng pamamahagi ng lupa sa mahihirap sa kanayunan).

Pambansang industriyalisasyon

Ang esensya ng pambansang industriyalisasyon ay pangunahin nasa pag-aari o kontrol ng estado ang mga batayan at malalaking industriya kasama na ang malalaking lupang agrikultural.

Sa totoo lang hindi ito tanging prangkisa ng Kaliwa. Maging ang Kanan ay ginagawa din ito.

Bago pa ang WW II ay ginawa na ng imperyalistang Amerika (Keynesianismo), Alemanya (Nazismo) at Italya (Pasismo) ang pambansang industriyalsiasyon. Malinaw na hindi lang ang stalinistang Rusya ang nagsagawa ng kapitalismo ng estado (ie “sosyalismo”).

Hindi nakapagtataka kung bakit may komonalidad ang Kanan at Kaliwa sa usapin ng pagpapalaki at pagpapalawak ng kontrol ng estado sa buhay panlipunan dahil pareho lang naman ang sistemang kanilang pinuprotektahan: panatilihin ang kasalukuyang kaayusan. At ito ang tanging papel ng estado sa lipunang makauri.

Noong 19 siglo kung saan progresibo at lumalawak pa ang kapitalismo, ang pangunahing papel ng estado ay “referee” lamang ng kompetisyon ng mga pribadong kapitalista para walang anarkiya at antagonistikong kaguluhan ng kanilang kompetisyon.[9] Subalit mula 20 siglo ng pumasok na sa dekadenteng yugto ang kapitalismo, ay ang estado na mismo ang kumukontrol at nagmamay-ari sa mga industriya.

Sa madaling sabi, ang pambansang industriyalisasyon ay hindi pagsulong ng kapitalismo kundi bunga ng kanyang permanenteng krisis bilang moda ng produksyon. Ang estado bilang huling tagapagligtas ng sistemang kapitalismo ay kailangang manghimasok sa buong buhay ng lipunan higit pa sa kanyang ginawa noong 19 siglo para hindi babagsak ng tuluyan ang sistema.

Ang “New Deal” ni Roosevelt, Nazismo ni Hitler at Pasismo ni Mussolini ay pawang bunga ng matinding krisis ng sistema at desperadong solusyon para pansamantalang mapigilan ang pagbagsak nito. Subalit hindi napigilan ng pambansang industriyalisasyon (na sa tamang kahulugan ay kapitalismo ng estado) ang pagsabog ng WW II na lalupang sumira sa buhay at ari-arian ng daang milyong mamamayan ng mundo.[10]

Ang layunin ng pambansang industriyalisasyon o kapitalismo ng estado ay “paunlarin” ang kapitalismo sa isang atrasadong bansa tulad ng Pilipinas. O kaya desperadong isalba ang pambansang kapital na nasa matinding krisis tulad noong panahon ng Great Depresson sa Amerika, paglitaw ng Nazismo sa Alemanya at Pasismo sa Italya sa pamamagitan ng pag-agaw sa mga teritoryo ng kanilang mga karibal.

Ang tanong: posible pa ba ito sa panahon ng dekadenteng kapitalismo? Progresibo pa ba ang kapitalismo ng Pilipinas at sa ibang atrasadong bansa?

Dahil hindi pandaigdigan at istorikal ang balangkas ng Kaliwa laluna ng mga maoista kundi pambansa at nasyunalismo, hindi nila naunawaan at ayaw unawain na wala ng progresibong bahagi ng kapitalismo at ganap nang reaksyunaryo ang pandaigdigang kapitalismo mula 20 siglo. Sa halip na makatulong ay ganap nang hadlang sa pag-unlad ng produktibong pwersa ang pambansang kapital.[11]

Sa dekadenteng kapitalismo ang pandaigdigang pamilihan ay mabilis na kumikipot habang naging permanente na ang krisis ng sobrang produksyon. Ang tanging tulong ng pambansang industriyalisasyon ay mas patindinhin ang pagpiga sa libreng paggawa (pagsasamantala at panunupil) ng manggagawa para makakuha ng puwang sa kumikipot na pandaigdigang pamilihan: mabenta ang mga produkto. Sa kabilang banda naman ay para palakihin pa ang mga sobrang produktong hindi na kayang bilhin ng populasyon ng mundo.[12]

Ang kapitalismo ng estado, kontrolado man ito ng Kanan o Kaliwa ay walang ibang layunin kundi makipagkompetisyon sa ibang pambansang kapital para sa tubo. Layunin na makamit lamang sa pamamagitan ng walang habas na pagsasamantala at panunupil sa masang manggagawa.

Bagamat napakahalaga na maintindihan natin ang teoretikal na pundasyon kung bakit lubusan ng reaksyunaryo ang kapitalismo sa Pilipinas man o mundo, ang aktwal na naranasan ng uring manggagawa sa Rusya (mula 1930s), Tsina (mula pa sa panahon ni Mao), Vietnam, Cuba, Hilagang Korea, Nepal, Venezuela, atbp ay labis-labis ng pruweba na hindi garantiya ang absolutong kontrol ng isang “komunistang” partido sa estado o ang tapat na pananampalataya sa maoismo para pagsilbihin ang huli sa kapakanan at interes ng uring manggagawa.

Unang-unang na, ang estado ay produkto ng paglitaw ng mga uri kung saan ang tanging papel ay gawing “mapayapa” ang tunggalian ng mga uri, hindi para wasakin ang batayan ng pagkahati-hati ng lipunan sa mga uri. Kaya may mga batas, korte at bilangguan para makontrol ang tunggalian at may armadong lakas para supilin ang mga ayaw sumunod sa “kapayapaan”.

Hindi kung sinu-sino at saang uri sila galing ang sukatan ng katangian ng estado kundi kung ano mismo ang estado bilang isang institusyon ng lipunang makauri:

“Ang uring manggagawa ay hindi nakukuntento na hawakan ang makinarya ng Estado, kung ano mang meron ito, upang pagsilbihin sa kanyang mga layunin. Sa katunayan ang Estado ay burges at hindi simpleng dahil ang mga makinarya nito ay nasa kamay ng burgesya. Ang Estado ay hindi nyutral, kundi isang instrumento ng uri. Gayunman nagiging burges ang isang makinarya hindi dahil sa burgis ang kawaning nagmamando nito, kundi ang katangian nito bilang isang makinarya ay salungat sa kalakhan ng lipunan.” (Marx, Ang Digmaang Sibil ng Pransya)  Ito ang hindi naunawaan ng ating magagaling na mga maoista at iba pang paksyon ng Kaliwa na nagpupumilit na ang estado ay pwedeng gamitin para sa komunistang rebolusyon.

Kahit si Lenin na sumuporta sa kapitalismo ng estado laban sa minoriya sa loob ng Komunistang Internasyunal para manatili ang kapangyarihang sobyet ay sa huli panimulang nakita ang kanyang kamalian:

“Ang makina ay kumakawala sa mga kamay ng may hawak nito: maaaring sabihin ninuman na may isang taong nasa renda na gumagabay sa makinang ito, pero ang huli ay tumatahak sa direksyong iba pa sa inaasahan, na ginagabayan ng isang sikretong kamay, isang iligal na kamay. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung kanino ito, maaring sa isang ispekulador o isang pribadong kapitalista o magkasama silang dalawa. Ang katotohanan ay ang makina ay di tumatahak sa direksyong inaasahan ng taong nagpapatakbo sana nito, at minsan ito’y lubos na tumatahak sa salungat na direksyon.”  (Pampulitikang Ulat ng Komite Sentral ng Partido, 1922)

“Tanging ang pakikibaka ang magpapasya, sa huling pag-aanalisa, kung hanggang saan tayo susulong, tanging ang pakikibaka ang magpapasya kung anong bahagi ng dakilang tungkuling ito, kung anong bahagi ng ating mga tagumpay na maaari nating konsolidahin. Siya na makakaranas ay makakita nito.” (Para sa IV Pagdiriwang ng Rebolusyong Oktubre, 1921)

Pero hindi na niya nakita ang tunay na bunga ng kanyang kapitalismo ng estado at ang paggamit nito ng Stalinismo kasama na ang "sosyalismo sa isang bansa" para ipataw ang 50-taong kontra-rebolusyon sa loob ng internasyunal na komunistang kilusan.

Ikalawa, ang dekadenteng kapitalismo (imperyalismo) ay isang istorikal na yugto ng kapitalismo kung saan ganap ng nasakop ng kapital ang buong mundo at naitayo na nito ang isang pandaigdigang pamilihan na nagsisilbi sa interes ng kapital. Ang ganap na pagsakop ng kapital sa buong mundo ay simula na rin ng kanyang pagbulusok-pababa dahil sa dalawang pundamental na salik: 1) permenenteng krisis ng sobrang produksyon at 2) patuloy na pagkipot ng pandaigdigang pamilihan. Diyalektikal na magkaugnay ang dalawang salik na ito.

Ang tanging “epektibong” (bagamat pansamantala lamang) solusyon ng burgesya sa kanyang krisis sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo at wasakin ang produktibong pwersa para “makapagsimula” ng panibagong konstruksyon. Ito ang batayan ng WWI at WW II na kumitil ng daan-daang milyong buhay at sumira ng bilyun-bilyong ari-arian. Subalit maging ang katangian ng digmaan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay nagbago na rin. Hindi na ito katulad noong 19 siglo kung saan ang kapwa ang nanalo at natalo sa digmaan ay sa pangkalahatan ay umunlad pareho.

Sa panahon ng imperyalismo, kapwa ang “nanalo” at natalo ay dumaranas ng matinding krisis matapos ang digmaan at hindi na umunlad pa ayon sa inaasahan. Maging ang Stalinismo at Keynesianismo ay hindi nagawang pigilan ang pagsabog ng pandaigdigang krisis noong 1960s, at mas laluna ngayon.

“Leninismo”, Stalinismo, Maoismo, Trotskyismo, o Chavismo man ang may kontrol ng estado, hindi nito mababago ang reaksyunaryo at kontra-progresibong katangian ng estado. Kabaliktaran pa nga ang nangyari: naging matabang lupa ang nabanggit na mga ideolohiya upang patuloy na alipinin at malunod sa ilusyon ang masang manggagawa ng mundo. Lalunang hindi nito mababago ang tunguhin ng mga bansa patungong ibayong pagkaatrasado at barbarismo.

Ang pambansang industriyalisasyon o kapitalismo ng estado ay ibayong pagsasamantala at pang-aapi sa masang manggagawa sa ngalan ng “kaunlaran” at “industriyalisasyon”.

Ang pinakamasahol na pambabaluktot sa papel ng estado sa panahon ng yugto ng transisyon ay ang panggigiit hindi lang ng mga maoista kundi maging ng mga karibal nila sa Kaliwa (ie, “leninista”) na ang pag-aari ng estado ang bag-as ng “sosyalistang ekonomiya” basta ang una ay nasa kontrol ng isang partido “komunista”. Kahit sa panahon nila Marx/Engels na progresibo pa ang kapitalismo, inilinaw na nila kung ano ang estado:

“ang transpormasyon, maging tungo sa kumpanyang joint-stocks at trust man o tungo sa pag-aari ng Estado, ay hindi pumapawi sa kapitalistang katangian ng produktibong pwersa. Sa kumpanyang joint-stocks at trust ito ay hayagang makikita. At ang modernong Estado, sa muli, ay isa lamang organisasyon na hinahawakan ng burgesya upang suportahan ang mga panlabas na konhindisyon ng kapitalistang moda ng produksyon laban sa mga panghihimasok hindi lamang ng mga manggagawa kunhindi pati ng mga indibidwal na mga kapitalista. Ang modernong Estado, ano man ang anyo nito, ay kapitalistang makina sa esensya, ang estado ng mga kapitalista, ang ideyal na pagsasatao sa kabuuang pambansang kapital. Habang mas tumutungo ito sa paghawak sa produktibong pwersa, mas hayagan itong nagiging pambansang kapitalista, at mas maraming mamamayan ang napagsamantalan nito. Ang mga manggagawa ay nananatiling mga sahurang manggagawa – mga proletaryo. Ang kapitalistang relasyon ay hindi nito pinapawi. Ito’y dinadala lamang sa tugatog.” (Kontra-Duhring)    

Hindi instrumento ng uring manggagawa ang estado para maabot ang komunismo kundi kailangan itong ibagsak at pahinain (transisyunal na estado sa panahon ng diktadura ng proletaryado) hanggang sa tuluyang maglaho.[13]

“Agraryong Rebolusyon”

Pareho ang layunin ng repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon: ipagtanggol at desperadong paunlarin ang pambansang kapitalismo.

Ang propaganda ng mga maoista sa kanilang “rebolusyonaryong” agraryo ay “libreng pamamahagi ng lupa” sa mga walang lupa. Sa esensya ang ibig sabihin nito ay palakasin ang peti-burges na pag-aari sa kanayunan sa anyo ng maliitang pag-aari ng lupa. Ang sentral na layunin ay palakasin ang kapitalismo (ie, “modernisasyon”) sa kanayunan.

Una sa lahat, dapat ilantad ang makauring katangian ng agraryong rebolusyon ng maoismo: isang burges na programa laban sa pyudal na kaayusan. Pero hindi lang ito burges – anti-sosyalismo – kundi bangkarota na sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Sa partikular, nananaginip ang mga maoista na nasa 19 siglo sila. Ang ganap na dominasyon ng sistema ng kalakal sa kanayunan at ang lubusang integrasyon nito sa kapitalistang pamilihan ay patunay na hindi na pyudal ang sistema doon kundi kapitalismo na. Kung naging mabagal man ang pag-unlad ng kapitalismo sa kanayunan ito ay hindi dahil sa alyansa ng imperyalistang Amerika at pyudal na panginoong maylupa o alyansa ng kapitalismo at pyudalismo[14] kundi dahil pumasok na ang pandaigdigan kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto. 

Kung suportado man ng mga komunista noong 19 siglo ang programa ng burgesya laban sa pyudalismo, ito ay sa tanging dahilan na progresibo at lumalawak pa ang kapitalismo sa buong mundo. Hindi sa usaping moralidad o pagiging makatuwiran ng burges na programang ito ang batayan ng suporta ng marxistang kilusan sa burgesya noong 19 siglo kundi sa diyalektikal-materyalistang basihan.

Sa dekadenteng kapitalismo, maging ang maliitang pag-aari ay dinudurog mismo ng sistema dahil sa matinding kompetisyon ng bawat pambansang kapital kung kaya’t mismong ang kanilang peti-burges na programa sa kanayunan ay pansamantala lamang, o mas tamang tawaging propaganda lamang para maakit ang atrasadong maralitang manggagawang-bukid.[15]

Malinaw sa karanasan na matapos manalo ang “pambansa-demokartikong rebolusyon” ay dinurog mismo ng estado ang peti-burges na pag-aari sa kanayunan hindi para sa sosyalismo kundi para sa kapitalismo ng estado: kontrol at dominasyon ng estado sa malawak na lupang agrikultural sa kanayunan sa anyo ng pag-aari ng estado o mga kooperatibang integrado sa estado.[16] Higit sa lahat, ang mga ito ay nagsisilbi sa kompetisyon ng pambansang kapital laban sa kanyang mga karibal sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga manggagawang-bukid na nagmamay-ari ng maliitang parsela ng lupa ay naging pinagsamantalahang manggagawa ng estado at kooperatiba para palakihin ang tubo para sa pambansang kapital.

