Attachment | Size |
---|---|
![]() | 80.05 KB |
Pumasok ang Uropa sa digmaan. Hindi ito ang unang pagkakataon mula ng ikalawang pandaigdigang masaker sa 1939-45. Sa simula ng 1990s, nanalasa ang digmaan sa dating Yugoslavia, na nagresulta ng 140,000 patay, kabilang ang maramihang masaker sa mga sibilyan, sa ngalan ng “ethnic cleansing” tulad ng sa Srebrenica, sa Hulyo 1995, kung saan 8,000 lalaki at kabataan ang walang awang pinatay. Ang digmaan na bunga ng opensiba ng hukbong Ruso laban sa Ukraine ay hindi pa malala sa ngayon, pero walang nakakaalam ilan ang magiging mga biktima sa huli. Sa ngayon, mas malawak ito kaysa digmaan sa ex-Yugoslavia. Ngayon, hindi mga milisya o maliit na mga estado ang nagdigmaan. Ang kasalukuyang digmaan ay sa pagitan ng dalawang pinakamalaking estado sa Uropa, na may populasyon na 150 milyon at 45 milyon ayon sa pagkakabanggit, at malaking hukbo na pinakilos: 700,000 tropa ng Rusya at 250,000 ng Ukraine.
Dagdag pa, kung ang malalaking kapangyarihan ay nakialam sa komprontasyon sa dating Yugoslavia, ito ay sa indirektang paraan, o sa pamamagitan ng partisipasyon sa “intervention forces”, sa ilalim ng kontrol ng United Nations. Ngayon, hindi lang Ukraine ang kinalaban ng Rusya, kundi ang lahat ng mga bansa sa Kanluran na nabuklod sa NATO na, bagamat hindi direktang nakialam sa digmaan, ay nagpataw ng signipikanteng ekonomikong parusa laban sa bansang ito kasabay ng pagpadala ng mga armas sa Ukraine.
Kaya, ang digmaan na kakasimula pa lang ay isang dramatikong kaganapan na napakahalaga, una sa lahat para sa Uropa, at sa buong mundo. Libu-libong sundalo na ang namatay sa magkabilang panig at sa hanay ng mga sibilyan. Daang libo ang naging bakwit. Mitsa ito para lalupang tumaas ang presyo ng gasolina at pagkain, na magpapalala sa lamig at gutom, habang sa halos lahat ng mga bansa ng mundo, ang mga pinagsamantalahan, mahihirap, ay mas nakitaan ng pagbagsak ng kanilang kalagayan sa pamumuhay dahil sa inplasyon. At laging ang uring manggagawa, ang tagapaglikha ng yaman ng lipunan, ang magsakripisyo dahil sa digmaan ng mga panginoon ng mundo.
Ang digmaang ito, ang trahedyang ito, ay hindi hiwalay sa sitwasyon ng mundo sa nagdaang dalawang taon: ang pandemiya, paglala ng ekonomikong krisis, pagdami ng ekolohikal na kalamidad. Ito ay malinaw na manipestasyon na ang mundo ay lumulubog na sa barbarismo.
Mga kasinungalingan sa propaganda ng digmaan
Bawat digmaan ay may kasamang malawakang kampanya ng kasinungalingan. Para tanggapin ng populasyon, partikular ang pinagsamantalahang uri, ang teribleng mga sakripisyo na hinihingi sa kanila, ang pagsakripisyo ng kanilang buhay para sa mga nag-udyok sa kanila na pumunta sa larangan ng digmaan, ang dalamhati ng kanilang mga ina, mga asawa, mga anak, ang matinding takot ng mga sibilyan, ang pagkait at paglala ng pagsasamantala, ito ay kailangan na ikintal sa kanilang mga utak gamit ang ideolohiya ng naghaharing uri.
Magaspang ang mga kasinungalingan ni Putin, at sumasalamin sa dating rehimeng Sobyet kung saan nagsimula siya bilang opisyal ng KGB, isang organisasyon ng pampulitikang pulis at espiya. Sinasabi niya na isang “special military operation” lang ang ginagawa para tulungan ang mamamayan ng Donbass na biktima ng “genocide” at pinagbawalan niya ang midya, dahil takot sa parusa, na gamitin ang salitang “digmaan”. Ayon sa kanya, nais niyang palayain ang Ukraine mula sa “rehimeng Nazi” na naghari. Totoo na ang populasyon sa Silangang Ukraine na ang lenggwahe ay Ruso ay sinusupil ng makabayang milisya ng Ukraine, na kadalasan kahalintulad ng sa rehimeng Nazi, pero walang genocide.
Mas banayad ang kasinungalingan ng mga gobyerno sa Kanluran at midya. Hindi palagi: nilinlang tayo ng Estados Unidos at kanyang mga alyado, kabilang mismo ang “demokratikong” United Kingdom, Spain, Italy at ... Ukraine (!) noong 2003 sa kanilang interbensyon sa Iraq sa ngalan ng – ganap na imbento – banta ng “weapons of mass destruction” sa kamay ni Saddam Hussein. Interbensyon na nagbunga ng daang libong patay at dalawang milyong bakwit sa hanay ng mamamayang Iraqi, at libu-libong namatay sa mga sundalo ng koalisyon.
Ngayon, ang mga “demokratikong” lider at midya ng Kanluran ay pinakain tayo ng kathang-kwento ng labanan sa pagitan ng “dimonyong dambuhala” na si Putin at ang “maliit na mabuting bata” na si Zelensky. Matagal na nating alam na si Putin ay nakakauyam na kriminal. Bukod pa, gaanun din ang kanyang mukha. Si Zelensky ay lamang kay Putin dahil wala itong kriminal rekord at, bago ito pumasok sa pulitika, ay isang popular na komedyanteng aktor (bilang resulta ay may malaking swerte mula sa kanlungan ng buhis). Pero ang kanyang talento sa komedya ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon sa kanyang bagong papel bilang masiglang warlord, kabilang sa kanyang papel ang pagbawal sa mga lalaki na ang edad 18-60 na samahan ang kanilang mga pamilya na magtago sa labas ng bansa, at nanawagan sa lahat ng mga Ukrainian na mamatay para sa ‘amang bayan’, i.e. para sa interes ng burgesya at oligarkiyang Ukrainian. Dahil anuman ang kulay ng namahalang partido, anuman ang tono ng kanilang mga talumpati, lahat ng mga pambansang estado ay higit sa lahat tagapagtanggol ng interes ng mapagsamantalang uri, ng pambansang burgesya, pareho ang dalawa ay laban sa pinagsamantalahan at laban sa kompetisyon mula sa ibang mga pambansang burgesya.
Lahat ng mga propaganda ng digmaan, bawat estado ay kinatawan ang sarili bilang “biktima ng agresyon” na kailangang ipagtanggol ang sarili laban sa “mananakop”. Subalit dahil lahat ng mga estado ay sa realidad mga tulisan, walang saysay ang tanungin kung sino sa mga tulisan ang unang nagpaputok. Ngayon, si Putin at Rusya ang unang nagpaputok, pero sa nakaraan, ang NATO, sa ilalim ng kontrol ng US, ay kinontrol ang maraming bansa na, bago bumagsak ang bloke ng Silangan at Unyong Sobyet, ay dominado ng Rusya. Sa pagsisimula ng digmaan, ang tulisang si Putin ay naglalayong muling mabawi ang ilan sa pag-aari ng kanyang bansa sa nakaraan, mapapansin sa pagpigil nito sa Ukraine na sumama sa NATO.
Sa realidad, sa pagpasok ng 20 siglo, ang permanenteng digmaan, kasama ang lahat ng teribleng pagdurusa na dala nito, ay isa ng hindi mahiwalay na bahagi ng kapitalistang sistema, isang sistema na nakabatay sa kompetisyon sa pagitan ng mga kompanya at pagitan ng mga estado, kung saan ang digmaan sa kalakalan ay nauwi sa armadong digmaan, kung saan ang paglala ng kanyang ekonomikong mga kontradiksyon, ng kanyang krisis, ay nag-udyok ng mas maraming digmaan. Isang sistema na nakabatay sa tubo at sa mabangis na pagsasamantala sa mga manggagawa, kung saan pinilit ang mga manggagawa na magbayad ng dugo at pawis.
Mula 2015, ang pandaigdigang gastusing militar ay matalas na lumalaki. Mabilis lang na pinabangis ng digmaan ang prosesong ito. Bilang simbolo ng nakakamatay na pilipit: Inumpisahan na ng Alemanya na magpadala ng mga armas sa Ukraine, ito ay istorikal na kauna-unahan mula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; sa unang pagkakataon, ang European Union ay bumili at nagpadala rin ng mga armas sa Ukraine; at ang Pangulo ng Rusya na si Vladimir Putin ay hayagang nagbanta na gamitin ang mga armas nukleyar para patunayan ang kanyang determinasyon at mapangwasak na kapasidad.
Paano natin wakasan ang digmaan?
Walang makahula paano ang eksaktong kahahantungan ng kasalukuyang digmaan, bagamat mas malakas ang hukbo ng Rusya kaysa Ukraine. Ngayon, maraming mga demonstrasyon sa buong mundo, at sa Rusya mismo, laban sa interbensyon ng Rusya. Pero hindi ang mga demonstrasyong ito ang magpatigil sa mga digmaan. Pinakita ng kasaysayan na ang tanging pwersa na tatapos sa kapitalistang digmaan ay ang pinagsamantalahang uri, ang proletaryado, ang direktang kaaway ng uring burges. Ito ang nangyari ng ibagsak ng mga manggagawa ng Rusya ang burges na estado sa Oktubre 1917 at nag-alsa ang mga manggagawa at sundalo ng Alemanya sa Nobyembre 1918, na pumilit sa kanilang gobyerno na pumirna ng armistice. Kung nagawa ni Putin na magpadala ng daang libong sundalo para mamatay laban sa Ukraine, kung marami sa mga Ukrainian ngayon ay handang ibuwis ang kanilang buhay para sa “pagtatanggol sa Amang bayan”, ito ay pangunahin dahil sa bahaging ito ng mundo partikular na mahina ang uring manggagawa. Ang pagbagsak sa 1989 ng mga rehimen na umangkin na “sosyalista” o “uring manggagawa” ay nagbigay ng brutal na bigwas sa uring manggagawa ng mundo. Ang bigwas na ito ay nakaapekto sa mga manggagawa na matinding nakibaka mula 1968 pataas at sa panahon ng 1970s sa mga bansa tulad ng France, Italy at United Kingdom, pero ganun din sa sinasabing mga “sosyalistang” bansa, tulad ng sa Poland na malawakan at determinadong nakibaka sa Agosto 1980, na pumilit sa gobyerno na itigil ang panunupil at tugunan ang kanilang mga kahilingan.
Hindi sa pamamagitan ng demonstrasyon “para sa kapayapaan”, hindi sa pagpili ng suportahan na bansa laban sa ibang bansa makamit natin ang tunay na pakikiisa sa mga biktima ng digmaan, ang mga sibilyan at sundalo sa parehong panig, ay mga proletaryado na ginawang sundalo para pambala ng kanyon. Ang tanging pagkakaisa ay kondenahin ang LAHAT ng mga kapitalistang estado, LAHAT ng mga partido na nanawagan ng pagkakaisa sa likod ng ganito o ganoong pambansang bandila, LAHAT ng nanlinlang sa atin ng ilusyon ng kapayapaan at “magandang relasyon” sa pagitan ng mga mamamayan. At ang tanging pagkakaisa na may tunay na epekto ay ang pag-unlad ng malakihan at mulat na pakikibaka ng mga manggagawa sa bawat bahagi ng mundo. At sa partikular, ang mga pakikibakang ito ay kailangang maging mulat sa katotohanan na ang mga ito ay bahagi ng paghahanda para ibagsak ang sistema na responsable sa mga digmaan at sa lahat ng barbarismo na lumalaki ang banta sa sangkatauhan: ang kapitalistang sistema.
Ngayon, ang lumang mga islogan ng kilusang manggagawa, na lumabas sa Manipesto ng Komunista sa 1848, ay mas higit pang nasa agenda na: Ang mga manggagawa ay walang bansa! Manggagawa ng lahat ng mga bansa, magkaisa!
Para sa pag-unlad ng makauring pakikibaka ng internasyunal na proletaryado!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 28.2.22
www.internationalism.org [2]
email: [email protected] [3]
-----------------------------------------
Mga Pampublikong Pagtitipon
Halina at makipagtalakayan sa mga ideya na laman ng polyetong ito sa isa sa mga online na pampublikong pagtitipon ng IKT dalawang linggo mula ngayon. Sa English: Maso 5, 11:00 am at sa Marso 6, 6:00 pm (UK times). Sumulat sa aming email para sa mga ditalye.
Halos lahat ay nakatuon sa darating na halalan sa Mayo 2022. Pareho ang administrasyon at oposisyon at mga taga-suporta nila ay abalang-abala na sa paghahanda para sa Mayo. Ang Kaliwa ng burgesya – maoísta, leninista, sosyal-demokrata – ay pinakilos ang kanilang mga myembro at masang tagasuporta para maparami ang botong makukuha ng kanilang mga kandidato at mánalo.
Sa kabilang banda, ang mga surveys ng burgesya ay nakatuon naman sa paghubog ng opinyong publiko na ang layunin ay “turuan” ang mga botante kung sinu-sino ang mas malaki ang tsansang mánalo. Sabi pa nga ilang komentarista, sa pamamagitan ng surveys ay alam na ng mga botante kung sinu-sino ang mánanalo sa Mayo.
Ang eleksyon at parliyamentarismo ng kapitalismo ay balwarte ng uring kapitalista para ipagpatuloy ang paghari nila sa lipunan. Isa ito sa mga haligi ng naghaharing uri para manatili sa pampulitikang kapangyarihan. Malinaw ito sa mga marxista at komunista.
Kung lumahok man sa eleksyon ang mga komunistang organisasyon noong 19 siglo (1800s), ito ay sa batayang progresibo pa ang kapitalismo. Progresibo ito laban sa mga labi ng pyudalismo. Progresibo ito dahil ang kanyang moda ng produksyon ay may kapasidad pa na magbigay ng mga makabuluhang reporma para sa kagalingan ng uring manggagawa bilang sahurang-alipin ng kapital. Sa 19 siglo, tunay na nagagamit ng uring manggagawa ang parliyamento bilang tribuna ng rebolusyonaryong propaganda at pagpapalakas ng sariling independyenteng kilusan.
Dahil progresibo pa ang kapitalismo, wala pa sa agenda ang rebolusyonaryong pag-agaw ng kapangyarihan ng uring manggagawa. Ang agenda sa 19 siglo ay pakikibaka para sa reporma at pagpaparami at konsolidasyon ng rebolusyonaryong pwersa.
Subalit, ng ganap ng nasakop ng kapitalistang moda ng produksyon ang buong mundo sa pagpasok ng 20 siglo (1900s), lubusan na ring naging reaksyunaryo ang sistema. Umabot na sa rurok ang krisis ng sobrang produksyon na siyang dahilan ng pag-agaw ng mga teritoryo ng mga karibal na kapangyarihan ng pambansang kapital sa pamamagitan ng mga imperyalistang digmaan (WW I at WW II). Ito ang tinawag na imperyalismo, ang huling yugto ng kapitalismo. Sa panahon ng imperyalismo o dekadenteng kapitalismo, wala ng maibigay na mga makabuluhang reporma ang sistema para sa kagalingan ng masang anakpawis maliban sa ibayong pagsasamantala at kahirapan.
Sa 20 siglo, nasa agenda na ang rebolusyonaryong pag-agaw ng kapangyarihan ng uring manggagawa sa pamamagitan ng komunistang rebolusyon at diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw. Ang deklarasyon ng Ikatlong Internasyunal (COMINTERN) ay nasa yugto na ang lipunan ng mga digmaan at rebolusyon. Sa 20 siglo naganap ang Rebolusyong Ruso at ang Unang Internasyunal na Rebolusyonaryong Alon ng 1917-27.
Istorikal at materyal ang batayan ng mga komunistang organisasyon at rebolusyonaryong manggagawa bakit boykot ang paninindigan nito sa burges na eleksyon simula 20 siglo.
Istorikal dahil pumasok na sa dekadenteng yugto ang kapitalismo kung saan lubusan ng naging reaksyunaryo ito at lahat ng paksyon ng uring burges. Ang parliyamento ay ganap ng instrumento para sa pagsasamantala at pang-aapi at wala ng kapasidad sa pakikibaka para sa reporma.
Materyal dahil nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalistang sistema bunsod ng permanenteng krisis ng sobrang produksyon. Ang tanging solusyon at paraan ay komunistang rebolusyon.
Noong huling bahagi ng 1920s hanggang 1930s ay matindi ang debate sa loob ng COMINTERN kung lalahok pa ba ang mga rebolusyonaryo sa eleksyon. Nagwagi man sa debate ang mga nanindigan sa paglahok, napatunayan naman ng kasaysayan at karanasan na tama ang mga nanindigan ng boykot.
Sa ibat-ibang bahagi ng mundo kung saan nanalo sa eleksyon ang mga “progresibo”, “radikal” at “maka-manggagawa”, walang nagbago sa hirap at pinagsamantalahang kalagayan ng masang anakpawis. Sa halip, ang mga “progresibo” at “radikal” ay nalantad at naging hayagang tagapagtanggol ng kapitalistang estado sa halip na ibagsak ito.
Noong 1980s sa kasagsagan ng kalakasan ng maoistang CPP-NPA, namayagpag ang panawagan nila na “Rebolusyon Hindi Eleksyon”. Subalit mali at bastardo ang batayan nila sa boykot. Ito ay nakabatay sa burges na demokratismo hindi sa marxistang materyalistang istoriko. Ang “rebolusyon” naman na sinasabi nila ay armadong gerilyang pakikidigma sa kanayunan kung saan ang programa ay peti-burges na “argraryong rebolusyon”. Ang boykot nila ay sa paraan ng ballot snatching at pananakot ng armadong hukbo hindi sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mga welga ng uring manggagawa. Kung may mga welga man, ito ay nagsisilbi sa armadong gerilyang pakikidigma sa kanayunan.
Dahil nakabatay sa burges na demokratismo ang boykot ng maoistang kilusan, ng “bumalik na ang demokrasya” sa Pilipinas ay sila pa ang nangunguna sa paglahok sa eleksyon!
Dagdag pa sa katrayduran ng Kaliwa sa proletaryong kawsa ay ang walang hiyang pakikipag-alyansa nila (hayag man o tago) sa isang paksyon ng naghaharing uri para lang manalo sa eleksyon na sinamahan pa ng vote buying. Pinakahuling ginawa ng Kaliwa ay ang pakikipag-alyansa kay Manny Villar noong 2010, Rodrigo Duterte at Grace Poe noong 2016. Maliban sa estado, simbahan at midya, malaki rin ang papel at pananagutan ng Kaliwa bakit napakalakas ng ilusyon sa eleksyon sa Pilipinas.
Ang Kaliwa ang isa sa mayor na dahilan ng pagkabansot at pagkabaog ng kamulatan ng daang libong manggagawa na lumahok sa mga welga at pakikibaka noong 1980s. Dahil sa pananabotahe ng Kaliwa, marami sa mga militanteng manggagawa sa hanay nila ay nademoralisa at nawalan na ng pag-asa sa pakikibaka o kaya nasawi sa gerilyang pakikidigma sa kanayunan.
Ang ibang mga paksyon naman ng Kaliwa na humiwalay sa maoistang kilusan noong 1990s ay nakakulong pa rin sa ideolohiya ng kaliwa ng kapital. Katunayan, walang pagkakaiba ang lahat ng paksyon ng Kaliwa sa usapin ng pagiging traydor sa kawsa ng proletaryong rebolusyon.
Sa pagpasok ng 1980s ang dekadenteng kapitalismo ay pumasok na sa kanyang huling yugto, ang yugto ng pagkabulok nito (dekomposisyon). Sa dekomposisyon, mas lumakas ang kaisipang bawat isa para sa kanyang sarili sa hanay ng burgesya. Kaalinsabay nito ay ang paglakas ng irasyunalismo at pagsamba sa mga personalidad.
Ang pag-upo sa kapangyarihan ng mga personalidad tulad nila Duterte, Trump, Edrogan, Bolsonaro at Putin ay bunga ng irasyunalismo, pagsamba sa personalidad, galit, paghihiganti, desperasyon, at kawalang pag-asa sa kakayahan ng masang anakpawis. Nangunguna sa irasyunalismo ang uring peti-burges na umiimpluwensya naman sa isang seksyon ng mga pinagsamantalahan laluna sa mala-proletaryado at maralitang taga-lungsod.
Dahil rin sa paglakas ng irasyunalismo at populismo sa buong mundo ay lumakas din ang impluwensya ng mga maka-kanan na populistang lider. Sa ganitong konteksto dapat ibatay ang pagsusuri bakit nangunguna sila Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at Sara Duterte sa mga surveys maliban pa sa katotohanan na may manipulasyon sa mga surveys. Sila Duterte, Marcos, Trump at iba pa ay produkto ng kabulukan ng sistema.
