Skip to header Skip to main navigation Skip to main content Skip to footer
englishfrançaisdeutschitalianosvenskaespañoltürkçenederlandsportuguêsΕλληνικά
русскийहिन्दीفارسی한국어日本語filipino中文বাংলাmagyarsuomi
Home
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Pangunahing paglalayag

  • Pakikipag-ugnay
    • Mga Batayang Posisyon
    • Plataporma ng IKT
    • Manipesto - 1991
    • Internasyonalismo - 2000s
    • Internasyonalismo - 2010s
    • Internasyonalismo - 2020s
    • Manipesto Para Sa Rebolusyong Oktubre, Rusya 1917
    • Mga unyon laban sa uring manggagawa
    • Bayan o Uri?
    • Komunistang mga Organisasyon at Makauring Kamulatan
    • Pagbulusok-pababa ng kapitalismo

Digmaan sa pagitan ng Israel, Iran at Estados Unidos: Isang karagdagang hakbang sa kaguluhang militar

Breadcrumb

  • Home
  • Internasyonalismo - 2020s
  • Internasyonalismo - 2025

Ang malawakang pambobomba ng Estados Unidos noong gabi ng Hunyo 21 hanggang 22 target ang mga lokasyong militar ng Iran ay isang panibagong yugto ng paglala ng tensyon at kaguluhan ng digmaan, ng kalagiman at walang humpay na barbarismo sa rehiyon.

Sa harap ng malawak na hanay ng iba't ibang anyo ng suporta para sa isang imperyalistang kampo laban sa isa pa, na siyang nangingibabaw sa midya at panlipunang eksena, dapat tanggihan ng mga proletaryo ng lahat ng bansa ang anumang tinatawag na 'solusyon' sa tunggalian na naglalayong ikadena sila upang suportahan ito o ang bansang iyon, ito o iyong burges na paksyon. Dapat ipaglaban ng mga rebolusyonaryo ang tanging prinsipyo na dapat ipagtanggol: proletaryong internasyunalismo. Ang tanging pakikibaka na makapagpalaya sa sangkatauhan mula sa barbarismo ng digmaan ay ang makauring pakikibaka, para sa pagbagsak ng sistemang ito na pinahina ng krisis at mga pangangailangan ng ekonomiya ng digmaan.

Dahil sa bigat ng mga kaganapang ito, magsasagawa kami ng karagdagang online na internasyonal na pampublikong pagpupulong sa Sabado, Hunyo 28, 2pm hanggang 5pm, oras ng UK. Gagawa kami ng mga pad na magagamit para sa iba’t-ibang lenggawahe, upang walang mga hadlang para sa partisipasyon sa anumang wika.

Kung gusto mong dumalo sa pulong, mangyaring mag-email sa amin: [email protected]

Panibagong Online na Pampublikong Meeting ng IKT

Book traversal links for Digmaan sa pagitan ng Israel, Iran at Estados Unidos: Isang karagdagang hakbang sa kaguluhang militar

  • ‹ Digmaan sa pagitan ng Iran, Israel, Estados Unidos... Lahat ng estado ay naghahanda para sa digmaan! Ang tanging solusyon para sa sangkatauhan ay ang internasyonalismo!
  • Up
  • Internasyonalismo - 2026 ›
Home
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Footer menu

  • Mga Batayang Posisyon
  • Contact