Ang libreng pamamahagi ng lupa ng maoistang kilusan sa kanayunan ay naglalayong palakasin ang sistema ng kalakal at ang peti-burges na maliitang pag-aari para makuha ng partido ang simpatiya ng uring peti-burges habang nagkokonsolida ng kanyang kapangyarihan. Pagkatapos ay kontrolin ng estado at mga kooperatibang tapat sa partido ang malawak na lupain sa ngalan ng “kolektibisasyon” o “komunalisasyon” para mas mapabilis pa ang produksyon ng kalakal para sa kapitalistang pandaigdigang pamilihan.

Patungong sosyalismo ba ang pambansa-demokratikong programa?

Ginigiit ng maoistang kilusan sa kanilang mga membro at tagasuporta na ang pambansang-demokratikong programa ay unang hakbang para sa sosyalismo. Ibig sabihin, paunlarin muna ang pambansang kapitalismo sa mga atrasadong bansa tulad ng Pilipinas para maihanda diumano ang materyal na batayan para sa sosyalismo. At para daw maisakutuparan ito, kailangan na ang estado ay kontrolado ng partido “komunista” at ang mga burukrata sa loob ng gobyerno ay dapat daw mga “pulahan”. Kung mangyari daw ito, ibig sabihin ang estado ay “estado ng manggagawa” o “estado ng bayan”.[17]

Ano ang katotohanan sa likod ng maoistang programa?

Una, para sa mga maoista, sa mga atrasadong bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay progresibo pa ang pambansang kapitalismo. Ang kailangan lang daw ay “mapalaya ang bansa sa kontrol ng makapangyarihang kapitalistang mga bansa” kung saan ang linyang “anti-imperyalismo” nila ay anti-imperyalistang Amerika.

Malinaw na ang batayan ng programa ng maoismo ay programa para sa 19 siglo. At dahil dekadente na nga ang kasalukuyang sistema, hindi lang pinaglipasan na ng panahon ang programa nila kundi naging reaksyunaryo at kontra-rebolusyonaryo na ito.

Dalawang usapin ang kailangang makita natin: 1) Naging sosyalista ba ang mga bansang “lumaya” sa loob ng ilang dekada na pamumuno ng partido “komunista”?; 2) Kontrolado ba ng uring manggagawa ang estado?

Walang marxistang organisasyon ang naniwalang naging sosyalista ang mga bansang “lumaya”. At lalunang hindi naging tunay na lumaya sa imperyalismo ang naturang mga bansa.[18]

Sa Tsina, Vietnam, Nepal, maraming mga batas ang nagbabawal sa welga at kumikitil sa karapatan ng mga manggagawa sa ngalan ng pambansang industriyalisasyon. Makita ito sa mga welga, rali at demonstrasyon ng mga manggagawa para sa mas mataas na sahod at makataong kondisyon sa pagawaan. Sa Cuba at North Korea naman ay nanatiling mahigpit ang kontrol ng estado sa lipunan. Sa South Africa ay humantong mismo ang “pambansa-demokratikong” estado ng South African Communist Party/African National Congress sa mga masaker sa manggagawang lumalaban para sa kanilang makauring kahilingan.

Hindi lang naging permanente na ang kanilang unang yugto ng “rebolusyon” (burges-demokratiko), mas lumala pa ang pagsasamantala sa uring manggagawa para mapaunlad ang pambansang kapitalismo. Katunayan, inamin mismo ng mga panatikong maoista na naging “rebisyunista” ang mga bansang ito. Pero sa halip na suriin kung bakit lahat ng mga “lumaya” ay naging rebisyunista, ang simpleng sagot lamang ng mga maoista ay “dahil inabandona nila ang maoismo”.  

“Digmaang Bayan” ng maoismo: Digmaan laban sa sosyalismo para sa kapitalismo

Halos 50 taon na ang matagalang digmaang “bayan” ng maoistang kilusan sa Pilipinas pero nasa estratehikong depensiba pa rin ang antas ng kanilang digmaan. Sabagay, walang problema para sa mga panatiko sa hanay nila kung aabot man sila ng 100 taon ng gerilyang pakikidigma.

Ang hindi maipagkaila ay dumarami ang mga inosenteng sibilyan na nadamay sa digmaan sa pagitan ng isang kilusan na ang programa ay kapitalismo ng estado at sa karibal nito na naghaharing paksyon na kumakapit sa pribadong kapitalismo. Hindi rin problema sa mga maoista ang libu-libong masawi sa kanilang digmaan dahil tulad ng mga panatikong islamista, naniniwala silang isang kabayanihan ang mamatay at papatay para sa inangbayan at “natural” lamang sa isang digmaan ang “collateral damage”.

Ang armadong rebolusyon ng maoismo ay militarisasyon ng lipunan laluna sa kanayunan[19]. Ito rin ang ginawang palusot ng estado para mas palakasin pa ang kanyang lakas-militar – “sugpuin and insurhensya ng mga armadong gerilyang grupo.”

Pero maging si Mao ay nanghihikayat ng militarisasyon at digmaan para sa inang-bayan at kapitalismo ng estado:

“Huwag mabahala kung meron mang digmaan. Ito’y nangangahulugan lamang ng pagkakapatay ng mga tao at nasaksihan natin ang mga taong namamatay sa digmaan. Ang pagkalagas ng kalahati ng populasyon ay nangyari na ng ilang beses sa kasaysayan ng Tsina. Ang 50 milyong populasyon sa panahon ni Emperor Wu ng Dinastiyang Han ay bumaba sa 10 milyon sa panahon ng Tatlong Kaharian, ng dalawang Dinastiyang Chin at ng mga Dinastiyang Hilaga at Timog. Ang digmaan ay tumagal ng ilang dekada at paulit-ulit ng ilang daang taon, mula sa Tatlong Kaharian hanggang sa Dinastiyang Hilaga at Timog. Ang Dinastiyang T’ang ay nag-umpisa sa 20 milyong populasyon at ito’y di umabot sa 50 milyon hanggang kay Emperor Hsuan.  At si Lu-shan ay nagsagawa ng isang pag-alsa at ang bansa ay nahati sa maraming estado. Ito’y di napag-isa hanggang sa Dinastiyang Sung, matapos ang mga 100 o 200 na taon, sa populasyong humigit lang sa 10 milyon… di masyadong maraming taong namatay sa dalawang Digmaang Pandaigdig, 10 milyon sa una at 20 milyon sa pangalawa, pero meron tayong 40 milyong namatay sa isang digmaan. Gaano pala ka mapangwasak ang mga malalaking espada! Wala tayong karanasan sa digmaang atomika. Kung ilan ang mamamatay ay di malalaman. Ang pinakamabuting resulta ay ang kalahati na lamang ng populasyon ang matitira at ang pangalawang pinakamabuti ay isang-katatlo na lang. Kung 900 milyon ang matitira mula sa 2.9 bilyon, ilang limang-taong plano ay maaaring mapaunlad para sa ganap na pagkapawi ng kapitalismo at para sa permanenteng kapayapaan. Di na ito masama.” –Mao Tse-Tung (Pangalawang Talumpati sa Kongreso ng Partido, Mayo 17, 1958)    

Tunay ngang tapat na tagasunod ng Stalinismo si Mao at ang maoismo ay “pinaunlad” na Stalinismo.

Mahalagang suriin ang paraan ng pakikibaka kung ito ay nagsisilbi ba sa layunin ng uring proletaryado. Ang gerilyang pakikidigma sa kanayunan ay hindi proletaryong paraan ng pakikibaka kundi ng mga mapusok na peti-burges. Ang anumang porma ng pakikibaka ng proletaryado mula pa sa panahon nila Marx ay nakabatay sa malawak na pagkakaisa ng uring manggagawa bilang namuno at pangunahing uri ng rebolusyon laban sa kapitalismo. Ang gerilyang pakikidigma ay nakasalalay sa minoriyang bilang ng mga matatapang na tao na ini-organisa sa isang “hukbong bayan”. At masahol pa, sa absolutong pamumuno ng isang partido.

Totoong kailangang mag-armas ang mga manggagawa sa panahon ng isang rebolusyonaryong sitwasyon. Pero ang mga mulat na manggagawa mismo ang nag-armas at pinamunuan ito hindi ng kanilang partido kundi ng mismong organisasyon ng uring manggagawa – ang mga konseho at asembliya ng uri.[20]

Kaya isang malaking kabulastugan ang linya ng maoismo na “kung walang hukbong bayan walang kahit ano ang mamamayan”. Ang linyang ito ay peti-burges kung saan sasandal ang masang anakpawis sa armadong lakas ng iilan kaysa kanilang sariling lakas at pagkakaisa. Sa huling pagsusuri dahil nasa absolutong pamumuno ng isang partido ang hukbo, ang nangingibabaw ay ang otoridad ng partido na umaakong “representante” hindi lang ng uring manggagawa kundi ng buong bayan. Sa huling pagsusuri, ang “hukbong bayan” ay walang kaibahan sa sandatahang lakas ng estado – parasitikong pwersa ng lipunan.

Ang diktadura ng proletaryado ay hindi diktadura ng partido sa ngalan ng proletaryado. Kung ang armas sa panahon ng pakikibaka at sa yugto ng transisyon ang isa sa mga ekspresyon ng makauring diktadura, dapat ang armas ay nasa kontrol ng mga konseho at asembliya ng uring manggagawa mismo hindi sa ilalim ng estado o ng partido.

Sa usapin pa lang ng porma ng pakikibaka na dapat magsilbi sa layunin at sa panlipunang sistemang itatayo ng uring manggagawa, ang digmaang “bayan” ng maoistang PKP ay sablay na.

Ang sentral na ideolohiya ng maoismo ay burges na nasyunalismo. Matindi ang obsesyon nito sa baluktot na “anti-imperyalismo” kung saan ito ay anti-imperyalistang Amerika dahil “semi-kolonya” ng Amerika ang Pilipinas. Ang “anti-impeyalismo” ng maoismo ay hindi tunay na anti-imperyalismo dahil hindi ito tutol sa kapitalismo kung saan ang imperyalismo ay ang huli at dekadenteng yugto nito.

Sa teorya at praktika man, ang armadong rebolusyon ng maoistang kilusan ay laban sa sosyalismo at para panatilihin ang kapitalismo at ang paghari ng estado.

Ang kalakasan ng armadong pakikibaka ng maoistang kilusan ay nakasalalay sa mahina at hindi mulat-sa-uri na pakikibaka ng masang manggagawa sa Pilipinas.

Napakahirap at masalimuot ang tungkulin ng mga minoriyang komunista sa Pilipinas para labanan ang uring kapitalismo na Kanan at Kaliwa ang armas laban sa ating uri. Pero ang kahirapang ito ay mapangibabawan sa paglakas ng rebolusyonaryong kilusan ng manggagawa sa pandaigdigang saklaw.

Kung ang tunguhin ng daigdig ngayon ay “sosyalismo o pagkasira ng mundo”, walang duda na ang maoismo at ang gerilyang pakikidigma nito ay nagsisilbi sa huli, hindi sa una.

Internasyonalismo, Marso 2013

 


[1] Ang “leninistang” Partido ng Manggagawang Pilipino (PMP) ni Felimon Lagman ay may komprehensibong kritiko din sa maoismo sa Pilipinas. May pagsisikap man si Lagman na suriin ang maoismo gamit ang lente ng marxismo pero sa pangkalahatan ay sablay ang kanyang pagsusuri dahil ang kanyang balangkas ay nakabatay sa 19 siglo hindi sa panahon na nasa dekadenteng yugto na ang pandaigdigang kapitalismo. Para sa karagdagang kaalaman maaring basahin ang aming kritik sa pagsusri ni Lagman dito https://fil.internationalism.org/icconline/2007/lagman_summary [1]

[2] “Ang pampulitikang tunguhing Mao Zedong sa loob ng Partido Komunista ng Tsina (PKT) ay lumitaw lamang noong 1930s, sa gitna ng kontra-rebolusyon kung saan ang PKT ay unang natalo at pisikal na nalalagas, at naging kasangkapan na ng kapital. Binuo ni Mao ang isa sa mga pinakamaraming paksyon na lumaban para sa kontrol ng partido, at sa gayon ay naglalantad ng kanyang pagkabulok. Ang Maoismo, mula pa sa umpisa, ay walang kaugnayan sa proletaryong rebolusyon maliban sa ito’y lumitaw mula sa kontra-rebolusyon na dumurog sa uring manggagawa.

Sa katunayan, nagawa lamang kontrolin ni Mao Zedong ang PKT noong 1945, nang ang “Maoismo” ay naging opisyal na doktrina ng partido, matapos magapi ang naunang dominanteng paksyong Wang Ming, at habang ang PKT ay lubos na lumahok sa nakakatakot na laro ng pandaigdigang imperyalistang digmaan. Kung gayon, ang pagsikat ng gang ni Mao Zedong ay direktang produkto ng kanyang pakipagsabwatan sa mga malalaking imperyalistang gangster.

Ang lahat ng ito ay maaring makakagulat kaninuman na alam lamang ang kasaysayan ng ika-20 siglong Tsina sa pamamagitan ng mga sulatin ni Mao, o sa burgis na pag-aaral ng kasaysayan. Sinasabing ginamit ni Mao ang sining ng pagpalsipika ng kasaysayan ng Tsina at ng PKT (nakinabang siya sa karanasan ng Stalinismo at sa mga gang na nauna pa sa kanya sa poder mula 1928 pataas) sa isang antas na kung saan ang simpleng pagsalaysay ng mga kaganapan na siyang nangyayari ay kailangan pang pumaimbulog sa hangin ng kuwentong-panstasya” (https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html [2])    

[3] Si Prof. Jose Maria Sison ang nanguna para bumaklas sa maka-Rusyang PKP (1930) at itayo ang maka-Tsina na PKP (1968).

[4] Baluktot ang konsepto ng “anti-pasismo” ng maoistang PKP. Pinasimple lamang nila ito bilang anyo ng diktadura ng isang paksyon o tao ng naghaharing uri tulad ng batas military ng diktadurang Marcos o kaya ng marahas na panunupil ng estado sa mga rali at demonstrasyon. Ni walang kaalam-alam ang mga aktibista at tagasuporta nila sa kasaysayan ng paglitaw ng Pasismo sa Uropa bago ang WW II at ng materyal na batayan nito. Ni hindi alam ng mga maoista ano ang responsibilidad ng burges na demokrasya sa paglitaw ng pasismo sa pandaigdigang saklaw at paglitaw ng diktadurang Marcos noong 1972 sa particular. Ang pasismo ay isa sa tatlong tipo ng kapitalismo ng estado, o sa termino ng mga maoista, pambansang industriyalisasyon – 1) demokratikong kapitalismo ng estado, 2) stalinistang kapitalismo ng estado, 3) pasistang kapitalismo ng estado. https://en.internationalism.org/worldrevolution/201209/5140/there-danger-fascism-today [3]

At kung pag-uusapan lang naman ang marahas na panunupil sa mga kaaway ng maoismo, ito ang sagot ni Mao: “460 iskolar lamang ang inilibing niya (Ch’in-Shih-huang, ang unang emperor ng Tsina) ng buhay, samantalang tayo ay 46,000 ang inilibing. Sa ating panunupil sa mga kontra-rebolusyonaryo, di ba pumapatay tayo ng mga kontra-rebolusyonaryong intelektwal? Minsan ay nakipagdebate ako sa mga demokratikong mamamayan: Inaakusahan ninyo kami na umaastang parang si Ch’n-Shih-huang, pero nagkamali kayo; nilagpasan namin siya ng 100 beses.” –Mao Tse-Tung (Unang Talumpati sa Kongreso ng Partido, Mayo 17, 1958). May kaibahan ba ang pasismo at maoismo? Kung sa marahas na panunupil ang pag-uusapan, malinaw na wala maliban sa ang huli ay nakatago sa maskara ng “demokrasya” at “sosyalismo”.

