Ang Internationalist Communist Tendency ay naglathala kamakailan ng isang pahayag tungkol sa kanilang karanasan sa No War But the Class War committees (NWBCW) na inilunsad nila sa simula ng digmaan sa Ukraine[1] [1]. Sabi nga nila, "Walang katulad ng isang imperyalistang digmaan para sa pagbubunyag ng tunay na makauring batayan ng isang balangkas pampulitika, at ang pagsalakay sa Ukraine ay tiyak na ginawa iyon", na nagpapaliwanag na ang mga Stalinista, Trotskyista ay muling nagpakita na sila ay kabilang sa kampo ng kapital – maging sa pamamagitan ng pagsuporta sa kalayaan ng Ukraine, o pagsuporta sa propaganda ng Russia tungkol sa 'de-Nazification' ng Ukraine, ang mga kaliwa ay lantarang nanawagan sa uring manggagawa na suportahan ang isang panig o ang kabila sa isang kapitalistang digmaan na nagpapakita sa lumalalim na tunggalian ng mga magkaribal sa pagitan ng pinakamalaking imperyalistang pating sa planeta at sa gayon ay nagbabanta ng mapaminsalang kahihinatnan ng buong sangkatauhan. Nabanggit din ng ICT na malalim na nahati ang kilusang anarkista sa pagitan ng mga nanawagan na ipagtanggol ang Ukraine at ang mga nanatili sa internasyunalistang posisyon na tanggihan ang dalawang kampo. Taliwas dito, sinasabi ng ICT na "ang Kaliwang Komunista sa buong mundo ay nanatiling matatag na naninindigan sa internasyunal na interes ng uring manggagawa at tinuligsa kung ano talaga ang digmaang ito".
Mabuti hanggang sa puntong ito. Ngunit kami ay malinaw na hindi sang-ayon ng mangatuwiran sila na "Para sa aming bahagi, mas pinaunlad pa ng ICT ang internasyonalistang posisyon sa pamamagitan ng pagsisikap na makipagtulungan sa iba pang mga internasyonalista na nakikita ang mga panganib para sa pandaigdigang uring manggagawa kung hindi ito mag-oorganisa. Ito ang dahilan kung bakit kami ay sumali sa inisyatibo upang bumuo ng mga komite sa lokal na antas sa buong mundo upang mag-organisa ng isang tugon sa kung ano ang inihahanda ng kapitalismo para sa mga manggagawa sa lahat ng dako".
Ang pangangailangan para sa debate
Sa aming pananaw, ang panawagan ng ICT para sa pagbuo ng No War But the Class War committees ay kahit ano maliban sa "pagpapaunlad" sa internasyunalismo o isang hakbang tungo sa isang solidong pagkakaisa ng mga internasyunalistang pwersang komunista. Nakasulat na kami ng maraming bilang ng mga artikulo na nagpapaliwanag sa aming pananaw tungkol dito, ngunit ang ICT ay hindi tumugon ni isa man sa kanila, isang aktitud na binigyang katuwiran sa pahayag ng ICT na iginigiit na hindi nila nais na sumali sa "parehong lumang mga debate" sa mga taong sa tingin nila ay hindi naunawaan ang kanilang mga posisyon. Ngunit ang tradisyon ng kaliwang komunista, na minana kina Marx at Lenin at ipinagpatuloy sa mga pahina ng Bilan, ay ang pagkilala na ang polemiko sa pagitan ng mga proletaryong elemento ay napakahalaga sa anumang proseso ng paglilinaw pampulitika. At sa katunayan, ang pahayag ng ICT ay talagang isang nakatagong polemiko, higit sa lahat sa ICC – Ngunit sa kanilang likas na katangian ang gayong mga nakatagong mga debate, na umiiwas na tukuyin ang mga partikular na organisasyon at ang kanilang mga nakasulat na pahayag, ay hindi kailanman maaaring humantong sa isang tunay at tapat na komprontasyon ng mga posisyon.
Sa kanilang pahayag sa NWBCW, inaangkin ng ICT na ang inisyatiba nito ay pagpapatuloy sa ginawa ng kaliwang kampo na sinimulang proseso ng kumperensya ng Zimmerwald ng 1915, na gumawa na ng katulad na pang-aangkin sa artikulo na "NWBCW and the 'Real International Bureau' ng 1915: "naniniwala kami na ang inisyatibong NWBCW ay umaayon sa mga prinsipyo ng Kaliwa ng Zimmerwald".[2] [2]
Ngunit ang mga aktibidad ng Kaliwa ng Zimmerwald, at higit sa lahat ni Lenin, ay kinakitaan ng walang humpay na polemiko na naglalayon ng dekantasyon ng mga rebolusyonaryong pwersa. Pinagsama ng Zimmerwald ang iba't ibang tendensya ng kilusang manggagawa na sumasalungat sa digmaan, at nagkaroon ng malaking pagkakaiba sa maraming usapin; lubos na alam ng Kaliwa na hindi sapat ang isang karaniwang posisyon laban sa digmaan, tulad ng ipinahayag sa Manipesto ng Zimmerwald. Dahil dito, hindi itinago ng Kaliwa ng Zimmerwald ang mga pagkakaiba nito sa iba pang mga tendensya sa mga kumperensya ng Zimmerwald at Kienthal, kundi lantarang binatikos ang mga tendensyang ito dahil hindi sila naaayon sa kanilang pakikipaglaban sa imperyalistang digmaan. Sa debate na ito ay bumuo si Lenin at ang mga nakapaligid sa kanya ng isang nukleyus na nagiging similya ng Communist International.
Ang aming mga naunang pagpuna sa inisyatibong NWBCW
Tulad ng nakikita ng mga mambabasa mula sa paglalathala ng aming mga liham sa ICT tungkol sa panawagan ng ICC para sa isang komon na deklarasyon ng kaliwang komunista bilang tugon sa digmaan sa Ukraine, ang pagtanggi ng ICT na pumirma at ang kanilang pagsulong ng NWBCW bilang isang uri ng "karibal" na proyekto ay lubhang nagpahina sa kapasidad ng kaliwang komunista na kumilos nang magkasama sa mahalagang sandaling ito. Sinira nito ang posibilidad ng isang pagsama-sama ng kanyang mga pwersa sa unang pagkakataon mula ng mabuwag ang mga internasyonal na kumperensya ng kaliwang komunista sa simula ng 1980s. Pinili ng ICT na itigil ang pakikipagsulatang ito[3] [3].
Naglathala rin kami ng isang artikulo na binaybay ang aktwal na kasaysayan ng NWBCW sa anarkistang kampo noong 1990s[4] [4]. Nangangahulugan ito na ang mga grupong ito ay naglalaman ng lahat ng uri ng kalituhan, ngunit sa aming pananaw ay nagpahayag sila ng isang bagay na totoo - ang tugon ng isang maliit na minorya na kritikal sa napakalaking mga mobilisasyon laban sa mga digmaan sa Gitnang Silangan at Balkans, mga mobilisasyon na nasa malinaw na kaliwa at pasipistang larangan. Dahil dito, nadama namin na mahalaga para sa kaliwang komunista na makialam sa mga pormasyong ito upang ipagtanggol ang malinaw na internasyunalistang posisyon sa loob nito. Sa kabilang banda, kakaunti lamang ang gayong mga pagkilos ng mga pasipista bilang tugon sa digmaan sa Ukraine at ang anarkistang kampo, tulad ng nabanggit na namin, ay lubhang nagkahati-hati sa usaping ito. Sa gayon ay kakaunti lamang ang nakikita natin sa iba't ibang grupo ng NWBCW para kwestyunin ang aming kongklusyon sa artikulo: "Ang impresyon na nakukuha namin mula sa mga grupo na kung saan alam namin kung ano sila ay higit sa lahat 'mga duplicate' ng ICT o mga kaanib nito". Sa aming palagay, ang duplikasyong ito ay naglantad ng ilang malubhang hindi pagkakaunawaan pareho tungkol sa tungkulin at paraan ng operasyon ng rebolusyonaryong organisasyong pampulitika at ang kaugnayan nito sa mga minorya na nasa proletaryong tereyn, at sa uri sa kabuuan. Ang hindi pagkakasundo na ito ay bumabalik sa buong debate tungkol sa mga grupo ng pabrika at mga grupo ng pakikibaka, ngunit hindi namin balak na talakayin sa artikulong ito[5] [5].
Higit pang mahalaga – ngunit konektado rin sa tanong ng pagkakaiba sa pagitan ng isang produkto ng tunay na kilusan at artipisyal na imbensyon ng mga pampulitikang minorya - ay ang paggigiit ng aming artikulo na ang inisyatibo ng NWBCW ay batay sa maling pagtatasa sa dinamika ng pakikibaka ng uri ngayon. Sa kasalukuyang kalagayan, hindi natin maaasahan na ang kilusang makauri ay direktang uunlad laban sa digmaan kundi laban sa epekto ng krisis sa ekonomiya – isang pagsusuri na sa palagay namin ay lubos na napatunayan ng pandaigdigang muling pagbuhay ng mga pakikibaka na sinimulan ng kilusang welga sa Britanya noong tag-init ng 2022 at, na may hindi maiiwasang mga paglakas at paghina, ay hindi pa rin napapagod. Ang kilusan na ito ay naging direktang tugon sa "cost of living crisis" at habang naglalaman ito ng mga binhi ng mas malalim at mas malawak na pagkuwestiyon sa pagiging bangkarota ng sistema at ang pagkilos nito patungo sa digmaan, malayo pa rin tayo sa puntong iyon. Ang ideya na ang mga komite ng NWBCW ay maaaring sa ilang kahulugan ay ang panimula para sa isang direktang tugon ng uri sa digmaan ay maaari lamang humantong sa isang maling pagbasa sa dinamika ng kasalukuyang mga pakikibaka. Binubuksan nito ang pintuan sa isang patakarang aktibista na, sa kabilang banda, ay hindi magagawang mapag-iba ang sarili mula sa mga "aksyon agad ngayon" na mga posisyon ng kaliwa ng kapital. Iginiit ng pahayag ng ICT na ang inisyatibo nito ay higit sa lahat pampulitika at ito ay salungat sa aktibismo at pagmamadali, at sinasabi nila na ang lantarang aktibista na direksyon ng mga grupo ng NWBCW sa Portland at Roma ay batay sa isang hindi pagkakaunawaan sa tunay na katangian ng inisyatiba. Ayon sa pahayag, "ang mga taong pumirma sa NWBCW na hindi naunawaan kung ano talaga ang tungkol dito, o sa halip, na nakita ito bilang ekstensyon ng kanilang nakaraang radikal na repormistang aktibidad. Nangyari ito pareho sa Portland at Roma kung saan nakita ng ilang mga elemento na ang NWBCW ay organisasyon para agad na mapakilos ang uri na kung saan ay hindi pa rin nakabangon mula sa apat na dekada ng pag-atras, at kung saan ay nagsisimula pa lang mahanap ang mga paa nito sa paglaban sa implasyon. Ang kanilang pagmamadali at ultra-aktibista na pananaw ay humantong lamang sa pagkalusaw ng mga komiteng iyon". Para sa amin, ito ay kabaligtaran, ang mga lokal na grupong ito ay mas mahusay na nakaunawa kaysa sa ICT na ang isang inisyatibo na inilunsad sa kawalan ng anumang tunay na kilusan laban sa digmaan – kahit na sa mga maliliit na minorya - ay maaari lamang mahulog sa mga pagtatangka upang lumikha ng isang kilusan mula sa wala.
Isang bagong "Nagkakaisang Prente"?
Nabanggit namin na ang Italian Fraction ng Komunistang Kaliwa, na naglathala ng Bilan, ay iginiit ang pangangailangan ng mahigpit na pampublikong debate sa pagitan ng mga proletaryong pampulitikang organisasyon. Ito ay isang sentral na aspeto ng kanilang prinsipyadong pamamaraan tungo sa muling pagsama-sama, na sumasalungat lalo na sa oportunistang pagsisikap ng mga Trotskyista at ex-Trotskyista noon na gumamit ng mga pagsasanib at pagsasama na hindi batay sa isang matinding debate batay sa pundamental na mga prinsipyo. Sa aming pananaw, ang inisyatibong NWBCW ay batay sa isang uri ng "frontist" na lohika na maaari lamang humantong sa walang prinsipyo at maging sa mapanirang alyansa.
Aminado ang pahayag na may mga lantarang kaliwang grupo na nag-hijack ng islogan na "No War But Class War" para itago ang kanilang esensyal na suporta sa isang panig o sa kabilang panig sa labanan. Iginiit ng ICT na hindi nila mapipigilan ang naturang "false flag" operations. Ngunit kung basahin mo ang aming artikulo sa pambungad na pulong ng komite ng Paris NWBCW[6] [6], makikita ninyo na hindi lamang na ang isang malaking bahagi ng mga kalahok ay nagtataguyod ng lantarang kaliwang "mga aksyon" sa ilalim ng bandila ng NWBCW, kundi pati na rin na ang isang grupong Trotskyista na nagtatanggol sa karapatan ng Ukraine sa sariling pagpapasya, Matière et Révolution, ay inimbitahan pa talaga sa pulong. Kahalintulad nito, ang grupong Rome NWBCW ay tila batay sa isang alyansa sa pagitan ng kaanib ng ICT sa Italya (na naglalathala ng Battaglia Comunista) at purung-purong grupo ng kaliwa[7] [7].
Dapat naming idagdag na ang presidium ng pulong sa Paris ay binubuo ng dalawang elemento na itiniwalag mula sa ICC noong unang bahagi ng 2000s dahil sa paglalathala ng materyal na naglalantad sa aming mga kasama para magamit ng panunupil ng estado – isang aktibidad na tinuligsa naming bilang snitching. Isa sa mga elementong ito ay miyembro ng International Group of the Communist Left, isang grupo na hindi lamang tipikal na pagpapahayag ng pulitikal na parasitismo, kundi nakabatay sa pag-uugali nito na parang pulis at sa gayon ay hindi dapat magkaroon ng lugar sa loob ng internasyunalistang komunistang kampo. Ang isa pang elemento ay ngayon ay aktwal na kinatawan ng ICT sa France. Nang tumanggi ang ICT na lagdaan ang komon na deklarasyon, ipinagtatalunan nila na ang kahulugan nito ng kaliwang komunista ay masyadong makitid, higit sa lahat dahil ibinukod nito ang mga grupo na tinukoy ng ICC bilang parasitiko. Sa katunayan, napakalinaw na ipinakita ng ICT na mas gusto ng ICT na makasama sa publiko ang mga grupong parasitiko tulad ng IGCL kaysa sa ICC, at ang kasalukuyang patakaran nito, sa pamamagitan ng mga komite ng NWBCW, ay walang ibang resulta kundi ang bigyan ang mga naturang grupo ng sertipiko ng paggalang at palakasin ang kanilang matagal ng pagsisikap na ihiwalay ang ICC – dahil sa pagtatanggol nito sa malinaw na mga prinsipyo ng pag-uugali na paulit-ulit nilang nilabag.
Sa ilang mga kaso, tulad ng sa Glasgow, ang mga grupo ng NWBCW ay tila batay sa pansamantalang pakikipag-alyansa sa mga anarkistang grupo tulad ng Anarchist Communist Group na nanindigan sa mga internasyunalistang posisyon sa digmaan sa Ukraine ngunit may kaugnayan sa mga grupo na nasa burges na larangan (halimbawa Plan C sa UK). At kamakailan lamang ay ipinakita ng ACG na mas gugustuhin nitong makihalubilo sa mga naturang kaliwa kaysa makipagtalakay sa isang internasyunalistang organisasyon tulad ng ICC, na ibinukod nito mula sa isang kamakailang pulong sa London nang walang protesta mula sa CWO[8] [8]. Hindi ito nangangahulugan na wala kaming layuning makipagdiskusyon sa mga tunay na internasyunalistang anarkista, at sa kaso ng KRAS sa Russia, na may napatunayang talaan ng paglaban sa mga imperyalistang digmaan, hiniling namin sa kanila na suportahan ang magkasanib na deklarasyon sa anumang paraan na maaari nilang gawin. Ngunit ang usapin ng ACG ay isa pang halimbawa kung paano binalikan ng inisyatibong NWBCW ang oportunistang patakaran ng Pakikipag-isang Prente, kung saan ipinahayag ng Communist International ang kahandaan nitong makipagtulungan sa mga taksil ng sosyal na demokrasya. Ito ay isang taktika upang palakasin ang impluwensya ng komunista sa uring manggagawa ngunit ang tunay na resulta nito ay upang mapabilis ang pagkasira ng CI at mga partido nito.
Ang Italian Communist Left ay, noong unang bahagi ng 20s, isang malupit na kritiko ng oportunistang patakaran na ito ng CI. Patuloy itong sumunod sa orihinal na posisyon ng CI, na ang mga partidong sosyal demokratiko, sa pamamagitan ng pagsuporta sa imperyalistang digmaan at aktibong paglaban sa proletaryong rebolusyon, ay naging mga partido ng kapital. Totoo na ang kanilang pagpuna sa taktika ng United Front ay may kalabuan – ang ideya ng "Nagkaisang Prente mula sa Ibaba", batay sa palagay na ang mga unyon ay mga organisasyong proletaryo pa rin at sa antas na ito maaaring magkasamang makipaglaban ang mga Komunista at sosyal demokratikong manggagawa.
Sa kanilang kongklusyon sa pahayag ng NWBCW, ipinahayag ng ICT na may makasaysayang pagkakahalintulad ang mga komite ng NWBCW sa rebolusyonaryong kilusan: ang apela para sa isang United Proletarian Front na inilunsad ng Internationalist Communist Party (PCInt) sa Italya noong 1945. Ang apela na ito ay pundamental na internasyonalista sa nilalaman, ngunit bakit ito nagsasalita tungkol sa isang "United Proletarian Front" At ano ang ibig sabihin ng sumusunod na kahilingan: "Ang kasalukuyang panahon ay nanawagan ng pagbuo ng isang nagkakaisang proletaryong prente, ibig sabihin, ang pagkakaisa ng lahat ng mga kontra sa digmaan, pasista man o demokratiko.
Mga manggagawa ng lahat ng proletaryo at di-partidong pormasyong pampulitika! Samahan ang ating mga manggagawa, talakayin ang mga suliraning makauri sa liwanag ng mga pangyayari sa digmaan at magkasamang bumuo sa bawat pabrika, sa bawat sentro, mga komite ng nagkakaisang prente na may kakayahang ibalik ang pakikibaka ng proletaryado sa tunay na makauring tereyn nito".
Sininu-sino ang mga "proletaryo at di-partido na pormasyon" na ito? Ito ba ay sa katunayan ay apela ito sa hanay ng mga ordinaryong miyembro ng mga dating partido ng manggagawa para pasamahin sila sa pampulitikang aktibidad ng mga militante ng PCInt?
Isang taon pa lamang ang nakararaan, inilathala ng PCInt ang "Apela" ng komite nito sa ahitasyon sa mga komite ng ahitasyon ng Partido Sosyalista, Partido Komunista at iba pang organisasyon ng burges na kaliwa, na nanawagan ng magkasanib na pagkilos sa mga pabrika. Naglathala kami ng isang salaysay nito sa International Review 32. Sa International Review 34 inilathala namin ang isang liham mula sa PCInt na tumugon sa aming mga pagpuna sa Apela. Sa liham na ito ay isinulat nila:
"Sa katunayan ba ay mali ito? Oo, nangyari nga; aminin natin ito. Ito ang huling pagtatangka ng Kaliwang Italyano na ilapat ang taktika ng 'nagkakaisang prente sa ibaba' na ipinagtanggol ng CP ng Italya noong 1921-23 laban sa Ikatlong Internasyonal. Dahil dito, ikategorya natin ito bilang isang 'venial sin' dahil kalaunan ay inalis ito ng aming mga kasama pareho sa pulitika at teorya nang may kalinawan na ngayon ay mahusay tayong armado laban sa sinuman sa puntong ito".
Na sinagot naman namin:
"Kung ang isang panukala para sa isang nagkakaisang prente sa Stalinista at sosyal demokratikong mamamatay-tao ay isang 'minor' na kasalanan lamang ano pa ang maaaring gawin ng PCInt noong 1945 para mahulog ito sa isang talagang malubhang pagkakamali ... sumali sa gobyerno? Ngunit muling tiniyak sa amin ng BC: matagal ng itinuwid ang mga pagkkamaling ito na hindi naghihintay sa ICC at ito ay hindi kailanman sinubukang itago ang mga ito. Posible, ngunit noong 1977 nang ilabas namin ang mga pagkakamali ng PCInt sa panahon ng digmaan sa aming pahayagan, galit na sumagot ang Battaglia sa isang sulat na umamin na may mga pagkakamali ngunit ito ay kasalanan ng mga kasama na umalis noong 1952 upang itayo ang PC Internazionale".
Kaya ang apela ng 1944 ay hindi ang huling pagtatangka na ilapat ang taktika ng "United Front mula sa Ibaba' pagkatapos ng lahat. Ang panawagan noong 1945 para sa isang "United Proletarian Front" ay nagpakita na ang PCInt ay hindi ito "itinakwil pareho sa pulitika at teorya". At ang taktikang 'United Front from Below' mula 1921-23 ay inspirasyon pa rin ng oportunistang ‘kilusan’ na No War But Class War ng ICT.
Kaya tama ang ICT sa isang punto tungkol sa No War But Class War: ito ay pagpapatuloy sa oportunistang panawagan para sa isang 'Nagkakaisang Proletaryong Prente' ng PCint noong 1945. Ngunit hindi ito pagpapapatuloy na dapat ipagmalaki dahil aktibong itinatago ng taktikang ito ang makauring linya na umiiral sa pagitan ng internasyunalismo ng Kaliwang Komunista at ng kunwaring internasyunalismo ng kaliwa, parasitismo at anarkistang latian. Bukod dito, ang NWBCW ay nilayon na maging eksklusibong alternatibo sa matatag na internasyunalismo ng Joint Statement of the Communist Left, kaya pinahina ang mga rebolusyonaryong pwersa hindi lamang sa pamamagitan ng oportunismo sa kaliwa atbp, kundi pati na rin sa pamamagitan ng sektaryanismo sa iba pang mga tunay na grupo ng Kaliwang Komunista.
Amos
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17396/ict-and-no-war-class-war-initiative-opportunist-bluff-which-weakens-communist-left [9]
[1] [10]The No War but the Class War Initiative [11], Revolutionary Perspectives 22
[3] [14] Correspondence on the Joint Statement of groups of the Communist Left on the war in Ukraine [15]
[5] [18] Tingnan halimbawa Reply to the Internationalist Communist Party (Battaglia Comunista) [19] in International Review 13; The organisation of the proletariat outside periods of open struggle (workers' groups, nuclei, circles, committees) | International Communist Current (internationalism.org) [20] in International Review 21; also World Revolution 26, “Factory Groups and ICC intervention”
[6] [21] A committee that leads its participants into a dead end [22], World Revolution 395
[7] [23] Ang pahayag ay naglalaman ng link sa artikulo ng Battaglia Comunista sa kinahinatnan ng komite sa Roma, Sul Comitato di Roma NWBCW: un'intervista [24]. Inilarawan nito ang negatibong resulta ng pakikipag-alyansa sa grupo na tinawag na Società Incivile (“Uncivil Society”). Isinulat ito sa malabong paraan na mahirapan makahalaw mula dito. Pero kung tingnan ninyo ang website ng grupong ito, sila ay parang purung-purong kaliwa, umaawit ng papuri sa mga anti-pasistang partisano at sa Stalinistang Partido Komunista ng Italya. Tingnan halimbawa https://www.sitocomunista.it/canti/cantidilotta.html [25]; www.sitocomunista.it/resistence/resistenceindex.html; [26] https://www.sitocomunista.it/pci/pci.html [27].
[8] [28] ACG bans the ICC from its public meetings, CWO betrays solidarity between revolutionary organisations [29], World Revolution 397
130 taon na ang nakalipas, nang lumala ang tensyon sa pagitan ng mga kapitalistang kapangyarihan sa Uropa, inilahad ni Frederick Engels ang naging problema para sa sangkatauhan: Komunismo o Barbarismo.
Ang alternatibong ito ay nakongkreto sa Unang Digmaang Pandaigdig na sumiklab noong 1914 at nagdulot ng 20 milyong patay, hindi pa kasama ang 20 milyong naging imbalido, at sa kaguluhan ng digmaan ay nagkaroon ng pandemya ng ‘Spanish Flu’ na may higit sa 50 milyong patay.
Ang rebolusyon sa Rusya noong 1917 at ang mga rebolusyonaryong pagtatangka sa ibang bansa ay binigyang-wakas ang patayan at ipinakita ang kabilang panig ng istorikal na problema na iniharap ni Engels: ang pagpabagsak ng kapitalismo sa pandaigdigang saklaw ng rebolusyonaryong uri, ang proletaryado, na magbubukas ng posibilidad ng isang komunistang lipunan.
Gayunpaman, ang sumunod ay:
- ang pagkatalo ng pandaigdigang rebolusyonaryong pagtatangka na ito, ang malupit na kontra-rebolusyon sa Russia na ginawa ng Stalinismo sa ilalim ng bandila ng "komunismo",
- ang masaker ng proletaryado sa Alemanya, na sinimulan ng Sosyal-Demokrasya[1] [30] at tinapos ng Nazismo,
- ang pagsuko ng proletaryado sa Unyong Sobyet, ang masaker sa proletaryado sa bansang iyon, at
- ang pagsuko ng proletaryado sa likod ng mga bandila ng anti-pasismo at pagtatanggol sa "sosyalistang" amang bayan na humantong noong 1939-45 sa isa pang bagong palatandaan ng barbarismo, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na may 60 milyong patay at walang katapusang karugtong ng pagdurusa: ang mga ‘concentration camps’ ng Nazista at Stalinista; ang pambobomba ng ‘Allied’ sa Dresden, Hamburg at Tokyo (Enero 1945); ang paghulog ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki ng USA.
Mula noon, hindi tumigil ang digmaan sa pagkitil buhay sa bawat kontinente.