Sa kabulukan ng sistema ay mas lalupang lumakas ang paghawak ng mga malalaking angkan sa pulitika ng Pilipinas at sa paghubog ng opinyong publiko. Sa kasalukuyan, ang mga angkang Marcos, Arroyo, Estrada at Duterte ay nagkutsabahan para sa eleksyong 2022. Ganun pa man, dahil sa pangingibabaw ng bawat isa para sa kanyang sarili, ang bawat angkan na ito ay may mga pansariling interes bakit sila “nagkakaisa” sa eleksyon 2022. Ang kanilang alyansa ay mabuway at temporaryo. Malaki ang posibilidad na hihina o di kaya mabuwag ang alyansang ito pagkatapos ng eleksyon sa 2022 dahil sa maniobrahan at manipulasyon ng bawat angkan.
Ang perspektiba ng pulitika sa Pilipinas ay katulad sa perspektiba sa internasyunal na saklaw: magulong pulitika kung saan ang mga ordinaryong masa ay ginagawang pambala ng kanyon sa inter-paksyunal na tunggalian ng naghaharing uri.
Sa yugto ng dekomposisyon o kabulukan ng kapitalismo ang tanging daan na dapat tahakin ng uring manggagawa ay rebolusyonaryong pakikibaka at komunistang rebolusyon sa pandaigdigang saklaw. Tanging sa pagkakaisa lang ng manggagawa ng mundo at pakikibaka maibagsak ang kapitalistang sistema.
Ang eleksyon at pag-asa dito, ang pag-asa sa mga “progresibo” at “radikal na kandidato” o sa “lesser evil”, ang pakikipag-alyansa sa isang paksyon ng naghaharing uri, unyonismo at nasyunalismo, ay mga malaking balakid na dapat tibagin ng uring manggagawa kung nais nilang lumaya mula sa pang-aapi at pagsasamantala. Ibig sabihin, itakwil ang programa at pagkilos ng lahat ng paksyon ng Kaliwa na sumisira at sumasabotahe sa pagkakaisa ng mga manggagawa.
Toribio
Enero 1, 2022
Ang burges na lipunan, na bulok sa kaibuturan, may matinding sakit, ay muling sumuka ng maruming delubyo ng bakal at apoy. Araw-araw ang patayan sa Ukraine ay nakitaan ng matinding pambobomba, ambus, pagkubkob, habang ang milyun-milyong lumilikas na bakwit ay patuloy na nakaranas ng pambobomba mula sa naglalabanang mga hukbo.
Sa gitna ng bumabahang propaganda ng mga gobyerno ng bawat bansa, dalawang kasinungalingan ang partikular na matingkad: ang una ay pinakita si Putin bilang “baliw na diktador” na inihanda ang sarili na maging bagong Tsar ng muling binubuong emperyo habang hinahawakan sa kanyang mga kamay ang “kayamanan ng Ukraine”; ang isa pa ay tungkol sa ang may pangunahing responsibilidad sa sigalot ay ang “genocide” laban sa populasyon na ang lenggwahe ay Ruso sa Donbass kung saan nais iligtas ng mga “bayaning” sundalo ng Rusya. Palaging inaalagaan ng burgesya ang maskara sa tunay na mga dahilan ng digmaan sa pamamagitan ng pagtabon sa mga ito ng ideolohikal na bilo ng “sibilisasyon”, “demokrasya”, “karapatang pantao” at “internasyunal na kaayusan”. Pero ang tunay na responsable sa digmaan ay ang kapitalismo!
Panibagong hakbang ng kaguluhan
Mula ng maupo sa kapangyarihan sa Putin sa 2000, lubusan ng nagsisikap ang Rusya na bigyan ang sarili ng isang modernong hukbo at muling palakasin ang kanyang impluwensya sa Gitnang Silangan, laluna sa Syria, pati na rin sa Aprika kasama ang pagpapadala ng mga mersenaryo sa Libya, Sentral Aprika at Mali, na lalupang nag-udyok ng kaguluhan. Nitong nagdaang mga taon hindi ito nag-atubiling maglunsad ng direktang opensiba sa Georgia sa 2008, pagkatapos sinakop ang Crimea at Donbass sa 2014, para tangkaing pigilan ang paghina ng kanyang impluwensya pero may risgo na lumikha ng mayor na instabilidad sa kanyang mga hangganan. Matapos umatras ang US sa Afghanistan, iniisip ng Rusya na makakuha ito ng benepisyo sa paghina ng Amerika para kabigin ang Ukraine sa ilalim ng kanyang impluwensya, isang teritoryo na mahalaga sa kanyang posisyon sa Uropa at mundo, laluna dahil nagbanta ang Kyiv na makipag-ugnayan sa NATO.
Mula ng bumagsak ang bloke ng Silangan sa 1989, tiyak na hindi ito ang kauna-unahan na pumutok ang digmaan sa kontinente ng Uropa. Ang digmaan sa Balkans sa maagang bahagi ng 1990’s at ang sagupaan sa Donbass sa 2014 ay nagdala na ng kamalasan at lagim sa kontinente. Pero mas seryoso ang mga implikasyon sa digmaan sa Ukraine kaysa mga nagdaang mga sagupaan, na nagpakita paanong ang paglaki ng kaguluhan ay lumalapit na sa mga pangunahing sentro ng kapitalismo.
Ang Rusya, isa sa mga pangunahing kapangyarihang-militar ng mundo, ay direkta at malawakang kasangkot sa pagsakop sa isang bansa na may estratehikong posisyon sa Uropa, maging sa mga hangganan ng Unyon ng Uropa. Sa panahon na sinusulat ito, nawalan na ang Rusya ng 10,000 sundalo at mas marami ang sugatan o tumakas. Ilang mga lungsod ay natupok dahil sa pambobomba. Marami ang namatay na sibilyan. At halos isang buwan pa lang ang digmaan![1]
Mula ngayon ay makikita na sa rehiyon ang napakalaking konsentrasyon ng mga sundalo at abanteng materyal at kagamitang militar, kasama ang mga sundalo at mersenaryo mula sa maraming lugar. Subalit sa Silangang Uropa rin makikita ang pagpadala ng libu-libong sundalo ng NATO at ang mobilisasyon ng nag-iisang alyado ni Putin, ang Belorussia. Maraming mga gobyerno sa Uropa ang nagpasyang palakihin sa unang ranggo ang programa ng muling pag-aarmas kabilang na ang mga estado sa Baltic, at Germany kung saan ginawang doble ang kanyang badyet sa “pagtatanggol”.
Sa kanyang panig, regular na nagbabanta ang Rusya sa mundo ng paghihiganti at walang hiyang nag-amba ng kanyang armas nukleyar. Ang Ministro ng Depensa ng Pransya ay nagbabala rin kay Putin na haharapin niya ang “kapangyarihang nukleyar”, bago kumalma sa mas “diplomatikong” tonada. Kahit hindi usapin ng sagupaang nukleyar, posible ang risgo ng aksidenteng industriyal. Ilang mabangis na labanan ang nangyari sa pasilidad nukleyar sa Chernobyl at Zaporizhzhia, kung saan nasunog ang mga gusali (mabuti at mga gusaling administratibo lang) dahil sa pambobomba.
Sa lahat ng ito maaring idagdag ang mayor na krisis ng bakwit sa Uropa mismo. Milyun-milyong Ukrainian ang lumikas papunta sa hangganang mga bansa upang tumakas sa digmaan at sapilitang konskripsyon sa hukbo ni Zelensky. Subalit sa paglaki ng populismo sa Uropa at minsan hayagang kapasyahan ng maraming mga estado na kutyain ang mga bakwit para sa kanilang imperyalistang interes (tulad ng nakita natin kamakailan lang sa hangganan ng Belorussia o sa pamamagitan ng regular na banta ng Turkey laban sa Unyon ng Uropa), kalaunan itong malaking bakwit ay lilikha ng seryosong tensyon at instabilidad.
Kung sumahin, dinadala ng digmaan sa Ukraine ang mayor na risgo ng kaguluhan, de-estabilisasyon at destruksyon sa internasyunal na antas. Kung hindi man magbukas ang sagupaang ito ng mas maraming madugong komprontasyon, patataasin lang nito ang peligro, na may risgo ng hindi makontrol na “pagdami” ng mga hindi maisip na mga kahihinatnan.
Rusya lang ba ang responsable sa digmaan?
Kung ang burgesyang Ruso ay binuksan ang labanan para depensahan ang kanyang karumaldumal na imperyalistang interes, ang propaganda na ang Ukraine at mga bansa sa kanluran ay biktima ng isang “baliw na diktador” ay isang iporitong pagbabalatkayo. Sa loob ng ilang buwan ang babala ng gobyernong Amerikano sa napipintong pag-atake ng Rusya ay malinaw na probokasyon, habang inaamin na hindi ito magpadala ng mga sundalo sa kalupaan ng Ukraine.
Mula ng nawasak ang USSR, patuloy na may banta sa mga hangganan ng Rusya laluna sa Silangang Uropa tulad ng sa Caucasus at Sentral Asya. Ang Estados Unidos at mga kapangyarihan sa Uropa ay napaatras ang Rusya sa kanyang nasasakupang impluwensya sa pamamagitan ng integrasyon ng maraming mga bansa sa silangang Uropa sa EU at NATO. Ito rin ang kahalagahan sa pagpatalsik kay dating Pangulo ng Georgia, si Shevardnadze, sa 2003 sa panahon ng “Rebolusyon ng Rosas” (“Rose Revolution”) na nagpaupo sa kapangyarihan ng paksyong maka-Amerikano. Ganun din sa “Rebolusyong Dalandan” (“Orange Revolution”) ng 2004 sa Ukraine at lahat ng sumunod na mga sagupaan sa pagitan ng ibat-ibang paksyon ng lokal na burgesya. Ang aktibong suporta ng mga kapangyarihan sa Kanluran sa maka-Uropang oposisyon sa Belorussia, ang digmaan sa High-Karabakh sa ilalim ng presyur ng Turkey (myembro ng NATO) at ang tunggalian sa estado ng Kazakh ay nagpatingkad lang sa damdaming pagmamadali sa loob ng burgesyang Ruso.
Kasing halaga ang “Tsarista” tulad ng “Sobyet” sa Rusya, laging kinakatawan ng Ukraine ang sentral na nakataya sa kanyang patakarang panlabas. Para sa Moscow ang Ukraine ang tanging daan para sa direktang ugnay sa Mediterranean. Ang pagsakop sa Crimean Peninsula sa 2014 ay sumusunod na sa pangangailangan ng imperyalismong Ruso, na direktang binantaan ng pagkubkob sa pamamagitan ng mga rehimen na karamihan ay suportado ng Amerika. Ang kapasyahan ng Estados Unidos na kabigin ang Ukraine patungong Kanluran ay para kay Putin at sa kanyang pangkat ay tunay na probokasyon. Sa puntong ito, kahit ang opensiba ng hukbong Ruso na tila irasyunal at tiyak ang pagkatalo sa simula pa lang, para sa Moscow ito ay desperadong “pag-agaw ng kapangyarihan” para manatili ang kanyang posisyon sa pandaigdigang kapangyarihan.
Perpektong napakalinaw ang sitwasyon sa Rusya, kahit pa hati-hati sa usaping ito, ang burgesyang Amerikano ay hindi nabigong itulak si Putin na tumugon sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga probokasyong ito. Ng lantarang sinabi ni Biden sa publiko na hindi ito direktang makialam sa Ukraine, sinadya nitong mag-iwan ng ispasyo na agad sinunggaban ng Rusya sa pag-asang mapigilan ang kanyang pagbulusok sa internasyunal na arena. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Estados Unidos ang ganitong Machiavellianismo para makamit ang kanyang ninanais: 1990 pa, tinulak ni Bush senior si Saddam Hussein sa bitag sa pamamagitan ng pagsabi na hindi ito makialam para ipagtanggol ang Kuwait. Alam na natin ang nangyari …
Maaga pa para maisip gaano katagal at kalawak ang pagkasira sa Ukraine, pero mula 1990s alam natin ang mga masaker sa Srebrenica, Grozny, Sarajevo, Fallujah at Aleppo. Kahit sino pa ang nag-umpisa ng digmaan ay tiyak na napahamak at nabagabag. Sa 1980s, nagbayad ng malaki ang Rusya sa pagsakop sa Afghanistan, na nauwi sa pagsabog ng USSR. May sariling kabiguan ang Estados Unidos, na nagpahina sa kanya pareho sa militar at ekonomiya. Lahat ng mga pakipagsapalarang ito ay nagtapos, sa kabila ng inisyal na mga tagumpay, sa masaklap na pag-atras at lalong nagpahina sa mga magkaaway. Ang Rusya ni Putin, kung hindi ito aatras matapos ang nakakahiyang pagkatalo, ay hindi makaligtas sa pagkapatas, kahit pa masakop nito ang mayor na mga syudad ng Ukraine.
Lahat ng mga bansa at lahat ng mga digmaan ay imperyalista
“Isang bagong imperyalismo ang nagbanta sa kapayapaan ng mundo”[2], “Nakipaglaban ang mga Ukrainian sa imperyalistang Rusya sa loob ng daan-daang taon”[3].
“Imperyalismong Rusya”, ayon sa burgesya – tila ang Rusya ang ganap na halimbawa ng imperyalismo kabaliktaran sa walang kalaban-laban na sisiw na Ukraine. Sa realidad, mula ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, ang digmaan at militarismo ay nagiging pundamental na katangian ng sistema. Lahat ng mga estado, malaki o maliit, ay imperyalista; lahat ng mga digmaan, sabihin man nila na ito ay “makatao”, “mapagpalaya” o “demokratiko”, ay mga imperyalistang digmaan. Kinilala na ito ng mga rebolusyonaryo sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig: sa pagpasok ng 20 siglo, ang pandaigdigang merkado ay ganap ng nahati sa pagitan ng mga pangunahing kapitalistang bansa. Naharap sa lumalaking kompetisyon at imposibilidad na luwagan ang pagsunggab sa mga kontradiksyon ng kapitalismo sa pamamagitan ng bagong kolonyal o komersyal na pananakop, binuo ng mga pambansang estado ang mga higanteng arsenal at isinailalim ang buong ekonomiko at buhay panlipunan sa pangangailangan ng digmaan. Sa kontekstong ito pumutok ang Pandaigdigang Digmaan sa Agosto 1914, isang masaker na walang kapares sa kasaysayan ng sangkatauhan, isang nakakasilaw na ekspresyon ng isang bagong "panahon ng mga digmaan at rebolusyon".
Naharap sa mabangis na kompetisyon at sa palagiang presensya ng digmaan sa bawat bansa, maliit o malaki, dalawang penomena ang umunlad na naging mayor na katangian ng yugto ng pagbulusok: kapitalismo ng estado at imperyalistang bloke. “Ang kapitalismo ng estado […] ang tugon sa pangangailangan ng bawat bansa, na tinatanaw ang komprontasyon sa ibang mga bansa, upang makamit ang maksimum na disiplina sa loob nito mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, para mabawasan sa minimum ang banggaan sa pagitan ng mga uri at sa pagitan ng magkaribal na mga paksyon ng dominanteng uri, upang, sa partikular, para mapakilos at makontrol lahat ng kanyang ekonomikong potensyal. Ganun din, ang pagbuo ng mga imperyalistang bloke ay tugon sa pangangailangan na ipataw ang kahalintulad na disiplina sa pagitan ng iba’t-ibang pambansang burgesya para limitahan ang kanilang mga antagonismo at pagkaisahin sila para sa ultimong komprontasyon sa pagitan ng dalawang kampo militar.”[4] Kaya nahati ang kapitalistang mundo sa buong 20 siglo sa magkaribal na mga bloke: Allies laban sa Axis powers, bloke ng Kanluran laban sa bloke ng Silangan.
Subalit sa pagbagsak ng USSR sa kataposan ng 1980s, nagsimula ang huling yugto ng dekadenteng kapitalismo: ang yugto ng kanyang pangkalahatang pagkabulok[5], na may tanda ng paglaho ng mga imperyalistang bloke ng mahigit 30 taon. Ang pagkatanggal ng pagiging “pulis” ng Rusya at ang de facto na dislokasyon ng bloke ng Amerika, ay nagbukas sa buong serye ng tunggalian at lokal na mga sagupaan na dati napigilan ng bakal na disiplina ng mga bloke. Nakumpirma ang tendensya ng bawat isa para sa kanyang sarili at lumalaking kaguluhan.
Mula 1990, ang tanging “superpower”, ang Estados Unidos, ay nagtangkang itatag ang minimum na kaayusan sa mundo at pabagalin ang hindi mapigilang pagbulusok ng kanyang sariling liderato … sa pamamagitan ng digmaan. Habang tumigil ang mundo na mahati sa dalawang disiplinadong imperyalistang kampo, ang bansa tulad ng Iraq ay inakalang posible ng kontrolin ang dating alyado sa parehong bloke, ang Kuwait. Ang Estados Unidos, na nasa ulohan ng koalisyon ng 35 bansa, ay naglunsad ng nakamamatay na opensiba na naglayong panghinaan ng loob ang anumang tukso sa hinaharap na gayahin ang mga aksyon ni Saddam Hussein.
Pero hindi napigilan ng operasyon ang bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang antas, isang tipikal na manipestasyon ng pagkabulok ng lipunan. Sa mga digmaan sa Balkan, ang mabangis na tunggalian sa pagitan ng mga kapangyarihan ng dating bloke ng Kanluran ay hayagang nalantad, sa partikular France, United Kingdom at Germany na, dagdag sa mamamatay-tao na interbensyon ng Amerika at Rusya, ay naglunsad ng digmaan sa pamamagitan ng iba’t-ibang magkaaway sa dating Yugoslavia. Ang teroristang atake sa Setyembre 11, 2001, ay tanda ng isa pang signipikanteng hakbang ng kaguluhan sa sentro ng pandaigdigang kapitalismo. Ang mga maka-kaliwang teorya hinggil sa pagiging ganid ng Amerika sa tubo mula sa lana bilang mayor na dahilan ng mga digmaan ay pundamental na pinabulaanan ng kanilang napakalaking gastos. Higit sa lahat ito ay sa konteksto ng pagsisikap ng USA na muling igiit ang kanyang pandaigdigang awtoridad ng sakupin nito ang Afghanistan sa 2001 at Iraq sa 2003, sa ngalan ng "digmaan laban sa terorismo".
Inihagis ng imperyalismong Amerikano ang sarili sa pagmamadali: sa panahon ng ikalawang digmaan sa Gulpo, ang Germany, France at Rusya ay hindi na kontento na hatakin ang kanilang mga paa sa likod ni Uncle Sam, lantaran silang tumanggi na magpadala ng mga sundalo. Higit sa lahat, bawat operasyon ay nagbunga lang ng kaguluhan at instabilidad kung saan sa huli natali ang Estados Unidos, sa punto na iwanan nito ang Afghanistan sa nakakahiyang paraan matapos ang 20 taon, iniwan nila ang mga guho sa mga kamay ng Taliban, ang mismong pinatalsik nila, katulad ng pag-iwan nila sa Iraq na nabalot ng anarkiya, na nagpagulo sa buong rehiyon, sa partikular ang karatig-bansa na Syria. Sa panahon ng pagkabulok, dahil mismo sa layuning panatilihin ang kanyang ranggo bilang numero unong kapangyarihan ng mundo, ang Estados Unidos ang pangunahing tagahasik ng kaguluhan.
Lumikha ng kaguluhan ang Estados Unidos sa pintuan ng isa sa mga prinsipal na sentro ng pandaigdigang kapitalismo
Ngayon, hindi maipagkailang nakapuntos ang Estados Unidos sa imperyalistang antas, kahit hindi direktang nakialam. Ang Rusya, na matagal ng kaaway, ay natali sa hindi maipanalong digmaan na magbunga, ano man ang resulta, sa mayor na paghina sa militar at ekonomiya. Nagpahayag na ang Unyon ng Uropa at Estados Unidos ano ang layunin: ayon sa pangulo ng diplomasiya sa Uropa, ito ay usapin ng “pagwasak sa ekonomiya ng Rusya "... at mas lalupang makasama sa proletaryado ng Rusya na siyang magbayad sa lahat ng mapaghiganting mga hakbangin. Kasama ang proletaryado sa Ukraine, sila ang unang biktima at hostage sa pagpapakawala ng barbarismong militar!
Muli ring nakontrol ng mga Amerikano ang NATO, na kamakailan lang inihayag ng Presidente ng Pransya na "brain dead", na malaki ang paglakas ng presensya sa Silangan at napwersa ang pangunahing mga kapangyarihan sa Uropa (Germany, France at United Kingdom) na umako ng mas mabigat na pang-ekonomiyang pasanin ng militarismo para depensahan ang mga hangganan ng Uropa sa silangan. Ito ang polisiya na nais ipatupad ng Estados Unidos sa loob ng maraming taon, laluna sa panahon ni Trump, at ngayon ay ipinagpatuloy ni Biden, para ikonsentra ang kanyang pwersa laban sa prinsipal na kaaway: China.