[5] Pinalabo pa ng maoismo ang pundamental na kaibahan ng “sambayanan” at proletaryado. Dinikdik sa kaisipan ng kanilang mga tagasunod, laluna sa kabataan na ang “sambayanan” at proletaryado ay iisa ang kahulugan. Kaya naman ang islogan nito ay “paglingkuran ang sambayanan” na walang iba kundi ang bloke ng apat na uri: manggagawa, magsasaka, peti-burgesya at pambansang burgesya. Sa medaling sabi, paglingkuran ang uring burges.

[6] Ang PKP (1930) ay pambansa-demokratiko din ang programa pero tutol sa gerilyang pakikidigma. Ang “leninistang” Kaliwa ay may balangkas na “minimum” na programa (burges-demokratiko) at “maksimum” na programa (sosyalista) hango sa modelo ng Ikalawang Internasyunal sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo.

[7] Walang alam ang maoismo sa materyalismong-istoriko at sa kasaysayan mismo ng pakikibaka ng internasyunal na proletaryado. Wala sa kasaysayan ng pakikibaka nito kahit pa sa panahon noong 19 siglo na sumusulong pa ang kapitalismo na namuno ang uring proletaryado sa isang rebolusyon na hindi kanya. Wala sa kasaysayan na naging “proxy” ang isang uri sa isang rebolusyon dahil ang uring dapat mamuno nito ay umatras na. Ang “bagong” tipong burges na rebolusyon ay isang luma at ngayon bulok at kontra-rebolusyonaryo na sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.

[8] Hindi na muna sakupin ng artikulo ang marxistang sagot sa burges na argumento ng maoismo na “mala-kolonyal at mala-pyudal” ang Pilipinas. Una sa lahat, ang aktwal mismo na ebolusyon ng kapitalismo sa Pilipinas at buong mundo ang magpapatunay na hindi na mala-pyudal ang moda ng produksyon sa Pilipinas kundi atrasadong kapitalistang bansa. Maging ang ibang paksyon ng Kaliwa ay inamin na tahasang mali ang pananaw na hindi kapitalista ang moda ng produksyon ng bansa sa kabila na ang kanilang pagsusuri ay nakakulong sa pambansang balangkas sa halip na ang tamang balangkas ay pandaigdigan.

[9] Maraming beses na pinakita ng kasaysayan na hindi nagawa ng estado na pigilan ang antagonistikong kompeisyon at agawan ng teritoryo ng mga pambansang kapital sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo. Maraming digmaan ang nangyari sa 19 siglo. Pero dapat pansinin na karamihan sa mga digmaang ito ay dahil sa pangangailangan ng kapitalismo na durugin ang mga labi ng pyyudlismo para ganap na masakop nito ang mundo. Maging ang mga kolonyalistang digmaan sa 19 siglo ay sa pangkalahatan progresibo kung pagbatayan ang tunggalian ng progresibong kapitalismo laban sa reaksyunaryong pyudalismo. Sa pangkalahatan, ang nanalo at natalo ay parehong umunlad noong panahon na progresibo pa ang kapital. Hindi na ito ang nangyari sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto. Ganun pa man, partikular sa larangan ng ekonomiya, “referee” ang pangkalahatang papel ng estado sa lipunan noong 19 siglo. Para sa karagdagang kaalaman kung ano, bakit may digmaan sa panahon ng kapitalismo at ano ang tindig ng mga marxista dito maaring basahin ito: https://en.internationalism.org/node/3622 [4], https://en.internationalism.org/wr/275_irrationality.htm [5]

[10] Sumabog ang krisis ng kapitalismo ng estado noong huling bahagi ng 1960s. Noong 1980s ay nagbalangkas ng “bagong” pang-ekonomiyang patakaran ang internasyunal na burgesya – Reaganomics at Thatcherism – ang ama at ina ng “globalisasyon”. Para sa mga “globalista” naging problema na ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya at dapat lang na hayaan ang pribado at merkado ang magpasya. Inamin mismo ng kritika ng isang paksyon ng burgesya na hindi nasolusyonan ng kapitalismo ng estado ang permanenteng krisis ng dekadenteng kapitalismo. Subalit ang solusyon ng Reaganomics/Thatcherism na halos katulad noong 19 siglo ay sumabog noong 2006-07. Kapitalismo ng estado o pribadong kapitalismo man ang solusyon, hindi nito mapigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng sistema ng kapital.

[11] Sa salita ay tanggap ng mga maoista at iba pang paksyon ng Kaliwa na bulok at bangkarota na ang kapitalismo. Subalit lagi na lang silang naghahanap ng mga palusot para bigyang katuwiran ang pambabastardo nila sa marxismo. Ginawa nilang palusot na dahil atrasado ang moda ng produksyon ng Pilipinas ay kailangan muna itong “paunlarin” (industriyalisasyon) para masimulan ang sosyalistang konstruksyon. At para sa kanila, ang solusyon ay “pambansang industriyalisasyon” o kontrol ng estado sa ekonomiya. Dahil dito ay nalantad ang kontradiksyon ng kanilang interpretasyon: “bulok na ang kapitalismo pero kailangan natin itong paunlarin para makamit ang sosyalismo”. “Umunlad” at naging “industriyalisado” nga ang mga bansang kapitalista-ng-estado. Pero pag-unlad at industriyalisado para kanino? Higit sa lahat, maging ang “kaunlaran” at “industriyalisasyon” na sinasabi nila ay mula sa mala-hayop na pagsasamantala at pang-aapi sa kanilang mga manggagawa. Ganun pa man, hindi pa rin nakaahon ang karamihan sa mga bansang ito mula sa kategoriya ng pagiging nasa ikatlong daigdig. Sa panahon ng imperyalismo ang tunguhin ng mundo ay patungo sa pagiging kondisyon ng ikatlong daigdig sa halip na patungong unang daigdig. Ang krisis sa Uropa – Greece at Spain -- ay patunay na kasinghirap na ang mga mamamayan doon sa mga kapatid nila na nasa ikatlong daigdig.

[12] Patuloy ang propaganda ng internasyunal na posible pang uunlad at maging industriyalisado ang mga bansang nasa “ikatlong daigdig”, na mapantayan o kaya malagpasan nito ang inudtriyalisasyon na naabot ng mga lumang kapitalistang kapangyarihan. Para sa burgesya “eternal” ang kapitalismo at “patuloy itong sumusulong”. Maraming pinagyabang na modelo ang burgesya: “Asian Tigers”, BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa). Ang mga bansang ito ay mas matindi ang krisis at kilusang protesta laban sa kahirapan ang naranasan kaysa kaunlaran.

[13] Ang umiiral na mga “sosyalistang” estado, maliban sa hindi ito diktadura ng proletaryado ay hindi humina kundi lalupang pinalakas ng mga partido “komunista” na may kontrol dito. Isang malaking kasinungalingan na ang sosyalismo ay ang estado na kontrolado ng isang partido “komunista”. Dinidikdik sa utak ng mga mahihirap na masa na ang pag-asa para sila lumaya ay nasa estado sa halip na nasa kanilang mga kamay mismo.

[14] Ang mga ideolohista ng maoismo ay nanindigan na ang pagiging “mala-pyudal” (hindi kapitalista) ay dahil diumano sa mulat na pambabansot ng imperyalismo sa kanayunan sa pamamagitan ng alyansa ng imperyalismo at pyudalismo. Sa ilusyon ng maoismo ay “totoo” ito pero hindi sa marxismo at sa realidad. Nanindigan ang materyalismong istoriko na iiral at uunlad lamang ang kapitalismo mula sa mga guho ng pyudalismo. Subalit may huling palusot pa ang maoismo: partikular lang daw ito sa mga atrasadong bansa tulad ng Pilipinas dahil aminado naman sila na kapitalismo na ang pandaigdigang sistema. Ito ang resulta ng “diyalektikong-materyalismo” ng maoismo. Ginawang “internal” ang bansa at “eksternal” ang daigdig sa halip na tingnan ito sa relasyong bahagi-kabuuan. Sa ganitong kontra-rebolusyonaryong linya nila tiningnan na ang imperyalistang India ay isang “mala-kolonyal at mala-pyudal”! At dahil baluktot din ang unawa nila sa imperyalismo dahil sa dogmatikong aplikason nila sa imperyalismo ni Lenin (kung buhay pa si Lenin malamang isang sakong mura ang sagot nito sa mga maoista) ay hindi nila kinilalang isang imperyalistang kapangyarihan ang Tsina kundi isang rebisyunistang kapitalistang bansa lamang.

[15] Hindi namin ginagamit ang terminong “magsasaka” dahil sa marxistang pagsusuri ang kanayunan ay binuo ng maraming mga uri kung saan ang salitang “magsasaka” ay ang maraming mga uri na kumkilos sa kanayunan. Tinatago ito ng maoismo. Maging ang kanyang pag-iba-iba ng mga uri sa kanayunan at puno ng mga distorsyon para lamang maipakita na ang magsasaka ay isang uri at 70% ng populasyon sa kanayunan ay magsasaka.

“Ang magsasaka sa batayan ay hindi na umiiral; sa halip ay mayroon, sa isang banda, isang manggagawang-bukid, at sa kabilang banda, iba’t-ibang mga panlipunang tipo ng ‘magsasaka’, mula sa malalaking nagmamay-ari ng lupa hanggang sa walang trabaho.”

“Ang mga manggagawang-agrikultural ay hindi kabilang sa magsasaka, kahit na tinataglay nila ang mga hindi matwid na opinyon at ideolohiya nito; sila ay distakamento ng proletaryo sa kanayunan at ang kanilang makauring interes ay hindi naiiba mula sa proletaryo sa pangkalahatan. Ang kanilang labis na mababang sahod at hindi-istableng kondisyong pangkabuhayan – kawalang trabaho, panunupil ng mga pribadong hukbo ng panginoong maylupa tulad ng sa Latin America – ay walang dudang naglalagay sa kanila bilang pinaka-pinagsasamantalahang bahagi ng uring manggagawa. Ang kanilang madulang pagkahiwalay mula sa kalakhan ng proletaryo ay nabigyang-diin ng kanilang mahinang konsentrasyon sa pangkalahatan at ng kanilang minoryang posisyon sa kanayunan, labas sa mauunlad na mga bansa’t rehiyon ng pagsasakang plantasyon. Sa hinaharap, ang isa sa mga tahas ng proletaryo ng lungsod ay tiyak na ang pagdadala sa makauring pakikibaka tungo sa kanayunan, na may mahigpit na suporta ng mga proletaryo sa kanayunan. Ito’y isang mahirap na gawain sa kabila ng kanilang pagkawatak-watak at kahinaan ng bilang: tinatantiya na sila’y bumubuo ng di hihigit sa 10-20% ng popoulasyong agrikultural sa buong mundo.”

Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring aralin ito https://en.internationalism.org/node/2942 [6]

[16] Noong 1949 ng maagaw ng maoistang PKT ang estado, pinamahagi nito ang lupa sa mga mahihirap sa kanayunan na walang lupa. Pero ito ay pansamantala lamang dahil binawi ito ng estado at ng mga kooperatiba na kontrolado ng estado. Ang naiwan sa mga mahihirap ay ang “karapatan” na bungkalin ang lupa at naglaho na ang pag-aari sa lupa:

“Matapos ang 1949, ang mga magsasakang kinakategoriya ng mga Komunista bilang “mahihirap na mga magsasaka” ay binigyan ng pagmamay-ari ng lupa na kinukuha mula sa mga panginoong maylupa at mga mayayamang magsasaka. Ang mga asyenda at malalaking sakahan ay hinahati at ang mga magsasaka ay nakatanggap ng mga maliliit na parsela ng lupa. Isang magsasaka ang nagsabi sa New York Times, “Oo, kami ay labis na maligaya – lahat ay maligaya na nakakuha kami ng lupa!”

“Ang mga magsasaka ay di nakapwesto ng matagal sa kanilang lupa. Sa huling bahagi ng 1950s, ang pribadong pagmamay-ari sa lupa ay inalis at ang mga magsasaka ay binigyan ng karapatang gumamit sa lupa nguni’t di sa pagmamay-ari.  Ang lupa mula noon ay pag-aari na ng Estado. Ang mga magsasaka ay inoorganisa sa mga team at kalauna’y sa mga kolektibo at nagiging mga miyembrong walang-pag-aari ng mga “komyun ng sambayanan.”

(factsanddetails.com/china.php?itemid=347)

[17] Ang sinasabing “demokratikong gobyernong koalisyon” ng maoismo ay walang iba kundi ang “bloke ng apat na mga uri” na nagpahayag ng katapatan sa pamumuno ng partido “komunista”. Sa kasalukuyang praktika ng PKP, hindi na lang “apat na bloke” kundi kabilang na ang malalaking kapitalista, mga bilyonaryo at malalaking burges na pulitiko.

[18] Ang Tsina ay naging alyado ng Rusya sa simula tapos ng Amerika noong 1970s hanggang ngayon. Ganun din ang nangyari sa Byetnam. Ang North Korea ay naging alyado ng imperyalistang Rusya at imperyalistang Tsina. Ang Cuba ay naging alyado ng Rusya at ngayon ay nagtatangkang maging imperyalistang kapangyarihan sa rehiyon ng Latin/Central Amerika kaalyado ang Venezuela. Ang Nepal ay naging alyado ng Tsina laban sa kanyang karibal na imperyalistang India. Sa madaling sabi, lumaya sila sa isang imperyalistang kapangyarihan para lumipat sa isa pa o kaya naging ambisyosong imperyalistang kapangyarihan mismo. Tiyak ito rin ang tunguhin ng Pilipinas sa ilalim ng isang maoistang rehimen.

Higit sa lahat, ang sosyalismo (transisyunal na yugto kung saan dominado ang lipunan ng diktadura ng proletaryado) ay mangyari lamang sa internasyunal na saklaw. Ang stalinismo lamang, kasama ang mga paksyon ng burgesya na nanindigan sa kapitalismo ng estado ang naniwala sa “sosyalismo ng isang bansa”.

[19] Noong 1980s ay umabot ang militarisasyon sa kalunsuran dahil sa partisanong pakikidigma ng PKP-BHB.

[20] Sa rebolusyong Ruso at Aleman sa unang rebolusyonaryong alon noong 1917-23 ay nag-armas ang masang manggagawa. Pero ang armadong manggagawa ay nasa pamumuno ng konseho ng manggagawa (sobyet) hindi ng Partidong Bolshevik. 

 

Rubric: 

Maoismo

Eleksyon na naman...boboto ka pa ba at mangampanya na boboto din ang manggagawa at mahihirap?

  • 19906 reads

 

Ngayong darating na Mayo ay eleksyon na naman para sa pambansa at lokal na mga posisyon. May bago ba? May pagkakaiba ba ang darating na eleksyon sa mga nakaraang halalan?

Ano ang eleksyon?

Ayon sa mga burges na demokrata ang eleksyon ay okasyon para piliin ng taumbayan ang mga kinatawan nila sa gobyerno upang paglingkuran ang una ng huli sa loob ng tatlo, anim o higit pang mga taon. Samakatuwid, ayon sa propaganda ng naghaharing uri, ang halalan ay ekspresyon ng kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang sabi nila at nais nilang maniwala tayong mga manggagawa at maralita.

Ano ang katotohanan sa likod ng mga propaganda ng mga mapagsamantalang uri?

Ang eleksyon ay regular na aktibidad ng isang demokratikong anyo ng burges na paghari para manatili ang kapitalistang sistema – ang kasalukuyang kaayusan na siyang dahilan ng kahirapan, digmaan at pagkasira ng kalikasan sa buong mundo.

Ang demokrasya ay anyo ng diktadura ng mapagsamantalang mga uri sa lipunang kapitalista. Isang anyo ng diktadura na punung-puno ng mga ilusyon at matatamis na pangako at deklarasyon. Sa Pilipinas, mahigit 50 taon na ang demokratikong halalan kung saan iba’t ibang paksyon at angkan  ng burgesyang Pilipino ang nagsasalitan sa Malakanyang, Kongreso at lokal na pamahalaan[1].

Ebolusyon ng eleksyon sa Pilipinas

Bago pa man ang “ganap na kalayaan” ng bansa mula sa imperyalistang Estados-Unidos noong 1946 ay sinanay na ng kolonyalistang Amerikano ang burgesyang Pilipino paano maging burukrata at paano matiyak na ang katapatan nito ay manatili kahit matapos maibigay ang “pampulitikang kalayaan” ng Pilipinas. Ang pamahalaang Commonwealth noong 1935-45 ang institusyon para masanay ang burgesyang Pilipino paano ipatupad ang diktadura ng burgesya sa pamamagitan ng demokrasya.

Kasabay ng pananakop ng isa sa pinakamalakas na kapitalistang bansa ng mundo noon sa Pilipinas ay ang obligasyon nitong turuan ang huli ppano maging burges: demokrasya at eleksyon.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang imperyalistang Hapon at muling nakontrol ng imperyalistang Amerika ang Pilipinas sa tulong ng lokal na burgesya (paksyon nila Manuel Quezon) at ng stalinistang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930), binitawan ng Amerika ang Pilipinas bilang isang kolonya nito at binigyan ng pampulitikang kalayaan. Ibig sabihin, ang lokal na burgesya na mismo ang direktang mamuno at mamahala sa sistemang kapitalismo ng bansa. Dito na rin nagsimula ang demokratikong anyo ng diktadura ng burgesyang Pilipino.

Mas napabilis ang pagbigay ng “kalayaan” sa Pilipinas ng imperyalistang Amerika dahil sa paghasik ng ideolohiyang nasyunalismo at pambansang kasarinlan ng kanyang karibal na imperyalistang Rusya para makuha ng huli ang simpatiya at suporta ng mga kolonya ng Amerika bago ang WW II.

Ang burges na eleksyon ay nagsimula sa dalawang-partido na halaw sa tradisyon ng imperyalistang Amerika. Kahit sa panahon pa ng Commonwealth ay kinopya na ng burgesyang Pilipino ang sistemang pulitikal ng Amerika. Sa madaling sabi, salitan ang dalawang partido sa pagiging administrasyon at oposisyon.

Noon pa mang 1950-60s ay nagtangka na ang kaliwa ng burgesya na lumahok sa eleksyon (hindi lang armadong pakikibaka) sa pangunguna ng Democratic Alliance na legal na prente ng PKP-1930. Subalit naunsyami ang kanilang pangarap at bumalik sila sa armadong pakikidigma laban sa karibal na paksyon.

Noong panahon ng Batas Militar ay naglaho ang sistemang dalawang-partido at pumalit ang monopolisasyon ng isang partido, ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ni Marcos. Ibig sabihin ng isang paksyon lamang ng naghaharing uri ang may lubusang kontrol sa kapangyarihang pulitikal. Ang burges na oposisyon ay nakikita sa lansangan hindi sa halalan. Sa panahon ding ito sumikad ang alyansa ng maoistang Partido Komunista ng Pilipinas sa paksyon ng naghaharing uri na lumalaban sa diktadurang Marcos. Kapwa ang “radikal” na kaliwa ng burgesya (maoistang PKP) at ang burges na oposisyon ay hindi lumahok sa halalan ng rehimeng Marcos.[2]

Ng mapatalsik ang rehimeng Marcos at pumalit ang paksyon ni Cory Aquino noong 1986, muling sumigla ang demokratikong ilusyon ng mamamayan. Tinagurian ito ng buong naghaharing uri na “panunumbalik ng demokrasya”. 

Simula noong panahon ni Cory Aquino lumitaw ang mga bagong partido ng burgesya na itinayo ng mga bagong paksyon ng naghaharing uri: Lakas-CMD-NUCD ni Heneral Ramos, Laban ng Demokratikong Pilipino ni Ramon Mitra (Angara na ngayon), Partido ng Masang Pilipino ni Joseph Estrada, Nacionalist People's Coalition ni Danding Cojuangco at PDP-Laban ni Aquilino Pimentel. Halos naglaho na ang mga partidong lumitaw noong panahon ng diktadurang Marcos.

Hindi nagpahuli ang maoistang kilusan sa hatak ng “panunumbalik ng demokrasya”. Lumahok sila sa halalan noong 1987 ng itayo nila ang Partido ng Bayan at nagpatakbo ng mga senador.

Sa panlabas ay multi-party system na ang eleksyon ng Pilipinas mula 1986. Pero sa esensya ito ay dalawahang partido pa rin dahil sa mga koalisyon kung saan may nangungunang mga partido.

Ang mga koalisyon ng mga paksyon para labanan ang kanilang mga karibal na paksyon ay mas tumingkad noong 1990s. Ito ay indikasyon ng paghina sa kabuuan ng naghaharing uri at pagtindi ng kanilang mga tunggalian. Walang partido ang may kakayahang ipanalo ang kanyang mga kandidato na nag-iisa lang. Subalit mas lalupang naging mabuway at napaka-temporaryo ng mga koalisyon.

Sa kasalukuyan, sa ilalim ng paksyong Noynoy Aquino, sa kabila ng pagtatangkang ibalik ang dalawang-partido sa pulitika ng bansa – Nacionalista at Liberal – ang halalan ngayong Mayo ay nakitaan na naman ng mga koalisyon – Team PNoy (koalisyon ng Nacionalista, Liberal at NPC) at UNA (koalisyon ng PMP, PDP-Laban). Dagdag pa, may mga kandidato ang Team PNoy na kandidato din ng UNA. Mas lalong naging malinaw na walang kaibahan sa programa ang administrasyon at oposisyon.

Dinastiya: bunga ng dekomposisyon ng dekadenteng kapitalismo

Sa kabilang banda, mas tumindi at garapalan ang dinastiya ng mga angkan kung ikumpara noong 1950s-60s.  Maliban sa panunumbalik sa napatalsik na mga angkan, laluna ang angkang Marcos sa pambansang pulitika ay lumitaw ang mga bagong angkan na mas gahaman sa kapangyarihan. Ang administrasyon at oposisyon mismo sa pambansang antas ay pinangunahan ng mga angkan – angkang Aquino, Villar, Estrada at Binay.

Ang pagtindi at pagiging garapal ng pampulitikang dinastiya ay kongkretong manipestasyon na tumitindi ang krisis ng sistema dahil mahigpit ng nakaangkla sa pagyaman ng naghaharing uri ang paghawak sa kapangyarihan. Kung nais ng isang angkan na manatiling mayaman ay ipaglaban niya ng patayan ang kanyang pampulitikang kapangyarihan laban sa kanyang mga karibal.

Sa pagpasok ng dekadenteng kapitalismo sa kanyang naaagnas na yugto simula 1980s ay ang lubusang pangingibabaw ng kaisipang “bawat isa para sa kanyang sarili” sa hanay ng naghaharing uri. Ang mga sub-paksyon sa isang paksyon ng mapagsamantalang uri ay hindi na kontrolado ng nangungunang paksyon kumpara noong 1960s at 70s. Ang mga sub-paksyon ay may kanya-kanyang dinamismo kung saan ang layunin ay maungusan ang pangunahing paksyon.

Sa pambansang antas makikita natin ito noong pagbaliktad ng paksyong Ramos-Enrile kay Marcos, ng paksyong Arroyo sa paksyong Estrada. Sa lokal na antas ay nakikita natin ang pagsuwag ng sub-paksyon sa kanyang amo: Alfredo Lim vs Isko Moreno ng Maynila, Duterte at de Guzman sa Davao City, Tommy Osmena at Alvin Garcia (ngayon ay ang paksyong Rama) ng Cebu City. Sa Camarines Sur naman ay ang matinding bangayan mismo ng pamilyang Villafuerte (Ama vs Anak/Apo). At marami pang iba.

Ang kapitalismo na nasa kanyang naaagnas na yugto ang dahilan ng paglala ng pampulitikang dinastiya sa bansa.[3]

Ebolusyon ng Kaliwa sa paglahok sa burges na eleksyon

Tulad ng nabanggit sa itaas, 1950s pa ay lumahok na ang Kaliwa sa eleksyon. Naunsyami lamang ito noong panahon ng diktadurang Marcos. Noong panahon ni Cory Aquino ay lumahok din ang Kaliwa sa eleksyon ng estado.

Subalit ang naging “shabu” para sa Kaliwa ay ang party-list system na sinimulan noong 1998. Tuluyan ng hinubad ng Kaliwa ang kanyang maskara bilang isang rebolusyonaryong alternatiba sa kapitalistang sistema.

Mula 1998 ay maraming paksyon na ng Kaliwa ang lumahok sa halalan sa pamamagitan ng partylist. Nangunguna dito ang “Leninistang” grupo ni Felimon Lagman, ang sosyal-demokratikong Akbayan, ang Trotskyistang RPA-ABB at ang maoistang PKP.

Bagamat nag-aastang “pinaka-radikal” sa lahat ng paksyon ng Kaliwa, nakitaan ng mas pagiging adik sa burges na eleksyon ang maoistang kilusan. Hindi sila kontento sa isang partylist lamang. Gusto nila na halos lahat ng kanilang mga sektoral na organisasyon ay makapasok sa bulok na kongreso. Hindi rin nakontento ang Kaliwa sa party-list lang. Nais din nilang makapasok sa Senado at sa mga lokal na gobyerno.

Maliban sa paglahok, mas naging lantad na ang alyansa ng Kaliwa sa malalaking burges na partido. Ang maoistang Bayan Muna at sosyal-demokratikong Akbayan ang unang nagladlad sa harap ng publiko noong pampangulohang eleksyon ng 2010 kung saan ang una ay hayagang sumuporta sa kandidatura ng bilyonaryong si Manny Villar bilang presidente at pumasok sa line-up ng Nacionalista Party habang ang huli naman ay kay Noynoy Aquino at sa Liberal Party. Tahimik naman sa pagbatikos ang ibang paksyon ng Kaliwa sa ginawa ng Bayan Muna at Akbayan dahil ito rin ang plano nila. Nagkataon lang na mas malakas ang Bayan Muna at Akbayan sa pananaw ng malalaking burges na partido.

Ang integrasyon ng Kaliwa sa kapitalistang sistema at estado ay mas naging malinaw ng naging bahagi na ng kanilang estratehiya ang pagpasok sa loob ng estado.

Ano ang kabuluhan ng eleksyon para sa masa?

Mula 2010 ay ganap ng naghubad ng maskara ang buong pwersa ng Kaliwa at sa partikular ang “pinaka-radikal” na paksyon nila – ang maoistang kilusan – bilang bahagi ng demokratikong diktadura ng burgesya.

Hindi lang parang “shabu” ang eleksyon. Ito ay isang napakalaki at enggrandeng piging kung saan aaliwin ng naghaharing uri at paksyon ng Kaliwa ang masa sa mga ilusyon ng burges na demokrasya.

Habang nagtulong-tulong ang media, estado, simbahan, mga partidong pulitikal at “progresibong” organisasyon sa panghihikayat sa masa na maging “responsable at iboto ang mga kandidato na karapat-dapat sa pwesto”, hindi na sagrado sa maraming mahihirap ang halalan kundi isang okasyon para mapagkakakitaan ng pera.

Sa ilang dekada ng eleksyon sa bansa, mas lumala ang paraan ng naghaharing uri ng pamimili ng boto para lamang manalo liban pa sa pananakot at manipulasyon kakutsaba ang COMELEC. Kaya naman ang nakita at naunawaan ng masa ay ang eleksyon ay walang kwenta maliban sa mapagkakakitaan ng konting pera pambili ng makakain ng kanilang hirap na pamilya.

Tulad ng droga, umabot na sa yugto na wala ng epekto sa masa ang mga talumpati, deklarasyon at pangako ng mga kandidato tuwing eleksyon dahil saksi sila na walang natutupad sa mga ito kundi nagpapayaman lamang ang mga nanalo ng maupo sa pwesto.[4] Para sa mahihirap, ang kalagayan nila ay walang kaibahan sa panahon ng hayagang diktadura ng naghaharing uri – rehimeng Marcos – at “patagong diktadura” ng demokrasya mula ng mapatalsik si Marcos. Lumala ang kahirapan, kawalan ng trabaho, mababang sahod, pagtaas ng presyo, kriminalidad, kaguluhan at pagkasira ng kalikasan.

Kung boboto man ang mahihirap, maliban sa pera ay dahil takot sila sa pananakot ng estado sa mga parusa kung wala silang rekord na bomoto o kaya kahirapan sa legal na rekisitos na kailangan nila para makahanap ng trabaho o transaksyon sa mga institusyon at bangko.[5]

Pakikibaka para sa reporma ngayon, balido pa ba?

Ayon sa Kaliwa – laluna ang mga “leninista” at maoista – magagamit daw ang paglahok sa eleksyon para tataas ang rebolusyonaryong kamulatan ng masa at lalakas ang rebolusyonaryong kilusan.

Ang “teoretikal” na sangkalan ng Kaliwa ay ang pampleto ni Lenin na “Kaliwang-Komunismo, Sakit ng Kamusmusan” habang salat o kaya walang komprehensibong kaalaman at unawa sa mga debateng nangyari sa loob ng Komunistang Internasyunal sa usapin ng parliyamentarismo at unyonismo.[6]

Ang batayan para sa pakikibaka sa reporma ay ang kapasidad ng naghaharing sistema. Narito ang malaking pagkakamali ni Lenin at nasa baluktot na balangkas ng kanyang argumento bakit daw dapat lumahok sa parliyamento ang mga rebolusyonaryo. Hindi na nakita ni Lenin ang kanyang malaking pagkakamali dahil namatay na siya. Hindi na niya nakita ano ang nangyari sa mga rebolusyonaryong partido na lumahok sa eleksyon. Ang kamalian ni Lenin ay ginawang dogma ng Kaliwa ngayon.

Para sa mga rebolusyonaryo 1900s pa pumasok na ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto kung saan wala na itong kapasidad pa na magbigay ng mga makabuluhang reporma para sa masang manggagawa. Hindi lang sa usapin ng teorya ito napatunayan kundi higit sa lahat sa aktwal na karanasan ng proletaryado ng mundo.[7]

Para sa kasalukuyang henerasyon ng mga rebolusyonaryo, wala ng mas matingkad na balidasyon kundi ang krisis ng kapitalismo noong 2006-07 na unang sumabog sa Amerika. Mula noon patuloy sa paglala ang krisis na kahit ang mga ekspertong ekonomista ng burgesya ay nahirapan ng sabihin na “may liwanag pa sa dulo ng tunnel”.