Ang una ay ang komprontasyon ng mga bloke ng US at Rusya, ang tinatawag na Cold War (1945 89), na may walang katapusang kadena ng mga lokal na digmaan at ang banta ng delubyo ng mga bomba nukleyar na nakasabit sa buong planeta.
Matapos ang bumagsak ang USSR noong 1989-91, ang mga magulong digmaan ay nagpadugo sa planeta: Iraq, Yugoslavia, Rwanda, Afghanistan, Yemen, Syria, Ethiopia, Sudan... Ang digmaan sa Ukraine ay ang pinaka-malubhang krisis sa digmaan mula noong 1945.
Ang barbaridad ng digmaan ay sinamahan ng paglaganap ng mga mapanirang pwersang nagpalala sa isa't isa: ang COVID pandemya na malayo pa sa pagkalutas at nagbukas sa mga bagong pandemya; ang bumibilis at lumakas na kalamidad sa ekolohiya at kapaligiran, na kasama ang pagbabago ng klima, nagiging sanhi ng lalong hindi mapigilan at nakamamatay na mga sakuna: tagtuyot, baha, bagyo, tsunami, atbp, at isang walang katulad na antas ng polusyon ng lupa, tubig, hangin at kalawakan; Ang matinding krisis sa pagkain ay nagdudulot ng mga gutom na kasing lawak sa nasa Bibliya. Sa nakalipas na apatnapung taon, ang sangkatauhan ay nanganganib na maglaho dahil sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig, ngayon maaari itong lipulin sa pamamagitan ng simpleng pagtitipon at nakamamatay na kumbinasyon ng mga pwersa ng pagkawasak na kasalukuyang gumagana: "Sa huli, lahat ay pareho lang kung tayo ay malipol sa ulan ng mga bomba ng thermonuclear, o sa pamamagitan ng polusyon, radio-activity mula sa mga nuclear power station, taggutom, epidemya, at ang mga masaker ng napakaraming maliliit na digmaan (kung saan maaaring gamitin din ang mga armas nukleyar). Ang tanging pagkakaiba sa pagitan ng dalawang anyo ng pagpuksa ay ang isa ay mabilis, samantalang ang isa pa ay mas mabagal, at magdudulot pa rin ng higit na pagdurusa"[2] [31] (Tesis ng Dekomposisyon).
Ang problema na iniharap ni Engels ay naging mas malala: KOMUNISMO o ANG PAGKAWASAK NG SANGKATAUHAN. Seryoso ang kasalukuyang istorikal na yugto, at kailangang pagtibayin ito ng mga internasyunalistang rebolusyonaryo nang walang pag aalinlangan sa ating uri, dahil tanging ang ating uri lamang ang makapagbukas ng komunistang perspektiba sa pamamagitan ng permanente at walang humpay na pakikibaka.
Ang imperyalistang digmaan ay paraan ng pamumuhay ng kapitalismo
Pinalsipika at minaliit ng mass media ang katotohanan ng digmaan. Sa maagang yugto, nakatuon ang media sa digmaan sa Ukraine 24 oras sa isang araw. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang digmaan ay hindi na pinapansin, kahit gumawa ng mga headline, ang mga alingawngaw nito ay hindi lumagpas sa nagbabanta mga pahayag, nanawagan para sa mga sakripisyo upang "magpadala ng mga armas sa Ukraine", maghagupit ng kampanyang propaganda laban sa kaaway, pekeng balita, ang lahat ay nagsilbi sa walang kabuluhan pag-asa ng mga "negosasyon" ...
Ang pagmaliit sa digmaan, ang masanay sa mabahong amoy ng mga bangkay at mga usok ng guho, ay para maging bulag sa lahat ng malubhang panganib na nagbabanta sa sangkatauhan, na permanenteng nakasabit sa ating mga ulo.
Milyun-milyong tao, sa Aprika, Asya o Sentral Amerika, ay walang ibang alam na realidad kundi ang DIGMAAN; Mula sa kuna hanggang sa libingan ay nabuhay sila sa karagatan ng barbarismo kung saan laganap ang lahat ng uri ng kalupitan: mga sundalong bata, nagpapahirap na mga operasyong militar, hostage taking, atake ng mga terorista, maramihang ebakwasyon ng buong populasyon, walang pinipili na pambobomba.
Habang ang mga digmaan ng nakaraan ay limitado sa mga front line at mga combatants, ang mga digmaan ng ika-20 at ika-21 siglo ay TOTAL WARS na sumasaklaw sa lahat ng bahagi ng buhay ng lipunan at ang kanilang mga epekto ay kumalat sa buong mundo, hinihila pababap ang lahat ng mga bansa, kabilang ang mga na hindi direktang sangkot. Sa mga digmaan ng ika-20 at ika-21 siglo, walang naninirahan o lugar sa planeta ang maaaring makatakas sa kanilang nakamamatay na epekto.
Sa front line, na maaaring umabot sa libu-libong kilometro at umaabot sa lupa, dagat at hangin... at sa kalawakan! ... Ang buhay ay kinitil sa pamamagitan ng mga bomba, pagbaril, mina, at kahit, sa maraming mga kaso, sa pamamagitan ng "friendly fire" ... Nasakop ng nakakamatay na kabaliwan, sapilitan sa pamamagitan ng sindak na ipinataw ng mas mataas na ranggo, o nakulong sa matinding sitwasyon, ang lahat ng mga kalahok ay napilitang magsagawa ng pinaka-nakakamatay, kriminal at mapanirang mga aksyon.
Sa isang bahagi ng larangang militar ay may "remote warfare" na walang humpay na pagdedeploy ng mga ultra-modernong makina ng pagkawasak: mga eroplano na nagbabagsak ng libu-libong bomba nang walang pahinga; mga drone na kinokontrol mula sa malayo upang atakehin ang mga target ng kaaway; mobile o fixed na walang humpay na panganganyon sa kaaway; missiles na sumasaklaw sa daan-daan o libu-libong kilometro.
Ang tinatawag na home front ay nagiging isang permanenteng teatro ng digmaan kung saan ang populasyon ay hinostage. Kahit sino ay maaaring mamatay sa pana-panahon na pambobomba ng buong lungsod... Sa mga sentro ng produksyon, ang mga tao ay nagtatrabaho na tinutukan ng baril, sa ilalim ng kontrol ng pulisya, partido, unyon at lahat ng iba pang mga institusyon sa paglilingkod sa "pagtatanggol ng sariling bayan", habang kasabay nito ay na panganib sila na madurog ng mga bomba ng kaaway. Ang trabaho ay nagiging mas malaking impiyerno kaysa sa pang-araw-araw na impiyerno ng kapitalistang pagsasamantala.
Ang dramatikong rasyon ng pagkain ay isang marumi, mabahong sopas... Walang tubig, walang kuryente, walang pampainit... Milyun-milyong tao ang nakaranas na ang kanilang pag-iral ay tulad ng mga hayop. Ang mga shell ay bumabagsak mula sa kalangitan, na pumapatay ng libu-libong tao o nagdulot ng kakila-kilabot na pagdurusa, sa lupa, walang katapusang mga checkpoint ng pulisya o militar, ang panganib na madakip ng mga armadong masasamang-loob, mga mersenaryo ng estado na tinutukoy bilang "mga tagapagtanggol ng sariling bayan" ... Kailangan mong tumakbo para magtago sa kanlungan ng marumi, maraming daga na pasilongan ... Paggalang, ang pinaka-elementarya ng pakikiisa, tiwala, rasyunal na pag iisip ... ay winalis ng kapaligiran ng sindak na ipinataw hindi lamang ng gobyerno, kundi pati na rin ng Pambansang Unyon kung saan ang mga partido at unyon ay nakibahagi nang walang awang kasigasigan. Ang pinaka-walang katuturang mga balita, ang pinaka-hindi kapani-paniwala na balita ay kumakalat nang walang tigil, na nagiging sanhi ng isang hysterical na kapaligiran ng pagtuligsa, walang pini-pili na paghihinala, matinding pagod at pogrom.
Ang digmaan ay isang barbarismong sinadya at binalak ng mga gobyerno na nagpapalala nito sa pamamagitan ng mulat na pagpapalaganap ng poot, takot sa "iba", mga labanan at pagkahati-hati sa pagitan ng mga tao, walang kwentang kamatayan, institusyonalisasyon ng tortyur, pagsuko, relasyon sa kapangyarihan, bilang tanging lohika ng ebolusyon ng lipunan. Ang marahas na labanan sa paligid ng Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine ay nagpapakita kung paano ang dalawang panig ay walang pag-aalinlangan tungkol sa panganib radioactive catastrophe na mas masahol pa kaysa Chernobyl at may napakalaking epekto sa populasyon ng Uropa. Ang banta ng paggamit ng mga armas nukleyar ay nakakatakot na unti-unting lumilitaw.
Ang ideolohiya ng digmaan
Ang kapitalismo ang pinaka-mapagkunwari at mapang-uyam na sistema sa kasaysayan. Ang buong sining ng ideolohiya nito ay binubuo ng pagpapasa ng interes nito bilang "interes ng mamamayan" na pinalamutian ng pinakamatayog na mithiin: katarungan, kapayapaan, pag-unlad, karapatang pantao...!
Lahat ng estado ay gumagawa ng isang IDEOLOHIYA NG DIGMAAN na dinisenyo upang bigyang katwiran ito at gawing mga hyena ang kanilang “mamamayan” na nakahandang pumatay. "Ang digmaan ay sistematiko, organisado, malakihang pagpatay. Ngunit sa normal na tao ang sistematikong pagpatay na ito ay posible lamang kapag ang kalagayan ng pagkalango ay nalikha na. Ito ang laging subok at napatunayan na paraan ng mga gumagawa ng digmaan. Ang kalupitan ng pagkilos ay dapat makahanap ng isang pinagsamang kalupitan pag-iisip at pandama; ang huli ay naghahanda para sa at sumama sa una" (Rosa Luxemburg, The Junius Pamphlet).
Ang mga dakilang demokrasya ay may KAPAYAPAAN bilang pundasyon ng kanilang ideolohiya sa digmaan. Ang mga demonstrasyon "para sa kapayapaan" ay palaging paghahanda para sa mga imperyalistang digmaan. Noong tag-init ng 1914 at noong 1938-39 milyon-milyong tao ang nagmartsa "para sa kapayapaan" sa isang walang lakas na sigaw ng "mga taong may mabuting kalooban", mga mapagsamantala at pinagsamantalan ay magkahawak-kamay, kung saan ang “demokratikong” kampo ay kailanman hindi tumigil na gamitin ito upang bigyang katwiran ang pagpapabilis ng paghahanda sa digmaan.
Noong Unang Digmaang Pandaigdig, pinakilos ng Alemanya ang hukbo nito sa "pagtatanggol sa kapayapaan", na "winasak ng pagsalakay ng Sarajevo sa kaalyado nitong Austria". Ngunit ang kalabang panig, ang Pransya at Britanya ay lumahok sa patayan sa ngalan ng kapayapaan na "winasak ng Alemanya". Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pransya at Britanya ay nagkunwaring nagsisikap para sa "kapayapaan" sa Munich sa harap ng ni Hitler, habang sabik na sabik na naghanda para sa digmaan, at ang pagsakop sa Poland sa pamamagitan ng pinagsamang pagkilos nina Hitler at Stalin ay nagbigay sa kanila ng perpektong dahilan upang lumahok sa digmaan... Sa Ukraine, sinabi ni Putin hanggang ilang oras bago ang pagsalakay sa 24 Pebrero na gusto niya ng "kapayapaan", habang ang Estados Unidos ay walang humpay na tinuligsa ang warmongering ni Putin ...
Ang bansa, pambansang pagtatanggol at lahat ng ideolohikal na sandata na umiinog sa paligid nito (rasismo, relihiyon atbp) ang kawit upang mapakilos ang proletaryado at ang buong populasyon sa imperyalistang masaker. Ipinapahayag ng burgesya sa panahon ng "kapayapaan" ang "pantay-pantay na pag-iral ng mga tao", ngunit ang lahat ay nawala sa imperyalistang digmaan, at pagkatapos ay hinubad ang mga maskara at lahat ay nagpapalaganap ng poot sa dayuhan at sa matatag na nagtatanggol sa bansa!
Lahat sila ay nagpahayag ng kanilang mga digmaan bilang "depensa". Isang daang taon na ang nakararaan, ang mga ministro na namamahala sa barbarismong militar ay tinawag na "mga ministro ng digmaan"; Ngayon, na may pinakamatinding pagkukunwari, ang tawag sa kanila ay "ministri ng depensa". Ang pagtatanggol ay balatkayo ng digmaan. Walang mga inaatake na bansa at mga bansang umaatake, lahat sila ay aktibong kalahok sa nakakamatay na makinarya ng digmaan. Ang Rusya sa kasalukuyang digmaan ay lumitaw bilang “mananakop” dahil siya ang nag-inisyatibang lumusob sa Ukraine, ngunit bago pa nito, ang Estados Unidos, sa Machiavellian na paraan, ay pinalawak ang NATO sa imaraming bansa ng dating Warsaw Pact. Hindi posibleng tingnan ang bawat kawing na hiwa-hiwalay, kinakailangang tingnan ang madugong kadena ng imperyalistang komprontasyon na mahigit isang siglo nang sumusunggab sa buong sangkatauhan.
Lagi nilang pinag uusapan ang isang "malinis na digmaan", na sumusunod (o dapat sumunod) sa "mga makataong panuntunan" "alinsunod sa internasyonal na batas". Ito ay isang karumal-dumal na pandaraya, na walang pigil na naglilingkod na may pangungutya at pagkukunwari! Ang mga digmaan ng dekadenteng kapitalismo ay nabubuhay na walangf ibang batas kundi ang ganap na pagkawasak ng kaaway, at kabilang iyan sa pagsindak sa mga nasasakupan ng kaaway sa pamamagitan ng walang awang pambobomba ... Sa digmaan ang relasyon ng puwersa ay KAHIT ANO PWEDE, mula sa pinaka-brutal na panggagahasa at parusa sa populasyon ng kaaway, hanggang sa pinaka-walang pinipiling paninindak laban sa kanilang sariling "mamamayan". Ang pambobomba ng Rusya sa Ukraine ay sumusunod sa mga yapak ng pambobomba ng US sa Iraq, ang mga Amerikano tulad ng mga gobyerno ng Rusya sa Afghanistan o sa Syria at bago nito ang Vietnam; pagbomba ng Pransya sa mga dating kolonya nito, tulad ng Madagascar at Algeria; ang pagbomba sa Dresden at Hamburg ng "mga demokratikong kaalyado"; at ang barbarikong nukleyar ng Hiroshima at Nagasaki. Ang mga digmaan ng ika-20 at ika-21 siglo ay sinamahan ng mga pamamaraan ng pangmasang pagpuka na ginagamit ng lahat ng panig, bagaman ang demokratikong panig ay karaniwang nag-iingat na i-subcontract ito sa mga kahina-hinalang indibidwal na siyang pinagbintangan ng sisi.
Nangahas silang magsalita ng "mga makatarungan digmaan"!!! Ang panig ng NATO na sumusuporta sa Ukraine ay nagsasabi na ito ay digmaan para sa demokrasya laban sa despotismo at ang diktador na rehimen ni Putin. Sinabi ni Putin na "i-denazify" ang Ukraine. Parehong mga tahasang kasinungalingan. Ang panig ng mga "demokrasya" ay may napakaraming dugo sa mga kamay nito: dugo mula sa napakaraming digmaang direktang nilikha nila (Vietnam, Yugoslavia, Iraq, Afghanistan) o di-direkta (Libya, Syria, Yemen...); dugo mula sa libu-libong migrante na napatay sa dagat o sa frontier hotspots ng USA o sa Uropa... Ang estado ng Ukraine ay gumagamit ng sindak upang ipataw ang lenggwahe at kultura ng Ukraine; pinapatay nito ang mga manggagawa dahil sa tanging krimen ng pagsasalita ng Ruso; pinilit nito na maging sundalo ang sinumang kabataang mahuli sa lansangan o kalsada; ginagamit nito ang populasyon, pati na ang mga nasa ospital, bilang kalasag; nagdedeploy ito ng mga neo-pasistang gang para takutin ang populasyon... Sa kanyang panig, bukod pa sa mga pambobomba, panggagahasa at summary execution, libu-libong pamilya ang inilagay sa mga kampo ng konsentrasyon sa liblib na lugar; nagpapataw ng sindak sa mga "napalayang" teritoryo at inilista ang mga Ukrainian para sa hukbo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila sa bakbakan sa front line.
Ang tunay na mga dahilan ng digmaan
Sampung libong taon na ang nakalipas isa sa mga paraan bakit nabuwag ang primitibong komunismo ay ang digmaan ng mga tribo. Mula noon, sa ilalim ng pangangasiwa ng mga mode ng produksyon batay sa pagsasamantala, ang digmaan ay naging isa sa pinakamasamang kalamidad. Ngunit may ilang digmaan na may progresibong papel sa kasaysayan, halimbawa, sa pag unlad ng kapitalismo, pagbuo ng mga bagong bansa, pagpapalawak ng pandaigdigang pamilihan, pagpapasigla ng pag unlad ng mga produktibong pwersa.
Subalit, mula noong Unang Digmaang Pandaigdig, ang mundo ay lubusan ng nahati sa mga kapitalistang kapangyarihan, kaya ang tanging paraan para sa bawat pambansang kapital ay ang mang-agaw ng mga pamilihan, mga sona ng impluwensya, mga estratehikong lugar mula sa mga karibal nito. Dahil dito ang digmaan at lahat ng kaakibat nito (militarismo, higanteng akumulasyon ng armas, diplomatikong alyansa) ay naging PERMANENTENG BUHAY ng kapitalismo. Ang palagiang imperyalistang presyur na sumusunggab sa mundo at humihila sa lahat ng bansa, malaki man o maliit, anuman ang kanilang ideolohikal na maskara at alibi, oryentasyon ng mga naghaharing partido, kanilang komposisyon ng lahi o ang kanilang pamana sa kultura at relihiyon. LAHAT NG MGA BANSA AY IMPERYALISTA. Ang katha-kathang "mapayapa at nyutral" na mga bansa ay purong pandaraya. Kung ang ilang bansa ay magpatibay ng "nyutral" na patakaran, ito ay para samantalahin ang hidwaan sa pagitan ng pinakamatigas na magkalabang kampo, upang mang-agaw ng kanilang sariling sona ng imperyalistang impluwensya. Noong Hunyo 2022, ang Sweden, isang bansang opisyal na nyutral sa loob ng mahigit 70 taon, ay sumapi sa NATO ngunit hindi ito "nagtaksil sa anumang mga ideyal", ipinagpatuloy nito ang sariling imperyalistang patakaran "sa ibang paraan".
Ang digmaan ay tiyak na magandang negosyo para sa mga korporasyon na nakikibahagi sa paggawa ng armas, at maaaring pansamantala pa itong makinabang sa partikular na mga bansa. Ngunit, para sa kapitalismo sa kabuuan, ito ay isang kalamidad sa ekonomiya, isang irasyunal na pag-aaksaya, isang MINUS na pampabigat sa pandaigdigang produksyon na hindi maiwasan at maging negatibong dahilan na magdulot ng pagkakautang, implasyon at pagkasira ng ekolohiya, hindi kailanman isang PLUS na makadagdag sa kapitalistang akumulasyon.
Bilang hindi maiwasan na pangangailangan para manatili ang bawat bansa, ang digmaan ay isang nakamamatay na pabigat sa ekonomiya. Bumagsak ang USSR dahil hindi nito kinaya ang kabaliwan ng paligsahan sa armas laban sa USA at nakontrol ng huli hanggang sa ultimong deployment ng Star Wars program noong 1980s. Ang Estados Unidos, na pinakamalaking nagwagi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nagtamasa ng kahanga-hangang pag-unlad ng ekonomiya hanggang sa huling bahagi ng 1960s, ay nakatagpo ng maraming balakid sa pagpapanatili ng imperyalistang hegemonya nito, siyempre mula nang mabuwag ang mga bloke, na pumabor sa paglitaw ng dinamiko ng panibagong imperyalistang pagnanasa - lalo na sa mga dating 'kaalyado' nito - ng pagtatalo at bawat isa para sa kanilang sarili, kundi dahil din sa napakalaking pagsisikap militar na kinailangan ng mga pwersang Amerikano sa loob ng mahigit 80 taon at sa magastos na operasyong militar na kinailangan nitong isagawa upang mapanatili ang katayuan nito bilang nangungunang kapangyarihan sa mundo.
Dinadala ng kapitalismo sa kanyang mga gene, sa kanyang DNA, ang pinaka-malalang kumpetisyon, ang BAWAT ISA LABAN SA LAHAT at ang LAHAT PARA SA KANILANG SARILI, para sa bawat kapitalista, pati na rin sa bawat bansa. Ang "organikong" tendensiyang ito ng kapitalismo ay hindi malinaw na lumitaw sa kanyang abanteng yugto dahil ang bawat pambansang kapital ay nagtamasa pa rin ng sapat na mga lugar para sa kanyang pagpapalawak nang hindi na kailangang komprontahin ang mga karibal nito. Sa pagitan ng 1914-89 ito ay humihina dahil sa pagkabuo ng malalaking imperyalistang bloke. Dahil sa malupit na paglaho ng brutal na disiplinang ito, hinuhubog ng mga tendensiyang sentripugal ang mundo ng nakakamatay na kaguluhan, kung saan ang anumang imperyalismo na may pandaigdigang ambisyon para sa pandaigdigang dominasyon, gayundin ang mga imperyalismo na may mga rehiyunal na ambisyon, at mas maraming lokal na imperyalismo ay napilitang sundin ang kanilang lumalawak na pagkagahaman at pansariling interes. Sa ganitong senaryo, sinisikap ng Estados Unidos na pigilan ang sinuman na mas higitan ito sa pamamagitan ng walang humpay na pag deploy ng napakalakas na kapangyarihang militar nito, walang humpay na pagtatayo nito, at sa pamamagitan ng paglunsad ng palagian, malakas na mapanirang mga operasyong militar. Ang pangako noong 1990, matapos bumagsak ang USSR, na "Bagong Kaayusan ng Mundo", ng kapayapaan at kasaganaan ay agad na pinabulaanan ng Digmaan sa Gulpo at pagkatapos ay ng mga digmaan sa Gitnang Silangan, Iraq at Afghanistan, na gumagatong sa mga tendensiyang kahalintulad ng digmaan kung saan ang "pinaka-demokratikong imperyalismo sa mundo", ang USA, ay naging pangunahing ahente ngayon sa pagpapalaganap ng parang digmaan na mga kaguluhan at de-istabilisasyon ng sitwasyon ng mundo.
Lumitaw ang Tsina bilang pangunahing karibal upang hamunin ang pamumuno ng Amerika. Ang hukbo nito, sa kabila ng modernisasyon nito, ay malayo pa rin sa lakas at karanasan kumpara sa karibal nitong Amerika; ang teknolohiya nito sa digmaan, bilang pundasyon ng mga sandata at epektibong deployment ng militar, ay limitado at mahina pa rin, malayo pa kumpara sa US; Ang Tsina ay napapaligiran sa Pasipiko ng isang kadena ng mga makapangyarihang kaaway (Japan, South Korea, Taiwan, Australia, atbp), na humaharang sa imperyalistang pagpapalawak nito sa karagatan. Sa harap ng hindi kanais-nais na sitwasyong ito, sinimulan nito ang isang napakalaking imperyalista-ekonomikong kalakalan, ang Silk Road, na naglalayong magtatag ng pandaigdigang presensya at pagpapalawak sa kalupaan sa pamamagitan ng Gitnang Asya na isa sa mga pinaka-hindi matatag na lugar sa mundo. Ito ay isang pagsisikap pero walang katiyakan na resulta ngunit nangangailangan ng napakalaling pamumuhunang ekonomiya at militar at pampulitika-panlipunang mobilisasyon na lampas na sa kapasidad nito ng pagkontrol, na sa esensya ay nakabatay sa pampulitikang paghihigpit ng makinarya ng estado nito, isang napakabigat na pamana ng Stalinistang Maoismo: ang sistematiko at brutal na paggamit ng mga pwersang mapanupil, pamimilit at pagsuko sa higante, ultra-burukratikong makinarya ng estado, tulad ng nakita sa lumalaking bilang ng mga protesta laban sa patakaran ng pamahalaan na "zero Covid". Ang abnormal na oryentasyong ito at ang akumulasyon ng mga kontradiksyon na malalim na nagpahina sa pag unlad nito ay maaaring sa huli ay makasira sa mala-putik na pundasyon ng Tsina. Ito, at ang brutal at nagbabantang tugon ng US, ay naglalarawan ng antas ng nakakamatay na kabaliwan, ng bulag na paglipad patungong barbarismo at militarismo (kabilang ang lumalaking militarisasyon ng buhay panlipunan), kung saan inabot na ng kapitalismo ang mga sintomas ng pangkalahatang kanser na kumakain sa mundo at ngayon ay direktang nagbabanta sa hinaharap ng mundo at buhay ng sangkatauhan.
Ang mapangwasak na ipo-ipo na nagbabanta sa mundo
Ang digmaan sa Ukraine ay hindi bagyo mula sa kalangitan; sumunod ito sa pinaka-malalang pandemya (sa ngayon) ng ika-21 siglo, ang COVID, na may mahigit sa 15 milyong patay, at ang mga pinsala ay nagpatuloy sa mabangis na lockdown sa China. Gayunman, ang dalawang ito ay dapat tingnan sa konteksto ng, kundi nagpapasigla rin, sa isang kadena ng mga kalamidad na humahampas sa sangkatauhan: pagkawasak ng kapaligiran; pagbabago ng klima at ang maraming epekto nito; taggutom na gutom na malakas na bumabalik sa Africa, Asia at Central America; ang hindi kapani-paniwalang ng mga refugee, na noong 2021 ay umabot sa walang-katulad na 100 milyong tao na nawalan ng tirahan o lumikas; ang kaguluhan sa pulitika sa mga sentral na bansa tulad ng nakita natin sa mga gobyerno sa Britanya o ang bigat ng populismo sa Estados Unidos; ang pag-usbong ng mga pinaka-reaksyunaryong ideolohiya...
