Matapos ang napakataas at napakalalim na yugto ng kontra-rebolusyon, muling hinanap ng proletaryado ang daan ng makauring pakikibaka. Ang pakikibakang ito - na epekto kapwa ng malalang krisis ng sistemang lumalago simula ng pagpasok ng 1960s, at ang paglitaw ng bagong henerasyon ng mga manggagawa na hindi masyadong naramdaman ang bigat ng nagdaang mga pagkatalo kaysa mga nasundan nito - ang pinakamalawak na inabot ng uri sa kanyang pakikibaka. Simula ng mga pangyayari sa Pransya sa 1968, ang mga pakikibaka ng manggagawa mula sa Italya hanggang sa Argentina, mula sa Britanya hanggang sa Poland, mula sa Sweden hanggang sa Ehipto, mula sa Tsina hanggang sa Portugal, mula sa Amerika hanggang sa India, mula sa Hapon hanggang sa Espanya, ay naging bangungot sa uring kapitalista.
Ang muling paglitaw ng proletaryado sa entablado ng kasaysayan ay malinaw na pinabulaanan ang lahat ng mga ideolohiya na ginawa o posibleng ginawa ng kontra-rebolusyon na nagtangkang itanggi ang rebolusyonaryong katangian ng manggagawa. Ang kasalukuyang muling pagbangon ng makauring pakikibaka ay tumpak na kongkretong pinakita na ang proletaryado ang tanging rebolusyonaryong uri sa ating panahon.
Ang isang rebolusyonaryong uri ay uri kung saan ang kanyang pangingibabaw sa lipunan ay bumagay sa pagbuo at pagpalawak ng mga bagong relasyon sa produksyon na kailangang gawin dahil sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa at sa pagkabulok ng lumang mga relasyon sa produksyon. Tulad ng moda ng produksyon na sinundan nito, ang kapitalismo ay tumugon sa isang partikular na yugto ng pag-umlad ng lipunan. Dati ito ay progresibong porma ng panlipunang pag-unlad, pero ng maging pandaigdigan na, binuo nito ang mga kondisyon para sa kanyang sariling paglaho. Dahil sa kanyang ispisipikong kinalagyan sa produktibong proseso, dahil sa kanyang kalikasan bilang uri ng kolektibong prodyuser ng kapitalismo, inalisan ng pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon na pinaandar niya - kaya dahil walang interes para sa preserbasyon ng kapitalistang lipunan - ang uring manggagawa ang tanging uri, sa obhetibo at suhetibo, ang makatatayo ng bagong moda ng produksyon na kailangang papalit sa kapitalismo: komunismo. Ang kasalukuyang pagbangon muli ng pakikibaka ng manggagawa ay palatandaan na muli, ang perspektiba ng komunismo ay hindi lang istorikal na kailangan, kundi isang totoong posibilidad.
Subalit, kailangan pa ng proletaryado ang malaking pagsisikap para mabigyan ang sarili ng mga pamamaraan para ibagsak ang kapitalismo. Bilang produkto ng pagsisikap na ito at bilang aktibong salik nito, ang rebolusyonaryong mga tunguhin at elemento na lumitaw mula ng magsimula ang muling paggising ng uri, tangan ang napakalaking responsiblidad para mapaunlad ang pakikibakang ito. Para magampanan ang responsibilidad na ito, kailangang organisahin nila ang kanilang sarili sa batayan ng makauring mga posisyon na malinaw na inilagda ng makasaysayang karanasan ng proletaryado at kailangang maging gabay sa lahat ng pagkilos at interbensyon sa loob ng uri.
Sa pamamagitan ng kanyang sariling praktikal at teoritikal na karanasan maging mulat ang proletaryado sa mga paraan ng kanyang makasaysayang pakikibaka para ibagsak ang kapitalismo at itayo ang komunismo. Sa simula ng kapitalismo, ang buong pagkilos ng proletaryado ay palaging pagsisikap na maging mulat sa kanyang mga interes bilang uri at mapalaya ang sarili mula sa mahigpit na impluwensya ng mga ideya ng naghaharing uri - ang mga mistipikasyon ng burges na ideolohiya. Ang pagsisikap na ito ay pinakita sa pampulitikang pagpapatuloy ng buong kilusang manggagawa mula sa unang mga sekretong asosasyon hanggang sa kaliwang praksyon na humiwalay sa Ikatlong Internasyonal. Sa kabila ng lahat ng pagkaligaw at sa mga ekspresyon ng burges na ideolohiya na nakita sa kanilang mga posisyon at sa kanilang mga pagkilos, ang iba't-ibang mga organisasyon ng uri ay di-mapapalitang dugtong sa kadena ng istorikal na pagpapatuloy ng proletaryong pakikibaka. Ang katotohanan na sumuko sila sa pagkatalo o panloob na panghihina ay hindi nakasira sa kanilang pundamental na kontribusyon sa naturang pakikibaka. Kaya ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo na muling itinayo ngayon ay nagpahayag ng pangkalahatang muling paggising ng makauring pakikibaka (matapos ang kalahating siglo ng kontra-rebolusyon at dislokasyon ng nakaraang kilusang manggagawa) at kailangang absolutong muling ibalik ang istorikal na pagpapatuloy ng kilusang manggagawa sa nakaraan, para ang kasalukuyan at darating na mga laban ng uri ay maarmasan ng mga aral sa nakaraang karanasan, at para ang lahat ng parsyal na mga pagkatalo na kumalat sa daan ng proletaryado ay hindi masasayang kundi magsilbing mga palatandaan sa ganap na tagumpay.
Pinagtibay ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin ang pagpapatuloy sa mga kontribusyon na ginawa ng Liga Komunista, ng Una, Ikalawa at Ikatlong Internasyunal , at sa kaliwang mga praksyon na humiwalay mula sa huli, sa partikular ng Kaliwang Aleman, Dutch at Italyano. Sa mga mahalagang kontribusyong ito pinag-isa namin ang lahat ng makauring mga posisyon sa isang maliwanag na pangkalahatang pananaw na binalangkas ng platapormang ito.Ang marxismo ang pundamental na natamong teorya ng pakikibaka ng proletaryado. Nasa batayan ng marxismo kung saan ang lahat ng mga aral ng proletaryong pakikibaka ay mapag-isa sa magkakaugnay na buo.
