Matinding Kalamidad: Komunistang rebolusyon o pagkasira ng mundo?

Ang natural na kalamidad ay hindi maaring mapigilan ng tao sa kasalukuyang naabot na kaalaman at teknolohiya ng mundo. Subalit ang paglala nito at ang pagdami ng mga biktima - buhay ng tao, kabuhayan, ari-arian - ay hindi na kagagawan ng kalikasan kundi kagagawan na ng panlipunang sistemang umiiral.

Hindi man mapigilan ang mga kalamidad, maari naman itong mapaghandaan at ma-minimisa ang pinsalang idudulot ng mga ito. Pero magagawa lamang ito ng isang lipunang umaayon sa komon na interes ng sangkatauhan.

Hindi nga kagagawan ng naghaharing uri sa Pilipinas ang bagyong Ondoy at Pepeng. Subalit malaki ang responsibilidad ng mapagsamantalang uri kung bakit umabot sa mahigit 760 buhay ang nasawi, mahigit 7 milyong tao ang apektado, mahigit P18.7 bilyong ari-arian ang nasira, kasama na dito ang mahigit P12.6 bilyong halaga ng pananim ang nawala.[1]

Ang mas nakababahala pa ay padalas ng padalas ang pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas.

Sinisira ng kapitalismo ang kalikasan

Bagyo, lindol, baha, sunog sa kagubatan, at iba pa. Ito ang mga sakunang laging naranasan, naririnig, nababasa at napapanood natin. Kahabag-habag ang dinanas ng milyun-milyong biktima sa buong mundo kung saan ang karamihan ay mahihirap.

Hindi lang mga bansa sa Asya at Aprika ang biktima kundi maging ang sa Uropa at Amerika. Walang pinipili ang bangis ng kalikasan - mahirap o mayamang bansa man.

Bakit nagkaganito ang ating kapaligiran ngayon sa kabila ng naabot na modernisasyon at abanteng sibilisasyon?

"Famines are developing in the Third World, and will soon reach the once so-called "socialist" countries, while in Western Europe and North America food stocks are being destroyed, and farmers are paid to cultivate less land or being penalised if they produce more than their quotas. In Latin America, killer diseases like cholera, once eradicated, have returned and reached epidemic levels. All over the world, floods and earthquakes have killed tens of thousands, even though the means exist to build dykes and houses which could prevent such holocausts. At the same time, it is not even possible to accuse "fate" or "nature" of provoking disasters such as Chernobyl where in 1986 the explosion of a nuclear power station killed hundreds (if not thousands) of people and contaminated whole regions, or in the more developed countries, of causing mortal catastrophes in the great cities: 60 dead in a Paris railway station, more than 31 killed at the Kings Cross Underground fire in London. The system is also proving incapable of preventing the destruction of the environment, acid rain, nuclear and other pollution, the greenhouse effect, or the spread of the desert, all of which threaten the continued survival of humanity itself" (Manifesto of the 9th ICC Congress, July 1991)

Mayroong mayor na dahilan kung bakit patuloy na nasisira ang kapaligiran:

-- Paglaki ng green house effect

-- Kawalan ng epektibong pangagasiwa sa basura

-- Mabilis na pagkalat ng polusyon

-- Pagkaubos ng likas na yaman

Hindi simpleng maling pangangasiwa ng estado ang dahilan; hindi simpleng ibuntong ang sisi sa isang partikular na paksyon ng naghaharing uri o pambansang burgesya. Lahat ng paksyon ng naghaharing uri - nasa kapangyarihan o wala; nasa mayaman o mahirap na mga bansa - ay pangunahing responsable sa mga nakamamatay na kalamidad dulot ng pagkasira ng kapaligiran. Pandaigdigan ang mga dahilan ng pagkasira ng kalikasan; bunga ng kabulukan mismo ng pandaigdigang kapitalismo. Walang anumang pambansang solusyon dito.