Inilatag ng pandemya ang mga kontradiksyon na nagpahina sa kapitalismo. Ang isang sistema ng lipunan na ipinagmamalaki ang kahanga-hangang mga pagsulong sa syensya ay walang ibang paraan kundi ang sinaunang paraan ng quarantine, habang ang mga sistemang pangkalusugan nito ay gumuho at ang ekonomiya nito ay paralisado sa loob ng halos dalawang taon, na lalo pang nagpalala sa napakabilis na krisis sa ekonomiya. Ang isang panlipunang kaayusan na umaangkin na ang progreso ay bandila nito pero nagluwal ng pinaka-atrasado at irasyonal na mga ideolohiya na sumabog sa paligid ng pandemya na may katawa-tawang mga teorya ng pagsasabwatan, marami sa mga ito mula sa mga bibig ng "mga dakilang pinuno ng mundo".
Ang pandemya ay ang direktang resulta ng pinaka-masamang pagkasira ng ekolohiya na nagbanta sa sangkatauhan sa loob ng maraming taon. Tulak ng tubo at hindi sa satispaksyon ng pangangailangan ng tao, naging mandaragit ang kapitalismo sa likas na yaman, tulad ng paggawa ng tao, ngunit, kasabay nito, sinisirta nito ang mga natural na balanse at proseso, binabago ang mga ito sa magulong paraan, tulad ng apprentice ng mangkukulam, na nag-udyok ng lahat ng uri ng mga kalamidad na may mas mapanirang epekto: Ang global warming, nag-trigger ng tagtuyot, baha, sunog, pagkatunaw ng mga glacier at iceberg, maramihang pagkawala ng mga species ng halaman at hayop na may hindi inaasahang mga epekto at nagpahayag mismo ng pagkawala ng species ng tao na siyang direksyon ng kapitalismo. Ang pagkasira ng ekolohiya ay pinalala ng mga pangangailangan ng digmaan, ng mga operasyong pandigma mismo (ang paggamit ng mga armas nukleyar ay malinaw na ekspresyon) at sa pamamagitan ng paglala ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya kung saan pinipilit ang bawat pambansang kapital na lalo pang desperadong wasakin ang maraming lugar sa paghahanap ng mga hilaw na materyales. Ang tag-init ng 2022 ay isang nakasisilaw na paglalarawan ng malubhang banta na kinakaharap ng sangkatauhan sa antas ng ekolohiya: pagtaas ng average at maximum na temperatura - ang pinakamainit na tag-init mula ng internasyunal na i-rekord ito – malawakang tagtuyot na nakaapekto sa mga ilog tulad ng Rhine, Po at Thames, mapaminsalang sunog sa kagubatan, baha tulad ng sa Pakistan na nakaapekto sa isang katlo ng kalupaan ng bansa, mga landslide... at, sa gitna ng mapaminsalang panorama ng kalamidad na ito, binawi ng mga pamahalaan ang kanilang katawa-tawang 'environmental protection' sa ngalan ng digmaan!
"Ang ultimong resulta ng kapitalistang moda ng produksyon ay kaguluhan", sabi ng Plataporma na pinagtibay ng unang Kongreso ng Komunistang Internasyunal noong 1919. Ito ay pagpapatiwakal at irasyunal, salungat sa lahat ng mga pamantayang siyentipiko, para isipin na ang lahat ng mga pinsala ay suma-total lang ng mga dumaraang penomena, bawat isa ay resulta ng magkaibang kadahilanan. Mayroong isang pagpapatuloy, isang akumulasyon ng mga kontradiksyon, na nagiging komon na madugong sinulid, na nagbubuklod sa kanila, na nagsasama sa isang nakakamatay na ipo-ipo na nagbabanta sa sangkatauhan:
- Ang pinaka-industriyalisadong mga bansa, na dapat ay mga oases ng kasaganaan at kapayapaan, ay nagiging de-istabilisado at sila mismo ay nagiging pangunahing dahilan ng nakakahilong pagtaas ng internasyonal na instabilidad.
Tulad ng sinabi natin sa Manipesto ng ating ika-9 na Kongreso (1991): "Hindi kailanman nakita ng lipunan ng tao ang pagpatay sa ganoon kalawak sa panahon ng huling dalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi kailanman ginamit ang pag-unlad ng siyensya sa ganoon kalawak sa paglilingkod ng pagkawasak, kamatayan, at paghihirap ng tao. Hindi pa nangyari sa nakaraan na ang akumulasyon ng yaman ay kasabay ng, katunayan ay lumilikha ng, taggutom at pagdurusa ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig noong mga nakaraang dekada. Ngunit tila hindi pa lumubog ang sangkatauhan sa kailaliman. Ang dekadenteng kapitalismo ay nagkahulugan ng masakit na kamatayan ng sistema, ngunit ang paghihirap na ito mismo ay may kasaysayan: ngayon, naabot na natin ang huling yugto nito, ang yugto ng pangkalahatang dekomposisyon. Nabubulok na ang lipunang kinatatayuan ng tao."[3] [32]
Ang tugon ng proletaryado
Sa lahat ng uri sa lipunan, ang pinaka-apektado at pinakamahirap na tinamaan ng digmaan ay ang proletaryado. Ang "modernong" digmaan ay isinasagawa ng isang higanteng industriyal na makina na humihiling ng matinding pagpapaigting ng pagsasamantala sa proletaryado. Ang proletaryado ay isang internasyunal na uri na WALANG SARILING BAYAN, ngunit ang digmaan ay ang pagpatay sa mga manggagawa para sa tinubuang lupa na nagsasamantala at nagpapahirap sa kanila. Ang proletaryado ang uri ng kamulatan; ang digmaan ay irasyonal na komprontasyon, ang pagtakwil sa lahat ng mulat na pag iisip at repleksyon. Ang proletaryado ay may interes na hanapin ang pinakamalinaw na katotohanan; sa mga digmaan ang unang nasawi ay katotohanan, nakakadena, binusalan, sinakal ng mga kasinungalingan ng imperyalistang propaganda. Ang proletaryado ay ang uri ng pagkakaisa sa anuman ang lenggwahe, relihiyon, lahi o nasyonalidad; Ang nakakamatay na komprontasyon sa digmaan ay nagtulak para sa paghiwa-hiwalay, sa pagkahati-hati, sa komprontasyon sa pagitan ng mga bansa at populasyon. Ang proletaryado ay ang uri ng internasyunalismo, ng tiwala at pagkakaisa sa isa't isa; Ang digmaan ay humihingi ng paghihinala, takot sa "dayuhan", ang pinaka-kasuklam-suklam na pagkamuhi sa "kaaway".
Dahil ang digmaan ay humahampas at pinagputol-putol ang pinakabuod ng proletaryong identidad, ang kinakilangang matalo muna ang proletaryado bago ang pangkalahatang digmaan. Nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig dahil ang mga dating partido ng uring manggagawa, ang mga partidong sosyalista, kasama ang mga unyon, ay nagtaksil sa ating uri at sumapi sa kanilang burgesya sa balangkas ng PAMBANSANG UNYON laban sa kaaway. Ngunit hindi sapat ang pagtataksil na ito. Noong 1915, ang Kaliwa ng sosyal na demokrasya ay nagsama-sama sa Zimmerwald at itinaas ang bandila ng pakikibaka para sa pandaigdigang rebolusyon. Nag-ambag ito sa paglitaw ng mga pangmasang pakikibaka na nagbigay-daan sa Rebolusyon sa Rusya noong 1917 at sa pandaigdigang alon ng proletaryong pag-alsa noong 1917-23, hindi lamang laban sa digmaan bilang pagtatanggol sa mga prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, kundi laban sa kapitalismo sa pamamagitan ng paggigiit ng kapasidad nito bilang nagkakaisang uri na ibagsak ang isang barbariko at di-makataong sistema ng pagsasamantala.
Isang walang hanggang aral ng 1917-18! Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hindi natapos sa pamamagitan ng diplomatikong negosasyon o sa pamamagitan ng mga pananakop ng imperyalismong ito o iyon, ITO AY NATAPOS SA PAMAMAGITAN NG INTERNASYUNAL NA REBOLUSYONARYONG PAG-ALSA NG PROLETARYADO. TANGING ANG PROLETARYADO LAMANG ANG MAKAPAGBIBIGAY WAKAS SA BARBARISMONG MILITAR SA PAMAMAGITAN NG TRANSPORMASYON NG MAKAURING PAKIKIBAKA NITO SA PAGWASAK NG KAPITALISMO.
Upang mabuksan ang daan tungo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tiniyak ng burgesya hindi lamang ang pisikal kundi pati na rin ang ideolohikal na pagkatalo ng proletaryado. Ang proletaryado ay sumailalim sa walang-awang teror saanman ang mga rebolusyonaryong pagtatangka nito ay halos hindi umiiral: sa Alemanya sa ilalim ng Nazismo, sa Rusya sa ilalim ng Stalinismo. Ngunit, kasabay nito, ito ay ideolohikal na na-rekrut, sa likod ng mga bandila ng anti-pasismo at pagtatanggol sa "Sosyalistang Amangbayan", ang USSR. "Hindi makapaglunsad ng sariling opensiba ang uring manggagawa ay inaakay, nakatali ang kamay at paa, sa ikalawang imperyalistang digmaan. Hindi tulad ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay hindi nagbigay sa uring manggagawa ng mga paraan upang mag-alsa sa rebolusyonaryong paraan. Sa halip ay pinakilos ito sa likod ng mga dakilang 'tagumpay' ng kilusang 'Paglaban', 'anti-pasismo', at kolonyal at pambansang 'pagpapalaya'." (Manipesto ng Unang Internasyunal na Kongreso ng IKT, 1975 [33]).
Mula nang istorikal na pagbabalik ng makauring pakikibaka noong 1968, at sa buong panahon kung saan ang mundo ay nahati sa dalawang imperyalistang bloke, ang uring manggagawa sa mga pangunahing bansa ay tumangging gawin ang mga sakripisyong hinihingi ng digmaan, lalo na sa pagpunta sa prontera upang mamatay para sa Amangbayan, kaya isinara ang pinto sa isang Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Ang sitwasyong ito ay hindi nagbago mula noong 1989.
Ang paglaban sa implasyon at ang paglaban sa digmaan
Subalit, HINDI SAPAT ang "hindi pagkilos" ng proletaryado sa mga sentral na bansa para sa digmaan. Lumitaw ang ikalawang aral mula sa mga makasaysayang pangyayari mula noong 1989: ANG SIMPLENG PASIBIDAD SA MGA OPERASYON NG DIGMAAN, AT SIMPLENG PAGLABAN SA KAPITALISTANG BARBARISMO AY HINDI SAPAT. ANG MANATILI SA YUGTONG ITO AY HINDI MAKAPIGIL SA LANDAS TUNGO SA PAGKAWASAK NG SANGKATAUHAN.
Kailangang humakbang ang proletaryado sa pampulitikang tereyn ng pangkalahatang internasyunal na opensiba laban sa kapitalismo. "Malabanan lang ng uring manggagawa ang mga atake ng kapital sa pamamagitan ng direktahang komprontasyon, at sa huli ay maglunsad ng opensiba at ibagsak ang barbarikong sistemang ito salamat sa: (-) kamulatan kung ano ang nakataya sa kasalukuyang istorikal na sitwasyon, at sa partikular sa mortal na panganib na taglay ng panlipunang dekomposisyon sa sangkatauhan; (-) ang determinasyon nitong ipagpatuloy, paunlarin at pagkaisahin ang makauring pakikibaka nito; (-) ang kakayahan nitong iwasan ang maraming patibong na, gaano man kabulok ang burgesya, ilalagay nito sa kanyang landas." (Tesis ng Dekomposisyon, tesis 17 [34]).
Ang nasa likod ng akumulasyon ng pagkawasak, barbarismo at mga kalamidad na tinutuligsa natin ay ang hindi na maaayos na krisis pang-ekonomiya ng kapitalismo na siyang ugat ng paggana nito. Mula 1967 pumasok ang kapitalismo sa isang krisis pang-ekonomiya kung saan, makalipas ang limampung taon, hindi ito makatakas. Kabaligtaran, tulad ng ipinakita ng mga pang-ekonomiyang kaguluhan na nagaganap mula noong 2018 at ang lumalaking paglawak ng implasyon, na lalo pang lumala, na may mga epekto nito sa kahirapan, kawalan ng trabaho, kawalan ng seguridad at taggutom.
Nakaapekto ang kapitalistang krisis sa mismong pundasyon ng lipunang ito. Implasyon, kawalan ng seguridad, kawalan ng trabaho, mala-impyerno at kondisyon ng pagtrabaho na sumisira sa kalusugan ng mga manggagawa, hindi abot kayang pabahay... lahat ay nagpatotoo sa hindi mapigilan na pagkasira ng buhay ng uring manggagawa at, bagama't sinisikap ng burgesya na lumikha ng lahat ng maiisip na pagkahati-hati, nagbigay ng "mas pribilehiyong" kondisyon sa ilang kategorya ng mga manggagawa, ang nakikita natin sa kabuuan nito ay, sa isang banda, kung ano ang posibleng magiging PINAKAMALALANG KRISIS sa kasaysayan ng kapitalismo, at, sa kabilang banda, ang kongkretong realidad ng ABSOLUTONG KAHIRAPAN ng uring manggagawa sa mga sentral na bansa, ay ganap na nagpatunay sa katumpakan ng prediksyon na ginawa ni Marx hinggil sa istorikal na perspektiba ng kapitalismo at labis na kinutya ng mga ekonomista at iba pang ideolohista ng burgesya.
Ang hindi mapigilang paglala ng krisis ng kapitalismo ay isang mahalagang pampasigla para sa makauring pakikibaka at makauring kamulatan. Ang pakikibaka laban sa mga epekto ng krisis ang batayan ng pag-unlad ng lakas at pagkakaisa ng uring manggagawa. Ang krisis sa ekonomiya ay direktang nakaapekto sa imprastraktura ng lipunan; kaya naman inilatag nito ang ugat ng lahat ng barbarismong nakasabit sa lipunan, na nagbibigay daan sa proletaryado para maging mulat sa pangangailangang tuluyang wasakin ang sistema at hindi na subukang pagbutihin ang ilang aspeto nito.
Sa pakikibaka laban sa brutal na pag-atake ng kapitalismo at lalo na laban sa implasyon na tumatama sa kabuuan ng mga manggagawa sa pangkalahatan at walang pinipili na paraan, mapaunlad ng mga manggagawa ang kanilang pakikibaka, magagawa nilang simulan ang pagkilala sa kanilang sarili bilang isang uri na may lakas, awtonomiya at istorikal na papel na gagampanan sa lipunan. Ang pampulitikang pag unlad na ito ng makauring pakikibaka ang magbibigay sa kanila ng kapasidad na wakasan ang digmaan sa pamamagitan ng pagwawakas sa kapitalismo.
Nagsimula nang lumitaw ang perspektibang ito: "sa harap ng mga atake ng burgesya, nabubuo ang galit at ngayon, ipinapakita ng uring manggagawa sa Britanya na muli itong handang ipaglaban ang dignidad nito, tanggihan ang mga sakripisyong palaging hinihingi ng kapital. Bukod pa rito, nagpahiwatig ito ng internasyonal na dinamiko: noong nakaraang taglamig, nagsimulang lumitaw ang mga welga sa Espanya at US; ngayong tag-init, nakaranas din ng walkout ang Germany at Belgium; at ngayon, hinuhulaan ng mga komentarista ang 'isang pagsabog sa sitwasyong panlipunan' sa Pransya at Italya sa mga darating na buwan. Hindi mahuhulaan kung saan at kailan muling babangon ang napakalawak na pakikibaka ng mga manggagawa sa malapit na hinaharap, ngunit isang bagay ang tiyak: ang lawak ng kasalukuyang mobilisasyon ng mga manggagawa sa Britanya ay isang makabuluhang pangyayari sa kasaysayan. Ang mga araw ng pasibidad at pagsuko ay lumipas na. Ang mga bagong henerasyon ng manggagawa ay itinaas na ang ulo" (“The ruling class demands further sacrifices, the response of the working class is to fight!” [35] ICC International Leaflet August 2022)
Nakikita natin ang pagkabasag ng mga taon ng pasibidad at dis-oryentasyon. Ang muling pagbalik ng pakikibaka ng mga manggagawa bilang tugon sa krisis ay maaaring maging pokus ng kamulatan na pinasigla ng interbensyon ng mga komunistang organisasyon. Malinaw na ang bawat manipestasyon ng kabulukan ng lipunan ay nagawa nitong pabagalin ang mga pagsisikap ng mga manggagawa sa pakikibaka, o sa simula ay naparalisa sila: tulad ng nangyari sa kilusan sa Pransya 2019, na tinamaan ng pagsiklab ng pandemya. Nangangahulugan ito ng karagdagang kahirapan para sa pag-unlad ng mga pakikibaka. Gayunpaman, walang ibang paraan kundi makibaka, ang pakikibaka mismo ay ang unang tagumpay. Ang pandaigdigang proletaryado, kahit na ang dadaanan nito ay puno ng mga silo at patibong na itinakda ng mga makinaryang pampulitika at unyon ng kanyang makauring kaaway, kahit pa may mga mapait na pagkatalo, ay nanatiling buo ang kanyang kakayahan upang mabawi ang kanyang makauring pagkakakilanlan at sa wakas ay maglunsad ng isang internasyonal na opensiba laban sa naghihingalong sistemang ito.
Ang mga balakid na kailangang malampasan ng makauring pakikibaka
Kung gayon, malaki ang magiging kahalagahan ng dekada 20 ng ika-21 siglo sa makasaysayang ebolusyon ng makauring pakikibaka ng kilusang manggagawa. Ipinakita nila - tulad ng nakita na natin mula noong 2020 - mas malinaw kaysa sa nakaraan, ang perspektiba ng pagkawasak ng sangkatauhan na hinahawakan ng kapitalistang dekomposisyon. Sa kabilang panig, sisimulan ng proletaryado ang paggawa ng mga unang hakbang, na kadalasan nag-aatubili at puno ng mga kahinaan, tungo sa kanyang istorikal na kapasidad na maglahad ng komunistang perspektiba. Ang dalawang poste ng alternatibo, ang Pagkawasak ng Sangkatauhan o Komunistang Rebolusyon, ay malalahad, bagama't malayo pa ang huli at naharap sa napakalaking mga balakid upang igiit ang sarili.
Isang pagpapatiwakal para sa proletaryado na subukan at itago o maliitin ang mga napakalaking balakid na nagmula kapwa sa aktibidad ng Kapital at mga estado nito at sa nabubulok na paligid na kontaminado ang panlipunang kapaligiran ng buong mundo:
1: Nahalaw ng burgesya ang mga aral ng MALAKING PAGKABIGLA sa inisyal na tagumpay ng Rebolusyon sa Rusya at ng pandaigdigang rebolusyonaryong alon ng 1917-23 na pinakita "sa praktika" ang pahayag ng Manipesto ng Komunista noong 1848: "Isang multo ang nagmumulto sa Uropa — ang multo ng komunismo... Ang burgesya ay lumilikha... ng sarili nitong sepultorero ... ang proletaryado".
2: Ang pagkabulok ng kapitalistang lipunan ay nagpalala sa kawalan ng tiwala sa hinaharap. Sinisira rin nito ang tiwala ng proletaryado sa sarili at sa lakas nito bilang tanging uri na may kakayahang ibagsak ang kapitalismo, na nagbunga ng "bawat tao para sa kanyang sarili", pangkalahatang kompetisyon, pagkahati-hati ng lipunan sa magkasalungat na mga kategorya, korporatismo, lahat ay malaking balakid sa pag unlad ng mga pakikibaka ng manggagawa at higit sa lahat ang kanilang rebolusyonaryong pulitikalisasyon.
3: Sa kontekstong ito, nanganganib ang proletaryado na mahila sa mga interklasistang pakikibaka o pira-pirasong mobilisasyon (peminismo, anti-rasismo, klima o mga usaping pangkapaligiran...), na pawang nagbukas ng pintuan para ilihis ang pakikibaka nito sa tereyn komprontasyon sa pagitan ng mga paksyon ng burgesya.
4: "Gipit na sa panahon ang uring manggagawa. Hangga't ang lipunan ay nanganganib na wasakin ng tanging imperyalistang digmaan lang, ang katotohanan ay tanging ang proletaryong pakikibaka ay sapat na upang hadlangan ang daan tungo sa pagkawasak na ito. Ngunit, hindi tulad ng imperyalistang digmaan, na nakasalalay sa pagsunod ng proletaryado sa mga "ideyal" ng burgesya, ang panlipunang dekomposisyon ay maaaring makasira sa sangkatauhan nang hindi kinokontrol ang uring manggagawa. Sapagkat bagama't kayang tutulan ng mga pakikibaka ng mga manggagawa ang pagbagsak ng ekonomiya, wala silang kapangyarihan, sa loob ng sistemang ito, upang hadlangan ang pagkabulok. Kaya, bagama't ang banta na dulot ng pagkabulok ay tila mas malayo kaysa sa pandaigdigang digmaan (noon umiral ang mga kondisyon para dito, na hindi nangyayari ngayon), ito ay sa kabaligtaran ay mas mapanlinlang." (Tesis ng Dekomposisyon [34], Tesis 16)
Hindi tayo dapat matulak sa patalismo dahil sa napakalaking panganib na ito. Ang lakas ng proletaryado ay ang kamulatan sa kanyang mga kahinaan, mga paghihirap, mga balakid na iniharang ng kaaway o ng sitwasyon mismo laban sa kanyang pakikibaka. "Ang mga proletaryong rebolusyon ... ay patuloy na pinupuna ang kanilang sarili, patuloy na ginugulo mismo ang kanilang sariling landas, bumalik sa tila tapos ng nagawa, upang makapagsimulang muli; walang awang pinagtawanan nila ang mga hindi kompletong hakbangin, kahinaan, at kahirapan ng kanilang mga unang pagtatangka, tila bumagsak na ang kanilang mga kalaban upang ang huli ay makakuha ng bagong lakas mula sa mundo at muling bumangon sa kanilang harapan nang higit na malakas kaysa dati, patuloy na magbalik mula sa kawalang-katiyakan ng kanilang sariling mga mithiin – hanggang sa magkaroon ng sitwasyon na ginagawang imposible ang lahat ng pagbalik, at ang mga kondisyon mismo ang nagsisigaw: Hic Rhodus, hic salta!" (Marx: “18th Brumaire of Louis Bonaparte”).
Ang tugon ng Kaliwang Komunista
Sa mga seryosong istorikal na sitwasyon tulad ng mga signipikanteng digmaan tulad ng sa Ukraine, makikita ng proletaryado kung sino ang mga kaibigan nito at kung sino ang mga kaaway nito. Ang mga kaaway na ito ay hindi lamang ang mga pangunahing personahe tulad nina Putin, Zelensky o Biden, kundi pati na rin ang mga partido ng dulong kanan, kanan, kaliwa at dulong kaliwa, na may malawak na hanay ng mga argumento, kabilang ang pasipismo, ay sumusuporta at nagbibigay katwiran sa digmaan at pagtatanggol ng isang imperyalistang kampo laban sa isa pa.
Sa loob ng mahigit isang siglo tanging ang Kaliwang Komunista lamang ang kumilos at may kakayahang tutulan ang imperyalistang digmaan nang sistematiko at tuloy-tuloy, ipagtanggol ang alternatibo na makauring pakikibaka ng proletaryado, ng oryentasyon nito na wasakin ang kapitalismo sa pamamagitan ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon.
Ang pakikibaka ng proletaryado ay hindi lamang limitado sa mga depensibong pakikibaka o pangmasang welga. Ang isang napakahalaga, permanente at hindi maihiwalay na bahagi nito ay ang pakikibaka ng mga komunistang organisasyon nito at, kongkreto, sa loob ng isang siglo ngayon, ng Kaliwang Komunista. Ang pagkakaisa ng lahat ng grupo ng Kaliwang Komunista ay mahalaga sa harap ng kapitalistang dinamiko ng pagkawasak ng sangkatauhan. Tulad ng pinagtibay na namin Manipesto mula sa aming unang kongreso (1975): "Sa pagtalikod sa monolitismo ng mga sekta, nananawagan ang Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa mga komunista ng lahat ng bansa na maging mulat sa kanilang napakalaking responsibilidad, talikuran ang mga bogus na pagtalo-talo na naghiwa-hiwalay sa kanila, upang malampasan ang mapanlinlang na pagkahati-hati na ipinataw sa kanila ng lumang mundo. Nanawagan ang IKT sa kanila na makiisa sa pagsisikap na ito na buuin (bago ilunsad ng uri ang mapagpasyang pakikibaka nito) ang pandaigdigan at nagkakaisang organisasyon ng kanyang taliba. Ang mga komunista bilang pinakamulat na praksyon ng uri, ay dapat ipakita nito ang daan sa pamamagitan ng kanilang islogan: 'Mga rebolusyonaryo ng lahat ng bansa, magkaisa!'"
IKT (Disyembre 2022)
[1] [37] Naharap sa rebolusyonaryong pagtatangka sa Alemanya noong 1918, sinabi ng sosyal demokrata na si Noske na handa siyang maging espiya ng kontra rebolusyon.
[2] [38] Tesis ng Dekomposisyon [34], Tesis 11
[4] [41] Ang alyadong mga hukbo ng Estados Unidos, Pransya, Britanya at Hapon ay nagkutsabahan mula Abril 1918 sa natirang hukbo ng Tsar sa kakila-kilabot na Digmaang-Sibil na kumitil ng 6 milyong buhay.
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17284/capitalism-leads-destruction-humanity-only-world-revolution-proletariat-can-put-end-it [42]
Sa nakalipas na taon, sumiklab ang mga mayor pakikibaka ng mga manggagawa sa mga mayor na bansa ng pandaigdigang kapitalismo at sa buong mundo. Ang serye ng mga welga na ito ay nagsimula sa UK noong tag-init ng 2022, at ang mga manggagawa sa maraming iba pang mga bansa ay mula noon ay sumama sa pakikibaka: Pransya, Alemanya, Espanya, Netherlands, Estados Unidos, Korea... Kahit saan, ang uring manggagawa ay nagtaas ng ulo sa harap ng matinding paglala ng kalagayan ng pamumuhay at paggawa, nakakahilo na pagtaas ng presyo, sistematikong kawalan ng seguridad at kawalan ng trabaho ng masa, dahil sa paglala ng destabilisasyong sa ekonomiya, mga pagkasira sa ekolohiya at pag-igting ng militarismo na nakaugnay sa barbarikong digmaan sa Ukraine.