Para sa mga Uropeo, ang sitwasyon ay kumakatawan sa malaking pagkatalong diplomatiko at kawalan ng impluwensya. Ang sagupaan na ginatungan ng Estados Unidos ay hindi nais ng France at Germany na, dahil umaasa sila sa gas ng Rusya at merkado na kinatawan ng bansang ito para sa kanilang sariling kabutihan, ay walang mapapala sa sagupaang ito. Kabaliktaran, makaranas ang Uropa ng lalupang pagbilis ng krisis sa ekonomiya dahil sa digmaan at parusang ipinataw sa Rusya. Kaya naobligang luminya sa likod ng kalasag ng Amerika ang mga Uropeo matapos ang diplomatikong paghina dahil sa kabaliwan ni Trump at umasa sa malakas na pagbalik ng lumang kontinente sa internasyunal na eksena.
Ang paglinya ba ng mga kapangyarihan sa Uropa sa likod ng Estados Unidos ang simula ng pormasyon ng panibagong imperyalistang bloke? Ang yugto ng pagkabulok ay hindi, sa kanyang sarili, nagbabawal sa pagbuo ng bagong mga imperyalistang bloke, subalit ang bigat ng bawat isa para sa kanyang sarili ay pinipigilan ito na mangyari. Gayunpaman, sa sitwasyong ito ang irasyunal na kapasyahan ng bawat estado na ipagtanggol ang kanyang sariling imperyalistang interes ay mas lalupang tumibay. Pinipilit ng Germany ang sarili na ipataw ang parusa at patuloy na nag-alinlangan sa dagdag na parusa sa pag-angkat ng gas kung saan umaasa ito ng malaki. Dagdag pa, hindi ito tumigil, kasama ang France, na makialam sa pamamagitan ng pag-alok ng diplomatikong labasan ng Rusya, na nais naman ng Washington na iantala. Kahit ang Turkey at Israel ay inaalok ang kanilang “mabuting serbisyo” bilang tagapamagitan. Sa bandang huli, sa kanilang pagpalaki ng gastos militar, ang mayor na mga kapangyarihan sa Uropa ay makalaya mula sa kontrol ng Amerika, isang ambisyon na regular na pinagtatanggol ni Macron sa kanyang proyektong “Depensa sa Uropa”. Habang hindi maikakaila na nakapuntos ang Estados Unidos sa maikling panahon, bawat bansa ay naglalaro rin ng kanilang sariling baraha, na naglagay sa kompromiso sa pagbuo ng bloke bagay na pabor sa China, dahil wala itong kapasidad na tipunin alinman sa mga signipikanteng kapangyarihan sa likod nito. Sa kasalukuyan ay pinipigilan ng digmaan ang China na ipagtanggol ang kanyang sariling interes at layunin.
China ang ultimong target sa estratehiya ng Amerika
Subalit, ang mga maniobra ng burgesyang Amerikano ay hindi tangi o pangunahin laban sa Rusya lang. Kontrolado ng komprontasyon ng Estados Unidos at China ngayon ang pandaigdigang imperyalistang relasyon. Sa pamamagitan ng kaguluhan sa Ukraine, nahadlangan ng Washington ang pag-abante ng China sa Uropa sa pamamagitan ng “silk roads” na dadaan sa mga bansa ng Uropa mula sa silangan. Hindi malinaw kailan maglaho ang harang na ito. Matapos balaan ang daanang-dagat ng China sa rehiyong Indo-Pacific sa pamamagitan ng pagbuo ng alyansang AUKUS sa 2021[6],nahati ng malaki ni Biden ang Uropa, na pumipigil sa China na dalhin ang kanyang mga produkto sa pamamagitan ng transportasyon sa lupa.
Nagtagumpay rin ang Estados Unidos na ipakita ang pagiging inutil ng China na magkaroon ng malaking papel sa internasyunal na eksena dahil wala itong ibang pagpilian kundi suportahan ang Rusya sa napakahinang paraan. Sa puntong ito, ang opensiba ng Amerika na nasaksihan natin ay bahagi ng mas pandaigdigang estratehiya para pigilan ang China.
Magmula sa mga digmaan ng dating Yugoslavia, Afghanistan at Gitnang Silangan, ang Estados Unidos ay naging, batay sa nakita natin, pangunahing salik sa kaguluhan sa mundo. Ang tunguhing ito ay nakumpirma sa nasa gilid na mga bansa ng kapitalismo, bagaman nagdurusa ang sentral na mga bansa sa epekto (terorismo, krisis sa migrasyon, atbp). Pero ngayon, ang numero unong kapangyarihan sa mundo ay lumilikha ng kaguluhan sa mga pintuan ng isa sa mga pangunahing sentro ng kapitalismo. Itong kriminal na estratehiya ay pinangunahan ng isang “demokrata” at “moderatong” si Joe Biden. Ang nasundan niya, si Donald Trump, ay may karapat-dapat na reputasyon bilang mainitin ang ulo, pero ngayon tila malinaw na ito ay para nyutralisahin ang China, magkaiba lang sa estratehiya: nais ni Trump na makipagkasundo sa Rusya, si Biden at mayoriya ng burgesyang Amerikano ay paduguin ito. Si Putin at ang pangkat nitong mamamatay-tao ay walang kaibahan, katulad ni Zelensky na hindi nag-alinlangang gawing hostage ang buong populasyon at isakripisyo sila bilang pambala ng kanyon sa ngalan ng pagtatanggol sa amang bayan. At paano na ang ipokritong mga demokrasya sa Uropa na, habang luhang-buwaya sa mga biktima ng digmaan, ay nagpadala ng napakalaking bilang ng kagamitang militar?
Mula sa kaliwa at kanan, demokratiko o diktadurya, lahat ng mga bansa, lahat ng mga burgesya ay hinahatak tayo para piliting magmartsa patungong kaguluhan at barbarismo! Higit kailanman, ang tanging alternatiba ng sangkatauhan ay: sosyalismo o barbarismo!
EG, March 21, 2022
[1] Para sa pagkumpara, nawalan ng 25,000 sundalo ang USSR sa loob ng siyam na taon na teribleng digmaan na sumira sa Afghanistan.
[2] “Laban sa imperyalismong Rusya, para sa internasyunalistang pag-igpaw”, Mediapart, Marso 2, 2022. Ang artikulong ito ay may titulong nagpahiwatig ng komedya, laluna sa kanyang awtor, si Edwy Plenel, isang bantog na tagapagtanggol ng imperyalismong Pranses na lantarang nanawagan ng digmaan.
[3] “Para maunawaan ang sagupaan sa Ukraine-Rusya, tingnan ang kolonyalismo”, The Washington Post, 24 Pebrero, 2022.
[5] https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition [5]
“Decomposition: the ultimate stage of decadent capitalism”.
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 164.46 KB |
Sa lahat ng mga bansa, lahat ng mga sektor, naharap ang uring manggagawa sa isang hindi matiis na kapahamakan sa kalagayan ng kanyang pamumuhay at pagtrabaho. Lahat ng mga gobyerno, ng kanan o kaliwa man, tradisyunal o populista, ay nagpataw ng sunod-sunod na atake habang mas lumala ang krisis sa pandaigdigang ekonomiya.
Sa kabila ng takot dulot ng mapanupil na krisis sa kalusugan, nagsimula ng makibaka ang uring manggagawa. Sa nagdaang mga buwan, sa USA, Iran, Italy, Korea, Spain, France at Britain, pumutok ang mga pakikibaka. Hindi ito malawakang mga pagkilos: nanatiling mahina at kalat-kalat ang mga welga at demonstrasyon. Ganun pa man, nabahala ang naghaharing uri sa mga ito, mula sa malawak, kumukulong galit.
Paano natin harapin ang mga atake ng naghaharing uri? Mananatili ba tayong kalat-kalat, hati-hati, bawat isa sa ‘kanilang sariling’ pagawaan o sektor? ‘Yan ay garantiya ng kawalan ng kapangyarihan. Kaya paano natin mapaunlad ang nagkakaisa, malawakang pakikibaka?
Patungo sa brutal na paglala ng kalagayan ng pamumuhay at trabaho
Tumaas ang mga presyo, partikular sa batayang pangangailangan: pagkain, enerhiya, transportasyon...Sa 2021 ay mas mataas na ang inplasyon matapos ang krisis sa 2008. Sa USA, umabot ito sa 6.8%, pinakamataas sa loob ng 40 na taon. Sa Europe, sa nagdaang mga buwan, ang gastos sa enerhiya ay lumundag ng 26%! Sa likod ng mga datos na ito, ang kongkretong realidad ay mas dumarami ang mga tao na nahirapang pakainin ang kanilang sarili, sa paghanap ng akomodasyon, manatiling mainit, sa pagbyahe. Sa pandaigdigan, tumaas ang presyo ng pagkain ng 28%, kung saan direktang banta ang malnutrisyon sa mahigit isang bilyon ka tao sa pinakamahirap na mga bansa, higit sa lahat sa Africa at Asia.
Ang lumalalim na ekonomikong krisis ay mas nagpatindi sa maanghang na kompetisyon sa pagitan ng mga estado. Para mapanatili ang tubo, ang tugon ay nanatiling ganun pa rin, kahit saan, sa lahat ng mga sektor, pribado at publiko: magbawas ng manggagawa, magpataw ng pamimiga, magbawas ng badyet, kabilang ang para sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Sa Enero, sa France, nagprotesta ang mga guro laban sa nakakagimbal na kalagayan sa trabaho. Araw-araw nabuhay sila sa kapitalistang impyerno dahil sa kakulangan ng istap at materyal. Sa mga demonstrasyon malinaw na naksulat sa kanilang mga bandera ang makatarungang islogan: “Ang nangyayari sa amin ay katulad noong panahon na wala pa ang Covid!”
Malinaw na pinakita ito sa kahirapan ng mga manggagawa sa kalusugan. Mas pinatampok lang ng pandemiya ang dati ng kakulangan ng medisina, care workers, nurses, higaan, masks, protective clothing, oxygen…lahat! Ang kaguluhan at kapaguran na namayani sa mga ospital magmula ng pumutok ang pandemiya ay resulta lang ng mapanirang pagbawas ng badyet ng mga gobyerno sa lahat ng mga bansa sa loob ng ilang dekada. Dahil dito naobliga ang World Health Organisation, sa kanyang pinakahuling ulat, na magbabala: “Mahigit sa kalahati ng pangangailangan ay hindi nakamit. Sa buong mundo may kakulangan ng 900,000 midwives at 6 milyon nurses…itong dating kakulangan ay pinalala ng pandemiya at presyur sa pagod na istap”. Sa maraming mahirap na mga bansa, malaking parte ng populasyon ay walang access sa bakuna sa simpleng dahilan na ang kapitalismo ay nakabatay sa paghahanap ng tubo.
Angg uring manggagawa ay hindi lang binuo ng mga manggagawa sa industriya: kabilang ang lahat ng sahurang manggagawa, part time at kontraktwal na mga manggagawa, walang trabaho, karamihan sa mga estudyante, retiradong manggagawa…
Kaya, Oo, “Ang nangyayari sa amin ay mula pa noong wala pang Covid!”. Ang pandemiya ay produkto ng naghihingalong kapitalismo kung saan ang kanyang walang solusyon na krisis ay ginawa nitong mas malala. Hindi lang pinakita ng sistemang ito ang kawalan ng kakayahan at dis-organisasyon sa harap ng pandemiya na pumaslang na ng 10 milyong buhay, laluna sa hanay ng pinagsamantalahan at mahihirap, kundi patuloy nitong pinalala ang ating kalagayan sa pamumuhay at trabaho, patuloy nitong pataasin ang redundancies at kontraktwal na trabaho, para pigain at pahirapan ang mga manggagawa. Dahil sa bigat ng kanyang mga kontradiksyon, patuloy itong natali sa walang kataposang mga imperyalistang digmaan, palalain ang mga panibagong ekolohikal na kalamidad – lahat ng ito ay magtulak ng dagdag na kaguluhan, alitan, at mas malala, mga pandemiya. Ang sistema ito ng pagsasamantala ay walang maibigay sa sangkatauhan maliban sa pagdurusa at kahirapan.
Ang pakikibaka lang ng uring manggagawa ang tagapagdala ng ibang perspektiba, komunismo: isang lipunan na walang mga uri, walang mga bansa, walang mga digmaan, kung saan lahat ng klase ng panunupil ay maglaho. Ang tanging perspektiba ay pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Lumalaking galit at militansya
Sa 2020, sa buong mundo, binaba ang malaking kurtina: paulit-ulit na lock-downs, mga emerhensyang ospitalisasyon at milyun-milyon ang namatay. Matapos manumbalik ang militansya ng mga manggagawa na nakita natin sa maraming bansa sa 2019, partikular sa pakikibaka laban sa pension ‘reforms’ sa France, brutal na tumigil ang mga pakikibaka ng manggagawa. Pero ngayon, muli, tumataas ang galit at lumalakas ang mapanlabang diwa:
Maghanda sa mga pakikibaka sa hinaharap
Lahat ng mga pakikibakang ito ay mahalaga dahil pinakita nito na ang uring manggagawa ay hindi handa na tanggapin ang lahat ng mga sakripisyo na nais ipataw ng burgesya sa kanila. Subalit dapat din nating kilalanin ang mga kahinaan ng ating uri. Lahat ng mga pagkilos na ito ay kontrolado ng mga unyon na kahit saan ay hinati-hati at ginawang kalat-kalat ang mga manggagawa sa seksyonal na mga kahilingan, pinipigilan at sinabotahe ang mga pakikibaka. Sa Cadiz, tinangka ng mga unyon na ikulong ang mga manggagawa sa lokalismo, sa isang “kilusan ng mamamayan” para “iligtas ang Cadiz”, na para bang ang interes ng uring manggagawa ay nakasalalay sa pagtatanggol sa rehiyunal o pambansang interes at hindi nakaugnay sa kanilang mga kapatid sa uri sa lahat ng sektor at larangan! Nahirapan din ang mga manggagawa na kontrolin ang kanilang mga pakikibaka, magkaisa sa independyenteng mga pangkalahatang asembliya at labanan ang panghahati ng mga unyon.
Dagdag na peligro na kinaharap ng uring manggagawa ay isuko ang mga makauring kahilingan sa pamamagitan ng pagsama sa mga kilusan na walang kinalaman sa kanilang sariling interes at paraan ng pakikibaka. Nakita natin ito sa “Yellow Vests” sa France o, mas kamakailan lang, sa China, ng bumagsak ang housing giant na Evergrande (isang ispektakular na simbolo ng napakalaking utang ng China), na pangunahing nagtulak ng mga protesta ng mga maliit na may-ari. Sa Kazakhstan, ang malawakang welga ng sektor sa enerhiya ay sa huli nadiskaril sa pagiging pag-alsa ng “mamamayan” na walang anumang perspektiba at mabilis na natali sa bangayan ng mga paksyon ng burgesya na nag-aagawan sa kapangyarihan. Sa bawat panahon na pinaghalo ng mga manggagawa ang kanilang sarili bilang “mamamayan” na humihiling na ang kapitalistang estado ang dapat “magbabago ng lahat”, naglaho sa kanilang sariling uri ang kapangyarihan.
Ang kilusan laban sa CPE: inspirasyon para sa darating na mga pakikibaka
Sa 2006, sa France, napilitan ang burgesya na bawiin ang kanyang atake sa harap ng malawakang pakikibaka na nagbanta na palawakin ito sa ibang mga sektor.
Sa naturang panahon, ang mga estudyante, marami sa kanila ay mga part-time na manggagawa, ay nagprotesta laban sa ‘reporma’ na nakilala sa Contrat Première Embauche (First Employment Contract) o CPE, na nagbukas sa pintuan para sa kulang ang sahod at pinakamatinding pagsasamantala sa trabaho. Itinakwil nila ang kalat-kalat, hati-hati, seksyunal na mga kahilingan.
Laban sa mga unyon, binuksan nila ang kanilang mga pangkalahatang asembliya sa lahat ng kategoriya ng manggagawa at retirado. Naintindihan nila na ang pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon para sa kabataan ay simbolo ng pakikibaka laban sa kawalang kasiguruhan ng trabaho para sa lahat.
Nakakuha ng pakikiisa sa pagitan ng mga sektor at henerasyon, ang kilusang ito, sunod-sunod na demonstrasyon, ay lumawak. Natakot ang burgersya sa dinamikong ito patungong pagkakaisa at napilitang bawiin ang CPE.
Para paghandaan ang pakikibaka, kailangan natin, sa posibleng makakaya, na magtipon para magtalakayan at halawin ang mga aral sa nagdaang mga pakikibaka. Mahalaga na ilako ang mga paraan ng pakikibaka na nagpakita ng lakas ng uring manggagawa, at kung saan, sa ilang yugto ng kasaysayan, ay yumanig sa burgesya at sa kanyang sistema:
Maghanda para sa nagkakaisa at awtonomus na mga pakikibaka sa hinaharap!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Enero 2022
Ipinamahagi namin ang polyetong ito sa lahat ng mga bansa na nandoon ang aming mga militante. Ang sang-ayon sa laman ng aming artikulo ay maaring i- download ito sa pdf file at ipamahagi sa abot ng makakaya. Sa unang linggo ng Marso ay mag-organisa kami ng isang online public meetings sa English kung saan talakayin namin ang krisis ng sistema, pakikibaka ng uri at papel ng mga rebolusyonaryo. Kung nais ninyo lumahok sa diskusyon, pakisulat lang sa amin sa [email protected] [3] o subaybayan ang aming website sa www.internationalism.org [2].
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17133/against-attacks-ruling-cla... [9]
Kasalukuyan nating naranasan ang pinakamatinding kampanya ng propaganda para sa digmaan mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig – hindi lang sa Rusya at Ukraine, kundi sa buong mundo. Kaya esensyal para sa mga naghahanap ng tugon sa mga tambol ng digmaan na sunggaban ang mensahe ng proletaryong internasyunalismo sa pamamagitan ng anumang oportunidad na magsama-sama para sa diskusyon at klaripikasyon, para sa mutwal na pagkakaisa at suporta, at para ilatag ang seryosong rebolusyonaryong pagkilos laban sa pagsulong ng burgesya ng digmaan. Kaya ang IKT ay nagdaos ng serye ng online at pisikal na pampublikong mga pagtitipon sa maraming lenggwahe – English, French, Spanish, Dutch, Italian, German, Portuguese at Turkish, na may intensyon na magdaos pa ng dagdag na mga pagtitipon sa malapit na hinaharap.
Dahil maiksi lang ang artikulong ito, hindi namin kayang sumahin ang lahat ng mga diskusyon na nangyari sa mga pagtitipong ito, na markado ng seryoso at praternal na klima, isang tunay na pagnanasa na maunawaan ano ang nangyayari. Sa halip, nais naming konsentrahan ang ilan sa mga usapin o tema na lumitaw. Inilathala rin namin sa aming website ang ilan sa mga kontribusyon ng mga simpatisador na nagbigay ng kanilang sariling pananaw sa mga diskusyon at kanilang dinamika[1].
Pangunahin ang mga internasyunalistang prinsipyo
Ang una at malamang pinakamahalagang tema ng mga pagtitipon ay ang malawak na pagkakaisa sa mga pundamental na prinsipyo ng internasyunalismo – walang suporta alin man sa imperyalistang kampo, pagtakwil sa lahat ng mga pasipistang ilusyon, apirmasyon sa internasyunal na makauring pakikibaka bilang tanging pwersa na tunay na tututol sa digmaan – ay nanatiling balido gaya ng dati, sa kabila ng malaking ideolohikal na presyur, higit sa lahat sa mga bansa sa kanluran, na magkaisa para ipagtanggol ang “matapang na maliit na Ukraine” laban sa osong Rusya. Maaring ang reaksyon ng iba na ito ay pawang karaniwang paglalahat, pero hindi dapat silang balewalain, at hindi sila madaling isulong sa kasalukuyang klima kung saan napakaliit ang mga senyales ng makauring oposisyon sa digmaan. Dapat kilalanin ng mga internasyunalista na sila, sa ngayon, ay lumalangoy salungat sa agos. Sa puntong ito sila ay katulad sa sitwasyon ng mga rebolusyonaryo na sa 1914 ay may tungkulin na manindigan sa kanilang mga prinsipyo sa harap ng pagkaulol sa digmaan na nakita sa unang mga araw at buwan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Pero maari rin maging inspirasyon natin ang katotohanan na sa bandang huli ang reaksyon ng uring manggagawa laban sa digmaan ay ang pangkalahatang islogan ng mga internasyunalista ay maging giya sa pagkilos na naglalayong ibagsak ang pandaigdigang kapitalistang kaayusan.
