Inilathala namin dito ang ulat sa imperyalistang sitwasyon na pinagtibay ng sentral na organo ng ICC sa pulong noong Hunyo 2018. mula noon, ang mga kaganapan sa pagbisita ni Tump sa Uropa ay napakalinaw na kinumpirma ang mga pangunahing ideya sa ulat, sa partikular ang ideya na ang Amerika ang pangunahing propagandista ng tendensyang “bawat isa para sa kanyang sarili” sa pandaigdigang saklaw, sa punto na sinira mismo nito ang mga instrumento ng kanyang sariling “pandaigdigang kaayusan” (tingnan ang aming artikulong “Trump in Europe [1]”).
Ang pangunahing oryentasyon ng Nobyembre 2017 ulat sa imperyalistang tunggalian [2] ay nagbigay sa atin ng esensyal na balangkas para maunawaan ang kasalukuyang kaganapan:
Sa kasalukuyang yugto, ang kahalagahan ng populismo ay mas lalupang naging kongkreto, pinalala ang tendensyang “bawat isa para sa kanyang sarili” at lumalaking pabago-bagong imperyalistang tunggalian;
Itong mga pangkalahatang katangian ng kasalukuyang sitwasyon ay makikita sa kanilang kongkretisasyon sa partikular ng mga serye ng signipikanteng tendensya.
Ang ebolusyon ng imperyalistang patakaran ng Amerika sa loob ng mahigit tatlumpung taon ang isa sa pinaka-signipikanteng penomena ng yugto ng dekomposisyon (pagkabulok): matapos mangako ng bagong yugto ng kapayapaan at kasaganaan (Bush Senior) ng nawasak ang blokeng Sobyet, matapos nito ay nagsumikap na labanan ang tendensya tungo sa bawat isa para sa kanyang sarili, ay naging nangungunang propagandista na ng tendensyang ito sa buong mundo. Ang dating lider ng bloke at tanging natirang mayor na imperyalistang superpower matapos mabuwag ang bloke sa Silangan, na sa loob ng 25 na taon ay naging pulis ng mundo, laban sa pagkalat ng bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang antas, ay ngayon tinatakwil na ang mga internasyunal na negosasyon at pandaigdigang kasunduan pabor sa polisiyang "bilateralismo".
Isang napagkasunduang prinsipyo, sa layuning mapangingibawan ang kaguluhan sa internasyunal na relasyon, ay masuma sa Latin na pangungusap: "pacta sunt servanda" - mga tratado, kasunduan, ay kailangang respetuhin. Kung pirmahan ang isang pandaigdigang kasunduan - o isa multilateral - dapat itong respetuhin, kahit man lang pakitang-tao. Pero binalewala ito ng Amerika sa ilalim ni Trump: “Pipirma ako ng tratado, pero pwede ko itong balewalain kinabukasan”. Nangyari na ito sa Trans-Pacific Pact (TPP), sa kasunduan sa Paris sa pagbabago ng klima, sa tratadong nuleyar sa Iran, sa pinal na kasunduan ng pulong ng G7 sa Québec. Itinakwil ngayon ng Amerika ang mga internasyunal na kasunduan pabor sa negosasyon sa pagitan ng mga estado, kung saan ang burgesyang Amerikano ay tahasang ipinilit ang kanyang interes sa pamamagitan ng pambabraso sa larangang ekonomiko, pulitikal at militar (makikita natin ito halimbawa sa Canada bago at pagkatapos ng G7 hinggil sa NAFTA o sa bantang gantihan ang mga kompanya sa Uropa na namuhunan sa Iran). Malaki at hindi masukat ang epekto nito sa paglala ng imperyalistang tunggalian at kumprontasyon (subalit sa ekonomiyang sitwasyon rin ng mundo) sa hinaharap. Ilarawan namin ito sa tatlong “nagliliyab na lugar” sa imperyalistang kumprontasyon sa kasalukuyan:
Kahit ang patakarang ito ay nagkahulugan ng paglaki ng kaguluhan at bawat isa para sa kanyang sarili, at sa huli mas lalupang pagbaba ng pandaigdigang posisyon ng nangungunang kapangyarihan sa mundo, walang kongkreto na alternatibang paraan sa Amerika. Matapos ang isang taon at kalahati sa imbestigasyon ni Mueller at iba pang pangigipit laban kay Trump, malabong mapatalsik si Trump sa kanyang posisyon, isa sa mga rason ay dahil walang alternatibang nakikita. Patuloy ang masamang kalagayan sa loob ng burgesyang Amerikano.