Green house effect

Unang-una, dapat linawin na hindi nakakasira, sa halip nakatulong pa nga ang green house effect sa tao at sa mundo:

"...we have to be clear that the greenhouse effect is a highly beneficial fact for life on the earth - at least for the kind of life that we know about - to the extent that it makes it possible for the average temperature on the surface of our planet (average taking into account the four seasons and the different latitudes) of around 15°C instead of -17°C, the estimated temperature in the absence of the greenhouse effect. We have to imagine what the world would be like if the temperature was permanently below 0°C, with the seas and rivers frozen. To what do we owe this extra 32 degrees? To the greenhouse effect: the light of the sun penetrates the lower layers of the atmosphere without being absorbed (the sun does not heat up the air), and feeds the energy of the earth. The radiation which emanates from the latter (as from any celestial body), being composed essentially of infrared waves, is then intercepted and abundantly absorbed by certain constituents of the air such as carbon anhydride, water vapour, methane and other parts of the synthesis such as chlorofluorocarbons (CFCs). The thermal balance of the earth profits from the warmth produced in the lower reaches of the atmosphere, and this has the effect of increasing the temperature of the earth's surface by 32°C."[2]

Ang nakakasira ay ang pagdami at pagkaipon ng green house effect sa kalawakan ng mundo:

"The problem is not therefore the greenhouse effect in itself, but the fact that with the development of industrial society many ‘greenhouse' substances have been introduced into the atmosphere, the concentration of which is clearly growing, with the result that the greenhouse effect is increasing. It has been shown, for example, thanks to studies of the air trapped in the polar ice, which goes back 650,000 years, that the present concentration of CO² has gone from 380 ppm (parts per million or milligrams per cubed decimetre) is the highest throughout this entire period, and perhaps the highest over the past 20 million years. Furthermore, the temperatures registered during the 20th century have been the highest for 20,000 years. The frenetic resort to fossil fuels as a source of energy and the growing deforestation of the earth's surface have, since the beginning of the industrial era, compromised the natural balance of carbon gases in the atmosphere. This balance is the product of the release of carbon dioxide into the atmosphere on the one hand, via the combustion and decomposition of organic matter, and, on the other hand, of the fixation of this same carbon gas through photosynthesis, a process which transforms it into glucose and thus into complex organic matter. The imbalance between the release (combustion) and fixation (photosynthesis) of CO², to the advantage of release, is at the basis of the current accentuation of the greenhouse effect."[3]

Dahil sa kalikasan ng kapitalismo na ganid sa tubo, kompetisyon sa kumikipot na pandaigdigang pamilihan at pamurahan ng produkto, ang resulta nito ay walang pakundangang "pagpapaunlad" ng teknolohiya, makina at industriya na walang pakialam kung ano ang maging epekto nito sa kapaligiran. Ito ang esensya ng "industriyalisasyon" sa mayayaman at makapangyarihang mga bansa at sa mga bansang nag-aambisyong maging industriyalisado, kabilang na ang mga pekeng sosyalistang mga bansa gaya ng China, Vietnam, at Venezuela.

Lahat ng mga pambansang burgesya, kabilang na ang umaangking "sosyalista" at "anti-imperyalista" kuno ay responsable sa pagdami ng green house effect sa atmospera ng daigdig dahil sa "pambansang industriyalisasyon" para sa bangis na kompetisyon sa internasyunal na antas.

Ang pagdami at pagkaipon ng green house effect ang isa sa dahilan kung bakit padalas ng padalas, palakas ng palakas ang mga ulan at bagyo na nagdulot ng nakamamatay na mga baha. Ayon mismo sa pahayag ng IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change) ng UN at ng MIT (Massachusetts Institute of technology) sa Boston, "an additional warming of a few degrees centigrade would provoke a more intense evaporation of the ocean waters, but the most sophisticated analyses suggest that there would be an accentuation of the disparity in rainfall in different regions. Arid zones would extend and become even more arid. The ocean areas with surface temperatures above 27°C, a critical point in the formation of cyclones, would go up by 30 or 40%. This would create a succession of catastrophic meteorological events resulting in recurrent floods and disasters. The melting of a large part of the glaciers in the Antarctic and Greenland, the increasing temperature of the oceans, would raise the level of the latter, with salt water penetrating many fertile coastal regions and whole regions being submerged (part of Bangladesh, many ocean islands)"

Sa prediksyong ito ng IPCC at MIT, hindi pa nila isinaalang-alang ang kahayukan sa enerhiya at industriya ng bagong industriyal na kapangyarihan sa kapitalistang mundo: China at India.      