Sa pagpapaliwanag ng inilahad ng kasaysayan, sa pamamagitan ng pag-unlad ng makauring pakikibaka, ibig sabihin pakikibaka batay sa pagdepensa ng pang-ekonomiyang interes sa loob ng balangkas na inihapag ng pag-unlad ng mga produktibong pwersa, at sa pamamagitan ng pagkilala na ang proletaryado ang paksa ng rebolusyon na papawi sa kapitalismo, ang marxismo ang tanging pananaw sa daigdig na nagpahayag sa pananaw ng uri. Kaya, hindi isang abstraktong ispekulasyon sa mundo, una sa lahat ito ay armas ng pakikibaka ng proletaryado. At dahil ang uring manggagawa ang una at tanging uri na ang emansipasyon ay kailangang emansipasyon din ng sangkatauhan, ang uri na ang pangingibabaw sa lipunan ay hindi tutungo sa panibagong pagsasamantala kundi sa abolisyon ng lahat ng pagsasamantala, tanging ang marxismo ang may kapasidad na intindihin ang panlipunang realidad sa obhetibo at syentipikong paraan, na walang anumang pag-alinlangan o mistipikasyon. Samakatwid, kahit hindi ito isang permanenteng doktrina, kundi kabaliktaran, patuloy itong sumailalim ng elaborasyon sa direkta at buhay na pakipag-ugnayan sa makauring pakikibaka, at kahit nakinabang ito sa naunang teoritikal na mga tagumpay ng uring manggagawa, ang marxismo sa kanyang pagkabuo ang tanging balangkas kung saan mapaunlad ang rebolusyonaryong teorya.Ang bawat panlipunang rebolusyon ay ang pagkilos ng uri na nagdadala ng bagong mga relasyon ng produksyon para itayo ang kanyang pampulitikang dominasyon sa lipunan. Hindi nakaiwas ang proletaryong rebolusyon sa kahulugang ito pero ang kanyang mga kondisyon at laman ay pundamental na kaiba sa nakaraang mga rebolusyon.
Ang mga nakaraang rebolusyon na ito, dahil nasa sentro sila ng dalawang moda ng produksyon batay sa kasalatan, ay pinalitan lamang ang dominasyon ng isang mapagsamantalang uri sa iba pang mapagsamantalang uri. Ang katotohanang ito ay nakikita sa pagpalit ng isang porma ng pag-aari sa isa pang porma ng pag-aari, isang tipo ng prebilihiyo sa isa pang tipo ng prebilihiyo. Kabaliktaran ng layuning ito, papalitan ng proletaryong rebolusyon ang mga relasyon ng produksyong nakabatay sa kasalatan sa mga relasyon ng produksyong nakabatay sa kasaganaan. Ito ang dahilan bakit nagkahulugan ito ng kataposan ng lahat ng mga porma ng pag-aari, prebilihiyo at pagsasamantala. Ang mga kaibahang ito ang nagkaloob sa proletaryong rebolusyon sa mga sumusunod na katangian, na kailangang maintindihan ng proletaryado kung gusto nitong magtagumpay ang rebolusyon nito:
a. Ito ang unang rebolusyon na may pandaigdigang katangian; hindi nito maipagtagumpay ang kanyang mga layunin na hindi pinalawak ang sarili sa lahat ng mga bansa. Ito ay dahil para mapawi ang pribadong pag-aari, kailangang pawiin ng proletaryado ang lahat ng seksyonal, rehiyonal at pambansang mga ekspresyon. Ang paglawak ng kapitalistang dominasyon sa buong mundo ay ginawa itong posible at kailangan.
b. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang rebolusyonaryong uri ay siya ring pinagsamantalahang uri sa lumang sistema at, dahil dito, hindi ito makakuha ng anumang pang-ekonomiyang kapangyarihan sa proseso ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika. Saktong kabaliktaran ang mangyari: bilang direktang kabaliktaran sa nangyari sa nakaraang mga rebolusyon, ang pag-agaw ng kapangyarihan ng proletaryado ay kailangang susundan ng yugto ng transisyon kung saan sa panahong ito ang dominasyon ng lumang mga relasyon sa produksyon ay dudurugin at buksan ang bagong mga relasyon sa produksyon.
c. Ang katotohanan na, sa unang pagkakataon, ang isang uri sa lipunan ay kapwa pinagsamantalahan at rebolusyonaryong uri ay nagkahulugan din na ang kanyang pakikibaka bilang pinagsamantalahang uri ay hindi mahiwalay o salungat sa kanyang pakikibaka bilang rebolusyonaryong uri. Gaya ng ang marxismo sa simula ay tumindig laban sa Proudhonismo at ibang peti-burges na mga teorya, ang pag-unlad ng rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado ay pinatitibay ng lumalalim at lumalawak na pakikibaka bilang pinagsamantalahang uri.Para malagpasan ng proletaryong rebolusyon na isa lamang pag-asa o istorikal na posibilidad o perspektiba at maging kongkretong posibilidad, dapat maging obhetibo itong kinakailangan para sa pag-unlad ng sangkatauhan. Ito ang istorikong katotohanan simula ng Unang Digmaang Pandaigdig: ang digmaang ito ay tanda ng pagkatapos ng pasulong na yugto ng kapitalistang moda ng produksyon, yugto na nagsimula sa ika-16 siglo at humantong sa kanyang rurok sa kataposan ng ika-19 siglo. Ang bagong yugto na sumunod ay ang dekadenteng kapitalismo.
Tulad ng nagdaang mga lipunan, ang unang yugto ng kapitalismo ay nagpakita sa katangian ng kanyang produktibong relasyon bilang istorikal na kinakailangan, ibig sabihin sa napakahalagang papel nito sa pagpapalawak ng mga produktibong pwersa ng lipunan. Ang ikalawang yugto, sa kabilang banda, ay nagpakita ng lumalaking pagbabago ng mga relasyong ito tungo sa isang hadlang sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa.
Ang dekadenteng kapitalismo ay produkto ng panloob na mga kontradiksyon ng kapitalistang relasyon ng produksyon na maaring masuma ng ganito. Kahit umiiral ang mga kalakal sa halos lahat ng mga lipunan, ang kapitalistang ekonomiya na pundamental na unang nakabatay sa produksyon ng mga kalakal. Kaya ang pag-iral ng lumalaking pamilihan ang isa sa mga esensyal na kondisyon para uunlad ang kapitalismo. Sa partikular, ang realisasyon ng sobrang halagang nagmula sa pagsasamantala sa uring manggagawa ay importante sa akumulasyon ng kapital na esensyal na pwersang magpaandar sa sistema. Salungat sa sinasabi ng mga sumasamba sa kapital, ang kapitalistang produksyon ay hindi awtomatikong gumagawa at sa sariling kapasyahan ng pamilihang kailangan para sa kanyang paglago. Ang kapitalismo ay umunlad sa hindi-pa-kapitalistang daigdig, at sa daigdig na ito makita niya ang lagusan para sa kanyang pag-unlad. Pero dahil sa paglawak ng kanyang relasyon sa produksyon sa buong mundo at dahil sa pinag-isa ang pandaigdigang pamilihan, naabot ng kapitalismo ang sitwasyon kung saan ang mga lagusan na nagpahintulot sa kanya na makapangyarihang lumago sa ika-19 siglo ay napuno na. Dagdag pa, ang lumalaking kahirapang nasalubong ng kapital sa paghahanap ng pamilihan para sa realisasyon ng sobrang halaga ay nagpatingkad sa pagbaba ng tantos ng tubo, na epekto sa palagiang paglaki ng ratio sa pagitan ng halaga ng mga kagamitan sa produksyon at sa halaga ng lakas-paggawa na nagpaandar sa kanila. Mula sa simpleng tendensya lamang, ang pagbaba ng tantos ng tubo ay mas nagiging kongkreto; nagiging dagdag ito na sagabal sa kapitalistang akumulasyon at ganun din sa operasyon ng buong sistema.
Nang nagpag-isa at naging unibersal ang palitan ng kalakal, at sa paggawa nito naging posible para sa sangkatauhan na gumawa ng malaking igpaw pasulong, inilatag ng kapitalismo sa agenda ang usaping wakasan ang mga relasyon sa produksyong nakabatay sa palitan. Pero hangga't ang proletaryado ay hindi ginampanan ang tungkuling wakasan ang mga ito, manatiling iiral ang mga relasyong ito ng produksyon at magkasabid-sabid ang sangkatauhan sa papalaking mala-halimaw na serye ng mga kontradiksyon.
Ang krisis sa sobrang produksyon, isang katangian ng mga kontradiksyon ng kapitalistang moda ng produksyon pero sa nakaraan, nang malakas pa ang sistema, isang mahalagang pang-udyok para sa pagpalawak ng pamilihan, ngayon ay naging permanenteng krisis. Permanente na ang hindi-lubusang paggamit ng produktibong makinarya ng kapital at wala ng kapasidad ang kapital ng palawakin ang kanyang panlipunang dominasyon, para makahabol man lang sa paglaki ng populasyon. Mapalawak lamang ang kapital sa buong mundo ngayon sa absolutong kahirapan na nangyari na sa maraming atrasadong mga bansa.
Sa ganitong kalagayan, lalong umiinit ang kompetisyon sa pagitan ng kapitalistang mga bansa. Simula 1914 ang imperyalismo, na naging paraan para mabuhay ang bawat bansa gaano man kalaki o kaliit, ay nagtulak sa sangkatauhan tungo sa isang mala-impyernong serye ng krisis - digmaan - rekonstruksyon - panibagong krisis..., isang serye na may kinatangian ng pagpapalaki ng produksyon ng armas at naginging tanging paraan para magamit ng kapitalismo ang syentipikong paraan at lubusang paggamit ng mga produktibong pwersa. Sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, kinondena ang sangkatauhan na mamuhay sa permanenteng serye ng masaker at pagkasira.
Ang pisikal na kahirapan na dumurog sa di-maunlad na mga bansa ay inulit sa mas abanteng mga bansa sa walang kapantay na maka-hayop na panlipunang mga relasyong resulta ng katotohanang ang kapitalismo ay absolutong wala ng kapasidad na magbigay ng kinabukasan sa sangkatauhan, maliban sa mas malupit na mga digmaan at mas sistematiko, rasyunal at syentipikong pagsasamantala. Tulad ng ibang dekadenteng mga lipunan humantong ito sa lumalagong pagkaagnas ng panlipunang mga institusyon, sa dominanteng ideolohiya, sa moralidad, sa mga porma ng arte at sa iba pang mga kultural na manipestasyon ng kapitalismo. Ang pagyabong ng mga ideolohiyang tulad ng pasismo at Stalinismo ay nagpahayag ng tagumpay ng barbarismo sa kawalan ng rebolusyonaryong alternatiba.Sa lahat ng mga yugto ng pagbulusok-pababa, na naharap sa paglala ng mga kontradiksyon ng sistema, inako ng estado ang responsibilidad na pagkaisahin ang mga panlipunang organismo, para sa preserbasyon ng dominanteng mga relasyon ng produksyon. Pinalakas nito ang sarili hanggang sa punto na isanib sa sariling istruktura ang buong buhay panlipunan. Ang pinalobong paglaki ng administrasyong imperyal at abosolutong monarkiya ay mga manipestasyon ng ganitong penomenon sa pagbulusok-pababa ng lipunang aliping Romano at ng pyudalismo.
Sa dekadenteng kapitalismo ang pangkalahatang tendensya tungong kapitalismo ng estado ay isa sa mga katangian ng buhay panlipunan. Sa yugtong ito, ang bawat pambansang kapital dahil hindi ito makapagpalawak na walang sagabal at nahaharap sa maigting na imperyalistang tunggalian, ay napilitang organisahin ang sarili sa pinaka-epektibong paraan, para sa labas, kaya nitong makig-kompetinsya sa kanyang mga karibal sa larangan ng ekonomiya at militar, at sa panloob, para mapangasiwaan ang lumalalang panlipunang mga kontradiksyon. Ang tanging kapangyarihan sa lipunan na may kapasidad na ipatupad ang mga tungkuling ito ay ang estado. Tanging ang estado:
Sa antas ng ekonomiya ang tendensyang ito patungong kapitalismo ng estado, kahit hindi talaga lubusang napatupad, ay makikita sa pamamagitan ng pag-ako ng estado sa mga susing aspeto ng produktibong makinarya. Hindi ito nagkahulugan na naglaho ang batas ng halaga, o kompetisyon, o anarkiya ng produksyon, na mga pundamental na katangian ng kapitalistang ekonomiya. Ang mga katangiang ito ay patuloy na ipinatupad sa pandaigdigang saklaw kung saan ang batas ng pamilihan ay patuloy na naghahari at nagdetermina sa kondisyon ng produksyon sa bawat pambansang ekonomiya gaano man ito ka kontrolado ng estado. Kung ang mga batas ng halaga at ng kompetisyon ay tila "nilabag", magkakaroon lang ito ng mas malaking epekto sa pandaigdigang saklaw. Kung ang anarkiya sa produksyon ay tila humupa dahil sa pagplano ng estado, mas bangis itong makikita sa pandaigdigang saklaw, partikular sa panahon ng grabeng krisis ng sistema na hindi kayang hadlangan ng kapitalismo ng estado. Hindi kinatawan ng "rasyunalisasyon" ng kapitalismo, ang kapitalismo ng estado ay walang iba kundi ekspresyon ng pagkaagnas.
Ang pagkontrol ng estado sa kapital ay lilitaw sa gradwal na paraan sa pamamagitan ng pagsanib ng ‘pribado' at kapital ng estado tulad ng nangyari sa halos lahat ng mga maunlad na mga bansa, o sa pamamagitan ng biglaang paglukso sa porma ng malakihan at total na nasyunalisasyon, sa pangkalahatan sa mga lugar na napakahina ng pribadong kapital.
Sa praktika, bagamat ang tendensya tungong kapitalismo ng estado ay makikita sa lahat ng bansa sa mundo, mas mabilis ito at mas makikita ito kung saan ang mga epekto ng pagbulusok-pababa ay maramdaman sa napakabangis na katangian; sa kasaysayan, sa panahon ng hayagang krisis o digmaan, sa mga lugar na lubhang mahina ang ekonomiya. Subalit ang kapitalismo ng estado ay hindi ispisipikong penomenon sa atrasadong mga bansa. Kabaliktaran, bagamat ang antas ng pormal na kontrol ng estado ay kadalasan makikita sa atrasadong kapital, ang totoong kontrol ng estado sa buhay-ekonomiya ay sa pangkalahatan ay mas epektibo sa mas maunald na mga bansa dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng kapital sa mga bansang ito.
Sa antas pulitikal at sosyal, sa kanyang napakaradikal na totalitaryan na mga porma tulad ng pasismo o Stalinismo o sa mga porma na nasa likod ng maskarang demokrasya, ang tendensya tungong kapitalismo ng estado ay naglantad sa kanyang lumalaking kapangyarihan, unibersal, at sistematikong kontrol sa buong buhay ng lipunan na pinamahalaan ng makinarya ng estado, at sa partikular ng ehekutibo. Sa mas malawak na saklaw kasya pagbulusok-pababa ng Roma o pyudalismo, ang estado ilalim ng dekadenteng kapitalismo ay naging halimaw, nakahiwalay, makinarya na hindi nag-atubiling lamunin ang laman mismo ng sibil na lipunan.
Sa pagkonsentra ng kapital sa mga kamay ng estado, gumawa ng ilusyon ang kapitalismo ng estado na ang pribadong pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon ay naglaho na at nawasak na ang burgesya. Ang Stalinistang teorya ng ‘sosyalismo' sa isang bansa, ang buong kasinungalingan ng ‘sosyalista' o ‘komunistang' mga bansa o ‘patungo' sa sosyalismo, lahat ang pinanggalingan ay ang mistipikasyong ito.
Ang mga pagbabagong dinala ng tendensya ng kapitalismo ng estado ay hindi makita sa antas ng batayang mga relasyon ng produksyon, kundi sa antas ng huridikal na mga porma ng pag-aari.
Hindi nila winasak ang pribadong pag-aari ng mga kagamitan ng produksyon, kundi ang huridikal na aspeto lamang ng indibidwal na pag-aari. Ang mga kagamitan ng produksyon ay nanatiling ‘pribadong' pag-aari kung sa punto-de-bista ng manggagawa; ang mga manggagawa ay binawian ng anumang kontrol sa mga kagamitan ng produksyon. Ang ‘kolektibisadong' mga kagamitan ng produksyon ay para lamang sa burukrasya na nagmay-ari at namahala nito sa kolektibong paraan.
Ang burukrasya ng estado na may ispisipikong gawain na kumuha ng sobrang halaga mula sa proletaryado at akumulasyon ng pambansang kapital ay bumuo ng isang uri. Pero hindi ito bagong uri. Ang papel na ginampanan nito ay nagpahayag na katulad ito sa dating burgesya sa kanyang porma-ng-estado. Hinggil sa mga prebilihiyo bilang uri, ang ispisipiko sa burukrasya ng estado ay pangunahin sa katotohanan na nakukuha niya ang mga prebilihiyong ito hindi sa pera mula sa indibidwal na pag-aari ng kapital, kundi mula sa ‘running costs', bonuses, at permanenteng mga porma ng bayad na binigay batay sa tungkuling ginampanan ng kanyang mga myembro - isang porma ng bayad na bilang ‘sweldo' at kadalasan ay sampu o daang beses na mas mataas kaysa sweldo na binigay sa uring manggagawa.
Ang sentralisasyon at pagplano ng kapitalistang produksyon sa pamamagitan ng estado at sa kanyang burukrasya ay hindi hakbang para pawiin ang pagsasamantala kundi pagpapatindi ng pagsasamantala, para mahing mas epektibo ito.
Sa antas ng ekonomiya, sa Rusya, kahit noong maiksing panahon na ang proletaryado ang may hawak ng pampulitikang kapangyarihan, ay hindi napawi ang kapitalismo. Kung napakadaling lumitaw ang kapitalismo ng estado doon sa kanyang napakataas na porma, dahil ito sa pang-ekonomiyang disklokasyon na resulta ng pagkatalo ng Rusya sa Unang Digmaang Pandaigdig, sumunod ang kaguluhan sa digmaang-sibil, naging napakahirap sa Rusya na magpakatatag bilang pambansang kapital sa loob ng dekadenteng pandaigdigang sistema.
Ang tagumpay ng kontra-rebolusyon sa Rusya ay nagpahayag mismo ng reorganisasyon sa pambansang ekonomiya na ginamit ang napaka-unlad na porma ng kapitalismo ng estado at mapang-uyam na hinandog bilang ‘pagpapatuloy ng Oktubre' at ‘pagtatayo ng sosyalismo'. ang ehemplo ay sinunod kahit saan: Tsina, Silangang Uropa, Cuba, Hilagang Korea, Indo-china, at iba pa. Subalit, walang proletaryo o komunista sa mga bansang ito. Sila ay mga bansa, kung saan, sa ilalim ng impluwensya ng isa sa napakalaking kasinungalingan sa kasaysayan, ang diktadura ng kapital ay naghari sa kanyang napaka-dekadenteng porma. Anumang pagtatanggol ng mga bansang ito, kahit gaano man ka ‘kritikal' o ‘kondisyonal', ay isang ganap na kontra-rebolusyonaryong aktibidad.
Note
Simula't sapul, ang pakikibaka ng proletaryado para depensahan ang sariling mga interes ay nagdadala mismo sa ultimong perspektiba na durugin ang kapitalismo at itayo ang komunismo. Pero hindi sinusulong ng proletaryado ang kanyang ultimong layunin sa dalisay na ideyalismo, ginabayan ng inspirasyong mula sa langit. Napatupad nito ang kanyang komunistang tungkulin dahil ang materyal na kondisyon kung saan sa loob nito umuunlad ang kanyang kagyat na pakikibaka, ang nagtulak sa uri na gawin ito dahil ang anumang ibang paraan ay tutungo lamang sa kapinsalaan.
Hangga't ang burgesya, salamat sa malawak na ekspansyon ng kapitalistang sistema sa kanyang pasulong na yugto, ay nakapagbigay pa ng tunay ng mga reporma sa mga manggagawa, ang pakikibaka ng proletaryado ay kulang sa obhetibong kondisyon na kailangan para sa realisasyon ng kanyang rebolusyonaryong programa.
Kahit ang rebolusyonaryo at komunistang aspirasyong pinahayag sa panahon ng burges na rebolusyon ng pinaka-radikal na tendensya ng kilusang manggagawa, sa naturang makasaysayang yugto ng pakikibaka ng kilusang manggagawa ay hindi lalagpas sa pakikibaka para sa mga reporma.
Sa kataposan ng ika-19 siglo, isa sa konsentrasyon ng kilusang manggagawa ay ang buong proseso ng pag-aaral kung paano organisahin ang sarili para makakuha ng pang-ekonomiya at pampulitikang mga reporma sa pamamagitan ng unyonismo at parlyamentarismo. Kaya sa loob ng tunay na mga organisasyon ng uri, makikitang magkatabi ang ‘repormistang' mga elemento (para sa kanila ang buong pakikibaka ng uri ay para lamang sa pakikibaka sa mga reporma) at mga rebolusyonaryo (para sa kanila ang pakikibaka para sa mga reporma ay hakbang lamang, bahagi ng proseso na sa huli ay tutungo sa rebolusyonaryong pakikibaka ng uri). Sa panahon ding ito ay maaring suportahan ng proletaryado ang isang praksyon ng burgesya laban sa mas reaksyunaryong praksyon para maisulong ang panlipunang pagbabago pabor sa kanyang sariling pag-unlad at pag-unlad ng produktibong mga pwersa.
Lahat ng mga kondisyong ito ay dumaan sa pundamental na pagbabago sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo. Napakaliit na ng mundo para pagkasyahin sa loob nito ang lahat ng umiiral na pambansang kapital. Sa bawat bansa, napilitang pataasin ng kapital ang produktibidad (ang pagsasamantala sa mga manggagawa) sa kanyang sukdulan. Ang pag-organisa ng pagsasamantalang ito ay hindi na kagagawan na lang ng mga indibidwal na mga kapitalista at sa kanilang mga pagawaan; naging tungkulin na ito ng estado at sa isang libo't isang mekanismo na ginawa para pigilan ang uri, kontrolin ito at itulak palayo mula sa rebolusyonaryong peligro - hinusgahan ito sa sistematiko at tusong panunupil.
Ang inplasyon, isang permanenteng penomenon simula ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay kagyat na nilamon ang anumang pagtaas ng sweldo. Ang taas ng oras-paggawa ay nanatiling pareho, o pinaiksi bilang pambayad sa tumaas na oras papunta at pauwi mula sa pagawaan at para maiwasan ang total nervous collapse sa mga manggagawa, ay napailalim sa mapaminsalang bilis ng buhay at trabaho.
Ang mga pakikibaka sa reporma ay naging walang pag-asang utopya. Sa panahong ito tanging hanggang kamatayan ang pakikibaka ng proletaryado laban sa kapital. Wala na itong alternatiba sa pagitan ng pumayag na magkadurog-durog sa milyun-milyon, kontroladong mga indibidwal, o palawakin ang kanyang pakikibaka na tutungo sa komprontasyon sa estado mismo. Kaya kailangang tumanggi itong itali ang kanyang pakikibaka sa lubusang pang-ekonomiya, lokal o seksyonal at sa halip ay organisahin ang sarili sa mga porma ng organo ng kapangyarihan para sa hinaharap : mga konseho ng manggagawa.
Sa bagong makasaysayang kalagayan, maraming mga lumang sandata ang proletaryado na hindi na magagamit ng uri. Katunayan ang mga pampulitikang tendensya na patuloy na gumagamit nito ay para itali ang uring manggagawa sa pagsasamantala, para pahinain ang kanyang determinasyong lumaban.
Ang kaibahang ginawa ng kilusang manggagawa sa ika-19 siglo sa pagitan ng minimum at maksimum na programa ay nawalan na ng katuturan. Hindi na posible ang minimum na programa. Makasulong lamang ang proletaryado kung ang kanyang mga pakikibaka ay nasa balangkas ng perspektiba para sa maksimum na programa : ang komunistang rebolusyon.Sa ika-19 siglo, ang panahon ng napakalaking kasaganaan ng kapitalismo, ang uring manggagawa - kadalasan sa pamamagitan ng marahas at madugong pakikibaka - nagtayo ng mga permanenteng organisasyon na ang papel ay depensahan ang kanyang pang-ekonomiyang mga interes : mga unyon. Ang mga organong ito ay may esensyal na papel sa pakikibaka para sa mga reporma at para sa makabuluhang kagalingan sa kalagayan ng kabuhayan ng mga manggagawa na makaya pang ibigay ng sistema. Ito rin ang sentral na paraan para pagkaisahin ang uri, para paunlarin ang kanyang pagkabuklod at kamulatan, kaya ang mga rebolusyonaryo ay pumasok dito at tinulungang magsilbi ang mga ito bilang ‘eskwelahan ng komunismo'. kahit na ang pag-iral ng mga organong ito ay nakaugnay sa pag-iral ng sahurang paggawa, at kahit na sa panahong ito ay kadalasan ay na-burukratisa, sa kabilang banda ang mga unyon ay tunay na organo ng uri dahil wala pa sa istorikal na agenda ang abolisyon sa sahutang paggawa.
Nang pumasok na ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, hindi na nito kayang ibigay ang mga reporma at kagalingan sa kalagayan ng uring manggagawa. Sa kawalan ng lahat ng posibilidad na ipatupad ang kanilang inisyal na tungkuling ipagtanggol ang mga interes ng uring manggagawa, at naharap sa makasaysayang sitwasyon na tanging ang abolisyon ng sahurang paggawa at kasama nito, ang paglaho ng mga unyon, ay nasa agenda na, ang mga unyon ay naging tunay na tagapagtanggol ng kapitalismo, mga ahensya ng burges na estado sa loob ng uring manggagawa. Ito lamang ang tanging paraan para manatili sila sa bagong yugto. Ang ebolusyong ito ay tinulungan ng burukratisasyon ng mga unyon sa wala pa ang pagbulusok-pababa at walang hintong tendensya ng estado na higupin ang lahat ng mga istruktura ng buhay panlipunan.
Ang anti-manggagawang katangian ng mga unyon ay mapagpasyang pinakita sa unang pagkakataon sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig kung saan katabi ng Sosyal-Demokratikong mga partido tumulong sila para pakilusin ang mga manggagawa sa imperyalistang masaker. Sa rebolusyonaryong alon pagkatapos ng digmaan, ginawa ng mga unyon ang lahat para sakalin ang pagtatangka ng proletaryado na durugin ang kapitalismo. Mula noon nabubuhay sila hindi sa uring manggagawa, kundi sa kapitalistang estado kung saan pinatupad nila ang mahalagang mga tungkulin :
Dahil nawala na ang proletaryong katangian ng mga unyon, hindi sila maaring ‘agawin muli ng uring manggagawa', ni maging larangan sila ng pagkilos ng mga rebolusyonaryo. Halos kalahating siglong nawalan ng interes ang mga manggagawa sa mga pagkilos ng mga organong ito na naging integral na bahagi na ng burges na estado. Ang mga pakikibaka ng manggagawa para labanan ang patuloy na paglala ng kanilang kalagayan ay nagkahugis sa mga wildcat strikes labas sa at laban sa mga unyon. Pinamunuan ng mga pangkalahatang asembliya ng mga welgista at, sa panahon na naging malawakan ang mga ito, pinangasiwaan ng mga komite ng mga delegado na halal at maaring tanggalin ng mga asembliyang ito, ang mga welgang ito ay agad nasa pampulitikang tereyn at naobligang harapin ang estado sa kinatawan nito sa loob ng mga pabrika : ang mga unyon. Sa pagpapalawak at radikalisasyon lamang ng mga pakikibakang ito makasulong ang uri mula sa depensibang tereyn tungo sa hayag at prontal na atake sa kapitalistang estado; at kasama sa pagdurog ng kapangyarihan ng estado ay ang kinakailangang pagdurog sa mga unyon.
Ang anti-proletaryong katangian ng mga lumang unyon ay hindi simpleng resulta sa katotohanang organisado sila sa partikular na paraan (sa negosyo, sa industriya), o dahil mayroon silang ‘masamang mga lider'; resulta ito sa katotohanang sa kasalukuyang panahon ang uri ay hindi makapagmintina ng permanenteng mga organisasyon para ipagtanggol ang kanyang mga pang-ekonomiyang interes. Kaya, ang kapitalistang tungkulin ng mga organong ito ay aplikable din sa lahat ng ‘bagong' mga organisasyon na may katulad na papel, anuman ang kanilang inisyal na intensyon. Ito ang kaso sa ‘rebolusyonaryong mga unyon' at ‘shop stewards' ganun din sa mga organo (komite ng manggagawa, komisyon ng manggagawa....) na nanatiling umiiral pagkatapos ng pakikibaka - kahit laban sa mga unyon - at nagtangkang itayo ang mga sarili bilang ‘tunay' na mga organisasyon para depensahan ang kagyat na mga interes ng manggagawa. Sa batayang ito, ang mga organisasyong ito ay hindi makaiwas na mahigop sa makinarya ng burges na estado kahit hindi opisyal o ilegal na paraan.
Lahat ng pampulitikang estratehiya na ang layunin ay ‘gamitin', ‘muling pasiglahin' o ‘agawin' ang tipong unyon na mga organisasyon ay nagsilbi lamang sa interes ng kapitalismo, at nais lamang nilang pasiglahin ang mga kapitalistang institusyon na iniwanan na ng mga manggagawa. Matapos ang mahigit limampung taong karanasan sa anti-manggagawa na katangian ng mga organisasyong ito, anumang posisyon na nagtatanggol sa estratehiyang ito ay pundamental na di-proletyaryo.Ang pambansang kalayaan at ang pormasyon ng bagong mga nasyon ay hindi naging ispisipikong tungkulin ng proletaryado. Kung sa ika-19 siglo ay binigay ng mga rebolusyonaryo ang kanilang suporta sa ilan sa mga pambansang kilusan para sa pagpapalaya, wala silang anumang ilusyon na ito ay walang iba kundi burges na mga kilusan; ni binigay nila ang suporta sa ngalan ng ‘karapatan ng mga bansa para sa sariling pagpapasya'. Sumusuporta sila sa naturang mga kilusan dahil sa pasulong na yugto ng kapitalismo ang bansa ay kumakatawan sa pinaka-angkop na balangkas para mapaunlad ang kapitalismo, at sa pagtatayo ng mga estadong-bansa, sa pamamagitan ng pagpawi sa lumiliit na mga labi ng hindi-pa-kapitalista na panlipunang mga relasyon, kumakatawan sa isang hakbang pasulong sa pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa sa pandaigdigang saklaw at para mahinog ang materyal na kondisyon para sa sosyalismo. (tinngnan sa note)
Nang pumasok ang kapitalismo sa yugtong pabulusok-pababa, ang bansa kasama ang kapitalistang mga relasyon ng produksyon sa pangkalahatan, ay napakakitid na para sa kaunlaran ng mga produktibong pwersa. Ngayon sa isang sitwasyon na kahit ang pinaka-matagal at napaka-makapangyarihang mga bansa ay wala ng kapasidad na uunlad pa, ang huridikal na konstitusyon ng bagong mga bansa ay hindi tutungo sa anumang progreso. Sa mundong hinati ng mga imperyalistang bloke, ang bawat pakikibaka para sa ‘pambansang kalayaan', sa halip na kakatawan ng kaunlaran, ay panahon lamang ng tuloy-tuloy na alitan sa pagitan ng magkaribal na mga imperyalistang bloke kung saan ang mga manggagawa at magsasaka, boluntaryo man o pinilit na nagpalista, ay lumahok lamang bilang pambala ng kanyon.
Ang naturang mga pakikibaka ay hindi ‘nakapagpahina sa imperyalismo' dahil hindi nila tinutulan ang ugat na pinagmulan nito: sa kapitalistang mga relasyon ng produksyon. Kung mapahina nito ang isang imperyalistang bloke, mapalakas lang nito ang kabila; at ang bagong mga bansa na itinayo sa ganung tunggalian ay kailangang maging imperyalista din, dahil sa yugto ng dekadenteng kapitalismo walang bansa, malaki man o maliit, ang makaiwas sa imperyalistang mga polisiya.
Sa kasalukuyang yugto ang ‘matagumpay' na pakikibaka para sa ‘pambansang pagpapalaya' ay nagkahulugan lamang ng pagpapalit ng imperyalistang amo ng naturang bansa; para sa mga manggagawa, laluna sa bagong ‘sosyalistang' mga bansa, nagkahulugan ito ng intensipikasyon, sistematisasyon, militarisasyon ng pagsasamantala ng estadong kapital na - dahil ito ay ekspresyon ng barbarismo ng sistema - nagresulta sa transpormasyon ng ‘napalayang' bansa sa isang concentration camp. Kabaliktaran sa pahayag ng ilang tao, ang mga pakikibakang ito ay hindi nagbigay sa proletaryado sa Ikatlong Daigdig ng oportunidad para sa makauring pakikibaka. Sa pamamagitan ng pagpapakilos sa mga manggagawa sa likod ng pambansang kapital sa ngalan ng 'patriyotikong' mistipikasyon, ang mga pakikibakang ito ay laging kumikilos bilang hadlang sa proletaryong pakikibaka na kadalasan ay lubhang masaklap sa naturang mga bansa. Sa mahigit limampung taon pinakita ng kasaysayan, kabaliktaran sa panggigiit ng Komunistang Internasyunal, ang mga pakikibaka para sa ‘pambansang pagpapalaya' ay hindi nagsilbing motibasyon sa pakikibaka ng mga manggagawa sa abanteng mga bansa o sa mga manggagawa sa atrasadong mga bansa. Ni walang anumang makukuha mula sa naturang mga pakikibaka, o anumang kampong pipiliin. Sa mga tunggaliang ito ang tanging rebolusyonaryong islogan laban sa modernong bersyon ng ‘pambansang pagtatanggol' na binihisan ng tinatawag na ‘pambansang pagpapalaya', ay ang hinawakan ng mga rebolusyonaryo noong Unang Digmaang Pandaigdig: rebolusyonaryong pagpatalo, "gawing digmaang sibil ang imperyalistang digmaan". Anumang posisyon ng ‘di-kondisyonal' o ‘kritikal' na suporta ng mga pakikibakang ito, sinadya man o hindi, ay katulad ng posisyon ng mga ‘pambansang sobinista' sa Unang Digmaang Pandaigdig. Kaya ganap itong taliwas nagkakaisang komunistang aktibidad.
Note
Kung ang bansa mismo ay napakakitid na bilang balangkas para sa produktibong mga pwersa, mas totoo ito sa indibidwal na mga empresa na walang tunay na awtonomiya mula sa pangkalahatang mga batas ng kapitalismo; sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo, ang mga empresa ay lalo pang nakasandal sa naturang mga batas at sa estado. Kaya ang ‘self-management' (pagpapatakbo sa empresa ng mga manggagawa sa lipunan na nanatiling kapitalista), isang peti-burges na utopya sa nakaraang siglo na dinadala ng tendensyang Proudhonista, ngayon ay isa ng kapitalistang mistipikasyon. (tingnan sa note)
Ito ay isang sandatang pang-ekonomiya ng kapital na sinikap nitong kabigin ang mga manggagawa na akuin ang responsibilidad sa mga empresang natamaan ng krisis sa pamamagitan ng kanilang pag-oorganisa para sa pagsasamantala sa kanilang sarili.
Isa itong pampulitikang sandata ng kontra-rebolusyon:
Sa pandaigdigang saklaw lamang totohanang mapangisawaan ng proletaryado ang produksyon, pero magawa nila ito hindi sa loob ng balangkas ng kapitalistang mga batas kundi ang pagdurog sa kanila.
Anumang pampulitikang posisyon na (kahit sa ngalan ng ‘karanasan ng uring manggagawa o ‘pagtatayo ng bagong mga relasyon sa hanay ng manggagawa') nagtatanggol sa self management ay, sa katunayan, sa obhetibo ay lumalahok sa preserbasyon ng kapitalistang mga relasyon sa produksyon.
Note
Anumang uri na lumalaban sa umiiral na panlipunang kaayusan ay epektibong makagawa nito kung bibigyan nito ng organisado at mulat na porma ang kanyang pakikibaka. Anuman ang pagkakamali at pagkabukod ng mga porma ng organisasyon at ng kanilang kamulatan, ito nga ang nangyari sa mga uring tulad ng alipin o ng magsasaka na hindi nagdadala sa loob ng hanay nila ng bagong panlipunang kaayusan. Pero ang mga pangangailangang ito ay mas pumapatungkol sa istorikal na mga uri na nagdadala ng bagong mga relasyon na kailangan para sa ebolusyon ng lipunan. Ang proletayado ay, kabilang sa mga uring ito, ang tanging uri na walang pang-ekonomiyang kapangyarihan sa loob ng lumang lipunan. Dahil dito ang kanyang organisasyon at kamulatan ay mas lalupang mapagpasyang mga salik sa kanyang pakikibaka.
Ang porma ng organisasyon na binuo ng uri para sa kanyang rebolusyonaryong pakikibaka at para sa paghawak ng pampulitikang kapangyarihan ay ang mga konseho ng mangagawa. Subalit habang ang buong uri ang paksa ng rebolusyon at muling ini-organisa sa mga organisasyong ito sa naturang panahon, hindi ito nagkahulugan na ang proseso para maging mulat ang uri ay sabay-sabay o magkatulad. Umuunlad ang makauring kamulatan sa liku-likong daan sa pamamagitan ng pakikibaka ng uri, sa kanyang mga tagumpay at kabiguan. Dapat harapin niya ang pagkahati-hating seksyonal o pambansa na siyang ‘kalikasan' ng kapitalistang lipunan at kung saan nasa interes ng kapital ang pagpapanatili nito sa loob ng uri.
Ang mga rebolusyonaryo ay mga elemento sa loob ng uri na dahil sa magkaiba-ibang proseso ay unang malinaw na nakaintindi sa "linya ng martsa, mga kondisyon at ultimong pangkalahatang mga resulta sa proletaryong kilusan" (Manipesto ng Komunista), at dahil sa kapitalistang lipunan "ang dominanteng mga ideya ay mga ideya ng naghaharing uri", kinakailangang minorya ang mga rebolusyonaryo sa uring manggagawa.
Nagmula sa uri, manipestasyon ng proseso kung saan nagiging mulat ito, iiral lamang ang mga rebolusyonaryo kung maging aktibong salik sila sa prosesong ito. Para magampanan ang tungkuling ito sa permanenteng paraan, ang rebolusyonaryong organisasyon ay:
Kung ang pangkalahatang organisasyon ng uri at ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay bahagi ng parehong kilusan, sa kabilang banda ay magkaiba sila.
Ang una, ang mga konseho, nag-organisa sa buong uri. Ang tanging rekisito na maging myembro ay ang pagiging manggagawa. Ang ikalawa, sa kabilang banda, nag-oorganisa lamang sa rebolusyonaryong mga elemento ng uri. Ang kriterya para maging myembro ay hindi ang sosyolohikal, kundi pulitikal: pagsang-ayon sa programa at komitment para ipagtanggol ito. Dahil dito ang taliba ng uri ay pwedeng mga indibidwal na hindi sosyolohikal na kabilang sa uring manggagawa kundi, iniwam ang uring pinagmulan niya, nakiisa sila sa istorikong makauring mga interes ng proletaryado.
Ganun pa man, kahit ang uri at ang organisasyon ng kanyang taliba ay dalawang magkaibang bagay, hindi sila magkahiwalay, eksternal o magkatunggali sa isa't-isa gaya ng sinasabi ng ‘Leninistang' mga tendensya sa isang banda at ng workerist-councilist na mga tendensya sa kabilang banda. Itinanggi ng dalawang pananaw na ito ang katotohanan na, sa halip na magkatunggali sa bawat isa, ang dalawang elementong ito - ang uri at mga rebolusyonaryo - ay nagtutulungan sa isa't-isa bilang kabuuan at bahagi ng kabuuan. Sa pagitan ng dalawa, walang umiiral na relasyon ng pwersa dahil ang mga komunista ay "walang mga interes na hiwalay at bukod mula sa proletaryado bilang kabuuan" (Manipesto ng Komunista).
Bilang bahagi ng uri, ang mga rebolusyonaryo ay hindi maaring hahalili sa uri, ma sa kanyang mga pakikibaka sa loob ng kapitalismo o, laluna, sa pagpabagsak ng kapitalismo at paghawak ng pampulitikang kapangyarihan. Hindi tulad ng ibang istorikal na mga uri, ang kamulatan ng minorya, gaano man ito kamulat, ay hindi sapat para magampanan ang mga tungkulin ng proletaryado. Ito ay mga tungkuling kailangan ng palagiang partisipasyon at mapanlikhang aktibidad ng uri sa lahat ng panahon.