Sa loob ng tatlong dekada, hindi nakita ng mundo ang gayong alon ng sabay-sabay na pakikibaka sa napakaraming bansa, o sa loob ng ganoong mahabang panahon. Ang pagbagsak ng bloke ng Silangan noong 1989 at ang mga kampanya tungkol sa diumano'y "kamatayan ng komunismo" ay nagbunsod ng malalim na paghina ng makauring pakikibaka sa pandaigdigang antas. Ang mayor na pangyayaring ito, ang pagkabuwag ng Stalinistang imperyalistang bloke at ng isa sa dalawang pinaka-malaking kapangyarihan sa mundo, ang USSR, ang pinakakagila-gilalas na ekspresyon ng pagpasok ng kapitalismo sa bago at mas mapanirang yugto ng kanyang pagka-dekadente, ang pagkabulok nito[1] [43]. Ang pagkabulok ng lipunan sa pundasyon nito, sa lumalaking karahasan at kaguluhan nito sa lahat ng antas, ang kawalang pag-asa at desperado na kapaligiran, ang posibilidad patungo sa panlipunang atomisasyon ... Ang lahat ng ito ay nagkaroon ng napaka-negatibong epekto sa pakikibaka ng uri. Kaya nasaksihan natin ang isang malaking paghina ng mapanlabang diwa kumpara sa nakaraang panahon, simula noong 1968. Ang pag-atras na tumama sa uring manggagawa sa Britanya sa loob ng mahigit tatlong dekada, isang proletaryado na may mahabang karanasan sa pakikibaka, ay naglarawan ng katotohanan ng pag-urong na ito. Sa harap ng mga pag-atake ng burgesya, lubhang malupit na "mga reporma", napakalaking de-industriyalisasyon at malaking pagbagsak ng antas ng pamumuhay, ang mga manggagawa ng bansa ay walang nakitang makabuluhang pakikibaka mula ng makaranas ng matinding pagkatalo ang mga minero sa panahon ni Thatcher noong 1985.
Habang paminsan-minsan ay nagpakita ang uring manggagawa ng mga palatandaan ng pagiging mapanlaban at sinubukang muling gamitin ang mga sandata ng pakikibaka nito (ang paglaban sa Contrat de Premier Emploi (CPE) sa Pransya noong 2006, ang kilusang Indignados sa Espanya noong 2011, ang unang mobilisasyon laban sa reporma sa pensyon sa Pransya noong 2019), na nagpapatunay na sa anumang paraan ay hindi ito nawala sa entablado ng kasaysayan, Ang mga mobilisasyon nito ay halos hindi nasundan, na walang kakayahang muling ilunsad ang mas pandaigdigang kilusan. Bakit nga ba ganito? Dahil hindi lamang nawalan ng mapanlabang diwa ang mga manggagawa sa paglipas ng mga taon, dumanas din sila ng malalim na pagbaba ng makauring kamulatan sa kanilang hanay, na pinaghirapan nilang makuha noong dekada 70 at 80. Karamihan sa mga manggagawa ay nakalimutan ang mga aral ng kanilang mga pakikibaka, ang kanilang mga komprontasyon laban sa mga unyon, ang mga patibong na itinakda ng "demokratikong" estado, pagkawala ng kanilang tiwala sa sarili, ang kanilang kakayahang magkaisa, upang lumaban ng nagkakaisa... Halos nakalimutan pa nila ang kanilang identidad bilang uri na mortal na kaaway ng burgesya at dala-dala ang sariling rebolusyonaryong perspektiba. Sa lohikang ito, tila parang tunay na ngang patay ang komunismo dahil sa mga kakila-kilabot na pangyayari sa Stalinismo, at tila naglaho na ang uring manggagawa.
At gayon pa man, sa harap ng malakihang pagbilis ng proseso ng pagkabulok[2] [44] mula noong pandaigdigang pandemya ng Covid 19, at laluna sa mga masaker ng digmaan sa Ukraine at sa kadena ng mga epekto nito sa antas ekonomiya, ekolohiya, panlipunan at pulitika, itinaas ng uring manggagawa ang ulo nito sa lahat ng dako, naglunsad ng pakikibaka at tumangging tanggapin ang mga sakripisyo sa ngalan ng tinatawag na "kagalingan para sa lahat ". Nagkataon lang ba ito? Minsanan lang na mababaw na reaksyon laban sa atake ng burgesya? Hindi! ang islogan na "Tama na!" sa konteksto ng malawakang destabilisasyon ng kapitalistang sistema ay malinaw na naglarawan na ang tunay na pagbabago ng pag-iisip ay nagaganap sa loob ng uri. Ang lahat ng mga pagpapahayag na ito ng pagiging mapanlaban ay bahagi ng isang bagong sitwasyon na nagbubukas para sa pakikibaka ng uri, isang bagong yugto na bumasag sa pagiging pasibo, dis-oryentasyon at kawalan ng pag-asa sa loob ng nagdaang huling tatlong dekada.
Ang sabay-sabay na pagsabog ng mga pakikibaka sa nakalipas na taon ay hindi nagmula sa kawalan. Ang mga ito ay produkto ng isang buong proseso ng pagmuni-muni sa loob ng uri sa pamamagitan ng isang serye ng mga nakaraang pagtatangka sa pagsubok at pagkakamali. Na, sa unang pagkilos sa France laban sa “reporma” sa pensiyon sa kataposan ng 2019, natukoy ng ICC ang pagpahayag ng matinding pangangailangan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga henerasyon at iba't ibang sektor. Ang kilusan na ito ay sinamahan din ng iba pang mga pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo, sa Estados Unidos pati na rin sa Finland, ngunit nahinto dahil sa pagsabog ng Covid pandemic noong Marso 2020. Kahalintulad nito, noong Oktubre 2021, sumiklab ang mga welga sa Estados Unidos sa iba't ibang sektor, ngunit naputol ang momentum ng pakikibaka, sa pagkakataong ito dahil sa pagsiklab ng digmaan sa Ukraine, na sa simula ay naparalisa ang mga manggagawa, partikular sa Uropa.
Ang mahabang prosesong ito ng pagsubok at pagkakamali at materyalisasyon ay humantong mula sa tag-init ng 2022 hanggang sa isang determinadong reaksyon ng mga manggagawa sa kanilang sariling makauring tereyn sa harap ng mga pag-atake na nagmula sa destabilisasyon ng kapitalismo. Ang mga manggagawang Briton ay nagbukas ng bagong yugto sa internasyunal na pakikibaka ng mga manggagawa, na tinawag na "galit sa tag-init". Ang islogan na "tama na" ay naging simbolo ng buong proletaryong pakikibaka sa United Kingdom. Ang islogan na ito ay hindi nagpahayag ng mga ispisipikong kahilingan na matutugunan, kundi isang malalim na paghihimagsik laban sa mga kondisyon ng pagsasamantala. Ipinakita nito na ayaw na ng mga manggagawa na lunukin ang mga kalunus-lunos na kompromiso, ngunit handa na silang ipagpatuloy ang pakikibaka na may determinasyon. Ang kilusang manggagawa ng Britanya ay partikular na simboliko sa kadahilanang ito ang unang pagkakataon mula noong 1985 na ang sektor na ito ng uring manggagawa ay pumagitna sa entablado. At sa pagtindi ng implasyon at krisis sa buong mundo, na lubhang pinalala ng digmaan sa Ukraine at ng pag-igting ng ekonomiya ng digmaan, ang mga manggagawang pangkalusugan sa Espanya at Estados Unidos ay naglunsad rin ng opensiba, na sinundan ng isang alon ng mga welga sa Netherlands, isang "megastreik" ng mga manggagawa sa transportasyon sa Alemanya, higit sa 100 mga welga laban sa hindi pagbayad ng sahod at mga redundancies sa Tsina, isang welga at demonstrasyon pagkatapos ng isang kakila-kilabot na pag-crash ng tren sa Greece, mga guro na humihingi ng mas mataas na sahod at mas mahusay na mga kondisyon sa pagtatrabaho sa Portugal, 100,000 empleyado ng gobyerno na humihingi ng mas mataas na sahod sa Canada, at higit sa lahat, isang napakalaking kilusan ng proletaryado sa Pransya laban sa reporma sa pensyon.
Ang napakahalagang katangian ng mga mobilisasyong ito laban sa kapitalistang pagtitipid ay nasa katotohanan na, sa katagalan, kabilang na din dito ang pagtutol sa digmaan. Tunay ngang kung ang direktang pagpapakilos sa mga manggagawa laban sa digmaan ay artipisyal, pinupunto na ng ICC noong Pebrero 2022 na ang reaksyon ng mga manggagawa ay makikita sa paglaban sa mga pag-atake sa kanilang kapasidad bumili, na magresulta sa pagpapaigting at pagkakaugnay-ugnay ng mga krisis at kalamidad, at ito rin ay magiging kontra sa mga kampanyang nanawagan ng pagtanggap ng mga sakripisyo upang suportahan ang "magiting na paglaban ng mga mamamayang Ukrainian". Ito rin ang dinadala ng mga pakikibaka nitong nakaraang taon, kahit hindi pa lubos na naunawaan ng mga manggagawa: ang pagtanggi na lalupang magsakripisyo para sa interes ng naghaharing uri, ang pagtanggi na magsakripisyo para sa pambansang ekonomiya at para sa pagsisikap sa digmaan, ang pagtanggi na tanggapin ang lohika ng sistemang ito na siyang nagtulak sa sangkatauhan tungo sa lalupang mapaminsalang sitwasyon.
Sa mga pakikibakang ito, nagsimulang lumitaw sa isipan ng mga manggagawa ang ideya na "lahat tayo ay nasa iisang bangka". Sa mga picket line sa UK, sinabi sa amin ng mga welgista na nadama nila na nakibaka sila para sa isang bagay na mas malaki kaysa sa mga korporaristang kahilingan ng mga unyon. Ang banderang "Para sa ating lahat" kung saan naganap ang welga sa Alemanya noong 27 Marso ay partikular na makabuluhan sa pangkalahatang pakiramdam na umuunlad sa uri: "lahat tayo ay nakibaka para sa isa't isa". Ngunit sa Pransya pinakamalinaw na pinakita ang pangangailangan ng nagkakaisang pakikibaka. Sinubukan nga ng mga unyon na hatiin at gawing bulok ang kilusan sa bitag ng "strike by proxy" sa likod ng diumano'y "estratehikong" mga sektor (tulad ng energy o rubbish collection) para "huminto ang Pransya". Ngunit hindi maramihang nahulog sa bitag ang mga manggagawa, at nanatiling determinado na magkasamang lumaban.
Sa labintatlong araw na mobilisasyon sa Pransya, ang ICC ay namahagi ng mahigit 150,000 polyeto: ang interes sa nangyayari sa UK at sa ibang lugar ay hindi kailanman nanghina. Para sa ilang mga demonstrador, ang kaugnayan sa sitwasyon sa UK ay tila naging malinaw: "ito ay pareho sa lahat ng dako, sa bawat bansa". Hindi nagkataon na ang mga unyon sa "Mobilier national" ay kailangang magsagawa ng welga sa panahon ng (kinansela) na pagbisita ni Charles III sa Paris sa ngalan ng "pakikiisa sa mga manggagawang British". Sa kabila ng kawalang pleksibilidad ng pamahalaan sa Pransya, sa kabila ng mga kabiguan na paatrasin ang burgesya o makuha ang mas mataas na sahod sa Great Britain o sa ibang lugar, ang pinakamalaking tagumpay ng mga manggagawa ay ang pakikibaka mismo at ang kamulatan, na walang duda ay kakasimula pa lang at nalilito, na tayo ay bumuo ng iisang puwersa, na lahat tayo ay pinagsamantalahang mga tao na, atomisado, bawat isa sa kanilang sariling sulok, ay walang magagawa laban sa kapital ngunit, nagkakaisa sa pakikibaka, ay maaring maging pinakamalaking puwersa ng lipunan sa kasaysayan.
Aminado, hindi pa rin muling nagtiwala ang mga manggagawa sa kanilang sariling lakas, sa kanilang kakayahang kontrolin ang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ang mga unyon sa lahat ng dako ay napanatili ang kontrol sa mga kilusan, nagsasalita ng isang mas mapanlabang lenggwahe para mas maging isterilisado ang pangangailangan para sa pagkakaisa, habang pinapanatili ang matibay na paghihiwalay sa pagitan ng iba't ibang mga sektor. Sa Great Britain, nanatiling nakahiwalay ang mga manggagawa sa mga picket line ng kanilang mga kumpanya, bagaman napilitan ang mga unyon na mag-organisa ng ilang nakakatawang diumano'y "nagkakaisang" mga demonstrasyon. Gaun din sa Pransya, kapag ang mga manggagawa ay nagsama-sama sa mga napakalaking demonstrasyon, ito ay palaging nasa ilalim ng ganap na kontrol ng mga unyon, na nagpapanatili sa mga manggagawa na nakapiit sa likod ng mga bandera ng kanilang mga kumpanya at sektor. Sa kabuuan, ang koproratistang pagkapiit ay nanatili sa karamihan ng mga pakikibaka.
Sa panahon ng mga welga, patuloy na ibinuhos ng burgesya, partikular ng mga kaliwang paksyon nito, ang kanilang mga kampanyang ideolohikal sa paligid ng ekolohiya, anti-rasismo, pagtatanggol sa demokrasya at iba pa, na idinisenyo upang panatilihin ang galit at indignasyon sa tereyn ng ilusyon ng burgesya na "mga karapatan" at hatiin ang pinagsamantalahan sa pagitan ng mga puting tao at mga taong may kulay, lalaki at babae, bata at matanda... Sa Pransya, sa gitna ng kilusan laban sa reporma sa pensyon, nakita natin ang pag-unlad ng parehong mga kampanyang environmentalist sa paligid ng pag-unlad ng "mega pool" at demokratikong kampanya laban sa panunupil ng pulisya. Bagaman ang karamihan sa mga pakikibaka ng mga manggagawa ay nanatili sa makauring tereyn, ibig sabihin, ang pagtatanggol sa materyal na kalagayan ng mga manggagawa sa harap ng implasyon, kalabisan, mga hakbang sa pagtitipid ng gobyerno, atbp, ang panganib na dala ng mga ideolohiyang ito sa uring manggagawa ay nanatiling malaki.
Nabawasan ang mga pakikibaka sa ilang bansa sa kasalukuyan, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga manggagawa ay pinanghinaan ng loob o natalo. Nagpatuloy ang alon ng mga welga sa UK sa loob ng isang buong taon, habang ang mga demonstrasyon sa Pransya ay tumagal ng limang buwan, sa kabila ng katotohanan na ang malaking karamihan ng mga manggagawa ay may kamulatan mula sa simula na ang burgesya ay hindi agad magpapaubaya sa kanilang mga kahilingan. Linggu-linggo sa Netherlands, buwan-buwan sa Pransya at sa loob ng isang buong taon sa UK, tumanggi ang mga manggagawa na sumuko. Malinaw na ipinakita ng mga mobilisasyong ito ng mga manggagawa ang determinasyon na huwag tanggapin ang anumang karagdagang paglala ng kondisyon ng kanilang pamumuhay. Sa kabila ng lahat ng kasinungalingan ng naghaharing uri, hindi titigil ang krisis: hindi titigil ang pagtaas ng halaga ng pabahay, heating at pagkain, magpatuloy ang mga redundancies at kontratang kontraktwal, ipagpatuloy ng mga gobyerno ang kanilang pag-atake...
Walang duda, itong bagong dinamiko ng pakikibaka ay kakasimula pa lamang at, para sa uring manggagawa, "Nanatili ang lahat ng kanyang istorikal na balakid, ang kakayahan nitong mag-organisa ng sariling mga pakikibaka at lalo na sa pagiging mulat sa rebolusyonaryong proyekto nito ay napakalayo pa rin, ngunit ang lumalaking pakikibaka sa harap ng malupit na dagok na ibinibigay ng burgesya sa pamumuhay at kalagayan ng paggawa ay ang matabang lupa kung saan muling matuklasan ng proletaryado ang makauring pagkakakilanlan nito, muling magkaroon ng kamulatan kung ano ito, sa lakas nito kapag nakibaka, kapag nagpakita ng pakikiisa at nagkaroon ng pagkakaisa. Ito ay isang proseso, isang pakikibaka na nagpapatuloy pagkatapos ng mga taon ng pasibidad, isang potensyal na iminumungkahi ng kasalukuyang mga welga."[3] [45].Walang nakakaalam kung saan o kailan lilitaw ang makabuluhang mga bagong pakikibaka. Ngunit tiyak na kailangang patuloy na lumaban ang uring manggagawa saanman!
Milyun-milyon sa atin ang lumalaban, na nadarama ang sama-samang lakas ng ating uri habang nakatayo tayo nang magkatabi sa mga lansangan - mahalaga iyan, ngunit hindi ito sapat. Ang pamahalaang Pranses ay umatras noong 2006, sa panahon ng pakikibaka laban sa CPE, hindi dahil mas maraming mga mag-aaral at kabataan ang nasa mapanganib na kontrata sa mga lansangan, kundi dahil nakontrol nila ang kilusan mula sa mga unyon, sa pamamagitan ng soberano, napakalaking pangkalahatang mga pagtitipon, bukas sa lahat. Ang mga asembleyang ito ay hindi mga lugar kung saan ang mga manggagawa ay nakakulong sa kanilang sariling sektor o kumpanya, kundi mga lugar kung saan ang nagpadala ng malalaking delegasyon sa pinakamalapit na mga kumpanya upang aktibong humingi ng pagkakaisa. Ngayon, ang kawalan ng kakayahan ng uring manggagawa na aktibong hawakan ang pakikibaka sa pamamagitan ng paghahangad na maipaabot ito sa lahat ng sektor ang dahilan kung bakit hindi umatras ang burgesya. Gayunpaman, ang pagbawi ng identidad nito ay nagbigay daan sa uring manggagawa upang simulan ang pagbawi ng kanyang nakaraan. Sa mga martsa sa Pransya, dumami ang mga pag-alaala sa Mayo '68 at sa pakikibaka ng 2006 laban sa CPE. Ano ang nangyari noong '68 ? Paano natin napaatras ang gobyerno noong 2006 ? Sa minorya ng uri, isinasagawa ang proseso ng repleksyon, na mahalagang paraan ng paghalaw ng mga aral ng mga kilusan sa nakaraang taon at paghahanda sa mga pakikibaka sa hinaharap na kailangang lampasan kaysa noong 1968 sa Pransya o noong 1980 sa Poland.
Tulad ng mga kamakailang pakikibaka na produkto ng isang proseso ng nakatagong pagkahinog na umuunlad sa loob ng ilang panahon, gayon din ang mga pagsisikap ng minorya na malaman ang mga aral ng mga kamakailang pakikibaka ay magbunga sa mas malawak na mga pakikibaka na nasa ating harapan. Makikilala ng mga manggagawa na ang paghihiwalay ng mga pakikibaka na ipinataw ng mga unyon ay madaraig lamang kung muling matuklasan nila ang mga awtonomiyang porma ng organisasyon tulad ng mga pangkalahatang asembleya at mga halal na komite ng welga, at kung gagawin nila ang inisyatibo upang palawakin ang pakikibaka sa kabila ng lahat ng mga dibisyon ng korporasyon.
A & D, 13 Agosto 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17390/struggle-ahead-us [46]
[1] [47]Cf. “Theses on decomposition [34]”; (May 1990)", International Review n°107 (2001).
[2] [48] Tingnan "Update of the Theses on Decomposition (2023) [49]", International Review n°170 (2023).
[3] [50]“Report on class struggle for the 25th ICC congress [51]”, International Review n°170 (2023).
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 30.1 KB |
"Tama na!" - Britanya. "Hindi dagdag na isang taon, walang kaltas ni isang euro" - Pransya. "Lumalalim ang galit" - Espanya. "Para sa ating lahat" - Alemanya. Ang lahat ng mga islogan na ito, na sinisigaw sa buong mundo sa panahon ng mga welga sa mga nakaraang buwan, ay nagpapakita kung gaano ipinahayag ng mga pakikibaka ng kasalukuyang manggagawa ang pagtanggi sa pangkalahatang paglala ng ating pamumuhay at kalagayan sa pagtrabaho. Sa Denmark, Portugal, Netherlands, Estados Unidos, Canada, Mexico, China... ang parehong mga welga laban sa parehong hindi na talaga matiis na pagsasamantala. "Ang tunay na hirap: hindi makapag-init, kumain, mag-alaga sa sarili, magmaneho!"
Ngunit ang ating mga pakikibaka ay higit pa dyan. Sa mga demonstrasyon, nagsimula nating makita sa ilang mga plakard ang pagtutol sa digmaan sa Ukraine, ang pagtutol na gumawa ng mas maraming mga armas at bomba, upang higpitan ang ating mga sinturon sa ngalan ng pag unlad ng ekonomiya ng digmaan: "Walang pera para sa digmaan, walang pera para sa mga armas, pera para sa sahod, pera para sa mga pensiyon" naririnig natin sa panahon ng mga demonstrasyon sa Pransya. Ipinapahayag din nila ang pagtutol na makita ang planeta na nawasak sa ngalan ng tubo.
Ang ating mga pakikibaka ay ang tanging tumututol sa ganitong dinamiko ng pagwasak-sa-sarili, ang tanging tumututol sa kamatayan na ipinangako ng kapitalismo sa buong sangkatauhan. Dahil, iniwanan ng sariling lohika nito, ang dekadenteng sistemang ito ay hinahatak ang mas malaking bahagi ng sangkatauhan sa digmaan at kapighatian, sisirain nito ang planeta ng greenhouse gases, sirang kagubatan, at bomba.
Dinadala ng kapitalismo ang sangkatauhan sa kapahamakan!
Ang uri na naghari sa lipunan ng mundo, ang burgesya, ay bahagyang alam ang katotohanang ito, ang barbarikong kinabukasan na ipinangako sa atin ng naghihingalong sistema nito. Kailangan mo lamang basahin ang mga pag aaral at prediksyon ng sarili nitong mga eksperto upang makita ito.
Ayon sa "Global Risks Report" na iniharap sa World Economic Forum sa Davos noong Enero 2023: "Ang mga unang taon ng dekada na ito ay nagpahayag ng isang partikular na nakakagambala na panahon sa kasaysayan ng tao. Ang pagbabalik sa isang 'bagong normal' kasunod ng pandemyang COVID 19 ay mabilis na ginambala ng pagsiklab ng digmaan sa Ukraine, na simula ng panibagong serye ng krisis sa pagkain at enerhiya [...]. Sa 2023, nagsimulang naharap ang mundo sa serye ng mga panganib [...]: implasyon, krisis sa gastos ng pamumuhay, mga digmaang pangkalakalan [...], komprontasyong geopolitikal at ang multo ng digmaang nukleyar [...], hindi masustining laki ng utang [...], pagbaba ng pag-unlad ng tao [...], ang lumalaking presyur ng pagbabago ng klima sa mga epekto at ambisyon [...]. Pagsama-samahin, ang mga ito ay nagsalubungan upang hubugin ang isang natatangi, hindi tiyak at magulong dekada na darating."
Sa totoo lang, ang darating na dekada ay hindi gaanong "walang katiyakan" tulad ng sinasabi ng parehong Ulat: "Ang susunod na dekada ay mailalarawan sa pamamagitan ng krisis sa kapaligiran at lipunan [...], ang 'krisis sa gastos ng pamumuhay' [...], pagkawala ng biodiversity at pagbagsak ng ecosystem [...], komprontasyon sa geo-ekonomiko [...], malakihang sapilitang migrasyon [...], pandaigdigang pagkapira-piraso ng ekonomiya, tensyong geo-politikal [...]. Naging pamantayan na digmaang pang-ekonomiya, na may pagtaas ng komprontasyon sa pagitan ng mga pandaigdigang kapangyarihan [...]. Ang kamakailang pagtaas sa paggasta ng militar [...] ay maaaring humantong sa isang pandaigdigang paligsahan ng armas [...], na may naka-target na pag deploy ng mga bagong teknolohiya ng armas na may potensyal ng mas mapanirang lawak kaysa sa nakikita sa mga nakaraang dekada."
Sa harap ng napakalaking perspektibang ito, walang magagawa ang burgesya. Hindi ito at ang sistema nito ang solusyon, sila ang dahilan ng problema. Kung, sa mainstream media, sinusubukan nitong papaniwalain tayo na ginagawa nito ang lahat upang labanan ang global warming, na posible ang isang "berde" at "sustainable" na kapitalismo, alam nito ang lawak ng mga kasinungalingan nito. Dahil, tulad ng tinutukoy ng 'Global Risks Report': "Ngayon, ang mga antas ng atmospera ng carbon dioxide, methane at nitrous oxide ay lahat umabot sa napakataas. Malamang hindi makamit ang pandaigdigang ambisyon ng target na emisyon na limitahan ang pag-init sa 1.5°C. Ang mga kamakailang pangyayari ay naglantad ng isang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang kinakailangan ng syensya at kung ano ang kapaki-pakinabang sa pulitika."
Sa totoo lang, ang "pagkakaiba" na ito ay hindi limitado sa isyu ng klima. Ipinapahayag nito ang pundamental na kontradiksyon ng isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay hindi sa satispaksyon ng pangangailangan ng tao kundi sa tubo at kompetisyon, sa pagkaganid sa likas na yaman at sa mabangis na pagsasamantala sa uri na lumilikha ng karamihan sa yamang panlipunan: ang proletaryado, ang mga sahurang manggagawa ng lahat ng bansa.
Posible pa ba ang iba pang kinabukasan?
Ang kapitalismo at burgesya ay isa sa dalawang haligi ng lipunan, ang isa ay dinadala nito ang sangkatauhan tungo sa kahirapan at digmaan, tungo sa barbarismo at pagkawasak. Ang kabilang haligi ay ang proletaryado at ang pakikibaka nito. Sa loob ng isang taon, sa mga kilusang panlipunan na umuunlad sa Pransya, Britanya, at Espanya, ang mga manggagawa, pensyonado, ang mga walang trabaho at mga estudyante ay magkasama. Ang aktibong pakikiisa na ito, ang kolektibong pakikibaka, ay saksi sa malalim na katangian ng pakikibaka ng manggagawa: isang pakikibaka para sa isang radikal na ibang mundo, isang mundo na walang pagsasamantala o mga uri ng lipunan, walang kumpetisyon, walang mga hangganan o bansa. "Magkasama ang mga manggagawa", sigaw ng mga welgista sa UK. "Makibaka tayo ng sama-sama o matutulog tayo sa kalye", kumpirmasyon ng mga demonstrador sa Pransya. Ang bandila na "Para sa ating lahat" kung saan naganap ang welga laban sa mga pag-atake sa kondisyon ng pamumuhay sa Alemanya noong 27 Marso ay malinaw na nagpakita ng pangkalahatang lumalaking damdamin sa uring manggagawa: lahat tayo ay nasa iisang bangka at lahat tayo ay nakikipaglaban para sa isa't isa. Ang mga welga sa Alemanya, UK at Pransya ay inspirasyon ng bawat isa. Sa Pransya, malinaw na nagwelga ang mga manggagawa bilang pakikiisa sa kanilang mga kapatid sa uri na nakikipaglaban sa Britanya: "Kami ay nakikiisa sa mga manggagawang Briton, na ilang linggong nagwelga para sa mas mataas na sahod". Ang damdamin na ito ng internasyunal na pakikiisa ay eksaktong kabaligtaran ng kapitalistang mundo na nahahati sa mga bansang nakikipagkumpitensya, hanggang sa at kasama ang digmaan. Naaalala nito ang nag-iisang sigaw ng ating uri mula pa noong 1848: "Walang bansa ang proletaryado! Mga manggagawa ng mundo, magkaisa!"
1968
Sa buong mundo, nagbabago ang estado ng pag-iisip sa lipunan. Matapos ang ilang dekada ng pagiging pasibo at pagpipigil, nagsimula nang makahanap ng daan ang uring manggagawa sa pakikibaka at paggalang sa sarili. Ito ay ipinakita ng 'Galit sa Tag-init' at ang pagbabalik ng mga welga sa UK, halos apatnapung taon matapos ang pagkatalo ng mga minero kay Thatcher noong 1985.
Ngunit lahat tayo ay nararamdaman ang mga kahirapan at kasalukuyang limitasyon ng ating mga pakikibaka. Naharap sa mapandurog na krisis sa ekonomiya, implasyon, at mga pag atake ng gobyerno na tinatawag nilang "mga reporma", hindi pa natin magagawang magtatag ng balanse ng pwersa pabor sa atin. Kadalasan ay nabukod sa magkakahiwalay na welga, o nademoralisa dahil sa mga demonstrasyon na nagiging mga prusisyon lamang, nang walang mga pulong o talakayan, walang pangkalahatang mga asembleya o mga kolektibong organisasyon, lahat tayo ay naghahangad na magkaroon ng mas malawak, mas malakas, nagkakaisang kilusan. Sa mga demonstrasyon sa Pransya, ang panawagan para sa isang bagong Mayo 68 ay patuloy na naririnig. Nakaharap sa "reporma" na nagpapaantala sa edad ng pagreretiro sa 64, ang pinakasikat na islogan sa mga plakard ay: " Binigyan mo kami ng 64, bibigyan ka namin ng Mayo 68".
Noong 1968, nagkaisa ang proletaryado sa Pransya sa pamamagitan ng pagtangan ng pakikibaka sa sarili nitong mga kamay. Kasunod ng malalaking demonstrasyon noong 13 Mayo na nagprotesta laban sa panunupil ng pulisya sa mga estudyante, ang mga walkout at pangkalahatang pagtitipon ay kumalat na parang mabilis na pagkalat ng apoy sa mga pabrika at lahat ng mga lugar ng trabaho na nagtapos sa welga ng may 9 milyong welgista, ang pinakamalaking welga sa kasaysayan ng internasyonal na kilusang manggagawa. Sa harap ng dinamikong ito ng ekstensyon at pagkakaisa ng pakikibaka ng manggagawa, nagmadali ang pamahalaan at mga unyon na lumagda sa isang kasunduan para sa pangkalahatang dagdag sahod upang matigil ang kilusan. Kasabay ng muling paggising na ito ng pakikibaka ng mga manggagawa, nagkaroon ng malakas na pagbabalik sa ideya ng rebolusyon, na tinalakay ng maraming manggagawang nakibaka.
Ang kaganapan sa ganitong lawak ay katibayan ng isang pundamental na pagbabago sa buhay ng lipunan: ito ang katapusan ng kakila-kilabot na kontra-rebolusyon na bumalot sa uring manggagawa mula noong katapusan ng 1920s dahil sa kabiguan ng pandaigdigang rebolusyon kasunod ng unang tagumpay nito noong Oktubre 1917 sa Rusya. Isang kontra-rebolusyon na nagkahugis sa kasuklam-suklam na mukha ng Stalinismo at Pasismo, na nagbukas ng pintuan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may 60 milyong patay at pagkatapos ay nagpatuloy sa loob ng dalawang dekada pa. Ngunit ang muling pagbangon ng pakikibaka na nagsimula sa Pransya noong 1968 ay mabilis na nakumpirma sa lahat ng bahagi ng mundo sa pamamagitan ng serye ng mga pakikibaka sa lawak na hindi nakita sa loob ng ilang dekada:
- Ang mainit na taglagas ng 1969 sa Italya, na kilala rin bilang 'galit sa Mayo', kung saan nakita ang napakalaking pakikibaka sa mga pangunahing sentro ng industriya at isang malinaw na hamon sa liderato ng unyon.
- Ang pag-alsa ng mga manggagawa sa Córdoba, Argentina, sa parehong taon.
- Ang napakalaking welga ng mga manggagawa sa Baltic sa Poland sa taglamig ng 1970-71.
- Maraming iba pang mga pakikibaka sa mga sumusunod na taon sa halos lahat ng bansa sa Uropa, lalo na sa UK.
- Noong 1980, sa Poland, sa harap ng pagtaas ng presyo ng pagkain, dinala pa ng mga welgista ang pandaigdigang alon na ito sa pamamagitan ng pagtangan ng pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay, pagtitipon sa malalaking pangkalahatang asembleya, pagpapasiya para sa kanilang sarili kung ano ang mga kahilingan at kung anong mga aksyon ang gagawin, at, higit sa lahat, patuloy na nagsisikap na palawakin ang pakikibaka. Sa harap ng ganitong pagpapakita ng lakas ng mga manggagawa, hindi lamang ang burgesya ng Poland ang nanginginig, kundi ang naghaharing uri sa lahat ng bansa.
Sa loob ng dalawang dekada, mula 1968 hanggang 1989, isang buong henerasyon ng mga manggagawa ang nagkaroon ng karanasan sa pakikibaka. Ang maraming pagkatalo nito, at kung minsan ay mga tagumpay, ay nagbigay-daan sa henerasyong ito upang harapin ang maraming patibong na itinakda ng burgesya para isabotahe, hatiin at idemoralisa. Ang mga pakikibaka nito ay dapat magbigay daan sa atin upang makahalaw ng mahahalagang aral para sa ating kasalukuyan at hinaharap na mga pakikibaka: tanging sa bukas na pagtitipon lamang at napakalaking pangkalahatang mga pagtitipon, awtonomiya, tunay na pagpapasya sa direksyon ng kilusan, na labas at maging laban sa kontrol ng unyon, maaari nating ilatag ang batayan para sa isang nagkakaisa at lumalagong pakikibaka, na isinasagawa nang may pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng sektor, lahat ng henerasyon. Mga pulong masa kung saan nararamdaman nating nagkakaisa at nagtitiwala sa ating kolektibong lakas. Mga pangmasang miting kung saan maaari nating sama-samang pagtibayin ang tumataas na nagkakaisang mga kahilingan. Pangmasang pulong kung saan tayo nagtitipon at kung saan maaari tayong pumunta na may mga malalaking delegasyon upang salubungin ang ating mga kapatid sa uri, mga manggagawa sa mga pabrika, ospital, paaralan, shopping center, opisina... yung mga pinakamalapit sa atin.
Kailangang magsama sama, magdebate, ang bagong henerasyon ng mga manggagawa, na ngayon ay dinadala ang sulo, upang muling mahalaw ang mga dakilang aral ng mga nakaraang pakikibaka. Kailangang sabihin ng mas matandang henerasyon sa nakakabatang henerasyon ang kanilang mga pakikibaka, upang ang naipong karanasan ay maipasa at maging sandata sa mga pakikibaka na darating.
Ano naman ang bukas?
Pero kailangan din nating umabante. Ang alon ng pandaigdigang pakikibaka na nagsimula noong Mayo 1968 ay reaksyon sa pagbagal ng paglago at muling paglitaw ng kawalan ng trabaho ng karamihan. Ngayon, mas malala na ang sitwasyon. Ang mapaminsalang kalagayan ng kapitalismo ay inilagay sa peligro ang mismong kaligtasan ng sangkatauhan. Kung hindi tayo magtagumpay sa pagpapabagsak nito, unti unting papalit ang barbarismo.
Ang momentum ng Mayo '68 ay naputol sa pamamagitan ng dobleng kasinungalingan ng burgesya: nang bumagsak ang mga rehimeng Stalinista noong 1989-91, sinabi nila na ang pagbagsak ng Stalinismo ay nangangahulugan ng pagkamatay ng komunismo at bumukas ang isang bagong panahon ng kapayapaan at kasaganaan. Pagkalipas ng tatlong dekada, alam natin mula sa karanasan na sa halip na kapayapaan at kasaganaan, naranasan natin ang digmaan at kahirapan. Kailangan pa rin nating maunawaan na ang Stalinismo ay ang kabaliktaran ng komunismo, na ito ay partikular na brutal na anyo ng kapitalismo ng estado na lumitaw mula sa kontra-rebolusyon ng 1920s. Sa pagpalsipika ng kasaysayan, sa pagpasa ng Stalinismo bilang komunismo (tulad ng USSR kahapon at China, Cuba, Venezuela o North Korea ngayon!), nagawa ng burgesya na papaniwalain ang uring manggagawa na ang rebolusyonaryong proyekto ng pagpapalaya nito ay maaari lamang humantong sa kapahamakan. Hanggang sa ang hinala at kawalan ng tiwala ay napunta sa mismong salitang "rebolusyon".
Ngunit sa pakikibaka, unti unti nating linangin ang ating kolektibong lakas, tiwala sa sarili, pakikiisa, pagkakaisa, sariling organisasyon. Sa pakikibaka, unti-unti nating mapagtanto na tayo, ang uring manggagawa, ay may kakayahang mag-alok ng ibang kinabukasan kaysa sa bangungot na ipinangako ng nabubulok na kapitalistang sistema: ang komunistang rebolusyon.
Lumalago ang perspektiba ng proletaryong rebolusyon, sa ating isipan at sa ating mga pakikibaka.
Ang hinaharap ay para sa makauring pakikibaka!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
22 Abril 2023
Salin mula sa: https://en.internationalism.org/content/17345/we-have-go-further-1968 [53]
Simula noong Sabado, isang delubyo ng apoy at bakal ang umuulan sa mga taong naninirahan sa Israel at Gaza. Sa isang panig, Hamas. Sa kabilang panig, ang hukbo ng Israel. Sa gitna, ay mga sibilyan na binobomba, binabaril, pinatay at hinostage. Libu-libo na ang namatay.
Sa buong mundo, nanawagan ang burgesya na pumili tayo ng panig. Para sa Palestine laban sa pang-aapi ng Israel. O para sa tugon ng Israel laban sa terorismo ng Palestine. Tinuligsa ng bawat isa ang barbaridad ng katunggali upang bigyang katwiran ang digmaan. Sa loob ng ilang dekada inaapi ng estado ng Israel ang mamamayang Palestino, sa pamamagitan ng blokeyo, pang-uusig, checkpoint at pagpapahiya, kaya lehitimo ang paghihiganti. Ang mga organisasyong Palestino ay pumapatay ng mga inosenteng tao sa pamamagitan ng mga pag-atake gamit ang kutsilyo at pambobomba. Bawat panig ay nanawagan na patayn ang katunggali.
Ang nakamamatay na lohikang ito ay lohika ng imperyalistang digmaan! Ang ating mga mapagsamantala at ang kanilang mga estado ang laging naglulunsad ng walang awang digmaan para ipagtanggol ang kanilang sariling interes. At tayo, ang uring manggagawa, ang pinagsasamantalahan, ang laging nagbabayad, ng ating buhay.
Para sa atin, mga proletaryado, walang panig na pipiliin, wala tayong bansa, walang bansang ipagtatanggol! Sa magkabilang panig ng hangganan, tayo ay magkapatid sa uri! Israel man o Palestine!
Ang ikadalawampung siglo ay siglo ng mga digmaan, ang pinakamalupit na digmaan sa kasaysayan ng tao, at wala sa mga ito ang nagsilbi sa interes ng mga manggagawa. Ang huli ay palaging tinatawag na lumahok at mamatay na milyun-milyon ang bilang para sa interes ng mga nagsasamantala sa kanila, sa ngalan ng pagtatanggol sa "amang bayan", "sibilisasyon", "demokrasya", maging sa "sosyalistang inang bayan" (tulad ng ipinakilala ni Stalin sa USSR at sa gulag).
Ngayon, may panibagong digmaan sa Gitnang Silangan. Sa magkabilang panig, nanawagan ang mga naghaharing paksyon sa mga pinagsamantalahan na "ipagtanggol ang sariling bayan", Hudyo man o Palestino. Ang mga manggagawang Hudyo sa Israel ay pinagsamantalahan ng mga kapitalistang Hudyo, ang mga manggagawang Palestino na pinagsasamantalahan ng mga kapitalistang Hudyo o ng mga kapitalistang Arabo (at kadalasan ay mas mabangis kaysa sa mga kapitalistang Hudyo dahil, sa mga kumpanyang Palestino, ang batas sa paggawa ay batas pa rin ng dating Imperyong Ottoman).
Mabigat na nagdurusa ang mga manggagawang Hudyo dahil sa kabaliwan ng burgesya sa digmaan na dinanas nila sa loob ng limang digmaan mula pa noong 1948. Sa sandaling nakalabas sila mula sa mga kampo ng konsentrasyon at ghettos ng Uropa na winasak ng pandaigdigang digmaan, ang mga lolo at lola ng mga taong ngayon ay nagsusuot ng uniporme ng Tsahal (Israel Defence Forces) ay hinatak sa digmaan sa pagitan ng Israel at ng mga bansang Arabo. Pagkatapos ay ang kanilang mga magulang ay nagbayad ng dugo sa mga digmaan ng '67, '73 at '82. Ang mga sundalong ito ay hindi kasuklam-suklam na mga berdugo na ang tanging iniisip ay patayin ang mga batang Palestino. Sila ay mga batang conscript, karamihan ay mga manggagawa, na namamatay sa takot at pagkasuklam, na napilitang kumilos bilang mga pulis at ang mga utak ay puno ng propaganda tungkol sa "barbaridad" ng mga Arabo.
Ang mga manggagawang Palestino din, ay teribleng nagbayad ng dugo. Pinalayas mula sa kanilang mga tahanan noong 1948 sa pamamagitan ng digmaang isinagawa ng kanilang mga lider, ginugol nila ang karamihan sa kanilang buhay sa mga kampo ng konsentrasyon, na naka-conscript bilang mga tinedyer sa Fatah, PFLP o milisya ng Hamas.
Ang pinakamalaking masaker sa mga Palestino ay hindi isinagawa ng hukbo ng Israel, kundi ng mga bansang doon sila itinapon, tulad ng Jordan at Lebanon: noong Setyembre 1970 ("Black September") maramihan silang pinatay ng "Little King" na si Hussein, hanggang sa punto na ang ilan sa kanila ay lumikas papuntang Israel upang makatakas sa kamatayan. Noong Setyembre 1982, pinaslang sila ng mga milisyang Arabo (aminadong Kristiyano at kaalyado ng Israel) sa mga kampo ng Sabra at Shatila sa Beirut.
Ngayon, sa ngalan ng "Palestinian homeland", ang mga manggagawang Arabo ay muling pinakilos laban sa mga Israeli, na ang karamihan sa kanila ay mga manggagawang Israeli, gayundin ang huli ay hinihikayat na mamatay para ipagtanggol ang "lupang pangako".
Kasuklam-suklam na umaagos ang propagandang nasyonalista mula sa magkabilang panig, ang propagandang nagpapamanhid ng isip na dinisenyo upang gawing mabangis na hayop ang mga tao. Mahigit kalahating siglo na itong iwinasiwas ng burgesya ng Israel at Arabo. Ang mga manggagawang Israeli at Arabo ay palaging sinabihan na kailangan nilang ipagtanggol ang lupain ng kanilang mga ninuno. Para sa una, ang sistematikong militarisasyon ng lipunan ay naging mapagkubkob na psychosis upang gawin silang "mabubuting sundalo". Para sa huli, ang hangarin ay nakatuon sa pakikipaglaban sa Israel upang magkaroon ng tahanan. At upang magawa ito, ang mga pinuno ng mga bansang Arabo kung saan sila ay mga refugee ay itinabi sa kampo ng konsentrasyon sa loob ng ilang dekada, na may hindi matiis na mga kondisyon ng pamumuhay.
Ang nasyonalismo ay isa sa pinakamasamang ideolohiyang inimbento ng burgesya. Ito ay ideolohiya na tinatakpan ang antagonismo sa pagitan ng mga mapagsamantala at pinagsamantalahan, upang pag-isahin silang lahat sa likod ng iisang watawat, kung saan ang mga pinagsamantalahan ay papatayin para paglingkuran ang mga mapagsamantala, sa pagtatanggol sa interes at pribilehiyo ng naghaharing uri.
Upang makompleto ang lahat ng ito, sa digmaang ito ay idinagdag ang lason ng propaganda ng relihiyon, isang klase na lumikha ng nakakabaliw na panatisismo. Ang mga Hudyo ay pinakilos para ipagtanggol ang Wailing Wall ng Templo ni Solomon sa pamamagitan ng kanilang dugo. Ang mga Muslim ay kailangang magbuwis ng kanilang buhay para sa Mosque ng Omar at sa mga banal na lugar ng Islam. Ang nangyayari ngayon sa Israel at Palestine ay malinaw na patunay na ang relihiyon ay "opyum ng mga tao", tulad ng sinabi ng mga rebolusyonaryo ng ika-19 siglo. Ang layunin ng relihiyon ay aliwin ang mga pinagsamantalahan at inaapi. Sinabihan sila na ang buhay sa lupa ay impiyerno at maging masaya sila matapos mamatay kung alam nila paano maliligtas. At ang kaligtasang ito ay makakamit sa pamamagitan ng sakripisyo, pagpapasakop, kahit na isuko ang kanilang buhay sa paglilingkod sa "banal na digmaan".
Ang katotohanan, sa simula ng ika-21 siglo, ang mga ideolohiya at pamahiin na nagmula pa noong sinaunang panahon o ng Middle Ages ay malawak pa ring ginagamit upang himukin ang mga tao na isakripisyo ang kanilang buhay ay malawakang pinakita sa nalulubog sa barbarismo na Gitnang Silangan, kasama ang iba pang maraming bahagi ng mundo.
Ang mga pinuno ng mga malalaking kapangyarihan ang lumikha ng mala-impiyernong sitwasyon kung saan ang mga pinagsamantalahang mamamayan ng rehiyong ito ay libu-libong namamatay ngayon. Ito ay ang burgesya ng Uropa, at partikular na ang burgesyang Briton sa kanyang "Balfour Declaration" ng 1917, na, upang hatiin at sakupin, ay nagpahintulot sa paglikha ng isang "tahanan ng mga Hudyo" sa Palestine, kaya itinataguyod ang sobinistang utopyang Zionismo. Ang mga burgesya ring ito pagkatapos manalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay itinapon ang daan-daang libong mga Hudyo sa Gitnang Uropa sa Palestine pagkatapos lisanin ang mga kampo o malayong gumagala mula sa rehiyong pinagmulan. Nangangahulugan ito na hindi nila kailangang dalhin sila sa kanilang mga bansa.
Ang mga burgesya ring ito, una ang mga Briton at Pranses, pagkatapos ay ang burgesyang Amerikano, ang matinding nag-armas sa Estado ng Israel upang bigyan ito ng papel bilang sibat ng bloke ng Kanluran sa rehiyong ito noong panahon ng Cold War, samantalang ang USSR, sa panig nito, ay inarmasan ang mga kaalyado nitong Arabo hangga't maaari. Kung wala ang mga malalaking "sponsors" na ito, hindi magaganap ang mga digmaan noong 1956, ‘67, ‘73 at ‘82.
Ngayon, ang mga burgesya ng Lebanon, Iran at marahil Russia ay inarmasan at nagtutulak sa Hamas. Ang Estados Unidos ay nagpadala lamang ng pinakamalaking aircraft carrier nito sa Mediterranean at inihayag ang mga panibagong pagbigay ng armas sa Israel. Sa katunayan, ang lahat ng mga mayor na kapangyarihan ay direktang lumahok sa digmaang ito at sa mga masaker na ito!
Ang panibagong digmaang ito ay nagbabanta na ibalibag sa matinding kaguluhan ang buong Gitnang Silangan! Hindi ito ang kataposan ng pagdalamhati sa madugong tunggalian sa sulok na ito ng mundo. Ang lawak ng mga pagpatay ay nagpahiwatig na ang barbaridad ay umabot na sa bagong antas: ang mga kabataang sumasayaw sa piyesta ng putok ng mga machine gun, mga kababaihan at mga bata na malapitang pinatay sa kalye, na walang ibang layunin kundi ang masiyahan sa pagnanais na makapaghiganti, sunud-sunod na mga pambobomba para lipulin ang buong populasyon, dalawang milyong tao sa Gaza ang pinagkaitan ng lahat, tubig, kuryente, gas, pagkain... Walang lohikang militar sa lahat ng kalupitan na ito, sa lahat ng krimen na ito! Ang magkabilang panig ay nalublob sa pinaka-kakila-kilabot at di-makatwirang galit na pumatay!
Pero may mas seryoso pa: hindi na muling magsasara ang Pandora’s box na ito. Tulad ng Iraq, Afghanistan, Syria at Libya, wala ng atrasan, walang "panunumalik ng kapayapaan". Hinahatak ng kapitalismo ang lumalaking bahagi ng sangkatauhan sa digmaan, kamatayan at pagkabulok ng lipunan. Ang digmaan sa Ukraine ay halos dalawang taon nang nagaganap at nakulong sa walang katapusang patayan. May mga masaker din sa Nagorno-Karabakh. At may banta na ng panibagong digmaan sa pagitan ng mga bansa ng dating Yugoslavia. Ang kapitalismo ay digmaan!
Ang mga manggagawa ng lahat ng bansa ay kailangang tumanggi na pumanig sa anumang burges na kampo. Sa partikular, kailangan nilang tumangging magpaloko sa retorika ng mga partidong nagsasabing para sa uring manggagawa, ng mga partido ng kaliwa at dulong-kaliwa, na humihiling sa kanila na magpakita ng "pagkakaisa sa masang Palestino" sa kanilang paghahanap ng kanilang karapatan sa isang "sariling bayan". Ang sariling bayan ng Palestino ay walang iba kundi isang burges na estado na naglilingkod sa uring mapagsamantala at inaapi ang mga masang ito, na may mga pulis at bilangguan. Ang pakikiisa ng mga manggagawa ng mga pinaka-abanteng kapitalistang bansa ay hindi para sa mga "Palestino" tulad ng hindi ito para sa mga "Israeli", na mayroong mapagsamantala at pinagsamantalahan. Ito ay para sa mga manggagawa at walang trabaho ng Israel at Palestine (na, higit sa lahat, ay naglunsad ng mga pakikibaka laban sa mga nagsamantala sa kanila sa kabila ng lahat ng brainwashing sa kanila), tulad ng ginagawa ng mga manggagawa sa iba pang mga bansa ng mundo. Ang pinakamagandang pakikiisa na maibibigay nila ay tiyak hindi upang hikayatin sila sa kanilang mga ilusyon ng nasyonalismo.
Ang solidaridad na ito ay higit sa lahat ay nangangahulugan ng pagpapaunlad ng kanilang pakikibaka laban sa kapitalistang sistema na responsable sa lahat ng digmaan, isang pakikibaka laban sa kanilang sariling burgesya.
Makakamit ng uring manggagawa ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagbagsak sa kapitalismo sa pandaigdigang saklaw, at ngayon ito ay nangangahulugan ng pagpapaunlad ng mga pakikibaka nito sa makauring tereyn, laban sa napakalupit na pag-atake sa ekonomiya na pinataw na isang sistema na nasa wala ng kalutasan na krisis.
Laban sa nasyonalismo, laban sa mga digmaan na nais kayong hatakin ng mga nagsasamantala sa inyo:
Mga manggagawa ng lahat ng bansa, magkaisa!
IKT, 9 Oktubre 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17406/neither-israel-nor-palestine-workers-have-no-fatherland [54]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 112.55 KB |
"Pagkasindak", "mga masaker", "terorismo", "teror", "krimen ng digmaan", "humanitarian catastrophe", "pagpatay ng lahi"... mga salita na tumilamsik sa mga unang pahina ng internasyonal na media ay malinaw na naglalarawan sa lawak at barbaridad sa Gaza.
Noong 7 Oktubre, pinatay ng Hamas ang 1,400 Israeli, at tinutugis ang mga matatandang lalaki, babae at bata sa kanilang mga tahanan. Mula noon, ang Estado ng Israel ay naghiganti at maramihang pumatay. Ang delubyo ng mga bomba na umuulan araw at gabi sa Gaza ay naging sanhi na ng pagkamatay ng higit sa 10,000 Palestino, kabilang ang 4,800 mga bata. Sa gitna ng mga gumuhong gusali, ang mga nakaligtas ay pinagkaitan ng lahat: tubig, kuryente, pagkain at mga gamot. Mismong sa mga sandaling ito, dalawa't kalahating milyong Gazans ang nanganganib na mamatay sa gutom at epidemya, 400,000 sa kanila ay mga bilanggo sa Gaza City, at araw-araw ay daan-daan ang namatay, na pinasabog ng mga missile, na dinurog ng mga tangke, na pinaslang ng mga bala.
Ang kamatayan ay nasa lahat ng dako sa Gaza, tulad ng sa Ukraine. Huwag nating kalimutan ang pagwasak ng Marioupol ng hukbong Ruso, ang paglikas ng mga tao, ang trench warfare na ibinaon ng buhay ang mga tao. Hanggang ngayon, halos 500,000 katao ang inaasahang namatay. Kalahati sa bawat panig. Ang isang buong henerasyon ng mga Russians at Ukrainians ay ngayon ay isinasakripisyo sa altar ng pambansang interes, sa ngalan ng pagtatanggol sa tinubuang lupa. At marami pang darating: sa katapusan ng Setyembre, sa Nagorno Karabakh, 100,000 katao ang napilitang tumakas sa harap ng hukbong Azerbaijan at sa banta ng pagpatay ng lahi. Sa Yemen, ang tunggalian na hindi pinag-uusapan ay nagbunga ng higit sa 200,000 biktima at nagdurusa sa malnutrisyon ang 2.3 milyong mga bata. Ang parehong kakila-kilabot ng digmaan ay isinasagawa sa Ethiopia, Myanmar, Haiti, Syria, Afghanistan, Mali, Niger, Burkina Faso, Somalia, Congo, Mozambique... At bumubukal ang komprontasyon sa pagitan ng Serbia at Kosovo.
Sino ba ang may kagagawan ng lahat ng barbaridad na ito? Hanggang saan kaya lumaganap ang digmaan? At higit sa lahat, anong puwersa ang makakapigil dito?
Sa oras ng pagsulat, ang lahat ng mga bansa ay tumatawag sa Israel na "huminahon" o "suspindihin" ang opensiba nito. Ang Russia ay humihingi ng isang tigil-putukan, na inatake ang Ukraine na may parehong kabangisan isang taon at kalahati na ang nakalipas, at pinaslang ang 300,000 sibilyan sa Chechnya noong 1999 sa pangalan ng parehong "paglaban sa terorismo". Sinabi ng Tsina na nais nito ng kapayapaan, ngunit pinupuksa nito ang populasyon ng Uighur at binantaan ang mga naninirahan sa Taiwan ng mas malaking delubyo ng apoy. Nais ng Saudi Arabia at mga kaalyado nitong Arabo na wakasan ang opensiba ng Israel habang nililipol nila ang populasyon ng Yemen. Tutol ang Turkey sa pag-atake sa Gaza habang nangangarap na puksain ang mga Kurd. Tungkol naman sa mga pangunahing demokrasya, matapos suportahan ang "karapatan ng Israel na ipagtanggol ang sarili", nanawagan sila ngayon para sa "isang makataong tigil-putukan" at "paggalang sa internasyonal na batas", habang ipinakita ang kanilang kadalubhasaan sa maramihang masaker na may kapansin-pansin na regularidad mula pa noong 1914.
Ito ang pangunahing argumento ng Estado ng Israel: "ang pagpuksa sa Gaza ay lehitimo": ganun din ang sinabi tungkol sa mga bomba nukleyar na pinakawalan sa Hiroshima at Nagasaki, at sa carpet-bombing sa Dresden at Hamburg. Isinagawa ng Estados Unidos ang mga digmaan sa Afghanistan at Iraq na may parehong mga argumento at parehong mga pamamaraan tulad ng Israel ngayon! Lahat ng estado ay mga kriminal sa digmaan! Malaki man o maliit, kontrolado o makapangyarihan, maliwanag na warmongering o mahinahon, lahat sila, ang totoo ay nakibahagi sa imperyalistang digmaan sa pandaigdigang arena, at lahat sila ay itinuturing ang uring manggagawa bilang pambala ng kanyon.
Ang mga mapagkunwari at mapanlinlang na tinig na ito ay nagnanais na papaniwalain tayo ngayon sa kanilang pagsusulong ng kapayapaan at solusyon: ang pagkilala sa Israel at Palestina bilang dalawang malaya at awtonomiyang mga estado. Ang Palestinian Authority, Hamas at Fatah ay nagpakita kung ano ang magiging kalagayan ng estadong ito: tulad ng iba, sasamantalahin nito ang mga manggagawa; tulad ng iba, sinusupil nito ang masa; Tulad ng lahat ng iba pa, ito ay pupunta sa digmaan. Mayroon nang 195 "independyente at awtonomiyang" estado sa planeta: magkasama, gumugol sila ng mahigit 2,000 bilyong dolyar kada taon sa "pagtatanggol"! At sa taong 2024, ang mga badyet na ito ay nakatakdang mas lalaki pa.
Kaya bakit ngayon lang nagdeklara ang UN: "Kailangan natin ng agarang makataong tigil-putukan. Tatlumpung araw na po. Tama na. Kailangang tumigil ito ngayon"? Malinaw, nais ng mga kaalyado ng Palestina na wakasan ang opensiba ng Israel. Tungkol naman sa mga kaalyado ng Israel, ang mga "dakilang demokrasya" na nagsasabing iginagalang ang "internasyonal na batas", hindi nila maaaring hayaan ang hukbo ng Israel na gawin ang gusto nito nang walang katuwiran. Ang mga masaker ng IDF ay lahat ay kitang-kita. Lalo na dahil ang "mga demokrasya" ay nagbigay ng suporta militar sa Ukraine laban sa "pagsalakay ng Russia" at ang "mga krimen sa digmaan" nito. Ang barbaridad ng dalawang "agresyon" ay hindi dapat payagan na lumitaw na masyadong magkatulad.
Pero may mas malalim pang dahilan: lahat ay nagsisikap na limitahan ang pagkalat ng kaguluhan, dahil lahat ay maaaring maapektuhan, lahat ay may mawawala kung ang alitang ito ay masyado ng kumalat. An pag-atake ng Hamas at ang reaksyon ng Israel ay may pagkapareho: patakaran ng walang-awang paglipol. Ang teroristang masaker kahapon at ang carpet bombing ngayon ay maaring humantong sa walang tunay at pangmatagalang tagumpay. Pinalubog ng digmaang ito ang Gitnang Silangan sa panahon ng destabilisasyon at komprontasyon.
Kung patuloy na paguhuin ng Israel ang Gaza sa lupa at ilibing ang mga naninirahan dito sa ilalim ng mga guho, may panganib na ang West Bank ay maguguho din, na hatakin ng Hezbollah ang Lebanon sa digmaan, at sa huli ang Iran ay direktang makialam. Ang pagkalat ng kaguluhan sa buong rehiyon ay hindi lamang magiging isang dagok sa impluwensya ng Amerika, kundi pati na rin sa pandaigdigang ambisyon ng Tsina, kung saan ang mahalagang Silk Road ay dumadaan sa rehiyon.
Ang banta ng ikatlong digmaang pandaigdig ay nasa labi ng lahat. Bukas itong pinagtatalunan ng mga mamahayag sa telebisyon. Sa totoo lang, mas nakakapinsala ang kasalukuyang sitwasyon. Walang dalawang bloke, maayos na nakaayos at disiplinado, na nakaharap sa isa't isa, tulad ng nangyari noong 1914-18 at 1939-45, o sa buong Cold War. Bagama't lalong malupit at mapang-api ang kumpetisyon sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos sa ekonomiya at digmaan, ang iba pang mga bansa ay hindi yumuyuko sa mga utos ng isa o iba pang dalawang dambuhalang ito; Sila ay naglalaro ng kanilang sariling laro, sa kaguluhan, hindi malaman ang susunod na mangyari at kaligaligan. Sinalakay ng Russia ang Ukraine laban sa payo ng mga Tsino. Dinudurog ng Israel ang Gaza laban sa payo ng Amerika. Ang dalawang alitang ito ay nagpapahiwatig ng panganib na nagbabanta sa lahat ng sangkatauhan ng kamatayan: ang pagpaparami ng mga digmaan na ang tanging layunin ay destabilisasyon o lipulin ang kaaway; walang katapusang kadena ng mga di-makatwiran at nihilistikong mga aksyon; bawat tao para sa kanyang sarili, na kasingkahulugan ng hindi mapigilan na kaguluhan.
Para sa ikatlong digmaang pandaigdig, kailangang maging handa ang mga proletaryo ng Kanlurang Europa, Hilagang Amerika at Silangang Asya na isakripisyo ang kanilang buhay sa ngalan ng Amang Bayan, mag-armas at patayin ang isa’t-isa para sa watawat at pambansang interes, na absolutong hindi nangyayari ngayon. Ngunit kung ano ang nasa proseso ng pag-unlad ay hindi nangangailangan ng suporta na ito, ang paglahok ng masa. Mula noong unang bahagi ng 2000s, ang mas malawak na nasasakupan ng planeta ay nahulog sa karahasan at kaguluhan: Afghanistan, Iraq, Syria, Libya, Lebanon, Ukraine, Israel at Palestine... Ang gangrenang ito ay unti-unting kumakalat, sa bawat bansa, sa bawat rehiyon. Ito lamang ang posibleng kinabukasan ng kapitalismo, ang dekadente at nabubulok na sistemang ito ng pagsasamantala.
Kaya ano ang dapat nating gawin? Hindi dapat mag-ilusyon ang mga manggagawa ng bawat bansa tungkol sa diumano'y posibleng kapayapaan, tungkol sa anumang solusyon mula sa "internasyunal na komunidad", UN, o anumang grupo ng mga magnanakaw. Ang kapitalismo ay digmaan. Mula noong 1914, halos hindi ito tumigil, na nakakaapekto sa isang bahagi ng mundo at pagkatapos ay sa isa pa. Ang istorikal na panahon sa harap natin ay makikita ang nakamamatay na dinamiko ng pagkalat at pagpapalakas na ito, na may lumalaking hindi maarok na barbaridad.
Kaya kailangang ang mga manggagawa ng bawat bansa ay dapat tumangging maakit, kailangan nilang tumangging pumanig sa isang burges na kampo laban sa karibal nito, sa Silangan, sa Gitnang Silangan, at sa lahat ng dako. Kailangan nilang tumangging magpaloko sa retorika na humihiling sa kanila na magpakita ng "pakikisa" sa "mga mamamayang Ukrainian na inaatake", sa "Russia na nasa peligro", sa "masang Palestino na pinaslang", sa "sinusupil na mga Israelis"... Sa lahat ng digmaan, sa magkabilang panig ng mga hangganan, laging pinamunuan ng estado na papaniwalain ang mga tao na may tunggalian sa pagitan ng mabuti at masama, sa pagitan ng barbarismo at sibilisasyon. Sa totoo lang, ang lahat ng digmaang ito ay laging isang komprontasyon sa pagitan ng mga magkakatunggali na bansa, sa pagitan ng mga karibal na burgesya. Ito ay mga tunggalian kung saan namamatay ang mga pinagsamantalahan para sa kapakanan ng mga nagsasamantala sa kanila.
Kaya ang pakikiisa ng mga manggagawa ay hindi dapat para sa mga "Palestino" tulad ng hindi ito para sa mga "Israeli", "Ukrainians", o "Russians", dahil sa lahat ng mga nasyonalidad na ito ay may mga mapagsamantala at pinagsamantalahan. Ito ay dapat para sa mga manggagawa at walang trabaho ng Israel at Palestine, ng Russia at Ukraine, tulad ng para ito sa mga manggagawa ng bawat iba pang mga bansa sa mundo. Hindi sa pamamagitan ng pagpapakita ng "para sa kapayapaan", hindi sa pagpili na suportahan ang isang panig laban sa kabilang panig ay maipakita natin ang tunay na pakikiisa sa mga biktima ng digmaan, sa mga sibilyang populasyon at sa mga sundalo ng magkabilang panig, sa mga proletaryong naka uniporme na ginawang pambala ng kanyon, sa mga indoktrinado at panatikong mga batang sundalo. Ang tanging pakikiisa ay pagkondena sa LAHAT ng kapitalistang estado; sa LAHAT ng partidong nanawagan sa atin na mag-rally sa likod ng ganito o ganoong pambansang watawat, ng ganito o ganoong kawsa ng digmaan; sa LAHAT ng mga taong nanlilinlang sa atin sa ilusyon ng kapayapaan at "mabuting relasyon" sa pagitan ng mga tao.
Ang pakikiisa ay higit sa lahat ay nangangahulugan ng pagpapaunlad ng ating pakikibaka laban sa kapitalistang sistema na siyang responsable sa lahat ng digmaan, paglaban sa pambansang burgesya at sa kanilang estado.
Ipinakita ng kasaysayan na ang tanging puwersang makapagwakas sa kapitalistang digmaan ay ang uring pinagsamantalahan, ang proletaryado, ang direktang kaaway ng uring burgesya. Ganito ang nangyari nang ibagsak ng mga manggagawa ng Rusya ang burges na estado noong Oktubre 1917 at naghimagsik ang mga manggagawa at sundalo ng Alemanya noong Nobyembre 1918: ang mga dakilang kilusan ng pakikibaka na ito ng proletaryado ay pinilit ang mga pamahalaan na lagdaan ang pagtigil ng digmaan. Ito ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig: ang lakas ng rebolusyonaryong proletaryado! Kailangang makamit ng uring manggagawa ang tunay at depinitibong kapayapaan sa lahat ng dako sa pamamagitan ng pagbagsak sa kapitalismo sa pandaigdigang saklaw.
Ang mahabang daang ito ay nasa ating harapan. Ngayon, nangangahulugan ito ng pagbuo ng mga pakikibaka sa isang makauring tereyn, laban sa lalong malupit na pag-atake sa ekonomiya na inilatag sa atin ng isang sistemang nahulog sa isang di-madaraig na krisis. Dahil sa pagtanggi sa pagkasira ng ating pamumuhay at kalagayan sa pagtatrabaho, sa pagtanggi sa walang hanggang sakripisyong ginawa sa ngalan ng pagbalanse ng badyet, pagiging mapagkumpitensya ng pambansang ekonomiya o pagsisikap sa digmaan, nagsisimula tayong manindigan laban sa pundasyon ng kapitalismo: ang pagsasamantala ng tao sa tao.
Sa mga pakikibaka, tayo ay magkasamang naninindigan, tayo ay nagpapaunlad ng ating pagkakaisa, tayo ay nagdedebate at nagiging mulat sa ating lakas kapag tayo ay nagkakaisa at organisado. Sa kanyang makauing pakikibaka, ang proletaryado ay nagdadala sa loob nito ng isang mundo na eksaktong kabaligtaran ng kapitalismo: sa isang banda, ang pagkakahati-hati sa mga bansang nakikibahagi sa kumpetisyon na tulad ng ekonomiya at digmaan hanggang sa punto ng pagkawasak ng isa't isa; sa kabilang banda, isang potensyal na pagkakaisa ng lahat ng pinagsamantalahan ng mundo. Sinimulan na ng proletaryado ang pagtahak sa mahabang daang ito, upang gumawa ng ilang hakbang: sa panahon ng "galit sa tag- init" sa United Kingdom sa 2022, sa panahon ng panlipunang kilusan laban sa reporma sa pensyon sa Pransya sa unang bahagi ng 2023, sa panahon ng makasaysayang welga sa sektor ng kalusugan at sasakyan sa Estados Unidos sa mga nakaraang linggo. Ang internasyunal na dinamikong ito ay nagmarka ng makasaysayang pagbabalik ng paglaban ng mga manggagawa, ang lumalaking pagtanggi na tanggapin ang permanenteng pagkasira ng kalagayan ng pamumuhay at pagtatrabaho, at ang tendensiyang magpakita ng pagkakaisa sa pagitan ng mga sektor at sa pagitan ng mga henerasyon bilang mga manggagawa na nakibaka. Sa hinaharap, ang mga kilusan ay kailangang pag-ugnayin ang krisis sa ekonomiya at digmaan, sa pagitan ng mga sakripisyong hinihingi at ng pagbuo ng mga badyet at patakaran ng armas, sa pagitan ng lahat ng mga salot na dala-dala ng kapitalismo, sa pagitan ng mga krisis sa ekonomiya, digmaan at klima na nagpapalala sa bawat isa.
Laban sa nasyonalismo, laban sa mga digmaan na nais tayong hilahin ng mga nagsamantala sa atin, ang mga lumang islogan ng kilusang manggagawa na nasa Manipesto ng Komunista ng 1848 ay mas may kahalagahan ngayon kaysa dati:
“Ang mga manggagawa ay walang bansa!
Mga manggagawa ng lahat ng mga bansa, magkaisa!”
Para sa pagpapaunlad ng makauring pakikibaka ng internasyunal na proletaryado!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 7 Nobyembre 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17421/massacres-and-wars-israel-gaza-ukraine-azerbaijan-capitalism-sows-death-how-can-we [56]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 81.05 KB |
"Dapat nating sabihin na tama na! Hindi lang tayo, kundi ang buong uring manggagawa ng bansang ito ay dapat sabihin, sa isang ispisipikong panahon, na tama na" (Littlejohn, maintenance supervisor in the skilled trades ng Ford’s Buffalo stamping plant sa Estados Unidos).
Sinuma ng manggagawang Amerikano na ito sa isang pangungusap kung ano ang nahihinog na kamulatan sa buong uring manggagawa, sa bawat bansa. Isang taon na ang nakalipas, ang "Galit sa Tag-init" ay sumiklab sa United Kingdom. Sa pamamagitan ng chanting "Tama na", umalingawngaw sa mga manggagawang Briton ang panawagan na muling makibaka pagkatapos ng mahigit tatlumpung taon na pananahimik at pagsuko.
Ang panawagang ito ay dininig lagpas sa mga hangganan. Mula sa Greece hanggang Mexico, ang mga welga at demonstrasyon laban sa parehong hindi matiis na paglala sa ating mga kondisyon sa pamumuhay at pagtatrabaho ay nagpatuloy hanggang sa kataposan ng 2022 at simula ng 2023.
Sa kalagitnaan ng taglamig sa Pransya, isang karagdagang hakbang ang ginawa: pinagtibay ng mga manggagawa ang ideya na "tama na". Ngunit sa halip na magparami ng mga lokal at korporatistang pakikibaka, na nakahiwalay sa isa't isa, nagawa nilang magtipon ng milyun-milyon sa mga lansangan. Sa kinakailangang mapanlabang diwa ay idinagdag nila ang puwersa ng napakalaking bilang. At ngayon ay sa Estados Unidos ang mga manggagawa ay nagsisikap na dalhin ang sulo ng pakikibaka paabante pa.
Isang istriktong media blackout ang pumapalibot sa kilusang panlipunan na kasalukuyang nagliliyab sa nangungunang kapangyarihang pang-ekonomiya sa mundo. At may kapuri-puring dahilan: sa isang bansang gumuho sa loob ng ilang dekada dahil sa kahirapan, karahasan, droga, rasismo, takot at indibidwalismo, ipinapakita ng mga pakikibaka na ito na posible ang isang lubos na ibang landas.
Sa gitna ng lahat ng welgang ito ay nagniningning ang tunay na pagdagsa ng pagkakaisa ng mga manggagawa: "Napupuno na kaming lahat: napupuno na ang mga temp, napupuno na ang mga matagal nang empleyado na tulad ko... kasi ang mga temp na ito ay mga anak natin, mga kapitbahay natin, mga kaibigan natin" (parehong empleyado ng New York). Ganito ang pagkakaisa ng mga manggagawa, sa pagitan ng mga henerasyon: ang mga "matatanda" ay hindi nagwelga para lamang sa kanilang sarili, kundi higit sa lahat para sa mga "kabataan" na nagdurusa ng mas masahol pang kalagayan sa pagtatrabaho at mas mababa pa ang sahod.
Unti-unting lumalaki ang pakiramdam ng pagkakaisa sa uring manggagawa kapag natanto natin na tayong "lahat ay magkakasama": "Ang lahat ng grupong ito ay hindi lamang magkakahiwalay na kilusan, kundi isang kolektibong sigaw: tayo ay populasyon ng mga manggagawa - blue-collar at white-collar, union at non-union, immigrant at native-born" (Los Angeles Times).
Ang kasalukuyang mga welga sa Estados Unidos ay nagsama-sama nang higit pa sa mga sektor na kasangkot. "Ang Stellantis complex sa Toledo, Ohio, ay puno ng mga palakpak at busina sa pagsisimula ng welga" (The Wall Street Journal). "Sinusuportahan ng mga busina ang mga welgista sa labas ng planta ng carmaker sa Wayne, Michigan" (The Guardian).
Ang kasalukuyang alon ng mga welga ay may istorikal na kahalagahan:
- scriptwriters at aktor sa Hollywood ay sama-samang nakibaka sa unang pagkakataon sa loob 63 taon;
- pribadong nars sa Minnesota at Wisconsin ay nagsagawa ng pinakamalaking welga sa kanilang kasaysayan;
- Sa Los Angeles ang mga manggagawa sa munisipal ay naglunsad ng welga sa unang pagkakataon sa loob ng 40 taon;
- manggagawa mula sa "Big Three" (General Motors, Ford, Chrysler) pinangunahan ang isang walang katulad na magkasanib na pakikibaka;
- Permanenteng manggagawa sa Kaiser, na nagwelga sa maraming mga estado, ay pinangunahan ang pinakamalaking demonstrasyon sa kasaysayan na ini-organisa ng sektor ng kalusugan.
Maaari rin nating idagdag ang maraming welga nitong mga nakaraang linggo sa Starbucks, Amazon at McDonald's, sa mga aviation at railway factory, o ang unti-unting kumalat sa lahat ng hotel sa California... Lahat ng manggagawang ito ay nakikipaglaban para sa disenteng sahod sa harap ng lumalaking inplasyon na lalupang nagtulak sa kanila sa kahirapan.
Sa lahat ng mga welgang ito, ipinapakita ng proletaryado ng Amerika na posible ring lumaban ang mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa Uropa, hanggang ngayon, ito ay higit sa lahat mga manggagawa sa pampublikong sektor ang kumikilos, ang takot na mawalan ng trabaho ay isang mapagpasyang preno para sa mga empleyado sa mga pribadong kumpanya. Ngunit nahaharap sa lalong hindi matiis na kondisyon ng pagsasamantala, lahat tayo ay mapilitang lumaban. Ang hinaharap ay para sa makauring pakikibaka sa lahat ng sektor, magkasama at nagkakaisa!
Muling tumaas ang galit sa Uropa, Asya at Oceania. Ang Tsina, Korea at Australia ay nakararanas din ng magkakasunod na welga mula pa noong tag-init. Sa Greece, sa pagtatapos ng Setyembre, isang kilusang panlipunan ng sama-samang sektor ng transportasyon, edukasyon at kalusugan upang iprotesta ang isang panukalang reporma sa paggawa na idinisenyo upang gawing mas pleksible ang trabaho. Ang Oktubre 13 ay nagmarka ng pagbabalik ng mga demonstrasyon sa Pransya, sa isyu ng sahod. Sa Espanya rin, nagsimula nang umihip ang hangin ng galit: noong Oktubre 17 at 19, nagwelga sa pribadong sektor ng edukasyon; noong Oktubre 24, isang welga sa sektor ng pampublikong edukasyon; noong Oktubre 25, isang welga ng buong pampublikong sektor ng Basque; sa 28 Oktubre, isang demonstrasyon ng mga pensioners, atbp. Sa harap ng mga pagtataya na ito ng mga pakikibaka, ang mga pahayagan ng Espanya ay umaasa ng "isa pang mainit na taglagas".
Ang listahang ito ay hindi lamang nagpahiwatig ng tumataas na antas ng diskontento at pagiging mapaglaban ng ating uri. Inihayag din nito ang pinakamalaking kahinaan ng ating kilusan sa kasalukuyan: sa kabila ng lumalaking pagkakaisa, ang ating mga pakikibaka ay nanatiling hiwalay sa isa't isa. Maaring sabay-sabay ang ating welga, baka magkatabi pa tayo, minsan sa kalsada, pero hindi naman talaga tayo magkasamang nakibaka. Hindi tayo nagkakaisa, hindi tayo organisado bilang iisang puwersang panlipunan, sa iisang pakikibaka.
Ang kasalukuyang alon ng mga welga sa Estados Unidos ay isa pang tahasang pagpapakita nito. Nang ang kilusan ay inilunsad sa "Big Three" na mga planta ng auto, ang welga ay limitado sa tatlong "itinalaga" na mga planta: Wentzville (Missouri) para sa GM, Toledo (Ohio) para sa Chrysler, at Wayne (Michigan) para sa Ford. Ang tatlong plantang ito ay pinaghiwalay ng libu-libong milya, na imposible para sa mga manggagawa na magkasama at lumaban bilang isa.
Bakit nagkalat sila? Sino ang nag-organisa ng pagkawatak-watak na ito? Sino ang opisyal na nangasiwa sa mga manggagawang ito? Sino ang nag-organisa ng mga kilusang panlipunan? Sino ang mga "espesyalista sa pakikibaka", ang mga legal na kinatawan ng mga manggagawa? Ang mga unyon! Sa buong mundo, pinupulbos nila ang tugon ng mga manggagawa.
Ang UAW, isa sa mga pangunahing unyon sa Estados Unidos, ang "nagtalaga" sa tatlong pabrikang ito! Ang UAW, na maling tinawag ang kilusan na "malakas, nagkakaisa at napakalaki", ay sadyang nilimitahan ang welga sa 10% lamang ng unyonisadong lakas paggawa, habang ang lahat ng manggagawa ay malakas na nagpahayag ng kanilang hangaring magwelga. Nang tangkaing sumama ang mga manggagawa ng Mack Truck (Volvo trucks) sa "Big Three" sa kanilang pakikibaka, ano ang ginawa ng mga unyon? Nagmadali silang pumirma ng kasunduan para tapusin ang welga! Sa Hollywood, nang ilang buwan nang nagaganap ang welga ng mga artista at scriptwriters, nilagdaan ang isang kasunduan sa management/union kasabay ng pagsali ng mga manggagawa sa kotse sa welga.
Kahit sa Pransya, sa panahon ng mga demonstrasyon na nagsama-sama ng milyun-milyong tao sa mga lansangan, hinati-hati ng mga unyon ang mga prusisyon sa pamamagitan ng pagpapamartsa ng "kanilang" mga miyembro ng unyon na nakagrupo sa bawat kompanya, hindi magkasama kundi ang isa ay nasa likod ng isa, na pumipigil sa anumang pagtitipon o talakayan.
Sa Estados Unidos, sa United Kingdom, sa France, sa Spain, sa Greece, sa Australia at sa lahat ng ibang bansa, kung gusto nating pigilan ang organisadong paghati-hati na ito, kung gusto nating tunay na magkaisa, kung nais nating maabot ang isa't isa, upang hilahin ang isa't isa, upang palawakin ang ating kilusan, dapat nating maagaw ang kontrol ng mga pakikibaka mula sa mga kamay ng mga unyon. Ito ay ating pakikibaka, ang pakikibaka ng buong uring manggagawa!
Saanman man tayo, kailangan nating magkaisa na bukas, maramihan, sa independyente na pangkalahatang asembliya, na tunay na magdesisyon kung paano patatakbuhin ang kilusan. Pangkalahatang mga asembliya kung saan tatalakayin natin nang malawak hangga't maaari ang mga pangkalahatang pangangailangan ng pakikibaka at ang pinaka-nagkakaisang mga kahilingan. Mga pangkalahatang asembliya kung saan maaari nating itakda ang maraming delegasyon para makipag-usap sa ating mga kapatid sa uri, ang mga manggagawa sa pinakamalapit na pabrika, ospital, paaralan o administrasyon.
Sa harap ng kahirapan, sa harap ng global warming, sa harap ng karahasan ng pulisya, sa harap ng rasismo, sa harap ng karahasan sa kababaihan... sa mga nakaraang taon nagkaroon ng iba pang mga uri ng reaksyon: mga demonstrasyon ng "Yellow vests" sa Pransya, mga rali sa ekolohiya tulad ng " Youth for Climate ", mga protesta para sa pagkapantay-pantay tulad ng "Black Lives Matter" o "MeToo", o galit na sigaw tulad ng sa panahon ng mga riot sa Estados Unidos, Pransya o United Kingdom.
Ngunit ang lahat ng mga pagkilos na ito ay naglalayong magpataw ng mas patas, mas magkapantay-pantay, mas makatao at luntiang anyo ng kapitalismo. Kaya naman ang lahat ng mga reaksyong ito ay napakadaling samantalahin ng mga gobyerno at burgesya, at hindi sila nag-atubili na suportahan ang lahat ng mga "kilusan ng mamamayan" na ito. Higit pa, ang mga unyon at lahat ng pulitiko ay ginagawa ang lahat para limitahan ang mga kahilingan ng mga manggagawa sa istriktong balangkas ng kapitalismo, sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pangangailangan ng mas mahusay na pamamahagi ng kayamanan sa pagitan ng mga may-ari at empleyado. "Ngayon na ang industriya ay bumabawi, [manggagawa] ay dapat makibahagi sa tubo" deklarasyon ni Biden, ang unang Pangulo ng Amerika na pumunta sa isang picket line.
Ngunit sa paglaban sa mga epekto ng krisis sa ekonomiya, laban sa mga pag-atake na ginagawa ng mga Estado, laban sa mga sakripisyong ipinataw para paunlarin ang ekonomiya ng digmaan, ang proletaryado ay nakibaka, hindi bilang mga mamamayan na humihingi ng "mga karapatan" at "katarungan", kundi bilang mga pinagsamantalahan laban sa kanilang mga mapagsamantala at, sa huli, bilang isang uri laban sa sistema mismo. Ito ang dahilan kung bakit ang internasyunal na dinamika ng pakikibaka ng uring manggagawa ay nagdadala sa loob nito ng mga binhi ng isang pundamental na hamon sa kabuuan ng kapitalismo.
Sa Greece, sa panahon ng araw ng pagkilos sa 21 Setyembre laban sa reporma sa paggawa, pinag-ugnay ng mga demonstrador ang atakeng ito sa "natural" na mga kalamidad na sumisira sa bansa ngayong tag-init. Sa isang banda, ang kapitalismo ay sumisira sa planeta, polusyon, nagpalala ng global warming, winawasak ang kagubatan, matinding ginaw, nagpapatuyo ng lupa at nagdudulot ng pagbaha at sunog. Sa kabilang banda, tinatanggal nito ang mga trabaho na nangangalaga sa kalikasan at protektahan ang mga tao, at mas pinaboran ang paglikha ng mga eroplanong pandigma kaysa Canadairs, i.e.mga eroplano para pamatay-sunog.
Pati na rin ang pakikibaka laban sa paglala ng kalagayan ng pamumuhay at pagtatrabaho nito, ang uring manggagawa ay naging abala sa mas malawak na pagmuni-muni sa sistemang ito at sa kinabukasan nito. Ilang buwan na ang nakalipas, sa mga demonstrasyon sa Pransya, nagsimula nating makita ang mga palatandaan na tumatakwil sa digmaan sa Ukraine, na tumatangging higpitan ang ating mga sinturon para sa ekonomiya ng digmaan: "Hindi pera para sa digmaan, hindi pera para sa mga armas, pera para sa sahod, pera para sa mga pensiyon".
Ang krisis sa ekonomiya, ang krisis sa ekolohiya at ang barbaridad ng digmaan ay pawang mga sintomas ng nakamamatay na dinamika ng pandaigdigang kapitalismo. Ang delubyo ng mga bomba at bala ay umuulan sa mga tao ng Israel at Gaza habang isinusulat natin ang mga linyang ito, habang patuloy ang mga masaker sa Ukraine, na isa pang paglalarawan ng pababang pag-ikot kung saan itinutulak ng kapitalismo ang lipunan, na nagbabanta sa buhay ng buong sangkatauhan!
Ang lumalaking bilang ng mga welga ay ipinapakita ang tunggalian ng dalawang mundo: ang burges na mundo ng kompetisyon at barbaridad, at ang mundo ng pagkakaisa at pag-asa ng uring manggagawa. Ito ang malalim na kahulugan ng ating kasalukuyan at hinaharap na mga pakikibaka: ang pangako ng isa pang kinabukasan, na walang pagsasamantala o mga uri ng lipunan, walang digmaan o hangganan, walang pagkawasak ng planeta o ang paghahanap ng tubo.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
8 Oktubre 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17412/strikes-and-demonstrations... [58]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 78.45 KB |
Sa Britanya mula noong Hunyo ang sigaw ay umalingawngaw sa bawat welga:
"Tama na!"
Ang napakalaking kilusang ito, na tinawag na "Galit sa Tag-init", ay naging Galit sa Taglagas, at pagkatapos ay Galit sa Taglamig.
Ang alon ng mga welga sa UK ay simbolo ng umuunlad na pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo:
- Sa Espanya, kung saan nagwelga ang mga doktor at pediatrician sa Madrid noong katapusan ng Nobyembre, gayundin ang mga airline at rail sector noong Disyembre. Ang mga karagdagang welga sa sektor ng kalusugan ay binalak para sa Enero sa maraming rehiyon.
- Sa Alemanya, kung saan ang pagtaas ng mga presyo ay nagdulot ng takot sa mga may-ari ng kompanya kung ano ang kahihinatnan ng wala pang katulad na krisis sa enerhiya. Ang malalaking industriya ng metal at elektrikal ay sumailalim sa serye ng paghina noong Nobyembre.
- Sa Italya, isang welga ng mga air traffic controller noong kalagitnaan ng Oktubre bilang dagdag sa mga piloto ng EasyJet. Kinailangan pa ngang ipagbawal ng gobyerno ang lahat ng welga tuwing holiday.
- Sa Belgium, kung saan nanawagan ng mga pambansang welga noong Nobyembre 9 at Disyembre 16.
- Sa Gresya, kung saan ang isang demonstrasyon sa Athens noong Nobyembre ay nagpakilos ng libu-libong manggagawa mula sa pribadong sektor, na sumisigaw ng "Hindi na matiis ang halaga ng pamumuhay".
- Sa Pransya, kung saan, nitong mga nakaraang buwan, nagkaroon ng sunud-sunod na welga sa pampublikong sasakyan at mga ospital
- Sa Portugal, kung saan hinihingi ng mga manggagawa ang minimum na sahod na 800 euro, kumpara sa kasalukuyang 705. Noong Nobyembre 18, nagwelga ang serbisyo sibil. Noong Disyembre, nagkaroon ng mga welga sa buong sektor ng transportasyon.
- Sa Estados Unidos, namagitan ang Mababang Kapulungan para maayos ang giriang industriyal at maiwasan ang welga sa tren pang-kargamento. Noong Enero, libu-libong nurse ang nagwelga sa New York.
Ang listahan ay walang katapusan dahil, sa katotohanan, kahit saan ay mayroong maraming maliliit na welga, na nakahiwalay sa isa't isa, sa iba't ibang negosyo at sa pampublikong sektor. Dahil sa lahat ng dako, sa bawat bansa, sa bawat sektor, ang pamumuhay at mga kondisyon sa pagtrabaho ay lumalala, kahit saan tumataas ang presyo at napakababa ng sahod, kahit saan ay may kontraktwalisasyon at pleksibilidad, kahit saan ay may mala-impiyernong pagtrabaho at hindi sapat na manggagawa, kahit saan ay may kahila-hilakbot na malalang kondisyon ng pabahay, lalo na para sa mga kabataan.
Mula noong pandemya ng Covid-19, ang mga ospital ay naging simbolo ng pang-araw-araw na realidad para sa lahat ng manggagawa: kulang sa kawani at labis na pinagsamantalahan, hanggang sa punto ng pagkahapo, para sa sahod na hindi kayang makapagbayad ng mga bayarin.
Ang pinalawig na alon ng mga welga na tumama sa UK mula noong Hunyo, isang bansa kung saan ang proletaryado ay tila sumuko na sa kanyang kapalaran mula noong mga taon ni Thatcher, ay nagpahayag ng isang tunay na paglaban, isang pagbabago ng saloobin sa loob ng uring manggagawa, hindi lamang sa UK, ngunit internasyonal. Ang mga pakikibakang ito ay nagpakita na sa harap ng papalalim na krisis, ang mga pinagsamantalahan ay ayaw ng idiin pa.
Sa inflation na mahigit 11% at ang pag-anunsyo ng isang badyet sa pagtitipid ng pamahalaan ni Sunak, nagkaroon ng mga welga sa halos lahat ng sektor: Transport (tren, bus, tubo, paliparan) at kalusugan, mga manggagawa sa koreo ng Royal Mail, mga lingkod sibil sa Defra, mga empleyado ng Amazon, mga manggagawa sa paaralan sa Scotland, mga manggagawa sa langis ng North Sea... Ang laki ng pagkilos ng mga manggagawang pangkalusugan ay hindi nakikita sa bansang ito sa loob ng mahigit isang siglo! At inaasahang magwelga ang mga guro mula Pebrero.
Sa Pransya, nagpasya din ang gobyerno na magpataw ng bagong "reporma" na gagawing legal ang pagpapahaba ng edad ng pagreretiro. Ang layunin ay simple: upang makatipid ng pera sa pamamagitan ng pagpiga sa uring manggagawa na parang lemon, hanggang sa sementeryo. Sa mga konkretong termino, ito ay mangangahulugan ng pagtatrabaho nang matanda, may sakit, pagod o magretiro na may nabawasan at miserableng pensiyon. Kadalasan, bukod pa rito, ang redundancy ay maranasan na bago pa ang nakamamatay na edad.
Ang mga pag-atake sa ating mga kondisyon sa pamumuhay ay hindi titigil. Patuloy na lalala ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Upang magtagumpay sa internasyunal na arena ng merkado at kompetisyon, ang bawat burgesya sa bawat bansa ay magpapataw ng mas matinding hindi matiis na kalagayan sa pamumuhay at paggawa sa uring manggagawa, habang humihimok ng "pagkakaisa sa Ukraine" o "kinabukasan ng pambansang ekonomiya".
Ito ay higit na totoo sa pag-unlad ng ekonomiya ng digmaan. Ang pagtaas ng proporsyon ng paggawa at iba pang mapagkukunan ay nakadirekta sa ekonomiya ng digmaan. Hindi lang sa Ukraine, kundi pati na rin sa Ethiopia, Yemen, Syria, Mali, Niger, Congo, atbp., nangangahulugan ito ng mga bomba, bala at kamatayan! Sa ibang lugar, nangangahulugan ito ng takot, inflation at pinabilis na trabaho. Ang bawat pamahalaan ay nananawagan ng "sakripisyo"!
Naharap sa sistemang kapitalista na nagtulak sa sangkatauhan sa kahirapan at digmaan, sa kompetisyon at pagkahati-hati, nasa uring manggagawa (mga nagpapasahod sa lahat ng sektor, sa lahat ng bansa, walang trabaho o nagtatrabaho, mayroon man o walang kwalipikasyon, nagtatrabaho o nagretiro. ..) para itulak ang ibang perspektiba. Sa pagtanggi sa mga "sakripisyo" na ito, sa pamamagitan ng pagbuo ng malawakang nagkakaisang pakikibaka, maipakita nito na posible ang ibang mundo.
Kung hati-hati, mahina tayo
Kung hati-hati, talo tayo.
Sa loob ng maraming buwan, sa lahat ng bansa at sa lahat ng sektor, may mga welga. Pero hiwa-hiwalay sila sa isa't isa. Ang bawat isa ay para sa kanilang sariling welga, sa kanilang sariling pabrika, kanilang depot, kanilang negosyo, kanilang bahagi ng pampublikong sektor. Walang tunay na kaugnayan sa pagitan ng mga pakikibakang ito, kahit na ito ay isang tawiran lang ng kalye sa mga nag-aklas mula sa ospital tungo sa mga paaralan o sa supermarket sa tapat. Minsan ang dibisyong ito ay lubhang naging katawa-tawa dahil, kahit sa parehong negosyo, ang mga welga ay hinati-hati sa bawat korporasyon, o koponan, o yunit. Kailangan mong isipin ang mga manggagawa sa opisina na nagwelga sa iba't ibang oras pero pareho silang mga teknikal na kawani, o ang mga nasa unang palapag na nagwelga sa kanilang sarili nang walang anumang koneksyon sa mga nasa ikalawang palapag. Minsan ito talaga ang nangyayari!
Ang kalat-kalat na mga welga, pagkukulong ng lahat sa kani-kanilang sariling sulok, ay nilalaro ang laro ng burgesya - pinapahina tayo nito, binabawasan tayo sa kawalan ng lakas, pinapagod tayo nito at inaakay tayo sa pagkatalo.
Kaya naman ang burgesya ay binuhos ang lahat para panatilihin ito. Sa lahat ng mga bansa, pareho ang estratehiya: hati-hati ang mga gobeyrno. Nagpapanggap silang sinusuportahan ito o ang sektor na iyon para mas mahusay na atakehin ang iba. Itinatampok nila ang isang sektor, o kahit isang kumpanya, sa pamamagitan ng paggawa ng mga pangako na hinding-hindi nila tutuparin, upang maitago ang pagsalakay ng mga pag-atake na nagaganap sa iba. Upang mas mahusay na hatiin, nagbibigay sila ng limitadong suporta sa isang grupo at bawasan ang mga karapatan ng iba pa. Batas sa lahat ng dako ang mga negosasyon ay sa bawat sangay at bawat kumpanya.
Sa Pransya, ang pag-anunsyo ng reporma sa pensiyon, na makakaapekto sa buong uring manggagawa, ay sinamahan ng isang nakakabinging "debate" ng media sa hindi patas na reporma para dito o sa bahaging iyon ng populasyon. Dapat itong gawing mas patas sa pamamagitan ng pagkilala sa mga partikular na kwalipikasyon ng mga apprentice, ilang manwal na manggagawa, kababaihan... Palaging pareho ang bitag!
Kailangang panghawakan ng uring manggagawa sa sariling mga kamay ang pakikibaka
Bakit may ganitong pagkahati-hati? Mga propaganda at maniobra lamang ba ng gobyerno ang nagtatagumpay sa paghahati sa atin sa ganitong paraan, na pinananatiling hiwalay sa isa't isa ang mga welga at pakikibaka ng uring manggagawa?
Lumalaki ang pakiramdam na nasa iisang bangka tayo. Nagiging mas malinaw ang ideya na ang isang malakihang nagkakaisang pakikibaka na may malawak na pakikiisa ay maaaring baguhin ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga uri. Kaya bakit nakikita natin ang mga dibisyon sa pagitan ng mga manggagawa sa loob ng maraming buwan sa bawat bansa at sa bawat sektor?
Sa UK, ang mga nagwelgang manggagawa ay tradisyonal na nagpiket sa labas ng kanilang lugar ng trabaho. Sa loob ng ilang buwan, ang mga organisadong piket ay hindi nagkakalayo, minsan ay nagaganap lamang ng isang araw ang pagitan, kung minsan ang mga pakikibaka ay nangyari nang sabay-sabay ngunit sa mga piket na pinaghihiwalay ng ilang daang metro ngunit walang pagtatangkang mag-ugnay. Lahat ay nagwelga, ngunit natali sa picket line. Kung hindi malalabanan ang pagka hiwa-hiwalay na ito, nang hindi nagkakaroon ng tunay na pagkakaisa sa pakikibaka, maaaring maubos nito ang ating diwa sa pakikipaglaban. Nitong mga nakaraang linggo ay mas naging maliwanag ang deadlock at ang panganib na dulot ng sitwasyong ito. Ang mga manggagawang iyon na nag-'rolling strike' sa nakalipas na anim na buwan ay maaari na ngayong makaramdam ng pagod at kawalan ng lakas.
Gayunpaman, sa ilang mga picket lines na aming binisita, ipinahayag sa amin ng mga manggagawa ang kanilang nararamdaman na kabilang sa isang mas malawak na pakikibaka kaysa sa kanilang amo, kanilang departamento, kanilang sektor. May lumalagong pakiramdam ng pangangailangan na makibaka na sama-sama.
Ngunit sa loob ng maraming buwan, sa lahat ng bansa, sa lahat ng sektor, ang mga unyon ang nag-oorganisa ng lahat ng kalat-kalat na pakikibakang ito. Ang mga unyon ang nagpapasya sa estratehiya na naghahati at naghihiwalay, at nagtataguyod na ang mga negosasyon ay magaganap sa bawat sangay, sa bawat sektor. Pinipili ng mga unyon na magtakda ng mga partikular na kahilingan at ang mga unyon ay nagbabala, higit sa lahat, na "palalabnawin natin ang sarili nating pakikibaka kung gagawa tayo ng mga nagkakaisang kahilingan".
Gayunpaman, alam ng mga unyon na ang galit ay lumalaki, na nanganganib na umapaw at masira ang mga hadlang na kanilang binuo sa pagitan at sa loob ng pribadong sektor at pampublikong sektor. Alam nila na ang ideya ng "isang nagkakaisang pakikibaka" ay nahihinog sa loob ng uri.
Iyon ang dahilan kung bakit, halimbawa sa UK, ang mga unyon ay nagsimulang mag-usap-usap tungkol sa magkasanib na mga aksyon sa mga sektor, na maingat nilang iniiwasan hanggang ngayon, at ang mga salitang "pagkakaisa" at "pakikiisa" ay nagsimula nang lumabas sa kanilang mga talumpati. Hindi sila titigil sa paghati-hati sa mga manggagawa, ngunit upang maipagpatuloy ito, dinadala nila ang mga kahilingan ng uri. Sa ganitong paraan pinapanatili nila ang kontrol sa direksyon ng mga pakikibaka.
Sa Pransya, na nahaharap sa pag-atake sa uri sa pamamagitan ng pag-anunsyo ng mga reporma sa pensiyon, ipinakita ng mga unyon ang kanilang pagkakaisa at kanilang determinasyon; nanawagan sila ng malalaking demonstrasyon sa lansangan at pakikipaglaban sa gobyerno. Iginiit nila na ang repormang ito ay hindi dapat ipasa, na ito ay dapat tanggihan ng milyun-milyong tao.
Labis-labis ang retorika at mga pangako. Ngunit ano ang katotohanan? Para ipaliwanag ito, kailangan lang nating tandaan ang kilusan na lumaban sa panukalang reporma sa pensiyon ni Macron noong 2019-2020. Naharap sa tumataas na pakikibaka at paglago ng pagkakaisa lampas sa mga henerasyon, ginamit ng mga unyon ang parehong estratehiya, na nagtataguyod ng "pagsama-sama ng mga pakikibaka", na lumikha ng isang ilusyon ng unitaryong kilusan, kung saan ang mga demonstrador ay pinakilos ayon sa sektor at kumpanya, hindi pinagsama-sama ang lahat, kundi pinagbukod-bukod. Hinati ng mga bandila ng unyon at ng mga kinatawan ng unyon ang mga nagmartsa ayon sa sektor, ayon sa kumpanya at ayon sa planta. Higit sa lahat, walang mga talakayan at walang mga pagpupulong. Ang mensahe sa dulo: "Maghiwa-hiwalay kasama ang inyong mga katrabaho at umuwi, hanggang sa muli". Pinalakas ng todo ang sound system upang matiyak na hindi magkarinigan sa isa’t isa ang mga manggagawa dahil ang talagang nagpapanginig sa burgesya ay kapag kinontrol ng mga manggagawa ang kanilang mga pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay, kapag inayos nila ang kanilang mga sarili, kapag nagsimula silang magkita-kita, para makipagdebate. ... para maging isang uri sa pakikibaka!
Sa UK at sa Pransya, tulad ng sa ibang lugar, upang maapektuhan ang balanse ng mga puwersa na magbibigay-daan sa atin na labanan ang patuloy na pag-atake sa ating pamumuhay at mga kondisyon sa pagtatrabaho, na bukas ay magiging mas marahas, kailangan natin, saanman natin magagawa, na magsama-sama upang magdebate at isulong ang mga pamamaraan ng pakikibaka na magbubuklod at magpapalakas sa uring manggagawa at pahintulutan ito, sa depinidong yugto ng kasaysayan nito, na yugyugin ang burgesya at ang sistema nito:
- sa pagsusuri na palawakin ang suporta at pagkakaisa lampas sa lugar ng trabaho, kumpanya, institusyon, sektor ng aktibidad, syempre ng syudad, rehiyon at bansa;
- sa sariling organisasyon ng pakikibaka ng mga manggagawa, partikular sa pamamagitan ng mga pangkalahatang asembliya, nang hindi isinusuko ang kontrol sa tinatawag na “mga espesyalista” sa pakikibaka, ang mga unyon, at ang kanilang organisasyon;
- sa pamamagitan ng pinakamalawak na posibleng diskusyon sa pangkalahatang pangangailangan ng pakikibaka, sa mga aral na mapupulot sa mga nakaraang pakikibaka at gayundin sa kanilang mga pagkatalo, dahil may mga kabiguan sa hinaharap, ngunit ang pinakamalaking pagkatalo ay nagmula sa hindi paglaban sa mga pag-atake. Ang paglunsad ng pakikibaka ay ang unang tagumpay ng pinagsamantalahan.
Noong 1985, sa ilalim ni Thatcher, ang mga minero ng Britanya ay nakibaka sa loob ng isang buong taon, na may napakalaking tapang at determinasyon, ngunit ibinukod sila ng mga puwersa ng estado at mga unyon at sila ay nawalan ng kapangyarihan at nakakulong sa kanilang sektor; ang kanilang pagkatalo ay pagkatalo ng buong uring manggagawa. Dapat tayong matuto sa ating mga pagkakamali. Napakahalaga na ang mga kahinaan na nagpapahina sa uring manggagawa sa loob ng ilang dekada, at nagmarka ng sunud-sunod na pagkatalo, ay napangibabawan na ngayon, partikular ang bitag ng korporasyon at ang ilusyon na ang mga unyon ng manggagawa ay mga organo ng uring manggagawa. Ang sariling organisasyon ng pakikibaka, ang malawak na pagkakaisa at pakikiisa nito, ay sangkap na kailangang-kailangan para sa paghahanda ng mga pakikibaka sa hinaharap!
Dahil dito, dapat nating kilalanin ang ating sarili bilang mga miyembro ng isang uri, isang uri na nagkakaisa sa pamamagitan ng pakikiisa nito sa pakikibaka: ang uring manggagawa. Ang mga pakikibaka ngayon ay kailangang-kailangan hindi lamang sa pagtatanggol sa ating sarili laban sa mga atake kundi pati na rin sa pagbawi ng ating pagkakakilanlan bilang uri sa pandaigdigang saklaw, paghahanda para sa tuluyang pagbagsak ng bangkarotang sistemang ito na kasingkahulugan ng pagkakait at lahat ng uri ng sakuna.
Ang kapitalismo ay walang solusyon: ito man ay pagkawasak ng planeta, o sa patuloy na digmaan, o sa kawalan ng trabaho, o sa kontraktwalisasyon ng trabaho, o sa kahirapan. Tanging ang pakikibaka ng pandaigdigang uring manggagawa na suportado ng lahat ng inaapi at pinagsamantalahan ng mundo ang makapagbukas ng daan sa isang alternatibo, ang komunismo.
Ang mga welga sa UK at ang mga demonstrasyon sa Pransya, ay isang panawagan sa pakikibaka para sa mga proletaryo sa buong mundo.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 12 Enero 2023
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17295/how-develop-massive-united-and-supportive-movement [60]
Ang kasalukuyang imperyalistang masaker sa Gitnang Silangan, ay pinakahuli lamang sa mahigit isang siglo ng halos permanenteng digmaan na naging katangian ng pandaigdigang kapitalismo mula pa noong 1914.
Ang multi-milyong pagpaslang sa mga walang depensang sibilyan, ang mga pagpatay ng lahi, ang pagwasak ng mga syudad, maging ang pagdurog ng buong bansa ay walang naidulot maliban sa pangako ng higit pa at mas masahol pang kalupitan na darating.