Problema sa produksyon at pangangaiswa sa basura

Sa pangkalahatan ang dekadenteng kapitalismo ay sistema ng mga basura. Sa abante at atrasadong mga bansa man, isa ang basura sa mayor na problema. Ano ang puno't dulo ng problema sa basura kung saan ang ilusyon at pagmamayabang ni Bayani Fernando ng MMDA (Metro Manila Development Authority) ay naging bangungot mismo sa kanya ng malasap ng Metro Manila ang bagyong Ondoy?

Ang kapitalismo ay sistema na nakabatay sa paglikha ng mga kalakal para ibenta sa pamilihan. Ang layuning mabenta ang kalakal ang nagtulak para sa kompetisyon, ang isa sa naturalesa ng kapitalistang sistema. Ang kompetisyon para mabenta at magkamal ng tubo ang siyang dahilan kung bakit:

        1. "The production of commodities cannot be planned in space and time because of competition between capitalists; it therefore follows an irrational logic, according to which each capitalist tends to enlarge his own production in order to sell at a lower price and realise his profit, which leads to an excess of unsold commodities. It is moreover precisely this necessity to outdo the competition and lower prices which leads the producers to lower the quality of manufactured products, which drastically reduces their lifetime and rapidly reduces them to items of waste

        2. An aberrant production of wrapping and packaging, often made of toxic and non-degradable substances is accumulating in the environment. These wrappings, which often have no other function than to make the commodity more attractive to potential buyers, make up an increasingly large part, at the level of volume and weight, of the content of the commodity being sold. It has been estimated today that at least half of any rubbish bag in any city is filled with the remains of wrapping.     

        3. The production of waste is accentuated by the new lifestyles inherent in modern life. Eating out, in a self-service restaurant, on plastic plates and drinking from plastic bottles, has now become a daily habit for hundreds of millions of people throughout the world. Similarly, using plastic bags to put the shopping in is a convenience that hardly anyone does without. All this does not suit the environment of course, but it does suit the owners of the self-service who save on the labour-power needed to wash cutlery and crockery that is not made to be thrown away. The supermarket owner or even the local shopkeeper benefit from the fact that a customer can buy what he wants, even if he hadn't planned to buy it, knowing that he can put everything into free plastic bag. All this results in a considerable increase in the production of waste all over the world, nearing a kilo per day per citizen, or millions of tons of waste every day!"[4]

Ang gabundok na basura sa Payatas, Rizal at iba pang bahagi ng Pilipinas, ang mga aksidente at sakit na naranasan ng mga mahihirap na nabubuhay sa basura ay hindi lang nangyari sa mga atrasadong bansa gaya ng Pilipinas. Nangyari din ito sa abanteng mga bansa gaya ng Italy.

At hindi lang yan, ang malalakas na mga bansa ay pinagsamantalahan ang mahihinang mga bansa, o kaya ang mahihinang probinsya/rehiyon ng malalakas na probinsya/rehiyon ng isang bansa, sa usapin ng pagtapon ng basura.

Sa isang ulat ng dalawang grupong "maka-kalikasan" sa Amerika, ang Basel Action Network at Silicon Valley Toxics, sinasabi nito na 50 hanggang 80% ng basura mula sa elektroniks sa kanlurang mga estado ng Amerika ay tone-toneladang dinadala ng mga barko tungo sa Asya, laluna sa India at China. Hindi rin nalalayo sa ganitong layunin ang JPEPA ng Japan at Pilipinas kung saan marami ang nangangambang kabilang sa napagkasunduan ay gawing tapunan ng basura ng Japan ang Pilipinas.

Noong Mayo 2008, humihingi ng bayad-pinsala ang Panafrican Parliament sa Kanlurang mga bansa dahil sa pinsalang dinulot ng greendhouse effect at pagtapon ng basura sa kontinente ng Aprika.

Sa lokal na antas naman, ganun din ang ginawa ng abanteng mga lugar sa atasadong mga lugar, gaya ng Payatas at Rizal.

Maliban sa korupsyon mismo ng burukrasya ng estado sa Pilipinas, ang pangunahing dahilan kung bakit tone-toneladang basura ang bumabara sa mga ilog, na siyang isa sa pangunahing dahilan ng baha, ay ang krisis mismo ng sobrang produksyon ng kapitalistang sistema, na walang ibang kakambal na resulta kundi ang krisis sa basura.

Gaano man ka "tino" ang estado sa usapin ng pangangasiwa sa basura, ang pundamental na problema ay ang mismong sistema na ipinagtatanggol nito ang dahilan ng krisis sa basura at kontaminasyon ng populasyon at paligid dito.

Pinakita lamang ng bagyong Ondoy ang kabulukan at pagiging inutil ng anumang paksyon ng naghaharing uri sa usapin ng pagkontrol at pangangasiwa sa basura laluna sa Metro Manila.

Walang epektibong waste management ang mangyayari sa ilalim ng isang sistema na siyang dahilan ng krisis ng basura.

Ang pandaigdigang krisis sa basura at ang pagiging inutil ng internasyunal na burgesya na kontrolin ito ay makikita natin sa isang kahindik-hindik na ulat mula sa La Republica online, 29.10.07:

"Called the Trash Vortex, the island of rubbish in the Pacific Ocean, which has a diameter of nearly 25,000 km, a depth of 30 meters and which is composed 80% of plastic, the rest by other forms of waste arriving from all directions. It is as though there was a vast island in the middle of the Pacific, made up of rubbish instead of rock. In recent weeks, the density of this material has reached such a level that the total weight of this ‘island' of trash has reached 3.5 million tons, as explained by Chris Parry of the Californian Coastal Commission in San Francisco (...) This incredible and little-known island began to form in the 1950s, following the existence of the north Pacific subtropical gyre, a slow oceanic current which moves clockwise and spirally under the effect of a system of high pressure currents (...) the greater part of the plastic arrives from the continents, around 80%; the rest comes from boats, private commercial or fishing craft. Around the world around 100 billion kilos of plastic are produced a year, roughly 10% of which ends up in the sea. 70% of this ends up at the bottom of the ocean, causing huge damage to sea life. The rest carries on floating. The major part of this plastic is not very biodegradable and end up fragmenting into tiny grains which end up in the stomachs of many sea animals, resulting in death. What remains takes hundreds of years to decompose, meanwhile causing all sorts of damage to sea life".

Itong isla ng basura ay dalawang beses na mas malaki kaysa Amerika!

Pagkaubos ng likas na yaman

Ang kapitalismo ay mabubuhay lamang sa patuloy na paglikha ng mga kalakal na kailangang maibenta sa pamilihan. Dahil paghahanap ng mas malaking tubo at kompetisyon ang batas ng kanyang paggalaw, ilang daang beses na mas matindi ang pagnanais nito na sagarin sa pinakamabilis na paraan ang likas na yaman ng mundo, "sa ayaw at sa gusto" ng indibidwal na kapitalista.

Isa sa mayor na dahilan kung bakit dumadalas at naging mas mapamuksa ang mga ulan at baha ay ang pagkakalbo ng kagubatan, hindi lang sa Pilipinas kundi sa maraming mga bansa. Ang kagubatan ng Amazon, ang binansagang huling baga ng kalikasan ng mundo ay mabilis na nasisira, kapwa kagagawan ng mga ganid na loggers at ng polusyong dulot ng mga industriyalisadong kapitalistang mga bansa.

Sa Pilipinas, noong 70s at 80s ay mabilis na nakalbo ang kagubatan dahil sa paglakas ng furniture at wood industry. Walang pakialam ang mga kapitalista sa mangyari sa kagubatan at ang maging epekto nito sa kalikasan. Tanging ang mahalaga lamang sa kanila ay magkamal ng malaking tubo habang malakas pa ang "demand".

Laging sinisisi ng estado, naghaharing uri at ng mga environmentalist" ang "kapabayaan mismo" ng taumbayan - mahihirap na magsasaka dahil sa pagkakaingin. Ang tinatagao ng mga kaaway sa uri ay ang nagtulak sa mahihirap na masa tungo sa liblib na kabundukan upang magsaka dahil inaagaw ang lupa sa kapatagan ng mga kapitalista-haciendero.