Malawakang kamulatan ang tanging garantiya sa tagumpay ng proletaryong rebolusyon at, dahil ito ay esensyal na bunga ng praktikal na karanasan, hindi mapapalitan ang aktibidad ng buong uri. Sa partikular, ang kinakailangang paggamit ng karahasan ng uri ay hindi mahiwalay sa pangkalahatang pagkilos ng uri. Ito ang dahilan kung bakit ang terorismo ng mga indibidwal o hiwalay na mga grupo ay absolutong dayuhan sa mga paraan ng uri at pinakamagaling na kumakatawan na manipestasyon ng desperasyong peti-burges kundiman mapang-uyam na paraan ng labanan sa pagitan ng burges na mga paksyon. Kung lilitaw ito sa loob ng pakikibaka ng proletaryado, ito ay palatandaan ng mga impluwensyang eksternal sa pakikibaka, at makapagpahina lamang sa batayang pag-unlad ng kamulatan.
Ang pag-oorganisa sa sarili sa pakikibaka ng manggagawa at ang paggamit ng kapangyarihan ng uri mismo ay hindi isa sa mga daan patungong komunismo na maaring pag-isipan kumpara sa iba pa: ito lamang ang tanging daan.
Ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo (na ang pinaka-abanteng porma ay ang partido) ay kinakailangang organo kung saan armasan ng uri ang sarili para maging mulat sa kanyang istorikal na kinabukasan at bigyan ng pampulitikang oryentasyon ng kanyang pakikibaka para sa hinaharap. Sa katwirang ito ang pag-iral at aktibidad ng partido ay esensyal na kondisyon para sa ultimong tagumpay ng proletaryado.
Subalit, ang konsepto ng ‘awtonomiya ng uri' na ginamit ng workerist at anarkista na mga tendensya, at isinulong nila bilang pagtutol sa substitutionist conceptions, ay ganap na may kahulugang rekasyunaryo at peti-burges. Maliban sa katotohanan na ang ‘awtonomiyang' ito ay kadalasan ay nahuhulog sa kanilang sariling ‘awtonomiya' bilang maliit na sekta na diumano kumakatawan sa uring manggagawa katulad ng sinasabi ng substitutionist tendencies na mahigpit nilang tinuligsa, ang kanilang pananaw ay may dalawang pangunahing aspeto:
Ngayon ang naturang mga ideya ay sa pinakamainam na pananaw, simpleng reaksyon laban sa Stalinistang burukrasya at sa pag-unland ng totalitaryanismo ng estado, at sa pinakamalala, ay pampulitikang ekspresyon ng pagkabukod at pagkahati na tipikal sa peti-burgesya. Pero ang dalawa ay ganap na nagpahayag sa hindi paniniwala sa tatlong pundamental na aspeto ng rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado:
Para sa atin, bilang mga marxista, ang awtonomiya ng uri ay nagkahulugan ng independensya mula sa lahat ng uri sa lipunan. Ang awtonomiyang ito ang NAPAKAHALAGANG REKISITO para sa rebolusyonaryong aktibidad ng uri dahil ang proletaryado ngayon ang tanging rebolusyonaryong uri. Ang awtonomiyang ito ay makikita mismo sa kapwa organisasyunal na antas (ang organisasyon ng mga konseho), at sa pampulitikang antas at sa ganung katwiran, taliwas sa igigiit ng workerist tendencies, mahigpit na nakaugnay sa komunistang taliba ng proletaryado.
Bagama't ang pangkalhatang organisasyon ng uri at organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay dalawang magkaibang bagay kung tungkulin ang pag-uusapan, magkaiba din ang mga sirkumstansya ng kanilang paglitaw. Ang mga konseho ay lilitaw lamang sa mga yugto ng rebolusyonaryong komprontasyon kung saan ang lahat ng mga pakikibaka ng uri ay tutungo sa pag-agaw ng kapangyarihan. Subalit ang pagsisikap ng uring manggagawa na paunlarin ang kanyang kamulatan ay umiiral sa lahat ng panahon mula sa kanyang pagsilang at iiral hanggang sa kanyang paglaho sa komunistang lipunan. Kaya umiiral ang komunistang minorya sa bawat yugto bilang ekspresyon sa palagiang pagsisikap na ito. Pero ang lawak, ang impluwensya, ang tipo ng aktibidad, ang moda ng organisasyon ng minoryang ito ay mahigpit na nakaugnay sa kalagayan ng makauring tunggalian.
Sa mga panahon ng maigting na pakikibaka, ang minoryang ito ay may direktang impluwensya sa praktikal na direksyon ng mga pangyayari. Maaring sabihing partido ang diskripsyon ng organisasyon ng komunistang taliba. Sa kabilang banda, sa mga panahon ng kabiguan at pag-atras ng makauring pakikibaka, walang direktang impluwensya ang mga rebolusyonaryo sa kagyat na takbo ng mga pangyayari.
Lahat ng iiral sa mga panahong iyon ay mga maliliit na organisasyon na ang tungkulin ay hindi impluwensyahan ang kagyat na kilusan, kundi tutulan ito, nagkahulugan na makibaka laban sa agos habang ang uri ay dinis-armahan at pinakilos ng burgesya (sa pamamagitan ng makauring kolaborasyon, ‘Sacred Union', ‘the Resistance', ‘anti-pasismo', at iba pa). Ang esensyal na tungkulin nila ay halawin ang mga aral sa nakaraang karanasan at ihanda ang teoritikal at programatikong balangkas para sa itatayong proletaryong partido na kailangang lilitaw sa susunod na pagsulong ng uri. Ang mga grupo at praksyong ito na, sa panahong humihina ang makauring pakikibaka, na humiwalay mula sa humihinang partido o nakaligtas sa kanyang pagkawasak, ay may tungkuling bumuo ng pulitikal at organisasyunal na tulay hanggang muling mabuo ang partido.
Ang kinakailangang pandaigdigan at sentralisadong katangian ng proletaryong rebolusyon nagkaloob ng parehong pandaigdigan at sentralisadong katangian ng partido ng uring manggagawa, at ang mga praksyon at grupong naglatag ng batayan sa partido na kinakailngang tutungo sa pandaigdigang sentralisasyon. Makongkreto ito sa pag-iral ng mga sentral na organo na may pulitikal na mga responsibilidad sa pagitan ng bawat kongreso ng organisasyon, kung saan sila ay may pananagutan.
Ang istruktura ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay kailangang hawakan ang pundamental na pangangailangan:
Ganun din sa mga relasyon sa pagitan ng iba't-ibang bahagi ng organisasyon at ang ugnayan ng mga militante na kinakailangang nagdadala ng pilat ng kapitalistang lipunan at kaya hindi maaring magbuo ng isla ng komunistang mga relasyon sa loob ng kapitalismo. Sa kabilang banda, hindi maaring may hayagang kontradiksyon sa layuning nais makamit ng mga rebolusyonaryo, at kailangang nakabatay sila sa pagkakabuklod at mutwal na pagtitiwala na palatandaang kabilang sa isang organisasyon ng uri na nagdadala ng komunismo.