TEORETIKAL NA KLARIPIKASYON HINDI INTELEKTWAL NA KAYABANGAN: Isang kasagutan sa mga akusasyon laban sa Kaliwang Komunismo

Printer-friendly version
Sa debate ng isang kasama sa isang Bryan sa isang internet forum ay inakusahan ang mga kaliwang komunista na "anarkista", "hindi nagbasa", "hindi nakisalumuha sa uring manggagawa" at iba pang panlalait.

Sa totoo lang, wala namang kalaman-laman ang mga punto ng argumento ni Bryan dahil nagmula lang naman ang mga iyon sa paniniwalang tama siya. Subalit lalong mali kung patulan natin ang istilo ni Bryan sa pakikipagdebate. Isantabi natin ang kanyang panlalait, makikita natin ang mga mayor na punto ng argumento ni Bryan: Una, pagtatayo ng sosyalistang estado sa isang bansa, pangalawa, ang usapin ng uring manggagawa na organisahin ang sarili para makibaka. Ang pangatlong punto ay ang akusasyon na ang kaliwang komunismo ay anarkismo.

"Sosyalismo sa isang bansa": Kontra-rebolusyonaryong teorya ng Stalinismo

Sabi ni Bryan, "ang sinasabi sa CM na ang manggagawa ay walang bansa ay dahil international ang approach ni marx para palayain ang uri ng manggagawa. ito ang ultimatong misyon ng bawat sosyalisadong bansa at sosyalisadong kasama."

Malamang ang ibig sabihin ni Bryan ng "sosyalisadong bansa" at "sosyalisadong kasama" ay "sosyalistang bansa" at "sosyalistang kasama". Ang terminong "sosyalisado" ay hindi dapat ipagkamali sa anumang kahulugan dahil ang tunay na kahulugan nito ay isang lipunan na wala ng mga uri, kung saan sosyalisado ang lahat ng buhay panlipunan, isang komunistang lipunan. Kaya walang sosyalisadong bansa dahil hindi makakamit ang sosyalisadong mga relasyon ng produksyon sa isa o iilang bansa habang kapitalismo ang naghari sa buong daigdig. Sa pahayag ni Bryan, maintindihan natin na ang sinasabi niya na "internatinal na approch" ni Marx at ultimong misyon ng mga komunista ay itayo ang sosyalismo sa bawat bansa para madurog ang pandaigdigang kapitalismo at imperyalismo. Ang mga sosyalistang bansa na ito, na dadami dahil sa pagrebolusyon ng manggagawa sa kani-kanilang mga bansa at pagtatayo ng mga "estado ng manggagawa" ang magkaisa sa pandaigdigang saklaw. Pag nangyari ito, ibig sabihin, mayorya na o lahat ng mga bansa ay "sosyalista na" dahil sa pagtayo ng "estado ng manggagawa", makakamit na ang komunismo sa pandaigdigang saklaw. Ito ay walang iba kundi ang pagsasanib o pagkakaisa ng mga sosyalistang bansa. Ito ang internasyunalismo ni Bryan.

Sana mali ang interpretasyon ko sa pahayag ni Bryan dahil kung tama ako, hindi isang marxista si Bryan kundi para siyang si Proudhon ang ninuno ng mga anarkista o si La Salle na tumindig sa "state socialism". Sinumang seryosong nagbabasa ng teorya ay alam kung paano dinurog ni Marx si Proudhon sa kanyang "The Poverty of Philisophy" at si La Salle sa kanyang "Critique of the Gotha Program", hindi sa panlalait o intelektwal na kayabangan kundi sa teoretikal na argumento gamit ang HM.
Sa panahon naman natin, may mga "komunista" o "sosyalista" din ang naniniwalang maaring itayo ang sosyalismo sa isang bansa at konsolidahin ito. Katunayan, ito ang modelong sinusunod ng Cuba, Tsina, Vietnam, North Korea, at nitong huli, sa modipikasyon ni Chavez sa Venezuela na tinawag niyang "socialism in the 21st century". Saan nanggaling ang teoryang ito? Ito ay galing kay Stalin, ang lider ng kontra-rebolusyon simula huling bahagi ng 1920s — ang Stalinismo — na lalo pang binastardo ng Maoismo sa huling bahagi ng 60s. Si Stalin ang nag-popularisa ng ideolohikal na linya ng "marxismo-leninismo." Sa panahon ni Stalin lumaganap sa buong mundo ang "marxismo-leninismo", isang distorsyon at pang-insulto sa buhay at rebolusyonaryong marxismo at higit sa lahat kay Lenin mismo na isang tunay na rebolusyonaryo at internasyunalista. Wala itong kaibahan sa ginawa ng mga trotskyista kay Trotsky ng ginawa nilang dogma ang mga sinulat ni Trotsky sa anyo ng Trotskyismo.