Ang pangalawang susing elemento ng diskusyon – at ang hindi masyadong napagkaisahan – ay ang pangangailangan na unawain ang bigat ng kasalukuyang digmaan, na, kasunod ng pandemiya ng Covid, ay nagbigay ng dagdag na patunay na ang kapitalismo na nasa kanyang yugto ng kabulukan ay lumalaking banta sa mismong kaligtasan ng sangkatauhan. Kahit pa ang digmaan sa Ukraine ay hindi paghahanda para sa pormasyon ng bagong mga imperyalistang bloke na magdadala sa sangkatauhan sa pangatlo - at walang duda panghuli – na pandaigdigang digmaan, ito ay ekspresyon ng intensipikasyon at ekstensyon ng barbarismong militar na, kombinasyon sa pagkasira ng kalikasan at iba pang mga manipestasyon ng naghihingalong sistema, ay sa huli pareho ang resulta sa pandaigdigang digmaan. Sa aming pananaw, ang kasalukuyang digmaan ay tanda ng signipikanteng hakbang sa pagbilis ng kabulukan ng kapitalismo, isang proseso na may banta na matabunan ang proletaryado bago pa ito makapag-ipon ng pwersa para sa mulat na pakikibaka laban sa kapital.
Ang pangangailangan ng lohikal na pagsusuri
Hindi na namin ipaliwanag dito ang mga dahilan bakit tinanggihan namin ang argumento na nakikita natin ang rekonstitusyon ng istableng mga bloke militar. Sasabihin lang namin na sa kabila ng totoong mga tendensya patungong “bipolarisasyon” ng mga imperyalistang anatagonismo, kinukonsidera pa rin namin na ang mga ito ay nahigitan ng salungat na tendensya ng bawat imperyalistang kapangyarihan ay nagtatanggol ng kanilang partikular na imperyalistang interes at tutol na maging tagasunod ng isang partikular na pandaigdigang kapangyarihan. Subalit itong huling tendensya ay kahalintulad ng lumalaking kawalan ng kontrol ng naghaharing uri, ng lumalaking irasyunal at hindi mahulaan na pagdausdos patungong kaguluhan, na sa maraming paraan ay hahantong sa mas delikadong sitwasyon kaysa ang mundo ay “pinamamahalaan” ng magkaribal na mga imperyalistang bloke, i.e. ang tinawag na “Cold War”.
Marami sa mga kasama na nasa pulong ay naghapag ng mga tanong sa pagsusuring ito; at ang ilan, halimbawa ang mga myembro ng Communist Workers Organisation sa mga pulong ng lenggwaheng English, ay malinaw na tutol sa aming konsepto ng pagkabulok ng sistema. Pero halos walang duda na ang sentral na sangkap sa hindi nagbabagong internasyunalistang posisyon ay ang kapasidad na paunlarin ang lohikal na pagsusuri sa sitwasyon, kung hindi may peligro na malito sa bilis at hindi mahulaan na kagyat na mga kaganapan. At salungat sa interpretasyon sa digmaan ng mga kasama sa Cahiers du Marxisme Vivant sa isa sa mga pulong sa Pransya, hindi simpleng ekonomikong paliwanag, ang paghahanap ng tubo sa maiksing panahon, ang tunay na pinagmulan at dinamiko ng imperyalistang tunggalian sa istorikal na yugto kung saan pataas ng pataas ang dominasyon ng mga pangangailang militar at estratehiko sa mga ekonomikong layunin. Ang mapanirang gastusin ng digmaang ito ang magbigay ng dagdag na ebidensya bilang patunay dito.
Kasing halaga sa pag-unawa sa pinagmulan at direksyon ng imperyalistang sagupaan ay ang gumawa ng isang matinong pagsusuri sa sitwasyon ng pandaigdigang uring manggagawa at ang perspektiba ng makauring pakikibaka. Habang may pangkalahatang kasunduan na ang kampanya ng digmaan ay seryosong bigwas laban sa kamulatan ng uring manggagawa na naghihirap na mula sa malalim na kawalan ng tiwala at pagiging mulat-sa-sarili, ilan sa mga partisipante ng pulong ay kinokonsidera na hindi na balakid ang uring manggagawa sa digmaan. Ang tugon namin ay ang uring manggagawa ay hindi isang magkaparehong masa. Malinaw na ang uring manggagawa sa Ukraine, na epektibong nalunod na sa mobilisasyon para sa “pagtatanggol sa bansa”, ay nakalasap ng tunay na pagkatalo. Pero kaiba sa Rusya kung saan may malinaw na malawak na pagtutol sa digmaan sa kabila ng brutal na panunupil sa anumang pagtutol, at sa hukbong Ruso kung saan may mga senyales ng demoralisasyon at maging rebelyon. Pero mas importante, ang proletaryado sa sentral na mga bansa sa kanluran ay hindi sumama na isakripisyo ang sarili sa ekonomiko o militar man na antas, at ang naghaharing uri sa mga bansang ito ay matagal ng gumagamit ng kahit ano maliban sa propesyunal na mga sundalo para sa kanyang adbenturismo militar. Pagkalipas ng mga pangmasang welga sa Poland sa 1980, binuo ng IKT ang kanyang puna sa teorya ni Lenin na ang kadena ng pandaigdigang kapitalismo ay maputol kung saan “pinakamahina ang kawing” nito – sa hindi masyadong maunlad na mga bansa batay sa modelo ng Rusya sa 1917. Sa halip iginiit namin na ang mas abante sa pulitika na uring manggagawa sa kanlurang Uropa ang magiging susi sa paglawak ng makauring pakikibaka. Sa artikulo sa hinaharap, ipaliwanag namin bakit ang pananaw na ito ay balido pa rin hanggang ngayon, sa kabila ng mga pagbabagong nangyayari sa pandaigdigang proletaryado[2].
Ano ang dapat gawin?
Ang mga lumahok sa pulong ay pareho ang lehitimong iniisip hinggil sa ispisipikong responsibilidad ng mga rebolusyonaryo sa harap ng digmaan. Sa mga pulong sa Pransya at Espanya ito ang pangunahing pokus ng diskusyon, pero sa aming pagtingin ilan sa mga kasama ay kumikiling sa aktibistang paraan, masyadong pinalaki ang posibilidad na ang ating mga internasyunalistang islogan ay may kagyat na epekto sa magiging takbo ng mga kaganapan. Isang halimbawa ang panawagan ng praternisasyon sa pagitan ng mga proletaryado na nakauniporme: habang ito ay nanatiling perpektong balido bilang pangkalahatang perspektiba, kung walang pag-unlad sa mas pangkalahatang makauring kilusan tulad ng nakita natin sa mga pagawaan at lansangan sa Rusya at Alemanya sa 1917-18, napakaliit ng posibilidad na ang mga sundalo ng magkabilang kampo sa kasalukuyang digmaan ay makita ang isa’t-isa bilang mga kasama. At syempre, ang tunay na mga internasyunalista ay napakaliit na minoriya ngayon kaya hindi sila umaasa na may kagyat na epekto sa proseso ng makauring pakikibaka sa pangkalahatan.
Gayunpaman, hindi namin iniisip na ang mga rebolusyonaryo ay maging boses sa ilang. Muli, gawin nating inspirasyon sila Lenin at Luxemburg sa 1914 na nakaunawa sa pangangailangan ipunla ang bandila ng internasyunalismo kahit pa nabukod sila mula sa masa ng kanilang uri, patuloy na lumalaban para sa mga prinsipyo sa harap ng pagtraydor ng mga dating organisasyon ng manggagawa, at bumubo ng isang malinaw na pagsusuri sa tunay na mga dahilan ng digmaan sa harap ng mga palusot ng naghaharing uri. Ganun din, kailangang sumunod tayo sa halimbawa ng Zimmerwald at iba pang mga kumperensya na nagpahayag ng determinasyon ng mga internasyunalista na magkaisa at maglathala ng komon na manipesto laban sa digmaan, sa kabila ng magkaibang pagsusuri at perspektiba. Sa puntong ito ikinalulugod namin ang partisipasyon ng ibang mga rebolusyonaryong organisasyon sa mga pulong na ito, sa kanilang kontribusyon sa debate, at kanilang kahandaan na pag-isipan ang aming proposal para sa nagkakaisang pahayag ng kaliwang komunista laban sa digmaan[3]. Ikinalulungkot lang namin ang desisyon ng CWO/ICT na tanggihan ang aming proposal, isang problema na babalikan namin sa isang artikulo sa hinaharap.
Importante rin na, bilang sagot sa mga tanong ng mga kasama kung ano ang dapat gawin sa kanilang partikular na lokalidad o bansa, binigyang-diin ng IKT na pangunahin ang pagbuo at pagpapaunlad ng mga internasyunal kontak at pagkilos, ang integrasyon ng lokal at nasyunal na partikularidad sa mas pandaigdigan na balangkas ng pagsusuri. Ang pagkilos sa pandaigdigang saklaw ay makatulong sa mga rebolusyonaryo na labanan ang pagkabukod at ang demoralisasyon na maging bunga nito.
Nabigyang-diin lang ng isang mayor na imperyalistang digmaan ang realidad na ang rebolusyonaryong pagkilos ay magkaroon lang ng katuturan kaugnay sa mga rebolusyonaryong pampulitikang organisasyon. Tulad ng sinulat namin sa aming ulat sa istruktura at paggana ng rebolusyonaryong organisasyon, “Hindi iniluwal ng uring manggagawa ang mga rebolusyonaryong militante kundi ang mga rebolusyonaryong organisasyon: walang direktang relasyon sa pagitan ng mga militante at uri”[4]. Pinatingkad nito ang responsibilidad ng mga organisasyon ng kaliwang komunista sa pagbigay ng balangkas, isang militanteng sanggunian kung saan ang indibidwal na mga kasama ay magabayan ang sarili. Bilang resulta, ang mga organisasyon ay mapalakas lang sa pamamagitan ng mga kontribusyon at aktibong suporta na matanggap nila mula sa mga kasamang ito.
Amos
[1] https://en.internationalism.org/content/17166/some-impressions-icc-meeti... [10]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 122.81 KB |
Ang mga organisasyon ng kaliwang komunista ay kailangang maglunsad ng nagkakaisang pagtatanggol sa kanilang komon na minana na pagsunod sa mga prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, laluna sa panahon ng malaking peligro para sa uring manggagawa ng mundo. Ang panahong ito ay ang panunumbalik ng imperyalistang patayan sa Uropa dahil sa digmaan sa. Kaya inilathala namin sa ibaba, kasama ang iba pang lumagda mula sa tradisyon ng kaliwang komunista (at isang grupo na iba ang linya pero lubusang sumusuporta sa pahayag), ang isang nagkakaisang pahayag sa pundamental na perspektiba para sa uring manggagawa na naharap sa imperyalistang digmaan.
*********************************************
Ang mga manggagawa ay walang bansa!
Ibagsak lahat ng mga imperyalistang kapangyarihan!
Kapalit ng kapitalistang barbarismo: sosyalismo!
Ang digmaan sa Ukraine ay nangyari dahil sa magkasalungat na mga interes ng lahat ng mga imperyalistang kapangyarihan, malaki at maliit – hindi sa interes ng uring manggagawa, na isang uri ng internasyunal na pagkakaisa. Ito ay digmaan para sa estratehikong mga teritoryo, para sa dominasyong militar at ekonomiko na ipinaglalaban sa hayag at patago ng mga nais ng digmaan - US, Rusya, ang mga estado ng Kanlurang Uropa, kasama ang naghaharing uri ng Ukraine bilang inosenteng peon ng pandaigdigang imperyalistang chess board.
Ang uring manggagawa, hindi ang estado ng Ukraine, ang tunay na biktima ng digmaan, sila man ay mga pinatay na walang kalaban-laban na kababaihan at kabataan, nagugutom na mga bakwit o pinilit maging sundalo bilang pambala ng kanyon ng magkabilang hukbo, o sa lumalalang kahirapan bilang epekto ng digmaan na maranasan ng mga manggagawa ng lahat ng mga bansa.
Ang uring kapitalista at kanilang burges na moda ng produksyon ay hindi kayang pangibabawan ang kanyang mapagkumpitensya at pambansang pagkahati-hati na dahilan ng imperyalistang digmaan. Hindi maiwasan ng kapitalistang sistema na lumubog sa lumalalang barbarismo.
Sa kanyang panig, ang pandaigdigang uring manggagawa ay hindi maiwasang isulong ang kanyang pakikibaka laban sa pagbaba ng sahod at istandard ng pamumuhay. Ang pinakahuling digmaan, ang pinakamalaki sa Uropa mula 1945, ay babala sa hinaharap ng kapitalismo para sa mundo kung hindi pamunuan ng uring manggagawa na ibagsak ang burgesya at palitan ito ng kapangyarihan ng uring manggagawa, ang diktadurya ng proletaryado.
Ang mga layunin at kasinungalingan ng iba’t-ibang imperyalistang kapangyarihan
Nais ng imperyalismong Rusya na baliktarin ang napakalaking pag-atras na natamo nito sa 1989 at muling maging imperyalistang kapangyarihan. Nais panatilihin ng US ang kanyang pagiging superpower at pamumuno sa mundo na nadungisan ng kanyang kabiguang militar sa Iraq, Syria at Afghanistan. Takot ang Britain, France, Germany sa pag-abante ng Rusya pero ganun din sa mapangwasak na dominasyon ng US. Nais ng Ukraine na makipag-alyado sa pinakamalakas na imperyalistang kapangyarihan.
Tanggapin natin, ang US at mga imperyalistang kapangyarihan ng Kanluran ang may pinaka-kapani-paniwalang kasinungalingan, at may pinakamalaking makinarya ng midya para sa kasinungalingan, para bigyang katuwiran ang kanilang tunay na layunin sa digmaang ito – diumano sila ay tumugon lamang sa agresyon ng Rusya laban sa maliit at malayang mga estado, nagtatanggol sa demokrasya laban sa awtokrasiya ng Kremlin, naninidgan sa karapatang pantao laban sa brutalidad ni Putin.
Ang mas malakas na mga imperyalistang gangster ang may mas magaling na propaganda ng digmaan, mas malaki ang kasinungalingan, dahil maari nilang galitin at manipulahin ang kanilang mga kaaway upang unang magpaputok. Pero tandaan ang diumano mapayapang pagkilos ng mga kapangyarihang ito sa Gitnang Silangan, sa Syria, Iraq at Afghanistan, paano winasak kamakailan lang ng pwersang pamhimpapawid ng US ang syudad ng Mosul, paanong pinaslang ng pwersang koalisyon ang populasyon ng Iraq dahil sa maling palusot na may sandatang mapangwasak si Saddam Hussein. Tandaan na sa nakaraan maraming krimen ang mga demokrasyang ito laban sa mga sibilyan sa nagdaang siglo ito man ay sa Vietnam sa 60s, sa panahon ng 50s sa Korea, sa panahon ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa Hiroshima, Dresden o Hamburg. Ang kalapastanganan ng Rusya laban sa populasyon ng Ukraine ay sa esensya batay sa parehong imperyalistang kalakaran.
Ang kapitalismo sa kasalukuyang panahon ay mabubuhay lang sa pamamagitan ng digmaan. Isang ilusyon na hilingin sa kanya na ‘itigil’ ang digmaan. Ang ‘kapayapaan’ ay patlang lamang sa digmaan ng kapitalismo.
Habang mas nalubog ito sa walang solusyon na krisis mas malaki ang destruksyon-militar ng kapitalismo kasabay ng kanyang lumalaking paninira dulot ng polusyon at mga salot. Ang bulok na kapitalismo ay hinog na para sa rebolusyonaryong pagbabago.
Ang uring manggagawa ay isang natutulog na higante
Ang kapitalistang sistema ay mas lalupang nagiging sistema ng digmaan at lahat ng mga kasindakan nito, ganap na umaasa sa pagpaparaya ng uring manggagawa sa lumalalang pagsasamantala sa kanyang lakas-paggawa, at sa ultimong sakripisyo na ipinawagan ng imperyalismo sa kanya para maganap ang digmaan.
Ang masugid, mulat na pakikibaka ng uring manggagawa laban sa lumalalang paghihigpit-sinturon bunsod ng imperyalistang digmaan ay ang tanging seryosong hadlang sa pagbilis ng militarismo.
Nakatago sa pagsulong ng pagtatanggol sa makauring interes ang mas malaking potensyal ng uring manggagawa, ang abilidad na magkaisa bilang uri para lubusang ibagsak ang pampulitikang makinarya ng burgesya tulad sa ginawa nito sa Rusya sa 1917 at nagbantang mangyari sa Germany at sa iba pang lugar sa panahong iyon. Ibig sabihin, ibagsak ang sistema na siyang dahilan ng digmaan. Sa totoo lang, ang Rebolusyong Oktubre at ang mga insureksyon na iniluwal nito sa ibang mga imperyalistang kapangyarihan ang dahilan ng pagtigil ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang pampulitikang tradisyon na ipinaglalaban, at patuloy na ipinaglalaban, ay internasyunalismo laban sa imperyalistang digmaan
Naging bantog ang mga kabayanan sa Zimmerwald at Kienthal sa Switzerland bilang lugar-pagtitipon ng mga sosyalista sa magkabilang kampo ng Unang Digmaang Pandaigdig para simulan ang internasyunalistang pakikibaka upang wakasan ang patayan at batikusin ang mga makabayang lider ng mga Sosyal-Demokratikong Partido. Sa mga pulong na ito ang mga Bolshevik, na suportado ng Kaliwang Bremen at Kaliwang Dutch, ay naghapag ng mga esensyal na prinsipyo ng internasyunalismo laban sa imperyalistang digmaan na balido pa hanggang ngayon: walang suporta sa alin man sa imperyalistang kampo, ang pagtakwil sa lahat ng mga ilusyon, at ang pagkilala na tanging ang uring manggagawa at kanyang rebolusyonaryong pakikibaka may kapasidad na wakasan ang sistema na nabubuhay sa imperyalistang digmaan. Sa puntong ito, isang bago at rebolusyonaryong internasyunal ang kailangang pumalit sa bumagsak na Ikalawang Internasyunal dahil sa kahihiyan sa 1914.
Malinaw na ang halimbawang dapat sundin ngayon ay ang matatag na mga internasyunalista sa Kaliwang Zimmerwald, hindi ang mga supling ng Sosyal Demokrasya na nagsisikap na pakilusin ang mga manggagawa para suportahan ang gobyerno ng Ukraine at NATO, o pagtakpan ang lumalaking imperyalistang tunggalian sa pamamagitan ng mga demonstrasyon na ‘Itigil ang Digmaan’.
Sa 1930’s at 1940’s tanging ang pampulitikang tendensya na tinatawag ngayon na Kaliwang Komunista ang matatag na nanindigan sa mga internasyunalistang prinsipyo na isinulong ng mga Bolshevik sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Kaliwang Italyan at Kaliwang Dutch ay aktibong tinutulan ang magkabilang kampo ng ikalawang imperyalistang digmaan, itinakwil pareho ang pasista at anti-pasistang pangatuwiran para sa masaker. Tumanggi silang suportahan sa anumang paraan ang imperyalismo ng Stalinistang Rusya sa digmaan. Subalit, ibinigay ng Trotskyismo ang suportang ito, kabilang na ang kritikal na suporta sa Sosyal Demokrasya at anti-pasismo, kaya nagtraydor sa internasyunalismo ni Trotsky sa digmaan sa 1914-18 at pumanig sa isang imperyalistang kampo.
Ngayon, sa harap ng bumibilis na imperyalistang tunggalian sa Uropa, tanging ang mga organisasyon ng Kaliwang Komunista ang may karapatan na hawakan ang bandila ng matatag na proletaryong internasyunalismo, at maging sanggunian ng mga naghahanap ng mga proletaryong prinsipyo.
Kaya ang mga organisasyon at grupo ng Kaliwang Komunista ngayon, maliit man ang bilang at hindi kilala, ay nagpasyang maglabas ng nagkakaisang pahayag, at ibalita sa posibleng pinakamalawak ang mga internasyunalistang prinsipyo na pinagtibay laban sa barbarismo ng dalawang pandaigdigang digmaan.
Walang suporta sa alin mang panig ng imperyalistang patayan sa Ukraine.
Walang ilusyon sa pasipismo: nabubuhay lang ang kapitalismo sa walang kataposang digmaan
Tanging ang uring manggagawa ang magbigay wakas sa imperyalistang digmaan sa pamamagitan ng kanyang makauring pakikibaka laban sa pagsasamantala patungo sa pagbagsak ng kapitalistang sistema.
Manggagawa ng mundo, magkaisa!