Subalit dahil nalulong sa kanilang dogmatismo at kawalan ng diyalektikal-materyalistang pagsusuri, kumakapit pa rin ang Kaliwa (hindi lang sa Pilipinas) sa dogma na inilibing na ng aktwal na praktika ng tunggalian ng uri ng mundo sa loob ng mahigit 100 taon.

Dalawang matingkad na isyu sa Pilipinas ang maari nating banggitin na magpatunay sa kainutilan ng pakikibaka para sa reporma (na sa praktika ay tahasan ng nauwi sa repormismo): 125 legislated wage increase nationawide at ang “tunay” na repormang agraryo. Ang 2 isyung ito ay ilang dekada ng isinusulong ng Kaliwa (laluna ng mga maoista) sa loob ng bulok na kongreso.

Hanggang ngayon sa kabila ng pagdami ng mga maoistang kongresista at “matagumpay” na pakikipag-alyansa nila sa mga burges na politiko, walang nangyari at hindi umusad ang mga isyung kanilang ipinaglalaban sa loob ng kongreso. Subalit para sa mga maoista at Kaliwa sa kabuuan ito ay hindi dahil sa kawalan ng kapasidad ng sistema kundi sa kakulangan ng dami nila sa loob ng burges na parliyamento. Kaya naman nagsisikap silang mas dadami pa kahit na lantaran silang makipag-alyansa sa mga buwayang pulitiko at malalaking burges na partido.

Halos lahat ng mga tagumpay ng uring manggagawa na nakuha nila sa pakikibaka para sa reporma noong 19 siglo ay binabawi na ngayon ng uring kapitalista: regular na trabaho, sapat na sahod, pagbawal sa kabataang manggagawa at proteksyon sa kababaihan laluna ang manggagawa.

Salungat sa argumento ng Kaliwa, ang pagtaas ng tunay na sahod ng manggagawa at regular na trabaho sa panahon na nasa matinding krisis ang kapitalismo at nasa rurok na ang kahibangan ng kompetisyon ng bawat pambansang kapital para sa pandaigdigang pamilihan ay hindi maibigay sa pamamagitan ng mga batas ng estado kundi sa malawakang pakikibaka ng manggagawa sa lansangan at pangmasang welga na magbubukas sa posibilidad ng rebolusyon. Ang tanging “alyado” ng manggagawa sa isang bansa sa labang ito ay hindi ang kanilang sariling pambansang burgesya kundi ang internasyunal na proletaryado. Ibig sabihin, ang makabuluhang konsesyon ng kapital sa usaping ito (kung may huling maibubuga pa sila) ay nakasalalay sa paglikha ng isang rebolusyonaryong sitwasyon. 

Samakatuwid, kaiba noong 19 siglo na ang kagyat na mga kahilingan ng proletaryado ay nakasandal sa kakayahan ng sistema (kaya tinatawag pakikibaka para sa reporma), ang kagyat na mga pakikibaka ng uri ngayon ay mahigpit na nakaangkla sa pagbagsak sa bulok na kaayusan.

Sa teorya at praktika, wala ng saysay ang linyang pakikibaka para sa reporma sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Ang mga kaganapan ngayon at ebolusyon ng kapitalismo ay kumpirmasyon sa tindig ng minoriya sa loob ng Komunistang Internasyunal, ang minoriya na tinawag na mga kaliwang-komunista.

Bulok ang eleksyon dahil bulok na ang kapitalismo

Kung noong 19 siglo ay lumahok ang mga rebolusyonaryo sa burges na parliyamento, ito ay dahil progresibo pa ang kapitalismo at may kapasidad pa itong magbigay ng mga makabuluhang reporma. Pero sa pagpasok ng 20 siglo ay nanindigan na ang mga marxista na wala ng saysay ang paglahok sa eleksyon.

Kung ang isang atrasadong masa ay naniwala pa sa kabuluhan ng eleksyon, hindi ito mahirap intindihin para sa mga rebolusyonaryo. Pero kung ang isang organisasyon na umaangking komunista at rebolusyonaryo ay nangampanya mismo at nanawagan sa masang manggagawa na lumahok at boboto (sa pamamagitan ng kanilang mga kontroladong legal na organisasyon, partylist at mga kandidato), hindi lang ito oportunismo kundi tahasang pagtraydor sa marxismo at proletaryong rebolusyon.[8]

Ang layunin ng isang komunistang organisasyon sa kanyang anumang interbensyon sa pakikibaka ng manggagawa ay para mabuo ang makauring pagkakaisa para manalo ang komunistang rebolusyon. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ang paglahok sa parliyamento at pagboto, kaiba noong 19 siglo, ay ganap ng hadlang para susulong ang proletaryong rebolusyon. Hindi na pakikibaka para sa reporma ang usapin ngayon kundi pakikibaka na para ibagsak ang kapitalismo.

Internasyonalismo, Pebrero 2013

 


[1] May “patlang” lang ang demokratikong anyo ng diktadura ng maghari ang hayagang diktadura ng rehimeng Marcos noong 1972 hanggang 1986.

[2] Noong 1978 ay nilabag ng komiteng rehiyon ng Manila-Rizal sa pamumuno ni Felimon Lagman ang atas ng maoistang PKP na boykot. Lumahok sila sa eleksyon, nagpatakbo ng mga kandidato at nakipag-alyansa sa paksyon ni Benigno Aquino Jr. na bilanggo noon. Dahil sa paglabag ay binigyan ng aksyong pangdisiplina ang mga kadre ng rehiyon. Ang paksyon ni Lagman ang nagdeklarang tapat sila sa “Leninismo” hindi sa maoismo noong baklasan ng 1992.

[2]At noong snap presidential election ng 1986 kung saan tumakbo si Cory Aquino bilang katunggali ni Ferdinand Marcos sa eleksyong pampangulohan ay iniwan ng burges na oposisyon ang maoistang kilusan na boykot ang tindig at aktibong nangampanya ang una sa kandidatura ni Aquino.

[3] Hindi lang ang mga atrasadong bansang kapitalista ang may pampulitikang dinastiya. Ang mga “sosyalistang” bansa na umiiral pa hanggang ngayon dahil sa kombinasyon ng stalinismo at kulto ng personalidad/angkan ay pinamunuan din ng mga angkan na tila ba banal n autos mula sa Diyos – Hilagang Korea at Cuba. Maging ang modelo ng “sosyalismo ng 21 siglo” ng Latin/Central Amerika ay sa ganitong daan din tumatahak.

[4] Sa panig naman ng mga maoistang mambabatas, lagi nilang ipinagmayabang na hindi daw yumaman ang kanilang mga kinatawan sa kongreso. Maaring totoo ito. Pero hindi maitanggi na ang malaking perang nakuha nila sa estado ay ginamit pambili ng armas at iba pang pangangailangan ng kanilang “hukbong bayan”, bagay na ginawa ding dahilan ng estado upang patuloy na palakihin ang badyet-militar nito. Dahil sa digmaan ay nagkaroon ng “unholy alliance” ang estado at maoistang kilusan para sa militarisasyon laluna sa kanayunan.

[5] Isa sa mga valid IDs na hinahanap ay ang voter's ID sa mga transaksyon sa bangko o kaya sa paghahanap ng trabaho. Patunay din ito na ikaw ay isang “mabuting” mamamayan.

[6] Sa ikalawang kongreso ng Comintern noong 1920 ay nagkaroon ng matinding debate sa pagitan ng mayoriya (sila Lenin, Trotsky at iba pa) at ng minoriya (praksyon ng mga komunista nila Bordiga, KAPD ng Alemanya, ang grupo nila Sylvia Pankhurts ng Britanya at iba pa).

Sinumite ng praksyon sa loob ng Comintern ang ‘Theses on Parliamentariam’ na panukala ng grupo ni Bordiga.

Sinuma ng IKT ang nangyaring debate sa loob ng Comintern:

[6]“The theses were submitted for discussion at the Second Congress of the Communist International in 1920. At this time there was a major debate within the CI about whether communists should take part in parliamentary elections, and work inside parliament if elected. The majority position, defended by Lenin, Trotsky and others, was that of “revolutionary parliamentarism” - the idea that revolutionaries could use the parliamentary forum as a “tribune” from which to denounce capitalism and advocate the communist revolution. The left communists - Bordiga’s fraction in Italy, the KAPD in Germany, Sylvia Pankhurst’s group in Britain among them - argued that the period of working in parliament was over. In the new period, when proletarian revolution was directly on the agenda, the ruling class was using parliamentary “democracy” as a means of opposing the workers’ struggle for the power of the soviets; if the Communist parties took part in the charade of elections and in the parliamentary “talking shop”, it would spread dangerous confusions within the ranks of the working class. In our view, history has amply confirmed this view, but we will look at this debate in more detail in a future article.”

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang link dito: https://en.internationalism.org/wr/243_theses.htm [7]

[7] Ang pakikibaka sa reporma ang sentral na linya ng mga marxista noong 19 siglo hindi pa dahil sa simpleng usapin ng “estratehiya at taktika” kundi dahil may materyal na batayan pa: progresibo, sumusulong pa ang kapitalismo bilang panlipunang sistema at may kapasidad pa ito na magbigay ng mga makabuluhang reporma para sa ikabubuti ng kalagayan ng manggagawa bilang sahurang-alipin. Subalit ng pumasok na ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto noong 20 siglo, nawalan na rin ng batayan ang pakikibaka para sa reporma at nasa mesa na ang agenda para ibagsak ang bulok na sistema.

[8] Tandaan natin na ang “marxismo” na dumating sa Pilipinas noong 1920s (aka “marxismo-leninismo”) ay walang iba kundi ang kontra-rebolusyonaryong Stalinismo. At ang “kilusang pagwawasto” noong 1968 ay isang hibo ng stalinismo - maoismo. Ang baklasan naman noong 1992 sa loob ng maoistang kilusan ay hindi ganap na nagtakwil sa stalinismo. Bagkus ay binihisan lamang ito ng “leninismo” habang hanggang salita lamang ang “anti-stalinismo” ng mga bumaklas.

 

Rubric: 

Eleksyon

Teror, Terorismo at Makauring Karahasan

  • 9849 reads

P.sdfootnote-western { margin-bottom: 0.14in; font-family: "Times New Roman",sans-serif; font-size: 12pt; }P.sdfootnote-cjk { margin-bottom: 0.14in; font-family: "Times New Roman"; font-size: 12pt; }P.sdfootnote-ctl { margin-bottom: 0.14in; font-size: 12pt; }H4 { margin-top: 0.07in; margin-bottom: 0.07in; direction: ltr; color: rgb(0, 0, 10); widows: 2; orphans: 2; page-break-after: auto; }H4.western { font-family: "Times New Roman",sans-serif; }H4.cjk { font-family: "Times New Roman"; }H4.ctl { }H1 { margin-top: 0.07in; margin-bottom: 0.07in; direction: ltr; color: rgb(0, 0, 10); widows: 2; orphans: 2; page-break-after: auto; }H1.western { font-family: "Times New Roman",sans-serif; }H1.cjk { font-family: "Times New Roman"; font-size: 24pt; }H1.ctl { font-size: 24pt; }P { margin-bottom: 0.08in; direction: ltr; color: rgb(0, 0, 10); widows: 2; orphans: 2; }P.western { font-family: "Times New Roman",sans-serif; font-size: 12pt; }P.cjk { font-family: "Times New Roman"; font-size: 12pt; }P.ctl { font-size: 12pt; }A:link { color: rgb(0, 0, 255); }A.sdfootnoteanc { font-size: 57%; }

Ang nasa ibaba ay salin mula sa English. Sa tingin namin, napapanahon na muling basahin at aralin ang tekstong ‘Teror, Terorismo at Makauring Karahasan’ para maunawaan ng mga nagsusuring elemento sa Pilipinas na ang terorismo at armadong pakikibaka laban sa umiiral na naghaharing paksyon ng mapagsamantalang uri na may kontrol sa estado ay hindi ekspresyon o bahagi ng rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado. Partikular sa Pilipinas1, ilang dekada ng naranasan ng manggagawa at mamamayan ang terorismo ng iba’t-ibang armadong grupo sa anyo man ng pambobomba o gerilyang pakikidigma. Nitong huli lang ay nilusob ng grupong Moro National Liberation Front (MNLF) ang Zamboanga City noong Setyembre 9, 2013 kung saan maraming buhay ng inosenteng mamamayan ang nasawi at milyones na ari-arian ang nasira.2 Habang ang maoistang CPP-NPA-NDF naman ay halos 50 taon ng naglunsad ng gerilyang digmaan laban sa naghaharing paksyon ng uring kapitalista para itayo ang isang ‘bagong tipo’ ng kapitalismo: kapitalismo ng estado na kontrolado ng maoistang partido. At sa gerilyang digma ng maoismo ay lagi itong nakikipag-alyansa sa burges na oposisyon.3 Ang karahasan o paghawak ng armas laban sa gobyerno ay nakaka-engganyo laluna sa kabataang mataas ang ideyalismo. Subalit kailangan nating unawain bilang mga komunista at elementong nagnanais ng panlipunang pagbabago at hustisya na hindi lahat ng karahasan at armadong paglaban ay para sa layuning minimithi ng sangkatauhan: paglaho ng pang-aapi at pagsasamantala sa lipunan. Karamihan sa mga ideyalistang kabataan at maka-Kaliwang organisasyon ay pinagtanggol ang terorismo ng mga grupo o estadong “anti-imperyalista” habang mariin naman ang pagkondena sa terorismo ng mga imperyalista ng Kanluran. Sa ganitong konteksto natin tamang masuri kung ang gerilyang pakikidigma ba at pambobomba ng mga organisasyong nagsasabing sila ay “para sa kalayaan at demokrasya”, “para sa sosyalismo” o “laban sa imperyalismo” ay totoo bang ang layunin ay panlipunang pagbabago o binihisan lamang ang bulok na kapitalismo ng bagong damit? Hindi teror at terorismo ang rebolusyonaryong karahasan ng proletaryado para ibagsak ang kapitalismo. Pero kailangan natin ang teoretikal na klaripikasyon sa kaibahan ng makauring karahasan mula sa teror at terorismo. Ang orihinal na teksto sa wikang English ay mababasa dito: https://en.internationalism.org/ir/014_terror.html [8]  Internasyonalismo, Oktubre 2013

 

---------------------------------------- 

INTRODUKSYON

Ang malakas na kampanya ng burgesya sa Uropa laban sa terorismo (ang pangyayaring Schleyer sa Alemanya, ang pangyayaring Moro sa Italya), na mga dahon para itago ang malawakang pagkokonsolida ng teror ng estadong burges, ay siyang dahilan para pag-ukulan ng mayor na pansin ng mga rebolusyonaryo ang problema ng karahasan, teror at terorismo. Ang mga usaping ito ay hindi bago sa mga komunista: sa ilang dekada ay tinuligsa nila ang barbarikong paraan na ginamit ng burgesya para manatili ang kapangyarihan sa lipunan, ang karumal-dumal na karahasan na ginawa kahit ng pinaka-demokratikong mga rehimen laban sa pinakamaliit na banta sa umiiral na kaayusan. Malinaw na ang kasalukuyang kampanya ay hindi talaga laban sa iilang desperadong mga elemento mula sa naaagnas na peti-burgesya, kundi sa uring manggagawa, kung saan ang marahas na pag-alsa nito ang siyang tanging tunay na banta sa kapitalismo.

Ang papel ng mga rebolusyonaryo ay tuligsain ang esensya ng mga kampanyang ito, at ipakita ang kahungkagan ng maka-kaliwang grupo, halimbawa ng ilang Trotskyista, na nag-aksaya ng panahon sa pagkondena sa Red Brigades dahil kinondena nila ang Moro ‘na walang sapat na ebidensya’ at ‘walang pagsang-ayon sa uring manggagawa’. Pero habang tinuligsa ang terorismo ng burgesya at pinagtibay ang pangangailangan ng uring manggagawa na gumamit ng karahasan para ibagsak ang kapitalismo, dapat partikular na malinaw sa mga rebolusyonaryo ang sumusunod:

  • Ang tunay na kahulugan ng terorismo;

  • Sa porma ng karahasan ng uring manggagawa na gagamitin nito sa kanyang pakikibaka laban sa burgesya.

At kailangan idiin na maging sa mga organisasyon na nagtatanggol ng makauring posisyon, maraming maling pananaw, na tinitingnan ang karahasan, teror at terorismo na magkasing-kahulugan, at kinilala na:

  • Mayroong ‘terorismo ng manggagawa’;

  • Laban sa puting teror ng burgesya, dapat mayroong sariling ‘rebolusyonaryong teror’ ang uring manggagawa, na halos kapareha ng teror ng burgesya.

Ang Bordigistang International Communist Party (Programme Communiste) ang malamang may pinakamalinaw interpretasyon ng ganitong kalituhan. Halimbawa: “Ang mga Marchais at Pelikans ay itinakwil lamang ang mga rebolusyonaryong aspeto ng Stalinismo — ang isang partido, diktadura, teror na na namana mula sa proletaryong rebolusyon ...” (Programme Communiste, no. 76, p.87)

Kaya, para sa organisasyong ito, ang teror, kahit ginamit ng Stalinismo, ay sa batayan rebolusyonaryo, at mayroong kapareho ang paraan ng proletaryong rebolusyon at pinakamasamang kontra-rebolusyon na ipinataw sa uring manggagawa.

Dagdag pa, sa panahon ng kaganapang Baader, tila pinakita ng ICP na ang teroristang aksyon ni Baader at mga kasamahan nito ang anyo ng karahasan ng uring manggagawa sa hinaharap, sa kabila ng mga reserbasyon sa negatibong epekto ng naturang mga aksyon. Kaya sa Le Proletaire, no.254 mababasa natin: “Sa diwang ito ay masigasig nating sinusunod sila Andreas Baader at kanyang mga kasama na lumahok sa kilusang ito, ang kilusan na dahan-dahan nag-iipon ng pagkamulat ng proletaryado”, at dagdag pa: “Nakilala ng proletaryong pakikibaka ang iba pang mga martir ...”

Panghuli, ang ideya ng ‘terorismo ng manggagawa’ maliwanag na lumitaw sa mga sipi tulad ng: “Sa pagsusuma, para maging rebolusyonaryo, hindi sapat na tuligsain ang karahasan at teror ng burges na estado — dapat tingnan na ang karahasan at terorismo bilang mahalagang sandata sa emansipasyon ng proletaryado.” (Le Proletaire, no. 253)

Laban sa mga ganitong tipo ng kalituhan, ang sumusunod na teksto ay pagtatangkang lagpasan ang mga depininasyon ng diksyunaryo at pang-aabuso ng lenggwaheng aksidenteng nagawa ng ilang mga rebolusyonaryo sa nakaraan, at ipakita ang kaibahan ng makauring laman sa pagitan ng teror, terorismo at karahasan, higit sa lahat ang karahasan ng uring manggagawa na gagamitin para palayain ang sarili.

MAKAURING KARAHASAN AT PASIPISMO

Ang pagkilala sa makauring tunggalian ay tahasang pagtanggap na ang karahasan ang isa sa naturalesa, pundamental na mga aspeto ng makauring pakikibaka. Ang pag-iral ng mga uri ay nagkahulugan na ang lipunan ay nahati sa mga antagonistikong interes, hindi maayos na mga tunggalian. Binuo ang mga uri sa batayan ng mga antagonismong ito. Ang panlipunang relasyon ng mga uri ay kinakailangang mga relasyon ng oposisyon at antagonismo, i.e. ng pakikibaka.

Ang pagtindig ng salungat dito, ang pagtindig na mapangibabawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng kabutihan, sa pamamagitan ng kolaborasyon at pagkakaisa ng mga uri, ay pagtakwil sa realidad. Ito ay ganap na utopyan.

Hindi nakapagtataka kung pinapalaganap ng mapagsamantalang uri ang ganitong mga ilusyon. ‘Natural’ na kumbinsido sila na walang ibang lipunan, walang mas magandang lipunan, ang iiral maliban sa kanilang pinaghaharian. Ang absoluto, at bulag na konbiksyong ito ay diniktahan ng kanilang mga interes at prebilihiyo. Ang kanilang makauring interes at prebilihiyo ay nakabatay sa tipo ng lipunan na kanilang pinaghaharian; may interes sila sa pangungumbinsi sa mga pinagsamantalahan, inaaping mga uri na itakwil nila ang pakikibaka, tanggapin ang umiiral na kaayusan, tanggapin ang ‘istorikal na mga batas’ na diumano ay absoluto. Ang mga naghaharing uri ay parehong obhetibong limitado at walang kapasidad na unawain ang dinamismo ng makauring pakikibaka (ng inaaping mga uri) at suhetibong interesado na sumuko sa pakikibaka ang inaaping mga uri, sa pagdurog sa determinasyon ng inaaping mga uri sa pamamagitan ng lahat ng tipo ng mga mistipikasyon.

Pero hindi lang ang naghaharing uri ang may ganitong aktitud sa pakikibaka. Ilang mga tendensya ang naniwala na posibleng maiwasan ang makauring pakikibaka sa pamamagitan ng pakiusap sa katalinuhan at pang-unawa ng mga mabubuting tao, para likhain ang mapayapa, praternal at pantay-pantay na lipunan. Ito ang kaso, halimbawa, sa mga Utopyan sa simula ng kapitalismo. Salungat sa burgesya at sa kanyang mga ideolohiya, ang mga Utopyan ay walang interes na lagpasan ang makauring pakikibaka para manatili ang mga prebilihiyo ng naghaharing uri. Kung nilagpasan man nila ang makauring pakikibaka ito ay dahil hindi nila naunawaan ang istorikong dahilan ng pag-iral ng mga uri. Kaya musmos pa sila para maunawaan ang realidad, realidad na kasama ang makauring pakikibaka, ang pakikibaka ng proletaryado sa burgesya. Habang ito ay ekspresyon ng hindi maiwasang pagkahuli ng kamulatan sa obhetibidad, ito ay produkto ng teoretikal na klaripikasyon ng uri, sa pagsisikap ng uri na maging mulat. Ito ang dahilan kaya kinilala sila na mga ninuno ng sosyalistang kilusan, isang hakbang pasulong ng kilusan na naghahanap ng syentipiko at istorikal na pundasyon sa marxismo.

Hindi naman ito ang kaso sa mga kilusang makatao at pasipista na umusbong magmula ikalawang hati noong nakaraang siglo at binalewala ang makauring pakikibaka. Wala itong kontribusyon sa emansipasyon ng sangkatauhan. Sila ay simpleng ekspresyon lamang ng saray ng peti-burgesya na istorikal na lipas na at inutil, at umiiral pa sa modernong lipunan, naipit sa pagitan ng labanan ng proletaryado at burgesya. Ang kanilang lagpas sa mga uri, multi-uri at kontra-makauring pakikibaka na ideolohiya ay pagdalamhati ng isang lipas na uri na walang kinabukasan sa kapitalismo ni sa lipunan na itatayo ng proletaryado: sosyalismo. Nakakalungkot at nakakatawa, target para sa mga ilusyon, hadlang lamang sila sa pag-unlad at determinasyon ng proletaryado; at sa naturang dahilan magagamit, at kadalasan ginagamit, ng kapitalismo, kung saan gagamitin ang lahat para maging sandata ng mistipikasyon.

Ang pag-iral ng mga uri, ng makauring pakikibaka, ay nangangailangan ng makauring karahasan. Ang mga inutil at manlilinlang lamang (tulad ng mga Sosyal-Demokrata) ang tutol dito. Sa pangkalahatan, ang karahasan ay bahagi ng buhay at kabilang sa kanyang kabuuang ebolusyon. Anumang aksyon ay may kasamang isang antas ng karahasan. Ang pagkilos mismo ay produkto ng karahasan dahil ito ay bunga ng walang humpay na pagbasag sa istabilidad, mula sa banggaan ng magkasalungat na mga pwersa. Umiiral ito sa unang mga grupo ng tao, at hindi kailangang makita sa hayag at pisikal na karahasan. Ang karahasan ay lahat na may imposisyon, pamimilit, balanse ng pwersa, mga banta. Ang karahasan ay nagkahulugan ng pisikal o sikolohikal na agresyon; agresyon laban sa ibang tao, pero umiiral din ito kung ang isang takdang sitwasyon o disisyon ay pinipilit sa pamamagitan ng pagpataw ng mga paraan ng naturang agresyon, kahit pa kung ang mga paraang ito ay hindi aktwal na ginamit. Subalit habang ang karahasan sa anumang porma ay umiiral kasabay ng paggalaw o buhay, ang pagkahati ng lipunan sa mga uri ang lumikha sa karahasan bilang prinsipal na pundasyon ng panlipunang mga relasyon, na inabot ang pinaka-malalim na resulta sa kapitalismo.

Lahat ng sistema ng makauring pagsasamantala ay nakabatay sa kapangyarihan ng karahasan, isang lumalaking karahasan na naging pangunahing salik para manatili ang buong lipunan. Kung wala ito ang lipunan ay kagyat na babagsak. Isang kinakailangang produkto ng pagsasamantala ng isang uri sa isa pa, ang karahasan, organisado, konsentrado at na-institusyonalisa sa kanyang pinakamataas na porma sa estado, ang naging pundamental na diyalektikal na kondisyon sa pag-iral ng mapagsamantalang lipunan. Laban sa madugo at kriminal na karahasan ng mapagsamantalang uri, ang mga pinagsamantalahan at inaaping uri ay kailangang maghapag ng sariling karahasan para lumaya. Ang makiusap sa ‘makataong’ damdamin ng mga mapagsamantala, tulad ng mga relihiyoso ala Tolstoy o Gandhi, o mga nagbalatkayong sosyalista, ay paniniwala sa mga milagro; ito ay pakiusap na ang mga lobo ay titigil na sa pagiging lobo at maging karnero; ito ay pakiusap sa uring kapitalista na titigil na sa pagiging uring kapitalista at itransporma ang sarili sa pagiging uring manggagawa.

Ang karahasan ng mapagsamantalang uri ay natural na bahagi ng kanyang katangian at mapigilan lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong karahasan ng inaaping mga uri. Ang pag-unawa dito, makita ito, mapaghandaan ito, organisahin ito, ay hindi lang mapagpasyang kondisyon para sa tagumpay ng inaaping mga uri, kundi titiyakin din nito na ang tagumpay ay mas maliit ang pagdurusa. Sinuman na may duda o pag-alinlangan ay hindi rebolusyonaryo.

ANG KARAHASAN NG MAPAGSAMANTALA AT NAGHAHARING URI: TEROR

Nakita natin na hindi maaring walang karahasan ang pagsasamantala; na ang dalawa ay organikong hindi mapaghiwalay. Sa kabila na maaring may karahasan sa labas ng mapagsamantalang mga relasyon, maipatupad lamang ang pagsasamantala sa pamamagitan ng karahasan. Sila ay parang baga at hangin sa isa’t-isa – hindi maka-kilos ang baga kung walang hangin.

Tulad ng galaw ng kapitalismo sa kanyang imperyalistang yugto, ang kombinasyon ng karahasan at pagsasamantala ay nagkaroon ng partikular at bagong kalidad. Hindi na ito aksidente o segundaryong katotohanan: ang kanyang presensya ay permanente sa bawat antas ng buhay ng lipunan. Pinasok nito ang lahat ng mga relasyon, sinisid ang lahat ng butas ng panlipunang organismo, kapwa sa pangkalahatang antas at personal na antas. Nagsimula sa pagsasamantala at pangangailangan ng dominasyon sa uring lumilikha, ipinataw ng karahasan ang kanyang sarili sa lahat ng mga relasyon sa pagitan ng mga uri at saray sa lipunan: sa pagitan ng industriyalisadong mga bansa; sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri; sa pagitan ng lalaki at babae; sa pagitan ng mga magulang at mga anak; sa pagitan ng mga guro at mga estudyante; sa pagitan ng mga indibidwal; sa pagitan ng mga namuno at pinamunuan. Ito ay naging espesyalisado, may istruktura, organisado, konsentrado sa isang hiwalay na entidad: ang estado, na may permanenteng hukbo, polisya, mga batas, tagapatupad at taga-tortyur; at ang entidad na ito ay nasa ibabaw ng lipunan at nangingibabaw dito.

Para matiyak ang pagsasamantala ng tao sa tao, ang karahasan ang pinaka-mahalagang aktibidad ng lipunan, kung saan palaki ng palaki ang inilaan mula sa ekonomiya at kulturang mga rekurso. Ang karahasan ay itinaas sa istatus ng kulto, arte, syensya. Isang syensya hindi lang sa arte ng militar, sa teknik ng mga sandata, kundi sa lahat ng usapin at sa lahat ng antas, sa organisasyon ng mga kampo ng konsentrasyon at gas chambers, sa arte ng mabilisan at malawakang pagpatay sa buong populasyon, sa paglikha ng mga unibersidad ng sikolohikal at syentipikong tortyur, kung saan maraming kwalipikadong taga-tortyur ay nakakuha ng mga diploma at isinapraktika ang kanilang kaalaman. Ito ang lipunan na hindi lang “maputik na pawis at dugo mula sa bawat butas”, ayon kay Marx, kundi hindi na mabuhay o makahinga sa labas ng paligid na nilason ng mga ataol, kamatayan, pagkasira, masaker, pagdurusa at tortyur. Sa naturang lipunan, ang karahasan ay umabot na sa kanyang tuktok at nagbago sa kalidad – ito ay naging teror.

Kung unawain lamang ang karahasan sa pangkalahatang termino, na walang konsiderasyon sa kongkretong mga kondisyon, istorikal na yugto, at mga uri na nagpatupad ng karahasan, ay walang naunawaan sa kanyang tunay na laman, kung ano ang nagbigay dito ng partikular at ispisipikong kalidad sa mga lipunang mapagsamantala, at bakit mayroong pundamental na modipikasyon ng karahasan tungo sa teror, na hindi simpleng sabihing tingnan sa usapin ng kantidad (tulad ng kalakal, ang kantitatibong kaibahan lamang ang kinilala sa pagitan ng luma at kapitalismo at hindi ang pundamental na kalitatibong kaibahan sa pagitan ng dalawang moda ng produksyon).

Habang umuunlad ang pagkahati ng lipunan sa antagonistikong mga uri, ang karahasan sa kamay ng naghaharing uri ay lalupang nagkaroon ng bagong katangian: teror. Ang teror ay hindi bahagi ng rebolusyonaryong uri sa panahon na nagtagumpay na ang rebolusyon. Ito ay artipisyal, purong pormal na pananaw na sinasamba ang teror bilang pinakamataas4 na rebolusyonaryong aksyon. Sa ganitong pananaw nauwi ito sa: mas malakas ang teror, mas malalim at mas radikal ang rebolusyon. Pero ganap na itong iniwan ng kasaysayan. Ginamit at pinerpekto ng burgesya ang teror mula ng lumitaw ito, hindi lang sa panahon ng kanyang mga rebolusyon (c.f. 1848 at ang Komyun ng Paris), kundi ang teror ng burgesya ay umabot na sa kanyang rurok nang ang kapitalismo ay pumasok na sa kanyang dekadenteng yugto. Ang teror ay hindi ekpresyon ng rebolusyonaryong katangian at aktibidad ng burgesya sa panahon ng kanyang mga rebolusyon, sa kabila na may ilang ispektakular na ekspresyon ito sa burges na rebolusyon. Mas ekspresyon ito sa kanyang katangian bilang mapagsamantalang uri kung saan, tulad ng ibang mapagsamantalang mga uri, ay nakabatay lamang ang paghari sa teror. Ang mga rebolusyon na tumiyak ng paglipat mula sa isang mapagsamantalang lipunan tungo sa isa pa ay hindi ninuno ng teror; simple lamang itong inilipat mula sa isang mapagsamantalang uri tungo sa isa pa. Hindi pa dahil gusto nitong ibagsak ang lumang naghaharing uri na pinerpekto at pinagtibay ng burgesya ang kanyang teror, kundi pangunahin para tiyakin ang kanyang dominasyon sa lipunan sa kabuuan at sa uring manggagawa sa partikular. Ang teror sa burges na rebolusyon ay hindi kataposan kundi pagpapatuloy, dahil ang bagong lipunan ay pagpapatuloy sa mga lipunang nagsasamantala sa tao sa kanyang kapwa tao. Ang karahasan ng mga burges na rebolusyon ay hindi kataposan ng pang-aapi kundi pagpapatuloy ng pang-aapi. Kaya magkahugis lamang ito sa porma ng teror.

Sa pagsusuma, ang teror ay karahasan na ispisipiko lamang sa mapagsamantalang mga uri, na maglaho lamang kung gugustuhin nila. Ang kanyang mga ispisipikong katangian ay:

1.    organikong nakaugnay sa pagsasamantala at ginamit para ipataw ito.

2.    aksyon ng prebilihiyadong uri.

3.    aksyon ng minoriyang uri sa lipunan.

4.    aksyon ng isang espesyalisadong entidad, mahigpit na pinili, sarado sa kanyang sarili, at ayaw magpakontrol sa lipunan.

5.    walang kataposang pinarami at pinerpekto, pinalawak sa lahat ng antas, sa lahat ng panlipunang mga relasyon.

6.    walang ibang raison d’etre maliban sa pagpapailalim at pagdurog sa komunidad ng tao.

7.    pagpapaunlad ng galit at karahasan sa pagitan ng panlipunang mga grupo: nasyunalismo, sobinismo, rasismo at iba pang kabaliwan.

8.    pagpapaunlad ng egoismo, agresibong sadismo, kalupitan; araw-araw na walang kataposang digmaan ng isa laban sa lahat na nagtulak sa buong lipunan sa sitwasyon ng teror.

ANG TERORISMO NG URI AT SARAY NG PETI-BURGESYA

Ang mga uring peti-burges (magsasaka, artisano, maliit na negosyante, propesyunal, intelektwal) ay hindi mga pundamental na uri sa lipunan. Wala silang maihapag na partikular na moda ng produksyon o panlipunang proyekto. Hindi sila mga istorikong uri sa marxistang pananaw. Sila ang pinahati na mga saray sa lipunan. Bagamat ang mas mataas na saray ay kumukuha ng kita mula sa pagsasamantala sa paggawa ng iba at kaya kabilang sa prebiliyado, sila, sa pangkalahatan, ay napailalim sa dominasyon ng uring kapitalista, na nagpataw ng kanyang mga batas sa kanila at nang-aapi sa kanila. Wala silang kinabukasan bilang mga uri. Sa kanilang mas mataas na saray, ang maksimum na mangyari ay indibidwal sila na makapasok sa uring kapitalista. Sa kanilang mababang saray, nasa bingit sila na mawalan ng ‘independyenteng’ pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon at magiging proletaryado. Ang malaking mayoriya na nasa panggitnang saray ay nasa bingit na madurog sa ekonomiya at pulitika ng uring kapitalista. Ang kanilang pampulitikang aktitud ay dinidiktahan ng balanse ng pwersa ng dalawang pundamental na uri ng lipunan: ang burgesya at proletaryado. Ang kanilang walang pag-asang paglaban sa mga batas ng kapital ang nagtulak sa kanila na hawakan ang palasuko, pasibo na aktitud. Ang kanilang ideolohiya ay indibidwalistang ‘kunin ang maaring kunin’; sa kolektibo gumagawa sila ng lahat ng walang kwentang pagdalamhati sa paghahanap ng miserableng konsolasyon, sa katawa-tawa at inutil na makatao at pasipistang mga sermon.

Durog, walang kinabukasan, bilanggo sa pang-araw-araw na hanapbuhay, nakakaawang kahinaan, sila ay desperadong target ng lahat ng klase ng mistipikasyon, mula sa pinaka-pasipista (relihiyoso, naghuhubad, kontra-karahasan, kontra-bomba atomika, kontra-nukleyar, hippies, ekolohista) hanggang sa pinaka-hayok sa dugo (Black Hundreds, pogromists, racists, Ku Klux Klan, pasista, gangsters at lahat ng klaseng mersenaryo). Pangunahin sa huli, sa mga hayok sa dugo, na nakakita sila ng ilusyonadong dignidad. Ito ang kabayanihan ng mga duwag, ang katapangan ng mga nagpapataw, ang kalulwalhatian ng mga nakakaawang mahihina. Matapos silang gawin ng kapital na nasa kalunos-lunos na kondisyon, nakakita ang kapitalismo sa mga saray na ito ng bukal na marerekrut para sa mga bayani ng kanyang teror.

Bagamat sa takbo ng kasaysayan ay mayroong mga pagsabog ng karahasan at galit mula sa mga uring ito, ang mga pagsabog na ito ay nanatiling kalat-kalat at hindi lumagpas sa mga pag-aalsa, dahil wala silang perspektiba maliban sa pagkadurog. Sa kapitalismo ang mga uring ito ay ganap ng nawalan ng kalayaan at nagsilbi na lang bilang pambala ng kanyon sa mga komprontasyon sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri, kapwa sa loob at labas ng mga bansa5. Sa panahon ng mga rebolusyonaryong krisis at ilang paborableng mga sirkumstansya, ang malakas na diskontento ng isang bahagi ng mga uring ito ay maaring magsilbi bilang pwersa na sumusuporta sa proletaryong pakikibaka.

Ang hindi mapigilang proseso ng paghihikahos at proletaryanisasyon ng mababang saray ng mga uring ito ay masyadong mahirap at masaklap na daang tinatahak at nagluwal ng isang partikular na matinding tendensya ng pag-aalsa. Ang pagiging palaban ng mga elementong ito, laluna ang nagmula sa mga artisano at sa naghirap na intelektwal ay nakabatay sa mas desperadong kondisyon ng buhay kaysa makauring pakikibaka ng proletaryado, kung saan nahirapan silang sumama. Ang katangian ng saray na ito sa batayan ay ang kanilang indibidwalismo, kapusukan, pag-aalinlangan at demoralisasyon. Ang kanilang mga aksyon ay mas naglalayon ng ispektakular na pagpapakamatay kaysa anumang partikular na layunin. Nawalan ng dating posisyon sa lipunan, nawalan ng kinabukasan, nabuhay sila sa kasalukuyang kahirapan at nangangalit na pag-alsa laban sa kahirapan; sa pagmamadali na naramdaman bilang pagmamadali. Sa kabila ng pakikisalamuha sa uring manggagawa at sa kanyang istorikal na hinaharap makakuha sila ng inspirasyon sa kanyang mga ideya sa baluktot na paraan, minsan ito ay tumungo sa antas ng pantasya at panaginip. Ang kanilang pananaw sa realidad ay purong aksidental lamang.

Ang pampulitikang mga ekspresyon ng ganitong tendensya ay nagkahugis sa ibat-ibang labis na porma, mula sa indibidwal na mga aksyon hanggang sa ibat-ibang klase ng mga sekta; mga saradong konspiraturyal na mga grupong nagpaplano ng kudeta, ‘kapuri-puring mga aksyon’ at terorismo.

Ang pagkakaisa ng lahat ng kaibahang ito ay ang kanilang kakulangan ng unawa sa obhetibo, istorikal na determinismo sa likod ng kilusan ng makauring pakikibaka at sa istorikong tauhan ng modernong lipunan, ang tanging pwersa na may kapasidad para sa transpormasyon ng lipunan, ang proletaryado.

Ang pagpupumilit ng mga ekspresyon ng tendensyang ito ay dahil sa permanenteng proseso ng proletaryanisasyong nangyayari sa buong kasaysayan ng kapitalismo. Ang kanilang mga tipo at pagkakaiba ay produkto ng lokal at walang katiyakang sitwasyon. Ang panlipunang penomenon na ito ay laging kasama ng istorikal na pormasyon ng proletaryado at nahalo sa ibat-ibang antas ng kilusang manggagawa, kung saan ang panlipunang tendensyang ito ay umaangkat ng mga ideya at aktitud na banyaga sa uri. Partikular na totoo ito sa kaso ng terorismo.

Kailangang igiit natin ang esensyal na puntong ito at hindi papayag sa anumang kalabuan. Totoo na ang simula ng pormasyon ng uri, ang tendensya ng proletaryado na organisahin ang sarili ay hindi pa nadiskubre ang kanyang pinaka-angkop na mga porma, at ginagamit ng uri ang konspiratoryal na porma ng organisasyon – ang sekretong mga asosasyon na minana sa burges na rebolusyon. Pero hindi nito nabago ang makauring katangian ng mga pormang ito ng organisasyon at ang kanilang kakulangan para sa bagong laman – ang makauring pakikibaka ng proletaryado. Napakabilis na humiwalay ang proletaryado mula sa mga pormang ito ng organisasyon at pamamaraan ng aksyon, at tahasang itinakwil ang mga ito.

Katulad ng ang proseso ng teoretikal na elaborasyon ay hindi maiwasang dumaan sa yugto ng utopyan, ganun din ang pormasyon ng mga pampulitikang organisasyon ng uri na dumaan sa yugto ng konspiratoryal na mga sekta. Pero hindi dapat gawing banal ang pangangailangan dito at malito sa kaibahan ng mga yugto ng kilusan. Dapat nating malaman ang ibat-ibang yugto ng kilusan at ang mga porma na iniluwal nito.

Katulad na ang utopyang sosyalismo sa isang takdang panahon ng uri ay natransporma mula sa pagiging dakila, positibong kontribusyon ay naging hadlang na sa patuloy na pag-unlad ng kilusan, ganun din ang konspiratoryal na mga sekta na naging negatibong palatandaan, bumabaog sa pag-unlad ng kilusan.

Ang tendensya na kumakatawan sa masaklap na daan ng proletaryanisasyon ay hindi na maaring makapagbigay kahit maliit na kontribusyon sa maunlad na makauring kilusan. Hindi lang nagtataguyod ng sekta at konspiratoryal na paraan ang tendensyang ito, na mas lalupang lumalayo sa tunay na kilusan, tulad ng isang babaeng nasa menopos; itinulak sila ng mga ideya at paraang ito sa sukdulan – sa isang antas ng karikatura – ang dulo nito ay ang adbokasiya ng terorismo.

Ang terorismo ay hindi simpleng aksyon ng teror. Ang sabihin ito ay pabayaan na ang diskusyon ay matali sa purong antas ng terminolohiya. Ang nais naming ipakita ay ang panlipunang kahulugan at mga pagkakaiba na nasa likod ng mga terminong ito. Ang teror ay sistema ng dominasyon, organisado, permanente, nagmula sa mga mapagsamantalang uri. Ang terorismo sa kabilang banda ay isang reaksyon ng inaaping mga uri na walang kinabukasan, laban sa teror ng naghaharing uri. Ang mga ito ay panandaliang reaksyon, na walang pagpapatuloy, mga aksyon ng paghihiganti na walang kinabukasan.

Nakita natin ang gumagalaw na deskripsyon ng ganitong klase ng kilusan sa Panait Istrati at ng kanyang Haidoucs sa istorikal na konteksto ng Rumania sa pagtatapos ng nakaraang siglo. Nakita natin ito sa terorismo ng mga Narodniks at, lumitaw sa ibang paraan, sa mga anarkista at ng Bonnot gang. Myroon pa rin silang batayang katangian – ang paghihiganti ng mga inutil. Wala silang ipinahayag na bago, kundi ang desperadong ekspresyon ng kataposan – ang kanilang sariling kataposan.

Ang terorismo, ang inutil na reaksyon ng isang inutil, ay hindi matalo ang teror ng naghaharing uri. Ito ay niknik na kumakagat sa elepante. Sa kabilang banda, kadalasan ang terorismo ay sinamantala ng estado para bigyang katuwiran at patibayin ang kanyang sariling teror.

Kailangang ganap nating tuligsain ang kathang-isip na ang terorismo ay nagsisilbi, o maaring magsilbi, bilang mitsa para sa proletaryong pakikibaka. Kakaiba na makitang umaasa ang uri na may istorikong kinabukasan na ang magbibigay ng kanyang pakikibaka ay ang uring walang kinabukasan.

Absolutong kakatuwa ang sabihin na ang terorismo ng pinaka-radikal na saray ng peti-burgesya ay makatulong para basagin ang demokratikong mistipikasyon ng uring manggagawa. Na mawasak nito ang mistipikasyon ng burges na legalidad. Na maturuan nito ang uring manggagawa na hindi maiwasan ang karahasan. Walang araw na mahahalaw ang proletaryado mula sa radikal na terorismo maliban sa paglayo mula ditto at itakwil ito, dahil ang karahasan ng terorismo ay pundamental na nasa tereyn ng burgesya. Ang unawa na ang karahasan ay kailangan at hindi maaring mawala ay kukunin ng proletaryado mula sa kanyang sariling pag-iral; sa kanyang sariling pakikibaka; sa kanyang sariling karanasan; sa kanyang sariling pakikipaglaban sa naghaharing uri. Ito ang makauring karahasan, na iba ang katangian at laman, sa porma at paraan, mula sa terorismo ng peti-burgesya at sa teror ng naghaharing uri.

Malinaw na sa pangkalahatan ang uring manggagawa ay nakikipagkaisa at sumisimpatiya – hindi sa terorismo na kinondena nito bilang isang ideolohiya, isang paraan, at isang moda ng organisasyon – kundi sa mga elementong nahatak tungo sa terorismo. Ito ay sa mga dahilang:

1. ang mga elementong nahatak sa terorismo ay nag-alsa laban sa umiiral na teror ng umiiral na kaayusan na nais wasakin ng proletaryado mula sa itaas hanggang sa baba.

2. tulad ng uring manggagawa, ang mga elementong nabighani sa terorismo ay biktima ng malupit na pagsasamantala at pang-aapi ng uring kapitalista at ng kanyang estado, ang mortal na kaaway ng proletaryado. Ang tanging paraan na maipakita ng proletaryado ang kanilang pakikiisa sa mga biktimang ito ay ang pagsisikap na maligtas sila mula sa mga berdugo ng teror ng estado, at sa pagtatangkang hatakin sila palayo mula sa nakamamatay na pagkakabukuhan ng terorismo.

ANG MAKAURING KARAHASAN NG PROLETARYADO

Hindi na dapat bigyang diin natin dito ang panganagailangan ng karahasan sa makauring pakikibaka ng proletaryado. Ito ay pagsipa sa bukas na mga pintuan dahil mula pa noong Equals of Babeuf, ay pinakita na ito sa teorya at praktika. Nagsasayang lamang ng panahon ang paulit-ulit, na tila bagong tuklas, na ang lahat ng mga uri ay gagamit ng karahasan, kabilang na ang proletaryado. Sa paglimita ng inyong sarili sa mga katotohanang ito – na halos pangkaraniwan na lang – ang inyong kongklusyon ay walang lamang ekwasyon: “Ang karahasan ay katumbas ng karahasan”. Ginawa ninyong simplistiko at balintuna ang kahulugan sa pagitan ng karahasan ng kapital at karahasan ng proletaryado, at nabalewala ang esensyal na kaibahan: ang una ay mapang-api at ang ikalawa ay mapagpalaya.

Ang paulit-ulit at paliguligoy na pagsabing ang “karahasan ay katumbas ng karahasan”; ang patuloy na pagpapakita na ang lahat ng mga uri ay gumagamit ng karahasan; ang patuloy na pagpapakita na ang karahasan ay sa esensya pareho lang, ay matalinong nakikita ang pagkapareho sa pagitan ng nag-oopera ng caesarean para mailuwal na buhay ang sanggol at ang aksyon ng pagpatay sa kanyang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang tiyan, sa simpleng dahilan na pareho silang gumagamit ng parehong instrumento – kutsilyo – sa parehong target na bagay – ang tiyan – at dahil maliwanag na ang dalawa ay gumagamit ng parehong teknika sa pagbukas ng tiyan.

Ang pinaka-importanteng bagay ay hindi ang sigaw ng sigaw, “Karahasan, karahasan”6, kundi ang bigyang-diin ang kaibahan. Ipakita sa pinakamalinaw na possible, bakit at paanong ang karahasan ng proletaryado ay iba mula sa teror at terorismo ng ibang mga uri.

Hindi natin pinag-iba ang teror at makauring karahasan para sa terminolohikal na mga rason, o dahil gusto nating biglang baguhin ang salitang ‘terror’, o dahil sa pagkamaselan. Ginawa natin ito para malinaw na makita ang kaibahan ng makauring katangian, porma at laman sa likod ng mga salitang ito. Ang bokabularyo ay laging nahuhuli sa katotohanan at ang kakulangan sa pag-iba-iba sa mga salita ay kadalasan tanda ng kakaulangan ng paliwanag na pwedeng mas lalupang magpalabo. Halimbawa, mayroong salitang ‘sosyal demokrata’ na hindi magkabagay sa rebolusyonaryong esensya – komunistang layunin – ng pampulitikang organisasyon ng proletaryado. Ganun din sa salitang ‘teror’. Minsan makikita ninyo sa sosyalistang literatura, maging sa mga klasiko, na nakapako sa mga salitang ‘rebolusyonaryo’ at ‘proletaryado’. Kailangan nating bantayan ang mga pang-aabuso sa literal na sipi na hindi inilagay sa konteksto o walang pagtingin sa mga sirkumstansya na sinulat sila at laban sa sumulat. Binabago nito ang tunay na mga ideya ng kanilang mga may-akda. Dapat bigyang diin na sa karamihang kaso ang mga sumulat, habang ginagamit ang salitang teror, ay nag-iingat talaga na ipakita ang batayang kaibahan sa pagitan ng proletaryado at burgesya, sa pagitan ng Komyun ng Paris at Versailles, sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon sa digmaang-sibil sa Rusya. Kung sa tingin natin napapanahon na pag-ibahin ang dalawang terminong ito, ito ay para tanggalin ang hindi malinaw na mga punto – kalabuan na tinitingnan lamang ang kaibahan sa kantidad at antas, hindi ang makauring kaibahan. At kung istrikto sa usapin ng pagbabago ng kantidad, para sa mga marxista na gumagamit ng diyalektikal na paraan, patungo ito sa pagbabago sa kalidad.

Sa pagtakwil sa teror para sa makauring karahasan ng proletaryo, layunin natin na hindi lang ipahayag ang ating makauring pagtutol sa tunay na laman ng pagsasamantala at pang-aapi na nakabatay sa teror, kundi para iwaksi ang palakasuista at ipokritong mga ditalye hinggil sa ‘ang layunin ay nagbibigay katuwiran sa mga paraan’.

Yaong lubos ang pagtatanggol sa teror, yaong mga Calvinista ng rebolusyon – ang mga Bordigista, ay hinahamak ang usapin ng mga porma ng organisasyon, ang mga paraan. Para sa kanila tanging ang ‘layunin’ lamang ang umiiral at lahat ng mga porma at paraan ay maaring gamitin para makamit ang layunin. “Ang rebolusyon ay usapin ng laman”, walang kataposang paulit-ulit. Maliban lang, syempre, sa teror. Dito malinaw sila: “Walang rebolusyon kung walang teror. Hindi ka rebolusyonaryo kung hindi ka papatay ng bata.” Dito ang teror, na kinilalang paraan, ay naging aboslutong rekisito, isang kategorikal na hindi maiwasan sa rebolusyon at sa kanyang laman. Bakit may eksepsyon? Maari din tayong magtanong ng kabaliktaran. Kung ang mga usapin ng mga paraan at porma ng organisasyon ay walang halaga sa proletaryong rebolusyon, bakit hindi ang rebolusyon ay ilunsad sa pamamagitan ng monarkikal o parliyamentaryong porma?

Ang katotohanan ay ang tangkaing paghiwalayin ang porma at laman, paraan at layunin, ay isang kabalintuanan. Sa realidad, ang porma at laman ay tunay na magkaugnay. Ang layunin ay hindi makamit ng kahit anumang paraan. Nangangailangan ito ng ispisipikong paraan. Ang isang takdang paraan ay aplikable lamang sa isang takdang layunin. Anumang ibang pagtingin ay mauuwi lamang sa tila totoo pero mapanlinlang na mga ispekulasyon.

Ang pagtakwil natin sa teror bilang moda ng pag-iral ng karahasan ng proletaryado, ay hindi dahil sa moral na kadahilanan, kundi ang teror, bilang nilalalaman at paraan, ay sa kanyang katangian ay salungat sa mga layunin ng proletaryado. Naniwala ba talaga ang mga Calvinista ng rebolusyon, makumbinsi ba talaga nila tayo, na maaring gamitin ng proletaryado ang mga kampo ng konsentrasyon, ang sistematikong eksterminasyon ng buong populasyon, ang pagtayo ng maraming gas chambers, kabilang na ang syentipikong perpekto katulad ng kay Hitler? Ang pagpatay ba ng lahi ay kabilang sa ‘Programa’ ng ‘Calvinistang Daan sa Sosyalismo’?

Tandaan lamang natin ang mga punto hinggil sa mga pangunaing katangian ng nilalaman at paraan ng teror para makita ang malaking kaibahan sa pagitan ng terror at ng proletaryado:

1.    “Bilang organikong nakaugnay sa pagsasamantala at ginagamit para sapilitang ipataw ito”. Ang proletaryado ay pinagsamantalahang uri at nakibaka para mapawi ang pagsasamantala ng tao sa tao.

2.    “Bilang aksyon ng prebilihiyadong uri”. Ang proletarayado ay walang mga prebilihiyo at nakibaka para sa abolisyon ng lahat ng prebilihiyo.

3.    “Bilang aksyon ng minoriyang uri ng lipunan”. Kinakatawan ng proletaryado ang pinakamalaking mayoriya ng lipunan. Ang ilan ay tinitingnan ito na ekspresyon ng aming ‘hindi na maituwid na pagkahilig sa demokratikong prinsipyo’, ang prinsipyo ng mayoriya at minoriya, pero sila ang nahumaling sa problemang ito – at dagdag pa, para sa kanila, ang aksyon ng minoriya na ginamit ng mayoriya para manindak ay saligan ng rebolusyonaryong katotohanan. Hindi maitayo ang sosyalismo kung hindi ito nakabatay sa istorikal na posibilidad at hindi bumabagay sa mga pundamental na interes at kagustuhan ng malaking mayoriya ng lipunan. Ito ang isa sa mga susing argumento ni Lenin sa Estado at Rebolusyon, at ganun din kay Marx ng sinabi niya na hindi mapalaya ng proletaryado ang sarili kung hindi niya mapalaya ang buong sangkatauhan.

4.    “Bilang aksyon ng espesyalisadong entidad”. Nakasulat sa badila ng proletaryado ang pagwasa sa permanenteng hukbo at pulisya, at ang pangkalahatang pag-arms sa mamamayan; higit sa lahat ang lahat ng manggagawa. “...na umiiwas sa kontrol ng lipunan”. Bilang layunin, itinakwil ng proletaryado ang lahat ng espesyalisasyon, at dahil imposible ito sa kagyat, igigiit ng uri na ang mga espesyalista ay lubusang kontrolado ng lipunan.

5.    “Walang kataposan na paramihin at gawing perpekto ang sarili...”. Layunin ng proletaryado na itigil ang lahat ng ito at simulan ito agad matapos maagaw ang kapangyarihan.

6.    “Bilang walang dahilan maliban sa ipailalim at wasakin ang komunidad ng tao”. Ang layunin ng proletaryado ay lubusang salungat dito. Ang kanyang dahilan ay emansipasyon ng lipunan ng tao.

7.    “Pagpapaunlad ng damdaming galit at marahas sa pagitan ng mga panlipunang grupo; nasyunalismo, sobinismo, rasismo, at iba pang kahalimawan”. Susupilin ng proletaryado itong mga hindi na dapat iiral pa sa kasaysayan, na naging mga halimaw at hadlang sa mapayapang pagkakaisa ng sangkatauhan.

8. “Pagpapaunlad ng damdamin at aktitud ng egoismo, sadistang pamimilit, mapaghiganti; ang walan kataposang araw-araw na digmaan ng isa laban sa lahat...”. Pauunlarin ng proletaryado ang bagong damdamin - pakikiisa, kolekibong buhay, pagkakapatiran, ‘lahat para sa isa at isa para sa lahat’, ang malayang asosasyon ng mga lumilikha, sosyalisadong produksyon at paggamit. At habang ang teror ay “...sinaksak ang buong lipunan ng teror”, mananawagan ang proletaryado sa lahat ng inisyatiba at pagkamalikhain, para sa pangkalahatang kalagayan ng kasigasigan ay mahawakan nila ang kanilang buhay sa kanilang sariling mga kamay.

Ang makauring karahasan ng proletaryado ay hindi teror dahil ang kanyang pag-iral ay para pawiin ang teror. Ang kilalanin sila na pareho lang ay naglalaro lamang sa mga salita. Ang kamay ng mamamatay-tao na may hawak ng kutsilyo ay hindi katulad sa isang tao na pinipigilan ang pagpatay. Hindi maaring gawain ng proletaryado ang organisadong pagpatay ng marami, pagpatay, tortyur, Paghukom tulad sa Moscow, bilang mga paraan para makamit ang sosyalismo. Ang mga paraang ito ay para lamang sa kapitalismo, dahil bahagi sila ng kapitalismo, angkop sila sa kanyang mga layunin at mayroon itong pangkalahatang pangalan ng TEROR.

Terorismo man bago ang rebolusyon o teror pagkatapos ng rebolusyon ay hindi maaring maging sandata ng proletaryado sa kanyang pakikibaka para palayain ang sangkatauhan.

M.C.

1 Dapat ilinaw na ang terorismo at armadong pakikibaka, sa anyo ng gerilyang pakikidigma sa kalungsuran man o kanayunan ay hindi lang partikular sa Pilipinas; at hindi lang din kagagawan ng maka-Kaliwang organisasyon tulad ng maoistang kilusan kundi maging ng mga maka-Kanang organisasyon (neo-Nazis/Pasista at panatikong islamistang organisasyon).

2Sa ibang bansa naman ay nangyari din nitong huli ang pambobomba sa Boston, USA noong Abril 15, 2013 at pagkubkob ng mga islamistang panatiko sa isang Mall sa Nairobi, Kenya noong Setyembre 21, 2013.

3Noong panahon ng diktadurang Marcos ang maoistang kilusan ay nakikipag-alyansa sa paksyon nila Corazon ‘Cory’ Aquino-Salvador ‘Doy’ Laurel. Noong panahon ng pagpapatalsik kay Joseph Estrada ay nakipag-alyansa sila kay dating Bise-Presidente Gloria Arroyo. Noong eleksyong presidensyal sa 2010 ay nakipag-alyansa sila sa Partido Nacionalista at sa milyonaryong kapitalistang pulitiko na si Manny Villar. Nitong 2013 eleksyon ay nakipag-alyansa na naman sila sa paksyon ni senador Ramon ‘Bong’ Revilla na isang tapat na alyado ng paksyong Arroyo at may planong tatakbong presidente sa 2016 at nadawit sa multi-bilyon na pork barrel scam.

4 Wala itong kaibahan sa dogmatikong pananaw ng mga maoista na ang gerilyang pakikidigma ang “pinakamataas” na porma ng pakikibaka at komitment ng isang rebolusyonaryo sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas. Ang “armadong pakikibaka” ng mga maoista ay isang “pulang terror” laban diumano sa “putting terror” ng estado. Subalit, ng sila na ang nakaupo sa tuktok ng estado, nagpapatuloy ang “pulang terror” laban na mismo sa uring manggagawa at mamamayan na tumututol sa estado.

5Isang malinaw na halimbawa ay ang mga gerilyang pakikidigma na kapwa ginamit ng magkaaway na paksyon ng mga imperyalistang kapangyarihan gamit ang mga linyang “demokrasya, pambansang kalayaan at sosyalismo”. Maging ang arnadong maoistang kilusan na umaangkin na “pinaka-radikal” sa buong kampo ng Kaliwa ay walang kahiya-hiyang nagpagamit sa mga malalaking burges na partido at pulitiko sa ilalim ng stalinistang taktika ng “bloke ng apat na uri” at “pakikipag-isang prente”. Kaugnay nito, walang kahiya-hiyang hayagan ang suporta ng mga radikal na peti-burges sa mga bansa at estado na lantarang anti-manggagawa at anti-komunismo dahil lamang sa rason na ang mga bansa at estadong ito (tulad ng Iran, Libya, Syria) ay “lumalaban” sa imperyalismong USA.

6Ang makitid na unawa na ang rebolusyon ay armadong pakikibaka ng isang espesyal na grupo ay walang kaibahan sa kakitiran ng karahasan = karahasan.

 

Rubric: 

Terorismo

Source URL:https://fil.internationalism.org/en/node/525

Links
[1] https://fil.internationalism.org/icconline/2007/lagman_summary [2] https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html [3] https://en.internationalism.org/worldrevolution/201209/5140/there-danger-fascism-today [4] https://en.internationalism.org/node/3622 [5] https://en.internationalism.org/wr/275_irrationality.htm [6] https://en.internationalism.org/node/2942 [7] https://en.internationalism.org/wr/243_theses.htm [8] https://en.internationalism.org/ir/014_terror.html