Ang "sosyalismo ng isang bansa" ng Stalinismo ay walang iba kundi KAPITALISMO NG ESTADO.

Ang mga manggagawa ay walang bansa. Ito ang buod ng internasyunalismo. Hindi ito simpleng "agitational" statement kundi ito ang isa sa dalawang cornerstone ng marxismo, ang pundamental na prinsipyo ng marxismo. Ang pangalawa ay ang independyenteng kilusan ng manggagawa.

Ang prinsipyo ng internasyunalismo ay nakabatay sa makauring pakikibaka. Ang mga manggagawa ay isang buo, internasyunal na uri. Hindi sila nahahati sa mga bansa, kulay o kasarian. Ang kaaway ng mga manggagawa ay ang internasyunal na kapitalismo kabilang na ang mga pambasnang anyo nito. Katunayan, ang bansa at ang mga interes nito ay interes ng burgesya at hindi ng manggagawa. Ang mga burges na rebolusyon na nangyari noong ika-18 at 19 siglo ay mga makabayang rebolusyon, mga rebolusyon para itayo ang mga bansa-estado.

Ang proletaryong rebolusyon naman ay isang internasyunal na rebolusyon, isang rebolusyon na papawi sa mga national frontiers at dudurog sa national capitalisms bilang ekspresyon ng international capitalism. Sa ganitong diwa, tumindig ang mga internasyunalista noong WW I sa loob ng 2nd International sa pangunguna nila Lenin, Luxemburg, Bordiga, Gorter, Pannekoek at iba pang nasa kaliwa ng 2nd International laban sa islogang "defend the fatherland" ng Kanan sa pamumuno ni Kautsky.

Ang ibig sabihin ng internasyunalismo ay hindi maitayo ang sosyalismo sa isang bansa o ilang mga bansa kundi sa pandaigdigang saklaw. Kung maibagsak man ng isang praksyon ng proletaryado ang burgesya sa isang bahagi ng mundo (isang bansa o ilang bansa) ang "tagumpay" dito ay direktang nakaugnay sa pagpapalakas ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon hindi ang distorsyong ginagawa ngayon ng mga stalinista at maoista na "konsolidahin" ang bansang nanalo sa pamamagitan ng pagkonsolida ng estado at ng pambansang ekonomiya o pambansang kapital nito. Ang isa o iilang bansa na "nanalo" at mag-iisang lumaban sa pandaigdigang kapitalismo ay hahantong sa kapitalismo ng estado at pagkonsolidad sa estado nito na walang ibang gawin kundi makaungos sa pandaigdigang kapitalistang kompetisyon sa ngalan ng "anti-imperyalismo" o "sosyalismo ." Ito ang nangyari sa USSR ng matalo ang rebolusyonaryong alon sa 1917-23. Napakaraming karanasan ng uri na ang pagkonsolida ng bansang nanalo na hiwalay sa paglakas ng internasyunal na rebolusyon ay nauwi sa pagiging kapitalista ng naturang bansa at kumapit sa mga dating kaaway nito na malalaking imperyalista. Ang Vietnam na dati anti-US ay pro-US na ngayon. Ang China na dati pro-Russia ay naging pro-US at ngayon ay nakipagkompetinsya na sa US sa pandaigdigang pamilihan. Kahit ang "sosyalistang" Cuba ay kapitalismo ng estado ang pinaiiral sa bansa nito sa ngalan ng "sosyalismo" para maka-survive sa panggigipit ng karibal na malaking kapitalistang bansa.