--------------------------------------------
International Communist Current (www.internationalism.org [16])
Istituto Onorato Damen http://www.istitutoonoratodamen.it [17]
Internationalist Voice (en.internationalistvoice.org) [18]
Internationalist Communist Perspective (Korea) fully supports the joint statement (국제코뮤니스트전망 - International Communist Perspective (jinbo.net) [19]
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17159/joint-statement-groups-int... [15]
Kung gusto mong umalis kasama ang iyong pamilya mula sa war zones ng Ukraine, kasabay ng iba pang daang libo, pilitin kang humiwalay sa iyong asawa, mga anak at matandang mga magulang kung ikaw ay lalaki na ang edad ay sa pagitan ng 18 at 60: obligado kang lumaban sa umaabanteng hukbong Ruso. Kung manatili ka sa mga syudad, makaranas ka ng panganganyon at missiles, na ang target lang daw ay mga kampo/gusali ng militar, pero laging may “collateral damage” na una nating narinig sa Kanluran sa bantog na Gulf War sa 1991 – mga residensyal, eskwelahan at ospital ang nasira at daan-daang sibilyan ang namatay. Kung ikaw ay sundalong Ruso, malamang sinabihan ka na tatanggapin ka ng mamamayan ng Ukraine bilang tagapagligtas, pero magbayad ka ng dugo dahil sa paniniwala sa naturang kasinungalingan. Ito ang realidad ng imperyalistang digmaan ngayon, at habang magtatagal ito, mas marami ang mamamatay at masira. Pinakita ng armadong pwersa ng Rusya na may kapasidad itong durugin ang mga syudad, tulad ng ginawa nila sa Chechnya at Syria. Ang mga armas galing Kanluran para sa Ukraine ay mas marami pa ang masira.
Panahon ng kadiliman
Isa sa kanyang kamakailan lang na mga artikulo sa digmaan sa Ukraine, ang maka-kanan na pahayagang British, The Daily Telegraph ay may ulong-balita ng The world is sliding into a new Dark Age of poverty, irrationality and war (telegraph.co.uk) [20]
Ibig sabihin, napakahirap itago ang katotohanan na nabuhay tayo ngayon sa isang pandaigdigang sistema na lumulubog sa kanyang sariling kabulukan. Ito man ay epekto ng pandemiya ng covid sa buong daigdig, ng nakakatakot na prediksyon hinggil sa ekolohikal na kalamidad na kinaharap ng planeta, ng lumalaking kahirapan dulot ng krisis sa ekonomiya, ng napakalinaw na banta ng tumitinding inter-imperyalistang tunggalian, o ng pagdami ng pulitikal at relihiyosong mga pwersa na naniwala sa apokaliptong mga alamat at conspiracy theories, ang ulong-balita ng Telegraph ay humigit-kumulang pagsasalarawan sa realidad – kahit pa ang kanilang manunulat ay walang interes hanapin ang mga ugat nito na nasa mga kontradiksyon ng kapitalismo.
Mula ng bumagsak ang bloke ng silangan at ang USSR sa 1989-91, nagpaliwanag na kami na ang panlipunang sistema ng mundo na lipas na sa simula ng 20 siglo ay pumasok na sa bago at huling yugto ng kanyang pagbulusok. Salungat sa pangako na ang kataposan ng “Cold War” ay magdadala ng bagong pandaigdigang kaayusan ng kapayapaan at kasaganaan, iginiit namin na itong bagong yugto ay tanda ng lumalaking kaguluhan at militarismo. Ang mga digmaan sa Balkans sa unang bahagi ng 90s, ang Gulf war sa 1991,ang pagsakop sa Afghanistan, Iraq at Libya, ang pagdurog sa Syria, hindi mabilang na mga digmaan sa kontinente ng Aprika, ang paglitaw ng Tsina bilang pandaigdigang kapangyarihan at ang panunumbalik ng imperyalismong Rusya ay kumpirnasyon ng babalang ito. Ang pagsakop ng Rusya sa Ukraine ay tanda ng panibagong hakbang sa prosesong ito, kung saan ang paglaho ng lumang sistema ng bloke ay nagbunga ng nauulol na labanan ng isa laban sa lahat kung saan ang dating tagasunod o mahinang mga kapangyarihan ay umaangkin ng bagong posisyon para sa kanilang sarili sa imperyalistang kaayusan.
Ang kalubhaan ng bagong digmaan sa Uropa
Hindi dapat maliitin ang kahalagahan ng panibagong hayag na digmaan sa kontinente ng Uropa. Ang digmaan sa Balkans ay markado ng tendensya na bumalik ang imperyalistang kaguluhan mula sa paligid na mga rehiyon patungo sa pusod ng sistema, pero ‘yun ay digmaan sa “loob” ng isang nagkawatak-watak na estado kung saan ang antas ng kumprontasyon sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan ay hindi masyadong direkta. Ngayon nasaksihan natin ang digmaan sa Uropa sa pagitan ng mga estado, at mas hayag na kumprontasyon sa pagitan ng Rusya at sa kanyang mga karibal sa kanluran. Kung ang pandemiya ay marka ng pagbilis ng kapitalistang pagkabulok sa maraming antas (sosyal, kalusugan, ekolohikal, atbp), ang digmaan sa Ukraine ay ganap na paalala na ang digmaan ay isa ng natural na kalakaran ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, at ang mga tensyon at tunggaliang militar ay kumakalat at tumitindi sa pandaigdigang saklaw.
Nagulat ang maraming ekspertong marami ang nalalaman sa bilis ng pagsalakay ng Rusya sa Ukraine, at kami mismo ay hindi sigurado na mangyari ito sa napakabilis at napakalaki[1]. Hindi namin iniisip na ito ay dahil sa anumang depekto ng aming batayang balangkas ng pagsusuri. Kabaliktaran. Ito ay nagmula sa pag-aalinlangan na lubusang ilapat ang balangkas na ito, na pinaliwanag na sa unang bahagi ng 90s sa ilang susing mga teksto[2] kung saan nangatuwiran kami na itong bagong yugto ng pagbulusok ay tanda ng lumalaking kaguluhan, brutal, at irasyunal na bangayang militar. Irasyunal maging sa punto-de-bista mismo ng kapitalismo[3]: samantalang sa kanyang pasulong na yugto, ang mga digmaan, higit sa lahat yaong nagbigay daan sa kolonyal na pagpapalawak, ay nagdala ng malinaw na mga ekonomikong benepisyo sa mga nanalo, sa yugto ng pagbulusok ang digmaan ay nagkaroon na ng mapanirang katangian at ang pag-unlad ng humigit-kumulang ekonomiya ng digmaan ay umubos ng malaki sa produktibidad at tubo ng kapital. Hanggang sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan ay mayroon pang mga “nanalo” pagkatapos ng digmaan, sa partikular ang USA at USSR. Subalit sa kasalukuyang yugto, kahit ang mga digmaan na inilunsad ng mga “pinakamalakas” na mga bansa ay napatunayang kabiguan pareho sa antas militar at ekonomiya. Ang nakakahiyang pag-atras ng US sa Iraq at Afghanistan ay malinaw na ebidensya nito.
Sa aming naunang artikulo tinumbok namin na ang pananakop o okupasyon sa Ukraine ay posibleng magsadlak sa Rusya sa bagong bersyon ng kumunoy na naranasan nito sa Afghanistan sa 1980s – at naging malakas na salik sa pagbagsak mismo ng USSR. May mga senyales na ito ang mangyayari sa pananakop sa Ukraine, na naharap sa malakas na armadong pagtutol, na hindi popular sa malaking bahagi ng populasyon sa Rusya kabilang na ang bahagi ng naghaharing uri mismo, at nagbunsod ng mapaghiganting parusa mula sa mga pangunahing karibal ng Rusya na tiyak na magpapalala sa materyal na kahirapan sa mayoriya ng populasyon sa Rusya. Kasabay nito, ang mga kapangyarihan sa kanluran ay pinasigla ang suporta sa armadong pwersa ng Ukraine, parehong sa ideolohikal at pagbigay ng mga armas at payong militar. Subalit sa kabila nitong mga prediktableng kahihinatnan, ang mga presyur sa imperyalismong Ruso bago pa ang pananakop ay patuloy na lumiliit ang posibilidad na titigil ang mobilisasyon ng kanyang pwersa palibot sa Ukraine bilang pagpakita lang ng kanyang pwersa. Sa partikular, ang pagtanggi ng NATO na itigil ang kanyang ekspansyon sa Ukraine ay hindi maaring magparaya lang ang rehimeng Putin, at ang kanyang pagsalakay ay may malinaw na layunin na wasakin ang malaking bahagi ng inprastruktutang militar ng Ukraine at itayo ang maka-Rusya na gobyerno. Ang irasyunalidad ng buong proyekto, na nakaugnay sa halos mesyanikong bisyon na ibalik ang dating imperyong Ruso, ang malaking posibilidad na mauuwi ito sa panibagong kabiguan, ay hindi makakapigil kay Putin at sa mga nakapaligid sa kanya na sumugal.
Patungo ba tayo sa pormasyon ng panibagong imperyalistang mga bloke?
Sa panlabas, naharap ang Rusya ngayon sa “Nagkakaisang Prente” ng mga demokrasya sa kanluran at bagong masiglang NATO, kung saan may pangunahing papel ang US. Ang US ang pangunahing makinabang kung matali ang Rusya sa hindi maipanalong digmaan sa Ukraine, at mula sa tumataas na pagkakaisa ng NATO na naharap sa komon na banta ng ekspansyonismong Ruso. Subalit ang pagkakaisang ito ay marupok: bago pa ang pagsalakay, pareho ang France at Germany ay nagsumikap maglaro sa kanilang sariling laro, nagbigay diin sa pangangailangan ng diplomatikong solusyon at hiwalay na naghahabol ng pakikipag-usap kay Putin. Dahil sa hayagang labanan pareho silang napilitang umatras, sumang-ayon sa implementasyon ng mga parusa, kahit pa direktang masaktan ang kanilang ekonomiya kaysa USA (ang halimbawa ng Germany na ititigil ang suplay ng enerhiya ng Rusya na lubhang kailangan nito). Subalit may mga pagkilos din na ginagawa ng EU para paunlarin ang kanyang sariling armadong pwersa at ang desisyon ng Germany na palakihin ng todo ang kanyang badyet sa armas ay kailangan din tingnan mula sa anggulong ito. Kailangan din gunitain na ang burgesyang US mismo ay naharap sa mayor na pagkakahati sa pakikitungo sa kapangyarihan ng Rusya: si Biden at ang Democrats ay inalagaan ang pagmintina sa tradisyun na kaaway ang Rusya, pero ang malaking parte ng partidong Republican ay ibang-iba ang pakikitungo. Si Trump sa partikular ay hindi maitago ang paghanga sa “katalinuhan” ni Putin ng nagsimula ang pag-atake …
Habang napakalayo pa para mabuo ang bagong bloke ng US, ang pakikipagsapalaran ng Rusya ay hindi rin tanda ng pagkabuo ng bloke ng Tsina-Rusya. Sa kabila ng kamakailan lang na magkasamang military exercises, at sa kabila ng naunang pahayag ng Tsina na suporta sa Rusya sa mga isyu tulad ng Syria, sa okasyong ito ay dumistansya ang Tsina mula sa Rusya, umiwas sa pagboto sa resolusyon sa UN Security Council na kumastigo sa Rusya sa UN Security Council at ipinakilala ang sarili na isang “tapat na tagapamagitan” na nanawagan na itigil ang labanan. At alam natin na sa kabila ng komon na interes sa pagtutol sa US, mayroong sariling pagkakaiba ang Rusya at Tsina, laluna sa usapin ng proyektong “New Silk Road” ng Tsina. Sa likod ng pagkakaibang ito ay ang pagiging mapagbantay ng Rusya na magiging tagasunod sa sariling ambisyon ng pagpapalawak ng Tsina.
Ang iba pang salik ng instabilidad na naglalaro din sa sitwasyong ito, laluna ang papel ng Turkey, na sa isang antas ay nanliligaw sa Rusya para mapataas ang istatus nito sa pandaigdigang antas, pero kasabay nito ay nagkaroon ng tunggalian sa Rusya sa mga digmaan sa pagitan ng Armenia at Azerbaijan at sa Libya. Nagbanta ngayon ang Turkey na harangin ang mga barkong pandigma ng Rusya na makadaan sa Black Sea via Dardanelles Straits, subalit ang aksyong ito ay dapat kalkulado sa batayan ng pambansang interes ng Turkey.
Pero, tulad ng sinulat namin sa aming Resolusyon sa Internasyunal na Sitwasyon mula sa ika-24 na Kongreso ng IKT, ang katotohanan na ang internasyunal na imperyalistang relasyon ay nanatiling markado ng sentripugal na tendensya ay “hindi nagkahulugan na nasa panahon tayo ng mas ligtas kaysa panahon ng Cold War, na tulad ng nakaraan ay minumulto ng Armagedong nukleyar. Kabaliktaran, kung ang yugto ng pagkabulok ay markado ng lumalaking kawalan ng kontrol ng burgesya, aplikable din ito sa napakalaking mapangwasak na mga armas – nukleyar, konbensyunal, biolohikal at kemikal – na natitipon ng naghaharing uri, at ngayon ay mas malawak na naipamahagi sa mas maraming mga bansa-estado. Habang hindi natin nakikita ang kontroladong martsa patungong digmaan sa pamumuno ng mga bloke militar, hindi natin pwedeng ipagwalang-bahala ang peligro ng unilateral na paglaganap o maging ang nakakatakot na mga aksidente na tanda ng lalupang nagpapabilis sa pagdausdos patungong barbarismo”[4].
Naharap sa nakakabinging internasyunal na kampanya para ihiwalay ang Rusya at ang praktikal na mga hakbangin na naglalayong hadlangan ang kanyang estratehiya sa Ukraine, inilagay ni Putin ang kanyang depensang nukleyar sa high alert. Ito ay maaring napakanipis na banta pa lamang sa ngayon, pero ang mga pinagsamantalahan ng mundo ay hindi dapat magtiwala sa pagiging makatuwiran ng alin mang bahagi ng naghaharing uri.
Ideolohikal na atake sa uring manggagawa
Para mobilisahin ang populasyon, at higit sa lahat ang uring manggagawa sa digmaan, kailang ilunsad ng naghaharing uri ang ideolohikal na atake kaagapay sa kanyang mga bomba at bala ng kanyon. Sa Rusya, tila pangunahing umaasa ito sa garapal na kasinungalingan hinggil sa “Nazis at drug addicts” na nagpapatakbo sa Ukraine, at walang matinding propaganda upang makuha ang pambansang suporta para sa digmaan. Ito ay patunay ng miskalkulasyon, dahil may mga reklamo at pagtutol sa loob mismo ng kanyang sariling naghaharing sirkulo, sa hanay ng mga intektwal, at sa hanay ng mas malawak na sektor ng lipunan. Maraming mga protesta sa lansangan at mahigit 6,000 ka tao ang hinuli dahil nagprotesta laban sa digmaan. May mga ulat din ng demoralisasyon sa ilang bahagi ng mga sundalo na pinadala sa Ukraine. Subalit hanggang ngayon halos walang senyales ng kilusan laban sa digmaan na nakabatay sa uring manggagawa sa Rusya, na nawalan ng koneksyon sa loob ng ilang dekada sa kanyang rebolusyonaryong tradisyon dahil sa Stalinismo. Sa Ukraine mismo, mas madilim ang sitwasyon ng uring manggagawa: naharap sa lagim ng pananakop ng Rusya, sa kalakhan ay nagtagumpay ang naghaharing uri na pakilusin ang populasyon para ipagtanggol ang “lupang sinilangan”, kung saan daan-daang libo ang nagboluntaryo na labanan ang mga mananakop gamit ang anumang sandata. Hindi natin dapat kalimutan na daan-daang libo rin ang piniling umalis mula sa larangan ng digmaan, subalit ang panawagan na lumaban para sa burges na mga ideyal ng demokrasya at bansa ay nakakuha ng suporta sa seksyon ng proletaryado na nilusaw ang sarili sa pagiging “mamamayan” ng Ukraine kung saan nakalimutan ang realidad ng pagkakahati-hati sa mga uri. Mayoriya sa mga anarkistang Ukrainian ay tila naging dulong-kaliwa ng prente popular na ito[5].
Ang kapasidad ng mga naghaharing uri sa Rusya at Ukraine na kaladkarain ang “kanilang” mga manggagawa sa digmaan ay nagpakita na ang internasyunal na uring manggagawa ay hindi magkatulad. Iba ang sitwasyon sa pangunahing mga bansa sa kanluran, kung saan sa loob ng ilang dekada naharap ang burgesya sa uring manggagawa na hindi sang-ayon – sa kabila ng kahirapan at pag-atras – na isakripisyo ang sarili sa altar ng imperyalistang digmaan. Naharap sa tumitinding agresibong paninindigan ng Rusya, ang naghaharing uri sa Kanluran ay maingat na umiiwas na magpadala ng mga sundalo at salubungin ang adbenturismo ng Kremlin ng direktang pwersa militar. Pero hindi ito nagkahulugan na ang mga naghari sa atin ay pasibong tinatanggap ang sitwasyon. Kabaliktaran. Nasaksihan natin ang pinaka-koordinadong ideolohikal na kampanya pabor sa digmaan na nakita natin sa loob ng ilang dekada, ang kampanya para sa “pakikiisa sa Ukraine laban sa pananakop ng Rusya”. Ang mga pahayagan, mula sa kanan at kaliwa, ay inilathala at sumusuporta sa mga maka-Ukraine na demonstrasyon, pinalaki ang “paglaban ng mga Ukrainian” bilang tagapagdala ng mga demokratikong ideyal ng Kanluran, na nasa peligro ngayon mula sa baliw ng Kremlin. At hindi nila itinatago ang katotohanan na may mga sakripisyo – hindi lang dahil ang parusa laban sa suplay ng enerhiya ng Rusya ay dagdag presyur sa inplasyon na nagpapahirap na sa tao para painitin ang kanilang mga bahay, kundi dahil din, sinabihan tayo, na kung nais nating ipagtanggol ang “demokrasya”, kailangan natin palakihin ang gastos sa “pagtatanggol”. Tulad ng sinabi ng liberal Observer’s Chief Political Commentator Andrew Rawnsley nitong linggo:
“Mula ng bumagsak ang Berlin Wall at ang sumunod na disarmament, ang UK at karatig-bansa nito ay pangunahing naglaan sa ‘peace dividend’ para mabigyan ang matatandang populasyon ng mas mabuting healthcare at pensions kaysa natamasa na nila. Nagpatuloy ang pag-aalinlangan na mas maglaan ng malaki sa pagtatanggol kahit pa nagiging mas agresibo ang Tsina at Rusya. Isang katlo lang sa 30 myembro ng NATO ang nakaabot sa komitment na gumastos ng 2% sa GDP sa kanilang armadong pwersa. Hindi nakaabot ang Germany, Italy at Spain sa target.
Kagyat na kailangan ng mga liberal demokrasya na manumbalik ang resolusyon na ipagtanggol ang kanilang kasaysayan laban sa panunupil na pinakita nila sa panahon ng cold war. Ang mga awtokratiko sa Moscow at Beijing ay naniwala na ang kanluran ay nahati, decadente at bumubulusok. Dapat ipakita na mali sila. Kung hindi, lahat ng salita hinggil sa kalayaan ay isang ingay lang bago ang pagkatalo[6]”. Mas malinaw ito: tulad ng pahayag ni Hitler, maari kang magkaroon ng armas, o magkaroon ka ng pagkain, pero hindi maaring magkaroon ka pareho.
Kamakailan lang ang uring manggagawa sa maraming bansa ay nagpakita ng tanda ng kahandaang ipagtanggol ang kanilang kalagayan sa pamumuhay at trabaho[7], itong malawak na opensibang ideolohikal ng naghaharing uri, itong panawagan ng sakripisyo para ipagtanggol ang demokrasya, ay maging malakas na dagok laban sa potensyal para sa pag-unlad ng makauring kamulatan. Subalit ang lumalaking patunay na ang kapitalismo ay nabubuhay sa digmaan ay, sa hinaharap, magiging salik din sa paglitaw ng kamulatan na itong buong sistema, silangan at kanluran, ay tunay ngang “dekadente at bumubulusok”, na ang kapitalistang panlipunang mga relasyon ay kailangang bunutin mula sa mundo.
Naharap sa kasalukuyang ideolohikal na atake, na naglalayong idiskaril ang tunay na galit sa nasaksihan nating kahindik-hindik sa Ukraine tungo sa pagsuporta sa imperyalistang digmaan, ang tungkulin ng mga internasyunalistang minoriya ng uring manggagawa ay hindi madali. Magsimula ito sa paglantad sa lahat ng kasinungalingan ng naghaharing uri at igiit na, sa halip na isakripisyo ang mga sarili sa pagtatanggol sa kapitalismo at sa kanyang kahalagahan, kailangang matatag na makibaka ang uring manggagawa sa pagtatanggol sa kanilang sariling kalagayan sa pamumuhay at trabaho. Kaalinsabay, nagkahulugan ito na ituro sa pamamagitan ng pag-unlad ng kanilang depensibang pakikibaka, at sa pinakamalawak na repleksyon sa karanasan ng proletaryado sa pakikibaka, na maaring manumbalik ang kanyang kaugnayan sa rebolusyonaryong pakikibaka sa nakaraan – higit sa lahat ang pakikibaka sa 1917-18 na pumilit sa burgesya na tapusin ang Unang Pandaigdigang Digmaan. Ito lang ang tanging paraan sa pakikibaka laban sa mga imperyalistang digmaan at ihanda ang sangakauhan sa pagdurog sa pinagmulan ng digmaan: ang pandaigdigang kapitalistang sistema!