Ang mga katwiran o 'solusyon' na iminungkahi ng iba't ibang nagtutunggaliang imperyalistang kapangyarihan, malaki man o maliit, hanggang sa kasalukuyang patayan, tulad ng lahat ng nauna rito, ay katumbas ng isang napakalaking panlilinlang upang pakalmahin, hatiin at ihanda ang pinagsamantalang uring manggagawa para sa mabangis na patayan upang suportahan ang isang pambansang burgesya laban sa isa pa.
Ngayon ay inulan ng delubyo ng apoy at bakal ang mga taong naninirahan sa Israel at Gaza. Sa isang kampo, Hamas. Sa kabilang kampo, ang hukbo ng Israel. Sa gitna, ang mga manggagawa ay binobomba, binaril, pinatay at hinostage. Libu-libo na ang namatay.
Sa buong mundo, nanawagan ang burgesya na pumili tayo ng panig. Para sa pakikibakang Palestino laban sa pang-aapi ng Israel. O para sa tugon ng Israel sa terorismo ng Palestino. Tinuligsa ng bawat isa ang barbaridad ng katunggali upang bigyang katwiran ang digmaan. Ang estado ng Israel ay inaapi ang mga mamamayang Palestino sa loob ng ilang dekada, na may mga pagharang, panliligalig, mga checkpoint at pagpapahiya. Ang mga organisasyong Palestino ay pumapatay ng mga inosenteng tao sa pamamagitan ng mga pag-atake ng kutsilyo at pambobomba. Bawat panig ay nananawagan na patayin ang kalaban.
Ang nakamamatay na lohika na ito ay lohika ng imperyalistang digmaan! Ang ating mga mapagsamantala at ang kanilang mga estado ang laging naglulunsad ng walang awang digmaan para ipagtanggol ang kanilang sariling interes. At tayo, ang uring manggagawa, ang pinagsasamantalahan, ang laging nagbabayad, ng ating buhay.
Para sa atin, mga proletaryo, walang panig na pipiliin, wala tayong sariling bayan, walang bansang ipagtatanggol! Sa magkabilang panig ng hangganan, iisa ang uri natin! Hindi Israel, hindi Palestine!
Tanging ang nagkakaisang internasyunal na proletaryado ang makapagbigay wakas sa tumitinding mga masaker na ito at sa mga imperyalistang interes na nasa likod nito. Ang natatangi, internasyonalista, na solusyong ito, na inihanda ng iilang komunista ng Kaliwa ng Zimmerwald, ay pinatunayan noong Oktubre 1917 nang ibagsak ng rebolusyonaryong pakikibaka ng uring manggagawa ang kapitalistang rehimen at itinatag ang sariling kapangyarihang pampulitika ng uri. Sa pamamagitan ng halimbawa nito, ang Oktubre ay nagbigay inspirasyon sa mas malawak at internasyonal na rebolusyonaryong kilusan na pinilit tapusin ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang tanging pampulitikang tendensya na nakaligtas sa pagkatalo ng rebolusyonaryong alon na ito at pinanatili ang militanteng pagtatanggol sa internasyunalistang prinsipyo ay ang Kaliwang Komunista. Noong dekada tatlumpu, iningatan nito ang pundamental na linya ng uring manggagawa na ito noong panahon ng digmaang Espanyol at digmaang Tsino-Hapon samantalang pinili ng iba pang pampulitikang tendensya tulad ng mga Stalinista, Trotskyista o Anarkista ang kanilang imperyalistang kampo na siyang nag-udyok sa mga tunggaliang ito. Pinanatili ng Kaliwang Komunista ang internasyunalismo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig habang ang iba pang mga tendensya ay lumahok sa imperyalistang patayan na binihisan bilang labanan sa pagitan ng 'pasismo at anti-pasismo' at/o pagtatanggol sa Unyong 'Sobyet'.
Sa kasalukuyan, ang kakaunting organisadong militanteng pwersa ng Kaliwang Komunista ay mahigpit pa rin na sa internasyunalismo ngunit ang kanilang kakarampot na kapasidad ay lalong nanghina dahil sa pagkawatak-watak sa ilang iba't ibang grupo at diwang magkagalit at sektaryan.
Kaya naman, sa harap ng tumitinding paglala ng imperyalistang barbarismo ang mga magkahiwalay na pwersang ito ay kailangang gumawa ng nagkakaisang laban sa lahat ng imperyalistang kapangyarihan, laban sa mga panawagan para sa pambansang pagtatanggol na sumusuporta sa mga mapagsamantala, laban sa mapagkunwari na pagsamo para sa 'kapayapaan', at para sa proletaryong makauring pakikibaka patungo sa komunistang rebolusyon.
MGA MANGGAGAWA NG MUNDO, MAGKAISA!
International Communist Current
Internationalist Voice
Oktubre 17, 2023
————————————————-
20 buwan pa lang ang nakalipas, matapos ang pagsalakay ng Rusya sa Ukraine, isang katulad na nagkakaisang pahayag ang iminungkahi ng ICC sa mga grupong Kaliwang Komunista. Ang mga grupong lumagda dito bukod sa ICC – Istituto Onorato Damen, Internationalist Voice, International Communist Perspective (South Korea) – ay nasundan ng paglathala ng dalawang Discussion Bulletins ng mga Grupo ng Komunistang Kaliwa para magdebate sa kani-kanilang mga posisyon at pagkakaiba-iba at nagdaos ng mga nagkakaisang pampublikong pulong.
Gayunpaman, tumanggi ang ibang grupong Kaliwang Komunista na lagdaan ang apela (o ipinagwalang-bahala na lang) kahit na sumang-ayon sila sa mga internasyunalistang prinsipyo nito. Dahil mas kagyat na nagkakaisang ipagtanggol ang prinsipyong ito ngayon, hinihiling namin sa mga grupong ito na nakalista sa ibaba - na muling pag-isipan at lagdaan ang apela na ito.
Ang isang argumento laban sa paglagda sa nagkakaisang pahayag sa Ukraine ay masyadong malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga grupo para magkaroon ng nagkakaisang pahayag. Hindi maikakaila ang pagkaroon ng mga mahalagang pagkakaiba, sa usapin man ng pagsusuri, usapin sa teorya, pagbuo ng pampulitikang partido, o maging sa mga kondisyon ng pagiging militante. Pero ang pinakakagyat at pundamental na prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, ang makauring demarkasyon para makilala ang mga rebolusyonaryong pampulitikang organisasyon, ay pinakamahalaga. At ang nagkakaisang pahayag sa usaping ito ay hindi nangangahulugan na ang iba pang mga pagkakaiba ay nakalimutan. Sa kabaligtaran, ang Discussion Bulletins ay nagpakita na posible at kailangan ang isang porum para sa debate.
Ang isa pang argumento ay kailangan ang mas praktikal na impluwensya ng internasyunalistang pananaw sa uring manggagawa, na mas malawak kaysa apela lamang na limitado sa Kaliwang Komunista. Siyempre lahat ng internasyunalistang militanteng komunistang organisasyon ay gusto ng mas maraming impluwensya sa uring manggagawa. Ngunit kung ang mga internasyunalistang organisasyon ng Kaliwang Komunista ay hindi man lang praktikal na kumikilos nang sama-sama sa kanilang pundamental na prinsipyo sa mga krusyal na sandali ng imperyalistang tunggalian paano sila makaasa na seryosohin sila ng mas malawak na seksyon ng proletaryado?[1] [61]
Ang kasalukuyang labanan ng Israel at Palestine, mas mapanganib at magulo kaysa sa lahat ng nauna, na nangyari wala pang dalawang taon matapos ang muling paglitaw ng imperyalistang digmaan sa Ukraine, at kasama ang marami pang imperyalistang mga kontrabersya na kamakailan lamang ay muling nabuhay (Serbia/Kosovo, Azerbaijan/Armenia, at ang tumitinding tensyon sa pagitan ng US at China sa Taiwan) ay nangangahulugan na mas kailangan ang isang nagkakaisang internasyonalistang pahayag kaysa nakaraan.
Kaya naman tuwiran at hayagan naming hinihiling sa mga sumusunod na grupo na ipakita ang kanilang kahandaang lumagda sa pahayag laban sa imperyalistang digmaang nakalimbag sa itaas, at kung kinakailangan ay maaaring amyendahan o modipikahin ayon sa nagkakaisang layuning internasyonalista nito:
Para sa:
ICT (Internationalist Communist Tendency)
PCI (Programma Comunista)
PCI (Il Partito Comunista)
PCI (Le Prolétaire, Il Comunista)
IOD (Istituto Onorato Damen)
Ang iba pang mga grupo sa labas ng Kaliwang Komunista na sumasang-ayon sa mga internasyunalistang posisyon na ipinagtanggol sa apela na ito ay maaaring ipahayag ang kanilang suporta sa apela na ito at ipamahagi ito.
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17416/down-massacres-no-support-... [62]
[1] [63] Para sa malalim na debate sa mga argumento dito, tingnan Correspondence on the Joint Statement of groups of the Communist Left on the war in Ukraine [15]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 81.7 KB |
Mga pangkalahatang welga at higanteng demonstrasyon noong Marso 7 sa France, Marso 8 sa Italya, Marso 11 sa UK. Kahit saan, lumalaki at kumakalat ang galit.
Sa UK, isang makasaysayang alon ng welga ang nangyayari sa loob ng siyam na buwan. Matapos dumanas ng walang patid na ilang dekadang paghihigpit-sinturon, hindi na tinanggap ng proletaryado sa Britain ang mga sakripisyo. "Tama na". Sa France, ang pagtaas sa edad ng pagretiro ang nagsindi sa pulbura. Ang mga demonstrasyon ay nagdala ng milyun-milyong tao sa mga lansangan. "Walang dagdag na isang taon, walang bawas na isang euro". Sa Spain, nagsagawa ng malalaking rali laban sa pagbagsak ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan, at sumiklab ang mga welga sa maraming sektor (paglilinis, transportasyon, IT, atbp.). "La indignación llega de lejos / Ang galit ay nagmula sa malayo," sabi ng mga pahayagan. Sa Germany, sinasakal ng inplasyon, nagwelga ang mga manggagawa sa pampublikong sektor at kanilang mga kasamahan sa koreo para itaas ang suweldo, isang bagay na "hindi pa nakikita sa Germany". Sa Denmark, sumiklab ang mga welga at demonstrasyon laban sa pagpapawalang-bisa ng isang pampublikong holiday upang tustusan ang pagtaas sa badyet ng militar. Sa Portugal, ang mga guro, manggagawa sa tren at mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ay nagprotesta rin laban sa mababang sahod at gastusin ng pamumuhay. The Netherlands, Denmark, United States, Canada, Mexico, China... parehong mga welga laban sa parehong hindi makayanan at hindi marangal na mga kondisyon ng pamumuhay: "Ang tunay na kahirapan: hindi makapag-init, kumain, pangalagaan ang sarili, magmaneho!”
Ang pagbabalik ng uring manggagawa
Ang pagkakasabay na ito ng mga pakikibaka sa lahat ng mga bansang ito ay hindi aksidente. Kinumpirma nito ang tunay na pagbabago ng diwa sa loob ng ating uri. Pagkatapos ng tatlumpung taon ng pag-atras at kawalan ng pag-asa, sa pamamagitan ng ating mga pakikibaka ay sinasabi natin: "Hindi na natin ito ipagwalang-bahala. Kaya natin at kailangan nating lumaban".
Ang pagbabalik na ito ng pakikibaka ng uring manggagawa ay nagbigay-daan sa atin na manindigan nang sama-sama, magpakita ng pagkakaisa sa pakikibaka, makaramdam ng pagmamalaki, dangal at pagkakaisa sa ating laban. Isang napakasimple ngunit napakahalagang ideya ang umuusbong sa ating mga utak: lahat tayo ay nasa iisang bangka!
Ang mga empleyadong nakasuot ng puting amerikana, asul na amerikana o kurbata, ang mga walang trabaho, mga estudyanteng walang katiyakan, mga pensiyonado, mula sa lahat ng sektor, pampubliko at pribado, lahat tayo ay nagsimulang kilalanin ang ating sarili bilang isang puwersang panlipunan na pinagsama ng parehong mga kondisyon ng pagsasamantala. Dumaranas tayo ng parehong pagsasamantala, ang parehong krisis ng kapitalismo, ang parehong mga pag-atake sa ating pamumuhay at mga kondisyon sa paggawa. Kasali tayo sa iisang pakikibaka. Tayo ang uring manggagawa.
"Magkasama ang mga manggagawa", sigaw ng mga welgista sa UK. "Makibaka tayo ng sama-sama, o lahat tayo ay pupulutin sa kangkongan", pagkumpirma ng mga demonstrador sa France.
Maaari ba tayong manalo?
Ang ilang mga nakaraang pakikibaka ay nagpakita na posibleng umatras ang gobyerno, para pabagalin ang mga pag-atake nito.
Noong 1968, nagkaisa ang proletaryado sa France sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga pakikibaka nito. Kasunod ng malalaking demonstrasyon noong Mayo 13 bilang protesta laban sa panunupil ng pulisya na dinanas ng mga estudyante, ang mga walkout at pangkalahatang asembliya ay kumalat na parang apoy sa mga pabrika at lahat ng mga lugar ng trabaho na humantong, kasama ang 9 na milyong welgista nito, sa pinakamalaking welga sa kasaysayan ng internasyonal na kilusang manggagawa. Naharap sa dinamikong ito ng ekstensyon at pagkakaisa ng pakikibaka ng mga manggagawa, ang gobyerno at ang mga unyon ay nagmamadaling pumirma sa isang kasunduan sa pangkalahatang pagtaas ng sahod upang matigil ang kilusan.
Noong 1980, sa Poland, na naharap sa pagtaas ng presyo ng pagkain, ang mga welgista ay nagpatuloy sa pakikibaka sa pamamagitan ng pagtitipon sa malalaking pangkalahatang asembliya, sa pamamagitan ng pagpapasya sa kanilang sarili sa mga kahilingan at aksyon, at higit sa lahat sa pamamagitan ng patuloy na pagmamalasakit na palawigin ang pakikibaka. Naharap sa ganitong pagpapakita ng lakas, hindi lang ang burgesya ng Poland ang nanginig, kundi ang burgesya ng lahat ng bansa.
Noong 2006, sa France, pagkatapos lamang ng ilang linggo ng mobilisasyon, inalis ng gobyerno ang "Contrat Première Embauche". Bakit ganito? Ano ang labis na ikinatakot ng burgesya kaya mabilis itong umatras? Ang mga walang katiyakang estudyante ay nag-organisa ng malalaking pangkalahatang pagpupulong sa mga unibersidad, bukas sa mga manggagawa, mga walang trabaho at mga pensiyonado, at nagharap ng isang nagkakaisang islogan: ang paglaban sa kaswalisasyon at kawalan ng trabaho. Ang mga pagtitipon na ito ay ang baga ng kilusan, kung saan ginanap ang mga debate at ginawa ang mga desisyon. Ang resulta: tuwing katapusan ng linggo, ang mga demonstrasyon ay nilahukan ng mas maraming sektor. Ang mga sahuran at retiradong manggagawa ay sumama sa mga estudyante sa ilalim ng islogan: "Mga batang lardon, matandang crouton, lahat sa iisang salad". Ang burgesya ng Pransya at ang gobyerno, na naharap sa ganitong tendensya na pag-isahin ang kilusan, ay walang pagpipilian kundi bawiin ang CPE.
Ang lahat ng mga kilusang ito ay may magkatulad na dinamika ng pagpapalawig ng pakikibaka salamat sa mga manggagawa na mismong may kontrol dito!
Ngayon, tayo man ay mga manggagawang sahuran, walang trabaho, pensiyonado, walang katiyakang estudyante, wala pa rin tayong tiwala sa ating sarili, sa ating sama-samang lakas, na maglakas-loob na kontrolin ang ating mga pakikibaka. Ngunit walang ibang paraan. Lahat ng "aksyon" na iminungkahi ng mga unyon ay humantong sa pagkatalo. Mga piket, welga, demonstrasyon, pagharang sa ekonomiya... walang kwenta hangga’t ang mga pagkilos na ito ay nanatiling nasa ilalim ng kanilang kontrol. Kung babaguhin ng mga unyon ang anyo ng kanilang mga aksyon ayon sa mga pangyayari, ito ay para palaging mas mapanatili ang parehong esensya: upang hatiin at ihiwalay ang mga sektor sa isa't isa para hindi tayo magdebate at magpasya para sa ating sarili kung paano isasagawa ang pakikibaka.
Sa loob ng siyam na buwan sa UK, ano ang ginagawa ng mga unyon? Pinaghiwa-hiwalay nila ang tugon ng mga manggagawa: araw-araw, ibang sektor ang nagwelga. Bawat isa sa kanyang sulok, bawat isa sa kanyang hiwalay na picket line. Walang mga pulong ng masa, walang kolektibong debate, walang tunay na pagkakaisa sa pakikibaka. Ito ay hindi isang pagkakamali ng diskarte ngunit sinasadyang paghati-hati.
Paano noong 1984-85 nagawa ng gobyernong Thatcher na buwagin ang uring manggagawa sa UK? Sa pamamagitan ng maruming gawain ng mga unyon na naghiwalay sa mga minero sa kanilang mga kapatid sa uri sa ibang sektor. Ikinulong nila ang mga ito sa isang mahaba at baog na welga. Sa loob ng mahigit isang taon, isinara ng mga minero ang mga hukay sa ilalim ng bandila ng "pagharang sa ekonomiya". Nag-iisa at walang kapangyarihan, ang mga welgista ay naubusan ng kanilang lakas at tapang. At ang kanilang pagkatalo ay ang pagkatalo ng buong uring manggagawa! Ang mga manggagawa ng UK ay ngayon pa lamang, tatlumpung taon na ang lumipas, itinaas ang kanilang mga ulo. Ang pagkatalo na ito kung gayon ay isang napakahalagang aral na hindi dapat kalimutan ng proletaryado ng mundo.
Sa pamamagitan lamang ng pagtitipon na bukas para sa lahat, malakihan at nagsasarili na mga pangkalahatang asembliya, na talagang nagpapasya sa pagsasagawa ng pagkilos, maaari tayong magsagawa ng nagkakaisa at lumalaganap na pakikibaka, na isinusulong ng pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng sektor, lahat ng henerasyon. Mga asembliya kung saan nadarama natin ang pagkakaisa at pagtitiwala sa ating kolektibong lakas, kung saan maaari nating pagtibayin ang mas nagkakaisang mga kahilingan. Mga pangkalahatang asembliya na maaaring bumuo ng malalaking delegasyon upang salubungin ang ating mga kapatid sa uri, ang mga manggagawa sa pinakamalapit na pabrika, ospital, paaralan, administrasyon.
Ang tunay na tagumpay ay ang pakikibaka mismo
"Pwede ba tayong manalo?" Ang sagot ay oo, minsan ay kung, at tanging kung, ilagay natin ang ating mga pakikibaka sa sarili nating mga kamay. Pansamantala nating mapigilan ang mga pag-atake, paatrasin ang gobyerno.
Ngunit ang katotohanan ay ang pandaigdigang krisis sa ekonomya ay magtulak sa buong seksyon ng proletaryado sa kahirapan. Upang makayanan ang pandaigdigang arena ng pamilihan at kompetisyon, bawat burgesya sa bawat bansa, kaliwa man, kanan o sentrista, tradisyonal o populista, ay magpapataw ng mas hindi matitiis na kalagayan sa pamumuhay at paggawa.
Ang katotohanan ay sa pag-unlad ng ekonomiya ng digmaan sa apat na sulok ng mundo, ang mga "sakripisyo" na hinihingi ng burgesya ay higit pang hindi na matitiis.
Ang katotohanan ay ang imperyalistang tunggalian sa pagitan ng mga bansa, lahat ng mga bansa, ay isang spiral ng pagkawasak at madugong kaguluhan na maaaring humantong sa pagkawasak ng sangkatauhan. Araw-araw sa Ukraine, ang dagsa ng mga tao, minsan ay 16 o 18 taong gulang, ay pinagtabas-tabas ng mga kasuklam-suklam na instrumento ng kamatayan, Russian man o kanluran.
Ang katotohanan ay ang mga simpleng epidemya ng trangkaso o bronchiolitis ay pinaluhod sa pagod ang sistema ng kalusugan.
Ang katotohanan ay ang kapitalismo ay patuloy na sumisira sa planeta at pinapahamak ang klima, na nagdudulot ng mapangwasak na baha, tagtuyot at sunog.
Ang katotohanan ay ang milyun-milyong tao ay patuloy na tatakas sa digmaan, taggutom, sakuna sa klima, o lahat sa tatlo, para lamang mabangga sa mga pader ng barbed wire ng ibang mga bansa, o malunod sa dagat.
Kaya ang tanong: ano ang silbi ng pakikipaglaban sa mababang sahod, laban sa kakulangan ng empleyado, laban dito o sa ganoong “reporma”? Dahil ang ating mga pakikibaka ay nagdadala ng pag-asa mayroong ibang mundo, walang uri o pagsasamantala, walang digmaan o hangganan.
Ang tunay na tagumpay ay ang pakikibaka mismo. Ang simpleng katotohanan ng paglunsad ng pakikibaka, ng pagpapaunlad ng ating pagkakaisa, ay tagumpay na. Sa pamamagitan ng sama-samang pakikibaka, sa pamamagitan ng pagtanggi na sumuko, inihahanda natin ang mga pakikibaka sa hinaharap at unti-unti nating nalilikha, sa kabila ng hindi maiwasang pagkatalo, ang mga kondisyon para sa isang bagong mundo.
Ang ating pagkakaisa sa pakikibaka ay kabaligtaran ng nakamamatay na kompetisyon ng sistemang ito, na nahahati sa mga kalabang kumpanya at bansa.
Ang ating pagkakaisa sa pagitan ng mga henerasyon ay ang kabaligtaran ng walang kinabukasan at ang mapangwasak na spiral ng sistemang ito.
Ang ating pakikibaka ay sumisimbolo sa pagtanggi na isakripisyo ang ating sarili sa altar ng militarismo at digmaan.
Ang pakikibaka ng uring manggagawa ay isang hamon sa mismong pundasyon ng kapitalismo at pagsasamantala.
Ang bawat welga ay nagdadala sa loob nito ng mga binhi ng rebolusyon.
Ang kinabukasan ay nauukol sa tunggalian ng mga uri!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin (25 Pebrero 2023)
Links
[1] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn1
[2] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn2
[3] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn3
[4] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn4
[5] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn5
[6] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn6
[7] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn7
[8] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn8
[9] https://en.internationalism.org/content/17396/ict-and-no-war-class-war-initiative-opportunist-bluff-which-weakens-communist-left
[10] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref1
[11] https://www.leftcom.org/en/articles/2023-07-05/the-no-war-but-the-class-war-initiative
[12] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref2
[13] https://www.leftcom.org/en/articles/2022-07-22/nwbcw-and-the-real-international-bureau-of-1915
[14] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref3
[15] https://en.internationalism.org/content/17240/correspondence-joint-statement-groups-communist-left-war-ukraine
[16] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref4
[17] https://en.internationalism.org/content/17223/history-no-war-class-war-groups
[18] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref5
[19] https://en.internationalism.org/content/2641/reply-internationalist-communist-party-battaglia-comunista
[20] https://en.internationalism.org/ir/021_workers_groups.html
[21] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref6
[22] https://en.internationalism.org/content/17297/committee-leads-its-participants-dead-end
[23] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref7
[24] https://www.leftcom.org/it/articles/2023-01-03/sul-comitato-di-roma-nwbcw-un-intervista
[25] https://www.sitocomunista.it/canti/cantidilotta.html
[26] http://www.sitocomunista.it/resistence/resistenceindex.html;
[27] https://www.sitocomunista.it/pci/pci.html
[28] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref8
[29] https://en.internationalism.org/content/17378/acg-bans-icc-its-public-meetings-cwo-betrays-solidarity-between-revolutionary
[30] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn1
[31] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn2
[32] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn3
[33] https://en.internationalism.org/manifesto-1975
[34] https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition
[35] https://en.internationalism.org/content/17247/summer-anger-britain-ruling-class-demands-further-sacrifices-response-working-class
[36] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn4
[37] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref1
[38] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref2
[39] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref3
[40] https://en.internationalism.org/manifesto-1991
[41] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref4
[42] https://d.docs.live.net/content/17284/capitalism-leads-destruction-humanity-only-world-revolution-proletariat-can-put-end-it
[43] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftn1
[44] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftn2
[45] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftn3
[46] https://en.internationalism.org/content/17390/struggle-ahead-us
[47] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftnref1
[48] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftnref2
[49] https://en.internationalism.org/content/17377/update-theses-decomposition-2023
[50] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftnref3
[51] https://en.internationalism.org/content/17362/report-class-struggle-25th-icc-congress
[52] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_abril_2023_0.pdf
[53] https://en.internationalism.org/content/17345/we-have-go-further-1968
[54] https://en.internationalism.org/content/17406/neither-israel-nor-palestine-workers-have-no-fatherland
[55] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_nobyembre_2023.pdf
[56] https://en.internationalism.org/content/17421/massacres-and-wars-israel-gaza-ukraine-azerbaijan-capitalism-sows-death-how-can-we
[57] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_welga_oktubre_2023.pdf
[58] https://en.internationalism.org/content/17412/strikes-and-demonstrations-united-states-spain-greece-france-how-can-we-develop-and
[59] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_enero_2023.pdf
[60] https://d.docs.live.net/content/17295/how-develop-massive-united-and-supportive-movement
[61] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Comleft_Appeal.docx#_ftn1
[62] https://en.internationalism.org/content/17416/down-massacres-no-support-any-imperialist-camp-no-pacifist-illusions-proletarian
[63] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Comleft_Appeal.docx#_ftnref1
[64] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_feb2023.pdf
[65] https://en.internationalism.org/content/17316/uk-france-spain-germany-mexico-china-everywhere-same-question-how-develop-struggle-how