Ang nasyunalismo ay salungat sa internasyunalismo. Tanging si Mao at Ho lamang ang nagsasabing maaring pag-isahin ang mga ito. Sa pagpasok ng mundo sa imperyalismo, ang lahat ng uri ng nasyunalismo o makabayang kilusan ay laban na sa makauring interes ng internasyunal na manggagawa at higit sa lahat ay may katangiang imperyalista na. Ang dalawang digmaang pandaigdig at ang mga local wars ngayon sa lahat ng panig ng mundo ang masakit na halimbawa paanong ginamit ng burgesya ang manggagawa (kasama ang mga "partido komunista") para magpapatayan sa isat-isa sa ngalan ng "right of nations to self-determination." Sa kasalukuyan, walang kaibahan ang imperyalismo ng US, Britain, EU sa Iraq, PLO areas, Lebanon, Afghanistan, at iba pang lugar sa nasyunalismo ng Israel, Iraqi resistance, Hamas, Hezbollah, Taliban, at sa Pilipinas ng MILF.

Gayong naniniwala si Bryan na "tanging uring manggagawa ang may kakayahan na maglunsad ng sosyalismong rebolusyon" pero nagbigay siya ng kondisyon, "hindi ito magtatagumpay ng walang pakikipagalyansa sa ibang uri ng lipunan". At ayon sa kanya ito daw ang sinabi ni Lenin sa kanyang akdang "The Significance of Militant Materialism." Sa mga pahayag pa lang niya ay makikita agad na parang nalilito siya. Habang sinasabi niya na "tanging uring may kakayahan", nagsasabi din siya na "hindi ito magtatagumpay ng walang pakikipagalyansa sa ibang uri ng lipunan".Napagkamalan ata ni Bryan na parehas lang ang sosyalistang rebolusyon at burges-demokratikong rebolusyon. Sa pagkaalam ko, ang mga maoista at "leninista" ay naniniwalang ang demokratikong rebolusyon, ang tanging daan para sa sosyalistang rebolusyon kung saan kailangang makipag-alyansa ang manggagawa sa ibang mga uri ng lipunan kasama na ang isang paksyon ng burgesya. Ang ibig sabihin ni Bryan ay hindi magtatagumpay ang sosyalistang rebolusyon kung hindi mananalo ang demokratikong rebolusyon.

Malinaw sa atin ang linya ni Bryan: kung hindi "dalawang-yugtong" rebolusyon ng mga maoista, ito ay "tuloy-tuloy" na rebolusyon ng mga "leninista" o kaya "permanenteng" rebolusyon ng mga trotskyista. Masyado ng tataas ang artikulong ito kung sasagutin pa natin ang linyang ito ni Bryan. Ang malinaw lang, bago ang sosyalismo dadaan muna sa pambansa-demokratikong rebolusyon. At ang hindi naniniwala dito ay mga anarkista ayon sa kanya.

Para sa klaripikasyon hinggil sa linya ni Bryan, kailangan nating muling balikan ang ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo mula sa kanyang pasulong na yugto (18th to 19th centuries) hanggang sa kanyang dekadenteng yugto simula 20th centuries. Subalit, para lang sa kaalaman ni Bryan, ang linya ng kaliwang komunismo sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay pandaigdigang proletaryong rebolusyon para sa komunismo. Maliban na lang kung naniniwala si Bryan na ang posisyon ng mga anarkista ay world proletarian communist revolution din. Kung naniniwala siya, hindi ko na alam kung saan napulot ni Bryan ang kanyang nabasa hinggil sa anarkismo. Baka pati ang mga anarkista ay magalit sa kanya dahil ginawa niyang comrade-in-arms sila Marx at Bakunin.

Kapasidad ng uring manggagawa na organisahin ang sarili laban sa kapitalismo

Ayon kay Bryan, "hindi ba ang sabi ni marx at lenin na ang papel ng isang marxista ay organisahin ang uring manggagawa? yan din ang papel ng kumonistang partido. hindi bat na organisa ang stike sa egypt dahil may mga organisasyon na kasabwat o nasa likod nito? ano un nagkayayaan lang ang mga manggagawa o napagtripan lang na magstrike? Kahibangan!"

Gayong naniniwala si Bryan na may kapasidad ang uri na organisahin ang kanyang sarili, naniniwala din siya na ang papel ng isang marxistang partido ay organisahin ang uring manggagawa. Gayong dinaan niya sa tanong, malinaw na naniniwala si Bryan na nagwelga ang mga manggagawa sa Egypt dahil may mga organisasyong nasa likod nito. Tinawag niya na kahibangan na nagwelga ang mga manggawa na walang mga kasabwat na organisasyon.