Amos
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17151/ruling-class-demands-sacri... [21]
[1] Tingnan Ukraine: the worsening of military tensions in Eastern Europe | International Communist Current (internationalism.org) [22]; Russia-Ukraine crisis: war is capitalism’s way of life | International Communist Current (internationalism.org) [23]
[2] Sa partikular ang Orientation text: Militarism and decomposition | International Communist Current (internationalism.org) [4]
[3] Itong pundamental na irasyunalidad ng isang panlipunang sistema na walang kinabukasan ay syempre sinabayan ng lumalaking irasyunalidad sa antas ng ideolohiya at sikolohiya. Ang kasalukuyang akmang pagkabaliw sa mentalidad ni Putin ay batay sa kalahating katotohanan, dahil si Putin ay isa lang sa halimbawa ng isang lider na iniluwal ng kabulukan ng kapitalismo at paglaki ng populismo. Nakalimot na ba ang midya sa kaso ni Donald Trump?
[4] Resolution on the international situation adopted by the 24th ICC Congress | International Communist Current (internationalism.org) [24]
[5] Tingnan halimbawa ang CrimethInc. : Russian Anarchists on the Invasion of Ukraine : Updates and Analysis [25]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 83.73 KB |
"Tama na". Ito ang sigaw na umalingawngaw sa mga welga nitong nagdaang ilang linggo sa UK. Ang napakalaking kilusang ito, na binansagang "Ang Tag-init ng Galit", na tumukoy sa nakaraang "Taglamig ng Galit" sa 1979, na nilahukan ng mga manggagawa ng dumaraming mga sektor bawat araw: mga riles, ang London Underground, British Telecom, ang Post Office, mga manggagawa sa pantalan ng Felixstowe (isang susing pantalan sa timog-silangan ng Britanya), mga manggaagwa sa basurahan at mga drayber ng bus sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ang Amazon, atbp. Ngayon, mga manggagawa sa transportasyon, bukas malamang mga manggagawa sa kalusugan at guro.
Lahat ng mga reporter at komentarista ay kinilala ito bilang pinakamalaking pagkilos ng uring manggagawa sa Britanya sa loob ng ilang dekada; tanging ang napakalaking mga welga sa 1979 ang nagluwal ng isang mas malaki at mas malawak na pagkilos. Ang pagkilos ng ganito kalawak sa isang bansa na kasing laki tulad ng Britanya ay hindi lang mahalaga sa antas lokal, ito ay kaganapan na may internasyunal na kahalagahan, isang mensahe para sa mga pinagsamantalahan ng bawat bansa.
Sa mga atake sa istandard ng pamumuhay ng lahat ng pinagsamantalahan, makauring pakikibaka ang tanging sagot
Bawat dekada, katulad sa ibang maunlad na mga bansa, ang sunod-sunod na mga gobyerno sa Britanya ay walang humpay na inaatake ang kalagayan ng pamumuhay at trabaho na iisa ang kinalabasan: gawin ang kalagayan na mas walang katiyakan at pleksible para mapabuti ang pagiging mapagkumpitensya ng bansa at tubo. Ang mga atakeng ito ay umabot nitong nakaraang mga taon sa antas kung saan ang mortalidad ng mga sanggol sa Britanya ay “walang katulad na pagtaas mula 2014” (ayon sa medical journal BJM Open[[1]] [29]).
Kaya ang kasalukuyang pagtaas ng inplasyon ay isang tunay na tsunami. Sa 10.1% na pagtaas ng presyo sa Hulyo, 13% ay inaasahan sa Oktubre, 18% sa Enero, ang pinsala ay mapangwasak. Nagbabala ang NHS na "Maraming mamamayan ang mapilitang pumili sa pagitan ng hindi kakain para mapainit ang kanilang mga tahanan, o manirahan sa malamig o mamasa-masa ". Sa pagtaas ng gas at elektrisidad ng 54% sa Abril at 78% sa Oktubre 1, ang sitwasyon ay talagang hindi makatuwiran.
Ang lawak ng mobilisasyon ng mga manggagawa sa Britanya ngayon ay sa wakas katumbas sa mga atake na kinaharap nila, habang sa nagdaang mga dekada, nagdurusa sa mga kabiguan sa panahon ni Thatcher, wala silang lakas na makibaka.
Sa nakaraan, ang mga manggagawa sa Britanya ay nakahanay sa pinaka-militante sa mundo. Ang "Taglamig ng Galit" sa 1979, batay sa naitalang mga araw ng welga, ay ang pinaka-malaking kilusan sa anumang bansa matapos ang Mayo 1968 sa Pransya, malamang mas malaki sa "Mainit na Taglagas " sa 1969 sa Italya. Pangmatagalang nasupil ng gobyerno ni Thatcher ang napakalaking pakikibaka ng manggagawa sa pamamagitan ng bigwas ng serye ng mga masaklap na pagkatalo nito, partikular sa panahon ng welga ng mga minero sa 1985. Ang pagkatalong ito ay tanda ng matagalang paghina ng pakikibaka ng mga manggagawa sa UK; nagpahayag din ito ng panglahatang paghina ng pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo. Sa sumunod na limang taon, sa 1990, sa pagbagsak ng USSR, mapanlinlang na inilarawan na "sosyalistang" rehimen, ang pekeng pahayag ng “kamatayan ng komunismo” at ang “na tagumpay ng kapitalismo”, isang makamatay na suntok ang tumama sa mga manggagawa ng mundo. Simula noon, inalisan ng perspektiba, nabura ang kanilang tiwala at makauring identidad, ang mga manggagawa sa Britanya, mas malala kaysa saan man, ay nagdurusa sa mga atake ng sunod-sunod na mga gobyerno na walang tunay na paglaban.
Pero, sa harap ng mga atake ng burgesya, naipon ang galit at ngayon, muling pinakita ng uring manggagawa ng Britanya na handa silang lumaban para sa kanilang dignidad, itakwil ang mga sakripisyo na laging hinihingi ng kapital. Dagdag pa, ito ay pahiwatig ng internasyunal na pagbabago: sa nakaraang taglamig, nagsimulang lumitaw ang mga welga sa Espanya at Amerika; nitong tag-init, nakaranas ng mga walkout sa Alemanya at Belgium; at ngayon, nakikinita ng mga komentarista ang "isang eksplosibong panlipunang sitwasyon " sa Pransya at Italya sa susunod na mga buwan. Hindi maaaring makita saan at kailan muling lilitaw ang malawak na pakikibaka ng manggagawa sa malapit na hinaharap, subalit ang tiyak: ang kasalukuyang pagkilos ng mga manggagawa sa Britanya ay isang signipikanteng istorikal na kaganapan. Lipas na ang mga araw ng pagiging pasibo at pagsuko. Itinaas na ng bagong henerasyon ng mga manggagawa ang kanilang mga ulo.
Ang makauring pakikibaka sa harap ng imperyalistang digmaan
Ang kahalagahan ng kilusang ito ay hindi lang tinapos nito ang mahabang panahon ng kawalang-kibo. Lumitaw ang mga pakikibakang ito sa panahon na ang mundo ay naharap sa malawak na imperyalistang digmaan, isang digmaan ng Rusya laban sa Ukraine pero may pandaigdigang epekto, na sa partikular, mobilisasyon ng mga myembrong bansa ng NATO. Hindi lang pangako ng mga armas kundi sa antas rin ng ekonomiya, diplomatiko at ideolohikal. Sa Kanlurang mga bansa, nanawagan ang mga gobyerno ng mga sakripisyo para “ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya". Sa kongkretong termino, ito ay nagkahulugan na ang mga proletaryado ng mga bansang ito ay kailangang higpitan ang kanilang mga sinturon para “ipakita ang pakikiisa sa Ukraine" – sa katotohanan, sa burgesya ng Ukraine at naghaharing uri sa mga bansa ng Kanluran.
Ang mga gobyerno ay walang hiyang binigyang katuwiran ang kanilang mga atake sa pamamagitan ng palusot sa paninira ng global warming at risgo ng kakulangan sa enerhiya at pagkain ("pinakamalalang krisis sa pagkain " ayon sa UN Secretary General). Nanawagan sila ng "pagtitimpi" at nagpahayag ng kataposan ng "kasaganaan" (kung gamitin ang buhong na mga salita ng Presidente ng Pransya na si Macron). Pero kasabay nito pinalakas nila ang ekonomiya para sa digmaan: ang pandaigdigang gastos sa militar ay umabot sa $2,113 bilyon sa 2021! Habang ang UK ay nasa unang lima sa mga estado sa gastos militar, simula ng digmaan sa Ukraine, bawat bansa ng mundo ay pinabilis ang kanyang paligsahan sa armas, kabilang na ang Alemanya, na kauna-unahan mula 1945!
Nanawagan ang mga gobyerno ngayon ng “mga sakripisyo para labanan ang inplasyon”. Ito ay masamang biro dahil ang ginagawa nila ay pinalala ito dahil itinaas nila ang gastusin sa digmaan. Ito ang kinabukasan ng kapitalismo at pinapangako ng kanyang magkaribal na mga pambansang burgesya: mas maraming digmaan, mas maraming pagsasamantala, mas maraming paninira, mas maraming kahirapan.
At saka, ito ang itinuturo ng mga welga ng manggagawa sa Britanya, kahit pa hindi ganap na mulat ang mga manggagawa dito: ang tumanggi sa karagdagang sakripisyo para sa interes ng naghaharing uri, ang tumanggi na magsakripisyo para sa pambansang ekonomiya at para sa digmaan, ang tumanggi na tanggapin ang lohika ng sistemang ito na aakay sa sangkatauhan tungo sa malaking kapahamakan at, sa huli, sa kanyang pagkawasak. Malinaw ang mga alternatiba: sosyalismo o pagkawasak ng sangkatauhan.
Ang pangangailangan na iwasan ang patibong ng burgesya
Ang kakayahan ng mga manggagawa na panindigan ito ay napakahalaga dahil ang uring manggagawa sa UK ay sinampal sa nagdaang mga taon ng populistang ideolohiya, kung saan pinag-away-away ang mga pinagsamantalahan sa isa’t-isa, hinati sila sa ‘katutubo’ at ‘banyaga’, itim at puti, lalaki at babae, hanggang sa punto na naniwala sila na ang makitid na pag-atras sa Brexit ay solusyon sa kanilang mga problema.
Pero may iba pa, mas mapaminsala at mapanganib na mga patibong ng burgesya sa daan ng pakikibaka ng uring manggagawa.
Napakalaking mayoriya ng kasalukuyang mga welga ay panawagan ng mga unyon, na kinatawan ang sarili bilang pinaka-epektibong organo para organisahin ang pakikibaka at nagtatanggol sa pinagsamantalahan. Pinaka-epektibo ang mga unyon, oo, pero tanging sa pagtatanggol sa burgesya at organisahin ang pagkatalo ng uring manggagawa.
Sapat na isipin na naging posible ang tagumpay ni Thatcher salamat sa sabotahe ng mga unyon. Sa Marso 1984, kung saan biglaang inanunsyo ang 20,000 tinanggal sa trabaho sa industriya ng uling, mabilis ang reaksyon ng mga minero: sa unang araw ng welga, 100 mga hukay sa 184 ang isinara. Pero ang unyon ng korset ng bakal ay agad-agad pinalibutan ang mga welgista. Ang mga unyon sa tren at seamen ay simbolong suporta lang sa welga ang binigay. Ang makapangyarihang unyon sa pantalan ay nahuli ng dalawang beses sa panawagan ng welga. Tumanggi ang TUC (ang pambansang kongreso ng mga unyon) na suportahan ang welga. Tutol naman ang mga unyon ng elektrisyan at bakal. Sa madaling sabi, aktibong sinabotahe ng mga unyon ang anumang posibilidad ng komon na pakikibaka. Pero higit sa lahat, ang unyon ng mina, ang NUM (National Union of Mineworkers), ay kinumpleto ang pananabotaheng ito sa pamamagitan ng pagtakda sa mga minero sa walang saysay na labanan sa kapulisan para pigilan ang transportasyon ng uling mula sa coking depots (tumagal ito ng mahigit isang taon!). Salamat sa pananabotahe ng unyon, sa mga baog at walang kataposang kumprontasyon sa kapulisan, ang panunupil sa welga ay naging matindi at marahas. Ang pagkatalong ito ay pagkatalo ng buong uring manggagawa.
Kung ngayon, sa UK, ang parehong mga unyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe at nagkunwaring sumusuporta sa pagkakaisa ng iba’t-ibang sektor, nag-aamba ng banta ng pangkalahatang welga, ito ay dahil minamatyagan nila ang mga problema ng uring manggagawa at nais nilang kontrolin ang pagkilos ng mga manggagawa, ang kanilang galit, ang kanilang pakikibaka at ang kanilang damdamin na dapat magkaisa tayo sa pakikibaka, para mas maayos nilang mabaog at mailihis ang dinamikong ito. Sa realidad, sa batayang antas, hiwa-hiwalay nila na minamanipula ang mga welga; sa likod ng iisang islogan ng mas mataas na sahod para sa lahat, nakulong sa magka-iba-ibang sektor at nagkahiwa-hiwalay sa antas-kompanya na mga negosasyon; higit sa lahat, binabantayan talaga nila na mapigilan ang anumang tunay na diskusyon sa pagitan ng mga manggagawa mula sa iba’t-ibang sektor. Walang anumang inter-industriya na mga pangkalahatang asembliya. Kaya huwag magpaloko sa sinabi ni Liz Truss, ang nangungunang pampalit kay Boris Johnson, na "hindi hahayaan na ang Britanya ay maging pantubos ng mga militanteng unyonista" kung siya na ang magiging Primero Ministro. Sinusunod lang niya ang yapak ng kanyang modelo, si Margaret Thatcher; binibigyan niya ng kredibilidad ang mga unyon sa pamamagitan ng pagsabing sila ang pinaka-militanteng kinatawan ng mga manggagawa para sa mas maayos, nagkakaisa, na pamunuan ang uring manggagawa tungo sa pagkatalo.
Sa Pransya, sa 2019, naharap sa tumataas na militansya at silakbo ng pagkakaisa sa pagitan ng mga henerasyon, ginamit na ng mga unyon ang katulad na estratehiya sa pamamagitan ng panawagan ng "salubongan ng pakikibaka", bilang panghalili sa nagkakaisang pagkilos, kung saan ang mga demonstrador na nagmartsa sa lansangan ay nakagrupo bawat sektor at bawat kompanya.
Sa UK, at kahit saan, para mabuo ang balanse ng pwersa upang malabanan natin ang walang puknat na mga atake sa ating pamumuhay at pagtrabaho, na mas maging marahas sa hinaharap, kailangan natin, saan man posible, na magtipon-tipon para magdebate at maglatag ng mga paraan sa pakikibaka upang maging malakas ang uring manggagawa, na magbigay kapasidad, sa tiyak na mga yugto sa kanyang kasaysayan, na yanigin ang burgesya at ang kanyang sistema, sa pamamagitan ng:
- paghahanap ng suporta at pagkakaisa lampas sa “ating” pabrika, "ating" kompanya, "ating" sektor ng pagkilos, "ating" syudad, "ating" rehiyon, "ating" bansa;
- ang nagsasariling organisasyon ng mga pakikibaka ng manggagawa, sa partikular sa pamamagitan ng mga pangkalahatang asembliya, at pigilan na makontrol ang pakikibaka ng mga unyon, ang "tinatawag na mga espesyalista" sa organisasyon ng mga pakikibaka ng mga manggagawa;
- paunlarin ang pinaka-malawak na posibleng diskusyon sa pangkalahatang pangangailangan ng pakikibaka, sa mga positibong aral na nahalaw mula sa nagdaang mga pakikibaka – kabilang na ang mga pagkatalo, dahil mayroon talagang mga pagkatalo, pero ang pinaka-malaking pagkatalo ay magdurusa sa mga atake na walang paglaban; ang pagpasok sa pakikibaka ang unang tagumpay ng pinagsamantalahan.
Kung ang pagbabalik ng malawakang mga welga sa UK ay tanda ng panunumbalik ng militansya ng pandaigdigang proletaryado, mahalaga rin na ang mga kahinaan na naging dahilan ng pagkatalo sa 1985 ay mapangibabawan: kaisipang antas pabrika at ilusyon sa unyonismo. Ang pagsasarili ng pakikibaka, ang kanyang pagkakaisa at solidaridad ay napakahalagang sukatan sa paghahanda para sa mga pakikibaka sa hinaharap!
At para dito, dapat kilalanin natin ang ating mga sarili bilang mga myembro ng parehong uri, isang uri na ang pakikibaka ay pinag-isa sa pamamagitan ng pagkakaisa: ang uring manggagawa. Ang mga pakikibaka ngayon ay napakahalaga hindi lang dahil ipinagtatanggol ng uring manggagawa ang sarili laban sa mga atake kundi dahil itinuturo rin nito ang daan para manumbalik ang makauring identidad sa buong daigdig, sa paghahanda para ibagsak ang kapitalistang sistema, na nagbibigay lang sa atin ng kahirapan at lahat ng klaseng mga pinsala.
Walang anumang solusyon sa loob ng kapitalismo: ito man ay pagwasak ng planeta, mga digmaan, kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, o kahirapan. Tanging ang pakikibaka lang ng pandaigdigang proletaryado na suportado ng lahat ng inaapi at pinagsamantalahan sa mundo mabuksan ang alternatibang daan.
Ang malawakang mga welga sa Britanya ay panawagan na makibaka ang mga manggagawa sa lahat ng dako
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 27 Agosto 2022
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17247/ruling-class-demands-further-sacrifices-response-working-class-fight [30]
[1] [31] https://bmjopen.bmj.com [32]
Sa maraming okasyon, giniit ng organisasyon ang kahalagahan ng usapin ng militarismo at digmaan sa panahon ng pagbulusok[[1] [33]], pareho sa punto-de-bista ng buhay ng kapitalismo mismo, at ng proletaryado. Dahil sa mabilis na sunod-sunod na mga pangyayari na may istorikal na kahalagahan sa nakaraang taon (pagbagsak ng bloke ng Silangan, digmaan sa Gulpo) na bumago sa sitwasyon ng mundo, dahil sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang pinal na yugto ng dekomposisyon[[2]] [34], napakaimportante na absolutong malinaw sa mga rebolusyonaryo ang esensyal na usapin: ang papel ng militarismo sa loob ng bagong kondisyon ng mundo ngayon.
1) Salungat sa Bordigistang tendensya, hindi kinilala ng IKT ang marxismo bilang "hindi nagbabagong doktrina", kundi bilang buhay na kaisipan na pinayaman ng bawat mahalagang istorikal na kaganapan. Ang naturang mga kaganapan ay maaring magpatibay sa balangkas o pagsusuri na umunlad sa nakaraan, at kaya suportahan sila, o patingkarin ang katotohanan na ang ilan ay lipas na, at kailangan ang repleksyon para mapalawak ang aplikasyon sa mga iskema na dati balido pero nilagpasan na ng mga pangyayari, o gamitin ang mga bago na tumutugma sa bagong realidad.
Ang mga rebolusyonaryong organisasyon at militante ay may ispisipiko at pundamental na responsibilidad na gawin ang repleksyon, laging pasulong, tulad ng ginawa ng mga nauna sa atin katulad nila Lenin, Rosa, Bilan, ang Kaliwang Komunistang Pranses, atbp, na may pag-iingat at katapangan:
- palagi at matatag tayong nakabatay sa mga batayang yaman ng marxismo,
- sinusuri ang realidad na walang anumang takip-sa-mata, at paunlarin ang ating kaisipan na "walang anumang iniiwasan" (Bilan).
Sa partikular, sa harap ng mga istorikal na pangyayari, importante na may kapasidad ang mga rebolusyonaryo na makita ang kaibahan sa pagitan ng mga pagsusuri na nalagpasan na ng mga pangyayari at yaong nanatiling balido pa, para maiwasan ang dobleng patibong: bumigay sa esklerosis o "ihagis ang bagong silang na bata sa tubig ". Mas eksakto, kailangang bigyang-diin ano sa ating pagsusuri ang esensyal at pundamental, at nanatiling balido sa ibat-ibang istorikal na mga sirkumstansya, at ano ang segundaryo at sirkumstansyal – sa madaling sabi, alamin paano pag-ibahin ang esensya ng realidad at ang kanyang ibat-ibang ispisipikong mga manipestasyon.
2) Sa loob ng isang taon, dumaan ang mundo sa malaking mga kaganapan, na malakihang bumago sa mundo magmula sa ikalawang imperyalistang digmaan. Ginawa ng IKT ang makakaya upang masusing obserbahan ang mga pangyayari:
- tingnan ang kanilang istorikal na kahalagahan,
- tingnan paano kinumpirma o pinawalang-bisa ang mga makauring balangkas na tama sa nakaraan.