Ang mabilisang pagkalbo ng kagubatan ay kagagawan ng "industriyalisasyon" sa kalungsuran kung saan isang malaki at mainam na negosyo ang kahoy. At ng makalbo na ang kagubatan, ang estado at mga kapitalistang siyang dahilan nito ay biglang naging maka-kalikasan at tagapagtanggol ng reforestation!

Dagdag pa dito ang walang pakundangang pagmimina ng malalaking kapitalista na walang pakialam sa risgo at banta ng buhay ng mga manggagawang minero. Mula Luzon hanggang Minadanao, ilang daang minero na ang namatay nitong nagdaang mga taon dahil sa kawalan ng proteksyon sa loob ng minahan at sa mga bagyo at baha.

Ang "kaunlaran" at "industriyalisasyon" sa ilalim ng kapitalismo ay pagkamatay ng milyun-milyong mamamayan at pagkasira ng bilyun-bilyong ari-arian:

"China has been hit by terrible floods in recent years, affecting 60 million people in central and southern China, resulting in at least 350 deaths and direct economic losses which have already reached 7.4 billion yuan; 200,000 houses destroyed or damaged; 528,000 hectares of agricultural land destroyed and 1.8 million submerged. At the same time, desertification is increasing rapidly, involving a fifth of the land area and provoking dust storms which reach as far as Japan (...) While central and southern China is hit by floods, in the north the desert continues to advance, now covering a fifth of the land along the upper reaches of the Yellow River, on the high plateau of Qinghai-Tibet and part of Inner Mongolia and Gansu.

The population of China represents around 20% of the world population, but it only has around 7% f the cultivable land.

According to Wang Tao, a member of the Chinese Academy of Science in Lanzhou, the deserts of China have increased by 950 square km a year over the last decade, Each spring time, the sand storms hit Beijing and the whole of northern China and reach as far as South Korea and Japan".[5]

Ang katotohanan: mabilis na inuubos at sinisira ng ilang kapitalistang industriyalisadong mga bansa ang likas na yaman ng mundo. Sa usapin paggamit ng likas na yaman, imposible ng maging industriyalisado ang  mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang bulok na kaayusan sa mundo:

"Although it's not talked about to the same degree, an analogous problem to the one with combustible fuels is posed with other mineral resources, for example the ones used to extract metals, It is true that, in this case, metal is not destroyed by use as is the case with oil or methane gas, but the negligence of capitalist production ends up spreading huge quantities of wasted metal over the surface of the earth, which means that sooner or later the supply of metals will also be exhausted. The use, among other things, of certain alloys and multi-stratified metals makes the eventual recovery of the ‘pure' material all the more difficult.

The breadth of the problem is revealed by estimates according to which in the space of a few decades, the following resources will be exhausted: uranium, platinum, gold, silver, cobalt, lead, magnesium, mercury, molybdenum, nickel, tin, tungsten and zinc. These are materials which are practically indispensable for modern industry and their scarcity will weigh heavily in the near future. But there are other materials which are not inexhaustible: it has been calculated that there are still available (in the sense that it is economically feasible to extract them) 30 million tons of iron, 220 million tons of copper, 85 million tons of zinc. To have an idea of these quantities, you need to think that to take the poorest countries to the level of the advanced ones, they would need 30 billion tons of iron, 500 millions of copper, 300 of zinc: that is to say, far more than the planet Earth has to offer."[6]

Kasalanan ba ng maralita ang baha?

Namayagpag ngayon sa propaganda ng mga estadong kapitalista, kabilang na ang Pilipinas, at katulong ang burges na media, na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya para panatilihing malinis at mapangalagaan ang "inang kalikasan". Nariyan ang "tree planting" campaigns, beach and sea cleaning campaigns na nilahukan pa ng mga personalidad at artista, at ang kung anu-anong mga batas para "pangalagaan" ang kalikasan.

At sa dulo ng mga propagandang ito, ay ang paninisi ng gobyerno sa mga mahihirap na matigas ang ulo at ayaw makinig sa payo ng una. Kaya ang resulta, marami sa kanila ang namatay at nalagay sa peligro ang buhay at ari-arian.

Kung sinisisi man ang estado, ito ay dahil sa maling pangangasiwa ng nagharing paksyon at korupsyon; hindi daw "maka-kalikasan" ang nasa Malakanyang. Kaya naman nagsisikap ang mga "enviromnetalists" na mahalal ang isang "maka-kalikasang" presidente at halos lahat ng mga politiko ay biglang naging "mapagmahal sa inang kalikasan"!

Masahol pa, ang mga mahihirap pa, na halos tulad na ng daga na nakatira sa mga eryang "iskwater" at tabing-ilog ang sinisisi ng estado kung bakit lumala ang baha at krisis sa basura. Nitong huli lang, libu-libong mahihirap na "iskwater" sa gili ng Manila de Bay ang namilegrong mapalayas dahil sa ang mga ito diumano ang dahilan ng pagtaas ng tubig ng huli.

Laging sinisi ng estado ang maralita kapantay sa ipokritong pagsisi nito sa mga ganid na kapitalista. Kesyo daw nagkakaingin at illegal logging para mabuhay ang mahirap na magsasaka. Kesyo daw matigas ang ulo ng maralitang taga lungsod: ilang beses ng sinabihan na huwag tumira sa delikadong lugar gaya ng sa tabing ilog at gilid ng bundok. Ang mahihirap din ang sinisisi sa krisis sa basura at paglala ng dumi sa kapaligiran.

Saan galing at bakit dumarami ang maralita sa kanayunan at kalungsuran?

Noong 19 siglo kung saan progresibo pa ang kapitalismo, pinagyabang nito na iaahon mula sa kahirapan ang masang magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalaya nito sa pyudal na pagsasamantala; mula sa pagkaalipin sa lupa. Napalaya nga ang masa sa tanikala ng lupa pero ginapos naman sila sa sahurang pang-aalipin.

Dudurugin ng kapitalismo ang uring magsasaka at peti-burgesya. Ito ang kalikasan ng sistemang sahuran at kalakal. Kailangan ng sistemang ito ang lakas-paggawa at labis na halaga para sa akumulasyon ng kapital.

Subalit sa panahon na progresibo pa ito, nagawa nitong itransporma bilang manggagawa at ipasok sa mga pabrika ang malaking bahagi ng nadurog na magsasaka at peti-burgesya. Matindi man ang pagsasamantala at pang-aapi sa kanila, naging mga manggagawa sila sa pabrika.

Nang pumasok na sa dekadenteng yugto ang pandaigdigang kapitalismo, o naging imperyalismo na ito sa pagpasok ng 20 siglo, ganap ng naging reaksyonaryo ang sistema at lahat ng paksyon ng burgesya. Ganap ng hadlang sa pag-unlad ng produktibong pwersa ang kapitalistang mga relasyon ng produksyon, sa partikular, ang sistemang sahuran.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, palaki ng palaki ang bahagi ng mga nadurog na magsasaka at peti-burgesya ang hindi na umabot sa pinal na yugto ng proletaryanisasyon. Karamihan sa mga nadurog ay di nakapasok sa mga pagawaan. Unang lebel lang ng pagkadurog ang naabot nito - pagiging dukha, naghihikahos, mahirap - at hindi sila naging manggagawa ng kapitalista.

Ang mga taong ito ang tinaguriang mala-manggagawa at informal sector. Ang popular na tawag sa kanila ay maralitang taga lungsod at nayon - mga taong walang permanenteng hanapbuhay. Karamihan sa kanila ay lumayas sa kanayunan dahil sa matinding kahirapan at lumuwas sa kalungsuran para makipagsapalaran na maging manggagawa. Karamihan sa kanila ay tinaguriang mga iskwater na nakatira sa mga lupang di kanila at sa mga lugar na peligrong tirhan ng tao.[7]

Ang kalidad ng kanilang mga bahay ay yari sa mumurahing materyales na madaling masira sa malakas na ulan, hangin at baha. Ganito ang uri ng kanilang tirahan dahil sa matinding kahirapan.

Sa Metro Manila lang, umabot na sa mahigit 500,000 pamilya ang opisyal na naitala ng estado na nasa kategoryang iskwater[8] (21% sa tinatayang 2.6 milyong pamilya sa Metro Manila) kung saan inamin mismo ng gobyerno na malaki pa ang kakulangan para sa murang pabahay at ligtas na lugar para sa relokasyon. Hindi pa kasama dito ang regular na hanapbuhay sa mga lugar na maaring paglipatan.[9]  

Isang bahagi din ng mahihirap ay naging lumpen. Ang saring na ito ay produkto ng kabulukan ng sistema pero hindi ito kabilang ni alyado ng uring manggagawa. Ang saring na ito ang kadalasang ginagamit ng uring mapagsamantala laban sa uring manggagawa.

Iligtas ang mundo at tao, Ibagsak ang Kapitalismo!

Napakaraming mga dahilan kung bakit sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay lalong lumala at hindi na mapigilan ang pagkasira ng kalikasan at sa bandang huli...ang pagkasira ng mundo at sangkatauhan. Subalit masusuma ang mga ito sa dalawang ugat ng pagkasira ng kalikasan sa panahon kung saan naabot na ng tao ang abanteng teknolohiya at modernong syensya:

-- Dibisyon ng paggawa, at higit pa, ang pangingibabaw ng pera at kapital sa produksyon, kung saan nahati ang sangkatauhan sa walang kataposang kompetisyon ng ibat-ibang grupo, yunit at uri;

-- Dahil ang katotohanan na ang layunin ng produksyon ay hindi para sa pangangailangan ng tao kundi para ibenta ito bilang kalakal, at kailangang mabili ito, anuman ang bunga para sa tao at mundo, para magkamal ng tubo.

Ang mga ito ang puno't dulo ng lahat. Walang indibidwal na kapitalista, gaano man ka"buti" ang kanyang intensyon ang makawala sa mga mapagsamantala at mapanirang batas ng kapitalismo. Sabi nga ni Marx sa Capital Volume 1, chapter 15, section 10: "Modern Industry and Agriculture":

"In agriculture as in manufacture, the transformation of production under the sway of capital, means, at the same time, the martyrdom of the producer; the instrument of labour becomes the means of enslaving, exploiting, and impoverishing the labourer; the social combination and organisation of labour-processes is turned into an organised mode of crushing out the workman's individual vitality, freedom, and independence. The dispersion of the rural labourers over larger areas breaks their power of resistance while concentration increases that of the town operatives. In modern agriculture, as in the urban industries, the increased productiveness and quantity of the labour set in motion are bought at the cost of laying waste and consuming by disease labour-power itself. Moreover, all progress in capitalistic agriculture is a progress in the art, not only of robbing the labourer, but of robbing the soil; all progress in increasing the fertility of the soil for a given time, is a progress towards ruining the lasting sources of that fertility. The more a country starts its development on the foundation of modern industry, like the United States, for example, the more rapid is this process of destruction. Capitalist production, therefore, develops technology, and the combining together of various processes into a social whole, only by sapping the original sources of all wealth - the soil and the labourer."

Sa kapitalismo, kasabay at kakambal ng pagkamal ng tubo ang pagsira sa kapaligiran at pagsasamantala sa masang anakpawis.

Palagi nating naririnig sa mga "green" activist organizations at sa Kaliwa na ang dahilan diumano ng pagkasira ng kalikasan ay ang pribadong korporasyong multinasyunal at ang kawalan ng epektibong kontrol ng estado laluna sa panahon ng "globalisasyon" (neo-liberalismo). Ang linyang ito ay pinasubalian na ng kasalukuyang krisis pinansyal kung saan nakikita ng lahat ang mala-bakal na kamay ng mga estado para isalba ang naghihingalong ekonomiya.

Pero totoo bang may kapasidad ang estado na kontrolin ang pagkasira ng kapaligiran at pangalagaan ito gaya ng lagging ginigiit ng mga organisasyon "greens" at ng Kaliwa?

Hindi. Ang kaya lamang ng estado ay kontrolin ang anarkiya pero hindi nito kayang pawiin ito. Bakit? Dahil ang pagkontrol at pagtatanggol ng bawat estado sa kani-kanilang pambansang interes ay daan tungo sa pagtindi ng kompetisyon ng bawat bansa sa kumikipot na pamilihan. Kompetisyon na siyang dahilan ng paglala ng anarkiya ng produksyon sa pandaigdigang saklaw at nagbunga ng ibayon paninira sa kaikasan.

Sa kasalukuyan, mabilis na nawawalan ng kapasidad ang estado na kontrolin ang anarkiyang dulot ng kapitalistang sistema.

Totoong maykapasidad ang abanteng teknolohiya at modernong syensya ngayon upang pangalagaan ang kalikasan, tao at ang mundo. Subalit habang ang mga ito ay nasa kontrol ng burgesya at para sa kapitalistang sistema, kabaliktaran ang gamit ng mga ito: para sirain ang tao at ang kapaligiran.

Ang tanging daan para maligtas ang tao at mundo mula sa pagkasira ng kapaligiran at mga digmaan ay ibagsak ang bulok na sistema sa pamamagitan ng internasyunal na rebolusyon ng masang manggagawa.

Sa lipunang komunismo lamang tunay na magamit ang teknolohiya at syensya para sa kapakanan ng tao, mundo at kapaligiran.  Sa antas ng krisis ng kapitalismo at kabulukan ng estado ngayon, mas lalong lumalaki ang pangangailangan na ipagtagumpay ang komunistang rebolusyon sa lalong madaling panahon. #

Berto Dimasalang


[1]Ayon mismo sa National Disaster Coordinating Center: 341 patay sa Ondoy (Ketsana), 797,404 o 3,899,307 tao ang apektado, P8.328B nasira, kasama na dito ang P5.584 agrikultura.

419 patay sa Pepeng (Parma), 662,274 pamilya o 3,106,978 tao ang apektado, P10.437B nasira, kasama na dito ang P7.032B agrikultura

[2]ICC, ‘The world on the eve of environmental catastrophe'

[3]ibid

[4]Ibid.

[5]Ibid.

[6]Ibid.

[7]Sa pandaigdigang saklaw, nakitaan ang paglitaw ng mga higanteng syudad sa 20 siglo. Sa maagang bahagi ng siglong ito, mayroon lamang anim na syudad na mayroong mahigit isang milyong (1,000,000) populasyon; sa kalagitnaan ng siglo, mayroon lamang apat na syudad na may mahigit limang milyong (5,000,000) populasyon. Bago ang WW II, ang mga higanteng syudad ay penomenon na makikita lamag sa industriyalisadong mga bansa. Ngayon, mayorya ng mga higanteng syudad ay konsentrado na sa atrasadong mga bansa. Ang ilan sa kanila, ay sampung beses na lumaki ang populasyon sa nagdaang ilang dekada. Ngayon, kalahati ng pandaigdigang populasyon ay nakatira sa mga syudad: sa 2020, magiging 2/3 na ito. At karamihan sa mga pamilyang galing sa kanayunan ay nagsisiksikan sa masisikip na eryang "iskwater" at delikadong mga lugar na kulang na kulang ang panlipunag serbisyo at mahihina ang istruktura ng kanilang mga bahay. Ang mahigit 5,000 tao araw-araw na lumuwas sa mga syudad para makipagsapalaran ay walang malinaw na kapalaran maliban sa madagdag sila sa bilang ng mga dukha at naghihikahos sa mga higanteng syudad na ito.

[8]http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20091018-230766/P32B-needed-to-house-500000-squatter-families

[9]Ayon mismo sa Metro Manila Inter-Agency Committee on Informal Settlers (MMIAC), ang kailangang itayong mga bahay taon-taon ay dapat 14,922 pero ang kakayahan lamang ng gobyerno ay 7,767!

Mga komento

Binuhay muli ng mga

Binuhay muli ng mga ipokritong pilantroppong american singers ang "We are the world" para sa mga biktima ng lindol ng Haiti. Hindi masama ang magbigay ng tulong sa mga biktima ng kalaminad. Ang masama kung ginagamit ang "pagtulong" para itago ang tunay na dahilan ng paglala ng kalaminad at kung bakit sa taas na naabot ng teknolohiya ay inutil na ang sistema at mga estado na proteksyunan ang kanyang mga sahurang alipin.