Mas mabuting halawin natin dito ang testimonya ng dalawang manggagawa na kasama sa mga welgang nangyari sa Egypt nitong nakaraan:
The extract is from ‘Egyptian textile workers confront the new economic order ’ by Joel Beinin and Hossam el-Hamalawy, published in Middle East Report Online and libcom.org, and based on interviews with two workers at the plant, Muhammed ‘Attar and Sayyid Habib.

"The 24,000 workers at Mahalla al-Kubra’s Misr Spinning and Weaving complex were thrilled to receive news on March 3, 2006 that Prime Minister Ahmad Nazif had decreed an increase in the annual bonus given to all public-sector manufacturing workers, from a constant 100 Egyptian pounds ($17) to a two-month salary bonus. The last time annual bonuses were raised was in 1984 — from 75 to 100 pounds.

"We read the decree, and started spreading awareness about it in the factory," said ‘Attar. ‘Ironically, even the pro-government labour union officials were also publicizing the news as one of their achievements’. He continued: ‘December [when annual bonuses are paid] came, and everyone was anxious. We discovered we’d been ripped off. They only offered us the same old 100 pounds. Actually, 89 pounds, to be more precise, since there are deductions [for taxes].’

A fighting spirit was in the air. Over the following two days, groups of workers refused to accept their salaries in protest. Then, on December 7, thousands of workers from the morning shift started assembling in Mahalla’s Tal‘at Harb Square, facing the entrance to the mill. The pace of factory work was already slowing, but production ground to a halt when around 3,000 female garment workers left their stations, and marched over to the spinning and weaving sections, where their male colleagues had not yet stopped their machines. The female workers stormed in chanting: ‘Where are the men? Here are the women!’ Ashamed, the men joined the strike.

Around 10,000 workers gathered in the square, shouting ‘Two months! Two months!’ to assert their claim to the bonuses they had been promised. Black-clad riot police were quickly deployed around the factory and throughout the town, but they did not act to quell the protest. ‘They were shocked by our numbers’, ‘Attar said. ‘They were hoping we’d fizzle out by the night or the following day’. With the encouragement of state security, management offered a bonus of 21 days’ pay. But, as ‘Attar laughingly recalled, ‘The women [workers] almost tore apart every representative from the management who came to negotiate’.

As night fell, said Sayyid Habib, the men found it ‘very difficult to convince the women to go home. They wanted to stay and sleep over. It took us hours to convince them to go home to their families, and return the following day’. Grinning broadly, ‘Attar added, ‘The women were more militant than the men. They were subject to security intimidation and threats, but they held out’.

Before dawn prayers, riot police rushed in the mill compound’s gates. Seventy workers, including ‘Attar and Habib, were sleeping inside the mill, where they had locked themselves in. ‘The state security officers told us we were few, and had better get out’, said ‘Attar. ‘But they did not know how many of us were inside. We lied and told them we were thousands’. ‘Attar and Habib hastily wakened their comrades and together the workers began banging loudly on iron barrels. ‘We woke up everyone in the company and town. Our mobile phones ran out of credit as we were calling our families and friends outside, asking them to open their windows and let security know they were watching. We called all the workers we knew to tell them to hurry up to the factory’.

By then, police had cut off water and power to the mill. State agents scurried to the train stations to tell workers coming from out of town that the factory had been closed down due to an electrical malfunction. The ruse failed.

‘More than 20,000 workers showed up’, said ‘Attar. ‘We had a massive demonstration, and staged mock funerals for our bosses. The women brought us food and cigarettes and joined the march. Security did not dare to step in. Elementary school pupils and students from the nearby high schools took to the streets in support of the strikers’. On the fourth day of the mill occupation, panicking government officials offered a 45-day bonus and gave assurances the company would not be privatized. The strike was suspended, with the government-controlled trade union federation humiliated by the success of the Misr Spinning and Weaving workers’ unauthorized action".

Walang unyon, walang partido na "namuno" sa mga manggagawa sa Ehipto para magwelga. Hindi ito kahibangan kundi isang patunay na may kapasidad na mag-organisa sa sarili ang mga manggagawa bilang uri dahil ang proletaryado ay isang rebolusyonaryong uri. Katunayan, mayroong proletaryong rebolusyonaryo partido dahil rebolusyonaryo ang uri nila. Ang Partido ay produkto ng rebolusyonaryong pakikibaka ng uri. MALI ang paniniwalang mayroong rebolusyonaryong kilusan ng manggagawa dahil mayroong isang rebolusyonaryonaryong partido.

Subalit may malalim na batayan si Bryan sa kanyang paniniwala, isang paniniwala na sa matagal na panahon mula ng maghari ang mga distorsyon ng Stalinismo ay naging prinsipyo na ng mga Kaliwa: "marxistang" tungkulin daw ng Partido na organisahin ang uri na humantong sa banggardismo o substitutionism, pagiging proxy ng partido sa uri. Kaya namangha si Bryan ng malaman niyang nag-organisa at nakibaka ang mga manggagawa na walang nag-oorganisang partido. "Kahibangan!"ayon sa kanya. Maraming karanasan sa Pilipinas kung paanong pinakita ng mga maoista at "leninista" ang banggardismo nila sa loob ng mga unyon at organisasyong masa na "pinamunuan" o "impluwensyado" nila. Mula sa eleksyon ng opisyales ng mga organisasyong ito hanggang sa pagplano kung ano ang mga activities ng mga organisasyong ito ng mga Kaliwang partido.

Saan nagmula ang konseptong "organisahin" ng Partido ang uri? Ito ay nagmula sa tradisyon ng 2nd International sa panahon na nasa pasulong na yugto pa ang kapitalismo kung saan wala pa sa agenda ang pag-agaw ng proletaryado sa kapangyarihan kundi sa mga pakikibaka para sa reporma. Sa pakikibaka para sa reporma na sa panahong iyon isang tamang linya lumitaw ang mga permanenteng organisasyon gaya ng mga unyon at mga sosyalistang partido na mass party ang katangian para sa parlyamentaryong pakikibaka.

Subalit nagbago ang lahat ng ito ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang imperyalistang yugto. Ang porma ng organisasyon at pakikibaka ng proletaryado ay nagbago din. Sa bisperas ng pagpasok ng bagong yugto, sa 1905 sa Rusya, tinuruan ng mga manggagawa ang kanyang Partido, ang partidong Bolshevik kung ano ang angkop na porma ng organisasyon at kung ano na ang laman ng pakikibaka ng uri. HINDI ang mga Bolshevik ang nagturo sa uri kundi ang huli ang nagturi sa una.

Tinuruan ng uri ang kanyang partido na lipas na ang mga pormang unyon, at ang dapat na porma ng organisasyon ay ang mga sobyet ng manggagawa — mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang laman ng pakikibaka ay hindi na para sa reporma kundi para agawin na ang kapangyarihang pampulitika. Ang 1905 revolution ang naging aral para manalo sa Rusya ang sosyalistang rebolusyon sa 1917 sa gitna ng pandaigdigang rebolusyon mula 1917-23.

Hindi ang mga Bolshevik ang nag-organisa sa mga manggagawa sa sobyet kundi ang mga manggagawa mismo ang nag-organisa sa kanilang sarili. Ang mga sobyet na sinabi ni Lenin na ekspresyon ng diktadura ng proletaryado.

Sa 70s, 80s, last year at nitong huli sa Egypt pinakita ng mga manggagawa sa ibat-ibang bahagi ng mundo ang kanilang kapasidad na mag-organisa at makibaka wala o mayroong unyon, wala o mayroong partido.

Ang papel ng mga komunista, ang papel ng partido bilang minorya sa loob ng uri ay hindi mag-organisa sa uri kundi bigyan ng pampulitikang oryentasyon at direksyon ang mga organisasyon at pakikibaka nila para sa ultimong layunin na ibagsak ang burges na estado at itayo ang diktadura ng proletaryado. Ito ang tungkulin ng isang rebolusyonaryong partido: (1) itaas ang kamulatan ng uri na nais ilihis ng burgesya para hindi ilunsad ng una ang sosyalistang rebolusyon sa pandaigdigang saklaw, (2) ilantad sa harap mismo ng uri ang parehong katangian ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya (administrasyon man o oposisyon); kaugnay nito ipaliwanag sa uri na isang bitag ang anumang pakipag-alyansa sa kahit alinmang paksyon ng burgesya, maging ito ay temporaryo lamang, ang tanging alyansa na dapat pasukin ng uri ay ang internasyunal na alyansa ng uring manggagawa, at ito ang mapait na karanasan sa edsa 1 at 2 na kahit na katiting hindi natuto ang Kaliwa, (3) ilantad sa harap ng mga manggagawa ang kontra-rebolusyonaryong katangian ng mga unyon, parlyamento at lahat ng tipo ng nasyunalismo; sa halip ipaliwanag sa kanila ang internasyunal na kasaysayan ng kanilang uri sa usapin ng tamang porma ng organisasyong itayo nila — mga konseho ng manggagawa o sobyet — at ang tamang laman ng pakikibaka nila — hindi para sa reporma kundi para agawin ang kapangyarihang pampulitika. Sa madaling sabi, ang tungkulin ng mga komunista at ng Partido ay paunlarin ang makauring pagkakasia at kamulatan ng uri sa batayan ng internasyunalismo at independyenteng kilusang manggagawa. Sa pagpapatupad ng mga tungkuling ito, kailangang sa lahat ng pagkakataon ang mga komunista ay kasama sa mga konseho at pakikibaka ng kanilang uri at hindi mga "arm-chair revolutionaries" o "revolutionaries from afar".

Lubhang napakahirap ng mga tungkuling ito dahil sa mahigit 50 years na distorsyon ng Stalinismo sa marxismo at sa mismong istorikal na karanasan ng makauring pakikibaka dahil nababalot pa rin sa mga mistipikasyon at ilusyon ang maraming manggagawa. Katunayan, mas madali pa ngang magpakilos ng ilang daan ka tao mula sa organisadong base ng Kaliwa para sa media projection basta may pera lang para transportasyon ng "masa" nila. O kaya ay makipag-negosasyon sa burges na oposisyon para pondohan ang ilang libong kilos-protesta ng Kaliwa laban sa isang paksyon ng burgesya.

Marxismo laban sa anarkismo

Sana sa mga paliwanag sa itaas ay maintindihan ni Bryan na hindi kami mga anarkista kundi mga kaliwang komunista kahit pa hindi siya sang-ayon sa mga paninindigan ng kaliwang komunismo. Subalit para sa maiksing paliwanag hinggil sa anarkismo:

1. Hindi naniniwala ang mga anarkista na ang uring manggagawa ang tanging rebolusyonaryong uri sa lipunang kapitalista at may istorikal na misyon na durugin ang kapitalismo at itayo ang komunismo. Sa halip ay naniniwala ang mga anarkista na simpleng kabilang isa lamang ang proletaryado sa pinagsamantalahang mga uri ng kapitalismo. Kaya nga nasabi ni Bakunin na ang lumpen-proletaryado ang may kapasidad na durugin ang kapitalismo.

2. Hindi naniniwala ang mga anarkista sa pangangailangan ng isang rebolusyonaryong partido para manalo ang komunistang rebolusyon. Kung meron mang mga "komunista" na malapit sa mga anarkista sa ganitong partikular na pananaw sa usapin ng partido ay ang halos naglaho na na mga council communist at hindi ang mga left communist.

3. Hindi naniniwala ang mga anarkista sa pangangailangan ng transitional state mula kapitalismo tungong komunismo. Para sa kanila ay kagyat na durugin ang estado at itayo ang autonomous na maliitan, hiwa-hiwalay na komunidad ng tao. Ang mga kaliwang komunista ay tumindig sa pangangailangan ng transitional state pero ang estadong ito ay hindi siyang ekspresyon ng diktadura ng proletaryado kundi ang mga konseho ng manggagawa. Tutol ang left communists sa "dictatorship through the state" at sa halip ay tinindigan namin ang "dictatorship over the state through the workers councils. Sa ganitong punto, tinindigan namin na MALI na pumasok ang Partido sa transisyunal state kahit pa lagyan ito ng karatulang "workers state". Ang saniban ng Partido ay ang mga konseho ng manggagawa. Dagdag pa, tinindigan namin na ang transitional phase ay mangyayari sa internasyunal na antas at hindi sa bawat bansa. Ibig sabihin, masimulan lamang ang transition from capitalism to communism kung madurog na sa pangkalahatan ang kapitalistang paghari sa pandaigdigang saklaw.

Ang patuloy na paniniwala ng mga taong gaya ni Bryan na ang kaliwang komunismo ay anarkismo ay nagpakita lamang na hindi talaga nila naintindihan ang anarkismo at ang marxismo at ang kaibahan ng una sa huli. Sa ganitong punto, ang teoretikal na klaripikasyon ay hahantong sa intelektwal na kayabangan at mahuhulog sa kahibangan.