Bagaman hindi namin eksaktong nakini-kinita paano magaganap ang mga istorikal na pangyayaring ito (paghihingalo ng Stalinismo, paglaho ng bloke ng Silangan, disintegrasyon ng bloke ng Kanluran), perpekto naman itong nakaangkla sa balangkas ng pagsusuri at unawa sa kasalukuyang istorikal na yugto na dating ginawa ng IKT: ang yugto ng dekomposisyon.
Ganun din sa kasalukuyang digmaan sa Persian Gulf. Pero ang kahalagahan ng pangyayaring ito at ang pangunahing mga kalituhan sa hanay ng mga rebolusyonaryo ang nagbigay responsibilidad sa aming organisasyon na malinaw na unawain ang epekto at pinsala ng mga katangian ng yugto ng dekomposisyon sa usapin ng militarismo at digmaan, ang suriin paano inilahad ang usaping ito sa bagong istorikal na yugto.
3) Militarismo at digmaan ang pundamental na katangian ng buhay ng kapitalismo ng pumasok ito sa dekadenteng yugto. Magmula ng makompleto ang pandaigdigang pamilihan sa simula ng siglong ito, at ang pagkahati ng mundo sa kolonyal at reserbang komersyal ng ibat-ibang abanteng kapitalistang mga bansa, nagbunga ito ng intensipikasyon ng kompetisyon na nagpalala sa mga tensyong militar, ang paglikha ng mas agresibong mga sandata, at ang lumalaking paggamit ng buong buhay ng ekonomiya at panlipunan sa mga pangangailangang militar. Sa totoo lang, ang militarismo at imperyalistang digmaan ang sentral na manipestasyon ng pagpasok ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto (katunayan ang simula ng yugto ay markado ng pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig), hanggang sa punto na para sa mga rebolusyonaryo ng panahong iyon, pareho ang kahulugan ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo.
Tulad ng tinuro ni Rosa Luxemburg, ang imperyalismo ay hindi ispisipikong manipestasyon ng kapitalismo kundi ang kanyang moda ng pag-iral sa bagong istorikal na yugto, hindi ang partikular na mga estado ang imperyalista, kundi lahat ng mga estado.
Sa realidad, kung ang militarismo, imperyalismo, at digmaan ay iniugnay sa yugto ng pagbulusok, ito ay dahil ang huli ay umaayon sa katotohanan na ang kapitalistang mga relasyon ng produksyon ay naging hadlang na sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa: ang perpektong irasyunal na katangian, sa pandaigdigang ekonomikong antas, ang gastusing militar at digmaan ay ekspresyon lang ng anomalya ng mga relasyon ng produksyon na patuloy na umiiral. Sa partikular, ang permanente at lumalaking pakasira-sa-sarili ng kapital na bunga ng ganitong moda ng buhay na sumisimbolo ng naghihingalong sistema, at malinaw na ipinakita na ito ay kinondena na ng kasaysayan.
4) Naharap sa sitwasyon kung saan ang digmaan ay permanenteng umiiral sa buhay ng lipunan, umunlad sa dekadenteng kapitalismo ang dalawang penomena na siyang naging mayor na katangian ng yugtong ito: kapitalismo ng estado at ang mga imperyalistang bloke. Ang kapitalismo ng estado, na unang lumitaw sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay tumugon sa pangangailangan ng bawat bansa na tiyakin ang maksimum na disiplina ng iba’t-ibang sektor ng lipunan at bawasan ang kumprontasyon pareho sa pagitan ng mga uri at sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri, para mobilisahin at kontrolin ang buong pang-ekonomiyang potensyal bilang paghahanda sa kumprontasyon sa ibang mga bansa. Sa parehong kadahilanan, ang pagbuo ng mga imperyalistang bloke ay tugon sa pangangailangan na ipataw ang kahalintulad na disiplina sa hanay ng iba’t-ibang pambansang burgesya, para limitahan ang kanilang mutwal na antagonismo at kabigin sila na magkaisa para sa ultimong kumprontasyon sa pagitan ng dalawang kampo-militar.
At habang mas lalupang nahulog ang kapitalismo sa kanyang pagbulusok at istorikal na krisis; ang dalawang katangiang ito ay mas lalupang lumalakas. Nakita sila laluna sa pag-unlad ng kapitalismo ng estado sa antas ng buong imperyalistang bloke magmula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ni ang kapitalismo ng estado, o imperyalismo, o ang kumbinasyon ng dalawa ay ekspresyon ng anumang "pasipikasyon" sa relasyon sa pagitan ng iba’t-ibang sektor ng kapital, at hindi rin “pampalakas” sa kanila. Kabaliktaran, sila ay walang iba kundi pagtatangka ng kapitalismo na labanan ang lumalaking tendensya ng dislokasyon nito[[3]] [35].
5) Ang pangkalahatang pagkabulok ay ang huling yugto ng pagbulusok ng kapitalismo. Sa puntong ito, walang duda na nasa yugtong ito ang mga ispisipikong katangian ng yugto ng pagbulusok: ang istorikong krisis ng kapitalistang ekonomiya, kapitalismo ng estado, at ang pundamental na penomena ng militarismo at imperyalismo.
At saka, dahil ang dekomposisyon ay kulminasyon ng mga kontradiksyon ng bumubulusok na kapitalismo, ang mga ispisipikong katangian ng yugtong ito (pagbulusok) ay mas pinalala ng kanyang huling yugto (dekomposisyon):
- mas naging masama ang dekomposisyon, dahil sa hindi maiwasang pagbulusok ng kapitalismo sa krisis;
- hindi pinagdududahan ang tendensya patungong kapitalismo ng estado kahit pa naglaho ang ilan sa kanyang pinaka-parasitiko at abnormal na porma, tulad ng Stalinismo ngayon; kabaliktaran[[4]] [36].
Ganun din sa militarismo at imperyalismo, gaya ng nakita natin sa buong 1980's kung saan lumitaw ang penomena ng dekomposisyon at umunlad. At ang realidad na ito ay hindi dapat pagdudahan dahil sa pagkawala ng pagkahati-hati ng mundo sa dalawang imperyalistang kampo bilang resulta ng pagkawasak ng bloke ng Silangan.
Ang pagbuo ng mga imperyalistang bloke ay hindi ang pinagmulan ng militarismo at imperyalismo. Ang kabaliktaran ang totoo: ang pormasyon ng mga blokeng ito ay sukdulang resulta lang (na sa ilang pagkakataon ay magpapatindi ng mga kadahilanan), isang ekspresyon (at hindi lang natatangi), ng pagbulusok ng kapitalismo sa militarismo at digmaan.
Sa isang kahulugan, ang pormasyon ng mga bloke ay kasing kahulugan ng imperyalismo katulad ng Stalinismo ay sa kapitalismo ng estado. Katulad ng ang kataposan ng Stalinismo ay hindi nagkahulugan ng kataposan ng istorikal na tendensya patungong kapitalismo ng estado, kung saan isa ito sa manipestasyon, kaya ang kasalukuyang paglaho ng mga imperyalistang bloke ay hindi ibig sabihin na pagdudahan ang pagtangan ng imperyalismo sa buhay ng lipunan. Ang pundamental na pagkakaiba ay batay sa katotohanan na habang ang kataposan ng Stalinismo ay tumugon sa eliminasyon ng isang partikular na abnormal na porma ng kapitalismo ng estado, ang paglaho ng mga bloke ay binuksan lang ang pintuan sa mas barbariko, abnormal, at magulong porma ng imperyalismo.
6) Pinaunlad na ng IKT ang pagsusuring ito ng binigyang-diin nito ang pagbagsak ng bloke ng Silangan:
"Sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, lahat ng mga estado ay imperyalista, at ginawa ang kailangang mga hakbang para bigyang kasiyahan ang kanilang pagnanasa: ekonomiya ng digmaan, produksyon ng armas, atbp. Kailangang malinaw nating ipahayag na ang lumalalim na kombulsyon ng pandaigdigang ekonomiya ay patatalasin lang ang tunggalian sa pagitan ng iba’t-ibang mga estado, kabilang na at lumalaki pa sa antas militar. Ang kaibahan, sa darating na panahon, ang mga antagonismong ito na dati kontrolado at ginagamit ng dalawang malaking bloke ay malalantad na. Ang paglaho ng pagiging pulisya ng imperyalistang Rusya, at ang epekto nito sa pagiging pulis ng Amerika kaugnay sa kanyang “mga alyado”, ay nagbukas ng pintuan para pakawalan ang buong serye ng mas maraming lokal na tunggalian. Sa kasalukuyan, ang mga kompetisyon at tunggalian ay hindi hahantong sa pandaigdigang digmaan (kahit pa ipagpalagay na ang proletaryado ay wala ng kapasidad na lumaban). Subalit, sa paglaho ng disiplina na ipinataw ng dalawang bloke, ang mga tunggaliang ito ay mas magiging madalas at marahas, laluna syempre sa mga lugar na pinakamahina ang proletaryado" (International Review, no 61).
"Ang paglala ng kapitalistang ekonomiya sa pagiging pandaigdigang krisis ay hindi maiwasang mag-udyok ng panibagong pagtindi sa mismong mga internal na kontradiksyon ng burgesya. Katulad ng sa nakaraan, makikita ang mga kontradiksyong ito sa antas ng antagonismong militar: sa dekadenteng kapitalismo, ang digmaan sa kalakalan ay hindi mapigilang hahantong sa armadong tunggalian. Sa puntong ito, kailangang pursigidong labanan ang pasipistang ilusyon na maaring lumitaw dahil sa “mabuting” relasyon sa pagitan ng USSR at USA: hindi maglalaho ang tunggaliang militar sa pagitan ng mga estado, kahit pa hindi na sila magamit at ma-manipula ng malalaking kapangyarhihan. Kabaliktaran, tulad ng nakita natin sa nakaraan, ang militarismo at digmaan ay ang buhay mismo ng dekadenteng kapitalismo, at kinumpirma lang ito ng paglalim ng krisis. Subalit kabaliktaran sa nagdaang yugto, ang mga tunggaliang militar na ito ay hindi na nag-aanyong tunggalian sa pagitan ng dalawang makapangyarihang imperyalistang bloke ... " (International Review, no 63, 'Resolution on the International Situation').
Ngayon, ang pagsusuring ito ay lubusang nakumpirma sa digmaan sa Persian Gulf.
7) Ang digmaang ito ay unang mayor na manipestasyon ng bagong pandaigdigang sitwasyon mula ng bumagsak ang bloke ng Silangan (sa puntong ito, ang kanyang kahalagahan ngayon ay napakalaki):
- Ang “hindi makontrol” na adbenturismo ng Iraq, pagsakop sa ibang bansa na dati kabilang sa kanyang dating dominanteng bloke, ay kumpirmasyon ng paglaho mismo ng bloke ng Kanluran;
- Pinakita nito ang pagtingkad ng tendensya (ispisipiko sa dekadenteng kapitalismo) na lahat ng mga bansa ay gumagamit ng armadong pwersa para tangkaing makawala sa hindi na matiis na tumitinding ng krisis;
- ang pambihirang pagpakilos ng militar ng USA at kanyang mga “alyado” ay nagpatingkad sa lumalaking katotohanan na tanging pwersang militar lang ang maaring dahilan ng minimum na istabilidad sa mundo na pinagbantaan ng lumalaking kaguluhan.
Sa puntong ito ang digmaan sa Gulpo ay hindi, katulad ng sinabi ng karamihan sa proletaryong kampo, "digmaan dahil sa presyo ng lana". Ni mabawasan ito dahil lang sa “digmaan para kontrolin ang Gitnang Silangan", gaano man kaimportante ang rehiyong ito. Kahalintulad, ang operasyong militar sa Gulpo ay hindi lang naglalayon na pigilan ang kaguluhan na lumalaki sa Ikatlong Daigdig.
Syempre, lahat ng mga elementong ito ay may papel. Totoo na halos lahat ng mga bansa sa Kanluran ay may interes sa murang lana (hindi katulad ng USSR, na sa kabila na lumahok sa aksyon laban sa Iraq ay limitado lang ayon sa kapasidad nito), pero hindi ‘yan ang paraan para mapababa ang presyo ng lana (itinaas na nila ang presyo ng krudo na mas mataas pa sa hinihingi ng Iraq).
Totoo rin na hindi maipagkaila ang interes ng USA na kontrolin ang oil-fields, at mapalakas nito ang kanyang posisyon laban sa kanyang mga karibal sa kalakalan: pero, bakit sinusuportahan ng mga karibal nito ang pagkilos ng US?
Gayundin, walang duda na may pangunahing interes ang USSR sa istabilisasyon ng rehiyon ng Gitnang Silangan, dahil ito ay malapit sa mga probinsya ng Rusya sa sentral Asya at Caucasia, na magulo na. Pero ang umuusbong na kaguluhan sa USSR ay hindi lang problema nito. Ang mga bansa sa Sentral, at sa Kanlurang Uropa ay partikular na binigyang-pansin rin ang mga nangyayari sa dating bloke ng Silangan.
Mas sa pangkalahatan, kung ang abanteng mga bansa ay nakatuon sa kaguluhan na lumalaki sa ilang rehiyon sa Ikatlong Daigdig, ito ay sila mismo ay mahina bilang epekto sa kaguluhang ito, dahil sa bagong sitwasyon ng mundo ngayon.
8) Sa realidad, ang pundamental na layunin ng operasyong "Desert Shield" ay para tangkaing kontrolin ang kaguluhan na nagbabanta sa mayor na maunlad na mga bansa at kanilang inter-relasyon.
Ang paglaho ng pagkahati sa mundo ng dalawang malaking imperyalistang bloke na nangalaga ng isang antas ng pagkakaisa sa pagitan ng mga estado. Ang tendensya ng bagong sitwasyon ay “bawat isa para sa kanyang sarili”, at kalaunan para sa karamihan ng makapangyarihang mga estado ay igiit ang sarili bilang kandidato para sa “liderato” ng bagong bloke. Pero kasabay nito, ang burgesya sa mga bansang ito ay mulat sa mga peligro ng bagong sitwasyon, at nagtatangkang kumilos laban sa tendensyang ito.
Naharap sa panibagong antas ng pangkalahatang kaguluhan na kinatawan ng adbenturismo ng Iraq (na sekretong sinulsulan ng “pampalubag-loob” na paninindigan ng Estados Unidos sa Iraq bago ang ikalawa ng Agosto na may layunin na “gumawa ng ehemplo” pagkatapos), ang "internasyunal na komunidad" na siyang bansag ng midya, na hindi lang nagbabalita sa dating bloke ng Kanluran kundi pati na rin sa USSR, ay walang ibang pagpipilian kundi pumailalim sa pinakamakapangyarihan ng mundo, at laluna sa kanyang kapangyarihang militar na siyang may tanging kapasidad na kontrolin saan mang bahagi ng mundo.
Pinakita ng digmaan sa Gulpo na, sa harap ng tendensya ng pangkalahatang kaguluhan na ispisipiko sa dekomposisyon at pinabilis ng pagbagsak ng bloke ng Silangan, walang ibang solusyon ang kapitalismo sa kanyang pagtatangkang kontrolin ang kanyang iba’t-ibang sangkap, maliban sa ipataw ang bakal na pwersang militar[[5]] [37]. Sa puntong ito, ang mga paraan na ginamit nito para makontrol ang lumalaking madugong kaguluhan ay naging salik mismo sa paglala ng barbarismong militar na humahatak pababa sa kapitalismo.
9) Bagaman ang pormasyon ng mga bloke batay sa kasaysayan ay tila bunga ng pag-unlad ng militarismo at imperyalismo, ang paglala ng huli sa kasalukuyang yugto ng buhay ng kapitalismo ay kabalintunaan na naging mayor na balakid na sa muling pagbuo ng bagong sistema ng mga bloke na papalit sana sa dating nawala. Ang kasaysayan (laluna ang panahon matapos ang digmaan) ay nakitaan na ang paglaho ng isang imperyalistang bloke (eg the Axis) ay hindi lang nagkahulugan ng dislokasyon ng kabila (ang "Allies"), kundi ng paglitaw ng bagong pares ng magkatunggaling mga bloke (Silangan at Kanluran). Kaya nagpahiwatig ang kasalukuyang sitwasyon, sa ilalim ng presyur ng krisis at tensyong militar, ng tendensya patungong repormasyon ng dalawang bagong imperyalistang bloke.
Subalit, ang katotohanan mismo na ang pwersang militar ay nagiging – tulad ng kinumpirma ng digmaan sa Gulpo – isang nangibabaw na salik na sa bawat pagtatangka ng abanteng mga bansa na limitahan ang kaguluhan sa mundo ay isang konsiderableng balakid sa tendensyang ito. Ang parehong tunggalian ay sa totoo lang nagbigay-diin sa mapandurog na superyoridad (sa minimum) ng kapangyarihang militar ng US kumpara sa ibang maunlad na mga bansa (at ipakita na ang katotohanang ito ay mayor na layunin ng US): sa realidad, ang kapangyarihang militar ng US ay sa minimum katumbas sa karamihan o sa buong mundo. At ang pagiging hindi balanse na ito ay malamang hindi magbabago, dahil walang umiiral na bansa na may kapasidad sa darating na mga taon na labanan ang potensyal militar ng USA sa punto na may kapasidad itong igiit ang sarili na karibal na lider ng bloke. Kahit sa hinaharap, ang listahan ng mga kandidato para sa naturang posisyon ay napakalimitado.
10) Halimbawa, hindi na usapin na ang ulo ng bloke na bumagsak, ang USSR – ay maari pang mabawi muli ang posisyon. Ang katotohanan na nagawa ng bansang ito ang kanyang papel sa nakaraan ay isa ng paglihis mismo, isang istorikal na aksidente. Dahil sa kanyang seryosong pagiging atrasado sa lahat ng antas (ekonomiya, kabilang na ang pulitikal at kultural), hindi tangan ng USSR ang mga katangian para “natural” na mabuo nito ang isang imperyalistang bloke sa kanyang pamumuno[[6]] [38]. Nagawa niya ito “salamat” kay Hitler (na humatak sa kanya sa digmaan sa 1941) at sa mga “Alyado” na sa Yalta ay nagbayad sa Rusya na bumuo ng ikalawang larangan laban sa Alemanya, at bilang parangal sa 20 milyon patay ng kanyang populasyon, sa pamamagitan ng pagpahintulot dito na kontrolin ang Silangang Uropa na inokupa ng kanyang mga tropa sa kataposan ng pagbagsak ng Alemanya[[7]] [39].
Bukod dito; dahil sa kawalan ng kakayahan ng USSR na panatilihin ang papel bilang pinuno ng bloke kaya napilitan itong magpataw ng isang mapaminsalang ekonomiya ng digmaan sa mga produktibong kagamitan nito upang mapanatili ang imperyo nito. Ang kagila-gilalas na pagbagsak ng bloke ng Silangan, bukod sa pagkumpirma sa pagkabangkarote ng isang partikular na abnormal na anyo ng kapitalismo ng estado (na hindi rin nagmula sa isang "organikong" pag-unlad ng kapital, kundi mula sa pag-aalis ng "klasikal" na burgesya ng rebolusyong 1917), ay ekspresyon ng paghihiganti ng kasaysayan sa orihinal na pagkaligaw na ito. Ito ang dahilan kung bakit, sa kabila ng napakalaking arsenal nito, ang USSR ay hindi na muling magampanan ang malaking papel sa internasyonal na arena. Higit pa rito, dahil ang dinamika sa likod ng dislokasyon ng panlabas na imperyo nito ay patuloy na gagana sa loob, at matatapos sa pamamagitan ng pagbakbak sa mga teritoryong sinakop ng Rusya sa nagdaang mga siglo.
Dahil sinubukan nitong gampanan ang papel bilang makapangyarihan sa daigdig, na lampas sa mga kakayahan nito, hinatulan ang Rusya na bumalik sa ikatlong antas na posisyong sinakop nito bago ang paghari ni Peter the Great.
Hindi rin ang Alemanya at Hapon, ang tanging dalawang potensyal na kandidato para sa titulong pinuno ng bloke, ay hindi magagawang gampanan ang ganoong tungkulin sa hinaharap. Ang Hapon, sa kabila ng kanyang kapangyarihang industriyal at dinamikong pang-ekonomiya, ay hindi kailanman maaaring magpanggap sa ganoong posisyon dahil napakalayo nito kumpara sa pinakamalaking konsentrasyon ng industriya sa mundo: Kanlurang Europa. O ang Alemanya, ang tanging bansa na maaaring gumanap ng ganoong papel sa kalaunan, dahil ito ang posisyon niya sa nakaraan, aabot ng ilang dekada bago ito maging karibal ng USA sa antas ng militar (hindi man lang ito nagtataglay ng mga sandatang atomika!). At habang ang kapitalismo ay lumulubog nang mas malalim sa pagkabulok nito, mas lalong kailangan para sa isang lider ng bloke na may mapandurog na superyoridad-militar sa kanyang mga nasasakupan upang mapanatili ang posisyon nito.