Napakalinaw ng kontradiksyon. Habang tinuligsa ni Trump ang globalisasyon at bumalik sa mga kasunduang "bilateral", nagpahayag naman ang Tsina ng isang napakalaking pandaigdigang proyekto, ang “New Silk Road”, na suportado ng 65 na mga bansa sa tatlong kontinente, na kumakatawan sa 60% ng pandaigdigang populasyon at isang-katlo (1/3) ng GDP ng mundo, na may puhunan sa susunod na 30 taon (2050!) na aabot sa 1.2 trillion dolyar.
Mula ng kanyang muling paglitaw, na sistematikong planado, matagalang paraan, nagmo-modernisa ang Tsina ng kanyang hukbo, nagtayo ng “string of pearls” – na sinimulan sa okupasyon ng Coral Reefs sa South China Sea at mala-kadenang mga base militar sa Indian Ocean. Subalit sa ngayon, walang plano ang Tsina ng direktang kumprontasyon sa Amerika; kabaliktaran, plano nito na maging pinaka-makapangyarihang ekonomiya sa 2050 at naglalayong paunlarin ang ugnayan sa buong mundo habang umiiwas sa direktang banggaan. Pangmatagalan ang polisiya ng Tsina, kabaliktaran sa maiksing mga kasunduan na ginagawa ni Trump. Layunin nito na palawakin ang kanyang industriyal, teknolohikal at, higit sa lahat, militar na kakayahan at kapangyarihan. Sa antas na ito, malaki pa rin ang lamang ng Amerika sa Tsina.
Halos sabay sa panahon ng bigong G7 summit sa Canada (9-10.6.18), nag-organisa ang Tsina, sa Quingdao ng isang kumperensya ng Shanghai Cooperation Organisation katulong ang mga presidente ng Rusya (Putin), India (Modi), Iran (Rohani), at mga lider ng Belarus, Uzbekistan, Pakistan, Afghanistan, Tajikistan and Kirgizia (20% ng pandaigdigang kalakalan, 40% ng populasyon ng mundo). Ang kasalukuyang konsentrasyon ng Tsina ay ang Silk Road project - ang layunin ay palawakin ang kanyang impluwensya. Ito ay pangmatagalang proyekto at ang direktang kumprontasyon sa Amerika ay makasira sa mga planong ito.
Sa ganitong perspektiba, gagamitin ng Tsina ang kanyang impluwensya para itulak ang isang kasunduan tungo sa nyutralisasyon ng mga armas nukleyar sa rehiyon ng Korea (kasama na ang mga armas ng Amerika), na - sakaling tanggapin ito ng Amerika – ay magtulak sa mga pwersang Amerika sa Hapon at mabawasan ang kagyat na banta sa Hilagang Tsina.
Subalit, ang ambisyon ng Tsina ay hindi maiwasang tutungo sa kumprontasyon sa imperyalistang mga layunin hindi lang ng Amerika kundi maging sa ibang kapangyarihan tulad ng India o Rusya:
Ang paglala ng tendensyang bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang antas at ang lumalaking kompetisyon sa pagitan ng mga imperyalistang pating ang nagpalitaw ng isa pang signipikanteng penomenon sa yugto ng pagkabulok: ang pag-upo sa kapangyarihan ng mga "malakas na lider" na may radikal na lenggwahe, at agresibo, makabayang retorika.
Ang pag-upo sa kapangyarihan ng isang "malakas na lider" at radikal na retorika hinggil sa pagtatanggol ng pambansang identidad (kadalasan ay kombinasyon ng mga panlipunang programa pabor sa pamilya, mga bata, retirado) ay tipikal sa mga populistang rehimen (Trump, syempre, pero ganun din si Salvini ng Italya, Orbán ng Hungary, Kaczynski ng Poland, Babiš ng Czech Republic, …) subalit ito rin ang pangkalahatang tendensya sa buong mundo, hindi lang sa pinakamalakas na kapangyarihan (Putin ng Rusya) kundi sa segundaryong mga imperyalistang bansa rin tulad ng Turkey (Erdogan), Iran, Saudi-Arabia (sa “malambot na kudeta” ng crown prince Mohammed Ben Salman). Sa Tsina, ang limitasyon ng presidente sa dalawang limang taong yugto ay binurta sa konstitusyon, para madeklara ni Xi Jinping ang kanyang sarili bilang isang “lider hambambuhay", ang bagong emperador ng Tsina (bilang presidente, pangulo ng partido at sentral na komisyong militar, na hindi nnangyari mula noong panahon ni Deng Xiaoping). "Demokratikong" mga islogan o pananatili ng demokratikong maskara (karapatang-pantao) ay hindi na ang dominanteng talumpati (na pinakita sa pag-uusap sa pagitan nila Donald at Kim), hindi katulad noong panahon ng pagbagsak ng blokeng Sobyet at pagpasok ng 21 siglo. Nagbigay daan sila sa kombinasyon ng napaka agresibong pananalita at pragmatikong imperyalistang kasunduan.
Ang pinakamalakas na halimbawa ay ang krisis sa Korean. Parehong gumagamit sila Trump at Kim ng malakas na panggigipit militar (sa punto na nagbanta ng isang kumprontasyong militar) at napaka agresibong lenggwahe bago ang pulong sa Singapore para makipagtawaran. Nag-alok si Trump ng malaking ekonomiko at pulitikal na pabor (modelong Burmese) na ang layunin ay kabigin si Kim sa kampo ng Amerika. Hindi ito ganap na imposible dahil sa hindi tiyak na relasyon ng Hilagang Korea sa at maging kawalan ng tiwala sa Tsina. Subalit, ang pagbanggit sa Libya bilang sanggunian ng mga opisyales ng Amerika (National Security Adviser John Bolton) – maaring ang kahinatnan ng Hilagang Korea ay matulad sa Libya, ng si Gaddafi ay hinimok na iwanan ang kanyang mga armas, at pagkatapos ay pwersahang pinatalsik at pinatay– ay nagbigay duda sa Hilagang Korea sa alok ng Amerika.
Ang ganitong pampulitikang estratehiya ay mas pangkalahatang tendensya sa kasalukuyang imperyalistang kumprontasyon, na makikita sa agresibong tweet ni Trump laban sa Primero Ministro ng Canada na si Trudeau, “isang peke at mahinang lider” dahil tumanggi ito sa mas mataas na buhis sa pag-angkat na patakaran ng Amerika. Nandyan rin ang brutal na ultimatum ng Saudi Arabia laban sa Qatar, na inakusahan ng “sentrismo” na pakikitungo sa Iran, o ang paladigma na mga pahayag ni Erdogan laban sa Kanluran at NATO hinggil sa Kurds. Sa huli,, banggitin namin ang napaka agresibong “State of the Union” na talumpati ni Putin, na presentasyon ng pinaka sopistikadong mga armas ng Rusya na may mensaheng: “Dapat seryosohin ninyo kami”!
Ang ganitong mga tendensya ay nagpapalakas sa pangkalahatang katangian ng kasalukuyang yugto, tulad ng intensipikasyon ng militarisasyon (sa kabila ng mabigat na pang-ekonomiyang epekto dulot nito) hindi lang sa hanay ng tatlong pinakamalaking imperyalistang , kundi isa na ring pandaigdigang tunguhin at sa konteksto ng pabago-bagong imperyalistang sitwasyon sa mundo at sa Uropa. Sa ganitong konteksto ng agresibong polisiya, ang banta ng limitadong bomba nukleyar ay talagang isa ng realdiad, dahil maraming mga pabago-bagong elemento sa mga tunggalian na nakapalibot sa Hilagang Korea at Iran.
4) Ang tendensya tungong pagkawatak-watak ng EU
Lahat ng mga tunguhin sa Uropa nitong mga nagdaan – Brexit, paglakas ng mahalagang populistang partido sa Alemanya (AfD), pag-upo sa kapangyarihan ng mga populista sa Silangang Uropa, kung saan karamihan sa mga bansa ay pinamunuan ng mga populistang pamahalaan, ay pinatingkad ng dalawang mayor na kaganapan:
Malaki ang epekto nito sa pagkakaisa ng EU, sa istabilidad ng Euro, at impluwensya ng mga bansa sa Uropa sa imperyalistang entablado.
Lahat ng mga ganitong oryentasyon ay lalupang nagpalala sa krisis sa loob ng EU at sa tendensya ng pagkawatak-watak. Sa huli ay maapektohan nito ang polisiya ng Alemanya bilang pinaka-impluwensyadong bansa sa EU, habang panloob na nahati ito (presyur ng AfD at CSU), naharap sa pampulitikang oposisyon ng mga populistang lider sa Silangang Uropa, ekonomikong oposisyon sa mga bansa ng Mediterranean (Italya, Gresya, ...), at away sa Turkey, habang direktang pinupuntirya ng buhis sa taripa ni Trump. Ang lumalaking pagkawatak-watak ng Uropa dahil sa mga hambalos ng populismo at sa polisiyang “Una ang Amerika” ay isang malaking problema sa polisiya ng Pransya, dahil ang mga tendensyang ito ay ganap na salunga sa programa ni Macron, na sa esensya ay nakabatay sa pagpapalakas ng Uropa at ganap na asimilasyon ng globalisasyon.
ICC, Hunyo 2018
[M1] Sino siya?