11) Sa simula ng dekadenteng yugto, at kahit hanggang sa mga unang taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maaari pa ring magkaroon ng isang tiyak na "pagkakapantay-pantay" sa pagitan ng iba't ibang mga kasosyo ng isang imperyalistang koalisyon, bagama't nanatiling kinakailangan na magkaroon ng isang pinuno ng bloke. Halimbawa, sa Unang Digmaang Pandaigdig, walang anumang pangunahing pagkakaiba sa antas ng kapasidad militar sa pagitan ng tatlong "nagtagumpay": Great Britain, France at USA. Malaki na ang pinagbago ng sitwasyon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang ang mga "nagtagumpay" ay halos umaasa sa US, na higit na mas makapangyarihan kaysa sa mga "kaalyado" nito. Ito ay pinatingkad sa panahon ng "Cold War" (na katatapos pa lang) kung saan ang bawat pinuno ng bloke, parehong USA at USSR, ay may ganap na mapandurog na superyoridad sa iba pang mga bansa sa bloke, lalo na salamat sa kanilang pagmamay-ari ng mga sandatang nukleyar.
Ang tendensyang ito ay maaaring ipaliwanag sa pamamagitan ng katotohanan na habang ang kapitalismo ay lalo pang bumulusok sa pagkabulok:
- ang laki ng mga tunggalian sa pagitan ng mga bloke, at kung ano ang nakataya sa mga ito ay mas naging pandaigdigan at pangkalahatan ang katangian (mas maraming gangster ang dapat kontrolin, mas malakas dapat ang "ninong");
- Ang mga sistema ng armas ay humihiling ng higit pang kamangha-manghang antas ng pamumuhunan (sa partikular, ang mga pangunahing kapangyarihan lamang ang maaaring maglaan ng mga kinakailangang mapagkukunan sa pagbuo ng isang kumpletong arsenal nukleyar, at sa pananaliksik sa mas sopistikadong mga armas);
- At higit sa lahat, ang sentripugal na mga tendensya sa lahat ng mga estado bilang resulta ng paglala ng mga pambansang antagonismo, ay mas titingkad.
Parehong totoo rin ito sa huling salik na kapitalismo ng estado: winawasak ng iba't ibang praksyon ng burgesya ang isa't isa, habang pinatalim ng krisis ang kanilang kompetisyon sa isa't isa, kaya mas dapat palakasin ang estado upang magamit ang awtoridad nito sa kanila. Sa parehong paraan, habang mas lantarang naninira ang makasaysayang krisis sa pandaigdigang ekonomiya, kaya mas malakas dapat ang isang pinuno ng bloke upang mapigil at makontrol ang mga tendensya patungo sa dislokasyon ng iba't ibang pambansang bahagi nito. At malinaw na sa huling yugto ng pagbulusok, ang yugto ng pagkabulok, mas seryoso pang lumala ang penomenon na ito.
Sa lahat ng mga kadahilanang ito, lalo na ang huli, ang pagtatag ng panibagong pares na imperyalistang bloke ay hindi lang imposible sa darating na ilang taon, ngunit maaaring hindi na muling mangyari: maaring mauna ang rebolusyon, o ang pagkawasak ng sangkatauhan.
Sa bagong istorikal na yugto na pinasok natin, at kung saan kinumpirma ng mga kaganapan sa Gulpo, ang mundo ay naging isang malawak na libre-para-sa-lahat, kung saan ang ganap na gumagana ang tendensyang "bawat tao para sa kanyang sarili", at kung saan ang mga alyansa sa pagitan ng mga estado ay malayong magkaroon ng istabilidad na katangian ng mga imperyalistang bloke, subalit madominahan ng mga kagyat na sandaling pangangailangan. Isang mundo ng madugong kaguluhan, kung saan susubukan ng Amerikanong pulis na mapanatili ang pinakamaliit na kaayusan sa pamamagitan ng lalupang malawak at brutal na paggamit ng pwersang militar.
12) Ang katotohanan na sa darating na panahon ang daigdig ay hindi na mahahati sa mga imperyalistang bloke, at ang pandaigdigang "pamumuno" ay ipaubaya na lamang sa Estados Unidos, sa anumang paraan ay hindi nagpapatunay sa tesis ni Kautsky ng "super-imperyalismo" (o "ultra-imperyalismo") na binuo noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang tesis na ito ay ginawa ng oportunistang kampo ng Social-Demokrasya bago pa ang Digmaan. Nakabatay ang mga ugat nito sa gradualista at repormistang pananaw na isinasaalang-alang na ang mga kontradiksyon (sa pagitan ng mga uri at mga bansa) sa loob ng kapitalistang lipunan ay hihina hanggang sa punto ng paglaho. Ipinapalagay ng tesis ni Kautsky na ang iba't ibang sektor ng pandaigdigang kapital sa pananalapi ay may kakayahang magkaisa upang magtayo ng kanilang sariling matatag at pasipikong dominasyon sa buong mundo. Ang tesis na ito, na ipinakilala bilang "marxista", ay malinaw na nilabanan ng lahat ng mga rebolusyonaryo, na tinapos lalo na ni Lenin (kapansin-pansin sa Imperyalismo, pinakamataas na yugto ng kapitalismo), na itinuro na ang isang kapitalismo na pinutulan ng pagsasamantala at kompetisyon sa pagitan ng mga kapital ay hindi na kapitalista. Malinaw na ang rebolusyonaryong posisyong ito ay nananatiling ganap na wasto hanggang ngayon.
Hindi rin dapat malito na ang aming pagsusuri ay kahalintulad ng kay Chaulieu (Castoriadis), na kahit papaano ay nakakalamang sa tahasang pagtanggi sa "marxismo". Ayon sa pagsusuring ito, ang mundo ay gumagalaw patungo sa isang "ikatlong sistema", hindi sa pagkakasundo na mahal na mahal ng mga repormista, ngunit sa pamamagitan ng malupit na mga kombulsyon. Ang bawat digmaang pandaigdig ay hahantong sa eliminasyon ng isang imperyalistang kapangyarihan (Germany noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig). Ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig ay mag-iiwan lamang ng isang bloke, na magpapataw ng kaayusan nito sa isang mundo kung saan mawawala ang mga krisis sa ekonomiya at kung saan ang kapitalistang pagsasamantala sa lakas paggawa ay papalitan ng isang uri ng pang-aalipin, ang paghahari ng "mga naghahari" sa "mga pinaghaharian".
Ang mundo ngayon, na umuusbong mula sa pagbagsak ng bloke ng Silangan upang harapin ang isang pangkalahatang pagkabulok, gayunpaman ay ganap na kapitalista. Isang hindi malulutas at lumalalim na krisis sa ekonomya, lalong mabangis na pagsasamantala sa lakas paggawa, ang diktadura ng batas ng halaga, nagpalala ng kompetisyon sa pagitan ng mga kapital at imperyalistang antagonismo sa pagitan ng mga bansa, walang tigil na militarismo, malawakang pagkawasak at walang katapusang masaker: ito ang kanyang tanging posibleng katotohanan. At ang tanging sa huli, ang kinabukasan nito ay ang pagkasira ng sangkatauhan.
13) Higit kailanman, ang usapin ng digmaan ay nananatiling sentral sa buhay ng kapitalismo. Dahil dito, ito ay higit na mahalaga para sa uring manggagawa. Malinaw, ang kahalagahan ng tanong na ito ay hindi na bago. Sentral na usapin na ito bago pa ang Unang Digmaang Pandaigdig (tulad ng itinampok ng mga internasyonal na kongreso ng Stuttgart (1907) at Basel (1912).
Naging mas mapagpasya pa rin ito noong unang imperyalistang masaker (kasama ang paglaban nila Lenin, Luxemburg, at Liebknecht, at ang mga rebolusyon sa Germany at Russia). Nanatiling hindi nagbabago kahalagahan nito sa buong panahon ng digmaan, lalo na sa panahon ng digmaang Sibil sa Espanya, at siyempre ang kahalagahan nito sa panahon ng pinakamalaking holocaust ng siglo sa pagitan ng 1939-45. At ito ay nanatiling totoo, sa wakas, sa panahon ng iba't ibang digmaan ng "pambansang kalayaan" pagkatapos ng 1945 na nagsilbing mga sandali ng komprontasyon ng dalawang imperyalistang bloke.
Sa katunayan, mula pa noong simula ng siglo, ang digmaan ay ang pinaka mapagpasyang usapin na kinailangang harapin ng proletaryado at ng mga rebolusyonaryong minorya nito, higit pa sa usapin ng unyon o parliyamentaryo halimbawa. Hindi maaaring sa ibang usapin, dahil ang digmaan ay ang pinakakonsentradong anyo ng barbarismo ng dekadenteng kapitalismo, na nagpapahayag ng kanyang nakamamatay na paghihirap at ang bunga nitong banta sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Sa kasalukuyang panahon, kung saan ang barbarismo ng digmaan, higit pa kaysa sa mga nakaraang dekada, ay magiging permanente at elemento na umiiral-sa-lahat-ng-panahon sa sitwasyon sa mundo (sang-ayon man o hindi sila Bush at Mitterrand kasama ang kanilang mga propesiya ng isang "bagong kaayusan ng kapayapaan"), na kinasasangkutan ng dumaraming mauunlad na mga bansa (nalimitahan lamang ng proletaryado sa mga bansang ito), mas mahalaga pa rin sa uring manggagawa ang usapin ng digmaan.
Matagal nang iginiit ng IKT, taliwas sa nakaraan, ang pagsibol ng isang bagong rebolusyonaryong alon ay magmumula hindi sa isang digmaan kundi sa paglala ng krisis sa ekonomiya. Ang pagsusuring ito ay nananatiling ganap na wasto: ang mobilisasyon ng uring manggagawa, ang simula ng malakihang pakikibaka ng uri, ay magmumula sa mga pang-ekonomiyang atake. Sa parehong paraan, sa antas ng kamulatan, ang paglala ng krisis ay magiging pundamental na salik para ilantad ang istorikal na pagiging lipas na ng kapitalistang moda ng produksyon. Ngunit sa parehong antas ng kamulatan, ang usapin ng digmaan ay muling nakatadhana na may pangunahing papel:
- sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pangunahing mga kahihinatnan ng istorikal na kataposan na ito: ang pagkawasak ng sangkatauhan,
- sa pagbuo na ang tanging obhetibong resulta ng krisis, pagbulusok at pagkabulok na tanging ang proletaryado lang ang makapagbigay ng limitasyon dito (hindi katulad sa alinman sa iba pang mga manipestasyon ng kabulukan), hanggang sa punto na sa mga sentral na bansa sa kasalukuyan ay hindi nakahanay sa ilalim ng mga bandila ng nasyunalismo.
14) Totoong mas madaling magamit ang digmaan laban sa uring manggagawa kaysa sa krisis mismo, at mga pag-atake sa ekonomiya:
- maaari nitong hikayatin ang pag-unlad ng pasipismo;
- maaari nitong bigyan ang proletaryado ng pakiramdam ng kawalan ng lakas, na nagpapahintulot sa burgesya na magsagawa ng mga pang-ekonomiyang pag-atake.
Sa katunayan ito ang nangyari sa panahon ng krisis sa Gulpo. Ngunit ang ganitong uri ng epekto ay limitado ang panahon. Sa kalaunan:
- ang pagiging permanente ng barbarismong militar ay patingkarin ang kawalang-kabuluhan ng lahat ng pasipistang pananalita;
- magiging malinaw na ang uring manggagawa ang pangunahing biktima ng kalupitan na ito, na binabayaran nito ang halaga bilang pambala ng kanyon at sa pamamagitan ng tumitinding pagsasamantala;
- at muling manumbalik ang pakikibaka, laban sa mas tumitindi at brutal na pag-atake sa ekonomiya.
Ang tendensyang ito ay mababaligtad. At maliwanag na nakasalalay sa mga rebolusyonaryo para pangunahan ang pag-unlad ng kamulatang ito: mas maging mapagpasya ang kanilang responsibilidad.
15) Sa kasalukuyang istorikal na sitwasyon, ang ating interbensyon sa uri, syempre bukod sa seryosong paglala ng krisis sa ekonomiya at ang mga resulta nitong pag-atake laban sa buong uring manggagawa, ay pinagtibay ng:
- ang pangunahing kahalagahan ng usapin ng digmaan;
- ang mapagpasyang papel ng mga rebolusyonaryo sa pagkamulat ng uri sa bigat ng nakataya ngayon.
Samakatuwid kailangan na ang usaping ito ay palaging nasa unahan ng ating pahayagan. At sa mga panahong tulad ngayon, kung saan ang usaping ito ay nasa unahan ng mga internasyonal na kaganapan, dapat tayong makinabang mula sa partikular na kakayahang tumugon ng mga manggagawa dito sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng espesyal na diin at prayoridad.
IKT: 4/10/90
[1] [40] Tingnan ‘War, militarism, and imperialist blocs' sa International Review bilang 52 at 53.
[2] [41] Para sa pagsusuri ng IKT sa usapin ng dekomposisyon, tingnan International Review bilang 57 at 62.
[3] [42] Gayunpaman, dapat nating bigyang-diin ang isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng kapitalismo ng estado at mga imperyalistang bloke. Ang una ay hindi maaaring kuwestiyunin sa pamamagitan ng mga tunggalian sa pagitan ng iba't ibang paksyon ng uring kapitalista (maliban sa mga kaso ng digmaang sibil, na maaaring katangian ng ilang atrasadong sona ng kapitalismo, ngunit hindi sa mga abanteng sektor nito): bilang pangkalahatang alituntunin, ang estado, na kumakatawan sa pambansang kapital sa kabuuan, ay nagtagumpay sa pagpapataw ng kanyang awtoridad sa iba't ibang bahagi ng kapital na iyon. Kabaligtaran, ang mga imperyalistang bloke ay walang parehong permanenteng kalikasan. Sa unang-una, sila ay nabuo tanging sa perspektiba lang ng digmaang pandaigdig: sa panahon kung saan ito ay hindi agarang posibilidad (tulad ng sa 1920s), maaaring napakadali nilang maglaho. Pangalawa, walang partikular na estado na ‘nakatakdang’ magiging kasapi ng isang partikular na bloke: ang mga bloke ay padaskul-daskol na pinipilit, bilang tungkulin ng pang-ekonomiya, pampulitika, heograpikal at militar na mga salik. Walang mahiwaga sa pagitan ng pagkakaibang ito ng istabilidad sa pagitan ng kapitalistang estado at mga imperyalistang bloke. Ito ay tumutugma sa katotohanan na ang burgesya ay hindi maaaring maghangad ng isang antas ng pagkakaisa na mas mataas kaysa sa bansa, dahil ang pambansang estado ay par excellence instrumento para sa pagtatanggol ng mga interes nito (pagpapanatili ng "kaayusan", malawakang pagbili ng estado, mga patakaran sa panalapi, proteksyon sa customs, atbp). Kaya ang alyansa sa loob ng imperyalistang bloke ay walang iba kundi isang kalipunan ng mga pundamental na magkatunggaling pambansang interes, na idinisenyo upang mapanatili ang mga interes na ito sa internasyonal na kagubatan. Sa pagdesisyon na ihanay ang sarili sa isang bloke o sa iba, walang ibang interes ang burgesya maliban sa pagtiyak ng sarili nitong pambansang interes. Sa huling pagsusuri, bagama't maaari nating isaalang-alang ang kapitalismo bilang isang pandaigdigang entidad, hindi natin dapat kalimutan na ito ay konkretong umiiral sa anyo ng magkaribal at nakikipagkumpitensyang mga kapital.
[4] [43] Sa realidad, ito ang kapitalistang moda ng produksyon sa kabuuan, sa pagbulusok at higit pa sa yugto ng pagkaagnas, na isang abnormalidad mula sa pananaw ng mga interes ng sangkatauhan. Ngunit sa loob ng barbarikong nakamamatay na paghihirap ng kapitalismo, ang ilan sa mga anyo nito, tulad ng Stalinismo, na nagmula sa mga partikular na istorikal na pangyayari, ay may mga katangian na lalupang nagpapahirap sa kanila, at hinatulan silang mawala bago pa man mawasak ang buong sistema sa pamamagitan ng proletaryong rebolusyon, o sa pagkawasak ng sangkatauhan.
[5] [44] Sa ganitong punto, ang paraan ng pagpapanatili ng "kaayusan" ng daigdig sa bagong yugto ay higit na magiging katulad ng paraan ng pagpapanatili ng kaayusan sa USSR sa kanyang dating bloke: terorismo at pwersang militar. Sa panahon ng dekomposisyon, at sa mga pang-ekonomiyang kombulsyon ng isang naghihingalong kapitalismo, ang pinakabarbariko at brutal na mga anyo ng internasyonal na relasyon ay malamang maging pamantayan ng bawat bansa sa mundo.
[6] [45] Sa katunayan, ang mga dahilan sa likod ng kawalan ng kakayahan ng Rusya na kumilos bilang makina ng pandaigdigang rebolusyon (kung kaya't ang mga rebolusyonaryo tulad nina Lenin at Trotsky ay umaasa na ang rebolusyon sa Alemanya ay hihilain ang Rusya) ay pareho sa mga dahilan kung bakit ang Rusya ay ganap na hindi angkop na kandidato para sa papel bilang pinuno ng bloke.
[7] [46] Ang isa pang dahilan kung bakit binigyan ng kalayaan ng mga Kanluranin ang USSR sa Gitnang Europa, ay inaasahan nilang ang huli ay mapupulis sa proletaryado sa rehiyon. Ipinakita ng kasaysayan (sa Warsaw sa partikular) kung gaano kahusay ang kanilang pagtitiwala.
Source URL: https://en.internationalism.org/content/3336/orientation-text-militarism-and-decomposition [4]
Links
[1] https://fil.internationalism.org/files/fil/intl-polyeto-feb28.pdf
[2] https://world.internationalism.org
[3] mailto:[email protected]
[4] https://en.internationalism.org/content/3336/orientation-text-militarism-and-decomposition
[5] https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition
[6] https://en.internationalism.org/content/17085/aukus-military-alliance-ch
[7] https://en.internationalism.org/content/17158/united-states-russia-european-union-ukraine-all-states-are-responsible-war
[8] https://fil.internationalism.org/files/fil/tagalog_against_the_attacks_of_the_ruling_class_we_need_a_massive_united_struggle.pdf
[9] https://en.internationalism.org/content/17133/against-attacks-ruling-class-we-need-massive-united-struggle
[10] https://en.internationalism.org/content/17166/some-impressions-icc-meetings-5th-and-6th-march-2022
[11] https://en.internationalism.org/ir/1982/31/critique-of-the-weak-link-theory
[12] https://en.internationalism.org/specialtexts/IR033_functioning.htm
[13] https://en.internationalism.org/content/17164/icc-public-meetings-who-can-put-end-capitalist-wars-and-barbarism
[14] https://fil.internationalism.org/files/fil/nagkakaisang_pahayag_ukraine.pdf
[15] https://en.internationalism.org/content/17159/joint-statement-groups-international-communist-left-about-war-ukraine
[16] https://world.internationalism.org/
[17] https://www.istitutoonoratodamen.it/
[18] https://en.internationalistvoice.org/
[19] http://communistleft.jinbo.net/xe/
[20] https://www.telegraph.co.uk/opinion/2022/02/23/world-sliding-new-dark-age-poverty-irrationality-war/
[21] https://en.internationalism.org/content/17151/ruling-class-demands-sacrifices-altar-war
[22] https://en.internationalism.org/content/17144/ukraine-worsening-military-tensions-eastern-europe
[23] https://en.internationalism.org/content/17121/russia-ukraine-crisis-war-capitalisms-way-life
[24] https://en.internationalism.org/content/17062/resolution-international-situation-adopted-24th-icc-congress
[25] https://crimethinc.com/2022/02/26/russian-anarchists-on-resisting-the-invasion-of-ukraine-updates-and-analysis
[26] https://www.theguardian.com/commentisfree/2022/feb/27/liberal-democracies-must-defend-their-values-and-show-putin-that-the-west-isnt-weak
[27] https://en.internationalism.org/content/17091/struggles-united-states-iran-italy-korea-neither-pandemic-nor-economic-crisis-have
[28] https://fil.internationalism.org/files/fil/polyeto_uk.pdf
[29] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/17247#_ftn1
[30] https://d.docs.live.net/content/17247/ruling-class-demands-further-sacrifices-response-working-class-fight
[31] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ruling%20class%20demands%20further%20sacrifices.docx#_ftnref1
[32] https://bmjopen.bmj.com
[33] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftn1
[34] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftn2
[35] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftn3
[36] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn4
[37] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn5
[38] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn6
[39] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn7
[40] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref1
[41] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref2
[42] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref3
[43] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref4
[44] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref5
[45] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref6
[46] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref7